Namamaga ang mga mata ni Mico nang gumising ng umaga. Nahihilo pa siya nang bumababa sa hagdan. "Parang kahapon lang, bumababa ko rito tapos naghihintay sa akin si Ivan sa baba. Ngayon, bumababa akong nagdaramdam."
Sa sofa siya dinala ng kanyang mga paa. Pasalampak na umupo. "Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi." bumuntong hininga siya. Saka niya naalala ni Vani. "Si Vani nga pala?" Hinanap niya ang kanyang alagang aso.
Nakita niya ito sa isang sulok. "Vani." tawag niya sa alaga. "Hindi ka na iniintindi ni Mico noh? Sorry na po." pagkatapos ay hinalikan niya ito sa batok. "Ang baho mo na Vani. Papaliguan na kita." Inilabas niya ang alaga para paliguan.
Nasa labas na sila ng alaga. Natigilan siya ng maalala ang nangyari kagabi.
"Kung gusto mo ng kayakap, maghanap ka ng iba. Hindi si Mico ang babastusin mo?" naalala ni Mico kung paano naging concern sa kanya si Ivan. Napangiti siya ngunit agad ding napalis dahil hindi pa rin tama ang inasal niya sa bisita niyang si Rico.
Lalo na nang maalala niya kung paano sinapak ni Ivan si Rico. Napangiwi nalang siya at napa-tingin sa bahay nila Ivan. "Mukhang tahimik. Parang walang tao. Gusto pa ba akong kausapin ni Ivan? Bakit ba siya nagkakaganun?" napabuntong hininga siya. "Pinoprotektahan lang niya ako kasi... imposibleng mahalin niya ako." nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
Saka naman niya naalala ang sinabi ni Rico kagabi. "So wala kang pakialam kung nililigawan ko si Mico." napabuntong hininga siya. "Si Rico may gusto sa akin? Parang ayaw ko yatang paniwalaan. Ano ba talaga kais ang ibig sabihin niya? Bakit pa siya nagpahiwatig sa akin at huwag akong mag-alala?"
Iniwas na niya ang tingin sa bahay ni Ivan. Pinagtuunan niya ng pansin si Vani. Kahit ang totoo hindi mawala sa isip niya si Ivan. "Ang dami na palang bago sa amin ni Ivan. Hayyy..."
-----
Kanina pa tulala si Ivan habang nakahiga sa kama. Nakatingin lang siya sa kanyang kisame habang inisip ang nangyari kagabi. Para siyang lasing kagabi na ngayong matino na siya saka niya lang naiisip ang mga maling nagawa. Sising-sisi siya at nahihiya kay Rico lalo na kay Mico.
Napapa-buntong hininga siya kapag naaalalang kailangan na naman niyang humingi ng sorry kay Mico. Ayaw na niyang gawin iyon hindi dahil ayaw na niyang makipagbati. Wala lang siyang mukhang maihaharap kay Mico.
Pero namimis na niya si Mico, ang totoo. "Ano ba itong nararamdaman ko?" napapikit siya. Saka nakapa niya ang kanyang dibdib kung saan mayroong tumitibok. "Imposible, lalaki si Mico. Paano mali lang ako sa naiisip ko." hindi niya gusto ang nabuo sa kanyang isip kaya napada siya sa kama pagkatapos ay tinabunan ng unan ang ulo. Nagbabaka sakaling maiiwasang maisip si Mico.
"Waaaaaaaaa....." sigaw niya.
"Oh bakit ka sumisigaw?" si Divina na pumasok sa kwarto ni Ivan.
"Ma?" gulat ni Ivan.
"Oh bakit? Nananaginip ka ba?"
"Ah hindi po. Hindi lang po kasi ako makatulog."
"Ibig sabihin bumangon ka na."
"Ayoko pa ma." reklamo ni ivan.
"Sige na bumangon ka na. May ipapagawa ako sayo."
"So nagluto po kayo?"
"Ano pa nga ba?"
"Ok."
-----
Mas hinahanap ng panlasa ni Ivan ang luto ni Mico. Tinignan pa lang niya ang spaghetti na luto ng ina, pangalan na agad ni Mico ang nakikita niya. Pinapalagay na nga lang niyang gawa iyon ni Mico. Binilisan na lang niya ang pagkain ng spaghetti. Pagkatapos ay gagawin niya ang iuutos ng ina. Ibubuhos niya ang buong atensyon at para abalahin ang sarili doon para mawala sa kanyang isipan si Mico.
"Ano ba yan Ivan." si Divina. "Mali yan. Ang nasa likod ang dapat ang nasa harap."
Nagpapalit kasi sila ng kurtina. Mataas kasi ang bintana nila kaya si Ivan ang pinagagawa.
"Ganoon ba ma?"
"Kanina ka pa. Pang-apat na yan. Hindi mo parin natatandaan ang harap at likod."
"Sorry ma." buntong hininga.
-----
"Mico." tawag ni Saneng kay Mico pero hindi nito narinig. "Mico..." medyo hinabaan niya ang pagtawag.
"Ah bakit?" biglang sagot ni Mico.
"Kanina pa nagriring ang telepono kasi. Akala k naririnig mo. Ano ba namang bata ito, tulala na dahil sa pag-ibig."
"Ano pong sabi niyo?" hindi kasi masyadong naintindihan ni Mico ang sinabi ng kasambahay.
"Wala naman. Ang teleppono kako."
"Ok." sagot nalang niya. Agad-agad niyang kinuha ang awditibong telepono. "Hello?"
"Anak si Mama m ito. Kamusta ka na?" si Laila sa kabilang linya.
"Ma?" nagulat pang sagot ni Mico.
"O bakit parang nagulat ka pa? Saka bakit ang tagal mong sagutin?"
"A-ah kasi po nasa taas po ako kabababa ko lang."
"Eh si Saneng?"
"May binili po." pagsisinungaling niya.
"Ah ganun ba? Tumawag lang ako para kamustahin ka. Sigurado ka ba sa desisyon mong yan na hindi muna pumasok ngayong taon?"
"Opo Ma."
"Basta tandaan mo Mico, ipapagtuloy mo yan. Sa susunod na taon hindi na pwede ang kahit anong alibi ha?"
"Opo Ma. Salamat po." napangiti siya. "Wait Ma. Kamusta pala kayo ni Dad?"
"Ok na kami. Pero hindi na namin napagusapan pa ang nangyari. Huwag kang mag-alala, Mico."
"Dont worry Ma. Ok lang sa akin."
"Sige na. Mag-ingat kayo diyan. Kamusta mo nalang pala ako kay Tita Divina mo."
"Opo Ma. Ikaw rin po ingat din."
-----
"Last day na." malungkot na nasabi ni Ivan sa kawalan.
Bukas balik pag-aaral na si Ivan sa unibersidad na pinapasukan niya par asa kanyang huling taon. Tumakbo ang halos dalawang linggo pero wala parin silang pansinan ni Mico. Paano nga ba sila magpapansinan, hindi nga sila nagtatagpo. Alam niyang nagpupunta pa rin si Mico sa bahay nila gaya ng sabi ng Mama niya pero tinataon nitong wala siya.
Minsan nakita niya si Mico pero palabas na ito ng bahay. Hind naman niya magawang tawagin dahil alam niyang galit ito sa kanya. Minsan sinabi niya sa ina yayaing sumabay si Mico sa kanila pero nalaman niyang todo tanggi si Mico. Nabuo na lang sa kanyang isip na wala talagang balak makipagbati sa kanya si Mico.
"Pero siya ba dapat ang lumapit sa akin para maging maayos muli kami? Ako ang may kasalanan di ba?" tanong niya sa kanyang sarili.
Nami-miss na niya si Mico, ang totoo. Kaya niyang aminin iyon pero ang hindi niya matanggap ay ang mas malalim pa roon. Pilit niyang itinatago ang sarili sa di katotohang nararamdaman niya. Sumilip siya sa bintana nila para tanawin kung may Mico ba siyang matatanaw sa bakuran ng bahay nila.
"Wala na naman. Natitiis talaga ako ni Mico." Pagkatapos ay hinila niya ang kurtina ng bintana para masarahan iyon. Ayaw na niyang sumilip, dahil nakakaramdam lang siya ng kirot sa dibdib kapag wala siyang Micong natatanaw.
-----
"Maghapong nakahiga. Tatayo lang kapag kakain. Ano ba naman yan Mico." bulyaw niya sa sarili. Tumayo siya at kinuha ang kanyang laptop. Nang mabuksan ay tipid na ngumiti nang makita ang larawan ni Ivan. Naisipan na lang niyang muling tignan ang mga iba pang pictures ni Ivan.
"Tama, hndi ko pala natatapos tignan lahat. Ayun na lang ang gagawin ko." saka siya maluwang na nangiti.
Pero tulad ng dati, napapangiwi siya nang may nakikitang ibang tao na kasama ni Ivan sa picture. Naiinis siya. Nagseselos. "Lalo ka nang babae ka. Ang higpit ng yakap mo sa Ivan ko Hmpt... Kapag nakita kita, kakalbuhin kita." sabay tawa. Natawa siya sa nangdinuro-duro niya ang babaeng nasa picture. "Ikaw din, isa ka pa. Halata namang... Bad words Mico." saway din niya sa sarili niya. "Basta tandaan niyo... kayong lahat. A KIN LANG SI I VAN KO."
Pagkatapos ay siryoso na niyang sinilip ang iba pang mga kuha.
-----
Bumaba si Mico bandang hapon, gusto niyang magmeryenda. Hinanap niya si Saneng sa kusina pero hindi niya ito nakita. Sinilip niya sa silid nito at nakita niyang nagpapahinga ito. Hindi na niya inabala pa. Muli na lang siyang bumalik sa kusina mag-prepare ng makakain.
Naghanap siya ng stocks na maari niyang iprepare pero parang wala siyang gana sa mga nakikita niya. Inuna na lang niya ang paggawa ng juice. Nagtimpla siya pagkatapos ay sinilip ang drawer kung saan may nakaimbak na snacks. Nakakita ng isang pack ng cheese curls at iyon ang dinampot niya.
Ngunguya-nguya siya sa harapan ng t.v. Nanonood siya ng panghapong telenovela. Naramdaman niyang nadadala siya sa mga eksena kaya parang gusto niyang maiyak din tulad ng bidang umiiyak sa eksena.
Naubos na ang kanyang kinakain pero hindi pa tapos ang pinapanood niya. Binalak niyang kumuha uli ng mangugnuya. Saka niya napansin ang isang bulto ng basura sa isang gilid. Naisipan niyang ilabas na iyon dahil pangit sa paningin niya. Imbes na kumuha ng makakain, inuna muna niyang ilabas ang basura.
Hila-hila niya ang basura sa labas. Hingal pa nga siya nang maipasok na iyon sa isang garbage box sa harap ng bahay nila. Napatingin siya sa langit nang maramdaman sa kanyang braso ang ambom. "Parang uulan ng malakas." nasabi ni Mico.
"Mico."
Napatingin siya sa kanyang likuran dahil tinawag ang kanyang pangalan. Nalingunan niya si Tita Divina na nasa gate. Ngumiti siya.
"Mico." muling tawag ni Divina. "Halika dali."
Lumapit naman siya. "Bakit po?" masaya niyang tanong.
"Pasok ka muna." yaya ni Divina.
"P-po?" bigla siyang natigilan.
"Sige na. Wala ka namang ginagawa eh." sabay tawa ni Divina. "Lagi ka na lang busy kaya hindi pwedeng hihindian mo ako ngayon."
Natawa siya. "Kasi tita naiwanan ko pong bukas ang t.v."
"alibi mo Mico, gasgas na." natatawang biro ni Divina. "Halika na."
Hindi naman na-offend si Mico sa sinabi ni Tita Divina kahit totoo namang naiwanan niyang bukas ang t.v. Pati nga ang basong gamit sa kanina ay nasa lamesa pa at hindi pa ubos. Napilitan na rin siyang sumang-ayon.
-----
"Gusto ko naman makapagkwentuhan tayo. Aba, tagal mo nang hindi tumitigil dito ah." may halong kalungkutan ang tono ng pananalita ni Divina.
"Sorry po Tita."
"May tampuhan siguro kayo ni Ivan?" tanong ni Divina.
"Ay wala po tita." ngumit siya. Pinilit niyang ipakitang walang problema.
"Sigurado ka ha? Ok... dito ka na muna. Hihintayin mo hanggang sa maghapunan. Tapos saka ka na pwedeng umuwi."
"P-po?" kinabahan si Mico dahil maaring magkaharap sila ni Ivan.
"Oo. Gusto ko kasi, makita kita ng matagal. Na-miss talaga kitang bata ka."
Natawa siyang pilit sa sinabi ni tita Divina. "O-ok po." pero sa loob-loob niya. "Patay. Umiiwas nga ako kay Ivan eh. Bahala na nga."
"Huwag kang mag-alala, nagluluto na naman ako. Maya-maya kakain na tayo."
"Sige po. Susunod din pala po ako sa inyo sa kusina."
"Sige doon ka para doon tayo magkwentuhan."
At silay nagtungo sa kusina.
-----
"Ma."
Narinig ni Mico ang tawag ni Ivan kay Tita Divina. Napatayo siya sa pagkakaupo. Nakatalikod si Tita Divina kaya hindi halatang nag-papanic si Mico. "Tita, sa c.r. lang muna po ako."
"Ha? ah, cge."
"Bilis tago, Mico" agad siyang tumakbo sa loob ng c.r. kusina. Nang makapasok ay halos mnarinig niyang nag-eecho ang kabog ng kanyang dibdib sa kaba. Saka niya idinikit ang tenga sa nakasaradong pinto.
-----
"Ma. Nakita mo ba yung dati kong gamit na bag?"
"Oo. Nilabahan ko kasi. Alam kong iyon ang gagamitin mo sa pagpasok kay nilabahan ko muna."
"Akala ko nawala na. Kanina pa ako naghahanap hindi ko makita."
Natawa si Divina.
"Anong ulam?" tanong ni IVan.
"Adobong manok."
"Tamisan mo Ma ha?"
"Gusto ba ni Mico ang manamis-namis?" natanong ni Divina.
"Bakit niyo naman natanong?"
"Dito rin kasi siya kakain."
Nanlaki ang mata ni Ivan. Saka nagsalita ng mahina halos pabulong na nga. "Asan siya?"
Natigilan naman si Divina sa ginawa ng anak. Saka isinenyas na nasa c.r. nang ma-gets ang ibig sabihin ni Ivan. Nakita ni Divina ang luwang nang pagkakangiti ni Ivan ng malaman nitong naroon si Mico sa c.r. Naramdaman niyang nagkaroon na naman ng tampuhan ang dalawa. May naisip siyang gawin. "Paluto na itong niluluto ko kaya ikaw na Ivan ang magbantay."
"Ma?" magrereklamo sana si Ivan dahil malay niya sa pagluluto. Pero pinandilatan siya ng ina. "Ok po."
Lumapit si Divina sa tapat ng c.r. "Mico, aakyat lang ako. Paluto na ang niluluto ko kaya paglabas mo patayin mo na lang ha? Alam ko naririnig mo ko." pagkatapos ay tumingin kay Ivan. "Ivan halika na, kunin na natin ang gagamitin mong bag." pero si Divina lang ang umalis.
Na-gets ni Ivan ang nasa-isip ng ina. Napapakamot na lang siya sa ulo.
-----
Paano sisimulan nina Mico at Ivan ang bagong kabanata ng kanilang kwento?
Muli bang magbabalik ang masasaya't nakakakilig nilang nakaraan?
O magpapatuloy lang ang nasimulan na nilang tampuhan?
Paano makaka-apekto sa kanilang dalawa ang mga parating na mga tauhan sa kwento?
Maiintindihan pa kaya ni Ivan ang kanyang hindi maipaliwanag na nararamdaman?
At may posibilidad nga bang mangyari ang nais ni Micong pag-ibig sa katauhan ni Ivan?
Pag-ibig na ba kaya ito?
ABANGAN!
6 comments:
sa susunod uli.. sana naman magtapat na ng nararamdaman nya si ivan
habang tumatagal lalo akong na eexcite sa mga maaaring mangyari sa susunod n kabanata... hayyyyy sana ma update po agad..
kudos....
lalo nmn ka abang abang, magtatapat na kaya c ivan,,,,masasagot kaya ang mga katanungan ni mico sa inaasal ni ivan sanaaaaaaaaaaaaaa kakakilig naman,,, thanks mr writer keep it up muahhhh
TWO THUMBS UP!!! SUPER LIKE!! Sundan na ng Chapter 21 yan. Lagi kong inaabangan 'tong series na 'to kahit bawal mag-internet sa office tumatakas ako para lang i-check kung may bagong installment na. Nakakakilig!!!
ayyyyyyyyyyyy pag-ibig nga kaya..... kaganda naman.... abangan ko uli ang next chapter... :))
nakakakilig tlga...parang kami madalas mag-away...
+carlorenz22+
Post a Comment