"Ano ba ang pinag-iisip ko?" muli ko nanamang kinakausap ang aking sarili. "Nagseselos ba ako? Ano ba ang nararamdaman kong ito? Natural lang naman sa kanila ang maglaro pero... bakit ang gusto ko ako lang ang dapat na kausap ni Arvin."
Umalis ako sa cottage. Nagtungo ako sa isang open function hall ng beach resort para makinig sa mga umaawit sa videoke. Mga Adults ang karaniwang naka-istambay sa lugar na iyon. May ilan ding hindi ko kilala na gustong umawit. Pero nang dumating ako, kilala ko ang umaawit.
Umupo ako sa isang sulok, nakikinig sa umaawit. Doon ako magpapalipas ng oras para makalimot sa hindi ko maintindihang sakit. Ipinatong ko ang aking siko sa lamesa para itungkod sa aking ulo. Hindi ko namamalayang kahit ang aking atensyon ay nasa kumakanta, ang isip ko parin ay na kay Arvin. Ang sinasabi ng aking isipan ay kung kailan kami muling magkakatabi ni Arvin.
Bigla akong napabalikwas nang muli ko na naman palang iniisip si Arvin. Napatingin ako sa karamihan kung may nakapansin sa akin dahil parang ang ginawang kong pag-galaw ay masagwa para sa mga makaka-kita. Wala naman, ang atensyon nila ay nasa umaawit parin.
"Nagsosolo ka?" tanong sa akin ng kakilalang matandang lalaki na lumapit.
Hindi ko siya namalayang tumabi sa akin. Kaya bahagya akong nagulat. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Kakanta ka ba?" muli niyang tanong.
"Hindi po." sagot ko na may pag-galang.
"Pwede mo ba akong tulungan, pakihanap mo naman yung gusto kong kantahin. Nahihirapan kasi akong hanapin yung kanta."
"Sige po."
Kinuha ko ang song book sa kabilang lamesa. Wala namang gumagamit kaya nakuha ko agad.
"Tay , ano po bang kanta?"
"Ah... My Way." bigla itong tumawa.
Natawa ako sa tinuran niyang iyon. Sa isip-isip ko, gusto na yata nitong mamatay. Alam ko kasi ang nasa isip niya kung bakit niya iyon sinabi.
"Ah sige po. Teka lang." sinunod ko ang sinabi na may halong pagbibiro. "Gusto ninyong mabaril ah" sabi ko kapagdaka.
"Hindi. Hindi iyon, binibiro lang kita." muli itong tumawa.
"Ano po bang kanta, tay."
"Paki-hanap mo nga yung "How can I fall."
Napatitig ako sa kanya dahil hindi ko alam yung kantang iyon. Naisip ko nalang na isang kantang noong kapanahunan pa niya. Isang makalumang awitin.
Hinanap ko iyon at madali ko rin namang nakita. Ipinakita ko sa kanya at binigyan niya ako ng 5 peso coin para ihulog sa videoke. Mga ilang kanta nalang ang nakalinya bago ang kay tatay. Hinintay ko si tatay na makakanta. Nang si tatay na ang sunod, muling rumihistro sa aking isipan kung anong awitin ba iyong pinili ni tatay. "Alam ko ba iyon?"
Nang marinig ko ang intrumental ng awitin, nasabi ko agad na pamilyar ang tunog ng kanta. Hanggang sa simulan na ni tatay awitin ang kanta.
Give me time to care, the moments here for us to share
Still my heart is not always there
What more can I say to you
Wala pa sa chorus nasabi ko nang alam ko pala ang kanta ni tatay. Nakaramdam ako ng tuwa kaya sumabay ako sa awitin kahit hindi ko masyadong alam ang tono.
Could I lie to you, I'm just too weak to face the truth
Now I know I should make a move
What more can I say
How can I fall, how can I fall
When you just won't give me reasons
When you just won't give me reasons at all
When all faith is gone, I fight myself to carry on
Yet I know of the harm I do, what more can I say to you
Now I hold this line, I know the choice to leave is mine
I can't help what I feel inside
What more can I say
How can I fall, how can I fall
When you just won't give me reasons
When you just won't give me reasons at all
I'll follow through, I'll see I do
When the time is more right for you
I'll make that move, and when I do
Will I doubt again, the way I do
How can I fall, how can I fall
When you just won't give me reasons at all
How can I fall, how can I fall
When you just won't give me reasons
When you just won't give me reasons
How can I fall, how can I fall
When you just won't give me reasons
When you just won't give me reasons
Just won't give me reasons
Just won't give me reasons at all
How can I fall, I fall, I fall
How can I fall for you
How can I fall, how can I fall
When you just won't give me reasons
When you just won't give me reasons
Ang galing niya umawit. Bagay sa kanyang boses ang kanta. Ngumiti siya sa akin nang matapos niya ang kanta. Nagpasalamat siya at umalis.
"Tay, aalis ka na?" habol ko sa kanya.
Tumango lang siya at sumenyas na magpapahinga na siya. Saka ko lang napansing madilim na pala sa paligid. Saka ko rin naisip na hindi ko namalayang nawala kahit papaano sa isip ko si Arvin. Ngunit sa sandaling ding yon, tinanaw ko kung mahahagilap ba ng aking mata si Arvin? Hindi ko siya makita. Natatanaw ko ang cottage namin pero wala kahit sino ang naka-istambay doon. "Naandoon parin ba sila sa dagat?"
Tinungo ko ang aming cottage para doon ko tanawin kung nasaan na sila Arvin. Nang makarating na ako. Nakita kong magulo ang gamit nila na halatang naghalungkat sila. "Nagbabanlaw na siguro sila ng katawan. Pero ang tibay nila ah."
Inayos ko nang bahagya ang mga gamit nila. Inurong ko ang iba para maka-patong ako sa lamesa. Hihintayin ko sila hanggang sa maka-balik. Ngunit mga isang oras na yata wala parin sila. Napatingin ako sa nagluluto ng hapunan para sa lahat at para bang silay matatapos na at maya-maya'y maghahain na pero wala pa sila.
Ewan ko kung bakit ako kinutuban. Hindi maganda ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. "hindi naman siguro nila gagawin yon." Inalis ko sa aking isipan ang bagay na iyon dahil para bang nahihirapan akong huminga sa naisip ko.
"Bakit ba ganito nalang lagi ang nararamdaman ko? Eh ano naman." Lumingon ako sa direksyon kung saan maaring dumaan sila Arvin galing sa pagbabanlaw pero kahit anino wala parin sila. Nag-desisyon akong puntahan ang shower room para masigurado kung naroon nga sila at para masagot ang tumatakbo sa isipan ko.
Tinatahak ko pa lang ang daan ay dalangin ko nang makasalubong ko sila. Parang hindi ko kayang humarap sa kanila at sa masagwang eksena ko sila makikita. "Ano ba talaga itong naiisip ko." Parang gusto kong murahin ang sarili ko sa pag-iisip ng hindi tama.
Nakarating na ako sa shower room ngunit wala pa rin akong nakakasalubong na Arvin. Kahit Josek man lang o si Mike at Joshua. Pasimple pa akong pumasok sa loob ng shower room ngunit walang Arvin ang naroon. Nagtaka ako nang wala akong masilayan kahit isa. Para akong may pasan-pasan na malaking bato sa aking likuran nang lumabas sa doon. Pero bigla ko rin namang naisip na wala naman pala akong ikabahala. Hindi totoo ang mga iniisip ko. Pero nasaan na sila?
Dumiretso ako sa cottage at doon uli ako maghihintay. Nagtatawag na ang asawa ng pastor para kumain na ng hapunan na pagsasaluhan ng lahat. Hindi ako lumapit. Ang gusto ko ay maghintay sa kanila. Humiga ako patagilid sa lamesa. Sa pagkakahiga ko, akala ko may tumulong patak ng tubig galing sa bubong ng cottage. Napahipo ang aking kamay sa aking pisngi nang mangyari yon. Nalaman kong galing pala iyon sa aking mata.
"Para saan? Tama, nalulungkot ako. Inaamin ko bang... hindi ako ganun. Hindi ako na-iinlove sa kapwa ko lalaki. Dahil lang doon, tapos maiinlove na' ko sa kanya?" ang tinutukoy ko ay ang nangyari sa amin ni Arvin. "Nasaan ba kasi sila? Bakit hindi nila ako sinama kung saan sila nagpunta?" para akong nakakaramdam ng inis para sa lahat. Saka ko na lang namalayang nagtuloy-tuloy ang agos ng luha mula sa aking mga mata.
Hindi ko alam, nahuhulog na pala ang loob ko kay Arvin. Itinatanggi ko ang namuong damdamin ko para sa kanya. Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako.
---------------------
"Hoy, gising"
Napabalikwas ako nang gisingin ako ni Josek.
"San kayo galing? Ang tagal nyo ah?" tanong ko agad kay Josek.
"Hulaan mo?"
Nainis ako kay Josek. Hindi na ako nagtanong pa. Hinanap ng aking mga mata si Arvin. Nakita ko siya sa lugar kung saan maaring kumuha ng pagkaing niluto kanina.
"Kumain ka na?" si Mike.
Napatingin ako sa kanya. "Hindi pa." sagot ko.
"Sabay na tayo."
"Sige."
Sumunod ako kay Mike. Nagmamadali ako dahil gusto kong maabutan si Arvin. Gusto ko siyang makatabi kahit man lang sa pag-sandok ng pagkain. Pero kumukuha palang ako ng plato nilisan na niya ang kawa ng ulam. Nagkasalubong kami. Napahiya ako sa sarili ko nang tinanguan ko siya para sa pagbati pero walang response. Alam kong nakita niya ko. Imposibleng hindi, pero bakit hindi niya ako pinansin?
Parang nadurog ang puso ko nang mga sandaling iyon. Ang tagal niyang nasa isipan ko. Ang tagal siyang hinahanap ng mga mata ko pero kahit anong klaseng pagbati, wala man lang. Naiinis ako sa kanya. Sumasandok ako ng kanin. Hindi naman matigas ang pagka-luto pero parang hirap akong ilubong ang sandok.
------------
Magkakatabi parin kaming kumain. Kahit papaano nabawasan ang dinadala ko. Walang ingay ang lahat habang kumakain. Himala sa grupo na kumain ng walang pinag-uusapan. Akala ko matatapos din iyon ng walang magsasalita.
"Ang sarap ngayon ng giniling na baboy ah." si Mike, katabi ko.
Late na nag-response si Josek. "Oo nga eh."
"Kaya siguro walang kumikibo." si Mike uli.
"Bakit kaya lagi nalang ganito ang ulam pag may outing." si Joshua.
Akala ko nag-iisip ang lahat kung anong sagot sa tanong ni Joshua pero muli na namang naghari ang katahimikan.
" Ang sarap talaga ng ulam." si Mike.
"Kaya yata lagi niluluto yang giniling na baboy dahil sayo Mike." si Josek na nagpapatawa.
"Ganon?"
"Hindi kaya." singit ko sa usapan.
"Ano nanaman yan Kuya Ren?" nilangkapan ni JOsek ang tono ng pagka-dismaya sa pagtutol ko.
"Kaya yan lagi ang niluluto para walang gulo sa hatian." sagot ko ng mabilis.
"Ows?" si Josek.
"Oo nga, ayaw pang maniwala. Kasi kunyari adobo ang niluto, sigurado mamimili ang mga unang sasandok ng ulam. Ano matitira? Patatas o kaya carrots? Kung sinusuwerte yung nahuli, baka mapunta pa sa kanya yung puro taba o kaya buto-buto sa manok. See?"
Sumang-ayon si Mike sa sinabi ko. Nagulat ako sa reaksyon ni Arvin.
"Utot mo kuya Ren, ang dami mong alam." sabay tayo nito dala-dala ang pinag-kainan.
Hindi ko maintindihan ang inasal niya. Bakit, may nasabi ba akong mali ? Napahiya talaga ako sa tinuran niya kanina. Napansin din siguro ng iba ang pagyuko ko at patuloy na nagsubo tanda ng pagka-pahiya.
No comments:
Post a Comment