"Sige isara mo..." natatawang si Ivan habang nakaharang ang katawan sa pinto. "Maiipit ako. Pag nangyari yun bayad na ako sa kasalanan ko."
"Ewan." at nilisan na ni Mico ang pinto. "Ay...." tili ng isip niya. "Moment ko na ito. No, Mico mag-behave ka." Tinignan nalang niya si Ivan na pumapanhik sa kama niya dala ang unan at kumot nito. Nangingiti siya sa kilig.
"Oh bakit ka pa nakatayo dyan?" tanong ni Ivan nang mapansing nakatingin lang sa kanya si Mico sa may pinto. "Akala ko ba matutulog ka na?"
"Paano ako matutulog eh nandyan ka?"
"Ang laki-laki ng kama mo... ayaw mo kong katabi?"
"Gusto siyempre. Tinatanong pa ba yun? Galit nga ako sayo di ba?"
"Ok. Maghanap ka ng matutulugan mo." sabay tawa.
"Ay, ako pa ang maghahanap ng matutulugan? Galing ah..." pero sa loob-loob sabik na siyang makatabi si Ivan sa higaan niya. "Ayeeeee.. Hahahaha." napatawa siya bigla.
"Natawa ka diyan?" tanong ni Ivan na nakadapang matulog.
"W-wla. Usog ka diyan, matutulog na ako." Nagulat din si Mico sa pagtawa niya kanina. Wala siyang intensyong tumawa pero bigla na lang lumabas kanina ang tuwa niya sa nangyayari. Buti na lamang at hindi nag-isip si Ivan ng iba.
Umurong si Ivan para bigyan ng space si Mico. Humiga si Mico ngunit patalikod kay Ivan. Habang si Ivan na nakadapang paharap kay Mico. Pinagmamasdan niya si Mico na walang kibo.
-----
Maya-maya nakarinig si Mico ng buntong hininga na nagmula kay Ivan kasunod ang paggalaw ng higaan. Dahil doon napalingon siya dito. Nagulat siya nang makitang nakatagilid na ito paharap sa kanyaa. Pero ang mas ikinabigla niya na makitang nakatitig ito sa kanya. Kumabog ng todo ang kanyang dibdib. "Bakit?" kunyari ay galit siya.
Tumawa si Ivan. "Wala."
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Ha? Makatingin?"
"Oo." humarap siya dito. "Parang....
Napakunot ang noo ni Ivan. "Parang... oy, huwag mo akong pag-isipan ng masama." pagkatapos ay tumihaya siya ng paghiga at lumayo ng kaunti kay Mico. "Hindi lang ako makatulog. Namamahay ako."
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin kaya. Masyado kang defensive. Pero pwede rin." sabay tawa.
"Tignan mo... ikaw ang may pagnanasa."
Natawa si Mico sa sinabi ni Ivan. "Bakit natatakot ka? Ang lakas ng loob mong dito matulog tapos... Hmmm takot ka palang ma-rape." sinundan niya ito ng malakas na tawa.
"Subukan mo."
"Oo mamaya pag-tulog ka na."
Tinignan ni Ivan si Mico ng masama na ikinatawa naman ng huli. Pero sa loob-loob hindi naman siya nag-aalala talaga na may gawin sa kanya si Mico. Alam niyang hindi iyon gagawin sa kanya ni Mico.
"Kapag ako hindi nakapagpigil.... patay ka sa akin Ivan." sabay tawa.
"Natawa ka diyan?" si Ivan habang kinukumutan ang sarili.
"Wala. Nagiimagine lang ako."
"Ewan." tumalikod si Ivan. Naasar siya kay Mico pero hanggang doon lang iyon.
Sa pagtalikod niya kay Mico napatingin siya sa isang side table. Nakita niya roon ang isang laptop. Agad siyang tumayo para kunin iyon. "Mico, may laptop ka pala?"
Nagulat si Mico. "Hala ang laptop ko?" nandidilat ang kanyang mga mata para sawayin si Ivan na huwag niyang pakialaman iyon. "Huwag mong galawin yan." pero huli na ang lahat dahil binuksan na ni Ivan iyon. "Ivan...!" sigaw niya.
"Sandali lang naman... Alam mo bang gusto kong magpabili kay mama nito kaya lang ayos na ayos pa naman ang pc ko kaya... tinitiis ko muna ang sarili ko." sabay tawa.
"Wa la akong pa ki... akin nga yan." lalapit si Mico. Pero tumayo si Ivan at magtatangkang itakbo ang laptop huwag lang makuha niya. "Akin na kasi yan... baka makita mo pa ang mga kahalayan ko diyan."
"Talaga? Makita nga."
"Naiinis na talaga ako ng sobra sayo."
"Sobra ka Mico parang ito lang."
"Sige na papatawarin na kita basta ibigay mo na sa akin yan."
"Talaga Mico?" papayag na sana si Ivan kaya nag-appear na ang deskstop. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
Nakita ni Mico ang panlalaki ng mata ni Ivan. Ngayon, hiyang-hiya na siya. Alam niyang nakita na ni Ivan ang wallpaper ng laptop niya. Natahimik siya. Hindi siya makapiyok.
"Wow... sino naman itong hearthrob na ito." ang kaninang panlalaki ng mata ay napalitan ng mausyosong mata. Natatawa si Ivan habang nagtatanong kay Mico. "Saan mo natagpuan ang poging lalaking ito ha? Ang galing mo naman pumili ng pic. Hehehe, mahusay. Pinagpapantasyahan mo ito?" sabay tawa.
"Ano? Hindi no." sa wakas nakapagsalita na rin si Mico.
"Eh bakit nakalagay ito rito?"
"Wala kang paki." sabay irap.
"Mmm paano mo ito nakuha?" tapos nag-isip. "Ah alam ko na... Kaya pala, nagtataka ako sayo nung gumamit ka ng computer ko kasi..." sinundan nalang ng tawa ni Ivan.
Wala namang masabi si Mico. Buking siya. Pangalawa, wala naman siyang ma-alibi. "Akin na yan. Sobrang galit na talaga ako sayo."
Iniabot naman ni Ivan ang laptop. "Akala ko ba papatawarin mo na ako kapag ibinigay ko ito sayo?"
"Kanina yun. Eh nakita mo na yan eh."
"Ang daya." matipid na sagot ni Ivan.
"Anong madaya doon? Nakakainis." inilagay niya ang laptop sa loob ng cabinet niya. "Huwag ka nang aasang papat-" nanlaki ang mata ni Mico nang malingunang nakadapa na si Ivan at nakapikit. "Abat.... Nakakinis talaga."
Humiga na lang si Mico. Bago tuluyang ipikit ang mga mata ay huminga muna siya ng napakalalim, pangpakalma sa sariling nagiinit sa kahihiyan. Hindi pa nagtatagal nang pumukit siya nang gumalaw si Ivan. Hindi siya dumilat pero naramdaman niyang tumihaya ito.
"Hindi naman ako nagagalit."
Napadilat si Mico. Napatingin siya kay Ivan. "Anong sabi mo?"
Natawa si Ivan. "Sabi ko huwag kang magalala, wala sa akin yun. Yung picture ko sa wallpaper mo."
"Ewan."
"Sorry na kasi." bahagya pa niyang niyugyog si Mico. Pero tinalikuran siya nito. Kaya pinatong niya ang binti niya sa bewang nito.
Grabe ang kuryenteng dumaloy sa katawan ni Mico. Bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit. Pero inalis niya ang binti nito. "Umayos ka nga. Paano ako makakatulog niyan?"
"Ikaw kasi. Hindi mo ako pinapansin." pinatong niya uli ang binti niya.
"Ano ba?"
"Hindi kita titigilan."
Nilingon ni Mico si Ivan. Nakipagtitigan sa kanya si Ivan. "Mukhang hindi mo nga ako titigilan."
Ngumiti si Ivan. "Oo."
"Oo na. Matulog ka na." pagkatapos ay muling tumalikod si Mico.
"Yes." niyakap ni Ivan si Mico. "Thank you."
"Ano ba... huwag mo nga gawin yan... Naaalibadbaran ako." reklamo ni Mico sa ginawang pagyakap sa kanyan ni Ivan.
"Ok."
Nagsisisi si Mico sa ginawa niyang pagpapaalis kay Ivan sa pagyakap sa kanya. Sinundan na lang niya ito ng lihim na buntong hininga.
Dumaan pa ang mga sandali. Kapwa hindi makatulog sina Mico at Ivan. Habang nanatiling nakatagilid si Ivan patalikod kay Mico, hindi naman mapakali ang huli. Kanina pa siya pabaling-baling ng higa.
"Ano ka ba?" si Ivan. "Kanina ka pa diyan. May nangangati ba sayo?"
"Wala." sabay irap kay Ivan.
"Kwentuhan nalang tayo muna. Tutal, hindi rin naman ako makatulog." mungkahi ni Ivan.
Napaisip si Mico. "Ano naman ang paguusapan natin?"
"Ikaw?"
"Anong ako?"
"Ikaw ang magbigay." paliwanang ni Ivan. "Ano ba iniisip mo na ikaw ang pag-uusapan?"
Nangunot ang noo ni Mico. Yun kasi ang akala niya. "Hindi noh?" tanggi niya.
"O sige. Ako na lang ang magsisimula."
"Ikaw ang bahala."
"Bakit ako ang wallpaper ng deskstop mo?" sabay senyas ng peace sa pamamagitan ng mga daliri si Ivan.
Tumaas ang kilay ni Mico. "Siguro yun ang iniisip mo kaya hindi ka makatulog no?"
"Ayan na naman siya. Nagsisimula na namang magtaray."
"Ikaw kasi eh. Panakot ko lang naman yun sa daga?"
Natawa si Ivan. "At sino naman ang sosyal na daga ang gumagamit ng laptop? Alibi mo sablay."
Natawa rin si Mico sa ginawa niyang palusot. Alam naman niyang hindi makatotohanan iyon pero iyon ang binigkas ng kanyang bibig. "Oo marami akong sosyal na daga dito." natatawang si Mico.
"Baka naman friend mo rin sila sa facebook?" sabay tawa. "Talaga naman oo."
"Ganoon na nga."
"Talagang pinaninindigan mo ha?"
"Wala ka na run."
"Oops. Nagsisimula ka na namang magtaray. Bakit ba pikunin ka na ngayon?"
"Nagsalita ang kanina lang na pikon." tuya ni Mico.
"Halika na nga dito." Hinila ni Ivan si Mico sa tabi niya. "Nagsorry na nga, ibinabalik mo pa." sabay tawa.
Namula ang mga pisngi ni Mico sa ginawa ni Ivan sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya na ikinatatakot niyang maramdaman ni Ivan na ngayo'y magkalapat ang tagiliran nila. "Ikaw kasi ang nagsisimula eh."
"Oo na. Tutulog na talaga ako."
Hindi na talaga makakibo si Mico. Sinulyapan na lang niya ang mga mata ni Ivan kung totoo bang matutulog na nga ito. Nasulyapan niyang nakapikit na nga ito. Huminga siya ng malalim dahil kinakapos siya sa hangin sa sobrang kabog ng kanyang dibdib. Nagsasaya ang puso niya sa ayos niyang katabi ni Ivan. Hindi siya makagalaw parang naninigas ang buong kalamnan niya.
"Ganito pala ang feeling kapag katabi mo na ang mahal mo sa isang higaan. Nahihirapan akong huminga... kinakabahan ako, nahihirapan din akong gumalaw. Pero parang gusto ko pang magsumiksik sa kanya. Ano ba yan...." reklamo niya sa nararamdaman sa bandang huli. Muli niyang sinulyapan si Ivan. Nakapikit pa rin ito. "Tinotoo na nga nito ang pagtulog..." Pinagmasdan niya ang mukha nito.
Mula sa pagkakatingala, iniyuko ni Mico ang mukha nang maramdaman niyang huminga ng malalim si Ivan. Natakot siyang makita ni Ivan na pinagmamasdan niya ang mukha nito. Napatingin siya sa dibdib nito. "Ang sarap sigurong yakapin..." napangiti siya ng lihim at isang malalim na paghinga. Napapansin niya ang pag-alon ng dibdib nito kapag humihinga. Natutuwa siya sa nakikita. "Hindi ko ito inaasahan, akala ko noong una magiging masaya na ako kapag naging magkaibigan kami. Pero... mas gusto ko na ngayon ng mas... haysss, hindi ko maipaliwanag. Basta mahal na kita ng sobra Ivan." kasunod noon ang munting luha na nagmasa sa gilid ng kanyang mga mata.
Muli niyang napansin ang paghinga nito. Pero sa puntong iyon mas malalim ang kanyang napansin. Muli siyang napasulyap sa mukha ni Ivan. Nagulat siya nang makita itong nakadilat at nakatingin sa kanya. Agad siyang nagbaba ng tingin. Hiyang-hiya siya sa pagkakahuli sa kanya ni Ivan.
Pero naramdaman ni Mico na mas dumikit pa si Ivan sa kanya.
-----
Dumilat lang si Ivan para siguraduhing natutulog na si Mico. Pero mukhang tulad niya hindi rin makatulog si Mico. Nahuli pa niyang sumulyap sa kanya. Muling ipinikit ni Ivan ang mga mata.
Kanina pa siya nakapikit, pero ramdam niya na hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kung aaminin niya lang, nagbabalik tanaw siya sa mga nagdaang mga araw kung kailan nagkaroon ng masasayang sandali siya kasama si, Mico. Kanina pa nga siya nangingiti sa tuwing maaalala ang mga eksenang nakakatuwaan niya si Mico. Nahihiya nga siya na baka mapansin ni Mico bigla-bigla nalang siyang napapangiti habang nakapikit. Kaya madalas ang pagbuntong hininga niya.
Pero kahit hindi pa siya nakakaramdamng antok, alam naman niyang komportable siya habang nakahiga. Hindi tulad dati na kapag hindi siya dalawin ng antok, pabaling-baling siya ng higa. Ngayon, panatag siyang nakahiga habang hinihintay kung kailan makatulog.
Isa pang buntong hininga ang kanyang ginawa. Kanina pa niya kinabig si Mico para mas lalong dumikit sa kanya. Nakakaramdam kasi siya ng magaang na pakiramdam ngayong may katabi siya. Hindi naman siya nilalamig pero mas gusto niyang magkadikit sila ni Mico habang natutulog. Napangiti siya.
-----
"Sandali nahihrapan ako." reklamo ni Mico. "Naiipit kasi ang braso ko." Inayos ni Mico ang sarili.
Medyo dumistansiya naman si Ivan para makagalaw si Mico. Nang makita na niyang hindi na ito gumagalaw, muli siyang tumabi dito. "Mas gusto kong magkatabi na lang tayo matulog."
Napangiti si Mico, kasunod ang napamulahan ng mga pisngi. "Ganoon?" lakas loob niyang sagot. "P-payakap? Ano... padantay lang." nahihiya siya sa sinabi.
"Yun lang pala eh..." sagot ni Ivan.
"Hindi ka natatakot na baka reypin kita?" biro niya.
"Subukan mo. Hanggang yakap ka lang. Hindi ako lasing kaya mararamdaman ko naman ang gagawin mo sa akin." sabay tawa.
Ngumiti na lang si Mico sa sobrang saya. "Sabi mo yan ha?" at ipinatong na nga niya ang braso sa dibdib ni Ivan.
Kapwa sabay na pumukit, sabay na hinihintay ang pansamantalang paglisan ng kamalayan, sabay na dinadama ang bawat paghinga, at sa hindi namamalayang sabay... sa pagtibok sa may dibdib.
"Hay... mahabang gabi."
"Mmm... ang haba ng gabi..." ngiti.

8 comments:
chapter 19 na po please.
mabuti..
- ahaha buti walang S**. Dapat legal muna sila bago mag TOOT. Ahahahaha
- Sa tingin ko nga mahaba pa ito. Hehe
Yung next chapter na, hahaha
kaya nga ayaw ko pang matapos ang ivan napaganda ng kwento sobrang kilig grabe na to
wow.. super ang ganda nitong chapter 18 ng kwentong IVAN.. hahaha.. nakakakilig to the maximum leveleysus.. hahaha.. kakalurkey na ang nangyayari sa kanilang dalawa.. haha....
super lovbe ko yung nagtatampuhan silang dalawa.. hehe.. ang kulit nila nung nasa kama.. ang kyut tingnan.. hahaha.. super duper KILIG.. haha..
at tama nga si kuya Half.. mahaba pa iton stroyang ito.. kasi nasa introduction pa lang tayo ng kwento.. wala pa tayo sa CLIMAX.. hehe... at sana kuya Ansen ko.. wala sanang torrid scene.. hehe..
at sana umamin na si IVAN.. hahaha.. na may something siya kay Mico.. hahaha.. tapos ang angas pa nung nakita yung picture na nasa Laptop.. haha.. feeling gwapo..? haha.. (syempre gwapo kaya si Ivan.. kasing gwapo ng kuya Ansen ko.. hahaha) ...
kaya UPDATE KAAGAD.. hehe..
at iskor ko ay 9!
-Enso
Wahh malamang uulit ulitin na nilang magtbi sa pagtulog at d na mapigilan maghahalikan na cla. nxt chapter na anthony.
Oo nga agree Chapter 19 na po agad please? Ang ganda talaga! Super!! :-)
Gar binato sobra mona kame pina kikilig good jab and update mona yung chapter 19 tnx:)
ahahahayyyyyyyyy. gandang ganda.... congrats erwin..
Post a Comment