Kilala rin akong siryosong tao. Hindi pala-imik, lalo na sa karamihan. Wala lang. Siguro mas gusto kong makinig kaysa magsalita. Kaya siguro maraming kaibigan ang laging nagse-share ng kanilang emosyon. Pero, madalas pag may ginagawa ako halos walang umiistorbo sa akin. Kasi, sa kilay kong laging salubong (pag may ginagawa o pag seroius mode lang). Lagi nila akong napagkakamalang galit, masama makatingin at snob. Ang totoo, hindi. Hindi talaga iyon ang intensyon ko. (mabait kaya ako. uulitin ko siryoso lang talaga)
Noon, ang buhay ko ay palaging paaralan, bahay, simbahan at minsan gala. Naiipakita ko ang pagiging masayahin ko sa mga tunay kong kaibigan (bestfreinds o BFF). Kaunti lang ang self-esteem ko sa sarili, siguro noon, oo. Mga bestfriends ko lang ang nakakaintindi sa akin. Sila rin lang may alam kung ano ang mga gusto ko (halimbawa sa pagkain). Madalas hindi na ako tinatanong, understood na lagi sa barkada. (ayoko nga magsalita pa)
Ang simula ng paglalahad na ito ay noong 18 years old palang ako. Kung bibilangin ang taong nagdaan ay parang kaylan lang ngunit kahit kaylan lang ay napakarami ko ng natutunang hindi ko na naman inaasahan. Talagang wala sa hinagap kong matututunan ko pala ang mga napakarmaing bagay na iyon sa buhay ko.
"Kuya Ren, kanina ka pa ba dito", tawag sakin ni Josek, isa sa matalik kong kaibigan, habang nakaupo ako sa gilid ng mahabang bangko sa loob ng simbahan.
"Oo, kanina pa ako dito." sagot ko pagkalingon ko sa kanya.
"Si Arvin, napansin mo na ba?" muli nyang tanong ng makaupo na siya sa aking tabi.
"Hindi pa. Bakit may usapan ba kayo?"
"Oo, susunduin sana namin si Lea." sagot niya sakin. Ang alam ko pinopormahan niya si Lea.
"Magsisimula na ang evening service ah?" paalala ko kay Josek.
Hindi sumagot si Josek. Dumukot siya sa kanyang bulsa at inilabas niya ang kanyang cellphone. Nag-text siya pero hindi ko alam kung sino. Hindi na ako nagtanong pa. Alam ko na kasi ang ugali ni Josek. Pag mayroong pinag-uusapan at tumahimik siya ibig sabihin ayaw na niyang ituloy o wala na balak sumali pa sa usapan. Mas matanda ako kay Josek ng dalawang taon. Sa edad niyang 16 mas matured pa sa akin kung mag-isip. Siguro dahil lang iyon sa hindi ako pala bigay ng ideya sa mga usapin, sa mga plano , sa mga balak naming gawin basta kung ano ang gusto nila go ako.
Congregational singing na ng dumating si Arvin. Tinanguan ako ni Arvin nang mapatigin ako sa kanya. Iyon ang nakagawiang pagbati sa akin ni Arvin pag magkikita kami. Pero si Josek hindi kumibo at nagpatuloy sa pag-awit. Naramdaman ni Arvin ang hindi pagpapansin sa kanya ni Josek kaya sa akin nalang siya tumabi. Ang pwesto namin ay paharap sa pulpito (kung saan naroon ang pastor), katabi na ni Arvin ang pader. Ibig sabihin nasa sulok na bahagi na kami ng simbahan. Ako sa gitna, at si Josek pagkatapos ko. Nakaupo kami sa mahabang bangko na may sandalan at pang-apatang tao lang ang maaraing umupo. Siksikan na kung sisingit pa ang isa.
Mga nakatayo ang lahat habang kumakanta. Uupo lang pagkatapos, para naman sa pakikinig.
Kaya ng makaupo na kami ay saka lang nagsalita si Josek kay Arvin ng mahina ngunit may tono ng pagkadismaya.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Josek kay Arvin.
Lumingon si Arvin kay Josek nang nakangisi. Alam niyang may nagawa siyang mali .
"Nakatulog kasi ako kanina habang nanonood ng t.v". Sa pagkakasabi iyon ni Arvin ay naramdaman kong naga-alibi siya. "Bakit 'di mo 'ko tinext?" dugtong niya pa.
Pero hindi agad sumagot si Josek. Tumingin muna siya sa harapan kung saan may kasalukuyang nagsasalita. Mga ilang sigundo bago ito nagsalita at napansin kong bumuntong hininga muna siya.
"Nanonood ng t.v. ah, nag-internet kamo." ng may pang-uuyam.
Iyon din ang hinala ko kaya napatingin ako kay Arvin. At may tama nga. Kita naman sa mukha ni niya ang katotohanan. Nakangisi parin ito at walang balak kontrahin ang bintang ni Josek sa kanya. Napangiti nalang ako nang magbalik ako ng tingin sa harapan na kasalukuyan namang lumalakad paalis ang nagsalita sa harapan. Mahilig kasi si Arvin mag-internet lalo na sa Dota at Ran Online at saksi kami dun ni Josek. Adik nga minsan ang tawag namin sa kanya. Nag-iinternet din kami pero hindi madalas. Nagbubukas lang kami ng mga account namin sa friendster para i-update. (ewan ko lang ah pero ang alam ko hindi pa uso noon ang facebook, o sadya lang na kulang ako sa balita noon haha) At maidagdag ko na rin na si Arvin ang may pinaka maraming friends sa friendster noon kumpara sa aming barkada.
Oras na para magbigay ng mensahe ang pastor para sa gabing iyon. Nagtayuan ang lahat para sa pagbabasa ng talata pagkatapos ay panalangin. May kahabaan ang panalangin na iyon ng aming pastor at sa pagkakataong iyon ay may binulong sakin si Arvin.
"Kuya Ren, ano sabi sayo kanina ni Josek?" ang tanong niya sakin. Kuya din ang tawag niya sakin kahit isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Gaya-gaya lang kay Josek.
Napadilat ako at tumingin sa kanya ng may paalalang kasalukuyan kaming nananalangin. Pero nagpipilit siya sa pamamagitan ng pagkalabit sakin.
"Hindi." sagot ko na pabulong at muli akong pumikit.
"Inaantok ako." nagulat ako nang biglang mag-iba ito ng paksa kaya muli akong napadilat at tumingin sa kanya. Natapos na rin ang pananalangin kaya tama lang sa pag-upo namin.
"So?" ayaw ko sanang bigyan ng atensiyon.
(Kayo na po ang bahala kung papaano po niyo ito mababasa. :)
(Kayo na po ang bahala kung papaano po niyo ito mababasa. :)
8 comments:
hmmm. wala pa akong masabi sobrang bitin pa ito.
hahaha.. wow ...
ang ganda nhg kulay ng FONT.. BLACK... at nasa BLACK NA BACKGROUND.. hahaha.. adik din tong si kuya Ansen .. pero babasahin ko mamaya... hehehe..
love you kuya..
-Enso
hahaha.. wow ...
ang ganda nhg kulay ng FONT.. BLACK... at nasa BLACK NA BACKGROUND.. hahaha.. adik din tong si kuya Ansen .. pero babasahin ko mamaya... hehehe..
love you kuya..
-Enso
Magan dayang story nayan kayalang pag dating sa end chaptes parang nakolagan ako tama ekung ituloy monalang kaya yung book 2 niyan kuya sanagawan mo kuya tnx...
parang me naaamoy akong malansang love triangle?....hehehhehe
-Jhay em
lol @ black font. ctrl+A nalang.hehe
bitin!
dpo ba napost na to sa BOL?
ung hanggang sa umalis na ung bida sa story kase sa mga nangyare??
kainis nmn s cell phone ko kc binbasa to pano ko ma read eh ala nmng ctrl s iphone help me nmn hahaha..thanks!! -sej-
Post a Comment