Followers

CHAT BOX

Saturday, January 22, 2011

Flickering Light- Chapter 3





Nasa harapan palang ako ng pinto ng marinig ko na agad ang sigawan at tawanan sa loob ng bahay. Syempre ang pamilya ko, nagkakasiyahan. Nang makapasok ako saka nalaman kung ano ang pinagkakatuwaan nila. Nanonood sila ng pelikula, comedy. Binati ako ni mama nang mapansin ako. Inalok akong kumain na at nagsabing tapos na sila. Sumang-ayon ako.

Pakiramdam ko masakit ang katawan ko. Pumanhik muna ako para tunguhin ang kwarto nang muling mag-beep ang c.p. ko. Galing naman kay Josek. Binasa ko ang mensahe.

"ua ren, s cmbhn k dw 22log s thurs?"Nag-reply ako. "OO."

"Y" 
muli niyang tanong.

"Sv nia. Pyag aq. d k ba 2log dun
?"

"D sna kc d aq mkkpgbaon"

Kasalukayan akong nasa higaan ng muli akong mag-reply. "O nga pla. Cge ttxt q c vin n d n q 2log dun."

"Kaw, pnalam q lng nmn sau."
Hindi na ako nag-reply pagkatapos. Bumaba na ako para kumain. Pagkatapos ko tumuloy ako para humarap sa t.v. Hindi ko nagustuhan ang pinanonood nila. Siguro natyempuhan kong nasa dull moment ang eksena. Nabagot ako kaya umakyat na uli ako sa taas. Nang makapasok ako sa kwarto saka ko lang naalala ang mensahe ni Arvin.

Kinuha ko agad ang c.p. ko para basahin ang ipinadala nitong mensahe.

"Ok k lng b?" nilalaman ng mensahe.

Nag-reply ako.

"xncia n naun lng q reply".

Ang tagal bago muling nag-txt si Arvin. Nakahiga na ako nang mag-beep ang c.p.

"K lng, anu n gwa u?"

"22log n, bkt?"

"Wla lng, bsta dun n tau 2log s cmbhn."

"d pla aq mkkpunta kc d aq mkkpghnda ng pgkain"

Ilang saglit bago muling nag-reply c Arvin.

"Mkisalo k n lng smen"

"Nge nkkhiya kya."

"Cnv q n ke ma2, ok lng dw."

"gnun, e c josek."

"d tlga pu2nta un."

Sumang-ayon na lang ako. Kaya lang sa huli niyang mensahe nagulat akong may nakasulat doon na hindi nmn niya karaniwang inilalagay.

"Ge, 2log n ko. Swit drimz. Luv u!" paalam niya.

Nabigla talaga ako dun at hindi ko na nagawang replayan pa. Ayokong bigyan ng malisya kung meron man. Mali iyon. ang nangyari kanina ay katuwaan lang. Isang pagkakamali na hindi na dapat maulit pa. Wala iyon sa hinagap ko. Na-curios lang ako kaya ko nagawa iyon.

Pinipilit kong alisin iyon sa isipan ko. Pinapalagay ko nalang na isa lamang iyong biruan ng magkaibigan ang kaso nga lang sa loob pa ng simbahan. (waaaa

-itutuloy "Kwento sa Likod ng Liwang (5. Preparasyon)"

Chapter 5
ANabigla talaga ako dun at hindi ko na nagawang replayan pa. Ayokong bigyan ng malisya kung meron man. Mali iyon. ang nangyari kanina ay katuwaan lang. Isang pagkakamali na hindi na dapat maulit pa. Wala iyon sa hinagap ko. Na-curious lang ako kaya ko nagawa iyon.

Pinipilit kong alisin iyon sa isipan ko. Pinapalagay ko nalang na isa lamang iyong biruan ng magkaibigan ang kaso nga lang sa loob pa ng simbahan. (waaaa

Thursday afternoon, galing sa university, umuwi ako ng bahay na pagod. Malapit na ang finals kaya patayan sa reviewing. Syempre kasama na rin dyan ang mga paper works at kung anong mga anik-anik na pinagagawa ng mga prof. Pero dahil may outing akong sasamahan kaya diretso sa bahay para mag-asikaso naman ng mga dadalhin ko. .

Dumiretso agad ako sa kwarto para kunin ang mga kailangan ko at ilagay ang mga ito sa bag na dadalhin ko. Balak kong ayusin muna ang lahat bago mag-pahinga. Kasalukuyan akong nag-eempake ng kumatok sa pintuan ang kapatid kong lalaki, pangalawa sa akin. Hindi sana ako magpapahiwatig na nasa loob ako pero naunahan na ako sa pagbukas ng pinto.

"Kuya, bumaba ka muna daw. May sasabihin sa'yo si Mama." nakasimangot ito.

"Oo, bababa na 'ko." sagot ko.

"Bilisan mo daw. Nag-luto pala si Mama ng pansit (bihon)." sabay sarado ng pinto.

Sasagot pa sana ako ngunit ang bilis nitong isinara ang pinto pagkatapos magsalita. Siguro may ginagawa iyon nang utusan kaya nakasimagot at nagmamadali. Pero nagpatagal parin ako. Ipinasok ko sa bag ang isang sando at dalawang shorts na na ang isa ay gagamitin kong pampaligo, dalawang t-shirts, dalawang underwears, isang pants, towel, shampoo sachet, toothpaste, toothbrush, soap, suklay, deodorant, cellphone, plastics para sa mga basang damit. Sa sandaling iyon di ko pa alam kung anong pagkain ang madadala ko.

Bumaba ako upang tunguhin ang hapag-kainan para kumain. Nagugutom na talaga ako. Naabutan ko si Mama na nag-iimis ng lamesa. Binuksan ko ang ng tupper wear. Inaasahan kong nandoon ang niluto ni Mama.

"Kanina pa kita pinatawag ah." si Mama habang nakaharap sa lababo. Naghuhugas ng mga pinag-kainan.

"Inayos ko po kasi iyong gamit ko." tumungo ako sa platuhan para kumuha ng isa. May sasabihin pa sana ako nang muling magsalita si Mama.

"Tumawag ang tita mo."

"Bakit daw po?" tanong ko.

"Sabi niya, malapit na naman daw ang bakasyon, bakit hindi ka bumisita sa kanila sa Laguna."

"Okey lang po." sagot ko habang hawak ko ang plato at tinidor. Papunta na uli ako sa lamesa para sumandok ng pansit. "Kaya lang, hindi ako magtatagal dun Ma. Mga dalawang araw, ganun. Ayoko magpa-abot ng isang linggo, boring dun."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko bagkus ipinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi. "Sabi ko nga sa tita mo na sa akin walang problema. Kahit sa Papa mo. Sasabihin ko kamo sayo. Aba'y tuwang tuwa ang tita mo. Kasi nga naman minsan ka na nga lang makita."

Ako kasi ang panganay na apo at pamangkin sa side ng mama ko kaya siguro ganun nalang yung importansiya ko sa kamag-anakan.

"Sige Ma. Pakisabi nalang kay tita Jinky na pupunta ako doon pag tapos ng klase." pagkatapos kong sabihin iyon ay sunod-sunod na ang pagsubo ko ng pansit.

"Hugasan mo na yan pagkatapos mo. Aakyat na muna ako." nagpupunas si Mama ng kamay at braso niya. Tapos na siya sa paghuhugas. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng maalala kong kailangan kong magpaalam na aalis ako.

"Ma." sigaw ko. Tumigil ito sa pag-hakbang paakyat. "Aalis pala ako. May outing sa simbahan. Sasama ako, nagpapaalam lang Ma." nakingiti ako ng sabihin ko iyon.

Nang marinig ni Mama iyon ay ipinagpatuloy na nito ang pag-akyat. Alam ko naman na papayagan ako ni Mama pero kailangan ko parin namang magpaalam. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain.

Nang matapos na ako sa pagkain, tinungo ko ang sala para doon magpatunaw. Ang dami kong nakain. Masarap magluto si Mama pero hindi lang dahil doon, talagang gutom na gutom kasi ako kanina. Maaga pa naman. Mga quarter to 6 ng hapon pa lang naman. Kaya kahit makatulog ako ay okey lang.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang ako nang marinig ko ang ugong ng sasakyang ni Papa. Ang sakit ng mata pati ng ulo ko. Napatingin ako sa wall clock, 7:25 pm na. Maaga parin naman pero gusto ko ng maglinis ng katawan para maghanda sa pag-alis.

Tinungo ko ang banyo para magbawas at maglinis ng katawan. Pagkatapos ay muling umakyat para kunin ang mga gamit ko. Nakasalubong ko si Mama sa hagdan.

"Ma, alam mo na." sabi ko. Nanghihingi ako ng pera.

"Sa Papa mo, dun ka humingi." hindi galit si Mama pero kay Papa niya ako iminungkahi.

"Ikaw na po magsabi. Ibababa ko lang ang gamit ko."
dumiretso na ako sa kwarto ko.

Pagka-baba ko, naabutan ko sa sala ang lahat pati ang kapatid kong babae na bunso. Abala sa pagsisipat sa bagay na galing sa plastik bag.

"Ano yan?" tanong ko na nagtataka.

Ang kapatid kong bunso ang sumagot. "Bumili kami ni Papa ng bagong sapatos para sa graduation ko."

Oo nga pala ga-graduate na ang kapatid ko sa elementary.

"Ah, kaya pala wala kayo kanina. Wala kayong snacks diyan?" sabay tawa ako noon.

Ang sumagot ay ang tatay ko. "Wala 'nak. Pumili ng mahal na sapatos. Ayan, wala na pera si Papa."

Napatingin ako kay Mama. "Ma, wala daw pera si Papa."

Natawa si Papa. Nakaramdam tuloy ako ng sabwatan. Parang sinabi na ni Mama kay Papa na nanghihingi ako ng allowance. Tapos binibiro lang ako.

"Ma, ano?" pilit ko kay Mama, tumabi pa ako sa kanya, naglalambing, kaunti.

Dumukot ito sa bulsa. Binigyan ako ng three hundred pesos. Tuwang-tuwa ako siyempre. Hindi ko naman karaniwang ginagawa pero na-kiss ko si Mama sa pisngi ganun din kay Papa at dumiretso palabas.
Nang nasa gate na ako, naalala kong hindi ko pa nakuha sa bulsa ng pants ko kanina ang pitaka ko. So, sugod uli ako sa loob para kunin iyon at muling lumabas.

Dumukot ito sa bulsa. Binigyan ako ng three hundred pesos. Tuwang-tuwa ako siyempre. Hindi ko naman karaniwang ginagawa pero na-kiss ko si Mama sa pisngi ganun din kay Papa at dumiretso palabas. Nang nasa gate na ako, naalala kong hindi ko pa nakuha sa bulsa ng pants ko kanina ang pitaka ko. So, sugod uli ako sa loob para kunin iyon at muling lumabas.

One way ride lang naman papuntang simbahan galing sa amin. Hindi naman matagal ang biyahe depende nalang kung sunday at monday morning, ayun laging traffic pag dadaan na sa may palengke. Pero dahil thursday night iyon walang problema sa kalsada.

Pagka baba ko ng jeep, kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Una kong pinansin ang oras sa cellphone. Magna-nine na pala. Pagkatapos ay tinignan ko ang mga mensahe na galing kay Arvin at Josek. Una kong nabasa ang kay Arvin. Tinatanong nito kung anong oras ako pupunta. Mga 6pm pa iyon nai-send sa'kin na ngayon ko lang nabasa. Ang iba niyang mensahe ay kung nasaan na ako. Sumunod ang mga txt messages naman ni Josek. Tinatanong kung tuloy ako sa pagtulog ko sa simbahan. Nag-reply ako kahit late na late na ako. Sinabi kong on my way na ako at ilang hakbang nalang ay nasa gate na ako ng simbahan. Hindi ito nag-reply.

Tumigil ako sa paghakbang nang nasa harap na ako ng simbahan. Tiyempong sisilip muna ako kung sino ang mga naka-tambay sa likod ng gate bago ako pumasok nang biglang mag-bukas ito. Iniluwa niyon si Mike. Nagulat sa akin si Mike, hindi niya kasi inaasahan.

"Anong ginagawa mo dyan? Sisilip-silip ka pa." natatawa si Mike nang tanungin ako.

"Wala lang." nangingiti ako. Huling-huli sa akto. Naninilip. "San ka punta?' tanong ko para maiba ang usapan.

"Sa 7eleven, may pinabibili lang sakin."

"Ah, sige pasok na ako."

Tumango ito at umalis sa pagkakaharang sa gate para magbigay daan sakin. Saka ko naalala na wala pala akong dalang pagkain. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-ikot ko para harapin ang gate palabas at para sundan si Mike. Sasabay akong bumili ng kahit ano.

"Mike!" sigaw ko dahil malayo na siya.

Swerte ko naman at narinig kaagad ako. Tumigil ito upang hintayin ako. Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya.

"Bakit?" tanong niya sa akin nang makalapit ako.

"Pasabay" sabi ko.

"Oo ba. Bakit, ano ba ang bibilhin mo?"

"Ha? Mmm, basta kahit ano. Wala kasi akong dala."

"Dalang?"

"Pagkain... kahit snacks man lang."

"Hala! pa'no yan bukas wala kang makakain. Overnight pa naman."

"Kaya nga bibili."

"Sabi ko nga."

Nagpatuloy kami sa paglakad. Malapit lang rin naman ang 7eleven. Katapat nito ang university na pinapasukan ko. Malapit lang rin kasi ang university sa church namin. Nang nasa loob na kami ng 7eleven, dali-dali akong naghanap ng bibilhin ko. Karaniwan, ang mga hinugot kong items sa iskaparate ay mga biscuits o cookies, ilang potato snacks, hilig ko kasi. Pagkatapos, tinungo ko ang stall ng mga sandwiches. Napili ko ang hotdog sandwich, yung ordinary lang. Tapos kumuha ako ng mineral water. 'Yon nalang ang gagawin kong hapunan. Kulang-kulang hundred fifty ang binayaran ko sa counter. Pagkatapos naming mamili ay dumiretso na kami ni Mike sa simbahan.

Sa loob ng simbahan dali-daling lumapit sa akin si Arvin nang makita ako. Iniwan na ako ni Mike para ibigay ang binili nito sa nag-utos..

"Kanina pa ako dito. Dumiretso lang ako sa 7eleven." sabi ko kay Arvin.

"Ganun ba? Akala ko hindi ka na darating hindi ka kasi nagre-replay."

"Nge, kamusta ka naman. Lunes palang halos tadtarin mo na ako ng mensahe."

Tumawa ito. " Siyempre, naninigurado lang. Nagtxt sa akin si Josek. Bukas na daw siya pupunta mga alas-kwatro palang daw dito na siya. Yes! buo ang tropa."

"Lagi naman."

Hinila ako ni Arvin. Pinabitbit niya sa akin ang bag ko kinuha naman niya ng plastic bag kung saan nandoon ang binili ko. Tinanong ko kung saan kami pupunta. Sabi niya sa likuan ng simbahan kung saan naman naroroon ang mga gamit niya.

Maliban kasi sa simbahan, meron pang mga rooms na nakatayo sa likuran nito. Yun ung mga ginagamit ng mga estudyante pag weekdays. Okey lang gamitin, basta hindi nakakasira.

"Dito tayo." sabi ni Arvin. "Kasama natin dito sina Mike at Joshua. Kanina kasi napagkasunduan namin na dito nalang tayo."

Kaya pala napansin ko na ang daming gamit sa loob ng room ng 4th year. Ang iba pala ay gamit nila Mike at Joshua. Ka-tropa din namin ang dalawa kaya lang mas madalas malayo ang mundo nang dalawa sa aming tatlo nila Josek at Arvin.

"Asan nga pala si Joshua? Hindi ko napapansin ah?"  tanong ko.

"Nag-iinternet."

"Hindi ka yata kasama?"

"Hinihintay kaya kita."

Walang ibig sabihin. Hinihintay lang talaga ako ng tao :p. Ayoko mag-isip ng kung ano-ano. Pero sumasagot ang isip ko that time ng "eh, anong meron." Hindi na ako sumagot, ayaw ko mang aminin, there's something new na hindi ko pa kayang ie-laborate that time.

No comments: