Followers

CHAT BOX

Tuesday, January 18, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 19

Tanghali na ng magising si Mico. Nagulat pa siya nang magdilat. Naalala niyang kasama magkasama pala sila ni Ivan matulog. Kaya agad hinagilap ng mga mata niya ang naging katabi sa pagtulog. Ngunit naging malungkot ang mga mata niya ng walang matagpuang Ivan sa tabi niya.

"Naunang nagising. Iniwanan ako. Hindi nagpaalam. Hmpt." himutok niya nang hindi makita si Ivan. "Makatayo na nga." tatayo sana siya kaya lang nakaramdam siya ng pamimigat ng katawan. Binalik din siya ng kanyang bigat sa higaan. Saka niya lang nalaman na namimigat pa rin ang kanyang mga mata. "Waaaa." hikab niya. "Inaantok pa ako. Sige na nga maya-maya na lang ako babangon." 

Sa muling pagpikit, doon niya naumpisahan alalahanin ang nagdaang gabi, na kasama ang taong lubusan na niyang minamahal. Kasabay, ang ngiting hindi mapatid.
-----

Samantala, tulog na tulog pa rin si Ivan. Nahiya kasi siyang magpatanghali sa kabila, kala Mico. Kaya't ng magmulat ang mata, pinilit niyang tumayo para umuwi at ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog. Hindi na niya nagawang gisingin pa si Mico dahil alam niya, katulad niya, tatanghaliin talaga silang magising. Dahil ang gabing nagdaan ay talaga namang napakahaba para sa kanila.

Kaya heto siya ngayon, tulog na tulog. Yakap-yakap ang unan habang nakadapa. Mayroon ding unan sa pagitan ng dalawang hita, tandayan.
-----

"Ang sakit- sakit naman ng ulo ko." reklamo ni Mico habang bumababa sa hagdanan. Nagbulalas din siya ng pag-iyak. 

 "Baka madulas ka pa nyan?"

Nagulat si Mico. Sinundan niya agad ng tingin ang nagsalita. "Ang aga namang nandito ka?" gulat na naibulalas ni Mico nang makita si Ivan na nakupo sa sofa.

"Anong maaga? Tanghali na kaya." Pagkatapos ay tumingin si Ivan sa wall clock.

Napatingin rin si Mico. "Oo nga ano." sang-ayon niya. "Pero bakit ka narito?"

"Di ba sabi ko hindi ako aalis hanggat hindi mo tinatanggap ang sorry ko."

 Napaisip si Mico. "Di ba... Ok na tayokagabi?"

"Ganoon ba? Para kasing hindi ako kumbinsido?" natawa si Ivan.

"Ikaw pa ang hindi kumbinsido ha?" tumabi si Mico sa tabi ni Ivan. "Oo nga pintawad na kita. Ang ganda ko naman, hinahabol ako ng sorry." natutuwa ang kalooban niya.

"Naninigurado lang naman ako."

"Ok." napatingin si Mico sa suot ni Ivan. Napansin niyang bago na iyon. "Nagising ako kanina, wala ka na pala. Natulog na uli ako. Nakaligo ka na pala." sabay tingin sa buhok na halatang nabasa. Tatayo siya para maligo. "Ligo muna ako. Nakakahiya sa bagong ligo."

Hinila ni Ivan si Mico kaya muling napaupo sa sofa. "Dito ka muna. Hindi naman ako maarte, kahit na nangangamoy ka na." siryosong salita ni Ivan.

Nanlaki ang mga mata ni Mico sabay amoy sa sarili. Narinig niya ang malakas na tawa ni Ivan sa reaksyon niya. "Ang kapal ng mukhamo ha? Wala akong amoy."

"Binibiro ka lang. Sige na bilisan mo para kain na tayo."

Tumayo na si Mico kasabay ang isang irap niya kay Ivan. "Sandali, pinuntahan mo lang ako dito para sabay tayong kumain?" sa loob loob niya nagagalak ang puso niya.

"Mali. Naamoy ko lang kasi luto ng yaya mo kaya nasabi ko yun. Dito ako makikikain." nakita ni Ivan na tumaas ang kilay ni Mico. "Bakit? Naangal ka?"

"Hindi no. Hmpt. Akala ko pa man din... Nakakainis."
-----

"Gusto ko lang magpaalam, kaya ako narito."

"Bakit naman? Saan ba ang punta mo?"

"Babalik na kasi ako ng Manila. Nandoon kasi ang trabaho ko."

"Pero Rico, tingin mo ba makakadalaw ka uli dito? Mami-miss kita."

"Oo naman, kaya lang baka matagalan pa. Kaya... " natawa muna si Rico. "gusto ko na ring magpasalamat. Sa mga... sa pagkakaibigan natin."

"Naku! Ako nga dapat ang na magpasalamat kasi, kahit na ganito ako... alam mo na." sabay tawa ng malumanay. "Ginawa mo pa rin akong isa sa mga kaibigan mo."

"Siyempre naman, mabait ka kasing tao."

"Sabi mo yan ah, mabait ako." huminga muna si Mico ng malalim dahil nakakaramdam siya ng lungkot. "Aalis ka na. Mababawasan na ang mga kaibigan ko dito." ipinakita ni Mico ang lungkot sa kanyang mukha.

Natawa si Rico. "Huwag namang ganyan. Haha."

"Hindi biro lang. Pero totoong malulungkot ako ha?"

"Yan ang isa sa mga nagustuhan ko sayo. Makulit. Nakakatuwa."

"Wow naman... Ok dahil aalis ka na, kailangan dito ka kumain ng dinner. Ok ba yun?"

"H-ha? Dinner?" Tumingin si Rico sa wall clock. "Mmm sige maaga pa naman kaya, uuwi muna ako para makapagpaalam at tapos babalik ako."

"Sige. Basta babalik ka agad ha?"

"Sure. Tingin mo mga anong oras?"

"Basta, Mmm..." nagisip habang nakatingin sa wall clock si Mico. "Around 6 nandito ka na."

"Ok. Pupunta ako."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Rico.
-----

"Bakit hindi ka na pumunta sa bahay?" si Ivan.

"Wala lang."

Nagsalubong ang kilay ni Ivan. "Wala lang." inulit niya ang sinabi ni Mico na may panguuyam. "Siguro may kausap ka na naman ano?"

"Hindi naman. Pero dumating dito si Rico kanina."

"Nanaman?" parang gustong umusok ang ilong ni Ivan.

"Nagpapaalam." paliwanag agad ni Mico nang mapansing naglalakihan ang butas ng ilong ni Ivan. "Nagseselos ka ba? Aba pabor yun." tuwirang tanong ni Mico.

Binato ni Ivan si Mico ng unan. "Never. Nagtataka lang ako dahil parang araw-araw na siyang pumupunta dito. Suitor?" paliwanag o alibi ni Ivan.

"Suitor? Ewan ko sayo." sabay irap kay Ivan. "Ay oo nga pala. Babalik dito si Rico ka-"

"Ano?" pasigaw na naibulalas ni Ivan nang marinig ang pangalan ni Rico.

"Problema mo? Niyaya ko kasi si Rico na dito mag-dinner."

"Bakit mo pa ginawa yun?"

"Ano naman? Ikaw talaga nahihirapan na akong intindihan yang gusto mo."

Bumuntong hininga na lang si Ivan. "Bahala ka na nga." tumahimik sya saglit. "Dito rin ako kakain. Bakit may angal?"

"Wa... la...."
-----

Halos hindi nag-iimikan ang lahat sa harapan ng hapag-kainan. Hindi inaasahan ni Rico na naroon din pala si Ivan. Pero kahit ganoon OK lang sa kanya. Wala naman siyang ginagawang hindi maganda kaya para saan kung matatakot siya. May naisip siyang idea. Hangad niya lang na hindi makasama sa pagkakaibigan nila ni Mico. At umaasa siyang makakatulong pa bago siya umalis. Lihim na lang siyang napa-ngiti.

"Mico." tawag atensyon ni Rico kay Mico. "Ikaw ba ang nagluto nito? Ang sarap kasi."

"Talaga?" natuwa si Mico sa narinig mula kay Rico. "Pero, mali ka. Kasi si aling Saneng ang nagluto niyan."

"Ah ganoon ba? Baka mahalikan ko si Aling Saneng kung ganoon. Kung hindi ako makakapag-pigil." sabay tawa ni Rico.

"Balak pa palang halikan nito si Mico." kanina pa gustong umusok ng bumbunan ni Ivan na tahimik katabi ni Mico. Matamang nakikinig sa dalawa.

"Ah... e di ibig sabihin kung ako ang nagluto nyan ... ako ang mahahalikan mo?" at kunyari na kinilig si Mico.

"Mangisay ka pa. Naniwala ka naman?" as usual si Ivan.

"Hindi. Hindi ko naman gagawin yun."

"Dapat lang..."


"Ay sayang." pagbibiro ni Mico.

"Talaga naman." sa pagkakataong iyon naitusok ni Ivan ng madiin ang tinidor sa isang piraso ng karne na naging sanhi ng pagtunog ng plato. Agaw pansin.

Napatingin si Mico at Rico kay Ivan.

Biglang tawa ni Ivan. "Ang kunat kasi ng napunta sakin... Kaya napadiin ang tusok ko ng tinidor HE he." alibi.

Nagkatinginan na lang sina Mico at Rico.

Si Rico ang unang pumiyok. "Buti na lang at husto sa luto ang sa akin."

Nagtiim bagang si Ivan ng lihim. Parang hindi na niya nalalasahan ang kinakain dahil ang atensyon ay nasa paguusap ng dalawa.

Natawa si Mico. "Buti na lang nasaktuhan mo."

"Ang ibig sabihin, malas ko lang na napunta sa akin ang makunat na karne?" si Ivan.

"Mico, hindi ko talaga makakalimutan ito." masayang pahayag ni Rico.

"Talaga?"

"Magsawa ka na kasi mawawala ka na."


"Kaya nga pipilitin kong maka-dalaw kaagad."

Nahulog ang kutsara. "Sorry." hingi ng paumanhin ni Ivan. Pero sa totoo lang sinadya ni Ivan na ihulog ang kutsara. "Kasasabi ko lang na mawawala na... may balak pa talagang bumalik? Badtrip."


Napangiti na lang si Mico kay Rico. Tumango naman si Rico kay Mico na nagpapahiwatig na ok lang ang mga nangyayari.
-----

Hindi lang natapos ang gabi sa harap ng hapag-kainan. Nagkwentuhan pa sila. Lihim naman ang paghihimutok ni Ivan. Kung kaya niya lang na magsalita ng tama na ang kwentuahan at magsi-uwian na, kanina pa siguro niya ginawa. Para nga siyang bantay sa dalawa habang siya ay nakatutok sa t.v.

"Mico, gabi na. Kailangan ko na sigurong umuwi." pahiwatig ni Rico.

"Buti naman at nahalata mo rin."


"Ay..." na-sad si Mico. "Ganun ba?"

"Oo. Maaga pa kasi ang alis ko bukas. Sana maunawaan mo?"

"Sobrang nauunawaan ko. Sige na... alis na. ang dami pagn sinasabi."


"Oo naman. Sige ihahatid na kita."

"Sige salamat." tumayo na si Rico.

Tumayo na rin si Mico para samahan si Rico sa paglabas. Hindi naman agad tumayo si Ivan.

Nang  nasa harapan na sila ng gate palabas, tumigil saglit si Rico. Nang mahulaang padating na si Ivan saka siya muling naglakad.

"Rico." sigaw ni Mico nang makitang muntikang madulas si Rico. Agad naman ang saklolo niya at kanyang inalalayan.

Para silang nagyakapan nang makita ni Ivan. Biglang naningkit ang mga ni Ivan. Hindi niya nagugustuhan ang nakikita. Lalo na nang makita niya ang kamay ni Rico sa bandang pang-upo ni Mico.

Agad na lumapit ang galit na galit na si Ivan. "Bitawan mo nga si Mico." asik niya. Inalis niya ang kamay ni Rico sa katawan ni Mico. Pagkatapos ay tinulak niya ito. Hindi niya nakitaan ng pagkagulat si Rico sa ginawa niya. Si Mico ang narinig niyang nagbulalas ng pagkagulat sa ginawa niya.

"Anong problema mo ba pare?" malumanay na tanong ni Rico.

"Bakit ba kasi Ivan?" si Mico na naguguluhan.

Hindi pinansin ni Ivan si Mico. "Nagtatanong ka pa? Kung hindi ko pa napansin, sinasadya mong madulas para maka-score ka kay Mico."

"A-ah ano ba yang pinagsasabi mo Ivan?" nagulantang si Mico. Napatingin din siya kay Rico.

"Kung gusto mo ng kayakap, maghanap ka ng iba. Hindi si Mico ang babastusin mo?"

"Hindi ko alam Ivan ang sinasabi mo?" maang ni Rico. "Wala akong balak na bastusin si Mico. Magkaibigan kami." malumanay pa rin si Rico.

"Yun na nga eh. Sinasamantala mo." pagkatapos ay sinundan pa ni Ivan ng mura.

"Ivan!" sigaw ni Mico. "Sumusobra ka na ah."

Tinignan ni Ivan si Mico ng nagtatanong na bakit kinakampihan pa niya si Rico.

"Walang intensyong ganoon si Rico." paliwanag ni Mico kay Ivan. "Nadulas lang siya kaya mali ang nakita mo."

"Ah mali lang ang nakita ko? Ganun?"

"Ang ibig kong sabihin mali lang ang akala mo. Nagkataon lang siguro na doon ako na- nahawakan ni Rico."

"Tama ang sinasabi ni Mico Ivan." singit ni Rico.

"Huwag kang makialam hindi ka kinakausap." at lumapit si Ivan kay Rico.

Napasigaw si Mico nang sapakin ni Ivan si Rico. Kitang-kita ni Mico ang pagtama ng kamao ni Ivan sa labi ni Rico. Natulala siya kasunod.

Napabalandra si Rico sa gate. Buti na lang at nasa bandang gate na siya at nasalo siya noon kaya hindi siya tuluyang lumagpak sa lupa. "Ang laki ng problema mo, pare." nasapo ni Rico ang labi niya. Napansin niyang nagdurugo iyon.

Akala ni Ivan na susugurin din siya ni Rico. Pero mali ang inakala niya. Nanatili lang ito sa pwesto nito. Nagtataka siya kung bakit parang walang intensyong gumanti si Rico sa kanya. Gayong mas malaki na di hamak si Rico kaysa sa kanya. Bahagya nga rin siyang nagulat sa ginawa niyang pagsapak kay Rico.

Saka lang naka-galaw si Mico sa pagkakatulala. "Rico." pinuntahan niya si Rico.

"Ok lang Mico." pagkatapos ay tinuon ang sarili kay Ivan. "Magkalinawan nga tayo? Ano ba ang tingin mo sa akin? Masamang tao kay Mico?" sunod-sunod niyang tanong kay Ivan.

HIndi nakapagsalita si Ivan. Dahil mas natutuon ang pansin niya sa pagaasikaso ni Mico kay Rico.

"Noong isang araw ka pa eh. Ano mo ba si Mico para magpakita ka ng ganyang pag-uugali mo? Mag-syota ba kayo ni Mico? Hindi naman di ba?"

Lalong nag-init si Ivan sa mga binitawang salita ni Rico. Lalapit sana siya para muli itong sapakin. Ngunit nakita niyang maagap si Mico.

"Ivan!" sigaw ni Mico kay Ivan.

"Hindi naman di ba? So wala kang pakialam kung nililigawan ko si Mico."

Hindi lang si Ivan ang nagulat sa sinabi ni Rico. Pati si Mico ay napatingin kay Rico. "A-anong sabi mo?" nauutal na tanong ni Mico kay Rico.

Pero hindi pinansin ni Rico si Mico. Muli itong nagsalita kay Ivan. "Ano? Ano bang pakialam mo kung nililigawan ko si Mico?"

Hindi na nakapag-salita si Ivan.

"Bakit mo sinasabi yang ganyan Rico?" nagtatanong ang mga mata ni Mico kay Rico. Lihim siyang kinidatan ni Rico. Hindi niya maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig. Hindi na siya nakapagsalita.

"Sige Mico aalis na ako." paalam ni Rico. "Ok lang ako. Huwag kang mag-aalala."

Hindi na nakapagsalita si Mico hanggang sa makaalis na ng tuluyan si Rico.
-----

"So ibig sabihin pala talagang nililigawan ka ni Rico?" nagtitiim bagang na tanong ni Ivan kay Mico nang silang dalawa na lang ang natira.

Hindi pinansin ni Mico ang tanong ni Ivan. Binalewala niya ito at pumasok sa loob ng bahay.

Sumunod si Ivan. "Tinatanong kita." habol niya.

"Wala kang pakialam." sigaw ni Mico. "Tama si Rico. Ano ba kasing problema mo?" naiiyak na si Mico. "Wala ba akong karapatang magkaroon ng ibang kaibigan? Ha?"

"Hindi kaibigan ang tingin niya sayo. Kakasabi niya lang."

"Eh ano naman ang pakialam mo?" tuluyan ng napaiyak si Mico sa sobrang sama ng loob kay Ivan. "Hindi ko talaga maintindihan ang gusto mong manyari." tumalikod siya kay Ivan at tinungo niya ang sofa at umupo. Napasulyap siya kay Ivan na nagtungo sa may pintuan. Ang akala niya ay aalis na ito. Hindi pala. "Ano Ivan. Magsosorry ka na naman? Ganoon na naman?" Naka-rinig si Mico ng tunog na nagmula sa pader kung saan nakatayo si Ivan.

Nasuntok ni Ivan ang pader. Saka umalis.
-----

9 comments:

Lester Del Rey said...

ayun oh.

- I thought Rico will do something more than that. Yung tipong masasabi ni Ivan yung frustrations niya and stuff.

- Taeng Ivan ito. Wala namang karapatan, napaka possessive naman. Tsk.

- at si Mico. Sige na, mahaba na ang buhok. Di niya ma-gets si Ivan, siguro dahil subconciously, na-set na sa isip niya na the idea of 'Ivan and Mico' isn't possible.

Kuya, yung 9 and 10 naman ng True Love Waits.

ram said...

hahahah. ayaw pa kc aminin ni ivan. hayst. next na lng ulit

fayeng said...

ayeeeeeeeeeeee! kay ganda..... kudos!

Anonymous said...

hi erwin.
super like ko ito story na sinulat mo. talaga nadadala ako sa bawat eksena tapos nakakilig pa.ang galing ng pagkakasulat mo na story na ito. hays sana lang may ganito nga story sa tunay na buhay hehehehe. kahit nasa school ako gusto na kaagad umuwi ng bahay para check kung may kasunod na chapter. talaga super ganda. maraming salamat sa pagbabahagi ng isa sa mga obr amo. goodluck and take care.

eunso

Anonymous said...

hi erwin.
super like ko ito story na sinulat mo. talaga nadadala ako sa bawat eksena tapos nakakilig pa.ang galing ng pagkakasulat mo na story na ito. hays sana lang may ganito nga story sa tunay na buhay hehehehe. kahit nasa school ako gusto na kaagad umuwi ng bahay para check kung may kasunod na chapter. talaga super ganda. maraming salamat sa pagbabahagi ng isa sa mga obr amo. goodluck and take care.

eunso

Anonymous said...

Oh My Golly.. haha.. super duper love ko tong part na ito.. haha.. totoo ngang nagseselos si Ivan kay Rico.. haha.. kita naman sa galaw niya eeh..

hay nako Ivan.. umamin ka na kasi eeh.. na may part sa <3 mo si Mico... na wag ka nanng magalit.. lalayo din naman si Rico eeh.. pupunta na siya ng MAYNILA.. kaya itr yur time to shine na.. hahaha.. sana marealize mo na yung nararamdaman mo towards Mico na may something ka na sa kanya at kung bakit ka nagkakaganyan.. hahaha.

At ikaw naman Rico.. nako.. sana tothanin mo yang sinasabi mong panliligaw.. hahaha.. para magselos to the max itong si papable IVAN.. hahaha.. at masabi na talaga ni Ivan ang nasa sarili niya.. hahaha.. ang kinikimkim na poagmamahal kay Mico.. bwahahaha..

at kaw naman MICO... landi mo gurl!.. hahaha dami mong mga papa/ boylet/ suitors/ lovers/ neighbors... hahaha kakaloka ka.. ang HABA NG HAIR MO... taray!

hahaha.. sana may update na kaagd to.. ang ganda talaga.. super love this.. haha...

at kuya sana man lang kapag nagonline ka ay nakaOnline din ako.. meron sana ako sa iyong gustong sabihin eeh.. kaos wala ka naman lagi.. hinihintay kita kapag gabi.. wala ka.. umaabot ako ng mga alas dose na ng gabi wala ka... :(

at ang iskor ko ay 9!

-Enso

RavenSaidNevermore said...

naku, parati anko nabubwisit dito sa storyang to. nabibitin ako!!! ang ganda kasi eh

Darkboy13 said...

WOW asin soper WOW at omg pa hahaha

IamRaven said...

Nakakakilig sobra! Ang haba lang ng buhok ni Mico ha umabot hanggang dito sa bahay. Hahaha! Kalurkey ang pagka-selos ni Ivan. LABET!!♥