Followers

CHAT BOX

Wednesday, January 12, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 16

Ilang linggo pa ang nakalipas, talagang naging mas maigi ang pagkakaibigan nila Ivan at Mico. Hindi inaasahan ni Mico na darating ang puntong mas makikilala pa niya si Ivan. Hindi niya naisip na mararamdaman niya ang pagiging caring nito. Akala niya tama lang na maging kaibigan sila kapag tinanggap na siya ni Ivan. Hindi inaakalang mararanasan din niya ang mga lambing nito.

Hindi na nga rin niya namamalayang naging open na si Ivan sa kanya. Ramdam niya na tiwala na si Ivan sa kanyang magsabi ng saloobin nito. Pero nalaman din niya, na sa kabila ng pagiging siryoso nito tulad ng una niya itong makita at kung paano siya tratuhin nito, itinatago lang pala nito ang pagiging masayahin. Hindi niya inaasahang minsan, madalas siya pa ang nakakaramdam ng kasiyahan sa tuwing magkukuwento ito.

Mas lalong minahal ni Mico si Ivan. Dati, mahal niya ito dahil lang sa tingin niya pogi, o may dating si Ivan. Pero nagbago ang lahat ng pagkakakilala niya rito. Mas tumindi ang pagmamahal niya. Para sa kanya ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Ivan ay nag-mature.

"Ngayong araw Vani, wala tayong makakausap na Ivan ang pangalan na nakatira sa baba." kinakausap ni Mico ang alagang aso. Tumahol ang kanyang aso. "Oo, Vani kasi si Ivan mahal ko ay nagpaenroll sa university na pinapasukan niya. Alam mo Vani, mukhang malapit nang maging busy si Ivan. Baka ma-miss niya  ako." sabay tawa sa huling mga sinabi. "Ako talaga ang mamimis niya eh noh." bigla siyang nalungkot. "Sa totoo lang ako ang makakamiss sa kanya. Posible na mangyari iyon. Siyempre magiging busy yun. Hayss! Nagyon pa nga lang namimiss ko na siya eh."

Yumahol-tahol si Vani. Matagal na natahimik si Mico. "Alam ko na Vani, gumala tayo sa labas. Mmm tama, baka makita pa natin Rico at muli kaming makapagkwentuhan. Matagal-tagal na rin uli kaming hindi nagkakausap." nangiti siya sa naisip gawin. Binuhat niya si Vani at nagsimulang humakbang palabas ng ng bahay.

Maganda naman ang sikat ng araw. Hindi sobrang init. Mahangin-hangin sa paligid. Kaya lang, napakatahimik ng paligid.

"Ganito ba talaga dito, palibahasa hindi ako naggagala kaya hindi ako sanay na walang tao sa paligid."

Napapabuntong hininga si Mico kapag lumiliko sa mga iskita na walang taong natatanaw.

"Hindi ko naman alam kung saan ang bahay ni Rico. Imposible ko naman sigurong matiyempuhan dito sa labas." para siyang timang na nagsasalita mag-isa. Buti na lang at karga niya ang alaga at may napagsasabihan siya ng kanyang nararamdaman.

Nakarating si Mico sa club house ng subdivision. Wala ring tao doon pero minabuti niyang umupo sa isang bench na nakita niya malapit sa basketball court. Inilapag niya si Vani sa tabi niya. "Si Ivan ang naiisip ko, Vani. Namiss ko na agad siya."

Lumipas pa ang ilang sandali nang makarinig siya ng mga boses ng mga bata sa kanyang likuran. Nlingon niya ito para malaman kung bakit mga naghahagikgikan ang mga ito.

Natutuwa ang mga bata dahil kay Vani. Napa-ngiti siya. Hinayaan niyang tumalon si Vani sa baba para makipaglaro sa mga bata. Pinanood niya ang mga bata habang nakikipaglaro sa alaga. Pero nagsawa rin ang kanyang mga mata. Ipinatong niya ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita para malumbaba. Kasunod ang mga sunod-sunod na buntong hininga.

Napa-tayo siya nang malaman sa kalayuang umaambot. Nilingon niya ang alaga sa piling ng mga batang tuwang-tuwa sa pakikipaglaro dito.

"Vani uwi na tayo. Mga bata uuwi na kami. Baka kasi umulan. Tignan niyo oh, umaambon na."

"Hindi pa naman umuulan eh." sagot ng isang bata na kitang -kita sa mukha ang lungkot nang malamang kukunin na ang kanyang alagang aso.

"Ngek, kailangan pa munang umulan bago kami umalis?" lihim niyang nasabi sa isinagot ng bata. "Vani paalam ka na sa kanila." utos niya sa alaga.

Agad namang lumapit sa kanya si Vani. Binuhat niya ito at sinimulang lumakad. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng awa sa mga batang iniwanan. Feeling tuloy niya napaka-KJ niya. Pero ayaw naman niyang abutan ng ulan.

Sa paglalakad niya, hindi niya inaasahan na makikita si Rico sa daan.

"Mico." natutuwang si Rico.

"Wow naman, akalain mo yung makikita kita rito." sinundan ni Mico ng tawa.

Natawa rin si Rico. "Pupunta sana ako sa clubhouse para makipaglaro ng basketball. Ikaw?"

"Naglalakad lakad uli. Wala kasing maka-usap eh."

"Wala ba si I-ivan nga ba yun?"

Natawa si Mico. "Oo."

Nagulat ang dalawa nang biglang lumakas ang patak ng ulan.

"Dali hanap tayong masisilungan?" yaya ni Rico. Hinila niya si Mico para umalis sa lugar na iyon.

Buti nalang at may nakita silang sari-sari store kaya doon sila tumigil. Tamang-tama naman nang lumakas ang ulan ay naka-silong na sila doon.

Nagkatinginan sila ni Rico. Pagkatapos ay nagkatawanan.

"Ang sama ng pagkakataon ah." nasabi ni Rico.

"Oo nga yata."

"Baka malamigan si Vani." pagaalala ni Rico.

"Ano ka ba. Sanay naman to sa malalamig na lugar."

"Alam ko naman yun. Baka kako lang." sinundan niya ito ng tawa.

Tumahol-tahol si Vani kay Rico.

"Hala, mukhang nagagalit sayo Rico."

"Hindi naman siguro." pa-cute ni Rico. "Ano bang gusto mo Vani, ibibili ka ni Kuya Rico mo?" alo niya sa aso.

Natawa si Mico. "Sige Vani tell Rico what do you want?"

"Sige hintayin nating sumagot." Inilapit ni Rico ang tenga kay Vani.

"Baka pag sumagot yan..."

Nagkatawan na lang silang dalawa.

Nag-decide si Rico na bumili ng snacks sa tindahan para hindi sila mabagot habang nagpapatila ng ulan. Todo naman ang tanggi ni Mico noong una pero hindi na niya napigilan si Rico. Labis ang pasasalamat niya sa ginawa ni Rico.

Nagngunguyaan habang nagtatawanan sila nang may tumigil na kotse sa harapan nila. nagulat si Mico. Kilala niya ang kotse na iyon. Hindi na siya nagulat nang lumabas mula roon si Ivan na nakapayong.

"Ivan." nakangiti niyang tawag. Pero nang mag-angat ng mukha si Ivan nagulat siya ng makitang nakasimangot ito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ivan.

"Inabutan kasi ako ng ulan. Kasama ko pala si Rico. Natatandaan mo pa ba siya, yung ikinukwento ko sayo?"

"Ah.. Kuya..." tawag ni Ivan kay Rico.

"Ric- rico na lang." pakilala ni Rico sa sarili medyo nagalangan siyang sumagot sa hitsura ni Ivan.

Tumango si Ivan. "Mauuna na kami. Pasensiya na." paalam ni Ivan.

"Sandali." awat ni Mico. "Paano ka Rico?"

"H-ha?" nagulat pa si Rico nang lingunin siya ni Mico. "Okey lang ako. Huwag mo akong alalahanin." ngumit siya kay Mico.

"Halika na Mico umuwi na tayo." Hinila na nga niya si Mico.

Bago pa makapasok si Mico sa loob ng kotse ay sumulyap muna siya kay Rico. Ipinahiwatig niya sa mga tingin niya na humihingi siya ng pasensya sa nangyari.

Tumango si Rico kay Mico para malaman nitong okey sa kanya. Ngumiti pa siya bago nito lubusang ipasok ang sarili sa kotse. Pinagmasdan na lang niya ang papaalis na sasakyan. Pagkatapos ay napa-ngiti na lang para sa sarili.
-----

"Sana sinama na lang natin si Rico. Naihatid na rin sana. Kawawa naman." mahinang salita ni Mico habang nakaupo sa tabi ng driver seat at pinagmamasdan ang paligid na basang-basa ng ulan. Nagulat si siya sa biglang paghampas ni Ivan sa manibela ng sasakkyan. "Okey ka lang?"

Tinignan lang ni Ivan si Mico at ibinalik rin niya ang atensyon sa daan.

Hindi na kumibo si Mico pagkatapos noon. Maya-maya lang rin naman at nasa harapan na sila ng bahay ni Ivan. Bababa sana si Mico para buksan ang gate.

"San ka pupunta?" tanong ni Ivan.

Napatigil si Mico sa pagbukas ng pinto. "Bubuksan ko ang gate niyo."

"Ako na." Walang ano-ano, bumaba si Ivan para buksan ang gate.

Nagtataka si Mico sa ikinikilos ni Ivan. Napapatingin na lang siya sa kaibigan. Kahit may payong si Ivan na dala nakikita ni Mico na napapatakan parin si Ivan ng ulan. Wala na lang nagawa kundi ang hayaan ito. Muling sumakay si Ivan sa sasakyan.

"Bakit nakasimangot ka?" tanong ni Mico.

Hindi sumagot si Ivan. Ang atensyon nito ay sa paggarahe ng sasakyan.

Naunang pumasok si Mico sa loob ng bahay pero hinintay niya si Ivan sa may pintuan. Ibinaba niya si Vani sa lapag. "Basa na yang damit mo. Magpalit ka na agad."

"Hindi yan basa." sagot ni Ivan.

"Ano ka ba? Kitang-kita naman na basa eh."

Hindi nanaman kumibo si Ivan. Dumiretso si Ivan sa sofa para umupo. Doon ibinagsak niya ang katawan.

"Wala ka talagang balak magpalit?" tanong ni Mico nang makaupo na rin. Tinignan lang siya ni Ivan. Tinaasan niya ito ng kilay tanda ng pagtatanong.

"Bakit ka nandoon kanina? Kung kailan umuulan saka ka pa naggagala."

"Hindi ko naman na inaasahang uulan pala."

"Marunong ka naman sigurong makiramdam kung anong meron sa paligid mo?"

"Bakit ba?" naguguluhan si Mico.

"Sana umuwi ka na nang makita mong nagbabadya nang umulan."

"Ginawa ko naman ah?"

"Oh talaga. Kaya pala inabutan ka ng ulan."

"Nakita ko kasi si Rico kanina." paliwanag ni Mico.

"Kaya nakalimutan mo ng uulan pala. Ayos."

Naiinis si Mico sa huling salitang ginamit ni Ivan. Kaya nakapag-taas siya ng boses. "Ano naman kasi sayo? Nabasa ba ako? Nakita mo naman nakasilong ako ha?"

"Oo nga."

"Oh yun naman pala eh. Anong problema mo?"

"Wala akong problema."

"Ewan ko sayo." tumayo si Mico. Uuwi na lang siya kanyang bahay.

"San ka pupunta?" nilingon ni Ivan ang papaalis na si Mico. "Malakas pa ang ulan."

"Hindi ko naman siguro ikamamatay? Ikaw nga ni ayaw mong magpalit ng damit eh." sagot ni Mico habang papalabas.

"Sige magpapalit na ako." sigaw ni Ivan. Pero wala na siyang narinig na sagot ni Mico. Tuluyan na nga itong nakalabas ng pinto. "Ay ang kulit. Sinundo ko nga dahil ayaw kong mabasa tapos susugod sa ulan." Agad na napatayo si Ivan para sundan si Mico.

Nang marating niya ang pinto nakita niyang sumugod si Mico sa ulan nasa kabilang gate na ito papasok. Napabuntong hininga nalang siya.

"Bakit ba kasi ganoon nalang ang inasal ko kanina. Nakakainis naman kasing makita si Mico na nakikipagkwentuhan sa labas kung kelan pa umuulan. Nakakainis. Nagalit pa yata sa akin si Mico."
Sunod-sunod na buntong hininga na lang ang ginawa ni Ivan.

Uupo sana siya sa sofa ng biglang makabuo ng desisyon. Nagdesisyon siyang puntahan si Mico sa kanila. Hihingi siya ng sorry kung kailangan. Pero bago iyon magpapalit muna siya ng damit. Kaya agad siyang tumakbo sa kanyang kwarto para magpalit.
-----

"Nakakainis naman ang taong yun. Ang labo. Kung umasta siya akala nagseselos. Nagseselos?" Bigla niyang naitanong sa sarili. "Si Ivan nagseselos nga ba?" muli niyang tanong. Pero agad din siyang bumawi. "Hindi. Imposible."

Aakyat na sana siya sa kanyang kwarto nang maalala si Vani. "Si Vani nga pala!" hindi na niya itinuloy ang pagakyat kundi muling lumabas. "Susugod na naman ako sa ulan. Teka, maghahanap muna ako ng payong." naghanap siya ng payong. Agad naman siyang nakakita sa likod ng pinto.

Pagkalabas niya ng bahay nagulat siya ng biglang bumukas ang gate. Nakita niya si Ivan buhat-buhat si Vani. Hindi na siya kumilos sa kinatatayuan niya.

"Oh naiwan mo." may pagalit na salita ni Ivan. Pero ang totoo, sinadya niya lang iyon.

"Salamat." pero labas sa ilong ang pagbibigay salamat.

"Sorry na." biglang lambing ni Ivan.

Napatingin si Mico nang diretso kay Ivan. "Ikaw kasi eh. Pasok ka muna."

Pumasok sila sa loob ng bahay. "Magpalit ka na." utos ni Ivan.

"Gagawin ko na nga sana. Naalala ko lang na nakalimutan ko nga pala si Vani. Lalabas sana uli ako kaya lang nakita kitang dala mo na si Vani."

"Oh di magpalit ka na." natatawang si Ivan.

Umirap si Mico. "Ang lakas mo magutos eh noh. Pero siya kanina..."

"Nagpalit na ako. Halatado naman siguro."

"Ewan ko sayo. Diyan ka muna magpapalit lang ako."

Iniwan na nga ni Mico si Ivan para magpalit ng damit.
-----

"Sandali." sagot ni Mico habang nakatayo sa harapan ng salamin.

Kumakatok si Ivan sa pinto ng kwarto ni Mico. Sinundan na kasi niya ito dahil natatagalan siya.

Malaya na si Ivan na pumasok sa loob ng bahay nila Mico. Wala namang nagbabawal noon pa man. Hindi lang niya gawain na magpunta roon gayon wala naman siyang kailangan dati. Pangalawa, hindi sila close noon ni Mico para maka-isip siyang dalawin ito.

Pero ngayong nagbago na ang lahat, kahit walang kailangan, madalas na si Ivan sa bahay nila Mico. Siya pa ang madalas na nagpupunta roon para sunduin itong magpunta sa kanila. O kung minsan naman pumupunta siya roon kapag nakakaramdam ng pagkabagot. Masaya siya sa ginagawa niya. Masaya siyang naging magkaibigan na sila ni Mico. Inaamin niya sa kanyang sarili.

"Ang tagal mo naman." reklamo ni Ivan.

"Palabas na ako." sigaw ni Mico bago ang huling sulyap sa repleksyon ng sarili sa salamin. "Lagi ka na lang atat noh?"

"Kanina ka pa kasi. Para kang natulog muna." nagulat pa si Ivan nang biglang bumukas ang pinto.

"Ano? Grabe ka naman. Ilang oras ba akong nawala? Wala ngang kalahating oras eh."

Imbes na sagutin ni Ivan si Mico hinila na niya itong bumaba. "Bilisan mo."

Wala ng nasabi si Mico kundi ang sumunod. Napangiti na lang siya sa ginagawa ni Ivan. Nakikita niya ang sweetness nito sa pamamagitan ng ganoon.

"Bakit mo ba kasi pinagmamadali?" tanong ni Mico.

"May pasalubong kasi ako sayo. Nakalimutan kong ibigay kanina."

"Talaga? Ang sweet mo naman."

"Siyempre ako pa." nagyayabang na ngumisi-ngisi pa si Ivan kay Mico.

"Oo ikaw na."

"Bilisan mo na. Huwag ka ng maraming tanong."

"Ok."
-----

6 comments:

Lester Del Rey said...

Kuya..

- Obviously, Ivan is Jealous. Period.

- Rico, I guess, have an idea about Ivan's gestures. Hahaha

- Vani? Nevermind.

- And Micco? Head-over-heels?

Hahaha

(ash) erwanreid said...

Half nice to see you here...

Thank you poh! :)

jackcolin21 said...

wowwwwww wla akong masabi.......galing mo tlg sir nkakakilig tama hinala ko nag seselos c ivan.......haba ng hair ni mico..... well done sir

Anonymous said...

wow.. eto lang ang masasabi ko..

Ivan..

nag seselos kay Rico.. dahil siya ang kasama nito at hindi siya.. kaya ganun na lang ang trato niya.. hehe.. nako kaw talaga Ivan.. wag ka na magselos.. hahaha.. kasi ikaw naman talaga ang mahal ni Mico eeh.. kaya wag na mag deny to death.. hahaha.. nararamdaman ko.. haha.. love na love ka talaga niya.. hahaha.. at sana magtagal pa kayiong ganyan.. ang cute niyong tingnan.. hahaha

Rico..

bad for you.. anlakas ni Ivan.. hehe.. pero maganda ka rin sa eksena para may love triangle ang kwento.. ay merong magseselos, which is Ivan.. hahaha..

Mico...

ang haba ng buhok mo.. taray mo gurl.. hahaha.. dalawa na ang nahuhumaling sayo.. at makikisig pa .. hahaha... kasing haba na ni RUPUNZEL ang buhok mo.. lucky for you girl.. sana wag mo munang sabhin yung pinagsisgawan ng puso mo.. para mas gumanda pa yung kwento.. hahaha

Vani...

Aw.. aw.. awww.. aww.. aww..
arrrfff.. arrfff...


at ang iskor ko ay 9!
(alam mo na kung bakit ganyan yugn score ko.. hahaha .. muah!)

-Enso

ram said...

umabot na sila sa ganung level. madidiscover na nila na kakaiba ang nararamdaman nila sa isat isa. next chapter na.........

android said...

ganda grabe ...
ngayon lang ako kinilig while laughing ...
ganda ng chemistry nila Ivan at Mico ..
obviously slos si Ivan kay Rico but the common thing about the two of them is TORPE hahaha ...
bukas ko na lang po basahin next chapter ... stille have class tomorrow as early as 6am.
good job author !!!