Followers

CHAT BOX

Monday, January 10, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 15

"Sandali naman, excited-excited?" reklamo ni Mico dahil hinihila siya ni Ivan palabas ng gate. Pero ang totoo kinikilig siya.

"Ang bagal mo kasi. Gutom ka na yata."

"Hindi no."

"Oh bilisan mo na."

"Pwede naman ako magmadali nagkakanda-patid lang ako sa paghila mo."

"Ah ganoon ba? Sige hindi na." tumigil sa paglakad si Ivan.

Natigilan din si Mico. "Bakit?" takang tanong niya kay Ivan. Itinaas pa niya ang kilay nya, tanong kung bakit siya tumigil.

"Ikaw mauna. Sabi mo mabilis ka?" natatawa ito.

"Ganoon?" at naglakad na gna si Mico.

"Yan na ang mabilis? ang bagal naman."

Tumigil si Mico. "Anong gusto mo tumakbo ako. Ang bilis na nga ng lakad ko eh." nayayamot na salita ni Mico.

Tumawa si Ivan ng malakas. "Nakakatuwa ka naman magalit. Ang cute."

Dahil sa huling salita ni Ivan, lumakas ang kabog ng dibdib ni Mico. Napatalikod kaagad siya at ipinagpatuloy ang paglakad. "Ano ba naman yan Ivan, pasasabugin mo yata ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Nakakainis ka na. Mahahalikan na kita. Ayyy." lihim niyang nararamdaman.

"Hala nagmadali? Kinikilig ka ano? Sige na hindi ka na cute." snundan ni Ivan ng malakas na tawa.

Nasa gate na si Mico. "Talaga? Hindi ako cute? Huwag kang papasok." sabay dila. Muli siyang tumalikod. "Gosh, oh my oh my... matagal pa ang pasko. Tapos na ang valentine. Matagal pa ang undas para patayin ako sa sobrang kilig ano ba naman yan. Waaaaaaaaaa..."


"Ito talaga hindi na mabiro. Biglaan yata ang pag-iiba mo ng mood. Masyado ka ng tinatamaan dati anong sabihin ko sayo hindi ka man lang affected tapos ngayon."

"Iba na kasi ngayon. Iba na talaga ngayon. Iba na talaga kasi ngayon. Mas lalo mo akong pina-iibig sayo."


"Bakit ka nangingiti diyan?" napansin ni Ivan na nangingiti si Mico. "May binabalak ka no? Bakit iba na ngayon?" nagtatanong si Ivan sa harap ng gate na nakasara. "Hindi mo ako papasukin?"

"Ayoko. Maghintay ka na lang diyan."

"Hala ano kaya yun?"

Kunyari aalis na si Mico. Tumalikod siya at tutunguhin ang loob ng bahay nang sinalubong siya ni Vani.

"Talagang hindi mo papapasukin ah." reklamo ni Ivan. "Cute."

Napalingon si Mico kay Ivan.

"Hindi ikaw yung alaga mo." sabay tawa.

"Huwag ka na ngang pumasok." itinuon niya ang pansin sa alaga. "Kamusta ang Vani ko?"

"Nagbibiro lang ako, ikaw talaga yun."

Muli siyang lumingon kay Ivan. "Talaga."

"Oo ikaw talaga yun Vani." muli na naman niyang sinundan ng malakas na tawa.

"Pwes manigas ka diyan."

"Daya mo." sigaw ni Ivan.

"Hehehe."

"Sige na nga maghihintay na lang ako dito."

"Wow sigurado ka?"

"Oo naman. Anong tingin mo sa akin. Mapilit?"

"Talaga lang ha?" muli niyang pinagpatuloy ang paglalakad. "Hindi nga Ivan? Diyan ka na lang?"

"Oo nga." sa puntong iyon nakatalikod na si Ivan nang sumagot.

"Pasok ka na."

Kanda karipas ng pagpasok si Ivan nang marinig niya ang sinabi ni Mico na maaari na siyang pumasok. Halos mapatid pa nga siya. Natawa rin siya sa ginawa niya.

"Sabi ko Vani pumasok ka na."

Natigilan si Ivan. Sabay tawa naman si Mico. "One point Ivan."

"Si ge. Bilangin mo lang." pagkatapos dumiretso na si Ivan sa pagpasok. Nilagpasan pa nga niya si Mico.

"Nauna ka na ha? Akala ko ba makakatiis ka sa labas?"

Tawa ang isinagot ni Ivan kay Mico.
-----

"Ano naka-pili ka na ba?"

"Hindi pa." sagot ni Ivan.

"Hindi pa eh ano yang mga nakahiwalay?"

Natawa si Ivan. "Kulang pa kasi yan."

"Grabe ka naman 24 hours?"

"Ano naman..."

Hindi na muling nagtanong pa si Mico.

"Yan... itona lahat."

"Ok."

"Balik na tayo?"

"Liligpitin ko muna 'to."

"Ay oo nga pala. Tutulungan kita."tinulungan ni Ivan si Mico. "Ano kaya kung dito na lang tayo manood? Ok lang ba?"

"Oo naman." sagot ni Mico.

"Tama dito nalang para magkaroon ka naman ng bill sa kuryente."

Napataas ang kilay ni Mico pigil ang kanyang tawa. "Ang lakas mo ha?"

"Bakit na naman? Talaga namang malakas ako eh." ipinakita ni Ivan ang masel nito sa braso.

"Ayyyy." tili ni Mico.

"Grabe ka naman makatili." gulat ni Ivan.

"Sorry." sabay tawa.

"Salang mo na nga ito. Ako na magpapatuloy nito mag-ayos."

Hindi pa rin mawala ang tawa ni Mico. "Sige."
-----

Magkatabi silang nanonood ng isang horror film. Isang asian film iyon.

"Masyado yatang nakakatakot Ivan." nangingilabot na pahayag ni Mico.

"Hindi ah..."

"Ikaw. Eh ako hindi ako sanay manuod ng ganyan noh." inirapan pa niya si Ivan.

Hindi kumibo si Ivan. Siryosong nakatutok ang atensyon sa pinapanood.

Hindi na rin umimik si Mico. Nanood na lang rin siya. Maya-maya hindi niya inaasahang eksena sa pelikula na may babagsak na tao mula sa kisame. Napatili siya. "Ahhhhhh" Napakapit siya sa balikat ni Ivan. Pati ang paa niya ay naipatong na niya sa sofa. "Nakakagulat naman."

Nagreklamo si Ivan. "Huwag ka maingay." nakatingin siya kay Mico. Hindi naman niya inaasahan na sa muli niyang pagtingin sa screen ng t.v. ay may mukhang nakakatakot ang biglang sumulpot.

Sabay silang napasigaw. "Waaaaaa!" sigaw ni Ivan.

Natahimik silang pareho. Nagkatawanan.

"Ikaw kasi nangunguna. Nahawa lang ako." alibi ni Ivan.

"Weh... sinungaling talagang nagulat ka lang. Ako pa sinisi."
-----

Halos dalawang oras dina ng itinagal ng palabas. Hindi na nila namalayang magkatabi na magkadikit na ang kanilang katawan.

"Tapos na rin sa wakas." si Mico.

"Iba naman."

"Sigurado ka?"

"Minsan na nga lang manood."

"Ok. Huwag ka na magalit."

"HIndi ako galit. Nagpapaliwanag lang."

"Alin ba dito?"

Namili si Ivan. "Ito nalang." nakapili si Ivan ng isang comedy film tagalog.

"Sige." sang-ayon ni Mico.

Simula ng maisalang ang dvd, tahimik na muli silang dalawa. Nagkakaroon lang ng ingay kapag natatawa sila dahil sa eksena. Lumipas ang isang oras napansin ni Mico na hindi na kumikibo si Ivan. Tinignan niya ito nakita niya itong pupungay-pungay ang mga mata.

"Inaantok ka na?" bulong ni Mico kay Ivan.

"Okey lang ako. Tapusin natin."

"Kaw ang bahala."

Pero wala pang limang minuto nang maramdaman niya ang ulo ni Ivan sa balikat niya. Bahagya siyang napaunat ng katawan mula sa pagkakasandal sa sofa. Nabigla siya sa ginawa ni Ivan.

Ang totoo gusto ni Mico ang nangyayari. Si Ivan nakahilig ang ulo sa balikat ni Mico? Laking tuwa ni Mico. Hindi niya inabala ang ayos ni Ivan. Nangingit na lang siyang pagmasdana ng mukha ni Ivan mula sa noo pababa hanggang sa mga labi nito.

Sa kabila noon natatakot din siyang marinig ni Ivan ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "Hindi ko ine-expect na ganito kabilis tayong magiging close. Natutuwa talaga ako Ivan. Sobra. Kanina lang sa ginawa. HIndi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Parang... parang nakakabata mo akong kapatid nang pagtakpan mo ako kay Tita Divina. Hmmm pwede bang magrequest?" natawa siya sa naisip "Pwede bang ituring mo na rin akong girlfriend. ay naman oh,!" Tili niya sa kanyang sarili.

Kalahati pa ng pelikula ang haba ng kasayahan ni Mico. Dahil sa oras na matapos na iyon balak na niyang gisingin si Ivan at iuunat na nito ang ulo mula sa pagkakahilig sa kanyang balikat. Napabuntong hininga siya sa naisip.
-----

"Mico, ilang linggo na lang pasukan na naman." nakangiting salita ni Ivan kay Mico.

Isang hapon sa kanilang harapan habang nagtatambay kasama si Vani.

Natigilan si Mico. "Oo nga eh." nagpapahol siya kay Vani. Tumatakbo siya paikot.

"Sa susunod na linggo magpapaenroll na ako. Ikaw?"

Tumigil si Mico sa pagtakbo. Naupo siya. Napatingin siya kay Ivan nang lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. "hindi ko pa alam Van." Van na ang tawag niya kay Ivan ilang araw ang makalipas.

"Ibig mong sabihin wala ka pang balak bumalik sa Manila?"

"Parang ganoon na nga."

"Umaasa akong magdedesisyon kang bumalik na sa Manila para magenroll." bumuntong hininga muna si Ivan. "Gagradweyt na rin tayo. Yehey."

Natawa si Mico. "Oo nga eh. Pero gusto mo na pala akong umalis."

"Sinong may sabi?" biglang hinila ni Ivan si Mico at sinakal ito sa pamamagitan ng kanyang braso. "Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang na sabay tayong gagradweyt."

"Ayoko nga." kumawala si Mico kay Ivan. "Baka hindi mo ako makitang umaakyat sa stage."

"Tumigil ka nga Mico. Madali lang yun, aabsent ako."

Natahimik si Mico. "Sa totoo lang ayaw ko pa munang pumasok. Next year na lang. Nangako naman ako kay Mama na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko eh."

"I-ibig mong sabihin alamna ni Tita na hindi ka mag-aaral ngayon?"

"Hindi pa niya alam."

"Sayang naman Mico."

"Hayaan mo malayo-layo pa naman eh."

Ipinatong ni Ivan ang palad sa ulo ni Mico.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Mico.

Natatawa si Ivan ng bumigkas. "Kaawaan ka ng Diyos." sabay tawa ng malakas.

"Ivan?"

Tumakbo na si Ivan sa paligid at hinabol siya ni Vani. Natawa naman si Mico nang malingunan ni Ivan na hinahabol pala siya ni Vani.
-----

"Rico?" tawag ni Mico nang makakita siya ng lalaking nakataikod sa likod ng gate nila.

Agad naman lumingon si Rico. "Musta?" nakangiting bati ni Rico nang malingunan si Mico.

"Rico ikaw nga. Ok lang ako. Ikaw?" tuwang tuwang si Mico. "Pasok ka."

"Ok lang ba?"

"Oo naman. Tara dito tayo sa loob. Hindi ka naman siguro nagmamadali?"

"Hindi naman. Ikaw talaga ang sadya ko."

"Nalaman ko kaya na nagpunta ka dito last week yata iyon o nakaraan pa? Hindi ko na maalala."

Natawa si Rico. "Oo nga eh. Sabi wala ka raw. Nasa kabila ka."

"Dito ka maupo. Feel at home lang ha? Oo nasa kabila nga ako noon. Sandali ah."

Tumango si Rico.

Bumalik si Mico na may dalang tray. "Pasensiya ka na dito ha? Hindi ako nakapaghanda ng masarap na miryenda."

"Wala iyon. Hindi naman miryenda ang pinunta ko dito. Ikaw, gusto kong makipagkwentuhan uli kung hindi ka busy?"

"Oo naman. Tamang-tama wala naman akong ginagawa. Lagi." sabay tawa.

"Ang sarap kaya nito." ang tinutukoy ni Rico ang miryendang inihanda. "Masarap  ito ah."

"Talaga? Basta ubusin mo yan. Siya nga pala, bakit ang tagal mong hindi napapadalaw? Hindi ko naman alam ang sa inyo."

"Ako? Mmm kasi nasa Manila ako. Nakipagmeet ako sa isang kaibigang matagal ko ng hindi nakikita."

"Ah kaya pala. Kamusta ang pagkikita?"

"Okey naman."

"Okey naman pero mukha kang dismayado sa sagot mo?"

"Hindi naman." natawa si Rico.

Ilang oras din nagtagal ang paguusap nila Rico at Mico. Puno ng tawanan ang naging usapin nila. Hindi na nga naalala ni Mico na pinapapunta pala siya ni Ivan sa kanila pero dahil sa sarap ng kanilang paguusap hindi na niya nagawa.
-----

Ilang oras nang late si Mico sa usapan nila ni Ivan.

"Ivan?" tawag ni Mico.

"Sa kwarto Mico." sagot ni Divina.

"Kanina pa po ba tita?"

"Oo Mico. Puntahan mo na lang."

"Sige po."

Umakyat siya para puntahan si Ivan sa kwarto nito. Kumatok siya at tinawag ang pangalan nito ngunit hindi sumasagot.

"Ivan." muli niyang tawag. Naulit pa ng apat na beses bago siya nakarinig ng boses mula sa loob.

"Inaantok pa ako. Mamaya ka na lang pumunta."

"Ganoon ba? Sige." Aalis na sana siya.

"Iba na lang muna kausapin mo." sigaw ni Ivan.

Natigilan si Mico. "Ano?"

"Wala. Sabi ko inaantok pa ako."

"O-ok. Sige." Umalis na si Mico pero narinig pa niya ang huling sinabi ni Ivan na "ewan."

"Nalate kasi ako sa usapan eh. Yan tuloy galit sa akin si Ivan. Mamay ako na nga lang kakausapin. Teka." natigilan siya. "Sabi niya iba na lang dawa ng kausapin ko? Parang may ibig sabihin siya doon ah... " mataman siyang nagisip. "Bakit naman kasi nakalimutan kong may usapan pala kami ni Ivan. Hmpt. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang si Rico dahil minsan na nga lang kaming magkita." napabuntong hininga na lang siya. "Bahala na nga mamayang magpaliwanag."
-----

"Ivan, sorry na. Alam ko galit ka sakin."

"Bakit naman?"

"Kunyari ka pa. Siyempre hindi ako sumipot sa usapan natin."

"Ano naman Mico."

"Alam ko galit ka eh."

"Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit kung hindi ka nakapunta dahil sa bisita mo. Ano naman ang masama roon? Mas importante naman siguro yung bisita mo sa usapan natin siguro. Eh ang gagawin lang naman natin maglalaro tayo ng scrabble. Yun lang. Bakit ako magagalit?"

Napapataas ang kilay ni Mico habang titig na titig kay Ivan. Nangingiti siya. "Hindi ka nga galit niyan."

"Oh ano? Bakit ganyan ka makatingin."

"Sorry na nga kasi. Minsan nga lang kasi iyon pumunta hindi ko na nahindian kaya nagkwentuhan kami tapos hindi ko na namalayan ang oras. Ayun... hindi na ako nakapunta."

"Ok."

"Ivan naman eh."

"Ano?"

"Babawi na lang ako."

"HIndi na. Bonus na lang iyon."

"Ngek. Talagang bonus ah." natatawa si Mico.

"Oo. Ayaw mo?"

"Ibig ba sabihin nun ok na?"

"Ano bang sabi ko kanina?"

"Ok."

"Ok."

"Sus naman ang hirap naman humingi ng sorry sayo, Ivan."

"Nahirapan ka doon?"

"Hindi..."

Natawa si Ivan. "May mas mahirap pa doon."

"Atlist tumawa ka na rin. Eeeeee. Ikaw naman ngayon ang pa hard to get ah ahahha. I like it."
-----

3 comments:

Anonymous said...

Gold..

bukas na yung comment ko..

-Enso

ram said...

ano kaya yung mas mahirap pa dun... hehehehe.kakaadik naman ang kwento nato.

Anonymous said...

ganda..
ang kulit nilang dalawa..
ang sweet talaga .. napaka sweet talaga nila sa isa't isa.. parang sila na eeh.. diba.?? hahaha.. pero di pa nila inaamins sa kanilang sarili.. hahaha...

ang kulit nung nanoond sila ng palabas.. ng Horror at yung Comedy.. hehe tpos an sweet nung moments na nakabend yung ulo ni Ivan kay Mico.. ayieeeeeeeee... kinikilig ako.. hahaha...

tpos ang kulit nung nagtatakbuhan sila.. hehe.. este sila VAni pala yun.. at si Ivan.. yung magandang part is nung nagselos si Ivan kay Rico.. (di niya man nasabi pero nadadama ko yun.. na nagseselos
siya) hehehe..

ang kulit talaga.. napaka sweet talaga nila.. hehe.. love this part.. kinilig ako ng bonggang bonnga..

at ang iskor ko ay 10! ..


-Enso