"Hoy gising."
Ang sakit sa tenga. Ang lakas ng pagkakasigaw sa tapat ng aking tenga. Napa-upo ako sa gulat mula sa pagkakahiga. Si Mike ang gumawa sakin noon.
"Problema mo?" nairita talaga ako sa ginawa niya.
Pupungas-pungas ako ng mukha. Masakit sa mata para bang naluluha ako ng mainit. Medyo masakit ang ulo ko. Epekto siguro ng pagtulog ng basa. Pero nasi-siguro ko namang wala akong sakit.
"Natuyuan ka na yata dyan ng damit." maayos niyang turan.
"Bakit ba kasi?"
"Konti nalang ala-una na." talagang isinenyas pa ng daliri niya ang salitang kaunti.
"Hindi nga?" paninigurado ko.
"Kain na tayo." imbis na sumagot niyaya niya ako.
"Hoy, ala-una na nga?"
"Oo nga, kulit nito."
"Sandali, nasaan sila?"
"Ayon oh." turo niya sa tabi ng dagat mga naka-upo.
Tumingin ako. Nandoon nga sila. Malamang nagku-kwentuhan sila. Bigla kong naalala si Arvin na kanina bago ako matulog siya ang pinagmamasdan ko. Muli, natanong sa aking isipan kung saan siya nagpunta kanina.
"Mike." tawag ko ng mahina. Papunta kasi siya cottage kung saan naroon ang gamit nila ng magulang niya. "Wala pa silang balak kumain? Tibay yata nila."
"Susunod din yon. Pinapa-gising ka muna ni Josek. Tuwang-tuwa ang mga loko sa pinag-kukwentuhan." nagngingiti ito.
"Bakit? Ano ba iyon?"
"Pinag-uusapan nila ang mga nakikita nilang babae. Yung mga naliligo pag nababasa ng tubig. Siyempre, bakat nga naman." sabay tawa nito at muling ipinag-patuloy ang paglalakad.
Sumunod ako sa kanya. Hindi ko napansin na nadaanan ko pala ang tatay ni Arvin. Tinawag ako.
"Ren, hindi pa kayo nakain ni Arvin. Anong oras na." sabi sa akin.
Nahiya ako sa sandaling iyon halos hindi ako makapag-salita. Kasi ang tatay ni Arvin ay isa sa komite ng aming simbahan. Kilala sa pagiging istrikto.
"Hihintayin ko nalang po si Arvin tatay Nim." sabi ko ng may pag-galang.
Nakita kong tinanaw niya sa may dagat ang kanyang anak. At muli itong tumingin at nagsalita sa akin.
"Mauna ka nang kumain. Huwag munang hintayin yon." sabi nito nang may authority.
Nakaka-takot. Parang hindi ko alam kung paano ako sasagot. Buti nalang at tinawag ako ni Mike habang papalapit ito.
"Oo nga Ren, kumuha ka na rin ng pagkain mo. Sabay na tayo."
Wow, save by the bell ba iyon?
Muli akong tumingin kay tatay Nim at sumang-ayon sa gusto niya. Pero nag-paalam muna akong may sasaglitin lang.
Dali-dali akong pumunta sa mga nagku-kwentuhan para tawagin.
"Kain na." sabi ko pagkalapit.
Nagtinginan sila sa akin maliban kay Arvin.
"Vin, sabi ni tatay Nim, kumain na daw." sabi ko ng may pag-aalangan. Hindi kasi ako pinansin.
Bigla itong tumingin sa akin.
"Sabi ni Papa?" naninigurado.
"Oo."
"Kain na nga. Baka magalit yun."
Napangiti ako ng lihim ng mapansin kong nangiti siya sa mga huli niyang nabanggit. Takot sa ama.
------
"Si Kuya Ren ang tibay. Ang tibay mag-patuyo habang natutulog." si Josek.
Tawanan ang lahat. Nagku-kwentuhan habang kumakain. Hindi ko nga matandaan kung paano napunta sa akin ang topic.
"Malakas ang resistensya ko." sagot ko ng may pagmamalaki.
"Mamayang gabi lalagnatin iyan." si Arvin.
"Sige abangan mo." sabay tawa ko.
"Parang tayo hindi tayo nagpapatuyo ah." si Joshua naman.
"Oo nga pala." si Mike. "Parang ganun din yun. Mas matagal pa nga tayong basa kaysa kay Ren, hehe."
"Abangan nalang kasi mamaya kung sino ang lalagnatin. Ang lamig pa naman sa gabi, sigurado yun." sabi ko.
"Oo nga malamig mamayang gabi. Ngayon pa nga lang mahangin na." si Mike.
"Basta ako may dalang kumot." si Joshua.
"Ako din." si Arvin. "Ikaw Josek may kumot kang dala?"
Hindi kasi agad naka-sagot si Josek dahil kasalukuyang sumusubo. Ganun pa man, tumango ito ng pagsang-ayon.
Nakatingin sila sa akin. Si Arvin ang unang pumiyok.
"Si Kuya Ren walang dala." sabay tawa nito ng malakas. "Abangan ka pa kung sino ang lalagnatin ah. Mamaya mamaluktot ka sa lamig."
Tawanan ang lahat. Oo nga pala walang akong dalang kumot. Pero atlist hindi na nakaka-ilang si Arvin kausapin.
No comments:
Post a Comment