Followers

CHAT BOX

Thursday, May 26, 2011

TRUE LOVE WAITS (Someday, I Will Understand) 5





Maka-lipas ang ilang Linggo…

“Sa totoo lang ang gwapo talaga nung bagong bagger, ayon oh.” Itinuro pa ni Sandra sa mga kausap si Jesse na kasalukuyang ipinapasok ang mga items sa isang plastik.

“Oo nga. Lagi ko nga yang sinusulyapan eh.” Sagot naman ng isa.

“Magiging close din kami niyan.” Sabi ni Sandra sabay hagikgik na para bang kinikiliti sa kilig.

“Ikaw pa? Halos lahat naman ng lalaki dito inaakit mo. Kulang nalang pati si guard na pangit iuwi mo sa bahay mo.”

“Manahimik ka ha. Baka mamaya makarating yan doon, maturn-off sa akin.” Saway nito sa kausap.

Biglang dumaan ang isang babaeng may katungkulan. Dahil doon nagbalik sa kanya-kanyang ginagawa ang mga babae.

Abala at siryoso si Jesse sa trabaho niya. Hindi niya alam na pinag-uusapan siya ng mga kapwa manggagawa na nasa bandang cigarettes ang liquor station. Isang linggo na siyang nagtatrabaho sa 3Jsupermarket. Talagang sinisikap niyang mapa-buti ang kanyang performance. Lalo pa at laging may mga matang nagmamasid para masiguradong ang lahat ay gumagawa ng mabuti sa kani-kanilang ginagawa. Pero para doon ay hindi natatakot si Jesse dahil sigurado niya sa kanyang sariling ginagawa niya ang ang best niya.

Nang maka-alis na ang babaeng taga-pagmasid, muling nag-usap ang mga babae kanina.
Tumawa muna ng mahina ang isa bago nagsalita. 

“Buti na lang at napansin mo agad si Madam Auring.”

“Ako pa. Eh, kabisado ko na ang tunog ng takong ng babaeng iyon.” Pagyayabang ng isa.

“Basta mamaya, yaya-yain ko yan lalaking yan.” Paninigurado ni Sandra sa mga kausap.

“Sigurado ka? Isasama mo yan sa lakad natin mamaya?” tanong ng isa.

“Oo, madali lang yan.” Sabay tawa ni Sandra. “Tutulungan nyo naman ako di ba?”

“Oo ba. Para meron tayong kasamang body guard na pogi.”

“Hindi noh. Akin lang siya. Hmpt.” Sabay talikod at bumalik sa ginagawa.

“Tignan mo ang babaeng yun. Parang binibiro lang eh.”

“Nag-iinarte lang yan. Halika ka na balik na tayo sa trabaho natin. Baka bumalik pa yung si Madam Auring.”

“Mabuti pa nga.”
-------

Labasan na nila Jesse. Nagulat siya pagka-labas niya ay biglang bumulaga sa kanya ang tatlong babae. Namumukhaan niya ang tatlo lalo pa at naka-suot ito ng unipormeng ka-kulay ng sa kanya.

“Bakit?” nagtataka siya.

“Sama ka sa amin. Diyaan lang malapit.”

“Bakit?” muli niyang tanong. Hindi ma-get ang mga babaeng kaharap. Hindi pa niya ito mga ka-close.

“Basta magugustuhan mo dun.” Sabay hila sa kanya.

Hindi siya natatakot sa mga babaeng iyon pero tumatanggi siya dahil hindi naman niya nakaka-usap simula pa noong magsimula siya. At higit sa lahat hindi niya alam kung saan sila pupunta.

“Teka, san ba tayo pupunta?” tanong niya. Hindi siya maka-wala dahil tatlong babae ang naka-hawak sa kanya.

“Huwag kang mag-alala hindi ka naman mapapahamak.” Nakangiti ang isang babae.

Hindi niya alam kung bakit natangay siya ng tatlong babaeng iyon at napasakay sa isang jeep na ang binabagtas ay salungat sa daan niya pauwi.

Nang maka-upo na sila sa jeep na sinakyan. Nagpakilala na ang mga ka-trabaho niya.

“Ako si Sandra. Dun ako sa Drinks and Beverages naka-pwesto.” Pakilala ni Sandra sa kanya.
Nagpakilala rin ang iba pero natuon ang pansin niya kay Sandra dahil kumpara sa mga kasama nito ang kapal ng make-up nito at halatang flirt.

“San nyo ba ako dadalhin?”

“Dyan lang, malapit na. Magugustuhan mo dun.” Humagikgik ito.

Napa-kunot ang noo niya dahil hindi siya kuntento sa sagot.

Bumaba sila sa isang madilim ngunit bahagyang nagliliwanag na paligid dahil
sa ilaw na kumukutitap. Patay-sindi. Alam niya ang klase ng lugar na iyon dahil may ganun naman din sa probinsya niya dati.

“Halika pasok tayo. Huwag kang mahiya ah. Wala naman papansin sayo diyan eh.” Yaya sa kanya ni Sandra.

Naasiwa siya sa kinikilos ni Sandra. Naka-palupot ang braso nito sa katawan niya.

“Ako ang bahala. Libre kita kasi ako naman ang nagyaya.” Humagikgik uli na para bang naka-inom na.

Hindi siya nagsalita. Sumunod na lamang siya kay Sandra. Wala rin naman siyang magagawa dahil  kapit tuko na ito sa katawan niya.

Napansin niya ang dalawa pa nilang kasamang babae. Enjoy na enjoy sa saliw ng musika. Halatang hindi bago doon ang grupo ni Sandra.

“Matagal na kayo dito no?” tanong ni Jesse kay Sandra nang maka-upo sila sa may table na pabilog sa gilid ng disco bar.

“Oo.” Sagot ni Sandra habang may tinatanaw ito sa paligid. Tila may hinahanap.
Tinawag ni Sandra ang isang waiter para umorder ng maiinom.

“Ano gusto mo?” tanong ni Sandra sa kanya.

“Wala. Hindi ako umiinom.” tanggi niya.

Napa-titig sa kanya si Sandra.

“Sabi ko wala.” Inulit ni Jesse ang sinabi dahil parang hindi naintindihan ni Sandra dahil sa lakas ng tugtog.

“Alam ko narinig ko.” May ibinulong ito sa waiter. “Sus, wag ka nga diyang pa mama’s boy.” Patuloy niya nang maka-alis ang waiter.

“Hindi nga ako umiinom.” ulit niya.

Tumawa ito na parang nanunuya.

“Hindi ako naniniwala.” Umiling-iling ito.

“Hindi nga.” Pagsisiguro ni Jesse.

Muling natigilan si Sandra. “Ay ganun? Ang KJ mo naman.” Umisnid ang mukha nito at tumingin sa mga nagsa-sayaw.

Na-asiwa si Jesse sa katahimikan ni Sandra.

“Sige try ko kaunti lang ah. Uuwi pa ako.”

Bigla itong tumingin sa kanya na bukas na bukas ang mukha sa narinig mula sa kanya.

“Yun na nga ang sinasabi ko eh.” Tumatawa ito. “Madali kang daanin sa kaunting emote.” Nagpakatodo ito sa pag-tawa.

Hindi naman si Jesse na offend sa klase ng tawa nito. Dumating ang waiter na dala nito ang alak na hindi matapang tulad ng iniinom ng karamihan sa loob ng bar na iyon.

“Yan hindi ka dyan malalasing.” Sabi ni Sandra sabay tungga sa bote.

Naiiling si Jesse sa nakikita. Isang babae, ang lakas lumaklak. Siya nga hindi masikmura ang amoy palang.

“Oh ano, ikaw naman.”  Udyok sa kanya ni Sandra nang matapos tumungga.

Napa-ngiwi siya kay Sandra at itinutok ang nguso ng bote sa labi niya. Nang malasan niya ang alak, muntikan na siyang maduwal dahil sa lasa ngunit agad din naman siyang naka-bawi. Hindi lang niya inaasahan na ganoon pala ang lasa noon.

Natatawa sa kanya si Sandra.

Tumakbo ang mga sandali hindi pa rin niya nauubos ang isang bote habang si Sandra ay mauubos na ang pangalawa. Napapansin na rin niya ang pag-iiba ng tono ng pananalita nito. Mas lalong nagiging madaldal kahit malimit lang siyang sumagot.

Napa-tingin si Jesse sa paligid. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawa pang kasama at nakita niya itong may kasama nang lalaki habang sumasyaw.

“Samahan mo nga ako sa banda roon.” Yaya sa kanya ni Sandra.

Napatayo siya mula sa pagkaka-upo nang bahagyang nadulas sa pagkakaupo si Sandra nang iunat nito ang katawan. Inalalayan niya si Sandra. Alam niyang matino pa naman si Sandra pero napilitan na rin siyang sundin ito.

“San mo ba gustong pumunta?” tanong niya.

“Doon sa may c.r.” sabi nito na parang naduduwal.

“Sandali.” Iniayos niya ang pagkakapit kay Sandra. “Halika na.”

Inalalayan ni Jesse si Sandra hanggang sa makapunta sa tapat ng c.r. ng babae.

“Alam mo ang pogi mo.” Sabi ni Sandra sa kanya. Hindi pa nakaka-pasok si Sandra sa loob.

“Ha?” tanging nai-sagot niya.

“Oo, kaya nga niyaya ka namin kasi crush kita. Gusto ka namin makasama. Ay hindi ako lang pala.” Diretsahang sabi nito.

Na-asiwa siya sa diretsahang salaysay nito.

“Sige na pumasok ka na. Hihintayin kita dito.” Pagtataboy niya papasok sa c.r. ng mga babae.

“Hindi- hindi ako dito papasok.”

“Eh saan?" Nagtataka siya.

“Sa kabila.” Sagot nito.

“Sang kabila?” tanong niya at hinanap ang tinutukoy nito. “Dyan? Panlalaki yan.”

“Oo dyan mo ko ipasok. Dali.”

“Panlalaki nga iyan.” Giit niya.

Hindi ito nagsalita bagkus inalis nito ang kamay niya sa katawan nito at naunang pumasok sa c.r. ng lalaki.

“Hoy.” Tawag niya nang mabigla sa ginawa. Ngunit nasa loob na ito.

Wala siyang nagawa kundi sundan nalang ito.

“Ano bng meron sa utak ng babaeng ito? Ganun ba talsga kapag tinamaan na ng ispirtu ng alak. Ang c.r. na panlalaki ay nagiging c.r. ng pambabae?” Napa-buntong hininga siya bago pumasok sa c.r.

Nang maka-pasok siya, laking pasalamat niya na walang tao sa loob ng c.r. Pero ikinabigla niya ng hilahin siya ni Sandra at halikan ng mariin.

Nalasahan niya ang nainom nitong alak. Gusto niyang suwayin ang sarili ngunit nakakaramdam  siya ng kakaibang kasiyahan. Nararamdaman niya ang kamay ni sandra na pababa sa pagkalalaki niya. Hanggang sa dumapo na nga iyon at napa-igtad siya. Ngunit tuloy parin sa paghalik si Sandra kasabay ng paghimas nito sa nabubuhay na niyang alaga.

Naramdaman niyang hinahanap ni Sandra ang zipper ng kanyang pantalon at nang makita ito at ibinaba niya at walang pakundangang ipinasok sa loob ng kanyang kulay itim na slacks ang kamay nito. Nakakaramdam siya ng sensasyon nagpapanginig sa kanyang kaibuturan ngunit muling nagbalik ang kanyang katinuan.

Naitulak niya si Sandra palayo sa kanya.

“Mali ito.” Muli niyang inayos ang sarili.

“Bakit?” parang bata itong lalapit sana sa kanya nang biglang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang pumasok at nagulat nang makita si Sandra sa loob ng c.r. ng mga lalaki.

Sa hiya ni Jesse tinungo niya ang pinto at lumabas.

Naiwan si Sandra sa loob ng c.r. Nagkatinginan si Sandra at ang lalaking bagong pasok at nagkaunawaan. Imbes na kay Jesse ibibigay ang init ng katawan, sa bagong pasok na lalaki nalang.

“Bakit kasi sumama pa ako.” Himutok ni Jesse sa sarili habang binabagtas ang daan. Nasa labas na siya ng bar.

Wala siyang makitang masasakyan. At nagbabadya pa ang pagbuhos ng ulan. May dumaang jeep ngunit punuan. Nasundan iyon ngunit  ganun parin. Nabuo sa isip ni Jesse na lakarin ang pinang-gagalingan ng jeep dahil parang may terminal sa banda roon. Ngunit sa patuloy niyang paglalakad lalo lang nagiging madilim ang paligid at ang dumadaan na mga jeep ay puro punuan.

Naramdaman na rin niya ang ambon na tumatama sa kanyang balat.
------

Napansin ni Jonas ang patak ng ulan sa salamin ng kanyang sasakyan.

“Oh oh, uulan kailangan magmadali baka abutan ng baha.” Nasabi niya sa sarili dahil alam niyang bumabaha sa lugar na iyon. Gusto man niyang bilisan ang takbo pero hindi niya magawa dahil marami pang sasakyan na nagkakabuho-buhol sa bahaging iyon. Maari siguro kapag nakalagpas siya sa parting iyon. Kaya hinayaan niya munang magpatakbo ayon sa bilis ng daloy ng kalsada.

Maya-maya pa’y lumalakas na ang buhos ng ulan.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko bro.” parang may kasama siya sa sasakyan kung magsalita. “Kailangan na sigurong mag-over taking teknik.” Natatawa siya sa gusting mangyari.

Ngunit may kalabuan ang gusto niyang mangyari dahil sa mas lalong dumami ang mga sasakyan. Mas lalong bumagal pa ang daloy na halos huminto na ang sasakyan niya. Hanggang sa mapatapat siya sa isang eskinitang alam niyang maaring lusutan ngunit may kalayuan pero sa tinutumbok parin naman niya siya lalabas.

Kahit alanganin, iniliko niya ang sasakyan at tumuloy sa short-cut na nakita. 

7 comments:

ram said...

heto na ang umpisa... jesse and jason na

Anonymous said...

sana may continuation na... love this story :)

Anonymous said...

wala pa ba ang next chapter nito? author pls. sundan nyo na po... muntik ko nangn makalimutan and kwentong ito. ang ganda pa naman.

- jasper paul -

Anonymous said...

Mas maganda yata ito kumpara sa IVAN.

Jcoi said...

hala asan na ang karugtong nito pare? aabangan ko pa din ah!!! sana sana

Anonymous said...

sana may karugtong na itong story na to. this is a very promising story. maganda ang theme and plot...

kuya ash... please update mo naman ito... sayang ito pag di natapos eh...

thanks and regards,

R3b3L^+ion

android said...

ngayon ko lang to nabasa itong series na to ...

mas natripan ko kasi si ivan .. hahaha

so far ... maganda, as expected from the writer of ivan series :))

sana may next chapter na ito XDD