Followers

CHAT BOX

Sunday, May 22, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 47


Patuloy ang kasiyahan sa loob ng tahanan ng mga Abena. Kanya-kanya silang pamilya ng grupo. May ilang may edad na kumakausap kay Mico pero karaniwan ay mga kabataan. Meron siyang kausap na anak ng isang Mayor ng lugar nila. James ang pangalan. Kaibigan kasi ng tatay niya ang mayor nila lalo pa at sa kabilang street lang nakatira ang ito. Ang iba pa ay mga kabataang empleyado rin sa trabaho ng ama.


Maganda ang pakikipag-usap ni Mico sa mga iyon dahil hindi niya nakikitaan ng kabastusan o kagaspangan ng ugali. Sa totoo nga lang ay nakakaramdam pa siya ng paggalang, dahil sa anak siya ni Mr. Dinomencio Abena.

Pero kay James siya nahiwagaan. Parati itong naka-ngiwi. Para bang inip na inip na at gusto nang umuwi. Pero patuloy namang nakikipag-usap sa kanya. Naisip ni Mico na siguro dahil walang makausap kaya pinagtityagaan siya. Natawa siya sa naisip. "Gwapo sana kaya lang laging naka-kunot ang noo." Bigla niyang naisip si Ivan noong una pa lang silang magkita. "May kalahi ka pala Ivan sa kaseryosohan ah. Hmmm." muli siyang natawa.

"Anong nakakatawa?"

Hindi nagsinungaling si Mico pero dinaan niya sa pabiro. "Ikaw kasi, parang amplaya na yang noo mo. Laging kunot na kunot." Napahipo si James sa noo. Nagpatuloy si Mico. "Pogi ka pa naman. Naku!"

"Naiinip na kasi ako eh."

"Bakit?"

Hindi sumagot si James. Tumingin lang ito kung nasaan ang ama at ina.

"Mico." tawag ni Laila. Kinawayan ni Laila ang anak na lumapit sa kanila.

Tumango naman si Mico bilang pagsangayon. "Ah, James maiwan muna kita. Tawag kasi ako ni Mama."

"Sige lang." sa unang pagkakataon, ngumiti si James.

Pagkatapos gantihan ng ngiti ni Mico si James ay agad siyang tumalikod para tunguhin ang pwesto ng ina. May kausap ang ina niya. Isang lalaki at babae na halos kasing edad ng kanyang magulang. Naisip ni Mico na mag-asawa ang dalawa dahil pareho itong naka-angkla sa isa't isa.

"Ma?"

Imbes na sagutin ni Laila ang anak, sa dalawang kausap nito siya pinakilala. "Ito ang anak kong si Mico."

"Oo, nakilala ko na siya kanina."

"Siya ang hinahanap mo, I think." si Laila.

Natawa ang babae. "Oo nga malamang."

"So magiging masaya na naman ang asawa ko." ani ng lalaki na asawa ng babae.

Nagtataka naman si Mico sa daloy ng usapan ng tatlo. Hindi niya magets kung saan patungkol ang mga sinasabi nila.

"Kasi Mico..." panimula ni Laila. "Bumisita si Mrs. Gofredo sa boutique, nagustuhan niya ang mga gawa mo. Kaya lang, walang pang-toddlers ang laki. Gusto niyang i-meet ka para magpagawa at masabi niya ang personal touch niya sa gagawin mo."

"Mico." ang lalaki. "Kahit ano, magkano magbibigay ako, basta masunod lang ang gusto ng asawa ko."

Napa-ngiti Mico sa mag-asawa. "Wala naman pong problema sa bayad Sir, Maam. Kailangan lang po na sa opisina po kayo magpa-sched pagkatapos mangyayari po ang serbisyo ko."

"So ibig sabihin na posibleng makuha kita para sa mga bagong damit?"

"Siyempre naman po." magalang na sagot ni Mico. Nakita ni Mico ang kasiyahan ng mag-asawa.

"Alam mo, Mrs Abena. Dapat kang maging proud sa kaisa-isa mong anak. Napaka talented naman niya. Sana ganyan din ka-talented ang anak ko paglaki."

Siyempre naririnig ni Mico ang papuri ng babae sa kanya habang kausap nito ang ina.

"Oo naman talagang proud ako sa anak ko." sagot ni Laila.

"At ang nakikita ko pa, mabait at magalang ang anak mo."

"Sinabi mo pa." may pagmamayabang na sagot ni Laila.

"Alam mo Mrs. Abena..." biglang kay Mico tumuon ang pagsasalita ng babae. "Iho huwag ka sa ma-offend sa sasabihin ko ha?" tumingin uli ito kay Laila. "Kahit ganyan ang anak mo na..." pinutol na ng babae ang gustong puntuhin. Alam ni Mico ang gusto sanang sabihin ng babae na ang pagiging bakla niya. ".. alam mo na, di ba, maipagmamalaki. Hindi pakalat-kalat."

Natuwa si Laila sa papuri ng babae. "'Yun nga ang lagi kong pinapangaral sa kanya, na kung maging sino man siya... na kung ano man ang pagkatao niya, basta lagi niyang unang iisipin, gusto niya, paninindigan niya, gagawa siya ng hindi niya ikapapahamak at gagawa siya ng hindi nakaka-argabyado ng iba. Para sa bandang huli, lagi... may ipapakita siyang dignidad bilang tao at kasapi ng lipunan."

"Kaya alam mo ba, nang malaman ko na anak mo pala ang may-ari ng mga design na nagustuhan ko, tapos nalaman ko pa na bading siya..." ngumiti ang babae kay Mico. Hindi naman nagpakita ng pagka-offend si Mico. "Aba, parang gusto ko na ring magkaanak ng katulad niya." sabay tawa tapos hipo sa tiyan.

Napakunot noo naman si Laila. "May laman yan?" pabirong sabi ni Laila.

Ang lalaki ang sumagot. "Oo. 3 months na. Pangatlo na namin."

"Oh eh ikaw gusto mo bang, magkaanak na katulad ng anak ko." hamon ni Laila sa lalaki.

"Alam mo, kahit ano pa maging ang mga anak ko, kailangan naming proud  pa rin sa kanila. Anak namin ang mga yun eh. Kaya kung maging katulad man ni Mico ang lalabas sa tiyan ng asawa ko, eh... So?" sabay tawa.

Nagkatawanan ang lahat. Lumulundag ang puso ni Mico sa mga naririnig sa pagtanggap sa kanyang kasarian.

"Pero, ang una kong dalawang anak, sigurado akong lalaking-lalaki yun ah. Ewan ko lang sa lalabas." anas uli ng lalaki. Muli na naman silang nagkatawanan.

Hindi namamalayan ng grupo nila Mico at ng ina niya na nasa bandang likuran lang nila ang ama na si Dino na may kausap na ilang mataas ang katungkulan. Kahit ang atensyon ng ama ni Mico sa mga kausap, dinig na dinig pa rin ng ama niya ang usapan nila kahit nakatalikod ang mga ito.
-----

"Bakit hindi ka nagpunta kagabi sa party ko, Mr. Villegas?"

Nagulat ang binata nang biglang may magtanong sa kanyang likuran. Kasalukuyan siyang naguguhit ng linya nang magtanong ang boss niya. Nawala rin ang pamumungay ng kanyang mga mata sa antok. Hindi kasi nakatulog nang makita ang mukha ng kanyang minamahal pagkatapos ng mahabang panahon.

"P-po, Sir?" napakamot siya sa ulo.

"Hindi mo na naman ako narinig?"

"Sir, narinig po." maagap niyang sagot. "Kasi po..."

"Tapusin mo na yang ginagawa mo. Mag-aalibi ka pa?" pagkatapos ay tumalikod na si Mr. Abena sa binata.

Napa-buntong hininga na lang ang binata.

"Naku naman," biglang singit ng lalaking nasa unahan niya. "Ang lakas mo talaga kay Sir ah?"

"H-ha? Hindi naman."

"Mr. Villegas... alam mo naman sigurong ang kompanyang ito ay bigatin. Hindi basta basta tumatanggap ng mga aplikante ang kompanyang 'to. Salang-sala ang mga makakapasok dito. Katulad ko, tatlong screening pa ang pinagdaan ko bago ako matanggap. Muntikan pa ngang maging apat." sabay tawa. Alam ng binata na biro na lang ang huling sinabi nito. "Pero ikaw, isang pasahan lang ng resume, pasok ka agad. Isa lang ang naiisip ko. Backer mo yang si Sir Dino eh. Magkakakilala siguro kayo?"

"H-ha? Hindi naman."

"Huwag kang mag-alala, hindi ako nagiisip ng masama. Natutuwa pa nga ako sayo dahil maganda ang kinalalagyan mo eh. Posibleng maging maganda ang katayuan mo dito. Saka, mabait talaga yang si Sir Dino lalo na kapag alam niyang kapareho ng pinag-aralan niya ang pinag-aaralan mo."

"Nasabi nga niya sa akin."

"Oh kita mo na, magkilala nga kayo."

"Hindi." maagap na bawi ng binata. "Nagkausap kasi kami noong nag-aaply ako. Sa kanya ko kasi naipasa ang resume ko."

Tinawanan na lang lalaki ang binata.
-----

"Gusto ko munang kunin ang atensyon ninyo." si Dino habang nasa harap sila ng hapag-kainan. "Magpapasalamat lang ako sa maasyos na party ko kagabi." saglit na tumigil si Dino. "Individually."

Hindi man direkta kay Mico, pero alam niyang pinatutungkulan rin siya ng pasasalamat ng ama patunay ang huling salita nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Mico sa sobrang katuwaan. Napa-tingin siya sa ina. Naka-ngiti naman sa kanya ang ina. Alam din nito ang nasa isip niya.

"Dalangin kong magtuloy-tuloy na ang magandang pagtingin sa akin ni Dad bilang anak."
------

"Congratulations, anak." bati ni Laila sa anak nang magkaharap na sila nang matapos ang seremonya ng pagtatapos. "Ano? Hindi pa natin napag-uusapan kung saan tayo, magse-celebrate ng graduation mo."

"Kahit po sa bahay na lang Ma. Walang problema."

"Sabi na nga ba yan ang sasabihin mo sa akin eh." siniko ni Laila ang anak. "Ano ka ba, hindi pwedeng sa bahay lang tayo. Lalabas tayo. At alam mo ba kung sino pa ang kasama natin?"

Napa-kunot noo si Mico sa pagtataka. "Sino po?"

"Susunduin natin ang Dad mo sa opisina."

Nanlaki ang mga mata ni Mico sa katuwaan. "Talaga po?' pero bigla rin niyang ibinalik sa dati. "Baka nama po, hindi niya gustong sumama?"

"Sasama yun. Sigurado. Tumawag siya sa akin na, hindi siya makakapunta dito sa graduation mo dahil on going ang kanilang meeting. Hindi pwedeng hindi siya umattend. Kaya ipinapasabi niyang pagpasensyahan mo na daw siya kung hindi siya makakapunta. Kaya ang sabi niya, sunduin daw siya at siguradong sasama siyang lumabas."

"Ma?" naiiyak si Mico. "Hindi na ba galit sa akin si Dad?"

Humarap ng diretso si Laila sa anak. Pagkatapos ay magkabila nitong hinawakan ang balikat ni Mico. Masaya itong nagtanong sa anak. "Sa tingin mo?"

"Sana nga po..."

"Anong sana nga po? Talagang magiging maayos na kayo ng Dad mo. Kaya kung anong nakikita niya sa iyong magagandang bagay, mga napapatunayan mo... ipagpatuloy mo lang ha... Para laging bilib ang Dad mo sayo."

"Thanks Ma." nayakap niya ang ina sa kasiyahang nadarama.

"Hindi ka sa akin dapat magapasalamat. Lahat ng mga iyan ay dahil sa sarili mong kagagawan. Magpatuloy ka lang anak."
-----

Naghihintay sina Laila at Mico sa looby ng kumpanya. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Excited na rin si Mico na makaharap ang ama. Ganoon pa man, nakakaramdam din siya ng hiya. Nagtatanong nga ang isip niya kung paano niya babatiin ang ama.

Halos magkakalahating-oras na nang naglabasan ng sunod-sunod ang mga tao sa mga elevator ng kumpanya.

"Tapos na siguro ang meeting nila Dad." Sa pangalawang pagbukas ng elevator saka niya nakita ang ama. "Ma si Dad." Agad silang napatayo. Kinakabahan si Mico. Ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod. Pinanatili niya ang ngiti sa mga labi bilang pagsalubong sa amang paparating sa kanila.

"Kamusta ang graduation mo Mico."

Hindi pa man nakakalapit ang ama ni Mico ay nagtanong na agad ito.

"O-ok po Dad. Graduate na po ako." sagot niya.

"So, this is my first gift ko for you anak." Niyakap ni Dino ang anak.

Sa sobrang pagkabigla, kasiyahan na nadarama. Hindi na napigilan ni Mico ang maluha. "Thank you Dad."

Sa likuran naman ay masaya lang naka-tingin ang ina.

Halos manlabo ang mga mata ni Mico nang laging napupunan ng mga luha ang kanyang mga mata. Lalo pang napalundag ang kanyang puso nang magsalita ang kanyang ama sa karamihan.

"Graduate na ang anak ko." anunsiyo ni Dino sa lahat ng tao sa looby.

Napayuko na lang si Mico sa sobrang tuwa nang ipagmalaki siya ng kanyang ama. Pero bigla na lang siyang napa-angat muli ng mukha dahil nang yumuko siya, parang may nakita siyang tao na kilala niya sa isang lagusan sa building na iyon. Agad naggala ang kanyang mga mata at kilalanin ang mga taong naglalakad sa looby ng building na iyon. Pero hindi na niya nakita ang lalaking pinaghihinalaan niyang kilala niya Kumakabog muli ang puso niya ng mabilis.

"Nararamdaman ko na naman ang kabog ng aking dibdib. Bakit ba parati na lang akong namamalikmata na para bang may nakikita akong kakilala ko, pero madali namang naglalaho. Minumulto ba 'ko?"

"Pwede na ba tayong umalis?" masayang yaya ni Dino.

Maagap na tumango si Laila. "Mico halika na, ano ba ang tinitignan mo diyan?"

"W-wala po Ma. Halika ka na po."
----- 

May kausap si Mico sa cellphone niya. "Kamusta na kayo dyan?"

"Ok naman ang paggawa. Sabi ng engineer, dalawang linggo na lang daw ang itatagal ng paggawa." sagot ng nasa kabilang linya.

"Good. O sige, tatawag na lang ako bukas para mag-check uli." pinatay niya ang kanyang cellphone, saka siya bumuntong hininga. "Malapit na akong bumalik sa Batangas. Magkikita na uli tayo Ivan. Sana nasa puso mo pa rin ako. Dalawang taon na ang nakakaraan pero ikaw pa rin ang nasa puso ko Ivan. Hindi kita ipinagpalit sa puso ko, Ivan. Dahil hindi kita magagawang ipagpalit. Ikaw ang mahal ko, walang ng iba. Sana ako pa rin ang mahal mo, Ivan. Miss na miss na kita."
-----

"Yes!" sigaw ng isa sa mga kasama ni Mr. Villegas sa work room nila. "Dahil sa magandang kinalabasan ng project natin nabigyan ang team natin ng ilang araw na bakasyon. Ang galing kasi ng grupo ko  eh. Lalo na si..." kumindat kindat pa ang lalaki.

Natawa ang pinatutungkulan ng kindat na iyon. "Hindi lang naman ako ang masipag magpuyat sa proyekto natin eh. Ayan ang mga babae oh, ang tindi magpuyat." sabay tawa.

"Ay naku, Mr. Villegas, matanong ko lang sino ba ang inspirsyon mo bakit napapansin namin eh ganadong-ganado sa mga ginagawa. Ang alam namin binata ka pa pero kung umasta ka ikakasal ka na bukas."

Tinawanan lang ng binata ang sinabi ng ka-team project niya.

"Ang lihim talaga nitong taong ito." reklamo ng babae. "San nga pala ang bakasyon mo?"

Sasagot sana ang binata nang sumingit kaagad ang unang lalaki.

"Ako kasama ko ang girlfriend ko sa loob ng isang linggo."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." pabirong pagtataray ng babae.

"Uuwi muna ako ng Batangas, dadalawin ko ang Mama ko." sagot ni Ivan.
----- 

9 comments:

android said...

congrats mico!! ... tanggap na fully ni daddy dino :))

sana next na ang pagsasama niyo ni ivan!! ... haha

exciting na ang mga sumusunod!!

Mars said...

hahahha sabi ko na nga ba c ivan un eh ahahhaha...

...next na po hehehe...

-mars

yeahitsjm said...

Darn! yes! magkikita na sila ni Baby Ivan! :))

*tears of joy*

Dino! you're the man! sawakas natanggap mo din si mico! :))

sana naman matanggap din ni Mommy Divina Relasyon nila mico and Baby Ivan! :))

ramdam ko na ang nalalapit na pag tatapos! :)) parang Mara Clara e! nakaka excite haha! lol

WAIT WAIT WAIT! si Vani! ano na ngyare its been Twoo Years! wala akong Balita kay VANI! :)

LAST 3 CHAPS! :(

CLAP CLAP CLAP! *TEARS OF JOY* AGAIN! :)

Nat Breean said...

erwanreid,

ang galing mo pong writer. bilib talaga ko sau!!! keep it up :)

Anonymous said...

very nice!!!

request din please... sana madugtungan ang TLW.... maganda din yun eh...

thanks,

R3b3L^+ion

rushly16 said...

hahahah nagkamali aku akala ko ung totoong tatay ni micko si ivan pala ai thanks god natanggap nah rin si micko nang daddy nya ai jan nah mabigla si divina kung paanu nya ipaliwanag kay micko ang nagawa nyang kasalanan heheheh super kilig aku ganda talaga

rushly16 said...

paganda nang paganda ang kaso malapit naman matapos haizzzzzt sayang isa na nman malungkot nah balita heheheh

sana gumawa kau ng maganda rin tulad nito hehehe

ram said...

Salamat naman at nagbago na ang dad ni mico. sa loob ng 1 taon d man lng dumalaw si ivan sa bahay ni mico alam na naman nya bahay nito. hayst buti na lng magkikita sila sa batangas

Unknown said...

ang saya saya naman ng chapter na ito... hehehhe... nakakahawa..