Followers

CHAT BOX

Saturday, January 29, 2011

Flickering Light- Chapter 9


"Akin na yang plato mo Mike. Isasabay ko nang hugasan." alok ni Joshua kay Mike pagkatayo.

"Sige lang, hihintay ko nalang si Ren."

Hindi pa kasi ako tapos kumain. Nahihirapan kasi akong lumunok ng mga sandaling iyon. Nagtatanong ang isip ko kung bakit biglang nag-iba ng mood sa akin si Arvin.

"Hindi na nga niya ako pinansin kanina tapos ganon pa siya kung magsalita sa akin. Hindi naman siya ganon dati. Oo, nagbibiro siya at minsan nambabara din pero hindi sa ganoong paraan. Hindi ko siya maintindihan." 

"Hoy, bilisan mo diyan." si Mike. "Ano bang iniisip mo?"
"Ha? W-wla." pagsisinungaling ko.

"Wag mo isipin yun, mahal ka nun." natatawa si Mike sa akin.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi  ni Mike. Parang alam niya kung sino ang iniisip ko. Ganun na ba ako ka-transparent sa nararamdaman at na-iisip ko?

"Kung ano-ano ang sinasabi mo. San mo nakuha yan?"

"Ang tahimik mo kasi."

"Wala lang nga."

"Eh bakit ka nga tahimik?"

"Wala."

"Ang lakas mo akong ipagtanggol kanina. Tapos ang lakas pa ng boses mo. Parang gusto mo yatang iparinig dun sa nagluto kung bakit yun ang niluto niyang ulam tapos bigla kang tatahimik." nakakunot ang noo habang nagsasalita. "Ang labo mo Ren." bigla itong tumawa.

"Ano? Hindi kaya." natawa rin ako.

"Alam ko na. Isusumbong kita na nilalait mo yung giniling na baboy."

"Wala naman ak-"

Hindi pa nga ako tapos magsalita nang bigla itong aalis para magsumbong.

"Hoy!" hinawakan ko agad ang kanyang braso. "Sige subukan mo." natatawa akong naiinis at nahihiya.

"Ayaw mo kasing sabihin bakit ka tumahimik eh."

"Wala nga ang kulit mo."

"Dahil kay Arvin? Sa sinabi niya?"

Nagulat ako sa tanong na iyon ni Mike.

"A-ano? Bakit naman?" nagmamaang-maangan ako.

"Napahiya ka sa pambabara niya kasi."

"Nambabara? Eh, ginagawa naman niya yun dati ah. Oh, bakit ako mapapahiya?"

"Kunyari pa. Akin na nga yan."

Kinuha niya ang pinag-kainan ko, tumayo at umalis. Napipi ako nang saglit dahil buking pala ako nung una pa lang.

"Ano na ba ang alam nila? Naghihinala na ba sila sa akin... sa amin ni Arvin?"

Nang maitanong ko iyon sa aking sarili napatingin ako kung saan naroroon si Mike. Nakatalikod ito habang naghihitay na makasunod sa pag-gamit ng gripo. Nagsisiyasat ako sa kanya na para bang makakakuha ako ng ebidensya. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin. Hindi ako nakapag-bawi ng tingin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nguniti siya sa akin.

Bahagya akong napahiya kaya't agad akong nagbawi ng tingin. Inintindi ko nalang ang kalat sa lamesa.
-------------

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone. Magna-nine na ng gabi. Ako ang mag-isa sa cottage. Ayokong sumama sa gala mode ng grupo dahil ayokong makasabay si Arvin. Nakakaramdam kasi ako na posibleng may masabi uli ako at muling mapahiya lang ako kay Arvin. Ang hirap sa akin na kung sino pa ang hinahanap ko, siya pa ang may sala kung bakit ako nasasaktan.

Wala naman akong makita sa paligid kundi mga taong naglalakad-lakad at mga naka-istambay, tunog ng mga alon sa dagat at langit na walang laman. Nakakasawa silang tignan, kaya minabuti kong humiga at ang bubong na pawid ang tignan.

Ang tagal kong nakatitig sa bubong ng cottage at nag-isip.

"Excuse me." si Arvin.

Hindi ako kumibo pero nag-bigay daan ako sa kung ano ang gagawin niya. Kinuha niya ang mga blanket sa mga bag. Pasimple lang akong tumitingin sa ginagawa niya. Ayoko kasing makita niya akong nakatingin sa kanya.

Dinala niya ang mga kumot sa isang malaking cottage. Malapit lang iyon papuntang function hall. Maya-maya ay bumalik siya sa cottage kung saan ako naroon.

"Matutulog ka na ba?" tanong sa akin ni Arvin.

Nag-alangan akong sumagot. "O-o."

"Nilatag ko na yung mga kumot doon sa kabila baka kasi maunahan pa tayo."

Hindi ako tumingin sa kanya. Muli akong humiga sa lamesa.

"Malaki yung lamesa doon. Kasya tayong lima."

"So?" sagot ng isip ko. Nananadya na akong hindi siya pansinin.

Hindi pa ako nakuntento. Umikot ako ng pagkakahiga patalikod sa kanya kung saan siya nakatayo. Bahala siya kung ano ang isipin niya. Basta ang alam ko, ayaw ko siyang pansinin bilang ganti.

Kahit nakatalikod ako, alam ko na umalis siya. Nakaramdam ako nang pag-iinit ng mga mata sa ginawang pag-alis ni Arvin. Pero doon ba talaga ako naluluha o dahil sa ginawa kong hindi pag-pansin sa kanya?

Ang hirap ng ganitong damdamin. Kahit ayokong man sabihin pero malaki na talaga ang pagkakakilala ko kay Arvin. Ang saki-sakit. Mahal ko na talaga siya.

Nakita kong pabalik si Arvin. Dali-dali at pasimple kong pinunasan ang luha ko sa aking pisngi.

"Doon ka na matulog. Tara." yaya sa akin ni Arvin pagka-lapit.

Hindi ako kumibo. Baka may mahalata si Arvin kung magbibitiw ako ng mga salita.

"Sumunod ka ha." huling sinabi ni Arvin at tumuloy kung saan ako niyayaya.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ba ako susunod dahil galit ako sa kanya? Hindi ko nga siya pinapansin di ba? Bakit pa ako susunod?

Susunod ba ako? Kasi di ba gusto ko siyang makita, maka-usap at makatabi? Kanina ko pa yun gustong mangyari.

Bigla akong natuwa sa naisip kong iyon. Kahit papaano ay nakagaan sa'kin ng loob. Kaya lang nahihiya akong sumunod dahil sa ginawa ko.  Bahala na.
-------

Nakita ko siyang naka-upo patalikod. Saka ko nalang nalamang ginagamit pala niya ang kanyang cellphone. Naramdaman niyang pumatong ako sa lamesa kaya napalingon siya. Pero hindi siya kumibo ng makita ako.

Humiga ako patalikod sa kanya. Hindi ako mapalagay parang nakakaramdam ako ng pagkaasiwa. Naramdaman kong humiga na rin siya.

"Galit ka raw sa'kin?" tanong sa akin ni Arvin na ikinagulat ko.

"S-sinong may sabi." hindi parin ako humaharap sa kanya.

"Si Mike."

"Naniwala ka naman."

"Alam ko rin naman kasi yun."

Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.

"Kaya pala, nananadya hmpt!..." sa isip ko.

"Bakit ka nagagalit?"

"Akala ko ba alam mo? Nagtatanong ka pa." may tono ang pagkakasabi ko.

"E di galit ka nga?"

Naguguluhan ako.

"Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?" bigla ko ring naisip na bakit nga ba ako magagalit kay Arvin?

"Sorry." mahina pero ramdam ko ang sincerity.

Nakaramdam ako ng katuwaan sa puso ko.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Galit ka nga kasi."

"Hindi nga ako galit. Bakit nga ako magagalit sa'yo?" patuloy akong nagsisinungaling.

"Eh bakit nakatalikod ka parin kung hindi ka galit?"

Natawa ako. Nakaramdam din ako ng pag-iinit ng aking pisngi.

"Humarap ka nga kung hindi ka galit?" hamon sakin ni Arvin.

"Oh" humarap ako sa kanya.

Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Nahiya ako bigla lalo pa at nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ako makatingin ng diretso.

"Galit ka nga." hindi nakumbinsi si Arvin.

"Ang kulit nito." para akong bata. Naisip ko ang inasal ko kaya natawa ako.

"Natawa ka?"

"Wala, bakit? Masama ba tumawa?"

"Mahirap kasi yung natawa tapos galit." tumagilid na rin siya paharap sa'kin.

"Hindi ako nababaliw." alam ko ang ibig niyang sabihin. "Hindi ako galit."

"Eh bakit ang lungkot mo kanina?"

"Malungkot ka diyan?" inismiran ko pa siya nang pabiro.

"Totoo naman eh." sabay kiliti sa tagiliran ko.

Natawa ako sa ginawa niya. "Ewan."

"Puro ka nalang tanggi. Pero... sorry talaga kanina. Wala lang, gusto ko lang inisin ka."

Hindi naman ako nanghihingi ng paliwanag pero ginawa niya. Hindi na ako sumagot kahit pa nalaman kong sinasadya niya ang mga nangyari. Tumihaya ako sa pagkakahiga. Nakaramdam kasi ako ng pagka-ilang sa mga sinabi niya.

"San pala kayo galing kanina?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.

"Kanina?" nag-isip muna siya bago siya sumagot. "Ah, doon sa private pool sa likod ng shower room."

"Kaya pala hindi ko kayo makita kanina."

"Hinahanap mo ba kami kanina."

"Ganun na nga."

"Bago kasi kami nagbanlaw, nag-swimming muna kami dun." natutuwa siya sa paglalahad. "Ang saya nga eh. Kasi, kami lang ang nagsu-swimming doon. Noong una akala namin papagalitan kami nung lalaki na nagbabantay. Yun pala hindi. Kaya yun sinulit namin."

"Bakit di nyo sakin sinabi?" may halong pagtatampo ang pagkakasabi ko.

"Hindi ka namin kasi napansin. Naalala nga kita kanina."

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Nagpatuloy siya sa pagku-kwento.

"Kaya lang walang gustong sunduin ka." natawa ito.

Hindi naman ako nakaramdam ng kahit ano sa pahayag niya. Muli siyang nagpatuloy.

"Tapos naalala ko nagbanlaw ka na pala kaya baka ayaw mo na ring maligo. Kaya yun, hindi ka na talaga namin pinuntahan para yayain."

Dun pala sila galing sa isip-isip ko.

"Teka, ikaw saan ka kanina. Wala ka rin naman sa cottage kanina ah." tanong niya sakin nang maalala niya.

"A-ako? Hmmm..." magsisinungaling sana ako. HIndi ko alam kung ko gagawin pero nagbago ang isip ko. "Doon sa function hall, nakikinig sa mga kumakanta."

"Kumanta ka?"

"Hindi. Nakikinig nga eh."

"Sige, kakantahan kita."

"Nge. Bakit naman."

"Pampalubag loob."

"Bakit may ginawa ka bang mali?" natatawa ako.

"Di ba nga, galit ka sa akin."

"Hindi nga. Sino ba may sabi?"

"Napakasinunagaling nito. Uulit na naman tayo nyan eh."

Pareho kaming nagkatawanan.

"Ano ba kakantahin mo?"

"Hmmm... Ikaw Nga."

"Wow, Mulawin ah.."

"Ayaw mo?"

"Hindi ah. Natuwa nga ako eh." ipinakita ko pang nakangiti ako.

"Sige, umpisahan ko na."

"Wooo...." yun ang cheer ko sa kanya bago siya umawit haha.

"Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap sa aking... sa aking buhay. Handang iwanan ang lahat upang makapiling ka sinta. Upang makapiling ka sinta."

"Tapos na agad?" nabitin ako. Natatawa ako kasi pinutol ang kanta.

"Hindi ko kasi matandaan eh" sabay tawa. "Ano nga ang umpisa nun?"

"Hindi ko alam eh."

"Wala tuloy kwenta."

Muli akong natawa. "Hindi ah. Kahit papaano convincing pa rin." sabay tawa.

Hindi ko na namalayang masaya na akong muli. Tawa na ako ng tawa. Nakalimutan ko na ang kanina lang na sakit na nadarama. Hindi ko na rin namalayang nakatulog na pala kami.

Nang may ngiti...

2 comments:

Anonymous said...

BRILLIANT!!!!

Mateo:)

fayeng said...

wowwwwwwwwwwww! so lovely story.......

:-))