Followers

CHAT BOX

Friday, January 21, 2011

Flickering Light- Chapter 2



"So?" ayaw ko sanang bigyan ng atensyon.

Ayoko kasing maabala sa pakikinig sa mensahe ng aming pastor. Pero makulit si Arvin. Gumagawa talaga ng pang-aabala. Muli akong napatingin sa nang ipatong niya ang kamay niya sa aking kanang hita.

"Bakit nanaman?" bulong ko na may iritasyon.

"Pamasahe para hindi ako antukin" sagot nito.

Sa isip-isip ko, parang kasalanan ko kung bakit siya inaantok. Hindi ako sumagot. Muli akong tumingin sa harapan para balewalain ang gusto niyang mangyari. Bigla niyang hinampas ang aking hita ng bahagya pero ikinagulat ko. Dahil doon nakasimangot akong tumingin kay Arvin.

"Ayoko, nakikinig ako." naaasar ako.

"Galit ka na niyan?" tanong niya sa akin na para bang gusto pang mang-asar.

"Ewan." sagot ko.

Hinawakan niya ang kanan kong kamay. Pinipindot-pindot niya iyon, minamasahe.

"Ano nanaman yan, peace offering?" tanong ko.

"Baliin ko pa'tong kamay mo, peace offering ka dyan." sagot naman nito.

"Akala ko ba ikaw ang magpapamasahe?" muli kong tanong. Sa pagkakataong ito, medyo nabasan yung inis ko dahil nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa kamay ko kahit parang walang kwentang masahe iyon. Masabi lang na minasahe.

"Ayaw mo eh. Para pagkatapos nito. Ako naman." sagot niya habang nakatingin sa harapan.

"Ganoon." kasabay ng sinabi ko ay ang paghila ko sa aking kamay. Pero muli niya itong kinuha. Ang nangyari, naghilahan kami ng kamay.

"Hoy, ang gulo nyo ha." si Josek at nagsenyas siya na wag kaming magulo. Sumenyas din siyang makinig.

Napahiya ako, kaunti, pero sinikap kong wag ipahalata. Hawak parin ni Arvin ang kamay ko. Hindi ko na muling hinila pa. Hinayaan ko nang pisil-pisilin niya. Sa nangyari kinalimutan ko na iyong pagkainis ko. Nakinig nalang muli ako nang maayos.

Tumatakbo ang mga sandali. Ang aming pastor ay laging nagbibigay ng mensahe sa loob ng isang oras. Sa mga sandaling iyon ay mga 20mins. ng nagsasalita ang aming pastor. Hindi pa naman katagalan pagkatapos naming umayos ni Arvin. Patuloy parin ang pagmasahe ni Arvin sa kamay ko. Hindi ko natatandaan kung anong sandali ako nakaramdam ng kakaiba. Iba na kasi ang nararamdaman ko sa aking kamay. Hindi dahil sa pagmamasahe.

Sa ilalim ng aking palad tila mayroong umaangat o umuumbok. Alam ko kung bakit. Hindi iyon dahil sa pagmamasahe kundi dahil sa kung saan nakapatong ang aking kamay habang hawak ito ni Arvin. Tumingin ako sa aking kamay at tama nga ako, nakapatong ito sa harapan ni Arvin. Kung saan naroon ang simbolo ng pagkalalaki niya. Tumingin ako kay Arvin na nagpapahiwatig na kung bakit nasa ganoong pwesto ang aking kamay. Nakangisi lang siya sa akin. Iniisip kong biro lamang ito ni Arvin.

Hinayaan ko. Balewala lang sa akin pero ang totoo may iba sa aking pakiramdam na ayaw kong awatin. Sabihin kong ginugusto ko rin ang sandaling iyon. Noon lang dumampi ang aking kamay sa maselang bahagi ng katawan ng ibang tao. Alam ko ang patungkol sa bagay na iyon pero nang walang expirience. Nakakaramdam ako ng kaba ngunit nahihirapan akong suwayin dahil kakaiba nga sa aking pakiramdam. Para akong nag-iinit at pinagpapawisan. Tumingin ako kay Josek ng pasimple at siryoso itong nakikinig.

Sa pagtakbo ng mga sandali lalo naman tumitindi ang aking pakiramdam dahil mas lalong bumukol at tumigas ang harapan ni Arvin. Habang pinipisil-pisil niya ang aking kamay ay idiniin naman niya ito sa kanyang harapan. Binaliktad ni Arvin ang aking kamay na kung dati ay nakapwesto itong patihaya ay pinadapa niya ito. Siya kasi ang kumokontrol sa aking kamay. Ngayon ay malayang makakagalaw ang aking kamay.

Ang sumunod ako na mismo ang gumagawa. Sinalat ko talaga ang kanya habang nakatago pa ito sa kanyang slacks. Grabe ang feeling ko hindi ako makapaniwalang ginagawa ko iyon sa loob ng simbahan. Para bang pinag-aaralan ko ng maigi kung ano ang totoong hubog ng pagkalalaki ni Arvin. Damang-dama ko talaga ang katigasan at katabaan nito. Naiimagine ko tuloy ang ari ni Arvin na totoong hinahawakan ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na ibaba ang zipper ni Arvin. Habang nakatingin ako sa harapan nakita ako sa gilid ng aking mata ang pagkabigla ni Arvin. Tumingin-tingin ito ng pasimple sa paligid at muling tumingin sa harapan. Hinayaan niya akong gawin iyon. Nanginginig ako nang binubuksan ko ang zipper niya. Pagkatapos noon ay pinasok ko ang ilan sa aking mga daliri. Para akong napuputulan ng hininga nang madama ko nang mas maigi iyon.

Kung hindi pa natapos ang mensahe ng pastor ay hindi ko pa magagawang hilahin ang aking kamay. Iniwan ko nang matigas pa rin ang kay Arvin. Para akong hindi mapakali ng mga sandaling iyon. Saka lang nagbalik sa aking isipan ang ibig sabihin ng ginawa ko at nagawa ko iyon sa loob pa ng simbahan. Parang gusto ko ng umuwi.

Nakatingin sa akin si Arvin. Parang nahihiya akong salubungin ang mga mata niya.

"May outing ang adult, sama ka?" tanong niya sa akin.

"Ha?" di ko alam ang isasagot.

"Kakasabi lang, announcement yun. Sa biyernes daw may outing ang adult. Overnight swimming." natatawang pagpapaliwanag sakin ni Arvin. Nahuhulaan siguro niya kung bakit wala akong masabi.

Alam ko naman iyon. Hindi lang talaga ako makasagot ng maayos. Pero parang kay Arvin ay wala lang ang nangyari. Hindi ko ito makitaan ng katulad sa ikinikilos kong medyo balisa hindi tulad kanina na napapansin kong kinakabahan din. Siguro dahil sa wala naman nakahalata sa ginawa namin. Sa akin, deep inside napakalaking isyu. Gusto ko na talagang umuwi.

"Sasama ka nga?" nagulat ako sa muling tanong na iyon ni Arvin. Tumatakbo pala ang isipan ko nang hindi ko namamalayan. "Layo ng nararating mo ha." dagdag niya na ang tinutukoy ang pagiging huli ko sa pag-response.

"Mmm hindi yata." alibi ko.

"Sasama yan." sumingit sa usapan si Josek. "Yan pa. Kunwari di sasama. Pero pag-aalis na makikita mo nasa unahan na ng sasakyan."

Natawa ako sa sinabi ni Josek. Totoo naman kasi. Tumingin uli ako kay Arvin at nakatingin parin pala siya sa akin.

"Bakit?" si Arvin.

Sasagot na sana ako ng oo para sang-ayunan si Josek pero nagbago ako ng isinagot. "finals na next week dami gawain." kahit wala akong pasok sa friday. Sakto.

Hindi na nag-tanong pa si Arvin. Hindi ko siya kinakitaan ng disappoinment o ano man nang tumalikod siya sa amin ni Josek. Ang ginawa ko, tinungo ko na ang labasan para sumakay sa service na maghahatid sa amin sa aming mga tahanan. Hinahatid kasi ang mga young people ng simbahan namin.

---
Hinihintay ko at ng iba pang young people ang sasakyang maghahatid sa amin. Habang wala pa, kausap ko si Josek. Kino-kumpirma nito kung hindi ba talaga ako sasama sa outing.

"Biro ko lang iyon. Ikaw na nga may sabi." natatawa ako.

"Paano yung baon natin. Nakakahiya naman sa kanila na manghingi tayo ng pagkain. Sabit na nga lang tayo." si Josek.

Sa adult kasi yung outing. Treat ng simbahan pero pwede sumama ang young people basta kanya-kanya ang bayad. Siyempre pati na rin ang pagkain. Ang magulang ko kasi ay matagal nang hindi nagsisimba. Kinalimutan na yata ang pagiging kristyano. Ibig sabihin, dating miyembro ngunit hindi na nagsisimba. Ayoko sabihin ang reasons why.

Magulang naman ni Josek ay hindi talaga nagsisimba doon. Katoliko ang mga iyon. Ang totoo, na-invite ko lang dati si Josek ngunit nang lumaon, sumapi na sa amin. Kung baga sa amin bunga ko si Josek.

"Magdala." sagot ko na maikli. Hindi na kasi iyon tinatanong pa. Sa mga ganito ako madalas mainis. Alam naman ang sagot, tinatanong pa. Pero sa sandaling iyon wala akong inis o galit. "Basta, magdadala akong maraming snacks."

Hindi na sumagot si Josek. At maya-maya lumabas na sa gate ang sasakyan. Isang L300 na kakarag-karag na sa pag-takbo. Hinanap ko si Arvin ngunit hindi ko ito mahagilap. Nagpapahatid dinkasi iyon. Hanggang tumapat na sa amin ang sasakyan ay hindi ko parin siya nakikita. Kaya pala hindi ko makita dahil nauna na ito sa sasakyan bago pa man lumabas ito.

Sa kanang upuan ako pumwesto. Malapit sa pintuan. Kasunod ko si Josek at si Arvin tapos ang iba pa. Mayroon din sa kabila. Hindi naman siksikan. Dalawang area ang hahatiran at bago kami sa kabila muna. Sa aming tatlo, mauuna si Josek. Pagkapos sa kabilang area marami na ang mawawala.

Ilan na nga lang ang natira. Siguro mga apat sa kabilang side basta sa pwesto ko ay tatlo nalang kami. Ako na ang malapit sa pintuan kasunod ko si Arvin at isa pa na hindi ganoong ka-close. Tinutumbok na namin ang lugar namin. Medyo may katagalan para sa akin dahil pangalawa ako sa huli.

Madilim sa loob ng sasakyan. Wala kasing ilaw. Nagulat ako nang ipatong ni Arvin ang ulo niya sa aking kandungan. Nagsabi itong inaantok. At kinumpirma din kung sasama ako sa biyernes.

"Oo, sasama ako." sagot ko.

"Good." pero nakapikit ito. Nasisilayan ko parin kahit madilim. "Punta ka ng thursday night. Duon na tayo matulog sa church."

"Sige." sagot ko.

Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa bumaba na siya. Sa kabilang barangay pa ako pero malapit na iyon. Hindi pa ako nakakababa nang tumunog ang c.p ko. May mensahe galing kay Arvin. Hindi ko agad nabasa ang mensahe dahil kasalukuyan akong pababa ng sasakyan. Nagpasalamat ako sa driver bago ko tinungo ang gate.



No comments: