"Sandali, sandali po. Para ka namang naiihi niyan kung makapagmadali." palabas na si Jesse nang sabihin niya ito kay Jessica.
"Bilis, bilis, bilis." natatawang si Jessica.
"Ok, ok, ok." Napa-ngiwi si Jesse. Parang ayaw niyang sakyan ang mga biro ni Jessica.
"Halika na." hinawakan na ni Jessica si Jesse sa braso at hinila palabas para makasakay na ng sasakyan pauwi.
"Grabe ang excitement." wala sa loob na nasabi ni Jesse.
"Oo nga eh. Hindi ko maitago."
Kakaway na sana si Jessica nang paparating na ang isang jeep na ang daan ay sa kanila nang mapansin niya ang kotseng itim sa bandang likuran ng jeep. "Di ba kay Jonas sasakyan yun?"
Agad napa-tingin si Jesse sa tinutukoy ni Jessica. "Oo yan nga." nang makita ang plate number.
"Mukhang susunduin tayo."
"Pasundo ka." Wala na naman sa sarili niyang nasabi iyon. Pero bigla rin siyang natauhan nang maalalang baka kung anong isipin ni Jessica. Buti na lang at nasa harapan na nila ang kotse.
"Tara na. Sakay na kayong dalawa." yaya ni Jonas sa dalawa.
Walang reaksyon si Jesse. Ewan ba niya at wala siyang masabi at hindi rin makagalaw sa kinatatayuan.
"Bilis Jesse." si Jessica na binubuksan na ang pintuan sa tabi ng driver seat.
Saka natauhan si Jesse at binuksan ang pinto sa likuran at sumakay.
"Ano ready na ba kayo?" tanong ni Jonas nang maayos nang naka-upo ang dalawa.
Nakita ni Jesse si Jonas na naka-tingin sa kanya sa front mirror kaya napa-tango siya. Sagot sa tanong nito.
"Ako hindi pa eh." sagot naman ni Jessica. "Mag-aayos pa ako sa bahay. Huwag kayong mag-alala hindi naman ako matagal maghanda ng gamit." sabay tawa.
"Ok lang." nakangiting sagot ni Jonas. "So dadaan muna tayo sa bahay ni Jesse para kunin ang gamit niya, then sa bahay niyo Jessica."
"Ok lang sa akin." sagot ni Jessica. "Ganun na nga siguro."
"Jesse." tawag ni Jonas. Napansin kasi niyang walang imik si Jesse sa likod.
"H-ha? Oo, ok lang sa akin." sagot ni Jesse. Saka tumingin sa labas habang napapangiwi. "Teka. San ba tayo pupunta?" Tanong ni Jesse kay Jonas. Nakatingin siya sa salamin sa harapan nito.
Tumingin naman si Jonas sa salamin para tanawin si Jesse. "Pa-south tayo."
Napa-kunot noo si Jesse. "Ibig mong sabihin sa Laguna? O Batangas?"
"Wow." singit ni Jessica. "Mukhang malayo-layo ang pupuntahan natin ah. Hindi pa kasi ako nakakapunta ng malayo eh. Dito-dito lang ako sa Maynila."
Natawa si Jonas. "Sa Laguna."
"Gusto ko yun." sagot ni Jessica.
"Ah Jesse..." tawag atensiyon ni Jonas.
"So ibig sabihin, pagka-galing natin sa bahay ni Jessica, pabalik din ang daan natin. Dadaanan uli natin ang kanto namin?"
"Oo Jesse. Ganun na nga."
Alam ni Jesse na naka-ngiti si Jonas kahit nakatalikod ito sa kanya. Nakikita kasi niya sa salamin na naniningkit ang mga mata ni Jonas na nangyayari lang kapag ngumi-ngiti at tumatawa ito. Naapektuhan siya doon. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pero binalewala niya. "Naisip ko kasing, umuwi muna sa amin tapos daanan niyo na lang uli ako. Ok lang ba iyon Jonas?"
Hindi agad sumagot si Jonas. "I-ikaw ang bahala."
Iniisip ni Jesse kung tama ba ang naramdaman niyang panghihinayang sa tono ni Jonas. Pero umiling-iling siya para mawala sa kanyang utak ang naiisip.
-----
"Sige, dito na ako. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ninyo." paalam ni Jesse sa dalawa.
"Mag-ingat ka Jesse." si Jonas.
"Naku, kayong dalawa ang mag-ingat sa daan."
"Sige."
Tumango naman si Jesse saka napa-tingin kay Jessica na kumaway sa kanya. Tinanguan niya rin si Jessica.
Hindi umalis si Jesse sa kinatatayuan hanggat hindi nawawala sa paningin ang sasakyan. Sabay buntong hininga. "Nakaka-inis." nasabi niya habang naglalakad patungo sa bahay. "Parang hindi ako maka-hinga kanina. Kaya minabuti ko na lang munang umuwi. Nakaka-inis naman si Jessica, parang nakakarindi ang boses. Masyadong excited. Ako nga tahimik lang eh."
-----
"Sayang." biglang nasabi ni Jonas nang makalayo ang sasakyan nang bumaba si Jesse.
"H-ha?" si Jessica na napatingin kay Jonas.
"H-ha? Wala yun." napa-ngiting pilit si Jonas. Hindi niya kasi intensyong maisatinig ang ang nasabi kanina.
"Ok." sagot ni Jessica.
"Gusto ko sanang maka-usap uli si Jesse habang naghahanda si Jessica ng gamit niya. E kaso, bumama." napa-buntong hininga siya nang malalim.
"May problema?" takang tanong ni Jessica.
"W-wala. Don't worry ang lahat ay maayos at walang problema." sabay tawa.
Napapa-iling lang si Jessica sa isinagot ni Jonas pero hindi siya nagpahalata.
-----
"Jesse." tawag ni Jonas sa bahay ni Jesse nang makabalik. At agad niyang narinig ang mga yabag papalapit sa pintuan. Saka bumukas ang pinto. Nakita niya si Jesse at dala nito ang gamit.
"Inumin mo muna ito." Iniabot ni Jesse ang isang plastic bottled na gatorade.
"S-salamat." nakangiting si Jonas. Natuwa talaga siya sa ginawang iyon ni Jesse.
"Inumin mo na ngayon." utos ni Jesse.
"H-ha?"
"Gusto ko ngayon na dali. Alam kong naghihintay doon sa kanto si Jessica."
"Ok. ok." dali-daling binuksan ni Jonas ang bote saka ininom. Talagang inubos niya ang laman. Nang maubos ang laman ay saka nag salita. "Sa totoo lang, ito ang paborito kong inumin. Pati ang flavor..." masayang pahayag ni Jonas.
"Napansin ko lang kasi minsan sa kotse mo na may bote ng gatorade. Pero ang flavor hindi ko na alam yan ah." natatawang si Jesse.
"Ah kaya pala. So, tayo na?"
"H-ha Tayo na?" iba kasi ang pagkakarinig ni Jesse sa sinabi ni Jonas.
"Aalis na tayo." takang sabi ni Jonas.
"Ay oo nga pala." sabay ngisi. "Iba kasi ang pagkakaintindi ko eh sa tono mo." Saka siya lumakad.
Sumunod si Jonas na naka-kunot noo pa rin. Saka lang niya na-get ang ibig sabihin ni Jesse. "Ah... ahahahaha. Get ko na. Bakit, kung ganoon nga ang ibig kong sabihin, sasagutin mo na ako." natatawang tanong ni Jonas.
Napa-tigil si Jesse sa paglalakad at humarap kay Jonas. "Parang imposible yun mangyari Jonas. Hindi ako babae alalahanin mo." siryosong sagot ni Jesse. Ipinapaunawa niya ang kalagayan nila. "Nagkakamali ka lang siguro sa nararamdaman mo."
Dahil doon, napayuko si Jonas at napatango na lang. Pero ang kalooban niya ay hindi sumasang-ayon sa mga sinabi ni Jesse lalo na nang sabihin nitong nagkakamali lang siya sa nararamdaman niya. "Sige na, magpatuloy na tayo sa paglalakad."
Napabuntong hininga na lang si Jesse. Hindi niya maitatanggi ang naramdaman niyang kirot sa puso niya nang makitang malungkot ang mukha ni Jonas. "Halika na." pinilit niyang ngumiti. Para tuloy siyang nakokonsensiya sa katahimikan ngayon ni Jonas.
-----
"Hay sa wakas, dumating din ang dalawa. Ang tagal ah. Natakot talaga ako kanina." sabi ni Jessica na naghihintay sa kotse ni Jonas.
"Pasensiya na ha?" mahina at malumanay na paumanhin ni Jonas.
Hindi na kumibo si Jesse. Inasikaso na lang niya ang sarili para makasakay sa kotse ni Jonas. Doon uli siya pumwesto sa likuran ng driver. Sinadya niyang sumiksik sa tabi ng bintana para hindi sila ni Jonas magkatinginan sa front mirror.
Umaandar na ang sasakyan ni Jonas. Hindi pa man sila nakakalayo nang magsalita si Jessica.
"Pwedeng magpahinga muna ako?" tanong ni Jessica kay Jonas. "Ibig kong sabihin, iidlip lang ako. Nakakaramdam kasi ako ng pagod eh."
"Oo naman Jessica." sagot agad ni Jonas. "Ah kung gusto mo, palit kayo ng pwesto ni Jesse para makahiga roon?"
Saglit na natigilan si Jessica. Saka siya napa-tingin kay Jesse. "Ok lang ba Jesse?"
"H-ha?" kunot-noong tanong ni Jesse.
"Ang layo na naman ng iniisip mo. Sabi ko kasi iidlip lang ako. Mungkahi naman ni Jonas, palit daw tayo nang pwesto. Kaya tatanungin sana kita kung OK lang?"
Napa-tingin si Jesse kay Jonas. Itinigil ni Jonas ang sasakyan. Wala nang nagawa si Jesse at sumangayon na lang. Tatanggi sana siya. "Sige."
Nagpalit sila ni Jessica. Nang nasa unahan na siya. Hindi niya naiwasang tignan si Jonas. Napansin niyang naka-ngiti ito. Alam niya ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Umayos siya ng upo at humarap sa salamin. Ayaw niyang mapa-tingin kay Jonas.
"Ah Jesse, kung inaantok ka na rin, pwede ka ring maidlip."
Napa-lingon siya kay Jonas. "Ok lang ako."
"Pwede ba tayong magkwentuhan?" tanong ni Jonas.
"Sige."
"Para siguro hindi rin ako antukin."
Napa-isip si Jesse. "Oo nga, kailangan ni Jonas ng ka-kwentuhan para hindi antukin."
"Kwento ka naman ng buhay mo Jesse. Pamilya mo?"
"H-ha?"
"Oo. Mmm di ba nabanggit mo sa akin na taga-Batangas ka? Kwento mo naman ang Batangas... Kahit ano. Ay bigla ko lang naisip. Eh kung sa Batangas na lang tayo dumiretso?"
Nanlaki ang mga mata ni Jesse. "Pwede rin." napangiti siya ng maluwang. "May alam akong pwede nating puntahan doon."
"Pwedeng-pwede nating diretsuhin yun. Ano?"
"Oo ba. Makikita ko rin ang mga magulang ko." masayang sabi ni Jesse.
Napangiti nang maluwang si Jonas nang makita niya sa mga mata ni Jesse ang kasiyahan. "Diretso tayo doon, sabihin mo ang daan ah..."
Masayang-masaya si Jesse nang sumagot. "Oo."
"Pero magkwento ka naman, lalo na sa magulang mo para pagdating natin doon alam ko kung paano ako makikisama." sabay tawa. "Baka kasi bigla akong habulin ng itak."
Natawa rin si Jesse. "Habulin ng itak?"
"Oo. Kasi di ba ang batangas kilala sa paggawa ng balisong, itak... Hehe malamang meron din ang tatay mo. Baka ispada pa nga eh."
Muling natawa si Jesse. "Oo, may ganun nga si tatay. Pero bakit ka naman hahabulin nun. Wala ka namang gagawing masama."
"Alam mo na."
Napa-kunot noo si Jesse. "Ang aling alam ko na?"
Hindi kumibo si Jonas. Bumuntong-hininga lang ito.
Saglit pang nag-isip si Jesse saka niya naunawaan ang ibig sabihin ni Jonas. "Huwag mong sabihing sasabihin mo sa magulang ko?"
Natawa si Jonas. "Hindi naman. Wala pa nga eh. Kung sakali lang naman na..."
Sumiryoso si Jesse. "Ikaw talaga, talagang sinisiryoso mo yang nararamdaman mo ah?"
"Oo." tuwid at buong sagot ni Jonas.
Napa-buntong hininga si Jesse. Hindi niya maiwasang mapa-titig kay Jonas. "Alam mo sa totoo lang, nang sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo para sa akin, saka ko lang napatunayang hindi na rin ako makatulog nang maayos sa gabi kaka-isip sayo. Pero, kasi... pareho tayong lalaki. Di ba imposible?"
"Naka-titig ka sa akin, Jesse. Huwag mo sabihing..." biglang tumingin si Jonas kay Jessica. Sinilip lang ni Jonas si Jessica kung natutulog ba ito. Saka bumuka ang bibig ng mabilis.
Nabasa ni Jesse ang pagbuka ng bibig ni Jonas. Sinabi kasi ni Jonas na "mahal mo na rin ako noh." na walang tinig na lumalabas. Hindi sumagot si Jesse kundi umayos lang ng upo at tumingin ng diretso sa harapan.
"Ano Jesse, magkwento ka na tungkol sa pamilya mo."
"Oo na. Ito ang simula." Sinunod na lang ni Jesse ang gusto ni Jonas para nga hindi ito makaramdam ng antok. Saka nakakahiya naman kay Jonas na tulugan nila ito gayong nagda-drive ito.
-----
Lihim na nagmamasid ang isang lalaki sa isang madilim na bahagi ng lugar na iyon. Tinatanaw niya ang isang may edad na babae habang ipinapasok sa loob ng bahay ang mga panindang gulay na ka-aangkat pa lang sa palengke.
"Ayan na nga ang sinasabing naging babae ni Boss dati. Ang layo na nga ng hitsura noong bata-bata pa. Pero wala akong napapansing anak. Dapat tumutulong ang anak na magpasok ng mga panindang yun. Ang dami at halatang nahihirapan ang babae. Ang tanong nasaan namana ng anak?"
Naghintay pa siya ng matagal pero naka-sarado na ang bahay pero wala pa rin anak na lumilitaw. "Mukhang hindi nasagot ang katanungan ko ngayon ah. Bukas na uli."
Saka umalis ang lalaki.
-----
12 comments:
mukhang magkapatid sa ama si jonas at jesse hehehhe
huh? magkapatid sa ama cna jonas at jesse? e d ba...patay na ung tatay jonas?! namatay kasama rin ang nanay nito sa plane crush? bka ang magkapatid eh ang tatay ni justin(tama ba?ung kuya ni jonas?) at c jesse at hindi cna jonas at jesse?! at ang tauhan ng boss nung tatay ni jesse ay baka c marco?!haha puro kuro kuro...masmabuti nalang na antayin ang mga susunod na kabanata! para tayo'y mas maliwanagan!!!
mali pala
**ang magkapatid sa ama ung kuya ni jonas na c justin at c jesse!
agree ako sa yo mukhang ganun nga sorry nagkamali lang si justin pala at jesse aahahahha
parang ganoon nga yata, magkapatid yung kuya ni jonas at jesse, yan napaisip tuloy tayo, ganda ng twist ng kwento, tlgang aabangan mo kasunod para masagot mga katanungan nating mga readers, nice try bro
jack21
bakit pinapapatay ang mag ina, hmmmm anong kwento meron cla,bat kailangan pang gawin yun at cno nmn yung nautusan gawin yun, c marco ba? di rin kc di nya kilala yung mag-ina, so malabong c marco yun, magkababata pa ang 2 diba?
jack21
Kakakilig at kaka suspense ang chapter na to. Looking forward sa next chapter ng kwento. Keep up the good work Ash... :))
ash bitin naman ako dun sobra. hehehe update na uliiiiiii.
di ko getsXD pero sana hindi magkapatid sa ama sila jonas at jesse..sayang naman:(
loving this!!!
Hmm agree ako, Jesse and Justin half brothers sa ama...
hmmm, tapos may threat pa.. may suspense pa ata
i guess, we'll have to wait for the next chapters for questions to be answered... n____n
ang tagal nman ng update... kakainip nman sana mahaba ung nxt chapter nkakabitin kc eh :)
Post a Comment