Followers

CHAT BOX

Wednesday, June 29, 2011

Hiling Chapter 5



eto na po ang chapter 5 ng HILING sorry po talga kung mejo matagal na ang pag update ko...

pero maraming salamat parin po at patuloy ninyong sinusubaybayan ang kwento kong ito lalong lalo na sila

Gel
Erick vladd
MJ
matyu
emray08
patrick
Nikkos
anonymous (OFW frm SG)
wastedpup
MC
mico
mcfrancis
ash
roan
marclestermanila
wyne

pati na rin sa mga silent reader pero patuloy parin sa pag aabang ng kwento kong ito.. di nyo lang alam kung gaanu nyu ako napapasaya dahil kahit papanu ay may nag babasa din naman pala ng aking gawa... wala na atang tamang word ang pwede kong sabihin para maiparating ko sa inyo kung gaano ako kasaya.

kaya maraming salamat na lang ang sasabihin ko..

sana wala na akong nakalimutang banggitin... baka kasi magalit kayo kung di ko naisama ang pangalan nyu... pero maging ganun pa man maraming salamat parin....

Blog: http://thirdsillusion.blogspot.com/

Roj/3rd

Hiling chapter 5
The First Day Accident

Felix Lim

3 weeks since the official start of class pero may mga humahabol paring mga transferees, at ngayon nga ang nakatakdang araw ng kanilang pag pasok. Since na ako ang P.I.O ng Student Government sa buong university ay ako ang nakatoka sa pagbibigay ng information sa mga studyante about the entire university activites and other information or in other terms eh ako ang information officer/tour guide sa buong university and almost trabaho ko na rin ang ibigay ang pinaka basic information about each department na kannilang papasukin.

Una sa listahan ay si Mr. Elixir John DR. Del Castillo, based from his records eh dating outstanding student pero nag loko kaya halos suyurin na ang lahat ng paaralan ditto sa aming lugar. Something is familiar about his name di ko lang alam kung anu yun. Anyway Im too busy to look into every detail ng buhay niya, pero i can have the entire year para kilatisin siya since na BS Accountancy major in Banking Finance din naman pala ang kanyang course na papasukin, sana lang ok ang ugali ng taong ito. I don’t  have to research more about sa mga sasabihin ko sa kanya dahil nga sa pareho lang kami kaya magiging madali lang para sa akin ang i-explain  ang every detail about our department

Next of the list is Ms. Jestine Joan DR. Del Castillo, nagtataka ako kung ano ang kayang reasons for transfer since based on her previous records eh she is an excellent student both in academics and extracurricular. Same course from her old school ang kanyang kukunin AB Speech and Theatre Arts. Hope she could cope up with Rina since na si Rina ang Student head ng Theatre Department.

And last on the list is Mr. Kelly Martin DC. Del Rosario, wow he is from Europe and sa dinami-dami ng mga mas magagandang University sa buong Pilipinas ay ang aming University pa ang kanyang napili. Based from his records eh maayos naman ang academic standing niya at outstanding Tennis player sa kanyang dating University. I can’t believe na pumayag ang kanyang dating paaralan na pakawalan siya. Binusisi ko pa ang kanyang papers at doon ko nakita ang kanyang desired course ay BS Architecture. Damn it ka department pa niya pala at sigurado akong magiging classmate niya siDJ. “Hay naku madadagdagan nanaman ang campus hunk at posibleng maagawan ng korona si DJ bilang Nerdy Hunk of the Year at pag nagkataon eh sigurado ako siya ang na ang hiranging pinaka kilala at sikat na studyante sa buong University” ang sabi ko sasarili ko habang binabasa ko ang kanyang records.

Halos nga ilang oras pa lang since natapos kami ni DJ sa pag review. It’s 1:00 am at nag text agad si Prof. Mendez sa akin na paghandaan ko daw ang gagawing orientation ng transferees. Hinalungkay ko na ang mga naka folder na files na ibinigay sa akin ni ng dating P.I.O yun daw ang files niya at doon naka lagay ang lahat ng information about the whole university at ang buong detalye about every department. Agad kong binuksan ang folder para mahanap ko ang mga kailangan kong i review for the orientation mamaya. Aside from reviewing the files eh kailangan ko din palang i update ang ibang officers since ang karamihan dito ay last year pa, so kailangan kong mag update.

“Hay I’m sure eh wala nanaman akong tulog nito, SHIT!! Sa paghahalungkay pa lang nga ng files eh 45 minutes agad tapos kailangan ko pang palitang ang dapat palitan at i review ang V.M.G.O. ng University pati ang sa 3 department na papasukin nila” ang sambit ko sa sarili ko.

Inabot ako ng halos 3 hours to review lahat and as predicted eh hindi nanaman ako nakatulog. Agad akong nag prepare ng uniform ko at mga gamit ko. Oo pagoda ko pero sanay na ako sa ganitong set up at least eh nakukuha ko naman ang kailangan kong mahimbing na tulog kahit once a week lang.

After a few minutes eh naka tanggap ako ng isang tawag from an anonymous number, sa agad na pag sagot ko ay isang misteryosong boses ang agad kong narinig na pinagbabantaan ako “Mag ingat ka sa taong binabanga mo baka mamalayan na lang nga mga tao sa paligid mo na isa ka nang matigas at malamig na bangkay” pagtapos sabay baba ng telepono. Di ko alam kung anu na ang gagawin ko matapos kong marinig ang banta niya sa akin. Tahimik lang naman akong tao at wala akong inaagrabyado kaya di ko maintindihan kung bakit niya ako pinag bantaan ng ganun. Gusto ko mang isipin na prank call lang iyon pero di ko magawa dahil seryosong seryoso ang boses niya.

Kabado man ako dahil sa natanggap na pagbabanta sa buhay ko ay ipinagpatuloy ko parin ang paghahanda para sa pag pasok ko sa araw na iyon. Pilit kong iwinaglit sa isip ko ang mga sinabi ng taong iyon para kahit papanu ay magampanan ko ng maayos ang nakatokang trabaho sa akin sa araw na iyon.

It’s 6:30am at agad aong nakarating sa administration building para kunin ang excuse letter ko sa dalawang subject sa araw na iyon. 6:55am na nagn dumating si Prof. Mendez sa admin building para maibigay sa akin ang aking excuse letter. Pagkakuha ko nun ay agad kong ipinasa ito sa department secretary namin para maiforward niya ito sa aming department head maaprubahan at maipasa sa 2 subject ko.

Eksaktong 7:15am ay dumating na sa function hall ang 3 bagong studyante na inaahasan ko. Muli kong tiningnan ang mga pictures nila sa kanilang Personal Date sheet para makumpirma kong sila nga ang mga taong hinihintay ko. Nang makaupo na sila ay doon ko napagmasdan ng maigi ang bawat isa sa kanila at talagang kahit sinong tao ata ang makakita sa tatlong ito ay talagang mapapa-wow dahil sa lakas ng appeal na meron sila, pero mas bukod tangi sa kanilang tatlo ay ang appeal ni KM. “grabe mas gwapo pala sa personal ang lalaking ito, hindi lang 2 folds but up to 10 folds ang lamang ng lalaking ito kay DJ” ang sabi ko sa sarili ko. Pero di ko dapat ito ipakita at ipahalata sa kanila iyon, i have to concentrate isa pa bakit ko nga pala iniisip ang taong iyon eh halos lagi niyang sinisra ang araw ko, i have to concentrate on my routine based on the plan.

Nang nakapaghanda na ako ay agad kong sinimulan ang mga dapat kong sabihin sa kanila “Good morning my name si Felix Lim and on behalf of the entire student government and the University I would like to welcome you to ********* University and I will also be your student guide for today. So to start with ay gusto kong magpakilala kayo along with your desired course” ang bungad ko sa kanila para masimulan na naming ang gagawin kong pag orient sa kanila.

Agad din namang silang nagpakilala at sa unang pagkakataon ay narinig ko ang knilang boses na tila mga anghel na bumaba sa langit at nagsasalita sa tenga ko dahil sa sobrang amo ng kanilang mga boses. Pagkatapos nilang magpakilala ay para akong tinamaan ng bato sa ulo dahil sa doon ko pa lang napagtanto na sila pala ang mga anak ng dating studyante ni Prof. Mendez, kaya pala gusto niyang ako mismo ang mag handle sa kanilang orientation. Pero nag tataka ako kung bakit sa halip na mother and father ang kanyang sinabi ay parehong father ang kanyang sinabi, muli kong nireview ang kanyang PDS at pareho nga ng sabi niya ay walang mother na naka indicate doon kundi ay parehong father ang nakalagay sa parents niya.

Nag aalangan ako kung tatanungin ko siya about this pero naisip ko parang masyado na atang personal ang gagawin ko, and its already beyond my limit na panghimasukan pa ang kanyang personal na buhay unless he opted to do so. Kasi kung ikukumpara kaming dalawa ay mas masuwerte pa siya kesa sa akin dahil kahit na wala siyang nanay ay meron naman siyang 2 tatay na nagpupuno ng mga puwang na hindi naibigay ng kanyang ina.

After ng short introduction and discussion about the University ay agad kaming lumabas para maituro at maipakilala ko na sila sa kani-kanilang respective student leader para sila na ang mag bigay sa kanila ng buong detalye about sa kanilang department.

Una naming tinungo ang Main Theatre na kung saan ay doon nag hihintay si Rina. Siya kasi ang student head ng STA Department.

Rina Merioles

“Buwisit talaga ang Felix Lim na yan!!! Talagang sinasagad niya ang pasensya ko, heto ka-aga-aga eh agad akong pinapunta dito, nasira tuloy ang beauty rest ko. Alam naman niyang wala akong class schedule pag umaga pero talagang pinapunta niya lang ako dito para salubungin ang pesteng transfer student na yan!!” ang sabi ko sa sarili ko habang nag hihintay ako sa harap ng ng main theatre.

Makalipas ng 2 minuto ay nakita ko nang papalapit si Felix kasama ang 3 transfer student. Agad ko sana siyang bubulyawan pero natigilan ako nang makita ko ang isa mga kasama niya, si new toy...

“Tingnan mo nga naman kung talagang tinatamaan ka ng swerte, di ko na pala kailangan pang suyurin ang buong pilipinas para mahanap siya, ditto lang naman pala sa amin papasok ang lalaking iyan. Aba eh kung siya ang bagong papasok sa department naming kahit na sirain ng punyetang Felix nay an ang araw ko eh ok lang dahil araw-araw ko naman palang makikita ang bago kong laruan” ang sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko silang naglalakad papalapit sa akin.

Nang nakalapit na sila sa akin ay para akong batang nakakita ng isang bagong laruan na daladala ni santa para ibigay sa akin at nag hihintay na lang na abutin ko. Di na ako nakinig sa pag tatatalak ni Felix kundi ay agad kong inabot ang kamay ng lalaking gusto ko, aktong hihilain ko ko na sana siya papasok ng main theatre ay agad niyang binawi ang kanyang kamay. Nagising ako mula sa isang magandang panaginip at namulat sa isang masamang bangungot dahil sa kanyang ginawa, nagtawanan ang halos lahat ng taong nakapaligid at nakakita sa nangyari. “Shut up!! You good for nothing maggots!!” ang sigaw ko sa kanila para magsitigil sila sa kanilang pagtatawanan.

Nasa kalagitanaan ng tawanan ay kinalabit na ako ng isang babae na nakita kong kasama nila “Excuse me po ako nga po pala si Jestine Joan DR. Del Castillo but you can call me JJ at ako po ang transferee na tinutukoy kanina ni Felix at yung lalaki kanina ay ang pinsan ko si Kelly Martin DC. Del Rosario” sabay abot ng kanyang kamay para makipag kamay sa akin. Pero sa halip na tanggapin ko ang knyang kamay ay inirapan ko na lang siya at saka di ko pinansin, tumalikod na lang ako at naglakad papalayo.

“Excuse me po pero di mo po ba ako sasamahan sa loob ng building para naman po ma familiarize ako kung asan ang mga rooms ng bawat subject” ang pahabol niyang sabi sa akin sabay ngiti. Pero kahit na akung gawin niya ay sinira na niya ang araw ko kaya dapat lang sigurong magsama na sila ng pesteng felix na yun kaya sa halip na samahan ko siya ay sinogot ko na lang siya ng “Bakit hawak ko ba ang mga paa mo? Hindi ka ba makakapasok diyan sa loob ng wala ako? Wala ka bang mga mata para makapagbasa ng mga karatula sa loob? Wala ka bang bibig para makapag tanong sa mga tao sa loob?” ang mataray kong sagot sa kanya sabay irap, dapat lang na magtanda siya at kilalanin niya ang taong babangain niya. Daragdag lang pala siya sa mga magiging sakit ng ulo ko, mga pesteng hampas lupa...

Felix Lim

Nang naipakilala ko na kay Rina si Jestine ay agad din kaming umalis ng main theatre para tumungo naman sa kabilang building para sa Architecture Department. BS Architecture kasi ang kurso ni Kelly Martin kaya siya ang susunod kong ipapakilala ko sa student head ng Architechture department na si DJ. Kailangan kong matapos ang lahat ng mga Gawain ko ngayong umaga dahil mamayang hapon ay ang mga extracurricular naman nila ang aasikasuhin ko, i still have to inform the presidents ang Captain ng mga club na gusto nila. Pero kung tutuusin ay si Captain Tyrone Esquivel ng Tennis Club na lang ang kailangan kong i-inform dahil si Rina din lang naman ang President ng Drama Club na sasalihan ni Jestine, at si Dj naman ang President ng Scholastics Club na sasalihan naman daw ni Elixir. Pero i still have to inform all of them para wala talaga silang masabi sa akin. Sana lang ay sumipot si Rina mamaya.

Malapit na kami sa Architecture Department Office pero wala akong DJ na nakitang nag hihintay sa amin, bigla nanaman akong parang sinilaban sa inis dahil sa alam kong late nanaman ang DJ nay un, di na talaga nag bago ang taong iyon.

Di ko na inisp na iyon, mabuti na lang at dala ko ang mga copy ko ng V.M.G.O. ng Archi Department at mejo alam ko na rin ang pasikot-sikot sa loob ng building kaya kahit ako na lang ang mag orient kay KM about dito ay magagawa ko, pero kailangan kong mag madali para matapos ko ang lahat ng ito ngayon umaga.

Akotong magsisimula na ako sa pagsasalita nang may narinig akong boses mula sa likuran ko. “EHEM.... Excuse me Mr. Lim pero I think magagwa ko naman ang trabaho ko ngayon without you...” ang sabi niya. Pagkarinig ko ng boses na iyon ay agad akong lumingon sa likod ko at doon ko nakita si DJ na nakatayo lang sa nakabukas na pinto ng Department Office. Naka complete uniform siya at naka salamin, for the 3rd time eh nakita ko nanaman siyang ganun ang ayos niya. Mas gwapo talaga siyang tingnan pag ganun ang kanyang ayos. Di ko alam kung tama bang may maramadaman akong ganoon sa kanya. Hindi ako bakla, oo mahin-hin ako gumalaw pero hindi naman iyon basehan kung bakla ang isang tao or hindi. Di ko lang talaga mapigilang mabighani sa kanya sa tuwing nakikita ko siyang naka salamin sa halip na ang kanyang contacts.

Di na ako nakapag salita pa sa halip ay para akong taong wala sa sarili na nagsalita at sinabing “Mr. Del Rosario I would like you to meet Mr. Fernandez the student head of the Architecture Department” ang sabi ko sa kanya habang nakatitig parin ako sa kanyang mukha. Pakiramdam ko ay para akong nakatitig ngayon sa isang taong perpekto ang pagkakagawa ng diyos at lumulutang ako sa hangin sa kanyang mga titig at agad akong napupunta sa langit sa tuwing masisilayan ko ang kanyang mga ngiti.

DJ Fernandez

Di ko alam pero parang iba nanaman ang tingin sa akin ngayon ni Felix. 3 beses ko pa lang siyang nahuli na ganun ang kanyang tingin sa akin at iyon ay sa tuwing sinusuot ko ang aking salamin. Noong una ay di ko alam kung anu ang nagiging dahilan kung bakit siya nag kakaganun. Pero nagtataka parin ako kung bakit ganun na lang ang kanyang pagkakatigtig sa akin sa tuwing naka salamin ako “may mali bas a salamin ko? Baliktad ba ang pagkakasuot ko nito, may dumi ba ako sa mukha? O anu? Di ko alam kung bakit...” ang sunod-sunod kong tanong sa sarili ko, ayaw ko siyang kumprontahin ng tungkol doon dahil alam kong kokontrahin niya lang ako at tiyak na maiinis nanaman siya sa akin.

Sa oras na iyon ay para akong nahipnostismo sa kanyang mga titig, siguro kung bakla ako matagal ko nang pinatulan si Felix, ang lakas kasi ang appeal ng kanyang metal grey na mata. Sana makilala ko na ang taong nasa panaginip ko sa tuwing napapanaginipan ko kasi iyon ay lagi siyang nag bibigay ng sulat sa akin na kung saan ay nakasaaad doon na naghihintay siya sa akin. Kaya malakas ang loob ko na malapit ko na siyang makilala at pag dating ng araw na iyon ay tiyak iyon na ang pinaka masayang araw ng buhay ko.

Nasa ganoon akong situwasyon nang binasag ni KM ang aking pananahimik sa papamigtan ng kanyang mga sinabi sa akin “Excuse me... are we going to start with the orientation or what? ‘cause I still have to prepare for my try out this afternoon for the Tennis Club. I don’t have all day to wait you know” ang sabi niya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon kaya gad kong sinimulang ipaliwanag sa kanya ang mga pasikot-sikot sa building at ang lahat ng mga dapat niyang malaman.

Felix Lim
Di parin maalis sa sisp ko ang mukha ni DJ, pilit kong binalewala iyon dahil nga ayaw ko sa ganun, di ako bakla para makaramdam ng ganun at kailangan kong matapos ang mga gawain ko kaya dapat iyon ang mas tuunan ko ng pansin. Dahil sa pareho kami ni EJ ng kurso at ako din naman ang Student head ng buong Accountancy Department ay ako ang magbibitay ng buong overview at detalye sa kanya.

12:00NN nang matapos ko ang orientation k okay EJ at gusto niyang sumabay na ako sa kanilang magpipinsan sa pagkain ng tanghalian. Umayaw ako pero dahil sa talagang mapilit itong si EJ ay napilitan na akong sumabay sa kanila sa pag kain.

Pag dating naming sa canteen ay nagulat ako nang nakita kong niyaya din pala ni KM si DJ sa pagkain. Pakiramdam ko tuloy ang pula ng mukha ko di ko kasi alam kung lagi niyang napapansin ang mga titig ko sa kanya sa tuwing naka salamin siya at kung ganun man ay di ko alam kung papanu ko siya haharapin. Hawak-hawak ni EJ ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa mesa kung asan ang kapatid niya at ang pinsan niya.

Pagdating naming ay tahimik na lang akong naupo sa tabi ni EJ at kaharap si DJ. Habang kumakain ay naguusap usap sila at nag papakilala sa isat-isa, yung tipong magbabarkada na at gusting magkakilala beyond the formality of the orientation and proper introduction. Di na ako nakisali sa kanila sa halip ay tahimik na lang akong kumakain ng aking baong lunch, napansin ko din ang pananahimik ni KM.

Pagkatapos kong kumain ay dahan-dahan kong iniligpit ang aking pinagkain at saka nagpaalam ako sa kanila na pupunta ng CR. Pero sa totoo lang ya palusot ko lang naman iyon dahil sa gusto kong mapag-isa at para na rin magawa ko na ng tahimik ang aking trabaho.

Lumabas ako ng campus naming at nag lakad papunta sa aking tambayan na kung saan ay wala na halos ng studyante pero sobrang lapit parin ito ng University kaya halos dito na din tumatambay ang ibang gusto ding mapag isa.

Habang nakatambay ako ay may isang taong biglang kumalabit sa akin at sa aking pag harap ay agad niya akong sinak-sak sa tiyan. 3 sak-sak ang natamo ko at pilit ko itong pinahihinto sa pagdurugo habang pilit akong naglalakad palapit sa Univerisity Guards Office para humingi ng tulong pero din a ako umabot pa, bumagsak na lang ako at saka nawalan ng malay..

KM Del Rosario

I noticed that Felix is a shy type of person who cannot talk outside the formality of proper introduction. He just silently ate his lunch then left without saying anything aside from telling us that he is going to use the comfort room. But after 3 minustes there are still no Felix so I left the canteen and went for a walk, i wanted to talk to him, after a few minutes of searching i found him sitting under the shade of a tree. I wanted to talk to him but i don’t know what to say so I just observed him from afar. I really wanted to know him better.

After a few minutes I saw someone approached him then huged him. But after a few seconds the man left him, when I looked back at him he was already walking away i tried to follow him again but I was startled when a saw blood on the floor leading towards him.  When I looked at him again i saw him liying unconscious on the floor, his white uniform turned red because of his own blood.

I was on a state of panic at that very moment I don’t know what to do so I tried to stop the bleeding by pushing my hand on his stomach. I tried to call for help but there are almost no one there. “damn it KM what are going to do now?” i said to my self while trying to think of the next thing to do.

I called JJ good thing after a few ring she answered the phone “Hello JJ!! Please  help me.. Felix... he’s been stabbed or something by someone... please help i don’t know what to do....” i told her with while still trying to stop the bleeding. He is already turning pale white because of the blood that was lost.

I calle for help again then suddenly one student saw us and helped us without any questions asked. We immediately rushed him to the nearest hospital, after his admission i informed my cousins about my whereabout. I tried to remember everthing, im sure they are going to ask me about the whole scenario. I need to calm down I waited patiently then after a few minutes i saw my cousins, DJ and two adults, they are all looking for Felix.

DJ Fernandez

Napansin ko ang pananahimik ni Felix, everytime na kasama ko siya ay laging ganun ang kayang ugali, tahimik lang at saka kung gusting umalis at mapagisa ay magpapa-alam na pupunta ng CR.

Makalipas ng 3 minuto ay walang Felix na bumalik sa upuan, doon ko rin napansin ang pag-papaalam ni KM na maglalakad-lakad daw siya. Makalipas ulit ang 30 minuto ay aalis n asana kami ng canteen ng biglang makatanggap si JJ ng tawag mula kay KM, natulala si JJ pagkasagot niya ng tawag malakas ang kutob kong may masamang nagyari kaya ganun ang kanyang naging reaction. Nagmahimas-masan si JJ ay sinabi niya sa amin na nasak-sak daw si Felix at kaya alam ni KM iyon dahil sa sinundan pala nito si Felix.

Agad kong pinuntahan ang opisina ni Prof. Mendez sa Administration office para ipaalam sa kanya ang nangyari kay Felix. Para na kasing sarili niyang anak kung ituring si Felix kaya siya agad ang naisipan kong pag sabihan.

Pag dating naming sa opisina ni Prof. Mendez ay bigla ding dumating si Prof. Cruz at saka sinabing may masamang nagyari daw kay Felix. Di naming alam kung asan na sila ngayon tapos makalipas ang ilang Segundo ay muling nag text sa amin si KM at pinaalam sa amin kung saang ospital nila dinala si Felix.

Agad naming tinungo ang nasabing ospital at sa aming pag pasok ay doon naming nakita si Tyrone na nakatayo sa isang banda at si KM naman ay nakaupo at may mga bahid ng dugo ang kanyang uniporme.

Makalipas ang ilang minute ay napag alaman naming hindi pa ligtas si Felix at nasa critical siyang kundisyon dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya at kailangan niya ng blood donation para masalba ang kanyang buhay.

Itutuloy....

1 comment:

Aerbourne14 said...

Akk, kawawa naman si Felix tsk. tsk. tsk. and may mabuo kayang triangulo dito???

Daming points of view ni author and okay lang din to guide readers. Pero minsan po you are stating much of the obvious, sometimes you just have to let us readers 'read between the lines' and try to get what you imply...

Overall, you're story/plot idea is great and keep on writing ;) will read 'til the end. n____n