Followers

CHAT BOX

Sunday, June 12, 2011

Unexpected Love Chapter 16 - 20

Unexpected Love 16 (Jam & Jom)

­-oO0Oo-

---------------------------------------Jam----------------------------------

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Jeffrey, wala naman kas talagang namamagitan sa aming dalawa at di ko alam kung bakit niya iyon sinabi sa harap pa ni Jom. Di ko alam kung anu sasabihin o kay Jom mag papaliwanag sana ako nang bilgang sinuntok ni Jom si Jeffrey at pinagbantaan.

Jom: Hoy gago! Ayusin mo pananalita mo at di ako natutuwa sayo ha! Lokoloko ka, di mo kilala tinatalo mo.

Ako: Jom! Teka lang anu ba! Bakit mo yun ginawa?

Jom: Bkit Jam?! Totoo bang may relasyon kayo ng gagong ito?

Jeffrey: Oo.. bakit?! Ikaw sino nga ba?

Ako: Jeffrey!! Gago ka ano ba sinsabi mo? wala tayong relasyon kaya huwag kang magsasabi ng ganyan lalo na sa harap ni Jom!!

Jeffrey: Bakit Jam sino ba siya sayo?

Ako: boyfriend ko!! Bakit! Angal ka! anu gusto mo ako naman sumuntok sayo ngayon?

Di na naka pag salita pa si Jeffrey, tumalikod ito at saka umakyat pataas patungo sa kwarto. Hinarap ko si Jom para ipaliwanag lahat, di ko alam kung maiintindihan niya ako o magagalit siya sa akin.

Ako: Jom..

Jom: Anu!!!

Ako: Bakit ba ang init ng ulo mo? magpapaliwanag ako!!

Jom: Sige Jam ipaliwanag mo kung sino ang Jeffrey na iyon, anu ang ginagawa niya dito sa bahay ninyo at bakit ko siya kamukha!!

Ako: Jom pwede ba, mag hunus dili ka... magpapaliwanag ako!!!!

Jom: Sige Jam magpaliwanag ka!!! makikinig ako!!!

Ako: ganun? Makikinig ka pero mainit ulo mo... alam mo mabuti pa Jom mag isip ka na muna ng mabuti, kasi kung naniniwala ka sa sinabi ni Jeffrey then isa lang sagot ko doon. Ikaw ang mahal ko at alam mo iyon kaya kahit iisa lang kayo ng mukha ikaw ang nandidito(turo sa puso) at hindi siya at isa pa mukha lang ang pareho sa inyo pero magkaibang tao kayo. Ngayon tunkul naman kay Jeffrey nakilala ko lang naman siya sa simbahan na kung saan ako nag munimuni ng 2 linggo pero hanggang doon lang iyon, at wala na ok.. isa pa pati ako ay naguguluhan at di ko alam kung bakit kayo mag kamukha.

Jom: eh bakit siya nandito sa bahay ninyo kung wala kayong relasyon?!

Ako: di ko rin alam jom!! Basta ang sabi niya ay pinapunta daw siya dito ni Dady dahil may inalok na trabaho sa kanya ang dady yun lang yun.

Jom: yun lang?

Ako: Jom anu pa ba ang gusto mong malaman? Anu pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka?

Pero di na siya sumagot pa bagkus ay sinuntok na lang niya ang pader saka tumalikod at nag lakad palayo. Di ko alam kung naniniwala siya sa mga sinabi ko. Dahil sa ginawa niya nasaktan ako kasi ipinamukha niyang sinungalig at manloloko ako, napaluhod na lang ako sa may pinto namin at humagulhol sa kakaiyak parang kaninang umaga lang ay ang saya ng buhay ko pero bakit parang ang dali namang bawiin nito dahil naghihinagpis ngayon ang aking kalooban.

Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at pagpasok ko doon ko inabutan si Jeffrey, may hawak na bouquet ng roses. Di ko alam kung anu ang magiging reaction ko,natulala ako at nabigla sa kanyang mga sumunod na ginawa.

Hinubad niya ang kanyang damit pang itaas saka lumuhod sa harap ko at nagsalita

Jeffrey: Jam, noong unang beses pa lang kitang nakita ay nahulog na loob ko sayo. Sorry kung nakagawa agad ako ng kasalana sayo, alam mong mahal na mahal kita kaya handa akong gawin lahat para lang sa iyo di ko nga inaasahang sa maikling panahon na pagkakasama natin sa simbahan ay aabot sa ganito ang naramdaman ko sayo. Naguluhan man ako sa una pero gnayon sigurado ako na ikaw ang isinisigaw nito (turo sa utak) at lalong lalo na nito (turo sa puso).

Ako: .........

Di ako makaimik dahil sa kanyang ginawa pero sa halip na matuwa ako at maging masaya ay galit at poot ang nangingibabaw ngayon sa loob ko sa tuwing makikita ko siya, pero sa kabila ng galit na nararamdaman ko ay di ko magawang pagbuntungan siya nito dahil pakiramdam ko si Jom ang kaharap ko ngayon at hindi si Jeffrey.

Pilit kong iwinaksi ang nararamdaman ko at nagpanggap na wala akong nakita. Pumasok ako sa loob ng aking kwarto, kinuha ko ang unifrom kong isusuot sa klase sa hapong iyon saka bumaba at pumasok sa loob ng banyo. Sa loob ng banyo ay doon ko nailabas ang lahat ng galit at sama ng loob ko kung bakit di ko pinigilan si Jom na umalis, galit kung bakit sa tuwing si Jeffrey ang kaharap ko pakiramdam ko siya parin si Jom. Gulong gulo ang utak ko di makapag isip ng matino at nagsisigaw at umiiyak sa loob ng banyo.

Pag labas ko ng banyo ay agad akong nag bihis at walng pasabi na umalis ng bahay patungo sa skwelahan, pero bago ako pumunta doon ay dadaan na lang muna ako kina Jom gusto ko siyang makausap.

---------------------------------------Jom----------------------------------

Magulo ang isip ko di ko alam kung bakit, naniniwala ako sa sinasabi ni Jam na wala silang relasyon ng Jeffrey na iyon. Pero ang bumabagabag sa isip ko ay kung bakit ko siya kamukha. Kailangan ko mag imbestiga at sisimulan ko ito kay momy.

Kahit na mabigat sa kalooban ko ay pilit ko ipinakita kay Jam na galit ako para di na niya ako sundan at magawa ko ang mga plano ko. Alam ko masakit iyon pero kailangan ko muna harapin at ayusin itong panibagong gusot bago ko muling harapin si Jam.

Pag dalting ko ng bahay ay agad akong tumungo sa loob ng kwarto ni moy at tiyempong wala siya doon. Hinalughog ko ang mga files ni momy dahil may kutob ako na may itinatago sa akin si momy. Sa aking pag hahalughog ay may nakita akong isang litrato. Si momy at si dady sa araw ng aking kapanganakan alam ko dahil sa date na nakalagay sa baba nito pero nagtataka ako bakit dalawa ang baby na yakap yakap ni momy? Sa aking pag iisip ay bigla ko na lang narinig si momy

Momy: Jom anu ginagawa mo dito?

Ako: may hinahanap po ako momy?

Momy: may hinahanap eh bakit mo pinapakaialamam iyan?

Ako: momy pwede bang tapatin mo ako? bakit ngayon ko lang nakita ang picture na ito?

Sabay pakita sa kanya ng litrato na kung saan ay karga niya ang dalawang baby.

Momy: saan mo ito nakita?

Ako: momy please, tapatin ninyo po ako..... bakit dalawa ang baby na karga karga ninyo, akala ko po ba eh nagiisang anak ako?

Momy: wala ito anak.... ikaw lang talaga ang aking anak at wala nang iba...

Ako: momy please tapatin mo ako!!!!(sabay tulo ng mga luha ko)

Momy: saan mo ba nakuha ang ideya mong iyan na may kapatid ka? oo anak may kakambal ka at buhay siya pero di ko na alam kung saan siya dinala ng dady mo simula ng mag hiwalay kami. Sino ba may sabi sayo niyan? Si Joana ba?

Ako: hindi ma!!! Walang kinalaman dito si Joana!! Kasi ako mismo nakakita sa kanya...

Napansing kong biglang nag iba ang aura ni momy, iyon tipong di ko pa nakikita sa buong buhay ko.

Momy: saan mo siya nakita, pwede ko bang makita?

Ako: momy huwag na muna ngayon, gusto ko lang ma confirm na siya nga iyon.. at isa lang ang alam kong paraan. Momy kaya pa ba ng savings ko? Gusto ko kasing gamitin muna iyon sa pag pa DNA test pero di ito dapat malaman ni Jam momy please..

Momy: sige anak, susuportahan kita pero bakit gusto mo ito itago sa kanya?

Ako: basta momy please..

Momy: sige promse ko yan sayo anak.. di niya ito malalaman..

Agad akong naligo at at nagbihis ng uniform ko para umalis patungo sa skwelahan, di kasi dapat malaman ni Jam na posibleng magkaptid kami ni Jeffrey. Buo na ang plano ko at handa na ako para gawin ang lahat ng aalis na ako sa aming bahay ay laking gulat ko nang aktong pagbukas ko ng pintuan ay si Jam ang tumambad sa harap ko. Di ko alam kung ipagpapatuloy ko ang ipinakita sa kanyang galit o isasawalang bahala ko na lang ang lahat ng nangyari kanina.

Sa hitsura ngayon ni Jam na parang lugmok ang kalooban ay biglang nawala ang pinlano ko na gawing ang lahat sa likod niya, di ko kasi talaga kayang mag lihim sa kanya.

Ako: Jam... anu..anu.. ginagwa mo dito?

Jam: Jom please let me explain...

Ako: diba nagpaliwanag ka na kanina..

Jam: please Jom... totoo ang mga sinabi ko...

Di na ako naka imik pa di ko kasi talaga kayang tiisin si Jam.

---------------------------------------Jam----------------------------------

Si Jom agad ang nakita tumbad sa harap ko nang bumukas ang kanilang pintuan at doon kami nag usap, nagmakaawa ako sa kanya na pakinggan at paniwaalaan niya ako. pero di siya umimik pa labis na sakit at dulot nito sa akin lalo na ramdam ko ang galit sa aking ng taong mahal ko dahil sa kauting pagkakamali na di ko agad sa kanya nasabi.

Aalis na sana ko at sa aking pagtalikod ay pinigilan niya ako

Jom: Jam... sandali...

At sa aking pag harap ay agad na nag lapat ng aming mga labi, halik na puno ng pagmamahal at pagunawa ang naramdaman ko. Biglang gumaan ang aking pakiramadam at lalo na nang marinig ko siyang magsalita

Jom: huwag nang malungkot ang mahal ko... naniniwala ako sa mga sinabi mo... sorry sa inasta ko kanina ha.... lagi mo pakatatandaan ikaw lang ang mahal ko...

Sabay halik ulit sa aking labi, habang nasa ganoong situwasyon ay narinig ko si Tita Anabeth na nag salita.

Tita: Jam?! Anu ibig sabihin nito?

Jom: momy... kami na po si Jam, at ang rason kung bakit ayaw kong sabihin mo sa kanya ang plano ko ay dahil sa..

Ako: Jom... anu plano?

Jom: Jam.. kanina nang makita ko sa Jeffrey ay nagtaka ako kung bakit kami magkamukha.. agad kong hinalughog ang files ni momy at ito ang nakita ko...

Ipinikta sa akin ni Jom ang isang litrato na kung saan ay nandoon si Tita Anabeth sa ospital at bagong panganak at nandoon pa ang dady ni Jom pero maging ako ay nagulat nang makita kong 2 baby ang karga karga ni Tita..

Ako: Tita... ibig ba sabihin nito... totoo ang sinabi sa akin ni Joana?

Tita: anu pa sinabi sayo ng pinsan mo?

Ako: lahat po tita ng sinabi mo sa kanya, nasabi niya lang po iyon sa akin dahil sa naikuwento ko sa kanya na may nakilala ako sa isang simbahan sa Tagaytay at kahawig na kahawig siya ni Jom, kaya nag duda na rin kami.. pero hanggang doon lang po iyon sa pag dududa. Kasi ang sabi saakin ni Jeffrey eh doon na siya nag nagkaisip at lumaki sa simbahan at sabi sa kanya ni father eh ulilang lubos na siya.

Doon ko lang nakita si Tita Anabeth na napaluhod sa kakaiyak di ko alam kung may nasabi ako sa kanya tapos bilga ko na lang narinig si tita na nag sisigaw..

Tita: hayop ka!!! Orlando!!!! Hayop ka!!!!

Dali dali lumapit si Jom sa kanyang momy saka ito niyakap. Ngayon talagang mas tumibay pa aking pagdududa sa posibilidad na mag kapatid nga si Jom at si Jeffrey. Lumapit na lang ako saka niyakap na rin si Tita para kahit papanu ay patahanin siya.

Nang tumahan na siya ay nagpasya kami ni Jom na doon na kumain ng luch at agad kaming umalis para pumasok sa aming klase. Habang naglalakad kami ay doon kami ni Jom nagkausap kung papanu kami makakakuha ng DNA sample ni Jeffrey..

Jom: Jam ko...

Ako: anu yun? Jom ko?

Jom: gusto mo bang tumulong?

Ako: tinatanong pa ba iyan? Siyempre tutulong ako, sabihin mo lang kung anu ang maitutulong ko..

Jom: kailangan ko ng kahit anung sample ni Jeffrey, kahit anung pwede kong magamit sa DNA test..

Ako: anu naman ang ibigay ko sayo?

Jom: kahit anu? Kuko, dugo, balat, semilya o buhok...

Ako: ganun? Semilya? Anu yun sperm donation? At panu mo naman naisip na makakakuha ko ng sample ng semilya niya aber?

Jom: ito naman para binibiro ka... basta kahit anu... kahit yung buhok niya pwede na, at kailangan ko ito sa lalong madaling panahon.

Ako: sige. pero Jom matanong kita.

Jom: anu yun?

Ako: anu ba ang dahilan mo kaya gusto mo sanang ilihim ang gagawin mong pag harap kay Jeffrey?

Jom: kasi ayaw ko nang maipit ka sa gulong pwedeng kalabasan ng mga pwedeng malaman namin tungkol dito. Pero dahil sa alam mo nanaman ang plano ko ay ang kailangan na lang nating gawin ay makakuha ng sample niya ng di siya nag dududa sa mga balak natin.

Ako: panu kung totoong siya ang nawawala mong kakambal?

Jom: ewan ko, di ko alam.... gusto ko lang namang malaman ang mga iyon kasi sa nakita ko kanina sa inyo parang biglang di naging kumpleto ang pagkatao ko at gusto ko mahalin kita ng buo ako at kilala ko kung sino talaga ako at kung sina siya sa pamilya ko.

Di na ako nag tanong pa at nag isip na lang ako ng plano kung papanu ako makakkuha ng sample ni Jeffrey at para narin mapanatag ang loob ni tita anabeth, mawala na ang agamagam sa loob ko at malaman na ni Jom ang mga lihim na pilit na ikinubli sa kanya.

Bilib ako kay Jom, kahit na napakalaking lihim ang itinago sa kanya ng kanyang momy ay di man lang ito nagalit sa kanya, bagkus ay ipinakita pa nito ang kanyang pagdamay kasi kahit papanu ay masakit din naman para kay Tita Anabeth ang mga pangyayari ang pagkaitan ng anak na 20 taon niyang hinanap.

Nang makarating kami sa klase ay ibinalik namin sa normal ang aming kilos na parang walang nangyari, pero bukod dito ay di namin maiwasan ni Jom ang maging sweet sa isat-isa kahit na sa loob ng aming paaralan, di na kami natatakot sa mga iisipin pa ng mga tao basta pareho kaming masaya at buo ang suporta ng barkada namin ay handa kaming suongin ang lahat. Pero alam kong di pa tapos ang aking mga problema dahil kailanang ko ang harapin sila Momy at Dady kailangan ako ang unang magsabi sa kanila tunkol sa estado namin ni Jom at di si Jeffrey ang dapat maapag sabi nito para di na lumaki pa ang gulo.

Naging maayos ang takbo ng buong hapon, pero lahat ng ito ay biglang nag iba ng nag text sa akin si Manang..

“Sir Jam... iyong bisita po ninyong si Jeffrey... may sinabi kina sir at mam tungkol sa inyo ni sir Jom eto po parang galit na galit si sir ngayon..”

Unexpected Love 17

-oO0Oo-

Di ko alam kung papanu ko haharapin si dady kabado ako at ipinakita ko kay Jom ang text na iyon ni manang at kita ko sa mga ekspresyon ng kanyang mukha na ang galit at inis, pilit kong pinakalma si Jom nang lumapit sa akin sina Anton, Aelvin at si Insan..

Anton: Oy tol anu nangyari sayo bat parang balisa ka?

Ako: kasi.. anu kasi ehhh... ahmmm..

Aelvin: huwag mong sabihin, nag away agad kayong dalawa..

Ako: hindi kami nag away, may nangyari kasi sa bahay at damay kami...

Joana: anu?! Panu kayo nadamay insan?

Kinuha ko na lang ang cellphone ko saka ipinabasa ko sa kanila ang text ni manang. Bakas sa mukha nila Anton at Aelvin ang pagtataka samantalang pagkainis naman ang makikita sa mukha ni Joana.

Ako: ngayon alam niyo na kung anu problema namin? Anu ba kaya ayaw kong pumasok sa ganitong relasyon kasi alam kong magulo at maraming tutol

Jom: so anu gusto mo itigil na lang natin to?
Ako: hindi ko sinabi yan Jom, ang saakin lang noon ay ayaw ko kasi alam kong ganito ang pwedeng manyari sa atin pero ngayon iba na, alam mong mahal kita diba?

Jom: Jam sorry kung naiipit ka na sa gulong ito, maging ako ay di ko inaasahan na ganito pala kagulo ang kahahantungan natin.

Anton: tol... hello anu silbi naming mga barkada ninyo kung di namin kayo tutulungan?

Ako: salamat tol pero ayaw na naming pati kayo ay madamay sa gulong ito..

Aelvin: Jam.. Tol... alalahanin mo kami ang naging tulay para tuluyang mag ka aminan kayo ni Jom, kaya suma tutal ay halos kami narin ang may nag simula ng gulo, pero maiba ang usapan natin pwede ba naming malaman kung sino yang bisita mong si Jefferey na yan at nakikisawsaw sa gulo?

Nagtinginan na lang kaming tatlo ni la Joana at Jom na parang naguusap kung sasabihin ba namin kina anton at aelvin ang bawat detalye, pero bago pa man ako maka pagsalita ay inunahan na ako ni Jom..

Jom: kakambal ko mga tol..

Anton: Whow... seariously tol evil twin brother?

Jom: Tol pwera biro seryoso ako.

Aelvin: wait ang gulo eh, tol akala ko ba eh only child ka?

Jom: iyon nga din ang akala ko, hanggang sa makita ko siya kaninang umaga kina Jam at nakita ko itong larawang ito sa files ni momy..

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong iniabot niya kina anton at aelvin ang picture na kung saan ay makikita si tita anabeth karga karga ang dalawang baby.

Aelvin: Kung may kakabal ka panu ka niya natunton dito at panu niya nakilala si Jam?

Ako: nalala niyo noong nag absent ako ng 2 linggo? Doon ko nakilala si Jeffrey sa tagaytay sa isang simabahan, agad napalapit ang loob ko sa kanya kasi si Jom ang nakikita ko kahit na gusto ko noong kalimutan si Jom ay di ko nagagawa dahil kay Jeffrey ang buong akala ko ay hanggang kaibigan lang ang pagtingin niya sa akin hanggang sa araw ng pag alis ko sa simbahan.

Anton: anu may nangyari sa inyo?

Ako: ulol wala... pero ninakawan niya ako ng halik sa loob ng taxi...

Jom: bakit naman hanggang taxi ay kasama mo xa?

Ako: eh kasi nag pumilit na sumama at isa pa pinayagan naman daw siya ni father na iahtid ako, pero hanggang sa may janto lang iyon ng bahay namin dahil agad akong bumaba, pero di ko inaasahang sumunod pala siya at doon siya nakilala nila momy na napagkamalan pang si Jom. Pagkatapos noon ay nagusapusap sila sa loob at ako naman ay nagpahangin sa labas, pero di ko alam na may inalok pala sa kanya si dady. Tapos kaninalang umaga nang hinatid ako ni Jom sa bahay ay di ko inaasahang magkikita sila at nakalimutan ko rin naman kasi ang tungkol kay Jeffrey..

Joana: Insan naman... anu ba sobra ba kalasingan mo at nakalimutan mo na di pwedeng malaman ni Jom ang tungkol kay Jeffrey?

Jom: Joana... sorry ako may kasalanan... kung di lang kasi sa nangyari kagabi siguro ay di nakalimutan ng pinsan mo...

Aelvin: What the?!! Anung ibig mong sabihing sa nangyari kagabi?

Anton: tol wag mong sabihing nag... anu kayo?

Tinitigan ko nalang si Jom mejo naiinis ako kasi sa kanyang sinabi.. di ko alam kung papanu nanaman sasagutin sila sa bagong nalaman niya na ginawa sa akin ni Jeffrey..

Jom: sorry mahal ko...

Anton, Aelvin, Joana: waaaaaa!!!!!!!!!!

Anton: wow ang bilis ah

Aelvin: nice one bro

Joana: Insan ikaw talaga di mo ako binigyan ng pasabi kayo na pala!!!!

Ako: so di niyo pala napansin kanina ang kasweetan nitong ni Jom sa akin kanina?

Anton: ako mejo, pero inisip ko nanunuyo na sayo si Jom, di ko naman akalain na kayo na pala agad..
Ako: ngayon alam niyo na... so siguro naman may idea na kayo kung anu ang gulong naghihintay sa amin ni Jom sa bahay...

Joana: naku insan... ok lan yan.. ako susuyo kay uncle at auntie ok....

Di na namin pa pinatagal ang usapan at nag pasya kaming mag siuwian na, si Anton at Aelvin ay umuwi na samantalang si insan naman at si Jom ay sumama sa akin sa bahay para sabay sabay naming harapin ang gulong ginawa ni Jeffrey...

Pag lapit namin sa bahay ay agad na binuksan ni manang ang pinto at nagulat kami nang makita naming si nakaupo na lang sina momy sa may dinning area samantalang si Jeffrey naman ay nakaupo din sa may gilid kainan at napansin kong putok ang labi nito.

Ako: momy!! Anu nanyari dito?

Momy ni Jam: kasi yang si Jeffrey sinabihan si Dady mo nang kung anu anu... pinagsasabi niyang mahal ka daw niya at nanghihingi siya ng permiso sa dady mo na ligawan ka... tapos sinabi pa niya na boyfriend mo daw si itong si Jom... at kung anu anu pang sinabi niya kaya hayun nandilim ang paningin ni dady mo at biglang nasapak ng dady mo...

Dady ni Jam: anu totoo ba ang sinasabi nitong lalaking ito? Na gusto ka niyang ligawan at ang isa sa dahilan kaya ka niya hinatid sa atin sa doon sa tagaytay ay dahil manliligaw na sana siya sayo?

Di ko alam ang isasagot ko sa mga oras na iyon, parang gusto kong mag sinungaling sa mga oras na iyon at depensahan ang sarili ko at para na rin maipamukha ko kay Jeffrey na kahit anung gawin niya ay di ko siya gusto, pero di ko magawa

Ako: ma....pa.... ang totoo niyan.... kasi......

Jom: tama ang sinabi niya tito... boyfriend ko si Jam....

Nanlaki ang mga mata ni dady at bakas ang galit.. dalidaling tumayo si dady at bigalng binigyan si Jom ng isang suntok...

Jom: Hoy!!!! Lalaki... pakatatandaan mo Lalaki ang anak ko!!! At di ako papayag  diyan sa kahibangan ninyong iyan... kaya ngayon palang itigil niyo na iyan!!!!

Isa pang suntok ang binitawan ni dady pero sa halip na sa mukah ulit ito ni Jom dumapo ay hinarang ko ito kaya ako ang tinamaan...

Ako: dady!!! Pwede ba!!! Makinig ka muna!!!!

Dady ni Jam: makinig saan!? Sa kasinuganlingan ng lalaking ito?! Hoy Jom naturing ka pa namang kaibigan ng anak ko at syota ng pamangkin ko tapos ngayon sasabihin mong ang anak ko ang nobyo mo? anu ka bakla?

Joana: uncle! Makinig ka!

Pare pareho kaming natamihik sa ginawa ni Joana... di naming lahat akalain na kaya niyang sigawan si dady...

Joana: tama ang sinasabi ni Jom... at alam ko ang lahat....

Dady ni Jam: mga walang utang na loob!!!!

Aktong sasapakin na sana ni dady si Joana nang nakita naming pinigilan siya ni Jeffrey...

Jeffrey: mawalang galang na ho... ok lang po sana sa akin na ako ang saktan ninyo... pero ang saktan niyo pa ang anak ninyo pati na ang pamakin ninyo ay di na po ako makakapayag niyan...

Dady ni Jam: at sinong nagbigay sayo ng pahitulot na umalis sa kintatayuan mo? Haypo ka!!!

Ako: Dady!!! Tama na!!!!!

Natigilan silang lahat dali dali kong inabot din ang kamay ni dady dahil sa pagbabalingan nanaman niya ng galit si Jeffrey. Di ko alam kung bakit ko iyon nagawa samantalang alam kong nararapat lang iyon sa kanya...

Ako: dady..please let us explain... momy please....

Di na nakasagot pa sina momy at dady at tiningnan ko sila si dady ay puno parin ng galit ang kanyang mga mata samantang si momy naman ay nakatulalang umiiyak...

Ako: dady.. alam ko po kung anu ako... noon at ayaw pilit kong iwinawaksi at itinatanggi sa sarili ko iyon... pero ngayon dad tanggap ko na... kaya sana naman po matanggap ninyo ako kung anu talaga ako at sana supportahan niyo na lang ako kung saan ako masaya...(sabay tulo ng mga luha ko)

Momy ni Jam: Jam.... huwag kang magsalita ng ganyan... nalilito ka lang.... anak.... alalahanin mo..... lalaki ka..... at di pwede yang relasyon ninyo ni Jom....

Wala paring tigil si momy ng kakaiyak, ramdam kong naawa na rin si momy sa akin at alam kong gusto lang niyang maliwanagan ako...

Momy ni Jam: anak... pag isipan mo muna yang pinapasok mo... alalahanin mo... pwedeng ikasira ng pangalan natin yang gagawin mo...

Ako: momy... sorry po... pero ganito po ako eh... at kahit bugbugin ninyo ako... kahit bitayin ninyo ako ng patiwarik.... kahit patayin po ninyo ako ngayon din..... eh wala na pong mababago kasi ako ito... ang pakiusap ko lang po eh sana maging masaya kayo para sa akin..

Di na naka imik pa si momy at isang galit na bulyaw ni dady ang narinig naming lahat...

Dady ni Jam: Hayop ka!!!!(sabay suntok sa aking tiyan) lumayas ka!!!!! wala akong anak na salot!!!! LAYAS!!!!! Huwag ka nang magpapakita pa sa amin dahil mula ngayon!!!.... wala na!!! wala na kaming anak!!!! Hindi ka na isang Del Rosario!!!!!

Momy ni Jam: Anton... huwag ka namang padalos dalos.... di ko na kaya ang mawalan pa ng anak......

Anton Del Rosario(dady ni Jam): Tumigil ka Ana!! Dahil ikinahihiya ko ang makaroon ng anak na... BAKLA!!!!! At ikaw Joana.... isusumbong kita sa dady mo!!!! makikita mo!!!

Ako: dady... please....

Anton Del Rosario: LECHE!!!Luamayas ka!!!! dahil kung hindi ka aalis ay ako mismo ang papatay sayo dito sa harap ng asawa ko!!!

Lumapit na lang sa akin si momy kahit na mangiyak-iyak at saka sinabihan ako

Ana Del Rosario(momy ni Jam): Anak.... please.... umalis ka na....please....

Di na nakakaimik pa sina Jom, Jeffrey at Joana... maging ako ay mangiyak iyak na rin dahil ito ang unang beses na nakita ko si dady na nagalit ng sobra sobra... ayaw ko mang umalis ay pili akong ipinagtabuyan ni mimy para na rin sa sarili kong kaligtasan... di ko magawang sisihin si Jom dahil alam ko kung hindi ako pumayag sa gusto niya ay alam kong hindi ito mangyayari pero hindi mapapanatag ang loob ko... kahit na malungkot ako dahil sa pag takwil sa akin ni dady ay masaya parin ako dahil alam ko ginawa ko ang tama at wala akong ibang taong inapakan para makapiling ko ang taong mahal ko....

Mangiyak iyak akong umakyat sa aking kwarto para kumuha ng ilang gamit ko at isa-isa itong inilagay ko sa aking bag. Pagkababa ko ay agad akong lumabas ng bahay si dady na lang ang nadatnan ko sa may dinning area. Pag labas ko ay doon ko ulit na kita si momy..

Ana Del Rosario: Anak.. please... give your dady some time to absorb everything... nabigla lang ang dady mo...

Ako: sige po momy... aalis po muna ako... pero momy... panu po ang pag aaral ko.. malapit na ang finals eh....

Ana: huwag kang mag alala.. ako bahala doon anak, makakpasok ka parin... paktandaan mo.. kahit anu ka pa... mahal kita.. anak kita eh.... pero kailangan muna nating maghiwalay ngayon... heto  oh kunin mo... sige na...

Ayaw ko magn umalis ay wala na akong magagawa para rin sa sarili kong kaligtasan, iniabot din sa akin ni momy ang isang makapal na sobre, alam ko nang pera ang laman noon at ibinigay niya iyon sa akin para sa aking pag layo. Di ko pa ngayon alam kung saan ako pupunta si insan naman ay mangiak inyak parin dahil sa bantang binitiwan ni dady. Si Jeffrey naman ay di rin alam kung saan na siya tutuloy, lalo na si dady pala ang inaasahan niya. Nagmagandalng loob na si Jom na doon na muna ako sa kanila mag stay, parang ayaw ko pero wala naman akong magagawa lalo na wala akong ibang lugar na matutuluyan.

Jom: Jam... kung gusro mo pwede ka naman mag stay sa bahay..

Ana: Sige na anak... doon ka na muna...

Ako: sige po momy.. salamat po...

Ayaw ko mang gawin ay naawa na rin ako kay Jeffrey kaya inaya ko na rin siyang sumama na saamin papunta kina Jom, para kahit papanu ay makilala na niya ang kanyang momy kahit na di pa talaga namin alam kung siya nga ang kakambal ni Jom..

Pagdating na pagdating namin sa bahay nila Jom ay agad kaming sinalubong ni tita Anabeth..

Anabeth: Oh Jom.. anak.. bat ngayon lang kayo... (nakatalikod pa ito)

Jom: dumaan pa po kami kina Jam saglit momy eh..

Anabeth: ganun ba.. sige... kumain ka na ba?

Jom: hindi pa po.. momy...

Anabeth: anu yun anak?(sabay harap) Anak anu nangyari sayo?

Jom: wala po ito.. pwede po bang dumito na muna si Jam...

Anabeth: sige.. pwede..pwede... pero anu nga ang nayari bakit pareho kayong may pasa at putok ang labi? Nag suntukan ba kayong magnobyo?

Jom: di po...kasi po... si Jam... eh....

Anabeth: eh anu?

Ako: pinalayas po ako sa amin tita.... itinakwil po ako ni dady....

Anabeth: bakit daw?

Ako: kasi po tita.. nalaman na ni dady ang tungkol sa amin ni Jom... at ayun.. pinalayas niya ako... kung di daw ako aalis ay papatyin niya ako sa harap mismo ni momy...

Jom: kaya nga po, kung pwede dito na muna siya hanggang sa kumalma na si Tito Anton at makauwi na itong si Jam sa kanila..

Patuloy kami sa pag uusap kay di namin napansin na andun si Jeffrey sa labas ng bahay nakaupo lang sa kanto at tulala.. siguro ay nagiisip o kay naman ay nagsisisi sa kanyang ginawa...

Anabeth: sige.. sige.. pwede ka dito.. anak na rin kita eh... teka papanu ba nalaman ng dady mo Jam?

Nagtinginan na lang kami ni Jom di namin alam kung sasabihin na namin sa kanya ang tunkol kay Jeffrey... sa titig naming parang nangungusap ay doon namin napagkasunduang sabihin na kay tita ang lahat..

Jom: si Jeffrey po ma.... siya po ang nag sabi sa dady ni Jam..

Anabeth: sino ba yan?

Ako: yung kakamabal po ni Jom tita ang nawawala niyo pong anak...
Natulala si Tita sa kanyang narinig at dali daling hinanap si Jeffrey...

Anabeth: asan siya ngayon? Gusto ko siyang makita...

Ako: andito po tita... andito lang siya sa likod kasama namin...

Pero pag lingon ko ay wala na kaming Jeffrey na nakita di namin alam kung saan siya nagpunta, nangangamba kami kasi wala ngang alam iyon dito kaya agad ko siyang tinawagan para tanungin..

Ako: Hello Jeffrey...

Kabilang linya...

Ako: Jeffrey... bakit ka naman umalis...

Kabilang linya...

Pinindot ko ang loudspeaker para marinig ni tita ang sinasabi ni Jeffrey...

Ako: Jeffrey.. bakit nga ayaw mong manatili dito kina Jom...

Jeffrey: Sorry tol, pero ayaw ko na talgang manatili pa muna jan... sorry din kung dahil sa akin ay nasaktan ka.. sana maging masaya kayo ni Jom..

Anabeth: Anak!!! Bumalik ka!!! please!!!

Jeffrey: Sino yun?

Ako: Momy mo Jeffrey...

Jeffrey: Jam alam mong wala na akong momy simula pagkabata, kaya anung pinagsasabi mo??

Ako: Jeffrey... mahirap ipaliwanag dito.. kaya sana bumalik ka na... please... kung gusto mo maging masaya ako... please bumalik ka...

Di na naka imik pa si Jeffrey... at ilang pinatay na ang kabilang linya..maya maya pa ay nakita ko na siya mula sa malayo, parang biglang lumiwanag ang aking pakiramdam sa oras na iyon.. pati si tita anabeth ay di magkandamayaw ang nang makita niya si Jeffrey.. agad niya itong sinalubong ng isang yakap at saka hinalikan sa pisngi tanda ng talagang nangungulila siya sa kanyang anak...

Siguro di namin pa sigurado kung siya nga ang kakambal ni Jom pero halata sa galaw ni Tita na alam niyang si Jeffrey ang nawawala niyang anak..

Kahit na naging masaya ang mga oras na iyon ay di parin mawala sa isip ko kung anu na ang mangyayari sa akin ngayon. Sabay sabay kaming kuamin ng hapunan nang gabing iyon pero di parin talaga ako mapakali hanggang sa pag akyat namin sa kwarto.. natural sa kwarto ni Jom ako natulog at si Jeffrey naman ay sa guest room natulog.

Jom: mahal ko....

Ako: Jom tigilan mo muna ako at marami akong iniisip..

Jom: mahal naman...

Ako: Jom...

Jom: anu yun?

Isang halik lang binigay ko sabay sabi

Ako: i love you... salamat sa pag depensa mo kanina sa akin ha...

Jom: i love you too mahal ko...

Pagkatapos ay natulog kami ng may ngiti sa aming labi kahit na alam naming ang gulong iyon ay nagsisimula pa lang...

Unexpected Love 18 (Jeffrey)

-oO0Oo-

Pagka labas ni Jam ng kwarto niya ay sinubukan ko siyag habulin pero wala na eh... tanging si manang na lang ang naabutan ko sa baba...

Manang: oh sir Jom kayo po pala... anu ginagawa ninyo diyan sa itaas?

Ako: ay sorry po, di po ako si Jom manang... bisita po ako ni Jam... ako nga po pala si Jeffrey Del Castillo...

Manang: ay ganun po ba? Kapatid nyu po ba si sir Jom?

Ako: hindi po... bakit nyu po natanong?

Manang: wala naman po.. pag pasensyahan nyu na po ha... sige po... mag aayos na ako dito at mamaya ay darating na sila Sir Anton at Mam Ana...

Ako: sige po, manang.. ahh.. eh... manang...

Manang: anu po iyon?

Ako: anung oras daw darating sila sir at mam?

Manang: ay di ko po alam.. pero siguro mamaya...

Ako: ganun po ba sige po... babalik na po ako sa taas...

Agad akong umakyat at nahiga sa kama ni Jam, doon ko napag masdan ng mabuti ito... maganda ito di tulad ng kwarto sa simbahan.. habang nag mu-muni muni ay doon narinig ko ang tunog ng busina ng isang kotse... siguro ay ang momy at dady na yun ni Jam.. agad naman akong bumangon para magpakita sa kanila...

Pag pasok nila sa bahay ay agad kong binati si sir anton ang dady ni Jam..

Ako: magandang hapon po Sir...

Anton: magandang hapon din hijo.. kailan ka dumating?

Ako: kanina lang po... madaling araw...

Ana: si Jam nakita mo ba?

Ako: opo.. siya po nag bukas sa akin. Gulat na gulat nga po eh...

Ana: asan na siya?

Ako: ay andun na po pumasok na...

Anton: oh isge.. diyan ka muna at mag papahinga lang kami ng asawa ko bago kita kausapin tungkl doon sa inaalok ko sayo...

Umakyat sa taas sina sir at mam, at ako namna ay di magkandamayaw sa tuwa dahil sa tulong sa akin ni sir anton ay dito na ako mananatili sa maynila at saka makakasama ko pa si Jam, sana lang ay matutunan niya akong mahalin.

Sa buong araw ay tinulungan ko si manang sa lahat ng gawaing bahay dahil sa sanay naman ako sa ganito, kahit na ayaw niya ay wala na siyang magagawa dahil sa nasimulan ko na. kaya sa buong araw ay iyon ang ginawa ko, inayos ko rin ang kanyang kwarto at naglagay ako ng mga surpresa sa kanyang kama para mamaya pag tulog niya ay malalaman niya at doon ako aakyat ng ligaw sa kanya.

Pero natapos na ang buong araw ay walang umuwing Jam, sinubukan kong siyang tawagan pero di sumasagot.. mag damag akong naghintay sa kanya pero wala parin.

Umaga na pero wala paring Jam.... nag aalala na ako sa kanya, di naman ganito ang Jam na nakilala ko sa simbahan. Kinausap ko na lang si manang para kahit papanu ay malibang ako habang nag hihintay sa kanya..

Ako: manang, ganito po ba yan si Jam...

Manang: anung ibig mong sabihin?

Ako: yung minsan di umuuwi..

Manang: minsan lang naman at alam na namin na kund di yan umuuwi si sir Jam ay nasa mga barkada niya iyon at doon natutulog or kaya naman ay andun yun kay sir Jom

Ako: sinong JOM?

Manang: best friend ni sir Jam, mula pag ka bata at sabay na nga sila halos lumaki..

Ako: di po ba nagagalit ang momy at dady niya lalo na di siya nag papa alam?

Manag: naku di na.... kilala nanaman kasi nila sir si sir Jom at talagang mabait na bata iyon..

Ako: ganun po ba? Teka manang malala ko...

Manang: an iyon?

Ako: bakit nyu po pala natanong saakin kahapon kung kapatid ko si yang Jom na yan?

Manang: kasi po kamuka niyo xa at pareho kayo ng apelyido kaya naisip ko baka kapatid nyo siya pero napag tanto ko ehh naiisang anak pala si sir Jom...

Ako: talaga po? Del Castillo din apelyido niya?

Manang: opo... at nag-iisang anak... iyon nga eh si mam anabeth na lang ang nag palaki sa kanya dahil sa iniwan sila ng kanyang ama noong siya ay batang bata pa...

Ako: ganun po ba... ako naman po ay iniwan ng aking papa sasimbahan sa tagaytay, nakita ako nila father na umiiyak at may hawak na sulat at doon na ako lumaki....

Manang: asan na ba ang iyon ama?

Ako: ewan ko po... patay na po siguro...

Manang: sige aalis muna ako at mamamalengke... wala kasing kakainin mamaya sina sir baka mapagalitan ako..

Ako: sige po manang...

30 minuto pag kaalis ni manang ay narinig kong may kumatok sapintuan. Pag bukas ko ng pinto ay di ko alam kung anu ang gagawin ko... totoo ba itong nakikit ako sino ang kasama ngayon ni Jam at bakit ko siya kamukha? Di ako maka imik at narinig ko na lang na nag salita ang lalaking kasama ni Jam, at kita ko sa kanyang galaw ang pagiging sweet niya kay Jam di ko mapigilan ang mag selos dahil sa nikikita ko. Oo nakikit ako ang sarili ko sa kanya at ang pagiging sweet kay Jam pero iba ko at iba siya..

???: hi ako si Jom ikaw?

Ako: ako nga pala si Jeffrey Boyfriend ni Jam...

Di ko alam kung bakit ko iyon nasabi kahit na alam kong magagalit sa akin si Jam ay at least nasabi ko ang gusto ko, ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakita ko rin ang pagkagulat sa kanilang dalawa pero mas ramdam ko ang galit na biglang bumalot sa taong kasama ngayon ni Jam, siguro ay nagseselos ito. Pero habang pinapakalma siya ni Jam at nagpapaliwanag ito ay bilaan nalang akong sinuntok ni Jom at saka pinag bantaan..

Jom: Hoy gago! Ayusin mo pananalita mo at di ako natutuwa sayo ha! Lokoloko ka, di mo kilala tinatalo mo.

Jam: Jom! Teka lang anu ba! Bakit mo yun ginawa?

Jom: Bkit Jam?! Totoo bang may relasyon kayo ng gagong ito?

Ako: Oo.. bakit?! Ikaw sino nga ba?

Jam: Jeffrey!! Gago ka ano ba sinsabi mo? wala tayong relasyon kaya huwag kang magsasabi ng ganyan lalo na sa harap ni Jom!!

Ako: Bakit Jam sino ba siya sayo?

Jam: boyfriend ko!! Bakit! Angal ka! anu gusto mo ako naman sumuntok sayo ngayon?

Nagulat ako sa narinig mula sa kanya, parang tinamaan ng daang daang sibat ang aking puso dahil sa kanyang mga sinabi. Tumaliko na lang ako at saka dalidaling umalis, di ko alam pero alam ramdam ko parang nag sisinungaling lang si Jam kaya nag pasya akong puntahan ang kanayng kwarto at ipagpatuloy parin ang aking planong sorpresa para sa kanya. Mula sa kanyang kwarto ay naririnig ko parang nagaaway ang dalawa, kaya naisip ko kung sila nga eh mukhang di magtatagal kaya desidido ako gagawin ko lahat mapasaakin lang si Jam at wala nang iba. Ilang sandali pa ay may narinig na lang ako na parang kung anu na tumama sa pader ng bahay siguro ay may ibinato or may natumba lang at sa pader ito tumama kaya di ko na ito pinansin pa, at kinuha ko na lang ang bouquet ng roses na itnago ko sa ref ng kanyang kwarto.

Naririnig ko na siyang umaakyat kay hinanda ko na ang aking sarili. Sa kanyang pag pasok ay hinubad ko ang aking damit pag itaas para akitin siya at saka ako lumuhod sa harap niya.

Ako: Jam, noong unang beses pa lang kitang nakita ay nahulog na loob ko sayo. Sorry kung nakagawa agad ako ng kasalana sayo, alam mong mahal na mahal kita kaya handa akong gawin lahat para lang sa iyo di ko nga inaasahang sa maikling panahon na pagkakasama natin sa simbahan ay aabot sa ganito ang naramdaman ko sayo. Naguluhan man ako sa una pero gnayon sigurado ako na ikaw ang isinisigaw nito (turo sa utak) at lalong lalo na nito (turo sa puso).

Ang buong akala ko sa sinabi ko mapapasagot siya ng isan gmatamis na OO pero bigo ako dahil wala siyang imik at nababakas ko sa kanyang mga mata ang poot at galit, alam ko parang ako ang may dahilan ng nararamdaman niyan iyon. Ilang sandali pa ay pumasok lang siya sa kwart na mistulang wala ako doon, di ako nakita at di ako narinig. Sa nasaksihan kong inasta niya ay para akong nanlumo at tinuhog ang ng libolibong sibat at karayom ang aking puso lalong lalo na nang marinig ko siyang nasisisgaw at umiiyak sa loob ng banyo.

Pag baba ko ay di ko na inabot pa si Jam, gusto ko sanang manghingi ng tawad sa nagawa ko. Masaba bang mag mahal? Ang nais ko lang naman ay magimaligaya kapiling siya , ilang taon na akong nangungulila sa pag mamahal pati ba naman ang sarili kong kaligayahan ay ipakakait pa sa akin. Kung di man lang mapapasaakin si Jam ay siguro naman ay di rin nararapat na maputa sa Jom na iyon si Jam.

Ilang minuto lang ay dumating na si manang at nakita niya ako, di ko na pinahalata sa kanya an gaking nararamadaman bagkus ay binigyan ko na lan gsiya ng pilit na ngiti at saka sinabiha siyang

Ako: manang, wag nyu na po akong isabay sa pagkain, busog po ako

Sabay akyat sa guest room at doon ako nag munmuni, malalim ang iniisip ko di ko inaakalang posibleng si Jom ang sinasabi sa sulat ni dady na kakambal ko na dapat kong hanapin pag dating na panahon. Sa tagal ng panahon halos 17 taon kinimkim ko ang galit sa aking dibdib dahil sa pag kuha niya sa akin at pag iwan sa akin sa simbahan ng walang pasabi na hanggang ngaon ay di ko na alam pa kung asan siya at kung buhay pa ba siya. Di ko na namanlayang nakatulog ako dahil sa kakaisip at nagising na lang ako mga halos alas 4 na nang hapon at pag baba ko ay inabutan ko si sir anton at si mam ana na naguusap sa may dinning area, di ko na sana sila gagambalain pa pero bago pa man ako malampas ay tinawag na ako ni sir anton..

Anton: Jeffrey, halika dito...

Ako: bakit po sir?

Anton: tungkol doon sa trabahong inalok ko sayo..

Ako: opo

Anton: pero bago iyon, may itatanong ako..

Ana: dady.. kailangan mo ba talgang tanungin iyan ngayon... tulungan na lang natin ang bata...

Anton: kailangan ana, para alam ko na bukas sa loob niya ang pag tanggap sa trabaho at di dahil may gusto lang siyang makuha..

Ako: anu po ba ibig ninyong sabihin sir?

Anton: Jeffrey mag tapat ka nga? Anung meron sa anak ko?

Nagulat ako sa tanong ni sir anton at di ko alam kung anu ang gagawin ko

Anton: mag tapat ka... kasi kanina may nakakita kay Jam na problemadong lumabas ng bahay samantalang ikaw lang naman daw ang andito kanina sabi ni manang.

Ako: kasi po..

Anton: anu?

Ako: pag uwi niya po kanina ay kasama niya po si Jom... tapos....

Anton: anu?!

Di ko alam kung itutuloy ko ang sasabihin ko ayaw kong masaktan si Jam pero ramdam ko na ang galit na unti-unting lumalabas kay sir anton

Anton: anu?! Sabihin mo!!

Ana: dady.... ang  dugo mo....

Anoton: sabihin mo... kasi ang ayaw ko sa lahat ay ay sinungaling na naninirahan sa bahay ko!!!

Ako: si Jom po boyfriend daw siya ni Jam... pero sir... parang di naman po iyon totoo... pero sir ako po gusto ko po ang anak nyo sir at isa po iyon sa rason kung bakit ako pumayag sa alok ninyong trabaho kasi inisip ko po na makakasama ko siya, kaya po sir sasamantalahin ko na po ang pagkakataon sir pwede ko po bang ligawan ang anak ninyo?

Di na naka imik pa si sir anton at bigla niya nalang akong sinugod sinuntok sa mukha at saka kinuwelyuhan tapos pinagbantaan.

Anton: hoy lalaki, di mo alam yan pinag sasabi mo... isa pa lalaki ang anak ko kaya bakit ako papayag na ligawan mo siya?

Ako: sir... mahal ko po ang anak ninyo...

Anton: pwe!!! Mahal!!!! Punyeta!!!

Binigyan niya pa ako ng isa pang suntok sa sikmura saka binitiwan, natakot na ako sa kanya parang di na siya ang maamong dady na Jam na nakilala ko sa tagaytay ilang araw pa lang ang nakakaraan, umatras na ako at lumayo sa kanya dahil sa takot baka kung anu pa ang gagawin niya sa akin naupo ako sa gilid ng bahay kung saan di nila ako nakikita pero nakikita ko sila takot parin ang nasaloob ko nanginginig ang buong katawan ko, maya may lang ay nakita ko nang medyo kumalama na si sir anton at saktong dumating din naman si Jam kasama si Jom at isang magandang babae, di ko mapigilan pero nabihani ako sa ganda halos pareho sila ni Jam, halos pareho ang naramdaman ko nang una kong makita si Jam...

Bago pa man sila pinapasok ni manang ay lumipat ako sa sa may gilid ng dinig area at doon naupo, kahit na takot parin ako ay pilit kong di pinansin ang takot na iyon dahil mejo napapanatag ako na masmalapit ako ngayon kay mam ana. Pag pasok nila Jam ay agad siyang nagtaka kung bakit ganoon ang stado ng bahay at nag tanong

Jam: momy!! Anu nanyari dito?

Ana: kasi yang si Jeffrey sinabihan si Dady mo nang kung anu anu... pinagsasabi niyang mahal ka daw niya at nanghihingi siya ng permiso sa dady mo na ligawan ka... tapos sinabi pa niya na boyfriend mo daw si itong si Jom... at kung anu anu pang sinabi niya kaya hayun nandilim ang paningin ni dady mo at biglang nasapak ng dady mo...

Anton: anu totoo ba ang sinasabi nitong lalaking ito? Na gusto ka niyang ligawan at ang isa sa dahilan kaya ka niya hinatid sa atin sa doon sa tagaytay ay dahil manliligaw na sana siya sayo?

Napansin kong mahapyaw na tumitingin sa akin si Jam pero bakas parin sa mga mata niya ang galit sa akin, di ko alam kung bakit parang ako ang pinagbubuntungan ng sisi pero ako naman ay di ko rin naman sila masisisi dahil ako naman talaga ang nag simula ng gulong ito mula nang sabihin kong may gusto ako sa kanya. Di na ako muna sumasali sa usapan nila at nakikinig na lang ako.

Jam: ma....pa.... ang totoo niyan.... kasi......

Jom: tama ang sinabi niya tito... boyfriend ko si Jam....

Sa pagkakasabi ng Jom ng mga katagan iyon ay nanlaki ulit ang mga mata si sir anton at saka sinuntok nanaman ito at tulad ng ginawa niya sa akin ay binantaan niya rin ito.

Anton: Hoy!!!! Lalaki... pakatatandaan mo Lalaki ang anak ko!!! At di ako papayag  diyan sa kahibangan ninyong iyan... kaya ngayon palang itigil niyo na iyan!!!!

Pagkatapos ng kanyang pagsasalita ay binigyan niya ulit ng isa pang suntok si Jom pero sa pagkakataong ito ay sinangga ni Jam ang suntok na iyon ng kanyang dady na kung saan ay siya na ang tinamaan sa mukha.

Jam: dady!!! Pwede ba!!! Makinig ka muna!!!!

Anton: makinig saan!? Sa kasinuganlingan ng lalaking ito?! Hoy Jom naturing ka pa namang kaibigan ng anak ko at syota ng pamangkin ko tapos ngayon sasabihin mong ang anak ko ang nobyo mo? anu ka bakla?

???: uncle! Makinig ka!

Gulat ang bumalot sa akin nang marinig ko ang boses ng babaeng kasama ni Jam, pinsan niya pala ito kaya naman pala magsinglakas ang kanilang appeal pero kung ako tatanungin mag gusto ko parin si Jam kesa sa aknyang pinsan. Pero di ko paring maiwasang makaramdam ng kakaiba ngayon.

???: tama ang sinasabi ni Jom... at alam ko ang lahat....

Anton: mga walang utang na loob!!!!

Aktong sasapakin din si sir anton ang kanyang pamangkin ay doon na ako nag lakas loob na pigilan siya

Ako: mawalang galang na ho... ok lang po sana sa akin na ako ang saktan ninyo... pero ang saktan niyo pa ang anak ninyo pati na ang pamakin ninyo ay di na po ako makakapayag niyan...

Anton: at sinong nagbigay sayo ng pahitulot na umalis sa kintatayuan mo? Haypo ka!!!

Jam: Dady!!! Tama na!!!!!

Buti na lang at napigilan ni Jam ang dady niya kundi ay alam kong ako nanaman ang uupakan niya, di ko miwaglit sa isip ko pero kahit papanu ay natuwa ako dahil alam kong mahala parin naman pala ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pag pigil.

Ako: dady..please let us explain... momy please....

Pag tingin ako sa mga oras na iyon kay mam ana ay doon ko napansin ang kanyang pagiyak pero nananatili lang siyang nakautlala at mistulang di na alam pa ang gagawin dahil sa mga nangyayari.

Muling nagsalit si Jam at pilit na dinepensahan ang kanyang sarili

Jam: dady.. alam ko po kung anu ako... noon at ayaw pilit kong iwinawaksi at itinatanggi sa sarili ko iyon... pero ngayon dad tanggap ko na... kaya sana naman po matanggap ninyo ako kung anu talaga ako at sana supportahan niyo na lang ako kung saan ako masaya...(sabay tulo ng mga luha )

At pagkatapos niyang magsalita ay doon ko nanaman ulit narnig ang matamis na boses ni mam ana per sa pagkakataong ito ay tila nagmamakaawa na ito

Ana: Jam.... huwag kang magsalita ng ganyan... nalilito ka lang.... anak.... alalahanin mo..... lalaki ka..... at di pwede yang relasyon ninyo ni Jom.... anak... pag isipan mo muna yang pinapasok mo... alalahanin mo... pwedeng ikasira ng pangalan natin yang gagawin mo...

pero di natinag si Jam mula sa kanyang paninidigan

Ako: momy... sorry po... pero ganito po ako eh... at kahit bugbugin ninyo ako... kahit bitayin ninyo ako ng patiwarik.... kahit patayin po ninyo ako ngayon din..... eh wala na pong mababago kasi ako ito... ang pakiusap ko lang po eh sana maging masaya kayo para sa akin..

Alam ko sa sarili ko tama si Jam, pero sa halip na intindihin siya ng kanyang ama ay mas lalo na nanggalaiiti ito sa galit

Anton: Hayop ka!!!!(sabay suntok sa aking tiyan) lumayas ka!!!!! wala akong anak na salot!!!! LAYAS!!!!! Huwag ka nang magpapakita pa sa amin dahil mula ngayon!!!.... wala na!!! wala na kaming anak!!!! Hindi ka na isang Del Rosario!!!!!

Ana: Anton... huwag ka namang padalos dalos.... di ko na kaya ang mawalan pa ng anak......

Nagitilan ako sa sinabi niyang iyon... ibig palang sabihin ay may kapatid din si Jam? Pero posibleng patay na ito kaya ganun na lang ang pagmamakaawa ni mam Ana sa kanyang asawa pero talagang sarado na ang puso’t isip ni sir Anton

Anton: Tumigil ka Ana!! Dahil ikinahihiya ko ang makaroon ng anak na... BAKLA!!!!! At ikaw Joana.... isusumbong kita sa dady mo!!!! makikita mo!!!

Jam: dady... please....

Anton: LECHE!!!Luamayas ka!!!! dahil kung hindi ka aalis ay ako mismo ang papatay sayo dito sa harap ng asawa ko!!!

Di ko lubos maisip kung kaya talaga niyang gawin iyon sa sarili niyang anak dahil lang sa ito ay nakipagrelasyon sa kapwa lalaki.. nang tatayo na ako at aktong kukunin ko ang mga gamit ko ay doon ko napansing kinuha na pala ito ni manang at inilagay sa kanto ng hagdaan tiningnan ko siya at may bakas ng kauting awa sa kanyang mga mata di ko alam kung para saakin ang awang iyon or para sa kanyang among si Jam dahil sa mga nangyayari. Mangiyak-iyak na umakyat si Jam sa kanyag kwarto di ko alam kung anu pa ang gagawin niya, doon ako nag desisyong lumabas na ng bahay gustohin ko man na manatili pa dito ay talagang di na pwede at ngayong wala na akong matutuluyan pa siguro kailangan ko nang bumalik ng tagaytay. Sa aking paglabas ay doon ko napansin ang pag tawag ulit saakin ni mam ana

Ana: Jeffrey!! Anak!!!

Nagulat ako sa kanyang sinabi at nilingon ko siya...

Ana: alam mo maging ako ay naguguluhan sa mga nangyayari ngayon pero sana intindihin mo ang aking asawa, wala akong tutol kung gusto mo ang aking anak basta ako susuportahan ko siya kung saan siya masaya pero sana ang hiling ko ay kung may nagmamayari na ng puso ng anak ko ay maging masaya ka na lang para sa kanya.. pwede ba yun?

Ako: sige po mam...

Ana: naku wag nang mam ang itawag mo sa aakin... tita na lang.. siya nga pala.. alam kong wala kang matutuluyan dito sa maynila at napagastos ka sa pag punta mo dito, sana matanggap mo ito...

Sabaya abot sa akin ng isang sobre na naglalaman ng isang papel di ko na ito tiningnan pa kung anu ito pero hula ko ito ang checke na gustong iabot saakin ni sir anton noon sa tagaytay na tinanggihan ko. Ilang minuto pa ay lumabas na si Jam na may dala-dalang bag at sa kanyang pag labas ay agad siyang sinalubong ni tita ana...

Ana: Anak.. please... give your dady some time to absorb everything... nabigla lang ang dady mo...

Jam: sige po momy... aalis po muna ako... pero momy... panu po ang pag aaral ko.. malapit na ang finals eh....

Ana: huwag kang mag alala.. ako bahala doon anak, makakpasok ka parin... paktandaan mo.. kahit anu ka pa... mahal kita.. anak kita eh.... pero kailangan muna nating maghiwalay ngayon... heto  oh kunin mo... sige na...

Aalis na rin sana ako at di na sakanila pa sasabay dahil alam sa hiya ko na rin sa kanila sa gulong dinala ko sa payapa nilang buhay, pero nagulat ako nang tawagin ako ni Jam at ayaying doon na rin daw ako kina Jom magstay kung gusto ko. Nag dadalawang isip ako di ko kasi alam kung kaya kong harapin ang momy ni Jom na posibleng ang momy ko rin. Pag dating namin kina Jom ay sila na lang ang nagusapusap di na ako pumasok pa naupo na lang ako sa isang kanto at nagiisip ng malalim.

Nasasaktan ako sa lahat ng nangyayari ngayon ta buhay ng taong mahal ko.. dapat pala nakuntento na lang ako sa pag mamahal sa kanya bilang isang kaibigan..  tapos ngayon lalo pang gumulo ang buhay ko dahil sa taong si Jom sinu nga ba siya at bakit kami magkamukha... siya ba ang sinasabi sa akin ni dady noon bago niya ako iniwan sa simbahan na kapatid ko....

Napg pasyahan ko na lumayo para di na sila muli pang gambalain tutal nakita ko naman ang binigay saakin ni tita ana, checke nga nang lalaman ng 1.5 million pesos, tama na ito siguro para makapagsimula ako at makapaglayo sa kanila para di ko na magambala pa ang kanilang buhay. Pero di pa ako nakakalayo ng mabuti ay narinig ko ang aking cell phone na tumunog si Jam tumatawag..

Kabilang linya....

Ako: sorry Jam...

Kabilang linya....

Ako: sorry talaga per kailangan kong gawin ito para na rin sa ikatatahimik ng buhay mo at iaksasaya mo.. sorry kung nagulo ang buhay mo at nang dahil sa akin ay naitakwil ka ng iyon pamilya..

Kabilang linya....

Ako: Sorry tol, pero ayaw ko na talgang manatili pa muna jan... sorry din kung dahil sa akin ay nasaktan ka.. sana maging masaya kayo ni Jom..

Kanilang linya....

Ako: sino yun?

Kabilang linya...

Ako: Jam alam mong wala na akong momy simula pagkabata kaya anung pinagsasabi mo??

Kabilang linya...

Di na ako umimik pa sa kanyan sinabi alam ko sa sarili ko maging ako ay nagdududa na rin kung talagang kapatid ko nga si Jom, kinuha ko ang litraro ng momy ko na iniwan saakin ni dady na nakalakip sa sulat noon bago niya ako iniwan sa harap ng simbahan.. ito yung picture ng araw ng pagkapanganak ni momy kita ko dito na masaya sila dahil biniyayaan ng dalawan supling pero maaga akong nangulila dahil sa kinuha ako ni dady akala ko isasama nya ako yun pala gusto lang niyang saktan ang momy ko kaya niya ako iniwan sa simbahan... 17 taon akong nangulila sa yakap at pagmamahal ng mga magulang. Kaya siguro ito na ang panahon para kumpirmahin ko ang aking tunay na pag katao. Bumalik ako kina Jom at nang medyo naka malapit na ako ay doon ko nakita ang babae sa litrato na tumatakbo papalapit saakin sabay yakap at halik. Ramdam ko ang kanyang pangungulila at ako rin talagang hinanap ko ganitong yakap sa talang buhay ko..

Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa araw na ito hati ang aking puso, masaya ako dahil sa nahanap ko na ang aking tunay na pamilya pero nalulungkot din naman ako dahil sa nasaktan ko ang kaisa-isang taongminahal ko..

Pag pasok ng ng bahay ay agad akong pinaakyat ni momy sa aking kwarto na nagsilbi na palang guest room. At doon kami muling nag usap pero bago pa siya nakapag salita ay ipinakita ko na sa kanya ang litratong iniwan saakin ni dady bago pa niya ako iniwan sa simabahan..

Di na muling nakapagsalita pa si momy yinakap niya na lang ako ng mahipit at saka binulongan ako

Anabeth: alam ko ikaw ang anak ko.. nararamdaman ko sa puso ko.. at di ako nag kamali.. maraming salamat at muli tayong nagkita... mahal na mahal na mahal kita anak..

Ako: ahmmm.... pwede po bang momy na rin itawag ko sayo?

Anabeth: oo naman... ako momy kaya pwedeng pwede...

Ako: momy.... salamat po...... sorry po kung nasaktan ko si Jom pero momy mahal ko rin po kasi si Jam eh....

Anabeth: anak... ayaw kong masira ang pwedeng magandang magingsamahan ninyong magkapatid dahil lang kay Jam, pero sana intindihin mo na ang kapatid mo ang mahal ni Jam..

Ako: alam ko po iyon.. kaya nga po di na ako makikipag agaw pa at makukuntento na lang ako sa pagmamahal sa kanya bilang isang kaibigan..masakit man pero titiisin ko para lang makabawi ako sa kasalanang nagawa ko at para maayos na rin ang relasyon ni Jam at ng kanyang pamilya.

Tumango na lang si momy tanda ng pagiging masaya niya dahil sa aking naging desisyon.. maging ako ay kahit papanu ay napanatag din ang kalooban ko, naisip ko rin na ako ang nagsimula ng gulong ito, kaya handa rin akong gawin ang lahat para maayos ko ito para na rin sa kapatid ko at kay Jam...

Unexpected Love 19

-oO0Oo-

Pag mulat ng aking mga mata ay si ang maamong mukha ni Jom ang agad na bumungad sa aking mukha. Tulad nang unang beses ay isang matamis na halik ang muli kong ibinigay sa kanya.

Ako: magandang umaga mahal ko....

Jom: magandang umaga din mahal....

Nanuna siyang bumangon at saka pumasok sa loob ng banyo, pero nang makahubad na siya at naka pasok na  loob ng banyo ay muli siyag sumilip at nagsalita..

Jom: mahal.....

Ako: anu yun?

Jom: di ka ba sasabay sa pagliligo?

Ako: bakit po?

Jom: wala lang natanong ko lang baka kasi gusto mo... (sabay bitaw ng isang pilyong ngiti)

Alam ko na kung anu ang tinutukoy niya na baka gusto ko, pero tumanggi na lang ako.

Ako: mahal, siguro naman kaya mo nanaman ang sarili mo sa loob ng banyo diba...

Pero bigla siyang lumabas ng banyo na wala kahit na anung saplot at saka sumayaw sayaw sa harap ko na tila inaakit ako habang nagsasalita...

Jom: maaahaallll....... ayaw mo ba talagang sumabay???

Ako: aaaayyyyaaaawwww....

Jom: baaakkkiiittt???

Ako: naku Jom alam ko ang nasa isip mo kaya itigil mo muna yan...dahil marami tayong problema pwede ba...

Ang medyo seryoso kong tugn sa kanya.. tumigil naman siya sa kanyang ginagawa pero sa halip na bulaik sa banyo ay sinugod niya ako at saka nilock sa kama gamit ang kanyang mga kamay.

Ako: Jom!!! Anu ba!!!

Pero di siya sumagot...

Ako: Jom... naman... anu ba.... pakawahmmmmmppppp.....

Isang mariing halik ang kanyang ibinigay na naging dahilan para di ko na maituloy ang anking sasabihng pag tanggi sa gusto niya, ewan ko pero simula nang may nangyari sa amin ay para atang di ko na kayang tanggiahan pa ang gusto niya basata sinimulan na niya akong halikan.. naging maaalab, at puno ng kamunduhan ang kanyang mga halik sa akin tapos biglang kumalas ang aming mga labi at dumeretcho sa loob ng banyo, walang anu pa mana sinabi.

Para atang na guilty ako sa aking ginawa sa kanya kanina, pero alam ko tama lang naman iyon dahil talagang hindi naman ibig sabihin na porke’t kami ay magkasintahan na ay pwede gagawin na namin iyon sa kahit anung oras na gustuhin ng kahit isa sa amin..

Sa kanyang pag labas ay agad ko siyang sinuyo pero bigo ako dahil ramdam ko ang kanyang init ng ulo..

Ako: Jom... anu ba!!

Jom: anung anu?

Ako: anu ba problema mo?

Jom: wala!!!

Ako: ganun wala? Pero ang lakas ng boses mo? anu ibig sabihin nun?

Jom: wala nga!!!

Ako: anu... maiinit ulo mo dahil di mo nakuha ang gusto mo sa akin ngayon? Jom.. mag tapat ka nga? Mahal mo ba talaga ako dahil mahal mo ako or mahal mo ako dahil lagi ka lang nalilibugan sa akin?

Sa sunod-sunod kong mga tanong ay di na siya muli pang nakasagot pa, bakas ng reaksyon niya ang pagkabigla sa aking tanong.... tumalikod na lang ako sa sobrang inis at muling humiga sa kama, pagkatapos ay tinakpan ko ng unan ang aking mukha....

Di ko na siya muli pang pinansin ilang sandali lang ay narinig ko na lang na pumasok siya sa banyo at narinig ko ang kaluskos ng tubig na tanda na siya ay naliligo na siya,i ako sa ganoong  nanati ako sa ganoong posisyon at di ko na namalayan na nakatulog pala ako ulit. Ilang minuto lang siguro ang lumipas na nagising ako dahil sa isang yakap, pag mulat ng mata ko ay nakita ko na lang siyang bagong ligo naka bihis na tila may pupuntahan pero tulog sa tabi ko at nakayakap. Dahan dahan kong inalis ang kanyang pagkakayakap at para di siya magising, pero nang naka tayo na ako ay bigla siyang nagsalita

Jom: saan ka pupunta?

Ako: sa banyo, maliligo bakit?

Jom: ok...

Agad akong pumasok sa banyo at naligo pero sa loob ng banyo ay doon ko ininda ang sakit ng katawan at iilang pasa na tinamo ko mula sa pag suntok sa  akin ni dady, tumutulo ang mga luha pero pilit ko ng pinigil ang aking pag iyak dahul ayaw kong malaman ni ito ni Jom at ayaw kong mag alala pa siya dahil alam kong meron din siyang iniindang sakit pero itinatago niya ito at pilit siyang nag papakatatag para sa akin. Ilang minuto lang ay natapos na ako sa aking pililigo at pag labas ko ay wala na akong Jom na nakita sa loob ng kwarto. Nagbihis ako at pumuta ako sa baba, pero laking gulat ko ng makita kong magulo ang buong bahay at si tita Anabeth naman ay nakahandusay at walang malay sa may pinto at wala talagang Jom akong nakita. Bigla akong kinabahan ay pintuhana ko si Jeffrey sa kanyang kawarto pero tulad ng sa baba ay magulo din ito at walang Jeffrey.

Para akong sinukluban ng langit at lupa at di ko alam ang aking gagawin, di ako makapag isip ng mabuti. Pilit kong kumalma at saka puntahan si Tita Anabeth na wala paring malay tao. Napansin kong may sugat si tita sa may ulo niya kaya ako kinabahan, chineck ko ang kanyang pulso at heart beat. Meron pero mahina lang ito, dali dali kong kinuha ang cell phone ko at saka tumawag sa emergency hotline. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang ambulansya. Pag dating namin sa ospital ay dinertcho si tita sa emergency room at ako naman ay di mapakaling naghihintay sa may waiting area, ilang minuto lang ay lumabas na ang doktor

Ako: dok kumusta po si tita...

Doktor: asan ang mga kamag anak niya?

Ako: wala nga po eh, di ko rin po alam, kung nasaan pag baba ko po ay wala na akong ibang nakita sa loob ng bahay at siya na lang po ang nakita kong walang malay...

Doktor: ganun ba... siguro since na nandito ka na siguro ay sayo ko na ito sabihin.. isang malakas na hampas sa ulo ang tinamo ng pasyente at nagtamo siya ng isang fracture na ulo, maswerte ng aat umabot pa kayo dito sa ospital dahil sa nakita kong klase ng fracture niya ay dapat patay na siya, pero maswerte parin kayo... isa pa nakuha namin ito kanina sa pasyete hawak hawak niya..

Para akong nanlumo nang marinig ko ang mga sinabi ng doktor sa akin, di ko alam kung anu na ang gagawin ko, kanina lang ay ang ganda ng araw ko. Pero biglang nagbago ang lahat, iniabot sa akin ng doktor ang isang papel na kung saan nakuha ko ang isang sulat

“nasa amin ang magkapatid.... kung gusto mo pang mabuhay sila, layuan mo sila at bumalik ka sa pamiltya mo!!!”

Alam ko na kung sino ang may gawa nito, pero hanggang ngayon ay di ko parin maitindihan kung bakit gusto itong gawin sa akin ni dady, itinakwil na nga niya ako tapos ngayon gusto pa niyang ipagkit sa akin ang natitirang kaligayahang aking pinakhahawakan. Di ko alam kung papanu ko na ngayon haharapin pa ang mga susunod na araw lalo na nasa ospital si tita at wala pa ring malay sila Jom at Jeffrey naman ay hawak ng kung sino man na inutusan ni dady para lang bumalik pilitin akong talikuran ang pagkatao ko at kalimutan ang lahat.

Sa mga pagkakataong ito kailangan ko ang tulong ng aking mga kaibigan, lalong lalo na ni Joana alam ko may alam siya kung saan posibleng ipinatago ni dady sila Jom at Jeffrey..

Unexpected Love 20 (Jom)

-oO0Oo-

Nagising ako sa isang matamis na halik sa aking mga labi na iginawad ng aking mahal. Sa pag mulat ng aking mga mata ay agad niya akong binati

Jam: magandang umaga mahal ko....

Ako: magandang umaga din mahal....

Agad akong bumangon at tinungo ko ang banyo para maligo akala ko susunod siya iyon pero anang naka hubad na ako, ay di ko siya nakitang sumunod kaya sumilip ulit ako at tinanong siya...

Ako: mahal.....

Jam: anu yun?

Ako: di ka ba sasabay sa paliligo?

Jam: bakit po?

Ako: wala lang natanong ko lang baka kasi gusto mo.....(binigyan ko siya ng isang pilyong ngiti, para iparating sa kanya ang aking balak na sabay magparaos sa loob ng banyo)

Pero bigo ako dahil isang mapait na pag tanggi lang ang kanyang sinagot sa akin, medyo nanlumo ako lalo na nang sinagot niya ako

Jam: mahal, siguro naman ay kaya mo nanaman ang sarili mo sa loob ng banyo diba....

Para akong tinamaan ng sibat sa kanyang naging sagot sa akin, pero desisdido ako na makasabay siya sa paliligo, para manam muli ko maipadama sa kanya na siya ang buhay ko at handa akong gawin lahat para lang maligaya siya. Kahit sa anung paraan ay handa akong gawin, kaya agad akong lumabas na wala kahit na anu mang saplot sa katawan at sumayaw-sayaw sabay salita ng animoy nang aakit para lang maakit ko siyang pumasok sa loob ng banyo, di na ako nahiya sa kanya tutal nakita nanaman niya ang saakin at nakita ko nanamna ang sanya kaya kaya pinagpatuloy ko parin ang ginagawa alam ko rin naman kasi na pag ganito ang inaasta niya ay nagpapaakit lang or nagpapalambing lang siya kahit na sandali pa lang kami naging mag kasintahan ay alam kong kilalang-kilala ko na siya dahil sa matagal naming pagiging magkaibigan at noon pa man ay ganito na talaga ang kanyang ugali.

Ako: maaaahaallll....... ayaw mo ba talagang sumabay???

Jam: aaaaaayyyyaaaawwww.....

Ako: baaaakkkiiittt???

Jam: naku Jom alam ko ang nasa isip mo kaya itigil mo muna yan... dahil marami tayong problema pwede ba.....

Para akong pinagbabato ng sankatutak na bato sa kanyang mga naging sagot kaya napagpasyahan kong kung di siya makukuha sa santong dasalan ay susubuukan ko sa santong paspasan kaay agad ko siyang nilock sa kama, doon na siya mag simulang magpumiglas ulit. Gustong gusto ko talaga pag naiinis siya mas lalo akong naiinlove sa kanya pag naiinis siya, mas lalo kasi siyang gumagwapo pag inis-na-inis na siya.

Jam: Jom!!!! Anu ba!!!!

Di ko siya sinagot at patuloy parin ako sa pag titig sa kanya ng seryoso para mas lalo siyang mainis, naghihintay ako ng isa nanamang magandang pagkakataon para mahalikan ko ulit siya, iyon kasi ang ginagawa ko sa kanya par inis-na-inis na siya para lang mawala ang inis niya kahit na noong mag kaibigan pa lang kami ay ninanakawan ko na siya ng halik sa pisngi pag naiinis na para lang tumahan na siya at di naman ako nabibigo dahil talagang tumatahan siya sa tuwin hinahalikan ko sya.

Jam: Jom... naman.... anu ba.... pakawahmmmmmpppp......

Isang mariing halik ang aking ibinigay sa kanya nang agad akong mapansin ang kaniyang sunod-sunod na pagsasalita. Batid ko sa aking ginawa na nagutuhan din niya ito dahil di na siya kumawala pa, pero may bilang pumasok sa isip ko kaya agad akong kumalas sa pagkakahalik sa kaya at wala kahit na anu mang salita ay tinumbok ko ang banyo para maligo.

Sa loob ng banyo ay doon ko napagisip ng mabuti na di porket kami na nga at legal na kami jay momy ay malaya na kaming gawin ang lahat, dapat alam namin ang aming limitasyon. Matagal akong nalagi sa loob ng banyo pero di ako naligo bagkus ay lumabas ako para magbihis na lang muna dahil sa parang nawala ang gana kong maligo sa oras na iyon, di ko alam pero para din akong naguilty dahil sa mga inaasta ko na gusto ko makiha lahat sa kanya. Ito lang naman kasi ang aking paraan para maiparamdam sa kanya na mahal-mahal ko siya at kung anu ang akin ay malaya niyang kunin at ganun din naman ako kung anu naman ang kanya ay may kalayaan din naman akong kunin iyon, pero parang nagkamali ako ng akala.

Lumabas ako ng banyo ng di pa naliligo at doon napansin ko ang medyo pikon na panunuyo ni Jam sa akin, iyon kasi talaga si Jam pag alam niyang galit ako ay siya lang talaga ang may lakas ng loob na suyuin ako dahil sa alam niyang sa kanya lang ako makikinig..

Jam: Jom.... anu ba!!

Ako: anung ano?

Jam: anung problema mo?

Ako: wala!!!

Jam: ganun wala? Pero ang lakas ng boses mo? anu ibig sabihin nun?

Ako: wala nga!!!

Jam: anu.... mainit ulo mo dahil di mo nakuha ang gusto mo sa akin ngayon? Jom... mag tapat ka nga? Mahal mo ba talaga ako dahil mahal mo ako or mahal mo ako dahil lagi ka lang nalilibugan sa akin?

Iyon ang mga katagang sunod sunod na sinabi  niya na nagmistulang mga sibat na sunod-dunod ns ibinato sa akin, para akong pinagsasasak-sak sa mga sinbi niya di ako lubos maisip na kaya niyang isipin na libog lang ang dahilan kaya ko siya gusto.

Agad siyang bimalik sa pagkakahiga ay tinakpan ng unan ang kanyang mukha, siguro ay umiiyak na siya dahil doon, pero alam kong di totoo ang lahat ng iyon. Mahal-na-manhal-na-mahal ko siya at handa akong gawin ang lahat para lang maipadama ko sa kanya iyon. Naghintay ako ng ilang minuto para alisin niya ang unang nakatakip sa kanyang mukha para kahit papanu ay marinig niya ang aking panig, pero di na niya ito tinanggal pa kaya bumalik na lang ako sa loob banyo at naligo, isinabay ko sa agos ng tubig ang pag patak ng mga luha ko di ko alam kung anu ang aking nagawa para isipin niya ang ganoon labis akong nasaktan halos isang oras din ang itinagal ko sa loob ng banyo sa aking pag labas ay ganoon parin ang kanyang ayos siguro ay nakatulog siya ulit kaya nagbihis ako ng disente na parang may importanteng lakad at saka ako lumapit sa kanya at yumakap at sinubukang matulog ulit kahit na sa ganoong ayos. Naramdaman ko ang dahang-dahang pag alis niya ng aking yakap siguro para di ako magising, sa kanyang ginawa ay para akong binuhusan ng isang truck ng lupa habang ako ay nasa loob ng isang hukay, labis akong nasaktan dahil sa pag alis niya ng aking yakap nang maalis na niya ay doon ko siya muling tinanong

Ako: saan ka pupunta?

Jam: sa banyo, maliligo bakit?

Ako: ok.....

Sa kanyang pag pasok sa loob ng banyo ay agad akong bumangon at dahang-dahang lumabas ng kwarto para di niya mapansin, sa aking pag baba ay doon ko nakita si momy na nakaupo sa may mesa at may hawak-hawak na larawan, habang papalapit ako sa kanya ay biglang may kumatok sa aming pinto. Lumapit si momy at sa kanyang pagbukas ay nakita kong isang lalaking naka maskara ang agad na humampas sa ulo ni momy, dahil-dali kong sinugod ang lalaking iyon akala ko ay iisa lang siya pero nagkamali ako marami sila, pero di ko itio inisip pa sinugod ko parin sila ay isa isang inupakan pero sa kasamaang palad ay talo ako sa kanila isang malakas na hampas lang ang aking huling naramdaman na nagad na ikinawala ng aking malay tao.

Sa pag balik ng aking malay ay naramdaman ko na lang na nakatali na ako at nasa loon ng isang kwarto, naramdaman ko rin si Jeffrey sa aking kaliwa banda ganoon din nakatali din siya hinanap ko si momy pero wala siya, doon bumalik ang lahat sa akin, kinausap ko si Jeffrey, alam kong siya iyon kahit na madilim ang paligid

Ako: tol.... tol......

Jeffrey: anu?

Ako: si momy?

Jeffrey: di ko alam basta kanina pag gising ko ay 3 lalaking naka maskara na ang bumulaga sa akin sa kwarto at agad nilang tinakpan ng panyo ang aking ilong at iyon lang ang huli kong naalala tapos namalayan ko na lang na ganito na nakatali na ako pati ikaw, ikaw anu naaalala mo?

Ako: tol... masama ang kutob ko... huli kong naalala ay nakikipag suntukan ako dahil hinampas nila si momy sa ulo kaya nanlaban ako sa kanila dahil sa kanilang ginawa... teka nga pala si Jam andito ba?

Jeffrey: parang wala tol.... parang tayong dalawa lang kasi ang andito ngayon eh...

Labis ang aking pang-hihinayang dahil parang ito na yata ang aming magiging katapusan at ang masaklap pa ay di pa talaga kami ni Jam nagkakabati mula sa kaninang di pagkakaunawaan. Nasa ganoong ayos kami nang bilang mumukas ang pintuan ng kwarto at may pumasok na isang lalaki na sinundan din ng 2 pa. Sa kanilang pag kasok ay aga na itiyo kami ni Jeffrey ng dalawa pang lalaki at nagsalita ang unang lalaking pumasok..

Unang lalaki: anu ba talaga kayo?

Ako: teka anung ibig mong sabihin, at anung kailangan ninyo sa amin?

Sinuntok niya ako sa sikmura at saka nag salita ulit..

Unang lalaki: una sa lahat.... ako lang ang magtatanong, at kayo ay sasagot lang, kuha mo? sige ulitin natin.... anu ba ang habol ninyo sa aming pamilya? Pera ba ang gusto ninyo kaya pati kapwa lalaki ay handa kayong patulan para lang makuha ang gusto ninyo?

Ako: anu ba pinagsasabi mo?

Isa nanamang suntok  sa sikmura at sa mukha ang kanyang ibinigay ngayon, may ideya na ako kung sino siya ang isa sa mga pinsan nila Jam na si Brad na basag ulo at ilang beses nang nasangkot sa mga pag-patay pero di makulong kulong dahil sa impluwensya ng buong angkan..

Brad: isa pa!!! Anu ang habol ninyo sa aming angkan at pati ang pinsan kong si Jam ay pinatulan ninyo?! At anu ang sinabi mo sa kanya para talikuran niya ang aming ankan!!

Nagtaka ako sa mga narinig, alam kong si Brad nga iyon pero papanu niya nasabi na si Jam ang tumalikod sa mga Del Rosario.

Brad: anu magsasalita ka ba!!! O gusto mong ipagahasa kita para lang magsalita kang bakla ka!!!

Hinarap ko siya at tinitgan ng masama at saka nagsalita...

Ako: Brad... kilala mo ako.... kahit kailan man ay di ako naghabol ng pera ninyo, isa pa kahit na sabihin mong bakla ako..... malinis ang konsensiya ko dahil wala akong sinisirang pamilya at  di si Jam ang tumalikod sa ankan ninyo... kundi kayo ay tumalikod kay Jam.... itinakwil siya ning tiyohin mo na kanyang ama!!!

Isa ulit suntok pisngi ang ibinigay niya sa akin dahilan para magluwa na ako ng dugo...

Brad: Jom......Jom.......Jom...... akala ko malinis ka.... iyon pala malansa karin....... pero kung ayaw mo paring mag salita at gusto mo talagang magmatigas... sige.... pagbibigyan kita..... sige... sabihn mo lang kung handa ka nang magsalita... sa ngayon.... itong isa na muna ang susubukan nami baka masmadali itong pakantahin..

Brad(ulit): tingnan mo nga naman.. totoo nga sinasabi nila oh... pareho nga pala talga kayo... totoo nga naman palang kambal kayo....

Ang mga naririnig ko habang hawak niya ang mukha ni Jeffrey at ikinukumpara kami.....

Brad(nanaman): ikaw... magsalita ka kung ayaw mong matulad sa kapatid mo... sige... simulan natin..... anu ang habol ninyo sa aming angkan at anu ang sinabi ninyo kay Jam para talikuran niya ang ang aming ankan?

Jeffrey: wala akong alam....

Tulad nang saakin ay sinuntok niya rin si Jeffrey... halos ilang beses niya kaming binug-bog para na kaming lantang gulay pero talagang wala kaming masasabi sa kanya dahil wala naman talaga kaming habol sa kanila at isa pa totoo rin naman na itinakwil si Jam at di siya ang tumalikod sa kanila tulad ng sinasabi ni Brad...

Di namin alam kung anung oras na, pareho kami ni Jeffrey mahina na dahil sa bug-bog na inabot namin at wala pa kaming kain...

Sa ugali ni Brad na handang pumatay, at kaligayan niya ang pumatay ay di na ako magtataka kung papatayin niya kami ni Jeffrey, ang labis ko lang na pinanghihinayangan ay di ko man lang naipadama kay Jam na mahal-na-mahal ko siya... pati si Momy di ko rin alam kung anu na ang kanyang kalagayan, sana ay nakita siya si Jam.... iyon ang mga iniisip ko hanggang sa makatulog ako..

Di ko alam kung oras na ang lumipas simula nang makatulog ako, basta naramdaman ko na lang na may naglalagay ng busal sa aking bibig at pag mulat ng aking mata ay agad din nila akong piniringan at naramdaman kong pinunit nila ang soot kong damit, sa di kalayuan ay may naririnig akong mga ungol at mga pag iyak nang isang taong may busal din, si Jeffrey.... labis ang aking kaba di ko akalaing gagawin talaga ni Brad ang kanyang sinabi na ipapagahasa niya kami para lang magsalita kami...

Nang wala na akong damit pag itaas ay naramdahman kong ang aking soot na pantalon naman ang kanilang sinisira.. kahit na anung pag wawala ko ay di ako maka wala sa kanilang pagkakatali sa akin.. masama ang pakiramdam ko. Ibinaba lang nila ang aking soot na brief at saka doon na nag simula ang kanilang kahalayan....

Itutuloy.....

1 comment:

Anonymous said...

Love it.. ganun pala kaimpluwensiya ang angkan ni jam.. wawa nmn si.tita annabeth..