Hiling chapter 2: The Best Friend and The New Instructor
-oO0Oo-
Felix Lim
Anung oras nanaman at wala paring DJ Fernandez ang sumisipot sa dito sa bahay, halos 3 oras na siyang late sa nkatakdang review namin.
“arg!!! My God lagi na lang bang ganito? Sa tuwing may review ay kailangan ko siyang paulanan ng text reminders. FUCK!!!” ang bulyaw ko sa sarili ko, sa buong buhay ko never ako nag mura pero sabi nga nila there is always as exception at isa si DJ sa exception na yun.
I mean kilala ko lang naman si DJ sa pangalan at di as buong pagkatao niya, oo matagal na kaming partners sa mga academic competitions pero never ako nag lakas ng loob na kilalanin pa siya. Kasi naman sino ba naman ako para kilalanin pa siya I’m just a nobody compared sa kanya na kilala sa buong campus sa buong University.
Wala na akong magagawa pa kung ayaw niyang mag review pero ako gusto ko, at sinasayang ko lang ang oras ko sa pag hihintay sa kanya.
Inabot nanaman ako ng madaling araw ay di parin ako inaantok ganito kasi ako pag kaharap ko ay libro, di ako inaantok, at pabor naman sa akin iyon, kasi gusto ko talagang mag excel sa mga academics ko para kung sakali mang Makita ko mga magulang ko maipapamukha ko sa kanila na di ako pabigat at kaya kong maging magaling kahit na wala sila sa tabi ko.
Alas 8 ng umaga ng narinig kong may kumatok sa pintuan ko, akala ko si Prof. Mendez na iyon sanay kasi akong laging kasama si Prof. Mendez tuwing may review kasi may nabibigyan niya kami ng pointer on what particular topic kami dapat tumutok. Pero laking gulat ko nang Makita ko sa halip na si Prof. Mendez ay isang lalaki na nasa mid 30’s ang hitsura.
“good morning.. sino po ba sila?” ang agad kong pag-bati sa taong nasa harapan ko.
“good morning..... Felix Lim.. right?” ang sagot niya sa akin..
“yes.. sino po ba sila?” pabalik kong tanong ulit sa kanya.
“I’m Prof. Cruz.. Aelvin cruz... wala ka bang balak na papasukin ako?” ang pagpapakilala niya sakin at ang agad niyang tanong...
“ok po sir.... tuloy po kayo... pero pwede kop o bang malaman ang pakay ninyo sa akin?” medyo alangan pa ako sa pagpapapasok sa kanya sa loob ng bahay ko lalo na di ko siya kilala, pero kahit ganun pa man ay pinatuoy ko pairn siya. Sa kanyang pag pasok ay agad niyang iniabot sa akin ang isang sulat
“here read this, Prof. Mendez told me na iabot ko daw sayo ang notice na ito, im sure after mabasa mo yan i don’t need to explain anymore. Pero Prof. Mendez informed me dapat eh dalawa kayo? Asan ang isa, si Drem Justin Fenandez.. right?” ang sunod sunod niyang tanong pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay ko.
Agad kong kinuha ang letter na yun at saka binasa ko, tama si sir doon naka saad ang buong rason ni Prof. Mendex kung bakit di siya umalis bilang maging coach namin. Naiintindihan ko rin naman siya kasi totoong may edad na siya.
“so ikaw po pala ang papalit kay Prof. Mendez as head coach naming sa darating na scholastics decathlon, welcome to the team.. and speaking of my tandem partner Mr. Fernandez he will be here anyminute now so don’t worry.” Ang pag welcome ko sa kanya bilang bago naming coach at ang pag sagot ko sa kanyang mga tanong.
Noon pa man ay pamilyar na ako at naririnig ko na ang pangalan ni Prof. Cruz dahil nga sa kaliwat kanan na awards na natanggap niya bilang isa sa most outstanding alumni ng aming unibersidad.
Sa buong buhay ko sa University ay ngayon ko lang nakita ng personal ang pamosong si Prof. Aelvin Cruz. Kung titingnan ko siya sa panlabas na anyo ay masasabi mong nasa early 30’s pa lang siya pero lingid sa kaalaman ng karamihan ay nasa 41 na ang edad si sir, alaga kasi halata kasing maalaga ito sa katawan. Naoag alaman ko ito noong minsan ay napagawi ako sa opisina ni Prof. Mendez at doon ko unang nakita ang larawan ni Prof. Cruz, kasama nito ang 4 pang lalaki at si Prof. Mendez mismo. Napansin naman ata ni Prof. Mendez ang aking pag tingin sa larawan kaya siya na mismo noon ang nag sabi sa akin kung sinu-sino ang mga tao doon sa larawan
-Memory Recall-
“oh parang curious ka kung sino ang mga iyan..” ang agad niyang bungad sa akin pag pasok niya sa kanyang opisina at nadatnan akong nakatitig sa larawan sa kanyang table
“ay opo, mga anak nyu po ba isa dito sir?, mukhang close na close kayo ah. Nakaka inggit naman” ang curious kong tanong
“ay naku hindi, wala kahit isa diyan ang anak ko, mga estudyante ko yan, at sila ang pinak gusto ko sa lahat ng nagging studyante ko dahil sa pagiging matatag nila sa isa’t isa at sa pagiging mga matatalinong studyante din ng Unibersidad na ito, sa katunayan sa limang iyan tangin ito lang (sabay turo sa isang lalaki sa larawan) si Aelvin Cruz ang nag tatrabaho ditto sa University kasabay ng pag aaral niya sa Doctorate degree. Siguro naman ay kilala mo si Aelvin diba?” ang kanyang pagpapaliwanag sa akin
“ay naku naririnig ko lang po ang pangalan niya sir pero di ko pa siya nakikita sa personal. Eh sir matanong kop o asan nap o ba ang iba?” ang sagot ko naman sa kanya habang naka titig parin ako sa larawan at doon ko napansin ang kakaibang pag aakbayan ng dalawang lalaki sa larawan at ng isa pang lalaki ay Prof. Cruz. Yung tipong hindi akbay pangkaibigan, di ko alam kung tama ang hinala ko pero may kakaiba naman kasi talaga sa kanilang pag kaka akbay sa isat-isa.
“ay eto naman (turo sa isa) ang pinka matanda sa kanlang barkada sa katunayan ay 5 taon na siya sa Amerika at di naman siya nag aral dito pero talagang bumalik siya ng Pilipinas para lang panuorin ang graduation ng kanyang mga kabarkada, kung tama ang pagkaka-alala ko ay parang Paul... Paul Dizon ata ang kanyang pangalan. Eto naman (turo naman sa lalaki na naka akbay kay sir Cruz) ay si Anton... Anton Lim tanging sila na lang ni Prof. Cruz ang natira dito sa Pilipinas. At ito (turo ulit sa isa pang lalaki na inaakbayan) ay anak ng isang kilala at sikat na ankan dito at halos ay may ari na ang buong University dahil almost 75% ng mga buildings, structures at iba pa ay pamilya niya ang gumastos siya si Jacob... Jacob Del Rosario. At itong huli naman (baling ng turo niya sa naka akbay kay Jacob) ay si Jeffrey.. Jeffrey Del Castillo.” Ang sagot niya sa aking tanong at pag papakilala sa mga tao sa larawan.
“ahh kaya naman pala, pero sir bakit nyu po nasabi na sina Prof. Cruz na lang at si Anton ang natira dito sa pilipinas?” ang huli kong tanong..
“basta ang huli kong balita ay si Paul ay bumalik na ng Amerika at nag pakasal na, samanatalang si Jacob at Jeffrey ay nasa Europe na raw ata, di ko lang matandaan kung saan talaga parte ng Europe sila pero ang alam ko ay doon na sila nanirahan halos 20 taon na rin naman kasi ng huli ko silang makasama eh at iyon ay ng graduation pa nila” ang sagot din naman niya sa akin
“po?! 20 years?! Ibig mo pong sabihin sir eh nasa 40+ na silang lahat? Ngayon?” ang pabigla kong tanong...
“abay oo naman, at sigurado ako mga successfull na ang mga yan” ang sagot niya sa akin
-End of Memory Recall-
Yun ang naging usapan naming ni Professor Mendez, di ko kasi inaasahan na si Prof. Cruz mismo ang kanyang irerekumenda niya bilang kapalit niya mismo sa pagiging coach naming sa nalalapit na Scholastics Decathlon.
Nagpatuloy kami ni Prof. Cruz ng pag rereview hanggan sa mabasag ang pag rereview naming dahil sa isang tawag sa cellphone ko. Naiinis talaga ako dahil isa lang ang laman ng cellphone na ito at iyon ay si Dj lang siya naman kasi ang nagpumilit na kunint ko ito para daw kasi mas madali ko siya macontact pag may review. Naisip ko advantage din naman sa akin dahil sa pwede ko na siyang sermonan agad kahit wala pa siya.
Sinagot ko ang cellphone ko at doon ko siya inulan ng sermon “hoy!! Mr. Fernandez!! Bakit sa hinaba haba ng gabi ay ngayon mo lang ako sisiputin, alam mo bang sinira mo ang buong layout ng magiging review natin kagabi dahil sa hindi mo pag sulpot sa akin! Alam mo bang nag muha akong tanga kakahintay sayo kagabi ditto sa bahay! Tandaan mo ilang linggo na lang eh scholastics decathlon na kaya kung ayaw mo mag review wala akong paki sayo basta ang gusto ko eh hindi mapahiya ang University dahil sa kabulastugan mo! Kaya kung ang girlfriend mong mukhang Barbie na utak amoeba ang kasama mo kagabi mas mabuti pang magsama na lang kayo! Oh anu bakit di ka masagot ngayon ha? Mamaya lang lagot ka sa akin! Noon pa man eh alam mong pinaka ayaw ko ang nasisira ang review schedule ko! Pero once again for the 22nd time nag succeed ka na sirain ulit yun.. mamaya lang alam ko daratin ka rin, lagot ka talaga sa akin” sabay pindot ng end call button, bakas talaga sa mukha ko ang inis di ko mapigilan lalo na kasi lagi na lang ganito ang nangyayari tuwing may importanteng review kami eh saka naman may party ang pesteng utak amoeba na babaeng yun talagang nananadya, ang utak galungong naman na DJ eh di ko alam kung anu ang nakita niya sa babaeng iyon at sunod ng sunod. Wala na akong nagawa pa kaya pinag patuloy ko na lang ang pag babasa ng mga libro pero habang nag babasa ako ay doon ko napansin ang pasimpleng pag tawa ni Prof. Cruz di ko alam kung bakit pero malakas ang duda ko na ako ang pinag tatawanan niya, pero di ko na lang iyon pinansin pa.
Ilang sandali lang ay dumating na rin si DJ at nang papalapit na siya ay saka ko na ulit ipinagpatuloy ang pgpapaulan sa kanya ng inis ko dahil sa pamboboykot niya sa akin kagabi, nag mukha nanaman kasi akong tanga kakahintay sa kanya dahil nga ayaw kong masira ang review pattern na ginagawa ko, pero its too late he ruined it.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin pero bago pa siya tuluyang nakalapit ay agad ko siyang sinabuhan “buti naman dumating ka pa, matapos mong sirain ang magandang plano na inihanda ko para sa ating review. At siya nga pala bago na ang ating coach nag back out na kasi si Prof. Mendez dahil hindi na niya kaya pa agn sumama sa atin sa mga byahe kaya ipinalit niya si sir Cruz” may tono pa ang boses ko na nag tataray dahil nga sa sobrang inis ko sa kanyang ginawa, alam ko naman na halos wala din naman siyang kasalanan pero kahit ganun pa man ay nag tinanga parin naman siya dahil di niya naalala ang aming review.
Pagakatapos ko siyang sinabihan ay napansin ko ang kanyang pag lingon sa likod niya at doon ay nag pakilala sa kanya si Prof. Cruz pero hindi nag tagal ang kanilang pag uusap at saka agad siyng lumapit sa akin at saka doon na kami nag simulang mag review para sa nalalapit na Scholastics Decathlon sa susunod na bwan.
DJ Fernandez
Sa pag lapit ko sa kanya ay doon kami nag simulang mag review pero hindi niya parin ako pinapansin, hindi katulad ng dati na agad niyang sinismulan ang tandem review pag dating ko at pagkatapos ng kanyang mga sermon pero iba siya ngayon. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya pero ganun parin hindi parin siya natitinag di ko na alam pa ang gagawin para mabasag ang katahimikang nababalot sa aming dalawa. Di ko alam kung bakit ganun ako pero di ko kasi kayang maatim na hindi ko naririnig ang boses niya ang mga sermon niya kaya nga kahit na sobra na ang kanyang pang aalipusta sa akin ay ok lang iyon sa akin, dahil alam ko na totoo siya at siya lang ang alam kong tao na nagpapakita ng katotohanan sa akin kahit na ako na ang pinaka sikat na tao sa buong University ay wala siyang paki alam doon dahil ang sabi niya maging sikat ka man ngayon at sa University pag dating sa totoong mundo sa buhay sa labas ng University ay isa lang akong ordinaryong tao kahit nga rin pag dating daw sa mga Academic Competition na kung saan kami ang laging representative ay hindi kami mananalo dahil sa sikat siya, kundi dahil iyon sa laman ng utak at di sa laman ng bulsa.
Di ko na talaga kaya pang tiisin ang ginagawa niyang pananahimik kaya ako na mismo ang bumasag nito
“Lix.. psst.. pansinin mo naman ako oh... galit ka pa ba sa akin?” ang una kong tanong sa kanya
“Huwag ka ngang maingay, kita mong nag rereview ako..” ang sagot niya sa akin. Pero hindi ako nakuntento sa sagot niyang iyon kaya di ako nag review kundi ay kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa bumigay siya.
“Lix naman.. sorry na.. diba bestfriend tayo.. dali na oh simulan mo na ang tandem review natin dali na please please please... sige na oh babawi na ako please.. (pupy dog look)” ang pangungulit ko sa kanya para lang simulan na niya ang kanyang tandem review plan na kagabi pa naka tengga dahil sa di ko pag sipot
“hoy!!! Mr. Fernandez, F.Y.I. Lang ha una sa lahat di kita best friend kaya huwag na huwag mo akong matatwag na Lix lang dahil hindi yun ang pangalan ko, isa pa kahit mag pa cute ka pa diyan ng mag pacute ay di kita papansinin dahil iniistosrbo mo ako dahil kung gusto mo naman talagang mag tandem review eh dapat kagabi pa lang eh andito ka na.. kaya ngayon mag isa ka jan sa pag rereview ayan ang mga libro oh mag basa ka tutal ako tapos ko naman basahin ang mga yan... kaya huwag mo akong guguluhin lalong lalo na wala pa akong tulog.. kuha mo...” ang inis niyang sagot sa akin.
Para akong batang inagawan ng cady at pinagalitan dahil sa mga narinig ko kanya, biglang bumagsak ang morale ko at parang nawawalan na ako ng gana mag review dahil, totoo naman kasing kasalanan ko dahil sa di ko nanaman siya sinipot kagabi kaya tuloy nagsimula na lang siyang mag review ng mag isa. Sinimulan ko na ang pag babasa nang marinig ko naman nag salita si Prof. Cruz.
“alam ninyo kung titingnan ko lang kayo para kayong ang dalawa kong bestfriend na sina Jom at Jam kung mag away, parang mag boyfriend, ganyan na ganyan kasi kung mag away ang dalawang iyon noong kabataan namin.. mag aaway tapos mag susuyuan.. Felix.. pwede bang pahiram ng tandem review plan mo” ang sabi nia sa amin na medyo natatawa dahil sa nasaksihan niya sa amin ni Felix
Tulalang iniabot ni felix ang isang notebook na kung saan ay doon nakasulat ang buong tandem review paln at agad naman itong binasa ni Prof. Cruz, pagkatapos ng ilang minuto ay nag simula ulit siyang mag salita
“alam mo Felix kaunting panahon pa pwede ka na.. ang galing at ang ganda kasi ng review plan na ginagawa mo kahit nga ako di ko ito maiisip tama nga si Prof. Mendez sa mga sinabi niyang matalino kang bata.. ok ganito ang gagawin natin since na nabasa ko sa review paln ay halos parang gagayahin ninyo ang style ng mga naka raang Scholastics Decathlon pero binigyan ng twsit ni Felix ay ako na ang mag facilitate nito at kayo ay sasagutin ninyo ang mga tanong na ibabato ko sa loob ng 2-3 seconds per questions ok..” ang sabi niya at napatango na lang kami ng sabay.
Agad siyang nag simula sa pagbabato sa aming ng mga tanong at gaya ng sabi niya ay talagang 2-3 seconds lang ang time limit para masagutan namin ang mga tanong.. halos na umabot ito sa 50 or more questions ang kanyang sinabi at nasa 49 ang agad naming nasagot pero 47 lang nag nakuha naming tama, di ko kasi agad nasagot ang isa niyang tanong sa akin dahil sa nag lalaro sa isip ko kung bakit niya nasabi na para kami ni Felix ang mag boyfriend kung mag away at mag lambingan.
Kahit na ako ay napapaisip kung bakla si Prof. Cruz pero hindi halata sa kanyang katawan at mga kilos at malaking katanungan sa isip ko kung sino ang sinabi niyang mga besfriend niyang si Jom at Jam, pwede kayang magyari ang ganun na parehong lalaki magkarelasyon? Kung totoo man iyon at kung posible siguro ay posibleng hindi babae ang taong nasapanaginip ko kundi isang lalaki din dahil lagi lang itong nakatalikod pero naka damit ito ng pang unisex kaya di ko napapansin kung lalaki ito or babae.
Iyon ang mga katanungang gumagambala sa isip ko habang nag rereview kami at kahit na inulit ni Prof. Cruz ang mga tanong niya pero paiba-iba na ang pagkakasunod-sunody ay ganun parin ang result 49 questions aswered at 47 correct answer at as usual di parin naalis ang inis at galit sa akin ni Felix dahil sa ako lagi ang nagkakamali at ang 3 point na iyon ang pwedeng maging mitsa ng pagkatalo namin sa decathlon sa susunod na bwan.
Itutuloy...
3 comments:
UNA..:()
hehehehe, :))
galingmm next chapter na po..:))
may pagka-slow talaga ako minsan.. hehe
di ko agad napansin na sina Jom, Jam Paul, Jeff at Aelvin pala yung nasa picture.. hehehe
lalo tuloy akong na-inlove sa story na to..
God bless.. -- Roan ^^,
@roan
wala po sa picture si Jeffrey...
si JOM, JAM, PAUL, ANTON at AELVIN ang nasa picture....
Post a Comment