Followers

CHAT BOX

Wednesday, July 13, 2011

MY LIFE'S PLAYLIST: Sino nga ba sya?!


Nakita kita sa tabi ko mahimbing na natutulog. Hay ang sarap tingnan ng mukha mo. Parang langit na talaga ang kinalalagyan ko sa sandaling ito.


“Beeep beeep beeep”

Nakapikit ka pa rin habang ang kamay mo’y hinahanap ang celphone mong nag-aalarm. Halatang antok ka pa rin pero tinutuntun pa rin ng kamay mo ang pinaggagalingan ng alarm. Samantalang ako hawak ang celphone mo, tahimik na nagpipigil ng tawa habang iniiwas at paminsan minsa’y inilalapit ang maingay mong celphone sa ‘yo.

“Kuya Kirk pakipatay nga yung alarm please… Inaantok pa ako eh. 15mins pa.”

Di ako sumagot at sa halip nagpatugtog ako sa phone ko ng BAD ROMANCE na nakatodo ang volume.

Imbis na magising ka eh mukhang lalo ka pang naging kumportable sa pagbalik sa pagtulog. Lumapit naman ako at kinulit ka parang magising ka na.

“Emman! Gising na baka ma-late ka pa sa klase mo!”

“Hay naku si kuya Kirk talaga… Sige na nga!”

----

As usual ready na ang breakfast pagkakatapos ni Emman maligo. Nakaplantsa na rin ang polo at pantalon pamasok. Sa totoo lang di ko sure kung boyfriend ako nito o tatay eh.

“Huy Emman dalian mo nga para maihatid na kita bago ako pumasok sa trabaho ko!”

“Ayoko nga bleeh :P”

“Gusto mong di kita bigyan ng baon?!”

“Kaya ba yan ng konsensya mo?!”

Hay nakakainis talaga at talo ako sa mokong na ‘to. Tumayo ako sa likod nya at niyakap sya mula sa likod.

“Kuya Kirk hindi ka ba nakakaabala sa pagkain ko?!”

“Hayaan mo na akong maglambing. Sabi nga ng prof ko dati sa Psychology, gawin nyo na lahat ng magagawa nyo dahil di kayo siguradong may bukas pa na darating sa buhay nyo.”

“Weh di nga! Nangchachansing ka lang eh!”

“Eh gusto mo naman di ba?!”

“Ahehehe sabagay”

------

Sana ganito na lang habang buhay. Kung pwede lang akong mabuhay sa ganitong sandali sa habang panahon ay tatanggapin ko na.

------

Tinulungan ko na syang tanggalin ang helmet nya at muli na-stun na naman ako. Bakit kaya parang kahit ilang ulit kong nakikita ang mukha nya sa buong araw ko di ako nagsasawa. Mas lalo pa akong nawawala sa katinuan kapag nakikita ko ang ningning nang kanyang pantay at mapuputing ngipin sa kanyang gwapong mukha.

“Huy kuya Kirk! Akala ko ba ayaw mo ‘kong ma-late, eh di ka na gumalaw dyan sa pagtatanggal mo ng helmet ko!”

“Ah eh oo nga no. Bwisit ka kasi eh!”

“Naknang tokwa! Ako pa bwisit eh ikaw tong wala sa sariling biglang tumigil sa pagalaw!”

Tinanggal ko na ang helmet nya at kinurot sya sa kanyang pisngi.

“Badtrip ka kasi, ang cute mo eh!”

“No! Di ako cute! I’m awesome!”

“Che! Nasabihan lang nang cute lumaki na ang ulo! Pumasok ka na nga sa school!”

“Ahehehe ingat kuya Kirk sa pagmomotor at good luck sa trabaho! Uwian mo ‘ko huh!”

“Ingat rin sa ‘yo! Wag kang magpapasaway sa klase huh!”

Habang naglalakad sya papasok nang unibersidad di ko nilisan ang aking kinatatayuan hanggat di ako nakakasigurado na nasa loob na sya. Pinihit ko na ulit ang susi sa motor at bumyahe na ako papasok nang trabaho.

------------

“Emman! Emman! Dali may bibigay ako sa ‘yo.”

Nagmadali syang lumapit sa akin. Iniabot ko ang isang box ng cake at sinabihan ko syang buksan ito.

“Happy 7th monthsary!”

“Loko ka kuya Kirk! Di ko expected na mag-e-early celebration na tayo ng monthsary!”

Nakita ko ang naluluha nyang mata. Halatang masayang masaya rin sya.

“Ooops.. di pa dyan nagtatapos ang surprises. Nakikita mo tong suot kong singsing?”

Ewan ko ba kung cheesy lang talaga ako or super fan ng AKKCNB, tinanggal ko ang singsing ng tatay ko at isinuot ko ring finger nya sa kaliwang kamay.

“Emman, will you be mine for the rest of our lives?”

Binaba nya ang cake at niyakap nya ‘ko. Ramdam ko ang pagtulo ng luha nya sa balikat ko.

“Huy magsalita ka nga dyan!”

“Adik ka kuya Kirk! Sobrang ginulat mo ko”

“So ano? Anung sagot mo sa tanong ko?”

“Di pa ba obvious?”

“Hindi eh!”

Hinalikan nya ako habang yakap-yakap nya ako ng mahigpit.

----

Biglang akong nagising sa pagkahulog ng celphone ko sa noo ko.

“Aw sh*t!”

Kinuha ko ang phone ko na nahulog dahil sa pavi-vibrate dahil may nagtext sa akin.

-One message received from Emman-

~Kuya Kirk!

M.U. n kmi ni Arnold!

D b kilala mo un, ung taga-MSOB rin.

--------

“Ang sakit naman ng ganito. Nagising na nga ako sa perpektong panaginip sinalubong pa ako ng t*ng-*n*ng balita ‘to!”

Wala na ‘kong nagawa kundi umiyak na lang. Nagpatugtog na lang ako ng celphone ko.

“Badtrip naman ‘tong naka-shuffle na kanta ko dito. Ito pa talaga ang bubungad sa ‘kin.”

http://www.youtube.com/watch?v=LNJafWnnIFA
---------------



--------------
Share ko lang po ‘tong story. 50% real 50% fiction.

Sana po eh mapayuhan nyo po ako para mapagbuti ko pa ang pagsulat ko.

SALAMAT :D

1 comment:

ram said...

ay true to life story with e__n.