Followers

CHAT BOX

Monday, July 25, 2011

MY LIFE'S PLAYLIST (chap 6)


Author's Note: Sorry sa mga bumabasa(kung meron man). Di agad ako makapag-upadate dahil sa thesis at assignments ko. Sinabayan pa ako ng pagkasira ng PC ko kaya rental mode ako ngayon ahahahaha. Salamat sa readers(kung meron man talaga ahahaha)


Hay 11:45am nandito na ako sa school. Masyado akong kinabahan sa multa hehehehe. Buti na lang talaga maraming puno dito sa school, maraming natural shade at mahangin pa. Nakakarelax. Teka si Kian at si Cedie yun huh. Mukhang seryosong usapan ang nagaganap dun.

“grrrrr” ang tunog ng aking tyan na wala pang breakfast or lunch.

Makakain nga muna ako sa canteen nagagalit na si Mr. Stomach eh ahahaha.

Habang naglalakad ako sa school napagtanto kong napakarami palang maganda at gwapong lower year level. Well I guess dapat mas maaga na akong pumasok sa school lagi para lang magtingin-tingin hehehe.

Biglang may humatak sa akin mula sa likod ko. Mukhang galit na galit.

“Kirk akala ko ba magpapakalalaki ka na? Anu yung nabasa kong tweet mo na may gusto kang guy. Kahit iba name mo dun obvious na ikaw yun. Wag ka nang magkaila. Anung gusto mo sabihin ko ulit sa Mommy mo na may kalokohan ka na naman.” ang mahina ngunit klarong sinabi ni Liezel.

“Huh?! Wala naman akong ginagawang masama huh. At hello pwedeng magjoke di ba?! Nagwala ba ako nung sinabi mong crush mo si Alodia? Kaya wag kang magwala kung magpost ako na crush ko ang isang guy.” ang naisagot ko.

“Well di yun normal sa isang straight na lalaki! Tigilan mo na yan! Pag nagkamali ako at nadulas sira ka na” ang galit pa rin na pagkakasabi ni Liezel.

Oh sh*t paano ba ‘to. Heto na naman sya. Haist! I can’t let this happen again. Not again.

“Sige po titigilan ko na po! Ang masasabi ko lang eh masyado kang stressed out. Chillax!”

“Kasi naman sobrang busy na ako sa projects natin ikaw lumalandi pa. Yung mahal ko naman ang gulo ng utak. Yung isa naman medyo ganun din.”

Aw lumalandi talaga?! Kinda harsh huh… Oh well kaibigan ko ‘to. Kahit ang posibleng gawin nito might ruin me she is still my friend. Siguro gusto nya lang maging ok ako. Pero nakakawindang to the max.

“Sus tara na nga ikain na lang muna natin yang stress mo! Libre ko!” yaya ko sa kanya sa canteen. Hay naku di nga ako late pero bakit parang may multa pa rin. Amp things I do for friendship. Haist sabi na nga ba eh ang love, relationship at fling nakakasira ng aral at budget eh.

After ng lunch pumunta na agad kami ni Liezel sa ilalim ng puno, yung tambayan namin.

“Cedie! Kian! Kumain na ba kayo?” tanong ko sa dalawa.

“kumain na ‘ko kanina sa bahay.” sagot ni Kian.

“Ako rin! Pero kung manlilibre ka eh ok lang!” sagot naman ni Cedie.

“Asa you?!” ang pang-aasar ko kay Cedie.

“Tweet tweet text message”

Since magugulatin ako medyo na-shock pa ako sa pagba-vibrate ng phone ko. Pansamantalang akong tumalikod sa kanila para basahin ang na-receive kong text.

~Message Received from Rex

-Uy paalis na ‘ko ng bahay
C u :)

~

Pagkakatapos kong basahin ang text ni Rex eh bumalik na ako sa pakikipag-usap sa kanila bigla nga lang bumanat si Cedie ng “Ayiieeee GF mo yan nagtext no?”

“weh bat mo naman nasabi?” pagtataka ko sa nakakatopak na banat nya.

“Uy nagbublush ka Kirk!” ang sabi ni Liezel.

Sa pagpapanic ko bigla akong nagpaalam na magpupunta muna sa CR. Di kalayuan ang CR sa lugar namin kung kaya’t nakarating agad ako dun. Walang patumpik-tumpik na tumingin ako sa salamin para kumpirmahin kung totoo ba ‘tong blush blush na ‘to.

“ohemgee” ang pagkakagulat ko. Di ko na-realize nagbublush pala ako. Mula sa kwento ni mama ganun daw sya nung bata pa sya medaling mamula pisngi. Sabagay ganun rin naman yung nakakababatang kapatid ko pero nung high school naman walang pumapansin kaya di ko alam na pati pala ako eh ganito.

Sa isip isip ko di ‘to maaari. Kung kelan pawala na ako sa pagiging teen ager ngayon pa ako nagkaroon ng ganitong sign na pagka-obvious na kinikilig. At wow so kinikilig pala ako. Wah di ‘to maaari.

“Kirk lalaki ka! Magpakatino ka! Don’t be stupid.” ang pagkikipag-usap ko sa sarili ko sa harap ng salamin habang tinatampal ko ang pisngi ko.

“Hoy Kirk ang tagal mo dyan sa CR, bibili pa tayo ng gamit para sa thesis.” sigaw ni Kian sa labas ng CR.

“Patapos na. Wait lang ng sandal!” ang sagot ko sa kanya. Binuksan ko agad ang gripo at naghilamos ng mawala ang blushing na kabwisitan na ‘to.

Pagkakalabas ko ng CR ay patakbo akong bumalik sa kanila sa ilalim ng puno at iniwan ko si Kian sa kinatatayuan nya sa labas ng CR. Kung iisipin parang may pagka-insensetive ako sa kanya lately pero sa tingin ko ok na ‘to kaysa naman maging close na naman kami na tulad ng dati.
Sabi nga sa mga books, stories at posts sa facebook, kung minsan dapat mong isuko ang damdamin mo para sa isang tao at piliin mo yung relationship na mas tatagal na magkasama kayo. At ayun ang ginawa ko buong summer kong pinilit limutin ang feelings ko, but that’s another long story.

“Oh nasan naman si Kian?” tanong ni Liezel.

“ah ayun oh sumusunod na.” sagot ko sa kanya.

“Loko ka anung topak mo at tinakbuhan mo ‘ko dun?” medyo inis na tanong ni Kian.

“ah wala nagmamadali lang kasi di ba bibili pa tayo.” Sagot ko kay Kian.

Habang nasa ilalim kami ng puno ng mangga at nakaupo kami sa benches sa ilalim nito, ramdam mo ang malamig na simoy ng hangin habang tumatama naman sa ‘yong balat ang matingkad na sinag araw. Hay refreshing talaga. Ilang minuto rin kaming nag-discuss kung pano ang gagawin namin. I suggested na ako na lang ang magre-research nung kulang namin na circuit at magrerenta na lang ako sa labas ng school. Siguro impluwensya na rin ng peaceful and refreshing ambiance kaya parang di na kami nagtalo pa. Sila ay bibili ng ibang tools at components ng project at ako na lang ang maiiwan malapit sa school na magre-research. Isa ring dahilan kaya dapat may maiwan malapit sa school eh para may magkapagpaalam na baka ma-late sila sa klase in case na matagalan sila sa paghahanap ng gamit.

------------

Dumiretso na agad ako sa computer shop na nasa likod lang ng mall at sinimulan ko na ang research. Somehow dahil na rin siguro sa super focus ko ay natapos ko naman ng mabilis ang gawain. Pagtingin ko sa wall clock nakaramdam ako ng assurance na aabot ako sa napag-usapan namin ni Rex.

------------

Nasa 3rd floor ako at nakadungaw sa circle dito sa sm nang biglang may sumundot sa aking tagiliran.

“Hayup sino yan!!” di ko sinasadyang maisigaw dahil sa pagkagulat.

“Hehehehe sorry lang… Ang cute mo talagang magulat!” animo’y namimilipit sa tawa.
Babatukan ko na sana sya kaya lang dumulas yung paa ko sa gilid. Eh sya lang ang pinakamalapit kong mahahawakan since nakaharap na ako sa kanya.

“thuggggg…”

Nasa sahig ako nakapikit. Ramdam kong sa akin bumagsak si Rex. Ayoko nang buksan ang aking mata dahil sobrang nakakahiya nitong posisyon naming ngayon at lahat ng makakakita sa amin ay pag-uusapan kami, as in wagas talaga, Promise!

Leche pa ‘tong heart beat ko parang tatalon na puso ko palabas ng dibdib ko. Pero teka anu ‘tong nararamdaman ko, dibdib nya ‘to. Mabilis rin heart beat nya?!



Buti na lang may bagong tinatayong stall dito sa side na ‘to ng mall kundi marami nang nakakita sa di kanais-nais na moment na ‘to.

1 comment:

wastedpup said...

Kilig to the bones...