heto na po ang Chapter 7 ng Hiling.. again gusto ko mag sorry kung matatagalan na ang pag update ko ng Hiling dahil sa may trabaho na po ako...
sa susunod na lang po ang bati portion mejo busy po kasi ako eh...
sa susunod na lang po ang bati portion mejo busy po kasi ako eh...
kaya sana magustuhan ninyo ito
may poll po ako sa blogsite ko kaya kung maari po kay mg participate po kayo... salamat po..
Blog: http://bloodillusion.blogspot.com/
FB: http://www.facebook.com/rojer.sawada
FB: http://www.facebook.com/rojer.sawada
3rd/Roj
_______________________________________________________________________
Hiling Chapter 7: The Confrontation and the Stolen Kiss
DJ Fernandez
Dumating na ang araw na lagi naming noong pinaghahandaan ni Felix ang Scholastics Deacthlon, pero sa halip na siya ang kasama ko ay si EJ ang aking nakasama dahil sa nagpasya ang kanyang dady na mag stop na lang muna siya sa pag aaral dahil sa security purposes. Ang maging ako ay nalulungkot dahil alam ko kung gaano kapursigido si Felix sa pag-aaral at kung gaano niya pinaghandaan ang araw na ito.
Ang huli kong balita ay sa inilalakad na daw ang kanyang mga papeles para sa pag lipat niya ng paaralan. Maging si Prof. Cruz ay nilalakad na rin daw ang kanyang resignation papers, alam kong may relasyon ang dady ni Felix at si Prof. Cruz pero di ko maintindihan kung bakit kailangan nilang umalis. Ang bali-balita ay nahuli nanaman daw ang taong nag tanggaka sa buhay ni Felix at umamin itong napagtripan lang daw niya noon si Felix.
Araw ng Scholastics Decathlon.....
Kabado ako dahil sa loob ng ilang taon laging nandiyan sa tabi ko si Felix para tarayan ako, iyon ang nagsisilbing beam of light ko para di ako kabahan. Pero sa pagkakataong ito ay si EJ ang kasama ko kaya walang mapaglagyan ang aking kaba.
Una kaming sumalang sa first set which is the Primary Elimination kung saan ay 50% ng original 20 Universities na kasali ang agad na matatanggal. Naging maayos an gaming kapit dahil sa gamit naming ang review plan ni Felix na meron lang 3 seconds to answer kaya pakiramdam naming ang 5 seconds na time to answer each question ay naging mahaba.
Nakalusot kami sa Primary Elimination at Secondary Qualifiers kaya muli kaming nakapasok sa best of five.
Nabigla ako sa pag announce ng category sa best of five. Ang paboritong subject naming ni Felix Analytic Chemistry. Kampate ako na malulusutan naming ito ni EJ habang nag mamasid ako sa buong lugar ay naaninag ko si Felix at ang kanyang dady. Isang buwan ko na ring hindi nakikita si Felix, dahil sa subsob ako sa pag review at siya naman ay nagpaapgaling parin.
Napangiti ako dahil sa nakita ko, ibang klaseng kasiyahan ang aking nadama ng makita ko siya, malaki ang pinagbago ni Felix sa loob ng isang buwan. Dahil sa nakita ko ay mas lalo ako ginanhan sa pag sagot at dahil doon ay nagtagumpay kami at naiuwi naming ang gold medal.
Pagkatapos ng competition ay agad kong hinanap sina Felix pero di ko na sila muli pang nakita maging si Prof. Cruz na nkasama naming kanina ay di ko na rin alam kung saan nag punta.
Felix Lim
May kaunting inis parin akong nararamdaman kay papa lalo na biglaan niyang napagdesisyunan na ilipat ako ng paaralan dahil sa nanyari. Di ko naman siya masisi pero sana ay hinayaan niya na lang ako makatapos kahit isang semester man lang.
Simula ng mangyari iyon ay hindi na ako pinapasok ni papa, inutusan niya na rin si tito Aelvin na mag file ng resignation sa Univeristy at isabay na ang dropping form ko. Masakit man isipin pero alam ko ginagawa niya yun para din naman sa akin.
Lingid sa kaalaman nila papa alam ko na ang namamagitan sa kanila ni tito Aelvin, di ko lang alam kung papanu ko sasabihin sa kanila na ok lang sa akin iyon. Sa una siguro nabigla ako dahil hindi nga naman halata sa kanilang dalawa.
Si Tito Aelvin mismo ang nakapagbigay sa akin ng clue about sa namamagitan sa kanila ng minsang aksidente kong nabasa ang text ni papa sa kanya. Pero tanggap ko na iyon, halata naman kasing mahal na mahal nila ang isa’t isa na kaya nilang gawin ang ganitong sakripisyo.
Nagbihis na ako ng damit dahil sa ngayon ang araw ng Scholastics Decathlon, ilang buwan ko itong pinaghandaan. Simula pa noong last school year pero ngayon eto na ang araw na pinakahihintay ko. Ang masaklap lang ay pupunta ako doon hindi para mag represent sa aking dating University kundi para manood na lang.
Si Elixir John DR. Del Castillo ang pumalit sa pwesto ko bilang partner ni DJ. Gusto ko ring makita si Dj kahit sa huling pagkakataon ang alam ko kasi sa susunod na linggo na ang alis naming papuntang states doon na daw kasi ako mag aaral.
Huli na kami dumating at magsisimula na ang Best of Five part. Kabado ako dahil sa ganitong part lang nila sinasabi kung anung Subject or Category ang focus.
Nagulat ako ng sinabi ng Announcer na Analytical Chemistry ang category nila ngayong taon, maging ako kampante ako na masasagutan ito kahit na si DJ lang iyon kasi ang paborito naming subject at nakakaya naming masagutan ang problem sa loob lang ng 30-45 seconds.
Napansin ko ang biglang pagtingin ni DJ sa aming direksyon at ang kanyang pag ngiti, ang matamis na ngiti na lagi ko noon nakikita sa kanya pag sinusuyo niya ako dahil sa may nagawa siyang kasalanan. Pero sa pagkakataong ito ay di ko alam kung para kanio ang ngiting iyon.
Naging maganda ang performance nila DJ kaya di na ako pa nagtagal doon, niyaya ko na lang si papa na umuwi na kami para makapag pahinga na ako total oras na ng pag inom ko ng gamot ko.
Di ko pwedeng hayaan ang nararamdaman ko ito na tumaas pa, ayaw kong mahalin si Dj dahil sa pareho kaming lalaki. Imposible at bawal ang ganon.
Habang nasa byahe ay di ko na napigilan pa kaya kinumpronta ko na rin si papa tungkol sa kanila ni tito Aelvin
“papa.... may sasabihin po ako....” ang panimula kong sabi
“anu yun nak.... tell me....” ang sagot naman niya habang nagmamaneho
“huwag po kayong magagalit papa ha...” ang muli kong sabi sa kanya, di ko kasi alam ang kanyang pwedeng maging reaction pag nalaman niyang alam ko na ang tungkol sa kanila ni Tito Aelvin
“bakit naman ako magagalit... sige lang nak... go ahead tell me” ang muli niyang tugon sa akin.
“papa.. why do you have to hide?” ang tanong ko..
“huh? Anung ibig mong sabihin nak?” ang sagot niya sa tanong ko
“pa no need to hide pa... alam ko naman po na di kayo basta mag house mate ni Tito Aelvin.... ang tanong ko pa po ba ninyo kailangan mag sinungaling sa akin?” ang diretchong tanong ko sa kanya
Di na si papa muli pang naka sagot hanggang sa makarating kami sa bahay. Sa aming pag pasok ay bigla si papa tumigil sa may sala at saka humarap sa akin..
“nak.... panu mo na laman? I mean sino nag sabi sayo?” ang pagbungad niya sa akin
“papa sa mga kilos at galaw ninyo... kahit papanu ay di talaga mawawala ang ka sweetan ninyo sa isa’t isa kaya nag duda na ako... noong una po siguro di ako sure kaya inobserbahan kop o kayo ni tito ng palihim....” ang sagot ko sa kanya
“sorry nak... sorry dahil nag lihim ako sayo.... nagawa ko yun kasi di ko alam kung.... anu ang magiging reaction mo..... natatakot ako...... na..... mawala ka.......” ang sabi niya sa akin sabay yakap at iyak....
Nasa ganoon kaming situaasyon ng bilang may kumatok sa aming pinto.
DJ Fernandez
Di ko alam kung anung meron sa akin at agad ko lang napagpasyahan na pumunta sa bahay nila Prof. Cruz ang alam ko kasi eh housemate ni Prof. Cruz ang dady ni Felix at doon na ri nakatira si Felix.
Knock......Knock.......Knock.......
Sa pag bukas ng pinto ay bumungad sa akin ang dady ni Felix na mejo namumula ang mga mata na parang kakagaling lang sa pag iyak si Felix naman ay nakatayo lang sa kanyang likod
Hawak ko sa likod ko ang isang bouquet ng red tulips alam ko kasi paborito iyon ni Felix, gusto ko lang talaga siyang bigyan nun pero di ko alam kung bakit ko siya bibigyan nun pero may naguudyok lang sa akin na bigyan siya nun.
“Good morning sir.... pwede kop o bang makausap si Felix?” ang agad kong bungad sa kanila
“ahh.. sige.. hijo... pasok ka....” ang agad niyang sagot sa akin
Agad akong pinapasok ng dady ni felix, iniwan naman kami para makapg usap ng masinsinan.
Masaya lang talaga ako na makitang ligtas na si Felix, he is special for me for now. Yun lang ang masasabi ko.
“Lix... ahmmm for you...” sabay abot ng bouquet ng Red Tulips... di ko alam kung anu ang meaning sa kanya ng Red Tulips pero alam ko lang paborito niya ito
Napansinko agad ang biglang pag iba ng mukha ni Felix mula sa walang paki pero sa halip na matuwa ay parang nainis pa siya sa ibinigay ko.
Mejo inis lang siyang tinanggap ang Red Tulips, samantalang ako di ko na alam kung anu pa ang sasabihin at gagawin ko. Para akong batang pinagaitan dahil sa kanyang naging reaction.
“di mo ba nagustuhan?” ang tanong ko sa kanya
“bakit mo ako binigyan nito? At panu mo nalaman ang tungkol dito?” ang tanong niya rin sa akin
“wala lang... kasi... gusto ko kamustahin ka... namiss kita eh.... saka nabasa ko kaya profile mo dati kaya alam mo mga paborito mo” ang alinlangan kong sagot sa kanya...
“salamat...” ang sagot niya..
“ahh eh sige... alis na ako... pero teka.. anu nap ala balak mo.. saan ka na daw mag aaral?” ang muli kong tanong sa kanya
“ah.. sa Amerika.. dun na daw kami.. sabi ni papa” ang sagot niya habang hawak hawak parin ang bouquet ng Red Tulips...
“ahh.. ganun ba... sayang... alam mo... Lix... ahm... di ko alam kung tama ito.. pero... sa tingin ko...kasi....” ang alangan kong sabi sa kanya... nakayuko ako at di ko alam kung papanu ko ipagpapatuloy ang pag sasalita
“sa tingin mo anu?... sige DJ ipagpatuloy mo.....” ang tugon niya sa akin...
Di ko talaga alam kung anu ang sasabihin ko. Tapos yun nagawa ko na lang, di ko alam kung anung kamunduhan ang pumasok sa akin bigla ko na lang siyang nilapitan at saka ninakawan ng halik.
Felix Lim
Di ko alam kung anung kamunduhan ang pumasok sa utak nitong si Dj at bigla niya lang akong hinalikan..
Ayaw ko man ay tila may nagsasabi sa loob ko na pabayaan ko siya.
Binitawan ko na lang ang bouquet ng red tulips saka itinulak ko siya papalayo tapos sinuntok ko siya sa mukha.
“gago ka ba? DJ di ako bakla... bat mo yun ginawa?... alam ko rin di ka bakla...” ang sabi ko sa kanya
“ewan ko Lix.. pero parang mahal na kita eh.. ayaw kong umalis ka... pakiramdam ko... mamamatay ako pag nawala ka” ang sabi niya sa akin
“DJ... alam mo pagod lang yan... mabuti pang umalis ka na baka kung anu pa ang magawa ko sayo.. kaya please lang.. umalis ka na muna... please....” ang sabi ko sa kanya sabay turo sa pinto ng bahay.
Umalis si Dj ng di maiguhit ang mukha dahil sa nararamdaman nitong lungkot. Maging ao ay parang ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa ginawa ko.
“di ako bakla.. kaya imposible ang gusto niyang magyari...” ang sabi ko sa sarili ko
Anton Lim
Nakita ko ang ginawa ni Dj sa anak ko, at iyon lang ang hinintay kong senyales para makumpirma ko ang nararamdaman niya sa anak ko...
Pero di ko naman pwedeng diktahan ang anak ko tungkol doon, kaya hahayaan ko na lang siya ang mag desisyon. Ang tanging magagawa ko lang ay gabayan at bigyan ng payo kung sakaling di niya alam ang gagawin..
Ganito naman talaga ang role ng magulang ang suportahan at gabayan ang anak.
DJ Fernandez
Mabigat sa kalooban ko ang naging reaction ni Felix pero alam ko din namang mali ang ginawa ko.
Siguro nga mahal ko na siya at siya ang taong matagal ko nang hinihiling.
Nitong mga nakaraang araw kasi unti-unti nang nagkakaroon ng mukha ang taong nasa panaginip ko at halos kahawig nito si Felix pero di pa buo ang pagkaka-kilanlan niya. Kaya di pa ako sigurado kung sino siya, pero sigurado na ako sa nararamdaman ko kay Felix.
Itutuloy....
1 comment:
magkakalayo na sina DJ at Felix.. :(
this just keeps getting better.. hehe
God bless.. -- Roan ^^,
Post a Comment