Followers

CHAT BOX

Tuesday, April 12, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 31


"Mico."

Narinig ni Mico ang malumanay na tawag ni Ivan sa likod ng pintuan ng kanyang kwarto kasabay ng katok.

"Mico. Gusto kong mag-usap tayo."


"Antok na antok na ako Van. Pwede bukas na lang?" alibi niya.

Kanina pa si Mico nakahiga sa kanyang kama pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Patuloy na naglalaro sa kanyang isipan ang tagpong nangyari kani-kanina lang. Hanggang sa naulinigan na lang niyang kumakatok si Ivan sa kanyang pintuan. Akala niya hindi na babalik si Ivan nang takbuhan niya ito kanina.

"Mico magpapaliwanag ako. Gusto kitang makausap."

"Magpapaliwanag?" Napa-isip si Mico sa sinabi ni Ivan.

"Buksan mo kasi ang pinto para magkaintindihan tayo."

"Wala naman tayong dapat ayusin ah? Oh sige na. Sorry. Sorry talaga sa ginawa ko kanina. Hindi ko na uulitin."

"Hindi naman yun ang gusto kong sabihin sayo."

Lalong nagulo si Mico. "Ano ba ang gusto mong sabihin?"

"Buksan mo kasi ang pinto."

Saglit na nag-isp si Mico. Tinatantiya niya kung kaya ba niyang buksan ang pinto.

"Mico." mas naging mahinahon ang tono ni Ivan.

Kumabog ang puso ni Mico nang marinig niya ang muling tawag ni Ivan sa pangalan niya.

"Oo na bubuksan ko na. Bakit ba kasi?" Padabog siyang naglakad sa pinto saka binuksan iyon.

Sa pagbukas ng pinto tumambad sa kanya ang malamlam na mukha ni Ivan.

"B-bakit ba kasi?" muntikan na siyang hindi makapagsalita.

Nanatiling nakatitig lang sa kanya si Ivan.

"Ano? Naghihintay ako. Humingi na ako ng sorry at hindi na mauulit. Ano ba ang sasabihin mo?" Napatingin siya sa dibdib ni Ivan dahil napansin niyang huminga ito ng malalim.

"Gusto kong magpaliwanag."

"N-na..." Napayuko si Mico. Parang hindi niya kakayanin tumitig kay Ivan habang nagsasalita ito sa ganong tono.

"Mali ang iniisip mo."

Napa-angat siya ng mukha kasabay ang kunot ng noo sa dahilang nalabuan siya sa sinabi ni Ivan. "Pap-papaanong mali ako."

Hinawakan ng mga kamay ni Ivan ang magkabilang balikat ni Mico. "Hindi namin gagawin yun." naging sunod-sunod ang mga sinabi ni Ivan. "Nagkakatuwaan lang kami. Pinipilit nyang kunin sa akin ang magazine na binabasa ko. Hindi ko kasi binibigay kaya, akala mo..." biglang bumagal ang huling dalawang katagang sinabi ni Ivan.

Napa-tango si Mico kasabay ng pagyuko. Ngayon alam na ni Mico ang dahilan ng pagkakataong iyon pero ngayon, isang katanungan ang nabuo sa isipan ni Mico. Bakit kailangan ni Ivan na magpaliwanag sa kanya gayong ano naman para sa kanya kung may nangyayari sa dalawa kanina. Pangalawa, dapat siya ang humingi ng pasensiya sa ginawa niyang panggugulo.

"K-kailangan mo ba talagang," saglit na pinutol ni Mico ang sasabihin. Lumunok muna siya dahil nanunuyo ang kanyang lalamunan. "Kailanga mo ba talang magpaliwanag sa akin? Bakit?"

Huminga ng malalim si Ivan.

Napansin ni Mico na magsasalita sana si Ivan nang biglang tumingala ito at muling bumuntong hininga. "Bakit?" muli niyang tanong.

"Kasi..." panimula ni Ivan.

Parang may kung anong ihip ng hangin ang nagpanginig kay Mico sa posibleng marinig mula kay Ivan.

"Mico." hindi naituloy ni Ivan ang sasabihin sa halip binigkas nito ang pangalan niya.

Napayuko si Mico. Hindi niya talaga kayang tumitig kay Ivan. Kahit saglit na pagsulyap ay halos hindi niya magawa. Para bang napapaso siya saglit na magtama ang kanilang mga mata. Ngayon lang nangyari ito sa kanya. Kasabay ang pangangatog ng kanyang mga kalamnan na nagpapahina sa kanyang mga tuhod.

Pinilit ni Mico magsalita. "A-ano ba kasi ang gusto mong sabihin? Naghi-"

Biglang niyakap ni Ivan si Mico na ikinabigla ng huli. Kahit hindi halos nasa balikat na ni Ivan ang mukha ni Mico, dinig na dinig pa rin ng huli ang hindi pang karaniwang kabog sa dibdib ni Ivan.

"Para saan ang ganoong klase ng pagtibok ng puso ni Ivan?"


"Mico."

Dahil sa nararamdaman ni Mico, nagawa na lang niyang umungol sa tawag ni Ivan.

"Mico, bakit mo yun ginawa kanina?"

Nanlaki ang mga mata ni Mico. "Humihingi na ako ng paumanhin."

"Hindi iyon ang gusto kong sagot mo."

"H-ha?"

"Gusto kong marinig ang dahilan mo."

Sa pagkakalapat ng mukha ni Mico sa balikat ni Ivan, nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Mico. "Gustong-gusto kong sabihin sayo ang dahilan Ivan, parang hindi ko lang yata kaya. Natatakot pala ako."


"Mico. Sagutin mo ang tanong ko." Naghihintay si Ivan. "Umaasa ako Mico sa sagot mo."

"Kailangan ba talaga?"

"Sobra." kasunod ang mas malalim pang pagsinghap ng hangin ni Ivan.

"Ito na siguro ang pagkakataon ko. Kasi-" hindi niya kinaya kaya bumitiw siya sa pagkakayap sa kanya ni Ivan at tumalikod. Doon nagsimulang umagos ang kanyang mga luha.

Nahirapan siyang sabihin ang nasa loob niya. Akala niya noong una ay ganoon lang kadali ang lahat mahirap pala isa tinig ang damdamin niya sa taong minamahal niya. Narinig niya ang pagbuntong hninga ni Ivan.

"Sige. Pasensiya na sa pang-aabala ko Mico. Babalik na ako. Huwag kang mag-alala. Wala sa akin ang nangyari kanina. Umaasa akong bukas makikita kita sa bahay. Wala tayong problema di ba?" saglit na pagtigil. Hinihintay niya kung may sasabihin si Mico. "Sige aalis na ako."

Aktong tatalikod na si Ivan ng lumingon si Mico.

"K-kasi, nagseselos ako. Ayokong makita kayo ni Angeline na magkasama kayo, kayong dalawa lang sa kwarto. Naiinis ako. Kasi, k-kasi..." biglang hindi maituloy ni Mico ang gustong sabihin.

"Kasi."

Napa-tingin ng diretso si Mico sa mga mata ni Ivan nang marinig niya ang pag-uulit ni Ivan. Natiyak niya sa tono ni Ivan na gusto nitong marinig ang karugtong ang gusto niyang sabihin.

"Kasi, mahal kita." papikit na sinabi iyon ni Mico at yumuko sa hiya.

Hindi nakita ni Mico kung anong reaksyon ni Ivan. Naghintay siya sa sasabihin ni Ivan. Hinihintay niyang negatibo ang sasabihin nito. Kasalukuyan siyang naghahanda sa mga sasabihin nito na maaaring ikakahiya niya.

Pero sa pagkakayuko niya, nakita niyang umangat ang dalawang kamay nito at padapo sa kanyang mga balikat. Pagkatapos muling inunat ang kaliwang kamay at dumapo sa kanyang baba. Iniangat ng kamay na iyon ang kanyang mukha. At dahil doon, doon niya nakita ang mukha ni Ivan. Doon niya nakita ang reaksyon nito sa ipinagatapat niya.

Wala siyang makitang galit o anuman sa mukha nito. Nakangiti pa nga ito habang nakahawak ito sa baba niya.  Hindi tuloy niya maibaba ang tingin.

"Mico." nakangiting banggit ng pangalan niya.

Para siyang mawawalan ng ulirat sa pagtawag na iyon ni Ivan. Hindi niya namalayang papalapit na ang mukha ni Ivan sa kanyang mukha. Para siyang nalulunod. Pinipigilan niya ang paghinga. Sandali pa ay tuluyan ng naangkin ni Ivan ang mga labi niya.
-----

Sa paghihinang ng kanilang mga labi, damang dama ni Mico ang banayad na paghalik ni Ivan sa kanya. Walang pagtutol ang nangyayari. Matagal na niyang pinanabikan maulit muli iyon. Ngayon nasa kanya nanaman ang pagkakataon, hindi niya sinasayang ang bawat sandali. Ipinapadama niya sa pamamagitan ng kanyang mga halik ang laman ng puso niya. Mahal na mahal niya si Ivan.

Hindi na niya maalala kung kailan nagsimulang mas naging mapangahas ang mga labi ni Ivan. Mas maalab. Dahil doon, ikinapit na niya ang mga braso sa likuran nito. Gumaganti siya sa bawat paggalaw ng mga labi nito. Kapwa halos nageespadahan ang mga dila, na mas nakakadragdag ng sarap para sa isa't isa.

Matagal ang paghihinang ng kanilang mga labi. Mas tumatagal mas nagiging madiin. Kaya naman, kapwa humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Kukurapkurap si Mico nang tumitig kay Ivan. Nakangiti si Ivan. Wala sa hitsura nitong nagsisisi sa ginawa.

"Sigurado kang mahal mo ako?" tanong ni Ivan.

"Oo."

"Hindi nga?"

"Oo."

Maluwag ang pagkakangiti ni Ivan nang masiguradong tama ang kanyang narinig. "Babalik na ako sa amin."

"Ha?" Nagulat si Mico sa biglaang paalam ni Ivan. "B-bakit naman?"

Natawa si Ivan. "Huwag kang mag-alala, may tamang oras para sa ating dalawa."

Napayuko si Mico sa hiya.

Nabasa ni Ivan ang nasa isip ni Mico. Kinabig niya ito payakap sa kanya. Siryoso siyang nagsalita. "Masaya akong malaman na mahal mo ako."

"Ma-" may itatanong sana si Mico nang muling magsalita si Ivan.

"Kailangan maghanda ka na." sabay tawa. "Dahil iba ang hihingiin ko sayo sa nalalapit kong kaarawan. Sa araw ding iyon, umaasa rin akong, magugustuhan mo ang gift ko sayo."

Kunot noo siyang napangiti. "Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Magka-ideya ka naman, Mico. Hayaan mo, maghahanda talaga ako doon."

Saglit na nagdapo muli ang kanilang mga labi. Ayaw pa sana ni Mico tapusin iyon ngunit sinunod na lang niya ang kagustuhan ni Ivan.

"Ewan. Hihintayin ko na lang ang kaarawan mo."

"Dapat."

Ngumiti na lang siya. Pero, nasisigurado niya na ngayong gabi may pagtingin din sa kanya si Ivan. Hindi man nito tuwirang nasabi. Sigurado siya sa narinig niya sa puso ni Ivan.

"Aalis na ako."

"Sigurado ka?"

"Kailangan. Hindi kasi ngayon."

Napangiti si Mico ng maluwang. "Siryoso ka sa binabalak mo talaga."

"Oo naman. Pramis ko yon sayo."

"Bukas ka na lang kaya umuwi?"

Natawa si Ivan. "Huwag namang ganun. Masisira ang pramis ko. Basta bukas, kailangan naroon ka sa bahay ah?"

"Teka, paano pala si Angeline?"

"Bakit mo kailangang tanungin si Angeline? Magkaklase lang kami, kung may mas malalim pa roon magkaibigan. Huwag ka mag-alala."

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh. Parang tunog defensive ka dun ah?"

Natawa si Ivan. "Ganoon ba?"

"Kasi baka kung anong isipin ni Angeline sa ginawa ko kanina. Nakakahiya kasi eh."

"Ikaw kasi. Kung ano anong pumapasok diyan sa utak mo."

"Eh paano naman kasi-"

"Shhhh..." ginawaran ng isang masuyong halik ni ivan si Mico. "Ok na tayo di ba? Huwag mo na isipin yun. Ang mahalaga. Ok na tayo."

Mas maluwang ang pagkakangiti ni Mico. Sa sinabing iyon ni Ivan, para siyang nakalutang ngayon sa alapaap habang yakap-yakap ng mahal niyang si Ivan.

"Paalisin mo na ako."

"Ayoko pa kasi eh."

"Ah ayaw mo pa ah. Sige, game! Pero pagkatapos nito. Wala nang kasunod ah? Fine. Lock the door." sabay tawa.

Naki-sabay sa pagtawa si Mico. "Oo na, umuwi ka na. Nakakatakot ka naman. Hihintayin ko na lang talaga."

"Goodnight."

"Nyt nyt."

16 comments:

ram said...

wahhhhhhhhh sana hindi ito pananginip lng. sana totoo ito ash ha.

James wood said...

ayan may bago na

android said...

and ayun .. once again bitin ! ..
haha ... sana ipost na kaagad ang next chapter !

yeahitsjm said...

nakakabitin! lalo akong nabitin sa "May Karugtong" haha dali na for next chap! :DD i love you ivan! :))

Ecko said...

ganda sobrang nakakakilig ahahahaha mico kainggit ka po. Ivan mahal din kita ahahahaha. Salamat sa author pinasaya niyo po ang araw ko^_^

chaeygyungshin said...

bitin...

kakakilig nmn nagtapat na si mico... hehehehe

NEXT PLEASE.....

ikawkaze said...

wuhuuu adanda kakilig tahhaha... thumbs up :)

Manny21 said...

hindi ako nagsisisi na hinintay ko ang pagbabalik mo sa pagsulat! Masyadong maligaya tong part na to... nakakakaba tuloy ang susunod! Can't wait!!! ^^

Anonymous said...

wow..i love it..exciTed na ako sa susunoD na kabanaTa..hahaha


carlorenz22

Anonymous said...

Sa next chapter ba, birthday na ni Ivan? hahahaha... ano kaya ung surprise? hahaha... exciting.... kakakilig.

-max

fayeng said...

kakabitin kaso kaganda gaya ng pagkaganda ganda ni Mico.... Kudos erwien... :))

ram said...

wahhh sa birthday pa. hehehe

Darkboy13 said...

wahhhh omg sawakas my ng tapat naris sakanina ahyyy next chap na po....

rushly16 said...

hahahah kakaluka talaga ang story to oh my

ChAn_ErAnDiO said...
This comment has been removed by the author.
ChAn_ErAnDiO said...

kalurky...kakakilig..kaka...AHHHHHHHHAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!..
di lubus maisip na my gagawa pa plan nyan khit sa story lng....akmang akma sa dream ko......nu ba yan...malalo ko tuloy minamahal ang storyang ito....