Followers

CHAT BOX

Friday, April 1, 2011

IVAN (My love, My Enemy) Chapter 25


"Sandali." sigaw ni Mico. Patayo na siya sa kama ng muli nyan gmarinig ang malalakas na katok sa pinto. "Ayan na nga. Sandali naman." reklamo niya. "Kung maka-katok, akala mo, wala ng bukas..." binuksan niya ang pinto. "Ba-?"

"Good morning." pasigaw na bati ni Ivan.

Nagulat si Mico. Ang buong akala niya ay si Saneng ang kumakatok. "B-bakit napadaan ka dito?" tanong niya pagkatapos mapansin na naka-suot ito ng uniporme.

"Magpapaalam lang ako." 

Napa-ngiti si Mico. "Ah ganoon ba?"

"Gusto ko lang kasing sabihin sayong, kailangan mamaya sa bahay kita maabutan. Ok ba iyon."

Natawa si Mico ng mahina. "Asus ayun lang pala eh. Oo naman noh."

"So... aalis na ako. Mmm papasok na ako."

"Aba dapat lang. Baka ma-late ka pa. Sige na." ngumit ng ubod ng tamis si Mico.

"Bye."

"Bye. Ingat ka. I love you." hindi niya maisatinig ang tatlong huling kataga.

Ngumiti ng napaka-luwang ni Ivan bago tumalikod.

Isasara na sana ni Mico ang pinto nang mapansin niyang biglang humarap muli ito. "Bakit?"

"Mmm wala bang..."

"Wala bang, ano?" takang tanong ni Mico.

Saka inginuso ni Ivan ang labi niya.

Halos tumirik naman ang mga mata ni Mico sa sobrang kilig. "Ay ano ba yan? Sandali, hindi pa ako nagtu-toothbrush eh."

"Hindi na." sabay hila kay Mico at hinalikan niya ito sa pisngi.

Hindi na nakapag-react si Mico. Napa-hinga na lang siya ng malalim. Dinama ng todo ang halik sa pisngi ni Ivan.

"Ay baho nga." sabay tawa ni Ivan.

"Ano?" nanlaki ang mga mata ni Mico. Kasunod ang pag-taas ng kilay. "Ewan."

"Biro lang. Sige alis na ako. Basta mamaya ha?" dire-diretso na itong umalis.

Nawala na ang pagsisimangot ni Mico. Muli na siyang ngumiti ng maluwang. "Umagang kay ganda naman oh. Kiss na sa pisngi, almusal, suliiiiiiiiiiiiiit na." tumitili ang kanyang utak. "Mahal nga ako ni Ivan. Gosh, pag-ibig na, pag-ibig na."

Isinara niya ang pinto at doon sumandal habang patuloy na dinadama ang halik ni Ivan. Unti-unti niyang ibinabagsak sa sahig ang kanyang katawan. Kasabay ang pagtirik ng mata. "Mamaya, gusto ko na siyang tanungin. Gusto ko ng malaman ang pag-ibig niya sa akin." sabay hagikgik. "Promise."
-----

"Kahapon ka pa ganyan Billy?" tanong ni Ivan nang maka-labas ang prof nila. Bahagya pa niyang dinungaw ito dahil napapagitnaan nila si Angeline.

Si Angeline ang sumagot. "Kanina ko pa nga yan kinakalabit kung bakit walang ka-ene-energy, ayaw naman sumagot."

"Sabihin mo lang sa amin baka maka-tulong kami." tuwirang paalala ni Ivan kahit hindi niya alam ang talagang nangyayari kay Billy.

"Oo nga Billy." sang-ayon ni Angeline.

Saka nag-salita si Billy. "Wala naman." hindi niya maiwasang malangkapan ng lungkot ang sinabi niya.

"Basta, kung ano man iyon. Sisikapin naming maka-tulong." si Ivan.

Napa-buntong hininga na lang si  Angeline. At hindi naka-takas sa kanya pati na rin kay Ivan ang may ibig sabihin na buntong-hininga na ginawa ni Billy.
-----

"Tita Divina, ask ko lang po." tanong ni Mico habang nasa bakuran sila nila Tita Divina niya.

"Sige ano yun?" 

"Kasi po, kung isi-secret natin yung birthday ni Ivan, kailangan po di ba na bago pa ang birthday kailangan na nating maipaalam sa mga kaibigan niya ang party?"

"Oo naman."

"Naisip ko lang po kung magiging madali kaya yun?"

Napa-tingin si Divina kay Mico. "Parang may point ka?" mamaya ay biglang tawa. "Hala, ikaw ang taya dyan ha?"

Kunyaring nagulat si Mico pero alam na niya na ganoon nga ang mangyayari. "Ay ganoon?" sabay tawa. "Sige na nga po."

"Salamat Mico."

"Wala po iyon tita."

"Teka nga. Maitanong ko lang ha. Kamusta na pala kayo ng Papa mo? Si Mama mo, kamusta na sila?"

"Si Mama lang po ang tumawag, okey naman daw po sila. Pareho daw po silang busy, pero Ok naman daw po." ngumit si Mico.

Tumango-tango si Divina at ngumiti. "Sana maka-attend sila sa birthday party ni Ivan."

"Ta-try ko po."
-----

"Siguro dahil hindi pa napasok si Susane kaya nagkakaganyan si Billy." nasabi ni Ivan kay Angeline nang makaupo sa pinaka-taas na baitang ng hagdan. Nagyaya kasi si Angeline na mag-tambay sila roon habang naghihintay ng susunod na magtuturo sa kanila.

"Hindi ang sa tingin ko." sagot ni Angeline at tumabi sya kay Ivan.

Napa-kunot noo si Ivan. "Alam mo na ang dahilan?"

Natawa muna si Angeline. "Si Mark kaya. Hindi pa rin pumapasok yun."

Umingos si Ivan. Ayaw maniwala sa sinabi ni Angeline. "Pero, bakit kaya hindi rin pumasok yun? Pangalawang araw na nila ngayon."

"Baka nagtanan na?" mabilis na sagot ni Angeline.

Agad napatingin si Ivan. 

Saka naman ang tawa ni Angeline. "Gulat na gulat ka ah? Malay mo, ganun nga. Aba, ang saya naman nila." kinilig pa siya. "Tayo kaya Ivan?" pagkatapos ay humilig sa balikat ni Ivan.

Natawa lang si Ivan. 

"Ikaw lagi ka nalang nakatawa." hinampas ni Angeline ang balikat ni Ivan. "...kapag ganyan ang ssabihin ko? Hmpt!"

"Nakakatawa naman talaga eh."

"Siya nga pala kanina, bago ka dumating napag-usapan na namin ni Billy na ngayon na natin sisimulan ang project natin."

"Ok. Ano?" biglang napatayo si Ivan. "Ngayon na? Mamaya?"

"O o, bakit?"

"Gusto kong umuwi ng maaga mamaya." naisip niya si Mico. "Pwedeng bukas na lang?"

"Ano ba naman yan Ivan? Bakit, ano bang problema? May lakad ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Angeline. "Excited na nga akong makarating sa bahay niyo eh."

"Sa bahay?"

"Oo, ano ba naman yan Ivan, parang hindi mo alam?"

"Alam ko pero, tutal sa bahay naman. Ok." sumang-ayon na lang siya.

Pagkatapos ay nagdiwang na si Angeline sa katuwaan.
------

Palabas na sila Ivan, Angeline at Billy unibersidad na pinapasukan nang maya-maya ay magsalita ang huli.

"Pwede bang out muna ako?"

"Ha?" si Angeline.

Napatingin lang na nagtataka si Ivan.

"Bakit?" tanong ni Angeline.

"May kailangan lang akong puntahan." ang dahilan ni Billy.

"Ganoon ba?" si Ivan ang sumagot. "Ikaw ang bahala."

"Salamat." sagot agad ni Billy sabay ngiti ng tipid.

"Pero..." maghahabol pa sana si Angeline nang sawayin ni Ivan.

"Hayaan mo na."

"Sige mag-iiba na ako ng daan paglabas natin." maagang paalam ni Billy.

"Sige ingat na lang." si Ivan.

"Mag-ingat ka." si Angeline.
-----

"Malapit nang dumating si Ivan ko." 

Excited na si Mico sa pagdating ni Ivan galing school. Kanina pa siya naghihintay mula nang makita niya sa orasan ang eksaktong labasan ni Ivan sa paaralan nito. Halos magkakalahating oras na rin siyang naghihintay at nasisigurado niyang parating na si Ivan.

Pero lumagpas ang kalahating oras ay hindi pa rin dumadating si Ivan. "Nahirapan sigurong mamili ng ipapasalubong." natawa siya sa nasabi. "Ang kapal ko na naman ha?"

"Mico." tawag ni Divina.

"Tita, bakit po?"

"Halika muna rito. Tikman mo nga muna ito kung ok na ang tamis?" Nagluto kasi si Divina ng ginatan.

Tinikman ni Mico ang sabaw. "Kaunti pa po siguro tita." asukal ang tinutukoy ni Mico.

"Sige." Muling nagbuhos si Divina ng ilang kutsarang asukal. "Ok na siguro yan?"

"Titikman ko po uli." tinikman nga ni Mico. "Ok na po tita."

"Ayan. Sige, isang kulo pa at sakto sa pagdating ni Ivan." masayang si Divina.

Napa-ngiti rin siya.

Muling nagtungo si Mico sa sala para doon niya sasalubungin ang pagdating ni Ivan. Muli siyang napatingin sa orasan. Malapit na mag-quarter to 5. "Ay wala pa rin. Baka na-traffic." napa-ngiti siya.

Maya-maya pa hindi na siya naka-tiis at tinungo na niya ang pintuan para silipin kung naroon na si Ivan. Sa pagsilip niya, laking tuwa niya ng makitang naroon na si Ivan. Pero agad din siyang nagbawi ng makitang may kasama itong babae. At hindi lang iyon, magkahawak pa sila ng kamay. "Ouch." Biglang napatalikod si Mico at naglakad para iwanan ang pintuan.
-----

"Ano ka ba Ivan? Ano naman ang masama kung magkahawak tayo ng kamay?"

"Nandito na tayo sa bahay Angeline."

"Alam ko."

"Kanina pa kasi ang higpit ng kapit mo. Pati paghawak mo sa kamay ko parang balak mong durugin eh." natatawang pahayag ni Ivan.

"Sus, gusto mo rin naman."

Natawa lang si Ivan. "Pasok na tayo." saka binuksan ni Ivana ang pinto. Sa pagbukas niya nakita niyang nagmamadali si Mico papalayo sa kanila. 

"Sino siya?" tanong ni Angeline.


18 comments:

jaceph elric said...

galing talaga ni sir erwan...

Syempre ung bitin factor present pa din...

What can i say? A great story cannot be rush...

Two hands up... And clap. Hehehe

Unknown said...

Naunahan ako.... hehehe, ok lang.
Hay, worth the wait naman talaga itong chapter na to. Sigurado na talaga LOVE ni Ivan si Mico. Kakakilig!! Kainis lang si Angeline kasi I'm sure nasaktan si Mico at nadismaya. Uurong na naman ang dila noon; may itatanong pa naman siya kay Ivan. Pero ok lang. I'll wait for Ivan's reply to Angeline, Ahhh, Sir Erwan kasi nabitin ako. Hahaha. Please sana wag masyadong matagal kasi halos every hour ako nagtsichek. Pagwalang pasok lang naman. Pero pagnandito ako sa bahay ahhh inuulit kong basahin ang mga previous posts ng story na to... kakakilig kasi.

Congrats po Boss Erwan. Galing nyong magsulat. Sana po ang next chapter ay talagang sooooooo soon na. - Japaul -

Ram said...

LQ nxt chapter pero sana magtapat na c ivan ng pag ibig kay mico.

PaGer Intal said...

nice one....
kakaexcite naman...

ask ko lang, sino yung guy na nasa pic????

Anonymous said...

Kahit kailan papapel talaga yang Angeline na yan... Nakakainis naman! Kung may mas grabe pa kay angeline ipapapatay ko na lang talaga....

Roj said...

Sana po mabilis lang ang update :) Salamat :)

ryanfirmanes said...

weekly updates na lng ba?? ganda pa naman talaga ng story..

Anonymous said...

haaay ganda sana ng kwento.. tagal lang ng update. wag masyadong bitinin ang readers dahil makakalimutan na namin ang story

Anonymous said...

next chapter please ... hehehe
thanks author ! :)


--android

jeh savvy said...

you're a great writer....hope to know you better sir erwanreid

Anonymous said...

hala...wala pa rin bang update? musta na kaya si author?

japaul21

Anonymous said...

bat wla pa unG ibang chapter ng ivan

jeh savvy said...

sir excited na ako sa next chapter...and question bkit pla hindi ngpost ng IVAN sa BOL?

Anonymous said...

i was hoping na masundan agad ito... nice... exciting...

Unknown said...

Ang tagal ng susunod na post. ilang weeks na ang nkaraan hindi pa rin nasusundan hayst

IamRaven said...

Super duper bitin!! Hahahaha!! Please pa-post na yung kasunod... Prang drugs lang talaga 'tong story ni Mico at Ivan, nakaka-adik at since hindi ko pa nababasa yung kasunod laging mainit ang ulo ko. Hahahahaha!! Mr. Erwan Reid, please post mo na po yung kasunod. Pretty please?

Anonymous said...

bkit may re run ang kwen2 ito...

Anonymous said...

Fanlangnmn: hmmp ako na lang ang gaga2wa na chapter 26..jaja total nag iinarte yung writer...gagawa ako!!! ang arte ng writer grabe....yung bawat chapter ubod ng liit dapat mahaba diba? gagawa ako hanggang chapter 100 kapag di pa sya gumawa until tomorrow!!! gagawa ako ng sarili kong version jajaja