Followers

CHAT BOX

Wednesday, April 6, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) chapter 29


"Si Ivan nasa gate!" kasabay nito ang biglaang paglikod niya sa bintana. Bigla-bigla na lang bumilis ang kbog ng kanyang dibdib. "Ano naman kung naroon siya?" Muli siyang sumilip sa bintana. Sa pagkakataong iyon, wala ng Ivan sa harap ng gate nila pero napansin niyang nakabukas ng bahagya iyon.


Kung gaano kabilis at kalakas ang kabog ng dibdib ni Mico noong una halos dumoble iyon nang maisip na maaring pumasok nasa kanila si Ivan. "Sabi ko, ano naman?" Para siyang tangang pinaaalahanan ang sarili.

Dali-dali siyang umalis sa bintana at maingat na tinungo ang pinto ng kanyang kwarto. Doon ay pinakiramdaman niya kung may yabag ng mga paa papalapit sa kanyang kwarto. Pero wala siyang marinig.

"Bakit ba ako biglang kinakabahan? Eh, ano nga naman kung pumunta siya rito? Ginagawa naman niya iyon na dati pa ah?" huminga siya ng malalim bago muling idinikit ang tenga sa pintuan. "Bakit naman siya pupunta rito? Wala naman akong ginagawa. Wala naman kaming tampuhan. Katulad kanina, maayos naman akong nagpaalam na hindi muna sasabay sa kanila. Ok naman."

Ilang sanglit pa pero wala siyang maulinigan sa likod ng kanyang pinto. Wala rin namang tumatawag sa kanya para labasin si Ivan kung naroon nga ito. "Baka hindi naman tumuloy." Ewan ba niya ng biglang mapalitan ng lungkot ang kaninang matiding kaba na naramdaman niya.

Wala sa loob niya ng buksan niya ang pinto.

"Sakto." sinundan ng tawa. "Gising ka pa pala. Buti naman."

Gulat si Mico nang mabuksan niya si Ivan sa pinto. "Nandito ka nga." Muling nabuhay ang mabilis na kabog sa kanyang dibdib.

Napa-kunot noo si Ivan. "Parang inaasahan mo ako ha? Oo narito nga ako."

"Ha? Ano, wala nasabi ko lang iyon sa gulat."

"Ok ka lang?"

"Bakit ka pala napadaan?" sa halip ay nagtanong si Mico.

"Gusto ko lang malaman kung natutulog ka na. Yun lang."

"Ah, oo matutulog na ako. Tumayo lang ako para-" bigla siyang nawalan ng sasabihin. Saka lang niya napagtanto na nagsisinungaling na pala siya. "Ano, titignan ko lang si Vani sa baba. Tapos tutulog na ako."

"Ok ka lang ba talaga?" muling tanong ni Ivan.

"O-oo naman." muntikan ng pumiyok si Mico. "Bababa na ako." Binaba niya ang tingin.

Ihahakbang na sana niya ang kanyang paa pero hindi pa rin umaalis si Ivan sa harapan niya. Muli siyang tumingin kay Ivan. Napansin niyang nakakunot lang ang noo nito. "Mmm, bakit?"

Umiling lang si Ivan at nagbigay ito ng espasyo para makadaan si Mico.

Pero para kay Mico hindi sapat ang luwag na iyon. Makakalabas siya pero siguradong tatama ang buong tagiliran niya sa katawan ni Ivan. Nag-alangan siyang lumabas dahil alam niyang sa oras na mangyari iyon baka hindi lang matinding kabog ng dibdib ang kanyang maramdaman baka pati tuhod niya at lubusang manghina at bumagsak. "Ano ba kasi ang problema? Bakit kailangan kong makaramdam ng ganito?"


Pinilit ni Mico na ihakbang ang kanyang paa. Pero natigilan siya ng magsalita si Ivan.

"Huwag ka na siguro bumama."

"H-ha?"

"Huwag ka na siguro bumaba kasi napansin ko na si Vani na maayos namang natutulog sa baba."

"H-ha? Ah, eh ganoon ba? O.. ano sige, matutulog na lang ako."

"Siguro nga."

"S-siguro nga" paguulit niya. "Tama. Ano? May sasabihin ka pa ba?"

"Wala na siguro. Ikaw may sasabihin pa ba?"

"H-ha?" biglang binuhusan ng malamig na tubig si Mico. "Di ba may sasabihin ka kay Ivan. Gusto mo na niyang tanungin ang feelings niya para sayo. Di ba gusto mong marinig na may nararamdaman din siyang pag-ibig para sayo? Paano mo naman nalaman na may sasabihin ako sayo? Este, p-paano mo naman nasabi na... may gusto akong sabihin sayo?" napakagat labi siya sa mga nailitanya. "Patay. ano ba ang mga pinagsasabi ko?"


"Wala ba? Mmm o sige babalik na ak sa bahay. May pasok pa ako bukas eh."

"Dapat nga na matulog ka na. Sigurado pagod ka na." pinilit ngumiti ni Mico ng matamis.

Itinaas lang ni Ivan ang kanyang dalawang kilay tanda ng pagsangayon.

"Hahatid pa kita sa labas?" tanong ni Mico.

"Hindi na."

"Ok."

"Sara mo na."

"Ang?"

"Pinto."

"Ah." sabay tawa ng malumanay. "Sige. Ok ka na diyan ah?"

"Oo."

"Sarado ko na."

"Sige."

"Goodnight. Sabihin mo goodbye kiss." umaasa si Mico na magsasabi si Ivan ng ganoong kataga.

"Sige."

"Wala. Sayang." isinara niya ang pinto.
-----

"Tahimik ka yata ngayon Papa Ivan?" si Billy.

"H-ha?"

"Wala kang kibo. Ano ba yan. Parang gusto ko na namang manibago syo niyan. Anyway, gusto ko lang malaman mo na hindi ako makakasama mamaya sa inyo, dahil pupunta ako kay Susane."

"Sige."

"Wow. Ang tipid na naman niya. Basta Ok na ha?"

"Oo naman Ok lang yun."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Billy kay Ivan sa harap ng mahabang table sa loob ng canteen.

Kanina pa nga siya tahimik. Pero alam niya ang tumatakbo sa kanyang isipan. Iniisip lang niya ang isang malaking bagay na dapat niyang pagdesisyunan. At alam rin niyang mahirap na gawan ng desisyon iyon.
-----

"Sa totoo lang Mico, gusto ko si Angeline para kay Ivan."

Parang gustong mabilaukan ni Mico sa sandaling iyon. "P-po?" Buti na lamang at walang kung ano sa bibig niya sa sandaling iyon kundi pareho silang nanonood ng isang programa sa telebisyon.

"Oo. Eh sa tagal ba namang hindi nagdadala ng babae si Ivan dito, para bang sabik na sabik na akong magka-girlfriend ang anak ko." diretsahang sabi ni Divina.

Hindi naman makapagsalita si Mico.

Humarap si Divina kay Mico. "Ikaw Mico, anong tingin mo kay Angeline? Ok naman siya di ba?"

"Ah, O-opo. Ok naman po."

Muling humarap si Divina sa telebisyon. "Gusto ko pang makilala si Angeline. Sisiguraduhin kong pagkatapos ng project nila bibisita pa rin dito si Angelne palagi."

"Patay." sa isip-isip ni Mico. "Ang alam ko po ngayon daw ang huling araw ng paggawa ng project nila. Madali daw nilang matatapos." Lihim siyang napangiwi. "Akala ko pa naman, hindi na pupunta dito si Angeline."


"Ganoon ba?"

Napansin ni Mico ang bahagyang lungkot sa mga mata ni tita Divina niya. Isa lang ang naiisip niya. Sabik na ang tita Divina niyang magkaroon ng girlfriend si Ivan. "Paano ako?"  sigaw ng puso't isipan niya.
-----

"Kayo lang dalawa ngayon?" gustong mag-init ang tenga ni Mico sa narinig mula kay Angeline ng magtanong siya kung bakit wala si Billy.

"Oo. Bakit?" maang na tanong ni Angeline. "Na-miss mo ba agad si Billy?"

"Ha? Hindi naman. Kayo lang dalawa sa kwarto niya mamaya. Naku, masasabunutan kita kapag may ginawa kang kahibangan mamaya. ano ang gagawin ko?" 


Dumating si Ivan mula sa taas. "Ano Angeline, ready ka na?" paalala niya para sa pagsisimula ng paggawa ng kanilang proyekto.


"Sure. Always." maarteng sagot ni angeline.

"Sure. Always." pag-uulit ng isip ni Mico. "Parang may binabalak kayong gawing iba ah."


"So halika na." yaya ni Ivan kay angeline.

Hindi na sumagot si angeline kundi tumayo na ito. "Sige, Mico."

"Sige." pero naggagalaiti ang kanyang mga ngipin sa inis, at selos. Bigla siyang may naisip. "Bakit nga hindi kaya? Ivan." tawag niya rito. "Baka may maitulong ako sa inyo? Libre ako."

Nagkatinginan sina Ivan at Angeline. Sasagot sana ni Ivan nang biglang unahan ni Angeline si Ivan.

"Hindi na siguro Mico. Kauti na lang naman ang gagawin namin. Pero maramign salamat ha?"

"ah ganoon ba?" tinignan ni Mico si Ivan. Nakita niyang ngumiti nalang ito sa kanya.
------

Kanina pa hindi mapalagay si Mico sa sala ng kanyang bahay. Alas singko palang ng hapon pero gusto na niyang mawala si angeline sa kabilang bahay.

"Baka kung anong ginagawa na roon nila. Waaaaaa..." napapapadyak siya kapag naiisip ang tagpong magkayakap sina Ivan at Angeline. "No!...." sigaw niya.

Naisip niyang bumalik sa kabilang bahay.
------

"Ivan, paabot naman ng lapis." walang tingi-tingin na hinihingi ni Angeline ang lapis kay Ivan na nasa tabi nito.

Nakadapa si Ivan sa kama habang may binabasa sa isang magazine. Narinig ni Ivan ang hinihingi ni angeline pero wala sa loob niyang hindi kaagad ito pansinin.

"Ivan,s abi ko paabot ng lapis." sa pangalawang pagkakataon.

"Ha?"

Napa-tingin si Angeline kay Ivan. Nagtataka. "Ano bang ginagawa mo? Magkalapit lang tayo parang hindi mo ako naririnig. Ako na nga."

Natawa na lang si Ivan.

"Ewan ko sayo. Ano ba kasi yan? Ano yang binabasa mo?"

"Ah ito? Wala lang na-curious lang ako sa isang article dito sa isang magazine."

"Patingin nga ako."

"Huwag na."

Napa-taas ang kilay ni Angeline. "Patingin."

"Wala ito." tiniklop niya ang magazine. "Ano bang maitutulong ko?"

"Wala. Ang gusto ko patingin naman ako. Sige na." Bahagya siyang tumayo sa pagkakaupo sa kama para abutin ang magazine pero nailayo na kaagad ni Ivan.

"Oops. Hindi pwede." natatawang inilayo ni Ivan ang magazine.

"Sa ginagawa mo Naku-curious tuloy ako." reklamo ni Angeline. "Patingin."

Tumawa lang si Ivan.
-----

"Oh Mico." bahagyang nagulat si Divina ng makitang nasa pintuan si Mico papasok. Balak sana niyang isara ang pinto.

"Magandang gabi tita." bati ni Mico. "Nababagot po kasi ako sa bahay eh. Wala akong magawa."

"Ay ganun ba?" nakangiting si Divina.

"Opo tita."

"Halika sa loob samahan mo akong manood ng telebisyon."

"Sige po." Pagkatapos ay sumunod na si Mico kay Divina. "ay, tita Divina, hindi pa po ba sila tapos?" Pakunyaring walang alam si Mico na hindi pa umaalis si Angeline.

"Oo. Nasa taas pa sila. sa anong channel ba ang gustong panoorin?"

"Kahit saan po. Basta malibang lang po." ngumit siya ng ubod ng luwang. Nagpasalamat siya ng lihim dahil hindi nahalata ni Divina sa mga tanong niya. "Ano kaya ang gagawin ko? Nakakahiya naman na bigla bigla nalang ako ng pupunta sa kwarto ni Ivan."


"Ay sandali Mico..."

"Po?"

"Pwede bang dalhan mo muna ng ilang makukotkot ang dalawa sa taas. Para hindi na bumaba si Ivan. Kung Ok lang ha?"

"Siyempre naman po tita." Lihim na nagdidiwang ang kanyang kalooban. Nagkaroon siya dahilan para makapanik sa taas. Kung alam lang ni Divina ang laking pasasalamat ni Mico. "Mache-check ko na sila."
------

"Dudukutin ko yan diyan, makikita mo." pagbabanta ni Angeline.

"Sige kung kaya mo." natatawang si Ivan.

"Pag hindi mo talaga ako pinagbigyan dadaganan kita diyan."

"Talaga?"

"Aba sinasabi ko sayo Hmm."

Tinawanan lang ni Ivan si Angeline.

"Talagang hinahamon mo ako ha?"

"Hindi naman."

"Makukuha ko rin yan tignan mo. Madudukot ko rin yan."

"Kung kaya mo." nilangkapan ni Ivan ng arte ang pagsasalita.

Wala nang sabi sabing lumapit si Ageline kay Ivan at kiniliti ito. Hindi inaasahan ni Ivan kikilitiin siya ni Angeline sa tagiliran kaya naman napatihaya siya at lumitaw ang magazine na dinaganan niya kanina.

Pero patuloy parin ang pagkiliti ni Angeline kay Ivan.

"Sandali. Tama na, nakikiliti ako." humahagikgik sa tawa si Ivan.

"Hindi kita titigilan hanggat gusto ko."

Bigla na lang silang natahimik ng maka-rinig ng kalabog sa pintuan. Sabay silang napa-tingin sa pinagmulan ng tunog.
-----

8 comments:

Anonymous said...

waaaaaaaaaaaaaahhhh?????grrrrrrrr.......ayaw ko na.......ehehe....kakahiya si mico.,....masyado paovious......dba ang nakakabasag lang ng gamit pag nakakakita ng ganung eksena eh yung gf or bf?....ahahaha.......


-Jhay Em

fayeng said...

wowwww kaganda, sori Ivan umiksi buhok mo... heehehehe! I like it!

Anonymous said...

Mico hintayin mo nalang ung pagbabalik ni rico, for sure, masasaktan ka lang kay ivan.. Heheh..

Miguel

Anonymous said...

wawawa nmn si mico....i nestea mo lng yan mico hahahaha super bitin nmnn thnks sa mabilis na pag update

ram said...

hahaha patay ka Ivan. kasunod na ash. hehehe thanks pala

jeh savvy said...

sobrang enjoy na enjoy tlga ako iread itong IVAN promise...1 ako sa nSAD nung medyo matagal na hindi nkapgpost ng new chapters ng IVAN..kudos! Mr. Author..keep it up!

ChAn_ErAnDiO said...

galing mo mico...kung q yun prehas tau ng gagawin....minsan lng kc dumating ang pagibig sa buhay ng tao...kailangan lng ipaglaban...

ChAn_ErAnDiO said...
This comment has been removed by the author.