Followers

CHAT BOX

Wednesday, March 23, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 7


"Ano? Gagamit na ako ngayon ng computer mo?" si Mico.

"Nakain pa ako."

"Kanina ka pa eh. Halata namang binabagalan mo. Bilisan mo na kaya."

"Bakit mas marunong ka pa? Eh ako ang kumakain, paano ko malalasahan ang pagkain niyan kung dadalian ko."

"Malasahan... So ibig sabihin talagang nasasarapan ka?"

Natigilan ito. "Hindi no."

"Weh..."

"Weh ka diyan. Pasalamat ka natuwa ako sayo dahil pinagluto mo 'ko."

"Talagang kapalaran na ipagluto kita."

"Talaga?" panguuyam ni Ivan. "Baka nakakalimutan mo-"

"Ano? Na galit ka sa akin?"

"Buti alam mo."

"Pero may utang na loob ka kaya dapat mo munang bayaran."

"Babayaran naman ah. Huwag ka ngang sabik diyan."

"Ewan." pero naka-ngiti siya. "Ang galing no."

"Ang alin?" takang tanong ni Ivan.

"Basta." sabay tawa. Kinikilig si Mico. Natutuwa siyang nakakausap niya ng ganoon si Ivan. "Dahil sa sinangag mahuhulog ang loob mo sa akin. Ay naman." 


"Umayos ka nga. Anong iniisip mo?"

"Wala." sagot ni Mico pero ang totoo kinikilig.
-----

"Ang gulo naman ng kwarto mo." reklamo ni Mico nang makapasok sa kwarto ni Ivan.

"Huwag kang magreklamo. Diyan ka." itinuro siya sa harapan ng kompyuter.

"Okey." pagkatapos ay umupo na siya. "Ikaw san ka?"

"Bakit tinatanong? Siyempre dito lang ako, babantayan kita. Baka kung ano ang gawin mo sa kompyuter ko magka-virus yan."

"Grabe ka naman. Magfe-facebook lang ako kay avirus ka agad diyan. Baka lang kasi makita mo ang kahalayan ko." pagbibiro ni Mico.

Napatitig si Ivan kay Mico. "Anong kahalayan?"

"Basta." sa totoo lang gusto niyang lumabas si Ivan. Pero mukhang malabo dahil humiga ito sa kama.

"Dito lang ako."

"Grabe ka naman. Kakakain mo lang higa ka agad. Eh kung maglakad-lakad ka muna. "Sige lumabas ka na."


"Hindi na kailangan. Pwede ba huwag mo akong pakialaman. Bilisan mo diyan dahil gagamit din ako."

"Walang balak bumaba. Bahala na nga." Gusto kasi ni Mico mabuksan ang files ni Ivan na naglalaman ng mga pictures nito. Umaasa kasi siyang mabubuksan niya ang folder ng "my pictures" kung saan maaring naroon ang mga pictures nito. Marami na si Mico na naipong pictures ni Ivan galing sa facebook. gusto niya ng bago.

"Sandali bababa lang ako."

Sinagot yata si Mico ng langit. "Bakit?"

"Kukunin ko yung pasalubong ni tita Laila."

"Ah sige, ingat."

"Sanay na akong bumaba sa hagdan kahit nakapikit. Hindi na kailangang magingat."

"Sige. Bilisan mo na."

Lumabas na nga si Ivan. Dali-dali namang binuksan ni Mico ang "documents" at hinanap ang "my pictures". Hindi nga siya nagkamali ang daming laman niyon. Inilabas niya ang USB sa kanyang bulsa na kanina niya pa dala-dala. Nanginginig pang isinaksak niya ito sa CPU. "Bilis, bilisan mo basahin mona agad."

Agad-agad naman ding nabasa. Agad niyang copy ang buong folder ng "my pictures" at ipinaste sa kanyang hard drive.

Ang kaso, ang tagal mag copying. Kaya naman, nagsimulang kabahan si Mico. Baka maabutan siya ni Ivan na kumukuha ng kopya.

"Bilis, bilis bago dumating si Ivan." napapakagat labi siya. Marami kasi ang laman ng polder na iyon kaya mabagal din ang pagkopya. "Sige na. Matapos ka na."

"Ang sarap ha?"

Nagulat si Mico nang may nagsalita sa kanyang likuran. Buti na lang madali niyang napindot an gminimize ng button. Bahagya pa siyang napatayo. "H-ha?" humarap siya kay Ivan habang pinipilit takpan ng katawan ang monitor. "M-masarap? Oo naman." pinilit ngumiti maitago.

Napatitig sa kanya si Ivan dahil nakaramdam siya na iba ang kinilos ni Mico. "Bakit?" takang tanong niya.

"W-wala. Bakit din?"

"Parang kang nagulat diyan?" tanong ni Ivan habang tinungo ang kama at doon umupo.

"Siyempre bigla kang nagsalita eh." umupo na uli si Mico dahil alam niyang hindi na mapapansin ni Ivan ang ginagawa niya.

"Bilisan mo diyan dahil gagamit din ako."

"Kakaumpisa ko lang naman."

Katahimikan, habang patuloy na kinakabahan si Mico. Si Ivan naman ay unti-unting inuubos ang cake.

"Kailan pala dumating si Tita Laila?" biglang tanong ni Ivan.

Nagulat na naman si Mico. "H-ha? Si mama? A-ano-" hindi niya masunod-sunod ang sasabihin. "kanina bago magtanghali." sa wakas ay natapos na rin niyang sabihin.

"Bakit ba parang nabibingi ka. Ano bang ginagawa mo diyan?"

Napalingon si Mico kay Ivan dahil sa tanong nito. Baka kasi biglang lumapit si Ivan at silipin kung ano ang ginagawa niya. "Nagbabasa kasi ako." pasimple siyang napa-hinga ng malalim ng makitang hindi gumagalaw si Ivan sa pagkakaupo. Muli niyang binalik ang pansin sa monitor.

Naramdaman ni Mico na biglang tumayo si Ivan. Lumingon siya at ng lalapit ito ay napatayo rin siya matakpan lang monitor. Nang sa pagtayo niya napansin niya ng isinaksak niyang USB. "Patay baka mahalata niya. Huwag naman sana." parang gustong matuluan ng pawis sa kanyang noo. Muli siyang tumingin kay Ivan napansin niya ng mukha nitong lukot. "B-bakit?"

"Bababa uli ako. Kukunin ko yung isa pang cake. Bakit para kang constipated diyan?"

"Constipated ka diyan? Nag-iinat lang ako." alibi ni Mico.

"Ewan." at muli na itong lumabas.

"Hayss... akala ko dito siya didiretso." pagkatapos ay muli niyang nilingon ang monitor, umupo at sinilip ang ginagawang paglilipat ng files sa USB. "Yes. Natapos din." dali-dali niyang inunplug ang USB. Hindi matanggal ang mga nigiti sa kanyang mga labi habang madaliang nililinis ang maaring ibidensya ng ginawa niyang pangongopya. Hanggang sa dumating si Ivan. "Tapos na ako."

"H-ha? Ang bilis mo naman?" takang tanong ni Ivan.

"Sabi mo kasi bilisan ko." sagot ni Mico. Hindi sumagot si Ivan. "Hindi. Wala naman kasing masyadong interesante sa mga kaibigan ko kaya hindi na ako nagparamdam. So, aalis na ako."

"Buti naman."

"Sige." at lumabas na siya sa kwarto ni Ivan.

Naiwan si Ivan na nagtataka sa mga ikinilos ni Mico. Napa-iling nalang siya at humarap sa kanyang kompyuter. "Ang gulo talaga ng bading na iyon. Dati, akala mo kung umasta siga. Akala mo dito nakatira na laging nag-hahanap ng gulo. Tapos, bigla na lang tatahimik na parang mabait. Tapos ngayon parang ewan? Constipated nga siguro. Nagmamadali eh." natawa siya sa huling sinabi. "Pero, ang sarap ng sinangag niya ha?"

At may naiwang ngiti sa mga labi ni Ivan.
-----

"Yes, yes yo." paulit-ulit na binibigkas ni Mico habang papasok sa bahay.

Walang tao sa sala kahit ang kasambahay ay hindi niya nakikita sa paligid. Kaya naman para siyang sirang sumasayaw-sayaw pa habang paulit-ulit na binabanggit ang "Yes, yes yo." Kung may makakakita lang sa kanya posibleng ang unang sabihin sa kanya ay "Nababaliw ka ba?"

Hanggang sa pag-akyat sa hagdan ay tuloy-tuloy pa rin siya sa ginagawa.

"Ano ba yan?" si Laila na iniluwa ng isang kwarto.

"H-ha? Ay Ma." sabay tawa.

"Para kang sira. Nagugutom ka na ata eh."

"Hindi naman po. Masaya lang talaga ako ngayon."

"Bakit?"

"Basta Ma. Diretso na po ako sa kwarto ko."

Naiwan si Laila na naguguluhan sa kakatwang kinikilos ni Mico.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang sa kwarto ay napa-headbang pa siya sabay tawa. "Ang galing-galing ko naman hahaha." Tinungo niya ang kanyang kama na kung saan naroon ang kanyang loptop. "Makikita ko na. Makikita ko na. Kaunti na lang na paghihintay." sabay tawa. Para siyang eng-eng na sabik na sabik makita ang mga bagong pictures ni Ivan. "Ayan na."

 At inumpisahan na mga niyang buksan ang folder. Tumambad sa kanya ang napakaraming pictures ni Ivan. Inisa-isa niya iyong tignan. Kaya lang medyo nadismaya siya nang makitang ang ibang pictures na may kasama si Ivan. Mga kaibigan sa isang party, sa out of town at kung ano-ano pa. Wala sanang problema kung si tita Divina lang pero naiinis siya kapag nakakakita ng babaeng nakapulupot sa Ivan niya.

"Ang dapat sa inyo ini-erase." nasabi niya dahil sa inis. Balak niyang i-separate ang mga pictures ni Ivan na may ibang kasama sa kuha.

Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa mga pictures. "Ayyyyyyyyyy" napa-sigaw siya dahil sa nakita. "Wow naman. Akin  na ito." tuwa niya. Nakita kasi niya ang isang pic ni Ivan ay topless, na walang pang-itaas na damit kundi shorts lang. "Hotttttt." sigaw niya sa sobrang kilig. "Meron pa?" dalangin niya na meron pa at umaasahang mas grabe pa ang makikita. "Sana yung mas bonggang bongga pa. Alam mo na." napahagikgik sa tawa.

Click. At isa pa ngang kuha na topless na si Ivan sa iba namang posisyon. Talaga namang todo ang tili ni Mico. Bahala na kung magtaka ang kasama sa bahay basta magsasaya siya sa nakikita. Muli niyang pinindot ang next. Pero hindi na ganoon ang muling tumambad. Maramihan na ang nasa kuha.

"Badtrip naman itong tatlong babaing 'to oh.  Layas kayo diyan." at inilipat niya sa ibang folder ang picture na iyon. Naisip niyang i-edit ang mga iyon. Tatanggalin niya ang mga babae sa kuha. Natawa siya sa naisip. Muli siyang pumindot at isang close-up picture ang nakita niya. "Ang cute ni Ivan dito. Alam ko na." may naisip siyan gawin. "Gagawin kita sa background sa deskstop ko."

Sa ilang saglit lang at nakita na niya sa deskstop niya ang picture ni Ivan as wallpaper. "Sa oras na bubuksan ko ang loptop ko, ikaw lagi ang unang makikita ko." napatihaya siya sa kama na kanina ay nakadapa niyang nakaharap sa laptop niya. Ngayon, ipinatong niya ito sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Ivan sa deskstop ng kanyang laptop.

Hindi na niya namalayang naka-tulog na pala siya.
-----

Narinig ni Ivan na dumating na ang ina dahil sa tunog ng sasakyan. Agad-agad syang tumayo para pagbuksan ang ina ng gate.

"Kamusta anak?" tanong ni Divina nang makababang sasakyan. Tumango lang si Ivan. "Paki-kuha sa compartment ang mga dala ko."

Sinunod ni Ivan ang utos ng ina. "Ano ang mga ito Ma?" tanong ni Ivan ng makita ang ilang puting malalaking plastic.

"Nag-grocery na ako. Teka, paano ka kumain? Nakapag-luto ka ba?"

"Hindi po. HIndi po ako nagluto."

"Ah eh paano ka niyan naka-kain? Hindi ka pa ba kumakain?"

"Kumain po. S-" hindi agad naituloy ni Ivan ang karugtong ng sasabihin.

"Paano?" tanong agad ni Divina.

"S-si Mico po ang nagluto." napa-buntong hininga siya pagkatapos.

Napa-ngiti si Divina. "So, ibig sabihin ba niyan okey na kayo ni Mico?"

"May kapalit naman kaya yun."

Natawa si Divina sa kung paano sinabi iyon ni Ivan. Parang ang lungkot-lungkot kasi ni Ivan habang nakikipag-usap sa ina. "Sige na ipasok mo muna yan."

Naipasok na nga ni Ivan ang mga pinamili ni Divina.

"Ma. Dumating na si Tita Laila kanina. May binigay pasalubong siyang short-cakes. Nakain ko na ang dalawa." sabay ngisi.

"Ay ganun ba? Salamat sa kanya." habang nakaupo si Divina sa sofa, nagpapahinga.

"Nasa ref yung cake ha?"

Tango ang sagot ni Divina sa anak. "Teka, kamusta pala si Mico. Ang tagal ko rin siyang hindi nakakausap. Kung kailan siya pumunta dito nagkataon namang wala ako."

"Kahapon lang naman iyon wala dito."

"Dalawang araw kaya. Ano? Nag-away na naman ba kayo? Siguro naman hindi, dahil ipinagluto ka niya. Makita mo namang mabait din naman si Mico. Ikaw lang 'tong maarte."

"Ma? Hindi ako maarte. Ipinagluto nga ako may kapalit naman."

"Anong kapalit?"

"Gumamit ng kompyuter ko."

"Eh ano naman?"

"Basta."

"Basta. Ikaw tigilan mo na si Mico ha? Ang iniisip ko nga kaya hindi yun pumupunta dito dahil sa iyo eh."

Biglang natahimik si Ivan. Totoo naman kasi na siya ang dahilan kung bakit hindi pumunta si Mico ng dalawang araw sa kanila. Buo pa sa kanyang alala ang mga sinabi niya kay Mico huwag lang itong pumunta sa bahay. Nap-buntong hininga na lamang siya.
-----

"Mico. Tumawag ang Papa mo. Pupunta na daw siya dito." pagbibigay inpormasyon ni Laila sa anak habang nasa harapan sila ng hapg-kainan.

"Kailan naman daw po?" walang kagana-ganang tanong ni Mico.

"Bukas."

Napatingin siya sa ina. "Bukas na?"

"Bakit? Mico... hindi ka pa ba sanay sa Papa mo.? Ganoon lang iyon."

Hindi kasi sila close ng ama niya. Simula nang lantaran nang ipinapakita ni Mico ang pusong babae niya ay lagi  ng may sermon siya sa ama niya. Minsan kapag kinakausap niya ito hindi man lang kumibo kahit isang tango man lang. Ngayon na dadating din ang ama, hindi na naman siya makakagawa ng mga bagay na gusto niyang gawin. Tulad ng pagpunta sa kabila, kala Ivan. Ayaw ng ama niya na lumalabas siya ng bahay. Para kasi sa kanya ikinahihiya siya ng ama niya. Kung indi nga lang siya nag-aaral baka namumuti na ang mata niya sa loob ng bahay.

"Hanggang kailan naman daw po siya dito?"

"Isang linggo lang daw. Pero pinipilit kong magpaabot na ng katapusan para sabay-sabay na tayong bumalik sa Manila."

"Ma, huwag na ma. Hayaan mo na siyang one week lang dito."

"Mico?" saway ni Laila.

Hindi na kumibo si Mico.
-----

No comments: