"Natutuwa po ako para sa inyo." si Mico.
"Sayo nga ako talagang dapat magpasalamat kasi naging maganda ang gabi ko. Mas center of attraction ako kaysa sa celebrant eh."
Natawa si Mico.
"Another day na naman ni Mico." si Ivan na galing sa labas.
Napatingin si Mico kay Ivan nang pumasok. Muli niyang naalala ang nangyari kahapon. Napa-ngiti siya ng bahagya. Napansin iyon ni Ivan. Kitang-kita ni Mico ang pag-ingos ng labi ni Ivan.
"Sige lang. Alam ko naman ko paano kita guguluhin eh. Pero huwag kang mag-alala sweet naman ako eh."
"Kaya ang gusto dito ka uli kumain ng tanghalian ha?" si Divina uli.
"Ay tita, hindi po ako pwede ngayon."
"Bakit?"
"Kasi po, aalis si Mama ngayon kaya kailangan kong sumabay sa kanya sa lunch may mga ibibilin siya sa akin daw."
"Ah ganun ba? Pero bakit aalis ang Mommy mo?"
"Babalik po sa Manila dahil may problema daw po. Pero babalik din siya baka sa lunes na."
"Sige basta hintayin mong maluto yung ulam ha? Magdala ka sa inyo."
"Sure tita at salamat po sa palaging welcome niyo sa akin dito."
"Oo naman." paniniguro ni Divina kay Mico sabay tawag kay Ivan.
"Bakit po?" sagot ni Ivan na sa nayayamot na tono.
"Paki-tingin nga yung niluluto ko?"
"Ma? Ako pa ang titingin alam mo namang hndi ako marunong diyan?"
Natahimik si Divina at napa-tingin kay Mico sabay ngiti. "Oo nga pala. Sandali lang Mico ha?"
"Sige po."
Umalis muna si Divina para silipin ang niluluto na saka naman ang dating ni Ivan galing sa c.r.
Kunyari ay may naamoy si Mico na hindi kanais-nais. Napansin iyon ni Ivan kaya napa-singhot na rin siya lalo na sa sarili niya. Wala naman siyang naaamoy na hindi maganda hanggang sa mapansin ni Ivan na naka-tingin sa kanya si Mico na may nakakalokong ngiti.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Ivan.
"Wala." sabay tawa.
"Bakit ka tumatawa?"
"Paki-alam mo?"
Nan-laki ang mata at bumuka ng maluwag ang kanyang bibig. "Naka-tingin ka sa akin na para bang ako ang naamoy mong mabaho tapos sasabihin mong wala lang?" nagsisimula nang umusok ang kanyang ilong.
"Sa wala lang nga eh."
"Adik ka ba?"
"Galit ka na niyan?"
Natahimik si Ivan. "Bakit nga kasi?" tanong pagkaraan.
"Hindi na ako kumikibo. Nanonood na ako oh?" inilapit pa ni Mico ang mukha sa t.v.
"Badtrip talaga 'tong bading na ito."
"Bakit?" tanong ni Mico na kunyari walang alam.
Napa-singhap si Ivan ng malalim sa sobrang inis. "Ang lakas nitong mang-asar ah. Nung isang araw ka pa." sa isip niya.
Kasunod noon ang tawag ni Divina sa kusina.
Agad-agad ay tumayo si Mico para tunguhin ang kusina.
"May araw ka rin sa akin, makikita mo." nagtatagisan ang mga bagang ni Ivan sa sobrang inis.
-----
"One point." sabay tawa ni Mico.
"Anong one point?" si Divina habang sumasandok ng nilagang baka.
"Ah wala tita. Don't mind."
"Oh ito na ang dadalhin mo sa inyo. Mainit ha?"
"Salamat po."
"Paki sabi na lang kay Mommy mo na mag-ingat na lang siya ha?"
"Opo tita makakarating."
-----
"Paalam Ivan, hanggang sa muli." paalam ni Mico kay kay Ivan nang madaanan niya ito sa living room. Nilangkapan niya ang tono ng pang-aasar.
"Sige Mico, hanggang sa muli." sagot ni Ivan sa sweet na paraan.
Parang gusto ni Mico na mabuwal sa narinig mula kay Ivan.
"Himala na naman at nag-iba ang mood. Pero akala naman ng mokong na hind ko alam ang binabalak niya. Tignan natin."
Nasa labas na si Mico. Patawid na siya sa kalsada ng makita ang naglalakad na lalaki na hawak-hawak ang tali ng aso patungo sa direksyon niya. Halata niyang naggagala ito kasunod ng kanyang aso.
"Kita mo nga naman. Ang gwapo! Parang kasunod niya ang mga anghel. Pasado sa criteria ang manong" kinikilig niyang naisip.
Gusto niyang tumigil at hintaying magka-salubong sila ng lalaki ngunit nabibigatan na siya sa dala niya. Ang nipis kaya ng mga braso niya. Kaya wala siyang nagawa kundi dumiretso sa bahay niya.
Nang itulak niya ang gate ay biglang lumabas si Vani ang kanyang alagang aso. Buti nalang at malaki ang pagkakabukas niya kundi natalisod siya at natapunan ng mainit na sabaw. Sigurado lapnos ang makinis niyang balat.
Agad niyang nilapag ang dala sa isang lamesa. Tatawagin muna niya ang alaga bago tumuloy. Siyempre pagkakataon na rin niya iyon para makita nang malapitan ang lalaking nagpapakilig sa kanya ngayon.
Sa labas, nakita niya ang alaga na nakikipagtahulan sa alaga niya. Nakikipagharutan sa totoo lang.
"Vani, stop." utos niya sa aso niya. Siyempre with matching arte ng boses. Mapang-akit.
"Alaga mo pala yan." sabi ng lalaki ng naka-ngiti.
"Ang ganda naman ng mga ngipin niya. Hot naman papable. O-o akin nga yan." sabay ngiti.
"Australian Terrier din yan no?" tanong ng lalaki na sa tingin niya ay nasa mid-twenties na.
Saka lang niya napansin ang breed ng aso ng lalaki. "Yes. At mukhang magkapareho tayo ng breed ha?"
"Ganun na nga. Magkaiba lang ng kulay." sagot nito.
Parang hindi naiintindihan ni Mico ang sinasabi ng lalaki dahil sa ngipin nito siya nakatitig.
"Ang sarap naman humalik sa ganitong ka-gwapo na, pamatay pa ang ngiti. Hmmm." kulang na lang ang mapa-padyak siya sa sobrang kilig. "Hihimatayin ata ako. Haysss."
"Okey ka lang?" tanong ng lalaki.
Bigla siyang nagising sa katotohanan. "Sorry."
Natawa ito. "Ako nga pala si Rico. Bago lang dito kaya naglalakad-lakad kasama ng alaga ng autie ko."
"Ah ganun ba?" sagot niya na malayo ang iniisip. "Mico + Rico = perfect combination. How nice naman. Mmm."
"Okey ka lang ba talaga?" muli nitong tanong na nawala na ang ngiti sa pag-aalala.
"A-ako pala si Mico." pakilala niya.
"Nice name ha? Katunog ng pangalan ko."
"Oo nga eh. Tulad ng iniisip ko kanina." sagot niya at nasundan ng pag-iimagine na naman.
"Sige nice meeting you na lang. Babalik na ako sa amin. Patanghali na kasi eh."
"Ay ganun?" panghihinayang niya.
Natawa si Rico. "Okey, sana magkita pa tayo." at muli itong ngumiti.
"Sana nga." natuwa siya sa narinig. "Ay, nananaginip ba ako?" "Paalam. Ingat ha?"
Hindi napansin ni Mico sumusunod ang aso sa pag-alis ni Rico. Saka lang niya napansin nang malayo-layo na ang lalaki.
"Vani?" sigaw niya na halos mapatid ang litid niya sa leeg. Muli, para nanamang tao kung maka-intindi ang alaga ng tumakbo pabalik sa kanya ito. "Ikaw ha, mas nauna ka pa sa akin lumandi. Pilyo kang aso ka."
Kinarga niya ang alaga at pumasok sa loob ng bakuran.
-----
"Ivan." tawag ni Divina sa anak. "Ano bang sinisilip-silip mo diyan sa pinto?"
"H-ha? Ma, w-la... wala po."
Nangunot ang noo ng ina.
"Tanghaling tapat lumalandi." wala sa loob na nasabi ni Ivan.
"Ano 'ka mo?" tanong ni Divina sa anak.
"Ang alin Ma?"
"Ewan ko sayo bata ka, ano ba ang nangyayari sa yo?"
"Ang magaling niyo kasing kapitbahay maharot. Pinabayaan na yung ulam na lumamig makipag-usap lang sa feeling pogi."
"Ivan?" tawag pansin ni Divina. Napansin kasi niyang ang lalim ng iniisip ng anak.
"M-ma?"
"Ewan."
Napa-kamot na lang sa batok si Ivan. "Badtrip."
"Oh bakit badtrip?"
"Nagugutom na po kasi ako."
"Gutom nga lang siguro. Nawawala ka na sa katinuan eh." sabay tawa.
"Ma?..."
-----
"Isasama ko si Saneng pabalik sa Manila. Baka Monday na ako makabalik. Okey naman ang laman ng ref kapapamili lang namin ni Saneng kahapon kaya hindi mo na iyon poproblemahin."
Pinapaalalahanan ni Laila si Mico dahil kailangan niyang bumalik sa Manila para asikasuhin ang problema sa negosyo nila.
"Walang problema po." naka-ngiti niyang sagot.
"Baka pagbalik ko kasama ko na ang Dad mo."
Walang reaksyon si Mico.
"O siya, aalis na kami ni Saneng. Ikaw na muna ang bahala dito ha?"
"Yes Ma."
-----
"Si Tita Divina?" tanong ni Mico kay Ivan kinabukasan.
Hindi sumagot si Ivan.
Hindi nahalata ni Mico na hindi talaga siya pinansin ni Ivan. Ang nasa isip niya ay hindi siya narinig nito.
"Si Tita Divina."
Ngunit hindi pa rin ito sumagot.
"Nice talking." naiirita niyang sabi. "Aba talaga namang walang response. Gusto mo na naman ng gulo ha."
Kinapalan na niya ang mukha at umupo sa tabi nito sa mahabang sopa.
"Umalis ka nga dito." nairita si Ivan.
"Eh di nagsalita ka rin."
"Bakit ba?"
"Si tita Divina nasaan?"
"Hanapin mo. Tutal naman feeling dito ka nakatira."
Napahiya ng kaunti si Mico. Pero agad niya iyong inalis sa isipan, nang-aasar lang ito.
"Ano naman? Wala naman akong ginagawang masama."
Hind kumibo si Ivan. Pero naka-ngiti ito nakaka-insulto.
"Nasaan nga si tita Divina?"
Gusto ng maasar ng tuluyan ni Mico. Pero nagpipigil siya. Umupo na lang siya uli sa tabi ni Ivan.
"Sabi ng umalis ka dito. Ang daming upuan oh." itinuro ni Ivan ang ibang nakahilerang upuan.
"Mas gusto ko dito mas komportable."
"Bakit ba ang kuli tmo? Ang lakas mo ha?"
"Ganoon ba pasensiya na ha?"
"Pag di ka umalis dito-"
"Ano ang gagawin mo?"
Natigilan si Ivan. "Talagang hinahamon mo ako ha?"
"Eh ano nga ang gagawin mo sa akin? Kasi ako kapag hindi mo sinabi kung nasaan si Tita, ki-kiss kita."
"Yuck... sasapakin kita."
"Ah ganun ha?" sabay muwestrang hahalikan nga siya.
Agad namang naka-dampot ng throw-pillow si Ivan at binato ito sa mukha ni Mico.
Natawa si Mico sa ginawa sa kanya ni Ivan. Hindi naman kasi siya nasaktan. "Ano? Hindi mo pa ba sasabihin?" at muli siyang nagpahiwatig na manghahalik.
"Nakakadiri ka talaga." nasa mukha ni Ivan ang pandidiri.
"E di mag-tiis ka." at lalapit si Mico.
Muli nanamang dumampot si Ivan ng unan at ibinato kay Mico.
"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"
Sumuko na si Ivan. "Nasa palengke. Pasalamat ka malakas ka kay Mama, kung hindi kanina ko sinapak yang mukha mo."
"Ay kailangan ko pa palang maging thankful sa iyo." nang-aasar si Mico.
"Alam mo na? O umalis ka na dito. Pwede?"
Dahil sa tono ng pananalita ni Ivan nakaramdam siya ng pagkapahiya. Naisip niyang sumusobra na yata siya. Nagulat pa siya sa muli nitong pagsasalita.
"Simula ng dumating ka dito, hindi na kami magkainindihan ni Mama. Wala naman akong ginagawa pero ikaw pa itong palaging pabida na akala naman lagi kang inaapi."
Parang nangati ng gilid ng mata ni Mico sa narinig. Hind niya naisip iyon na kapag wala na siya sa harapan ng mag-ina ay nagtatalo ang mga ito. Napatayo siya bigla sa pagkaka-upo at sinimulang maglakad papalabas. Napatigil siya ng muling mag-salita si Ivan.
"Aalis ka na?" tanong ni Ivan.
Muli siyang lumingon at napa-tango.
"Buti naman." sabay ngiti itong nakakaloko.
"Okey." at nagtuloy-tuloy na siya sa paglabas.
Hindi naman natuloy ang nagbadyang luha niya dahil agad naman siyang naka-recover. Pero talagang tinamaan siya sa mga sinabi ni Ivan. Pero hindi ibig sabihin noon ay sumusuko na siya. "sige pagbibigyan kita. Per wait mo lang ang pagbabalik ko." nakataas pa ang kilay niya. "dadating din ang araw at luluhod ka rin sa harapan ko. Ay parang ang sagwa, di ba dapat ako ang luluhod sa harapan niya?" natawa siya sa naiisip.
Naiwan naman si Ivan na nagi-guilty. Muli rin niyang binalikan ang mga nasabi at napag-tantong walang katotohanan ang mga sinabi niyang hindi na sila magkaintindihan ng kanyang ina at si Mico lagi ang nang-gugulo. Napa-buntong-hininga na lang siya sa nagawa.
"Mas maganda nga iyon at wala nang istorbo." mungjahi niya sa sarili.
may karugtong...

No comments:
Post a Comment