Followers

CHAT BOX

Wednesday, March 23, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 5


"Bakit kaya hindi napunta dito si Mico?" tanong ni Divina kay Ivan.

"Hindi ko po alam?" nangingiting sagot ni Ivan.

Simula kasi kahapon nang makapag-salita siya kay Mico ay hindi na ito bumalik hanggang ngayon. Pero nang mapa-tingin siya sa mukha ng ina ay naramdaman na naman niya ang guilt. Napansin niya kasing nababahiran ang mukha nito ng lungkot.

"Baka walang tao sa bahay nila kaya siya ang nagbabantay. Ayaw lang sigurong iwanan ng walang tao." bigay dahilan ni Ivan para hindi naman magtaka ng sobra ang ina.

"Siguro nga." sang-ayon ni Divina at tumanaw sa kabilang bahay. Nagbaka-sakaling matatanaw si Mico. Pero walang Mico ang nasa paligid.

Halata ni Ivan na namimis ng ina si Mico. Pero mas gusto niya ang nangyari. Naging maka-sarili siya. Pinagmasdan nalang ni Ivan ang inang pumasok sa loob ng bahay na walang kangiti-ngiti. Halatadong dismayado.

Napabuntong-hininga na lamang siya.
-----
Madilim sa loob ng kabahayan. Tanging ang liwanag lang na nagmumula sa labas ng pinto ang nagpapaliwanag sa living room kung saan naroon si Mico.

"Ang hirap naman ng ganito. Nag-iisa ako." bigla niyang naisip na pumunta sa kabilang bahay. "Ayoko nga. Magtitiis muna ako. Pagdating na lang ni Mama. Pagbibigyan ko lang ang Ivan na iyon. Para ma-miss naman niya ako." sabay tawa. "Wish ko lang."

Inabala nalang niya ang sarili sa panonood ng palabas sa t.v. Nang wala nang matipuhan, nagsalang siya ng d.v.d. Halos maghapon siyang ganoon. Pero hindi niya maitatangging sa bawat oras naiisip niya ang secret love niyang si Ivan.

"Sana dumating na si Mama." inaasahan niyang darating ang ina mamayang gabi. "Pero baka kasama ang Dad?" napabuntong hininga siya sa huling nasabi.
-----

"Baka gusto mong kamustahin si Mico sa kabila?"

Napa-taas ang kilay niya nang marinig ang sinabi ng ina.

"Ikaw naman ang bumisita kaya?"

"Ma?"

"Naka Ma, ka nanaman diyan. Puro ka Ma."

"Ayoko. Hindi ko gagawin yun noh."

"Magdala ka na lang ng niluto kong ulam duon."

"Ayoko nga."

"Isa."

"Fine."

"Gusto mo pa ng bibilangan."
-----

"Ay ang sweet naman nila." kinikilig si Mico sa eksenang sa pelikulang pinapanood. "Wish ko lang na ganyan din ang lovelife ko. Haysss."

Tumayo siya at  inarte ang dialogue sa eksena.

"Mahal na mahal kita yan ang tatandaan mo saan ka man magpunta." nakatitig siya sa kisame pagkatapos na para bang naroon ang kausap. "Yuck, ang panget ko naman umarte." napa-ngiwi siya sa bangdang huli.

Pero hindi doon natapos ang kanyang pag-arte. "Alam ko na, kunyari papasok diyan si Ivan. Tapos, hinahanap ako." tinutukoy ang naka-bukas na pinto. "Hinahanap niya ako dahil kailangan niyang sabihing mahal na mahal niya ako."

Natawa at kinikilig siya ng todo sa naisip gawin. Tumalikod siya sa pinto. At duon sinimulang umarte. Sinimulan niya na kunwari si Ivan ang nagsasalita sa kanya. "Oh Mico, akala ko hindi na kita makikita." napa-ehem siya sa baba ng tono ng boses niya. Ginagaya kasi niya ang boses ni Ivan na lalaking lalaki. "Hinanap kita, at buti nalang nakita kita. Gusto ko na sanang sumuko ngunit hindi ako tumigil masabi ko lang sayo na... mahal na mahal kita." kinilig si Mico sa sarili niyang laro.

"Kunyari hindi ako humaharap sa kanya." at sinimulan ang kanyang sariling linya. "Ivan, gusto ko na sanang sumuko pero... dahil mahal na mahal pala kita, muli akong bumalik..."haharap siya sa pinto.

"Dahil?"

"Dahil?" napa-tanong din siya sa nagtanong. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhh..." biglang sigaw niya sa gulat.

Namutla si Mico. Parang gusto niyang mawala sa pagkakatayo. Gusto niyang himatayin sa mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na naroon si Ivan sa pinto. "Kailan pa?" tanong sa kanyang sarili. Hindi siya maka-imik, maka-galaw.

"Bakit ka tumigil?" nakakaloko ang mga ngiti nito.

Dahil doon, parang wala ng nakikita si Mico sa sobrang kahihiyan. Nakakaloko ang mga ngiti ni Ivan. "Narinig ba niya lahat ng pinagsasabi ko? Pinapanood niya ba ako. Shit."


"Hoy, tinatanong kita?" ganun parin ang istilo ng pagsasalita ni Ivan.

"H-ha? Bakit ka naandito? Kailan ka pa diyan? At anong narinig mo?" tanong niya ng sunod-sunod. Bahagya ring gumagaralgal ang kanyang tinig.

"Ikaw kaya ang tinatanong ko."

"Anong narinig mo?" pilit ni Mico kaya Ivan. Natatakot siya sa maaring marinig kay Ivan.

Saglit itong nag-isip. "Wala naman."

"Hindi nga?" paninigurado ni Mico. Hindi siya kumbinsido.

"Wala nga." pagkatapos ay pinakita nito ang dala. "See? Naandito ako para ibigay ito sayo. Padala ni Mama."

Napa-taas ang kilay niya. Wala sa mga huling sinabi ni Ivan ang kanyang iniisip kundi kung nagsasabi ito ng katotohanan na wala itong narinig.

"Ano? Hindi mo ba kukunin?" muli itong ngumisi.

Saka lang si Mico nakagalaw. "Akin na."

"Sino ba ang kausap mo?" tanong ni Ivan.

"Wag kang magtanong." halata sa boses ni Mico ang pagkairita.

"Nagtatanong lang."

Hindi kumibo si Mico. Inilapag niya ang dala sa center table. Nang magbalik siya ng tingin ay nagulat siyang kasunod pala niya si Ivan.

"Bakit ka pa sumunod?" tanong ni Mico.

"Bakit? Hindi ba ako welcome? Ikaw nga labas-pasok sa bahay namin eh."

Hindi uli nakakibo si Mico. Pinagmasdan na lang niya ang ginawang pag-upo ni Ivan sa sofa. Alam niyang naging interesado ito sa mga dvds na nasa center table.

"Alin dito ang pinapanood mo?" tanong ni Ivan habang tinitignan isa-isa ang mga dvds.

"Kunin mo na lahat ang gusto mo diyan tapos umalis ka na."

"Ang bilis mo namang magpalayas. Pero talaga? Pwede kong hiramin?"

"Oo nga. Sige na bilisan mo." pinamamadali niya si Ivan dahil hindi pa rin mawala sa kanya ang kahiya-hiyang nararamdaman.

"Sige ito na lang." si Ivan pagkatapos maka-pamili. Tumayo na si Ivan at naka-ngiti siyang tumingin kay Mico.

Hindi naman maka-tingin si Mico ng diretso.

"Na-mimis ka na ata ni Mama."

"Okey." tipid niyang sagot na ikinalingon ni Ivan dahil akmang tatalikod na sana ito. "P-pki sabi na lang kay tita na thank  you at okey lang ako."

"Makaka-asa." sagot ni Ivan at tuluyan na itong lumabas.

"Ah-" nagpapadyak si Mico sa sahig nang nawala na sa paningin si Ivan. "Nakakahiya. Waaa"
-----

Tawa ng tawa si Ivan nang maka-uwi sa kanila. Kanina pa niya pinipigilan ang pagtawa sa naabutang ginagawa ni Mico kanina.

"Ah, ganun pala ha? So, ako naman ang gaganti. Ewan ko na lang kung maka-porma ka pa sa akin."

"Ivan, ano yang binubulong mo diyan?" takang tanong ni Divina.

"Wala po Ma. Linya lang yun sa pinapanood ni Mico sa bahay nila."

"Ah, ganun ba? Okey ba siya roon?"

"Yes Ma. Huwag ninyong alalahanin yon."

"Oh sige na kumain na tayo."
-----

Kanina pa si Mico nakaupo sa harapan ng t.v. pero hindi pa rin maalis ang nakakahiyang pangyayari kanina. Nagkataon nga naman na kung kailan pa umaarte o nagiimagine saka pa siya nahuli ni Ivan. "Mas lalong patay kung narinig niya ang mga sinabi ko."

Pinatay na niya ang pinapanood na bala dahil ayaw na niya iyon. "Pahamak kasi. Nakaka-panggigil oh." Wala na siyang ibang magawa kundi titigan ang mga nasa ibabaw ng center table kasabay ang pagbabalik tanaw sa pangyayari kanina. Paulit-ulit lang siyang kinikilabutan.
-----

Hapon na talagang wala nang magawa si Mico kundi tumulala. Naisipan niyang lumabas naman dahil maghapon na siyang hindi nasisikatan ng araw. Tinawag muna niya si Vani para may kasamang lumabas. Karga-karga niya ang alagang lumabas ng bahay.

"San naman ako pupunta?" napa-tingin siya sa kaharap na bahay. "Hindi noh, hindi ako pupunta diyan hmpt." Wala siyang balak mag-tuloy kala- Ivan. Nagpasiya na lang siyang maglakad lakad.

Paliko na siya ng matanaw niya sa di kalayuan ang isang lalaking pamilyar sa kanya. "Tama siya nga yun." nang makilala niya.

"Hi Rico." bati niya kahit malayo-layo pa ang agwat nila.

"Nice to see you again." tuwa nitong sabi ng magkaharap na sila.

"Talaga? Hmmm san ka papunta?" medyo pa-cute niyang tanong.

Natawa ito. "Sa totoo lang, papunta ako sa inyo."

"Talaga?"

"Oo, naghahanap ako ng kausap kasi. Maka-kwentuhan."

Namangha si Mico sa narinig. "Bakit naman ako? Wala ka bang ibang-"

"Bago lang ako dito. Sabi ko nga bakasyon lang ako."

"Nakakatuwa talagang malaman na ako ang napili mong maka-kwentuhan."

Natawa ito. "Okey lang naman diba?"

"Oo naman."

"Ikaw san ka papunta?"

"Naglalakad-lakad."

"Ah?... Sige samahan na kita. Dala mo pa talaga ang alaga mo ha?"

"Para may chaperon." sabay tawa. "San nga pala yung alaga mo?"

"Nasa bahay."

Tumango nalang siya. Naglibot-libot sila halos sa buong village. Ang dami nilang napag-usapan tungkol sa lugar na iyon lalo na kapag nakakakita sila ng maaring mapag-usapan. Tuwang-tuwa naman si Mico dahil may Rico na welcome makipag-kwentuhan sa kanya.

Nakarating sila sa harap ng bahay ni Mico halos padilim na.

"Dito muna tayo." yaya ni Rico kay Mico nang nasa harap na sila ng bahay. "Dito tayo ma-upo."

"Sige, pero papasok muna ako sa loob. Ano bang gusto mo mainom?"

Nag-isip muna si Rico bago sumagot. "Ikaw nalang ang bahala."

"Sige."
-----

"At kasama na naman niya lalaking yun?" si Ivan na naka-silip sa bintana.

Tinitigan niya ang lalaki. Hindi niya masyadong masilayan ang mukha nito dahil nakayuko ito habang naka-upo sa harap ng gate.

"Mukhang nasa edad 25 na. Ayos din mamili si Mico. Mahilig yata sa 10 years ang tanda sa kanya." sabay tawa.

Maya-maya pa ay nakita niyang palabas na muli si Mico dala-dala ang dalawang basong may laman na likidong kulay kahel.
-----

"Rico." tawag pansin ni Mico para maabot ang dala-dala niyang basong may lamang orange juice.

"Salamat." nang mahawakan na ni Rico ang baso.

"Welcome."

"Parang walang tao sa bahay ninyo?"

"Oo. Ako lang ngayon ang naandiyan."

"I see."

Natahimik silang dalawa habang unti-unting nilalasap ang lasa ng orange juice. Sa pananahimik na iyon ay may nabuong katanungan si Mico para kay Rico.

"Pwedeng magtanong?"

"H-ha?" bahagyang nagulat si Rico. "Oo naman."

Ngumiti muna si Mico. "Mmm naisip ko lang kasi na-" tinignan muna niya ang mga mata ni Rico.

"Na-"

"Kasi, nagtataka lang ako. ang ibang lalaki, pag nakikita ako, karaniwan nagugulat." saglit siyang tumigil at tumingin kay Rico pagkatapos. "Pero ikaw nung una tayong magkita, hindi kita nakitaan na nagulat kahit kaunti." natawa siya sa ipinahayag.

"Ah-" napa-ngiti ito.

"Yun nga ang tanong ko. Bakit ikaw hindi?"

Napa-tingin ito ng tuwid sa harapan. Naghintay naman si Mico.

"Siguro dahil... dahil may kilala ako na tulad mo rin." nagbaba ng tingin si Rico. "Pero magkaiba kayo. I mean, hindi siya tulad mo na ganyan... na nagme-make up, mmm kumbaga, lantaran." sabay tawa.

Natigilan si Mico. "Ganun lang. A-ang ibig kong sabihin eh, bakit parang hindi naman ganoon lang yun. Kasi, may kilala ako na kahit may kilala talaga silang b-bakla," muntikan niya pang hindi mabanggit ang huling salita. "...pero ayaw talaga nila. Iniiwasan nila, ako." napabuntong hininga siya. Nasa isip niya si Ivan. "Pero bakit ikaw gusto mo pa akong maka-kwentuhan." napangiti siya. "Salamat ha?"

"Ano ka ba? Para naman wala kang kaibigan?"

Meron naman talaga siyang kaibigan na lalaki sa Manila pero ang tumatakbo kasi sa isip niya ay si Ivan.

"Ako kasi..." dugtong ni Rico. "Basta hindi naman sila bastusin, nananamantala o kaya, mmm maayos namang kausap, okey lang. Bakit naman ako magagalit sa kanila? Tulad mo."

"Ngek, nagpapa-cute nga ako sayo eh."

"Understood na siguro yun. Ang ibig kong sabihin, kapag sa una pa lang kita iba na agad ang gustong mangyari. Alam mo na. Mas maganda kasi yung may respeto sa sarili."

"Teka, parang ang layo na ata. Paanong respeto sa sarili?" tanong ni Mico.

"May iba kasi na pinipilit na maging babae. Wala naman masama, kaya lang gumagawa na sila ng mga bagay na hindi na tama sa sarili nila. Meron naman-" natahimik si Rico saka muling nagsalita. "nagtatago. Itinatago ang sarili."

Katahimikan ang naghari sa dalawa. Sa totoo lang hindi masyadong ma-get ni Mico ang ibig sabihin ni Rico dahil feeling niya may kwento sa likod ng mga sinabi nito. Ayaw na niyang mag-ungkat dahil nalalaliman siya. Pangalawa, ayaw na niyang mag-tanong dahil nararamdaman niya sa tono ng pananalita nito na may dinaramdam ito. Hindi niya alam kung ano o kung bakit.

"Huwag mo nang isipin yun." sabay tawa si Rico. "Ang mahalaga lagi mong isipin at gawin na kahit ganyan ka dapat ka ring galangin. Siyempre, matatanggap mo yan kung ipapakita mong dapat kang galangin. Ikaw, mukha ka namang kagalang-galang."

Natawa na rin si Mico. "Opo manong naget ko na." Napa-tingin siya sa langit. "Ang dilim na pala. Hindi natin napansin ah."

"Manong talaga ha?"

"Ilan ka na ba?"

"25 na ako."

"Ang laki pala ng tanda mo sa akin, dapat nga na manong." sabay tawa ni Mico.

Hindi naman na-offend doon si Rico. Una pa lang niyang kita kay Mico ay bata pa ito. "Kailangan ko na sigurong umuwi."

"Ganoon ba?"

"Oo, baka nag-aalala na sila sa akin." ang tinutukoy ni Rico ang mga kasama sa bahay. "Ngayon lang ako uuwi ng gabi hehe."

"Sige ingat na lang at salamat pala."

"Sure at welcome. Salamat din dahil may may time ka."

Ngiti ang kanyang sinagot. Tumango siya ng nagpahiwatig si Rico na aalis na.
-----


may karugtong...

No comments: