Ito ang dahilan kung bakit napalingon si Ivan sa di kalayuan. Napa-maang siya nang makita kung sino ang tinutukoy ng sumigaw. Hindi ba siya nagkakamali? Lalaki ang pinatutungkulan ng sumigaw ng tatlong mahahalagang salitang ng pag-ibig. Maya-maya pa sa kanyang pagmamasid ay nakita niyang niyakap ng sumigaw ang lalaking kaharap nito. Pagkatapos ay mariing hinalikan.
Hindi niya nakayanan ang nakikita kaya binawi niya ang pagkaka-tingin sa dalawang parehong nilalang na nagpapakita ng pag-ibig sa isa't isa. Tumingin siya sa kanyang ina. Napansin nitong naka-ngiti ito habang ang mata ay naka-tingin sa dalawang lalaking wala yatang pakialam kung may makakita sa kanilang masagwang ginagawa.
"Ma?" inagaw niya ang atensyon ng ina. "Bakit parang natutuwa pa kayo sa dalawang iyon?" Dahil para sa kanya masagwa at nakaka-suka ang nakita niya.
"Ivan?" nananaway ang tono ni Divina. "Natutuwa lang ako sa kanila."
"Natutuwa?" nagulat si Ivan sa narinig sa ina.
Ngumiti lang ang kanyang ina.
"Dad, mauuna na po ako sa kotse. I miss you." paalam niya sa puntod ng kanyang ama at inilapag ang hawak na isang bulaklak.
"Ivan, kararating pa lang natin. Aalis ka na agad." paalala ni Divina.
Hindi kumibo si Ivan. Pinagpatuloy lang nito ang pagtalikod at tinungo kung saan naroon ang kotse.
Hindi na kumibo pa ang ina ni Ivan. Muli nitong itinuon ang atensyon sa lapida ng kanyang yumaong asawa.
Na-ngiti ito nang mag-salita. "Natatawa ako asawa ko, sa tinuran ng anak natin." bumuntong hininga muna siya. "Na-mimiss na kita pero alam ko masaya ka na diyan sa langit." ang ngiti kanina ay nadamayan na ng namumuong luha. "Sige sa susunod na uling pagdalaw ha? I love you." Pagkatapos noon ay tumalikod na ang babae para iwanan ang puntod ng pinakamamahal na asawa.
"Ma? Bakit bumalik agad kayo?" tanong ni Ivan nang dumating na ang ina sa sasakyan.
"Wala naman. Saka baka mainip kakahintay."
"Hindi naman. Ayoko lang na makita yung dalawa." nagkunwari pa si Ivan na nandidiri.
Tumawa si Divina sa ginawi ni Ivan.
"Sige na, paandarin mo na at uuwi na tayo."
"Sige ma, sabi mo eh."
Pinaandar na nga ni Ivan ang sasakyan. Nang tinutungo na nila ang daan pauwi ay muling nagsalita si Ivan.
"Ma. Pagka-hatid ko sa iyo sa bahay didiretso ako sa kaibigan ko ha?" paalam niya.
"Sige" sagot ni Divina habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Mmm ma? Baka gabihin ako ha?"
"Sige."
"Hindi ka magagalit?"
Napa-tingin ang ina sa kanya nang nagtataka. "Bakit gawain mo na iyan ah?"
Natawa si Ivan. "Wala lang ma."
"May itinatago ka siguro Ivan?" naka-ngiting paghihinala ni Divina.
"Paano mo naman nasabi ma?" hamon niya sa ina.
"Hindi ka mangungulit ng ganyan kung bago lang yang gagawin mo? Babae ba yan Ivan?"
Hindi na tumingin si Ivan sa kanyang ina. Alam naman niyang hindi ito galit. Kahit sa tono ng pananalita nito ay walang bahid ng anumang galit.
"Basta Ma, kapag naging maganda ang resulta ng lakad ko, ipapakila-" naputol niya ang sasabihin. "Sasabihin ko agad sa inyo."
"Ivan?" tawag ni Divina na natatawa. "Alam ko na yan. Buking ka na. Babae nga. Tama ako."
"Ma?" natatawa rin nitong saway sa ina.
-----
Nagising kinabukasn si Ivan sa malakas na katok. Alam niyang ang ina niya iyon dahil sa boses na na nagmumula dito.
"Ivan, tanghali na aba, gumising ka na."
"Opo" sigaw niya.
"Nag-luto ako ng paborito mo." sigaw pa rin ng ina sa likod ng pintuan.
"Opo."
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka tumatayo dyan."
"Eto na po tatayo na."
Alam niya na hindi talaga siya titigilan ng ina. Lagi naman na ganoon ang sistema kapag may gusto itong ipagawa. Magluluto ng paborito niya, tapos yun pala may favor lang ang ina.
Binuksan niya ang pinto at nabungaran niya ang ina na kakatok pa sana.
"Ma? Bakit?" nakasimangot niyang tanong sa ina.
"Anong bakit?" tono ng naglalambing. Naka-ngiti. "Tanghali na. Nagluto ako ng spaghetti ngayon kaya kailangan mo nang bumangon."
"Sige po, baba na ako."
Alam kasi ng ina na hindi niya mahihindian kapag spaghetti na ang naka-hain sa mesa.
"Sige hihintayin kita sa baba. Bilisan mo."
Halata ni Ivan ang posibleng mangyari mamaya dahil sa tono ng pagkakasabi na iyon ng ina.
"Opo."
"Teka." muling lumingon si Divina na tatalikod na sana.
"Bakit?" nakakunot ang noo niya.
"Kamusta ang lakad mo kagabi? Ha?" may pangungungulit ang pagtatanong ni Divina.
Napatingala at napatirik ang mga matra ni Ivan ng marinig ang tanong ng ina.
"Bakit nagtatanong lang naman?" depensa agad.
"Walang kwenta."
Nan-laki ang mata ni Divina. Sabay ngiti at tumalikod. Habang naglalakad palayo sa kanya ay may hinuhuni itong na kung anong salita. Hindi niya maintindihan pero alam niyang may halong pang-aasar.
"Si mama talaga." nasabi na lang niya at muling tumalikod sa pinto at tinungo ang kanyang kama. Muli siyang humiga.
"Hay, buhay. Kapag minamalas ka nga naman." sabay buntong-hininga.
Gusto niya pang matulog pero alam niyang babalik ang kanyang ina kapag nagtagal pa siya doon. Ganoon iyon kakulit. Pero hindi siya naiinis sa ginagawa ng ina dahil mas lamang ang nararandaman niyang sweetness sa ginagawa nito.
Tumayo siya at tinungo kung nasaan ang stereo at gusto niyang makinig ng music. Malamang na rock ang piliin niya. Ilang pindot lang ang nangyari nang makahanap siya ng istasyong kasalukuyang nagpe-play ng rock music.
Nagkaroon ng kasiglahan ang katinuan niya ng marinig iyon. Tinodo niya ang volume, at halos maghead-bang siya kasunod sa saliw ng musika.
"Tama-tama para makalimot. Wooo." sigaw niya.
Hindi niya tinapos ang awitin dahil bumaba na siya para tunguhin ang hapag-kainan. Kahit sa baba ay dinig niya ang tugtog na nagmumula sa kanyang kwarto dahil sa lakas.
Nakita niya ang kanyang ina na naghahanda sa lamesa.
"Ano ba naman iyan." reklamo ni Divina. "Ang lakas. Baka magreklamo ang kapit-bahay natin niyan."
"Sinong magrereklamo eh wala naman tayong kapit-bahay sa lugar natin." paliwanag niya.
Napansin ni Ivan na naka-titig sa kanya ang ina. "Bakit ma?"
"Wala. Hindi mo pa nga pala alam."
"Na ano?"
"Mamaya malalaman mo." ngumiti ang ina. "Kumain ka na muna."
Kasalukuyan na silang naka-upo sa harap ng lamesa, kumakain at iba na ang naka-ereng kanta ngunit rock pa rin.
"Kamusta ang lakad kagabi?" tanong ni Divina. Halatang sabik malaman ang detalye.
"Wala nga pong kwenta."
"Akala ko pa naman may iuuwing babae na ang anak ko."
Natawa si Ivan.
"Ano ba nga iyong lakad mo? A-ano ba talaga ang nangyari? Bakit... walang kwenta?"
Nag-isip si Ivan kung sasabihin ang katotohanan.
"Nakipag-eyeball ako sa isang ka-textmate ko."
Nanlaki ang mata ni Divina sa narinig.
"Talaga? Eh anong nangyari? Panget ba? Ano? Hindi mo ba nagustuhan. Aba anak wag ka namang mapili. Bakit hindi ka sumasagot. Ivan, natutulala ka na." sunod-sunod na tanong at pahayag ng ina.
"Ma. Paano ako makakapag-salita eh, ayaw niyo ata ako tantanan ng tanong. Tsaka parang masyado naman yata kayong exaggerative"
Natawa ang ina. "Ano nga?"
"Maganda kaso-" hindi niya naituloy.
"Kaso?" nabitin ang ina.
One look and then yun iba na
malagkit dumikit ang tingin ng mata
Kasabay ng huling tanong ni Divina ay dinig na dinig ni Ivan ang pumalit na awitin na pumailanlang sa ere na nagmumula sa kanyang kwarto.
Napatayo siya.
"Parang nang-aasar pa ang awitin. Bad-trip." nasabi niya nang mahina.
"Ha?" naguguluhan ang ina pero sa loob loob natatawa ito sa naging reaksyon ng anak.
"Sandali po." at dali-daling umakyat si Ivan para patayin ang kaninang binuhay na stereo.
Everyday parating we're together
Every week, palaging may sleepover
Ang tawag nya sa mommy ko ay tita
Bakit ba, di ko non nakita
Muling naalala ni Ivan ang nangyari kagabi. Nakaka-relate ba siya sa kanta? Halos lundagin niya paakyat ang mga baitang makarating lang kaagad sa kanyang kwarto. Nang makapasok sa kanyang kwarto ay agad-agad niyang pinatay ang stereo.
"Hayss sa wakas." humihingal niyang sambit.
Ngunit parang nadidinig pa rin niya ang awitin kahit pinatay na niya ang stereo. Baka utak na lang niya ang gumagawa noon. Pero hindi, mukhang nanggagaling sa labas ang awiting kapareho ng ayaw niyang marinig.
Napalikod siya sa stereong kaharap at tumingin sa labas ng kanyang bintana. Doon niya laman na sa kaharap na bahay niya nanggagaling ang musika na masakit sa kanyang pandinig.
"At kelan pa nagkaroon ng tao diyan?" tanong niya sa sarili.
This guy's in love with you pare,
This guy's in love with you pare
This guy's in love with you pare
Bading na bading sayo...
Di na ako makasagot ng telepono
Palagi nyang kinakausap ang parents ko
Kulang daw sa tulog at di na makakain
Bakit ba? di pa non inamin
This guy's in love with you pare
This guy's in love with you pare
Bading na bading sayo...
Di na ako makasagot ng telepono
Palagi nyang kinakausap ang parents ko
Kulang daw sa tulog at di na makakain
Bakit ba? di pa non inamin
Saka niya muling naalala ang nangyari kagabi.
-----
"Dito na ko." ito ang text ni Ivan sa ka-text.
Napag-usapan nila na magkita sila sa isang mall. Na-una na ang ka-text sa pinag-usapang mall at ngayo'y si Ivan ang humahabol.
Nangi-ngiti si Ivan habang tinutungo ang daan papuntang food-court.
Hahanapin ni Ivan ang ka-textmate niya batay sa ibinigay nito kung paano siya makikilala. Pero kahit hindi naman nito ibigay pa ang detalye kung ano ang suot nito o kung anong kulay ng suot dahil alam na ni Ivan ang mukha nito. Tandang-tanda niya iyon dahil sa mga pinadalang mms nito kamakailan lang. Siyempre, pinagsawaan niyang pakattigan iyon sa kanyang cellphone at ginawa pa niya iyong backgroud image lagi niya lang masilayan ang magandang mukha ng kanyang ka-textmate na ngayo'y makikipag-eyeball na sa kanya.
Nang marating na niya ang food court, agad-agad siyang lumingo-lingon para hanapin ang babaing naka-suot ng kulay pink. Madali naman niya itong nakita ngunit nakatalikod ito sa kanya.
Habang papalapit, naglalaro ang kanyang isipan.
"Ang haba ng buhok. Kahit nakatalikod alam ko nang maganda ang ka-eyeball ko. Yes."
Nasa likuran na siya ng ka-eyeball ng naramdaman nitong may tao sa likod niya. Bahagyang nagulat si Ivan sa ginawang paglingon ng nasa harap. Magsasalita nga dapat siya nang na-una itong magsalita.
Naka-ngiti ito. "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Ivan?" sabi nito sa baritonong boses.
Parang nabuhusan si Ivan ng malamig na tubig nang marinig nito ang kababaan ng boses. Nangilabot siya. Hindi karaniwan ang ganoong boses sa isang babae. Patay.
"Bakit hindi ka na makasagot?" muli nitong tanong sa ganoon parin tono. Walang pagbabago.
"Mukhang yun nga ang natural nitong boses?" sa isip-isip niya. "O-o ako n-nga si I-ivan." nagkakanda piyok-piyok si Ivan sa pagsaot hindi niya inaasahan na ganoon ang kanyang ka-textmate. "Sagit lang ha? Punta mo na ako sa c.r. Alam mo na."
"Samahan na kita."
Para kay Ivan nakakaloko ang mga ngiting nasilayan niya sa mga labi ng ka-eyeball.
"Hindi na. Wait ka na lang dito. Ok?"
"Ayaw mo?"
"Ok lang ako. Sandali lang talaga."
"Sige na nga."
Pagkatapos noon ay nagmadali siyang nagpuntang c.r... kunyari.
"Shit." mura niya sa sarili habang binabagtas ang daan. "Bakit ganoon? Akala ko pa naman babae yun pala bakla." napapatiim-bagang siya.
Hindi kasi akalain ni Ivan na nakikipag-textmate pala siya sa isang bading na ang buong akala niya ay babae.
"Mukhang babae naman ang pinapadala niyang mms sa akin ah? Shit." muli siyang napamura.
Pero parang naka-ramdam din siya ng pagka-konsensiya dahil sa pang-iiwan niya.
"Hindi. Tama lang iyon. Niloko niya ako." paliwanag sa sarili niya. "Ang laki ng boses. Hindi ko akalain yun. Ang ganda ng mukha kaso ang boses patunay na bading."
Nakasakay na siya sa dala niyang kotse. Hindi na muna niya iyon pinaandar. Nagpakawala muna siya ng maraming malalalim na hininga masigurado lang na hindi nag-iinit ang mukha niya sa inis, galit, disappointment, at kahihiyan na rin sa ginawang pagtakas.
-----
Muli siyang nagbalik sa kasalukuyan nang matapos ang awitin may tama sa kanya. HIndi man punto por punto pero ang tauhan sa awitin ay ang kinaayawan niya.
Noong una, nang magpunta sila sa sementeryo nang dalawin nila ng kanyang ina ang yumao niyang ama, ay naka-kita siya ng dalawang magkapareho ng kasarian na nagpapahayag ng kanilang pagmamahalan at natapos niya ang pagmamasid ng naghalikan pa ang mga ito.
Tapos, kina-gabihan lang, bading parin. Hindi na ba matatapos ang panggigitil ng kanyang mga ngipin sa sobrang inis?
Kanina pa nga tapos ang awitin at napalitan na ito ng ibang awitin. Patuloy pa rin siya sa pagkakatayo sa may bintana.
"Bwisit." nasabi niya sa kawalan. "Sira ang kahapon ko, mukhang pati ngayon ay sisirain pa rin? At mukhang sira na nga."
Pagkatapos noon ay tumalikod na siya at muling bumaba.
-----
"Ano ba ang problema mo anak?" tanong ni Divina nang muli siyang maka-upo at magpatuloy kumain.
"Kasi Ma, akala ko, babae yung dapat na ka-eyeball ko kagabi. Yun pala bading Ma."
Natawa si Divina.
"Ma? Nakakainis na nga, tinatawanan niyo pa ako."
"Nakakatuwa lang kaai anak. Naalala mo yung naandoon tayo sa sementeryo...?"
"Opo" sagot kaagad ni Ivan para maputol ang gusto nitong ipaalala. "Huwag mo nang ipaalala."
Muling tumawa si Divina.
"Bakit ba Ma?" naiinis niyang tanong.
"Wala lang. Masama bang tumawa?"
Huminga na lang siya ng malalim ayaw na niyang sumagot, gusto niyang makalimot.
"Mmm... paano kung nagkaroon ka ng bading na kaibigan?"
"Ma? Ayoko ng ganyan. Ayoko na nga isipin ang nangyari kagabi."
"Malay mo lang kasi... alam mo naman ngayon. Maaring kapit-bahay mo pala eh bading."
"Ang kulit naman ni Mama. Wala na kaya ta-" bigla niyang naalala na may tao na pala sa kabilang bahay.
"Malay mo nga lang Ivan. Kunyari, dati mong kalaro, tapos muli kayong nagkita eh bading pala?"
"Si Mama talaga gusto pang pahabain ang tungkol sa mga yan?"
"Oo na nga. Sige na titigil na ako. Na-mimiss ko lang kasing kulitin ng one and only son ko." at ngumiti ang ito ng ubod ng tamis.
"Ok."
"Basta mamaya huwag kang aalis ha?"
"Bakit po?" alam ni Ivan na naroon na ang favor ng ina.
"Pupunta tayo sa kabila."
"Sang kabila?"
"Dyan sa tapat natin. Dumating na kasi si Tita Laila mo."
"Ah, bumalik na pala sila diyan. Kaya pala may nagpapatugtog na."
"Napansin mo na pala. Kagabi lang sila dumating. Niyaya nga akong duon na sa kanila maghapunan. Sabi ko naman, ngayon na lang gabi para kasama kita. Pumayag naman sila. Kaya gusto ko huwag ka munang umalis mamaya. Ok ba yun?"
"Ok."
"Usapan yan ha?" parang kasing edad lang niya ang anak kung makipagkasundo siya kay Ivan.
"Opo. Alam ko na naman na may favor kayo eh."
Tumawa ito. "Saka nga pala, andiyan narin Mico ang dati mong kalaro."
"Talaga." hindi naman sobrang excited si Ivan na nalaman.
"Oo. Kaya kaibiganin mo ha. Baka kasi manibago dito si Mico."
"Sure."
Tamang-tama yun kay Ivan. Sa lugar kasi nila sa loob ng village na iyon halos wala pang naka-tirik na kabahayan. Meron man dalawa tatlo halos wala namang naka-tira dahil puro nag-migrate kung saan-saan. Ang naging kaibigan niya lang doon ay ang anak ng kapit-bahay nila na si Mico nga. Kaso umalis din ito at hindi niya alam kung saan nagpunta. Ngayon nga ay nagbalik na. Mga ilang kalye pa bago magkaroon ng maraming tao sa paligid at kabahayan. Nakakasalamuha niya lang ang mga ito kapag naglalaro siya ng basketball sa clubhouse.
Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. Humiga siya sa kanyang kama pero hindi na siya dinadalaw ng antok. Minabuti nalang i turn-on ang kanyang computer. Noong una ay nag-eenjoy pa siya sa kung ano-anong nababasa, napapanood sa youtube. Napa-gawi na nga rin siya palabas na maselan.
Inabala niya ang sarili sa panonood ng mga porn clips. Bigla niyang naalalang bukas nga pala ang pinto. Tumayo siya at sinara ang pinto ng sigurado. Madalas na niyang gawin iyon, ang manood ng porn clips. Lalo na nang bago pa lang ang internet connection niya pero habang tumatagal ay nakaka-sawaan na rin niya.
Habang pinanonood ang palabas, nakakaramdam na siya ng pag-iinit ng katawan. As usual, ang nagiging epekto ng panonood ng ganoong uri ng palabas. Talaga namang napapasalat pa ang kanyang kamay sa kanyang puson pababa sa kanyang...
Nakarinig siya ng agos ng tubig na nagmumula sa hose. Ang tunog na iyon ay nanggagaling sa labas. Nakaka-curious siya kung sino ang gumagamit na iyon. Kaya itinigil niya ang ginagawa at sumilip sa bintana para matanaw kung saan iyon talagang nagmumula.
Nakita niya sa kabilang bahay sa tapat na may isang maputing...
"Lalaki ba iyon? Pero ang kutis parang babae?" tanong niya sa sarili ng makita kung sino ang gumagamit ng hose na iyon. Nakatalikod kasi kaya hindi pa niya mamukhaan.
Alam niyang magpapaligo ito ng aso pero ina-adjust pa nito ang agos ng tubig. Nang maayos na ay humarap na ang may hawak ng hose.
"Ay lalaki nga. Pero teka, bading nanaman?"
Nahalata ni Ivan na bading iyon nang tawagin nito ang aso.
"Ano ba naman iyan bakit ba bading na naman ang nakikita ko?"
Nang tinamaan na ng tubig ang aso nagpupumiglas ito at nagbisik ng katawan na ikina-inis ng nagpapaligo. Natawa nang bahagya si Ivan sa hitsura ng lalaking pinaghihinalaan niyang bading sa nakakatawa nitong reaksyon.
may karugtong...
3 comments:
bakit po bumalik sa chapter 1? :(
wala na bang karugtong ang chapter 25? :(
was hoping na maipagatuloy yung kwento. after the long wait... it's back to chapter 1.
ewan q nga din bkit naisipang pang i post mampasikip lng nmn ang re post....
Post a Comment