Followers

CHAT BOX

Monday, March 21, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 3


"Good morning tita." bati ni Mico kay Divina.

Kina-umagahan ay bumisita si Mico sa bahay nila Ivan. Nakita agad ni Mico si Divina na naka-upo sa isang sofa na may hawak na news paper sa living room.

"Oh, Mico ikaw pala." nagalak si Divina na makita si Mico.

"Yes tita. Hindi sana ako nakaka-istorbo."

"Oo naman. Mabuti nga iyon at may maka-kuwentuhan ako."

"Talaga tita. E di, dito na ako magtatambay araw-araw." sabay tawa.

Natawa rin si Divina. "Welcome na welcome ka dito. Para may maka-usap na rin si Ivan ko. Lagi kasing nabuburo sa kwarto ngayong walang pasok."

"Kung kakausapin ako ng anak ninyo tita, eh mukhang hindi maganda ang pagkikita namin? Remember..."

"Oo nga eh. Pasensiya ka na kay Ivan ha?"

"Wala po yun, inaasahan ko naman po yun. San nga pala si Ivan, tita?"

"Sigurado tulog pa iyon."

Hindi na kumibo pa tungkol doon si Mico. Nag-iba na lang siya ng topic.

"Tita, wala ba kayong lakad ngayon?"

Napa-isip si Divina sa tanong ni Mico. "Sandali. ano bang  araw ngayon?"

"Biyernes po."

"Ay oo nga pala mamayang hapon may pupuntahan ako. Buti napaalala mo."

"Ganoon po ba?"

"Teka, bakit mo naitanong?"

"Wala lang po. Napansin ko po kasing medyo, hindi na updated yang kulay ng kuko ninyo sa daliri."

Natawa si Divina sa ka-prangkahan ni Mico. "Napansin mo ha? Oo nga eh, wala na akong time magpaganda simula noong mamatay ang tito Henry mo." ang tinutukoy ni Divina ay ang asawa.

"Ay sorry po tita."

"Wala iyon."

"Pero tita, since mamayang hapon pa ang lakad mo, papagandahin kita."

Nan-laki ang mata ni Divina. "Talaga? Marunong ka?"

"Yes tita, magtiwala ka sa akin."

"Sige nga. Wala ka bang gagawin?"

"Opo, wala po akong gagawin. Tita babalik muna ako sa bahay ha? Kukunin ko lang ang gamit ko."

"Sige maglilinis na rin muna ako ng katawan. Teka, gusto mo gawan kita ng paborito mo?"

"Huwag na tita, hindi pa ubos yung chocolate cake kagabi. Alam mo na po, sinolo ko kasi. Ako lang talaga ang kumakain." sabay tawa.

"Sige."

Bumalik si Mico sa sarili niyang bahay para kunin ang gamit niya sa pagpapaganda. Habang naglalakad, nangingiti si Mico.

"Yes, simula na ng plano. Mas lalong magiging close na kami ni Tita Divina." sabay tawa.

Plano niya kasing mas lalong maging close kay tita Divina niya para may karapatran siyang mamalagi sa bahay nila Ivan. Sa ganoon, lalo siyang mapapalapit kay Ivan, sa ayaw o sa gusto ng huli.
-----

Habang pababa ng hagdan si Ivan ay nakakarinig siya ng tawanan sa baba. Pupungas-pungas pa siya nang masilayan kung sino ang mga iyon.

"Ang aga-aga naandito na yang bading na yan?" nanlalaki ang butas ng ilong ni Ivan.

"Ivan gising ka na pala." bati ng ina.

Dahil nakatalikod si Mico, napalingon siya para makita si Ivan. "Good morning Ivan." pinilit ni Mico na maging matamis ang pagkakabanggit niyon.

Para naman kay Ivan iyon ang pinaka-nakakasukang narinig niya. Tumalikod siya at duon pasimpleng iminuwestrang nasusuka.

"Ivan." tawag ni Divina. "Binabati ka ni Mico."

"Good morning din." sagot agad ni Ivan at muling tumalikod. "Sinabi ko ba kasing batiin ako. Close? Eww!" 


Alam ni Mico ang ibig sabihin ng ginagawi ni Ivan. Kaya mas lalong gumagana ang utak niya kung paano niya guguluhin ang buhay ni Ivan. Ngayon pang simula na ng closeness nila ng tita Divina niya.

"Sige lang. May araw ka rin." lihim siyang natatawa.

"Pasensiya ka na kay Ivan ha?"

"Wala yun tita."

Ipinagpatuloy ni Mico ang pagpe-pedicure kay tita Divina.

"Pero alam mo mabait yan si Ivan. May nangyari lang kasi na hindi nagustuhan ni Ivan kaya parang may trauma pa sa mga bading." sabay tawa ni Divina.

Napa-angat ang mukha ni Mico sa narinig. "Trauma? Bakit na trauma si Ivan sa mga bading?"

"Ewan ko sa kanya kung trauma talaga ang tawag dun sa kanya."

"Mmm ano kaya yun. Tita baka pwede po ninyong ikuwento sa akin?"

Muli itong natawa. "Mamaya, pag-akyat ni Ivan. Hintayin nating maka-tapos mag-almusal."

"Talaga tita? Yes."

"Teka nag-almusal ka na ba?"

"Opo, yung cake."

"Talagang paborito mo iyon ha?"

Tawa ang isinagot ni Mico.
-----

"Ma, may ipapagawa po ba kayo sa akin?" tanong ni Ivan matapos makapag-almusal.

Agad na sumagot si Divina. "Wala anak. Sige na, gawin mo na ang gusto mong gawin." matamis ang pagkakangiti ni Divina sa anak.

"Ang saya yata ni Mama ngayon?" sa isip ni Ivan at tumalikod na para tunguhina ang kwarto.

Si Mico naman ay lihim na nangingiti dahil maririnig na niya ang tungkol kay Ivan.

"Tita wala na si Ivan po."

"Oo, kaya ko nga pinaalis dahil para makuwento ko na sa iyo."

Ikinuwento nga ni Divina kay Mico ang nangyari kung bakit ganoon si Ivan sa mga bading na tulad niya.
Napa-ngiwi naman soon si Mico.

"Kaya pala tita."

"Pero huwag kang mag-alala darating din ang araw magiging okey din kayo niyan ni Ivan."

"Sana nga po."

"Pero hindi lang yun, bago pa man mangyari yung gabi, nasa sementeryo kami para dalawin ang ninong mo, nakita niyang may dalawang lalaking nagyayakapan at naghalikan pa nga."

Nagkatawanan silang pareho.

"Na-trauma nga po talaga."

"Tapos nalaman niyang-" hindi naituloy ni Divina ang sasabihin. Natawa na lang.

"Sorry na lang siya tita, eh kapalaran niya talagang magkaroon ng friend na bading." napamaywang pa si Mico habang nagsasalita na ikinatawa ni Divina.
-----

Ang aga-aga ay badtrip kaagad si Ivan.

"Bakit naman ang aga naandito ang bading na iyon? Buwisit."

Kanina pa siya kaharap ng kanyang computer pero walang pumapasok sa kanyang utak sa mga kung ano-anong nasa-site niyang webpage.

"Mukhang magtatagal pa iyon dito. Sigurado hindi lang ngayon, maraming araw pang magugulo ang buhay ko. Paano kapag dito na iyon manirahan. Patay kang bata ka."

Nahampas niya ang keyboard na bahagyang tumalbog na naging sanhi ng pagdulas na muntikan ng mahulog. Buti nalang at nasalo agad niya.

"Bwisit naman oh."
-----

"Ayan tita, tapos na."

Tinignan ni Divina ang kanyang mga kuko sa paa. "Oo nga magandang-maganda na."

"Sa kamay naman po."

"Teka, pwede bang mamaya na lang? Kasi hindi pa ako nakakapagluto."

"Oo naman tita."

"Bibilisan ko ang pagluluto ko tapos ituloy na natin ha?"

"Sure, tita."

"Dito ka na rin mag-lunch ha?"

"Sige po pero magpapaalam muna ako sa bahay na naandito lang ako. Hindi pa po kasi alam ni Mama na naandito ako eh. Tulog pa kanina nang umalis ako."

"Sige basta dito ka na magla-lunch."

"Opo tita sigurado."

Nang sandaling iyon ay pababa naman si Ivan. Narinig ni Ivan ang huling salita ng kanyang ina.

"Dito pa kakain ang bading na iyon. Ayos talaga eh no."


"Oh Ivan, andiyan ka pala?"

"Kabababa ko lang po."

"Sige tita balik muna ako sa bahay. Ivan, alis muna ako. Tita babalik  agad ako."

"Sige." si Divina.

At tumalikod na si Mico.

Nang makaalis si Mico ay nagsalita si Ivan. "Babalik pa talaga."

Narinig iyon ni Divina. "Ivan?" saway sa anak. "Bakit ba lagi kang inis kay Mico? Mabait na bata iyon. Hindi iyon tulad ng iniisip mo."

"Basta ayoko ng kaibigang bading Ma."

"Ivan?"

"Si Mama naman eh."

"Basta paki-tunguhan mo ng mabuti si Mico. Hindi na siya iba sa atin." matigas na ang tono ni Divina.

"Oo na Ma." pagsunod ni Ivan.

Pero sa loob-loob ni Ivan, "Asa ka Mico."


"Dito si Mico kakain si Mico ng lunch, kaya walang panglalaki ng butas ng ilong ha?" nakangiti si Divina ng paalalahanan niya si Ivan.

"Halata ba Ma?" natatawa si Ivan sa pambubuking ng ina.

"Hinde..."

Nagkatawanan sila.

"Ano ba ang lulutuin mo, Ma?"

"Di ko pa nga alam kung anong meron tayong stocks." natatawa si Divina.
-----

"Kumain ng kumain ha, Mico?" paalala ni Divina habang nasa hapag-kainan sila.

Nagluto si Divina ng tinola dahil na rin sa mungkahi ni Ivan. Tatlo silang kumakain sa hapag-kainan pero walang imik si Ivan. Malayo ang agwat ang pwesto nito kay Mico. habang magkaharap naman sina Divina at Mico.

"Mico, tapos ka na?" tanong ni Divina ng makitang inilapag na ni Mico ang kutsara't tinidor sa gild ng plato nito.

Ngiti ang isinagot ni Mico.

"Bakit hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?"

"Ang arte..."  sa isip ni Ivan.

"Hindi naman po, tita. Masarap po, walang duda. Kaya lang ang dami kong nakaing cake kanina. Chocolate pa man din iyon, kaya... alam mo na tita."

"nagda-diet Ma." si Ivan ang sumagot.

"Himalang sumasagot? Ganoon na nga po tita." naka-ngiting sagot ni Mico.

"Ah kaya pala." si Divina at iniabot nito ang ube halaya nasa plato. "Pero tikman mo rin ito."

"Sige titikim po ako."

Kinuha ni Mico ang nasa tabing platito at tinidor at humiwa ng maliit na piraso ng ube halaya.

"Mmm tita, ang sarap naman nito. Saan po galing?"

"Si Ivan ang may gawa niyan." sagot ni Divina naibinibida si Ivan.

Napa-tingin si Ivan sa ina. Kitang-kita ni Divina sa mata ni Ivan na nagtatanong kung bakit niya iyon sinabi na wala namang talagang katotohanan. Wala kayang alam sa lutuing bahay si Ivan. Hindi naman iyon napansin ni Mico.

"Ang sarap talaga. Mukhang sira ang diet ko nito ah." napatawa si Mico.

"Alam mo Mico, kahit ano pa ang figure mo okey lang sa paningin ko."

"Pero tita ayoko talagang tumaba. Baka wala ng magkagusto sa akin niyan." pero panay parin ang subo ni Mico ng halaya.

Natatawa nalang si Divina. Pero si Ivan na nabilaukan nang marinig ang mga huling sinabi ni Mico.

"Oh, Ivan. Okey ka lang?" si Divina.

Kinuha ni Ivan ang baso ng tubig.

"Umaasa pang magkakaroon ng karelasyon? Yuck!" sa isip ni Ivan. "Pero malay mo, dun nga sa sementeryo may dalawang lalaking nagsisigawan ng i love you. Pero yuck talaga."


"Okey ka lang Ivan?" muling tanong ni Divina.

"Yes Ma. Nalunok ko lang ang tinik este, yung buto ng manok." sabay ng tingin ng maka-hulugan kay Mico.

Hindi na pinansin iyon ni Divina.

Natawa naman si Mico. "Talaga lang ha?"

Sa isip-isip ni Divina mukhang matatagalan pa bago maging okey ang dalawa. Napa-ngiti na lang siya sa nakikitang isnaban ng dalawa sa tuwing magkakasalunong ang mga mata. "Bahala na nga kayo kung paano kayo magkagulo." nasabi nalang ng isip niya at ngumiti.
-----

"Himala yata Ivan, t.v. ang pinag-kakaabalahan mo ngayon?"

Nagpatuloy na sina Mico at tita Divina sa ginagawa. Habang si Ivan ay naka-upo at nanonood ng t.v.

"Wala lang." sagot ni Ivan.

Sinadya niya talagang maglagi sa baba dahil naamoy niyang siya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Wala na bang connection ang computer mo?"

"Meron po. Ma, gusto ko lang manood ng t.v."

"Okey, nagtaka lang naman ako eh."

"May internet connection po pala si Ivan dito?" tanong ni Mico. May naisip siyang kapilyahan.

"Oo, bakit Mico gusto mong maki-gamit?"

Biglang lumaki ang tenga ni Ivan sa mga naririnig. Napa-sama pa ata ang pagtatanong ng ina sa kanya tungkol sa internet connection. Mukhang balak makigamit ni Mico sa loob-loob niya.

"Kung pwede lang po."

"Oo naman. Welcome na welcome. Di ba Ivan."

Napaharap si Ivan sa ina. Hindi naman siya nakikita ni Mico dahil naka-talikod ito. Pinandilatan niya ang kanyang ina. At ginantihan naman siya ng ina na pinauunawang sumunod siya sa gusto ng ina. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa pagkaka-ayos sa pagkaka-upo.

"Bwisit talagang bading na ito. Pati kwarto ko papasukin?"


Kahit naka-talikod si Mico nakakaramdam siya. Nagsasaya ang kalooban niya dahil nasusunod ang gusto niyang mangyari. Salamat kay tita Divina niya dahil mabait ito sa kanya kaya bilang ganti sisiguraduhin magiging maganda ito mamaya.
-----

Simula sa buhok, sa mukha, sa kamay at sa paa ay nabago ni Mico si Divina.Halos alas-kwatro na sila natapos. Handa na si Divina para sa birthday party ng amiga niya.

"Hanga talaga ako sayo, Mico. Hindi ko akalaing mapapaganda mo ako ng ganito." tuwang-tuwa na pahayag ni Divina kay Mico habang nakatingin sa malaking salamin. "O siya, okey na ako di ba? Aalis na ako."

"Sige po tita ingat na lang po."

"Magpahinga ka muna diyan, alam ko pagod ka na. Huwag muna akong ihatid sa labas si Ivan na lang."

Pagod na nga siya kaya ngiti na lang ang isinagot niya.

Si Ivan naman ay hindi maipinta ang mukha kanina pa habang nagmamasid sa dalawa. "Wooo... Mico, Mico ang galing mo naman. Salamat. Ang galing mo talaga. Wala na akong narinig puro Mico ah?"


Kahit sa paghahatid sa labas ay hindi pa rin mawala ang lukot sa mukha ni Ivan na napansin ng kanyang ina.

"Ivan, kanina ka pa?" paalala ni Divina sa anak.

"Bakit nanaman Ma?"

"Ang mukha mo, ayusin mo."

"Ma?"

Tinignan lang ni Divina si Ivan. Pagkatapos ay sumakay na ito sa driver seat ng kotse. Binuksan ni Ivan ang gate para makalabas ang kotse. Nang tuluyan nang makalabas ang kotse ay tumigil ito at binuksan ang bintana  at nagpaalala kay Ivan.

"Ivan?" tawag niya. "Walang gulo ha?"

"Yes Ma?"

At muli na nitong pinaandar ang sasakyan.

Nang wala na sa paningin ni Ivan ang kotse ay muli na siyang bumalik sa loob ng bahay. Duon ay nakita niyang naka-upo si Mico sa mahabang sofa. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito. Saka lang niya nalamang naka-pikit ito nang umupo na siya sa isang sofa.

"Wow, akala ko nanonood. Tulog na pala." si Ivan.

Pinagpatuloy ni Ivan ang panonood sa t.v. nang mapansin niyang umayos ng pagkaka-upo si Mico halata niyang nahirapan ito sa ayos nito. Napapakunot lang ang noo niya. Ngunit maya-maya pa ay tuluyan ng humiga patagilid si Mico sa sofa paharap sa kanya.

"Talaga naman. Feeling at home?" sabi niya ng mahina. Lalong bumusangot ang mukha niya.

Nilakasan ni Ivan ang volume ng t.v. Bahala na kung maging bastos basta maistorbo lang niya si Mico. Pero walang epekto sa pagkakatulog ni Mico ang ginawa ni Ivan. Kaya, muli niyang nilakasan ang ang t.v. Saka lang gumalaw si Mico.

Imbes na tumayo si Mico sa pagkakahiga ay tumalikod siya. Naningkit ang mata ni Ivan dahil doon.

"Aba't talaga namang-"

Napatigil siya sa sasabihin nang biglang iniusli ni Mico ang kanyang puwetan na sakto sa direksyon ni Ivan. Para bang nang-aakit.

Kitang-kita ni Ivan ang makikiinis na hita sa likuran ni Mico. Napadilat ang mga mata niya. Nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan kaya napatayo siya. At muling gumalaw si Mico na mas lalong umangat ang laylayan ng shorts nito.

Mas lalong nanlaki ang mata ni Ivan. Para ba siyang nanonood ng porn video clips na sa una ay nanunukso sa ganoon ding paraan. Namamawis ang kanyang noo.

"Gising Ivan, bading yan." saway niya sa sarili.

Agad niyang pinatay ang t.v. at tumakbo paakyat sa kanyang kwarto.

"Pasaway na bading na iyon ah. Gusto pa akong akitin ha?" sabi niya ng maka-pasok sa kwarto. "Paano ka aakitin nun, eh tulog yun?" 
-----


Nang marinig ni Mico ang pagkaripas ng takbo ni Ivan ay agad siyang tumayo sa pagkakahiga at tumawa.

"Papansin na Ivan na iyon. Kitang natutulog ang tao eh, lalakasan ang t.v." may halong pagka-irita ang tono ni Mico. "At least nalaman ko nakakaakit pala ako." sabay tawa ng malakas. "Bukas nga uli."

Hindi na muling nahiga pa si Mico. Sa bahay na lang niya siya magpapatuloy magpahinga.

Habang si Ivan na nasa taas ay hindi mapakali ang isipan. Patuloy na ginugulo ang kanyang imahinasyon ni Mico.

may karugtong...

3 comments:

Anonymous said...

bakit inulit ?? hahaha :p

vanessa said...

ano ba yan ,,?? bakit pa ulit2x ??

vanessa said...

wla na bang karugtong ang chapter 25 ?? huh ??