Followers

CHAT BOX

Monday, March 21, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 2

"Vani, wag kang malikot." saway ni Mico habang nagpapaligo sa kanyang alagang aso.

Para namang tao kung makaintindi ang aso at agad itong nag-behave.

"Good dog." natuwa si Mico sa inasal ng kanyang aso. "Ito na, lalagyan na kita ng shampoo. Huwag malikot."

Natapos ni Mico ang pagpapaligo sa aso ng walang kahirap-hirap. Hinugot niya sa pagkaka-sampay ang tuwalya na sinampay niya kanina para ipam-punas kay Vani. Binalot niya ito at kinarga. Papasok na sana siya sa loob ng bahay nang masalubong niya ang kanyang ina.

"Tapos ka na pala." si Laila ang ina ni Mico.

"Yes Ma." ngumiti siya sa ina.

Bahagyang nagulat ang dalawa ng pumiglas si Vani para maka-wala sa pagkaka-karga. Hindi na nag-react si Mico pagkatapos noon. Hinayaan na niyang maglaro ang bagong paligong alaga sa kabuuan ng kanilang bahay. Muli niyang itinuon ang sarili sa ina.

"Ma, bakit po?"

"Gusto lang sana kitang tanungin kung ano ang lulutuin natin mamaya."

"Ah... ganun po ba?" saglit na tumigil si Mico. "Basta Ma, huwag mawawala ang spaghetti ha?"

"Spaghetti?" napa-kunot noo si Laila. "Pang-hapunan ang lulutuin natin."

Alam ni Mico ang tinutukoy ng ina. "Basta Ma, kahit pang-isang tao lang ang luto."

"Teka, wala akong maalalang bata na pupunta mamaya. Sila lang naman ang inimbita natin."

"Yup, pero ang kakain eh baka isip bata pa rin." sabay tawa.

"Ah, alam ko na ang tinutukoy mo." natawa si Laila habang nakatingin ng maka-hulugan sa anak.

"Ma?" saway ni Mico. "Gusto ko lang ma-apreciate niya ang muli naming pagkikita."

"Oo na. Ang lakas maging defensive."

Natawa siya sa pambubuking ng ina. " Siyempre, may ibig sabihin ang tingin nyo eh."

"Pero ano pa ang lulutuin natin?"

Nagbigay si Mico ng ilang ideya para lutuin. Nagtapos sila sa tatlong putahe at ilang panghimagas.

"Okey na ba iyon?" tanong ni Laila para masiguradong final na ang napag-usapan.

"Opo."

"Sige mamimili na kami ni Saneng."

"Ingat po Ma."

Tinawag ni Laila ang kasambahay na nasa likod bahay. Agad naman itong lumapit at pinagpaalaman ni Laila na maghanda at aalis sila para mamili.

Naka-alis na sila Laila habang si Mico ay naiwang malayo na ang nararating sa pag-iisip.

"Ang gusto ko lang maging close kami ni Ivan." napa-kagat labi siya nang mabanggit iyon.

Alam kasi niyang maaring hindi inaasahan ni Ivan na hindi na siya ang dating Mico na kilala ni Ivan. Isa na siyang lalaking may pusong babae.

"Kaya dapat siguro simple lang ako mamaya. Para hindi magulat yung tao." napa-hagikgik siya ng tawa.

Lagi namang updated si Mico tungkol kay Ivan dahil sa facebook. Lagi niyang binubuksan ang proile nito nang hindi ina-add. Kaya malamang na hindi siya kilala ni Ivan dahil pati pangalan niya ay iniba niya.
-----

"Ivan?" tumatawag ni Divina habang kumakatok sa pintuan.

Nagising si Ivan dahil doon. Naka-tulog pala siya pagkataos niyang panoorin ang nagpapaligo ng aso kanina sa kabilang bahay.

"Ma? Andyan na po." sigaw niya ng may pagalang.

"Hapon na, maya-maya lang magdidilim na. Mag-ayos ka na." si Divina sa likod ng pintuan niya.

Napatingin siya sa wall-clock na naka-sabit.

"Alas-kwatro na?" natanong niya sa sarili nang makita ang oras. "Opo Ma."

"Nagluluto na ako kaya mag-ayos ka na ng sarili mo at pupunta na tayo sa kabila."

"Opo."

Narinig ni Ivan ang yabag ng inang papaalis. Minabuti na niyang tumayo. Nahihilo-hilo pa siya ng tumayo. Dumiretso siya sa banyo para umihi.

Sa loob ng banyo, habang nagbabawas ng likidong naipon sa kanyang puson, naisip niya ang bibisitahin mamaya, sa kabilang bahay.

"Parang naeexcite na akong makita si Mico ah? Magkakaroon na ako ng kausap lagi dito. Tama." Nangingiti siya habang nangingiligkig sa huling patak ng kanyang pagbabawas.
-----

"Ma, ano ba ang inihanda mo?"

Napalingon si Divina na nakaharap sa kalan nang magtanong siya. Hindi kasi nito namalayang nasa likuran na si Ivan.

"Potsero. Tikman mo nga kung okey na."

At iniabot ng ina ang sandok kay Ivan.

"Okey naman po." sabi ni Ivan ng malasahan ang niluluto.

Napa-kunot ang noo ni Divina. "Pilit?"

Wala kasing reaksyon o kung ano mang ekspresyon ang mukha ni Ivan.

Natawa si Ivan. "Eto naman si Mama. Siyempre bagong gising ako kaya wala pa ako sa mood. Pero, masarap naman talaga."

"Wala ka namang sinabing masarap kanina. Sabi mo okey lang naman."

"Nagtatampo?" sabay tusok ng daliri sa tagiliran ng ina.

Natawa si Divina dahil nakiliti. "Oo na. Tigilan mo nga yan."

"Asus, gusto lang magpalambing."
-----

Bago mag ala-sais ng gabi ay ayos na si Ivan at ang ina.

"Bitbitin mo na yung pagkain Ivan." utos ni Divina.

Naka-upo si Ivan ng oras na iyon sa sofa. Hinihintay niya ang go signal ng ina. At nang nagbigay na nga ito, ay agad siyang pumunta sa lamesa para bitbitin ang dalawang kwadradong tupper ware. Alam niya kung ano ang nakalagay sa isa ngunit hindi niya alam ang laman ng isa.

"Ma?" tawag niya sa ina.

"Oh?"

"Anong laman nitong isa?"

"Ah yan? Gumawa kasi ako ng chocolate cake kanina."

"Hindi ko alam yun ah."

"Sa totoo lang anak minadali ko yan." natawa ito. "Huwag kang maingay ha?"

"Hala ka?" kunyaring nanakot si Ivan.

"Hindi naman. Kasi, naalala kong favorite pala ni Mico ang chocolate cake di ba? Tanda mo pa ba?"

Naalala niya nang magbatuhan sila ni Mico ng holen dahil inagaw ni Ivan ang cake ni Mico. Bata pa sila noon. Ngayon hindi na niya maalala kung bakit nang-aagaw siya ng pagkain ng may pagkain. Naalala niya kung paano umiyak ng todo si Mico noon. Nagsisigaw ito ng "Ang favorite ko kinuha ni Ivan." Napalo noon si Ivan ng kanyang ama.

Natawa si Ivan sa aalalang iyon.

"Opo Ma naaalala ko pa."
-----

Nakabukas ang gate ng bahay nila Mico. Naunag pumasok si Divina. Hindi dumiretso si Ivan sa may pinto na nakasarado. Hinayaan niyang katukin ang pinto ng ina niya bago siya magpakita. Narinig ni Ivan ang pagkatok ng ina at saglit lang ay nagbukas na ang pintuan.

"Divina." si Laila nang mapagbukasan ang bisita.

"Eto na kami." si Divina.

"Kasama mo na si Ivan?"

Narinig ni Ivan ang palitan ng usapan ng ina at ng Laila. Nakita niyang dumungaw para makita siya nung Laila.
Namangha si Laila nang makita niya si Ivan.

"Ikaw na si Ivan?" tanong sa kanya ni Laila.

Lumapit siya. "Opo ako na nga po."

"Aba ang gandang lalaki talaga ng anak mo mareng Divina."

"Siyempre mana sa Ama."

"Oo nga ano. Teka, pasok muna kayo at duon tayo makapag-kwentuhan."

"Sige." sang-ayon ni Divina. "Ivan, halika na."

Nahuling pumasok si Ivan.

"Pasensya ka na Divina sa bahay ko ha? Hindi pa kami nakakapag-ayos ni Mico eh."

"Wala yun ano ka ba. Alam ko naman yun na puro pahinga muna kayo."

Nagkatawanan ang dalawa.

Dahil narinig ni Ivan ang pangalang Mico, naghanap ang kanyang mata sa paligid. Gusto na niyang makita si Mico. Pero wala siyang makita.

"Halika muna duon, may ibibigay ako sayo." anyaya ni Laila kay Divina. "Ivan, sandali lang ha? May kukunin lang kami ng Mommy mo."

"Sige po." sagot niya.

"Teka, ang mga dala mo nga pala. Akin mailagay ko muna sa lamesa."

"Wag na po Tita. Ako na lang po ang bahala."

"Sige. Hindi ka lang gwapo, lumaki ka ring mabait."

Pagkatapos ay tumalikod na ito.

Tinungo niya ang dining room.

"Ang tagal ko na rin pa lang hindi naka pasok dito." sabi niya sa sarili.

"Ako na ang magdadala niyan." sabi ng isang lalaki sa likuran niya na may paglalambing ang tono.

Napalingon siya sa nagsalita. Bahagya siyang nagulat nang malamang ang nagsalita ay kaninang nagpapaligo ng aso. Yung bading. At tama nga ang hinala niya bading nga dahil sa tono ng pananalita nito.

"Huwag na okey lang ako. Turo mo na lang sa akin ang kusina." tuwiran niyang sabi nang hindi kinikilala ang kausap. Naiinis kasi si Ivan dahil isa na namang bading ang nasa harapan niya ngayon hindi na ba siya. "Pero makinis ang balat ng katulong ha?" napa-hanga pa siya sa kinis ng balat ng bading na inaakala niyang katulong.

Naka-shorts lang kasi ito na kita ang mapuputi nitong hita at t-shirt na maluwang na halatang sadya ang tabas para sa mga katulad nitong bading.

Napa-taas ng kilay ng kausap. "Sige. Duon" Inginuso kung saan ang papuntang kusina.

Tumalikod si Ivan.

Inilapag niya ang mga dala sa lamesa. Bahagya pa niyang inurong ang ibang nakahanda sa lamesa.

Nang mai-ayos na niya ay tumalikod na siya para tunguhin ang sala. Nagulat siya nang malingunan niya ang kaninang kausap.

"Bakit ka nagulat?" tanong nito na natatawa habang naka-taas ang isang kilay.

Hindi siya sumagot. Para siyang kinikilabutan pag nakikita niya iyon. Nagpatuloy  na lang siya sa paglakad. Umupo siya sa isang single sofa na paharap sa t.v. na nakapatay.

Napansin ni Ivan na sa isang gilid ay nakatayo ang bading na tila ay pinagmamasdan siya. Naasiwa siya.

Maya-maya pa ay dumating na ang kanyang ina at ang tita Laila niya galing sa isang kwarto.

"Oh, Ivan nagkita na pala kayo ni Mico?"

Ang bilis ng  panlalaki ang mga mata ni Ivan sa narinig.

"What? Tita, you mean..." napatingin siya sa bading na tinutukoy na si Mico.

"Bakit?" nagtaka si Laila ng bahagya. Kay Mico ito muling nagsalita. "Mico, hindi ka pa ba nagpapakilala?"

Ngumiti muna si Mico ng ubod ng tamis. "Opo."

"Ay ano ba yan... Sorry Ivan. Siya si Mico ang kababata mo." pakilala ni Laila. Pagkatapos ay muling itinuon ang pansin kay Mico. "Mico, ipakilala mo ang iyong sarili."

Parang hindi mapaniwalaan ni Ivan na si Mico na pala iyon.

"Pero bakit? Paano nangyari yun? Paano na ang mga plano ko. Hindi siya pwede." lihim niyang tanong sa sarili. Gusto niyang magsalita ng eww pero alam niyang hindi tama iyon. Hindi niya talaga maatim na si Mico ay isang bading. Hate niya ang mga bading lalo na dahil sa pangyayari last night.

Si Divina naman ay tahimik lang na nnagmamasid at naka-ngiti.

"Mmm Ivan, ako si Mico." pakilala ni Mico sa sarili. "Pasensiya na kung hindi ako nagpakilala kanina." ngumiti siya at iniabot ang kamay.

Parang hindi maiangat ni Ivan ang kanyang kamay para tanggapin ang pakikipagkamay nito. Una, dahil sa hindi niya matanggap na may bading siyang kaibigan. Pangalawa, nararamdaman niyang may inis si Mico sa kanya. Pangatlo, hanggang ngayon hindi pa rin malubos maisip, nagulat talaga siya.

 Pasimpleng tinabig ni Divina ang anak.

"G-ganoon ba?" sa wakas ay na-iabot na rin niya ang kanyang kamay. "Ako naman si Ivan." tipid ang ngiti niya.

"Nice meeting you." sabi ni Mico habang nakikipag-kamay. Medyo hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay.

Naramdaman ni Ivan iyon. Napangiwi siya. "A-ako din."

"Oh siya, ngayong magkakakilala na kayo, doon na tayo sa hapag-kainan at duon tayo magpatuloy magkwentuhan." anyaya ni Laila.

"Sige, kumare." sang-ayon ni Divina. "Para malasahan mo na ang niluto ko para sa inyo."

"Ikaw naman kasi nag-abala ka pa."

Nagkatawanan ang mag-kumare.

Naunang naglakad patungong dining room ang dalawang matanda. Kasunod si Ivan na hindi maka-piyok pagkatapos ng nalaman.

Nahuli naman si Mico na naka-taas ang kilay. "Nakaka-inis naman 'tong Ivan na ito. Sabi na nga ba at mabibigla siya pag nakita ako eh. Hmpt."

Sa hapag-kainan.

"Ivan, ito ang tikman mo." iniabot ni Laila kay Ivan ang isang bowl na naka-cover pa.

Kahit naka-cover pa iyon kita naman sa labas na paborito niya ang nasa loob niyon.

"Wow thank you po. Paano po ninyo nalaman na gustong-gusto ko ito."

Sasagot sana si Laila ng biglang nakaramdam ito ng paang tumapik sa kanyang binti. Si Mico ang may gawa niyon. Naintindihan niya ang ibig sabihin ni Mico. Hindi na pinansin ni Laila si Ivan, kundi muli nitong itinuon ang atensyon sa kumare.

Si Ivan naman ay nagmadaling maalis ang cover ng bowl. Tuwang-tuwa siyang sinandok ang spaghetti at ilagay sa kanyang plato.

Halatang-halata ni Mico na talagang na-appreciate ni Ivan ang niluto niya hindi pa man nalalasahan. Dahil doon, tumatalbog ang puso niya sa sobrang saya. Biglang nawala ang inis niya. At ngayon nga ay nakikita na niyang isusubo na ni Ivan ang spaghetti.

"Tita, ang sarap po. Parang lutong special sa isang kilalang restaurant. Thank you po iyo sa pag prepare."

Napa-taas ang kilay ni Mico at mabilis din namang naibaba. "Ayan, kay mama nag thank you."  paghihinutok ni Mico sa sarili. "Bakit kasi hindi ko ipinasabing ako ang nagluto niyan. Hayaan na." saway sa sarili.


"Ivan, si Mico ang nag prepare niyan para sayo." naka-ngiting paalala ni Laila. Nararamdman kasi niyang naghihimutok ang kalooban ng anak dahil hindi siya ang napasalamatan.

Napa-tigil si Ivan sa pag-nguya at napa-tingin kay Mico. Naka-ngiti naman si Mico ng tumingin sa kanya si Ivan.

"Ganoon po ba?"

Kahit masarap ay hindi na nagawa ni Ivan magsaya sa kinakain. "Ito, si Mico ang nagluto?" Bigla siyang nawalan ng gana pero patuloy pa rin siyang sumusubo dahil hindi niya maitatanggi na masarap talaga.

Napansin naman iyon ni Mico. "Aba, nalaman lang na ako ang nagluto, hindi na ginanahan." naiinis si Mico.

Napansin pa ni Mico na sumasandok ng ibang putahe si Ivan na hindi naman nito pinansin kanina ng makita ang spaghetti. Pasimpleng napapa-taas ang kilay niya. "Eh ano naman Mico. Natural lang na kumain ng iba yan. Alangan namang spaghetti lang kainin niyan." saway niya sa sarili.

"Eto po Tita, sino po ang nagluto nito?" tanong ni Ivan ng malasahan ang isang putaheng.

"Yan? Ako. Masarap ba?" si Laila.

Nang masiguradong ang tita Laila niya ang nag-luto ay agad niyang inappreciate ang lasa. "Masarap Tita."

"Talaga? Salamat. Tikman mo rin yung iba ha?"

"Sure Tita."

Si Mico ay nakakaramdam ng mas lalong inis. "Hmpt. Ano ang gusto niyang palabasin?"


Parang naka-ramdam si Divina kaya tinawag niya si Mico. "Mico, may ipapakita ako sayo."

"Ano po iyon tita Divina."

Bahagyang tumayo si Divina para maabot ang tupperware na pinaglagyan niya ng na-bake na chocolate cake. At pagkatapos ay iniabot kay Mico.

"Ano po ba ito tita?" tanong ni Mico. Hindi pa niya alam kung ano ang laman.

"Buksan mo. Sigurado ako na magugustuhan mo iyan."

Tinanggal ng ani Mico ang cover at pagkatapos ay natuwa ng malanghap ang bango ng chocolate cake.

"Wow." tuwang-tuwang pahayag ni Mico. "Tita, thank you po. Hindi niyo parin nakakalimutan ang favorite ko."

Sa kabilang banda, hindi nagugustuhan ni Ivan ang reaksyon ni Mico. Para siyang kinikilabutan sa tono ng pag-appreciate ni Mico. Naasiwa siya sa tono ng boses nito. Pero hindi lang iyon, nakakaramdam din siya ng kaunting selos.

"Tita ikaw lang po ba ang gumawa nito?" tanong ni Mico.

"Oo naman." sagot ni Divina.

"Thank you po talaga."

Napa-sandal si Ivan sa upuan. Iniisip niya kung nag-paparinig ba si Mico sa kanya.

Muling nagsalita si Mico. "Tita, di ba para sa akin talaga ito?"

"Oo naman." nakangiting sagot ni Divina.

"Yes. So walang manghihingi." sabay tawa. "Walang mang-aagaw."

Nagkatawanan ang magkumare sa kung paano magsalita si Mico. Habang si Ivan ay hindi maitago ang panlalaki ng butas ng ilong.

Alam ni Mico na nagtatagisan ang bagang ni Ivan. Sinasadya niya talagang magparinig.

"Itong batang ito talaga. Ang laki ng pinagbago." si Divina habang hindi mapigil sa pagtawa.

"Ewan ko nga ba diyan, kumare. Napansin ko na lang na nahihilig sa manika noong bata pa. Eh hindi naman ganyan di ba?"

"Oo nga eh."

"Hala, ako na ang pinag-usapan." si Mico. "Tita magkwento ka naman po ng tungkol kay Ivan."

"Si Ivan?" napa-tingin si Divina sa anak. Sabay tawa. Naalala kasi nito ang nangyari sa anak last night.

Napa-tingin naman din si Ivan sa ina dahil ginawa nitong pagtawa. Napa-kunot ang noo niya habang hinihintay magsalita ang ina kung bakit it natawa.

"Ayoko kong ikuwento, baka magalit si Ivan."

Nan-laki ang mata ni Ivan na ma-get ang ibig sabihin ng ina. Nagpawis ang kanyang noo.

"Ivan, baka pwedeng malaman namin." si Mico.

Gustong tumaas ng kilay ni Ivan. "Itong bading na 'to. Gusto pang maki-alam."


"Na-curious ako bigla doon Ivan?" natatawang si Laila.

"Tita, huwag na lang po. Nakakahiya po yun eh." sagot niya ng may paggalang.

Saka, hindi niya dapat na ikuwento yun dahil malalaman na ayaw niya sa mga bading. Tulad ni Mico.

"Sige ikaw ang bahala. Oh, kain lang nang kain."

Nagkatawanan ang lahat maliban kay Ivan na hindi maalis sa isipan ang pagkainis kay Mico.
-----

Ang daming napag-usapan tungkol sa mga nagdaang taon. Alas diyes na ng gabi nang magpaalam sina Divina at Ivan kina Laila at Mico. Masasabing naging masaya at matagumpay ang pagsasalong iyon ng dalawang pamilya. Pero hindi ring maitatangging hindi rin maganda para kay Mico at mas lalo kay Ivan ang unang pagkikita ng dalawa.

Naka-upo si Mico sa lamesa sa habang nilalantakan ang chocolate cake.

"Oo, hindi nga maganda ang pagkikita namin ni Ivan. Pero dahil ako ang bida dito, gagawa ako ng paraan para maging close kami. Sure yan." madiin niyang tinusok ng tinidor ang cake at isinubo. "Kung ayaw niya guguluhin ko buhay niya." sabay tawa na parang mangkukulam.

"Mico. Ano ba yan?" tanong ni Laila na galing sa labas.

"Wala lang po."

may karugtong...


5 comments:

ram said...

chapter 3 na pls

Anonymous said...

chapter 26 na po please?....

android said...

bakiot nyo po inuulit ang past chapters??
chapter 26 na po ... please ...
sana update na agad sir erwanreid

Anonymous said...

chapter 26 na erwan..

Anonymous said...

Fanlangnmn: hmmp ako na lang ang gaga2wa na chapter 26..jaja total nag iinarte yung writer...gagawa ako!!! hanggang chapter 100 yung gagawin ko jajaja eh dapat kasi di ,nag iinarte yung writer...dapat tapusin nya diba?