"Ma? Kailan pa kayo?"
"Kanina lang 'nak." sagot ni Laila.
"Si Dad?" tanong ni Mico at luminga-linga pagkatapos. Dad ang tawag niya sa ama iba sa kanyang ina.
"Susunod na lang daw. Busy pa daw siya. Mukhang walang balak magbakasyon dito."
"Ano naman po kasi ang pupuntahan ni Dad dito?"
"Mico?" sinaway ni Laila ang anak.
Pasalampak siyang umupo sa tabi ng ina. Nang makita ang mga plastik sa tabi nito ay kinalikot ang mga laman noon. Mga pasalubong, pagkain at damit.
"Oh bakit parang wala ka sa mood? Wag mong sabihing kagigising mo lang, tanghali na?"
"Kanina pa po ako gising Ma."
"Oh bakit nga?"
"Ma? Bakit hindi tayo mag bukas nalang dito ng bagong botique?"
May baby clothing botique kasi sila na pinamamahalaan ng kanyang ina. Iyon din ang dahilan kung bakit si Laila biglaang bumalik sa Manila dahil may problema sa factory.
Nagsalubong ang kilay ni Laila. "Hindi madali yun. At sino naman ang mamahala?"
"Ako." sagot niyang walang kagatol-gatol.
"Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Isang taon nalang."
"Ma, kahit hindi ko na siguro tapusin yun. Tutal, ako na naman ang head designer natin." Kahit kasi hindi pa siya tapos sa kurso niya, mas naging mabenta ang mga likha niya kumpara sa mga co-designers niya. Kaya kahit estudyante palang ay kumikita na siya kahit papaano.
"Tigilan mo nga yang iniisip mo. Mas magandang may diploma kang maihaharap. Lalo na sa Papa mo."
Nanulis ang kanyang labi. "Ma?"
"Mico, mga gawa mo nga ang laging in-demand ang tanong, may kinalaman ba sa pamamahala? HIndi ko ibig sabihing hindi mo kaya. ang gusto ko lang tapusin mo ang pag-aaral mo. Mas maganda pa nga kung kukuha ka ng business manegement."
"Ayoko na po. Tatapusin ko nalang ito." tanggi niya ng marinig na balak pa pala siyang pag-aralin ng management. Hindi naman sa ayaw niya kaya lang mas gusto na niya ang ginagawa at kontento na siya doon.
"Bakit nga ba biglaan yata ang pagdedesisyong mong yan?"
"Wala naman po. Gusto ko lang na mag-stay na dito sa Batangas."
Napa-tingin sa kanya ang ina na nagtataka. "Hindi mo na ba nami-miss ang Manila? Ang dami mong friends na na iniwan doon. Sabi mo nga hindi nila alam na mawawala ka. Teka, bakit hindi nagpapakabit ng internet connection? Dala mo naman ang loptop mo."
Dahil sa huling sinabi ni Laila biglang nabuhayan si Mico. "Tama." sigaw niya sa kasiyahan.
"Ha?" naguguluhang si Laila.
"Thank you Ma." sabay kiss ni Mico sa pisngi ng ina.
"Saan?"
"Sa pagpapaalala mo ng internet connection."
Dali-daling bumalik si Mico sa taas sa kanyang kwarto para kunin ang isang bagay. Nang makuha na iyon ay dali-dali rin siyang bumaba.
"Excited? Sa connection?" si Laila.
"Ma, thank you talaga. Punta muna ako sa kabila."
Hindi na umimik si Laila dahil madali itong nawala sa pinto. Ipapaalala pa naman niya ang mga pasalubong niya pati na rin ang pasalubong niya sa kanyang amigang si Divina.
-----
"Tita Divina?" tawag ni Mico. "Tita Divina?"
"Wala, umalis." sagot ni Ivan na kasalukuyang pababa sa hagdan.
Parang gusto na naman mag-init ang mukha ni Mico. Naalala niya ang nangyaring kahihiyan kahapon. Gusto niyang mang-asar na naman. Pero agad niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Rico kahapon. "Kailan pala maging mabait na ako. Para magustuhan ni Ivan. Ganoon ba?" sagot niya pagkatapos sa iniisip.
Napa-taas ang kilay ni Ivan. "Nag-iba ang mood?" Bakit parang ang bait yata ng tono ng pananalita mo ngayon ha?"
"Wala naman. Happy lang."
"Weh. Talaga lang ha?" sabay tawa. "Tignan natin kung magiging happy ka. Ako naman ang sisira sa mundo mo. Ngayong may alam na ako. Hahaha."
"Oo naman bakit?"
Hindi na sumagot si Ivan. Umupo ito sa sofa at binuksan ang t.v.
"Anong oras ang balik ni Tita Divina."
"Malay ko." sinisimulan ni Ivan ang pang-aasar.
"Ganoon ba?" pero hindi kumagat si Mico. Nanatili siyang naka-ngiti. Cool.
"Huwag mo na ako istorbohin. Baka mapasa ka lang."
"Sige." at umupo si Mico sa isang sofa.
"Huwag mo nang hintayin yun. Hindi na dadating yun. Uupo ka pa diyan."
Medyo tinamaan duon si Mico. Iba na yata yun, pagtataboy sa kanya. "Grabe ka naman." nanatili parin siyang cool at naka-ngiti.
"Aba, hindi gumaganti. Walang epekto. Mmm kung yung narinig ko kaya kahapon ang gamitin ko?" pagsisintir ng isip ni Ivan pero hindi niya natuloy nang biglang tumunog ang telepono na nasa tabi nito.
"Yes?" sagot ni Ivan sa telepono.
Si Divina ang nasa likod ng linya. "Ivan, hindi ako makakauwi ng tanghali."
Napa-tingin si Ivan sa wall clock. "Ma, 11:30 na, anong oras ka uuwi?" inaalala niya ang kakainin sa tanghali.
"Yun na nga eh, hindi ako makakauwi. Bahala ka muna sa kusina ha?"
"Ma? Alam mo namang hindi ako marunong magluto."
"Ivan naman. Ang laki muna. Marunong ka na naman sigurong magbukas ng stove."
"Naandito si Mico hinihintay ka. Umuwi ka na Ma."
Napa-tingin si Mico nang marinig nya ang pangalan nya.
"Naandiyan ba? Pakisabi pasensiya na mamaya pa ako dadating."
"Ma?"
"Ay nako Ivan, minsan na nga lang akong mayaya ng kaibigan ko eh-" hindi na naituloy ni Divina ang sasabihin sa agad na pagsagot ng anak.
"OK." halatang dismayado si Ivan. "Ingat na lang po." sabay bawi rin sa malumanay na salita. Takot din siyang magalit ng tuluyan ang ina.
"O sige ibaba ko na ito ha. Magpatulong ka kay Mico. Samantalahin mo na habang naandiyan pa siya. Magpakabait ka kay Mico ha?"
Pagkatapos noon ay ibinaba na nga ang awditibo ng telepono. Pagalit namang sinalpak ni Ivan ang awditibo ng telepono na ikinagulat ni Mico.
"Galit?" reaksyon ni Mico sa ginawa ni Ivan.
"Pakialam mo?"
Nagtaas ng balikat ang isinagot ni Mico na nagpapahiwatig na wala lang naman. "Bakit daw siya hindi makaka-uwi?" sa halip ay tanong niya.
"Pakialam mo?"
"Ganoon ba? Hinihintay ko kasi siya kaya baka akala ko lang na pwedeng malaman." cool parin niyang pahayag.
"Basta mamaya pa uuwi si Mama. Masaya ka na?
"Ah... sige babalik na lang ako." at akma na siyang tatayo ng makarinig na bubulong-bulong si Ivan.
Naiinis kasi si Ivan dahil hindi pa siya nag-aalmusal tapos hindi pa uuwi ang kanyang ina. May sinaing naman na nakahanda pero ulam lang ang wala. Hindi kasi sanay kumain si Ivan ng galing sa de lata na hindi iniinit. Malay ba niya sa pagbubukas ng tangke. Takot niya lang masabugan.
"May sinasabi ka ba?" tanong ni Mico.
"Hindi ikaw yon kaya wala kang pakialam."
Hindi nakasagot si Mico. Nagtuloy-tuloy na siya sa paglabas.
Banas na banas namang naiwan si Ivan sa bahay. Ngayon lang nagkataong hindi siya naipagluto ng ina bago umalis. "Bakit naman kasi ang aga-aga umalis." Pero kahit ganoon alam pa rin niya na wala siyang magagawa sa kagustuhan at kaligayahan ng ina. "Magpatulong ba daw ako kay Mico. No way. Inaasar ko nga ang tao tapos magpapatulong ako."
Bigla na lang narinig niya ang kalam ng kanyang sikmura. "Ano ba ang gagawin ko? Patay!" at nabuo ang kanyang desisyon. "Bahala na nga kung sasabog ang bahay."
-----
"Ang bilis mo namang nawala. Ipapadala ko nga sa iyo yung pasalubong ko sa kabila eh." si Laila kay Mico nang kapapasok palang ng huli. Nasa salas sila.
"Ganoon po ba Ma? Nasaan po ba iyon?" na-excite niyang tanong. Nabuo sa kanyang isipan na maaring maka-balik siya sa kabila kahit hindi na ang una ang sadya. May bago na siyang sadya. Natawa siya.
"May mga dala akong short-cakes diyan diyan di ba? Pilian mo sila tita Divina mo at Ivan."
Tinignan niya ang isang plastik na alam niyang doon nakalagay. Nakita nga niya roon ang mga naka-box na short cakes individually. Pumili siya ng tatlo. Nakangiti siya ng tinitignan ang napili. "Ma." tawag niya sa ina na kasalukuyang papuntang kusina. "Tatlo ang dadalhin ko sa kabila."
"Sige lang." pasigaw nitong sagot.
"Yes." sagot niya sa tuwa. "Sana magustuhan ito ni Ivan ko." sabay tawa. "Ma. Babalik ako sa kabila. Ibibigay ko lang ito."
"Bahala ka. Kahit wag ka ng bumalik." sabay tawa ng nagbibirong si Laila.
"Sige po ba. May permiso mo na po ha?" ganiting biro ni Mico.
-----
Naghahanap si Ivan sa loob ng ref ng maaring iprito. Iyon ang napagdesisyunan niyang lulutuin. Wala siyang ibang makita kundi ang ilang preservative foods tulad ng longganisa at hotdog. Pinili niya ang hotdog at kumuha siya ng limang piraso. Isa-isa niya itong binalatan. Nang matapos balatan, hinarap naman niya ang kalan para paapuyin. Ngunit, nagdadalawang isip siyang pihitin.
"Ivan." tawag ni Mico na ikinagulat ng una.
"Bakit ka na lang biglang tumatawag diyan?" nasabi ni Ivan nang magulat.
"Akala ko kasi nasa living room ka pa rin kaya hindi na ako tumawag. Nakarinig ako dito sa kitchen ng kaluskos kaya naisip kong narito ka."
Hindi na kumibo si Ivan.
"Magluluto ka?"
"Hindi maglalaro ako ng apoy. Hindi ko lang alam kung paano buksan." pang-uuyam ni Ivan.
"Sabi ko nga." at napatingin si Mico sa lamesa. "Hotdog?"
Napakunot noo si Ivan nang tumingin kay Mico. "Bakti anong masama?"
"Wala naman. Nasabi ko lang kasi yan pala ang lulutuin mo."
Muling itinuon ni Ivan ang sarili sa pagbukas ng kalan. Pero saglit pa naramdaman na ni Mico na hindi magawa ni Ivan paapuyin ang kalan.
"Ako na ang magbubukas." presenta ni Mico.
Hinayaan na ni Ivan na si Mico ang magbukas ng kalan. Sa pagkakataong iyon inalis niya ang pride. May takot talaga siya sa pagbubukas ng kalan.
"Ayan bukas na. Lagay mo na ang kawali." si Mico.
Nang mailagay na ni Ivan ang kawali ay agad-agad kinuha nito ang mga hotdog sa lamesa.
"Teka, huwag m o munang ilagay yan." saway ni Mico. Dahil doon napatingin si Ivan sa kanya. "Lagyan mo muna ng mantika."
"Ay, oo nga pala." saka hinanap ni Ivan ang bote ng mantika.
"Pero huwag mo munang ilagay ha? Kasi, kailangan mainit na ang mantika para hindi dumikit sa kawali ang hotdog." maya-maya lang ay itinapat ni Mico ang palad sa kawali.
"Hoy, anong gagawin mo?" nagulat si Ivan sa inakto ni Mico.
"tine-test ko lang kung mainit na. Ikaw naman oh."
"Ganoon ba iyon."
"Yan mainit na. Ilagay mo na ang mga hotdog."
At inihagis ni Ivan ang limang hotdog ng sabay-sabay na naging sanhi ng pagtilamsik ng mantika. Dahil doon nagulat si Ivan at walang kamalay-malay na napahawak siya sa magkabilang balikat ni Mico.
"Bakit ka nakahawak sa akin?" si Mico na ngiting-ngiti.
Napa-tingin si Ivan kay Mico at saka niya lang nalaman ang ayos niya. Iniwas niya ang tingin at inalis ang mga kamay.
"Baligtarin mo na yun. Madali lang iyon masunog." utos ni Mico. Ngunit napansin niyang nag-aalangan itong ihipo ang dulo ng siyanse sa kawali. Natatakot. "Ako na nga."
Hinayaan ni Ivan si Mico. Hindi talaga siya tumanggi. Pinanood na lang niya ng mataman si Mico habang binabaliktad ang bawat piraso ng hotdog. Nang matapos na ay nasabi ni Ivan sa sariling madali lang palang magluto- ng hotdog.
"Okey na ito. Teka, may kanin ka na ba?" kapagdaka'y tanong ni Mico.
"Oo."
"Ikaw nagluto?" biglang tanong ni Mico. Naisip kasi niyang malamang na hindi rin ito marunong magsaing.
"Hindi. Kaninang umaga pa iyan." sagot ni Ivan habang tinatanaw si Mico na tinutungo ang rice cooker.
"Bakit hindi bawas?"
"Hindi talaga yan nagalaw kasi hindi ako nag-almusal."
"Ah... ganoon ba? Mmm, gusto mo isangag ko? Kasi, nasasarapan ako sa sinangag na ulam hotdog."
"Marunong ka?"
"Sige, gagawin ko ha?" nakita ni Mico na tumango si Ivan.
Mataman lang na pinapanood ni Ivan ang bawat galaw ni Mico lalo na sa kung paano nito niluto ang bawang. Pagkatapos ang paglalagay ng kaning lamig. Binuhusan ng kaunting toyo at kaunting powder na nakalagay sa isang maliit na pakete. Pagkatapos ay hinalo.
Sa loob-loob naman ni Mico ay ang katuwaang nararamdaman. Kung alam lang ni Ivan kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib niya sa kasiyahan ay malamang na mabingi ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa nangyayaring pagkakataon na hindi sila nagkakagulo ni Ivan. At para bang hawak niya sa kamay si Ivan sa mga oras na iyon.
Totoo namang sa mga sandaling iyon nakalimutan ni Ivan ang war sa pagitan nila.
"Okey na siguro ito." si Mico.
"Sigurado ka na masarap yan?"
"Oo naman. Sige kain ka na." anyaya ni Mico kay Ivan.
Aktong kukuha si Mico ng plato para kay Ivan nang pigilan siya nito. "Sandali ako na. Ikaw na nga ang nagluto tapos ikaw pa ang maghahain. Ako na lang."
Napa-ngiti na lang si Mico. "Wow, totoo ba iyon. Yes naman oh." Pero biglang nanlaki ang mata ni Mico nang makita ang dalawang plato na inilagay sa lamesa maliban sa bandehado kaya imposibleng hindi para sa kanya ang plato na iyon. "Oops. Huwag umasa Mico." saway niya sa sarili.
Nakaupo na si Ivan habang nakatayo pa si Mico. "Ano? Hindi ka kakain?"
"H-ha? Ako k-kain kasabay mo?"
Nagsalubong ang kilay ni Ivan. "Bakit? Palagi ka namang dito kumakain ah?"
"A-ah! Hindi naman ang ibig kong sabihin hindi ko lang inaasahang sasabayan kitang kumain, eh pinagluto lang naman kita."
"Sige na umupo ka na at saluhan mo na rin ako."
"Talaga lang ha? Para kasing naninibago ako sayo." salita ni Mico pero hinihila ang katawan paupo paharap kay Ivan.
"Kailangan mo ding kumain kasi-" sumubo muna ito at saka kumuya. "Ang sarap ha?" puri nito kay Mico nang malasahana ang sinangag.
Kanina ay bahagyang nakanganga si Mico dahil nabitin siya sa sasabihin ni Ivan ngunit napangiti siya ng mapuri ang niluto niya. "A-ano nga iyon yung dapat mong sasabihin?"
"Kailangan mong kumain kasi baka maging utang na loob ko pa it sayo."
"Ay!" bigla siyang pabirong nadismaya. "Ganun pala yon."
Napangiti ito. "Totoo naman eh. Di ba?"
"Aba bakit alam mo?" natatawa si Mico sa tanong.
"Basta."
"Mmm sige. Hindi na ako kakain. May hihilingin na lang ako sayo para hindi ka na makatanggi." natatawa siya at nagpaalala. "May utang na loob ha?"
"Sabi na nga ba? Dapat hindi ko na lang sinabi." sabi ni Ivan habang nakayuko dahil siryoso sa pagkain. "Ano ba ng hihilingin mo?"
"Mmm makikigamit lang ako ng computer mo. Di ba may internet connection ka? Kailangan ko kasing i-update ang facebook ko eh."
"Yun lang pala eh. Akala ko kung ano na."
"Ibig sabihin ba niyan na pumapayag ka?"
Hindi sumagot si Ivan. Patuloy lang itong ngumunguya.
"Silence means yes ha? YES! Teka may ipinabibigay si Mama sa inyo ni tita kaya ako bumalik."
Napa-tingin sa kanya si Ivan.
"Pasalubong yun sana magustuhan mo. Sandali at kukunin ko. Iniwan ko kasi sa center table sa living room eh." Saglit lang at naka-balik rin agad si Mico. "Sana magustuhan mo. Short cakes."
Lumaki ang mga mata ni Ivan. "How sweet naman ni tita Laila. Paki sabi thank you na mrami."
"Ito na ba ang simula?" kinikilig na si Mico.
----
may karugtong...
No comments:
Post a Comment