Followers

CHAT BOX

Tuesday, April 26, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 34


Hindi mapakali si Mico sa kapabalik-balik sa paglalakad sa harapan ng kanyang tv. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Ivan ang nalaman niya tungkol kay Angeline kanina. Alam kasi ni Mico na malapit nang dumating galing sa university si Ivan. Maya't maya siyang tumitingin sa orasan mag-aalas-singko na ng hapon kaya sigurado siyang nasa daan na si Ivan pauwi.


At hindi nga siya nagkamali, nakita na niya si Ivan sa pintuan na nakatayo. Maluwang ang pagkakangiti ni ivan sa kanya.

"Bakit hindi ka pumunta kanina? Hinihintay kita." salubong ni Mico kay Ivan.

"Sorry lang. Minsan lang naman eh." sagot ni Ivan. Pagkatapos ay inihagis nito ang bag sa sofa.

"Nandito kaya sa si Dad." biglang pahayag ni Mico.

"Ha?" gulat ni Ivan. Dali-dali niyang kinuha ang bag sa sofa.

Sabay tawa naman ni Mico. "Joke!"

"Ay kainis naman oh." reklamo ni Ivan.

"Sandali." natatawa si Mico nang magpaalam. Pumunta si Mico sa kusina habang naghihintay naman si Ivan sa sofa. "Dyaran..." ipinakita ni Mico ang naka-plastic na kahon.

"Ano yan?" kunot noong tanong ni Ivan.

"Binili ko ito kanina. Nagala kasi kami ni Vani eh." iniabot niya ang dala kay Ivan.

"Pizza? S-sa... doon ka pumunta?"

"Oo. Bakit? Masama?"

"Hmm hindi naman. Nagulat lang ako at marunong ka ng gumala. Sa school ko pa talaga ha? Teka, kamusta naman ang pagdayo mo dun? Sigurado maraming..."

Kunot noong inulit ni Mico ang huling salitang sinabi ni Ivan. "maraming?"

"Doon natin sa bahay kainin 'to. Dali." Binuhat ni Ivan ang bag at ang pizzang naka-kahon.

"Oy, teka. Hindi mo pa nga sinasabi eh kung ano yun eh."

Naiwan na si Mico sa living room. Nasa pintuan na si Ivan para lumabas. "Susunod ka, hindi?"

"Susunod." sigaw ni Mico.

Nakalimutan na ni Mico ang gusto niyang sabihin kay Ivan.
-----

"Ma, may dala si Micong pizza. Like it?" salubong ni Ivan sa ina nang makapasok. Saka ibinaba ang dalang bag.

"Oo naman kung galing kay Mico. Nasaan si Mico."

Nilingon ni Ivan si Mico pero wala siyang nakita. "Hindi yata sumunod ang mokong na yun?" bulong niya.

"Ha? Anong sabi mo?" tanong ni Divina sa anak.

"Wala Ma. Si Mico pala nagpuntang school. Nag-gala. Ayan ang pasalubong." saka bumulong. "huwag lang sanang mapagkamalang sweet sauce ang hot sause." saka natawa.

"May binubulong ka ata eh." nakakunot-noong si Divina. "Ganun ba? Ay ayan na pala si Mico eh. Bata ka, nag-gala ka pala kanina. Kaya pala hindi ka nagpunta dito." kunyaring galit-galitan ni Divina.

Naka-ngisi lang si Mico na humarap sa dalawa. "Naisipan ko lang po bigla."

"Oh siya, ako na ang maghahain nito sa lamesa. Magpalit ka na Ivan at sumunod na kayo sa akin."

"Sige po Ma." si Ivan.

"Teka nga pala Ivan, nasabi mo ba kay Angeline?"

Nagtaka si Mico sa tanong ni tita Divina kay Ivan.

"Hindi Ma. Bigla na lang nawala kanina nang mag-break. Hindi na pumasok ng hapon."

"Ah... sige."

"Ako alam ko kung nasaan ang bruhang yun. Teka, sasabihin ko ba kay Ivan?"

"Hoy, anong iniisip mo dyan?" tanong ni Ivan. "Samahan mo ako sa taas."

"Sasamahan pa kita?" pakunyari ni Mico.

"Bigla yata akong natakot sa taas na mag-isa." sabay tawa.

"Grabe ka."

"Ayaw mo?"

"G-gusto." sang-ayon din niya.
-----

Naiwan si Divina at si Mico sa kusina nang matapos silang kumain ng miryenda. Kinausap ni Divina si Mico tungkol sa kaarawan ni Ivan sa susunod na araw.

"Ako na bahala sa mga tao na gagawa ng harang-harang sa labas. Actually, kahit hindi na,hindi naman magulo dito sa atin eh." sabi ni Divina kay Mico. "huwag ka maingay kay Ivan ah."

"Opo." sang-ayon ni Mico.

Ipinapaliwanag kasi ni Divina kay Mico ang mga mangyayari sa paghahanda. Gusto kasi ni Divina na gumawa ng harang sa kalsadang pagitan ng bahay nila Mico at ni Ivan para daw magkaroon kahit papaano ng privacy.

"Basta tulungan mo ako sa pagluluto ha?"

"Opo naman Tita. Kahit hindi niyo na sabihin, tutulong talaga ako sa pagluluto."

"Ok, sa mga bisita naman ako na rin ang bahala. Pupunta ako bukas sa mga kaibigan ni Ivan dyan, sa mga kapit-bahay."

"Eh yung mga classmate niya po?"

"Ah, sana dumating dito si Angeline bukas para makausap ko tungkol sa paghahanda."

Lihim na napakagat-labi si Mico. "Si Angeline na naman." 
-----

Nagtataasana ng mga kilay ni Ivan habang naghihintay kay Mico sa living room. "Ang tagal ah..."

"May sinabi lang sa akin si Tita." sagot naman ni Mico at umupo sa tabi ni Ivan.

"Anong sinabi?"

"Wala naman."

"Ayan na naman kami. Si wala lang, wala naman, wala. Ayaw lang magsabi ng sikreto."

"Sikreto?"

"Oo. Alam ko naman na pinaguusapan ninyo ang darating kong kaarawan. Tama ba?"

"Oo, tamang hinala ka. Hindi noh!"

"Weh, di nga?"

"Ikaw ang kulit mo." sabay kurot ni Mico sa tagiliran ni Ivan.

"Ok."

"Teka. Tamang upo ka dito ah. Wala ka bang ibang gagawin?"

"La."

"Sigurado ka?"

"Mm."

"Tipid magsalita ah."

Nginisian lang ni Ivan si Mico.
-----

Kinabukasan.

"Hi tita." bati ni Angeline kay Divina.

"Angeline, masaya akong muling makita ka." nakabuka ang magkabilang braso ni Divina ng salubungin si Angeline.

"Ganun din  po ako."

"Nasaan pala si Ivan?"

"Dumiretso po sa bahay ni Mico. May sasabihin lang daw po kay Mico."

"Tamang-tama. Halika at may pag-uusapan tayo."

Hinila ni Divina si Angeline papuntang kusina at doon niya kinausap ang dalaga.

Matagal-tagal ding nag-usap ang dalawa nang dumating sina Mico at Ivan. Todo naman ang ngiti ni Divina nang makita ang dalawa.

Napansin pa ni Mico ang pagkindat sa kanya ni Divina na alam niya kung ano ang ibig sabihin nito. Siyempre, tungkol sa paghahanda sa kaarawan ni Ivan.

Pero ang tumatakbo sa isip ni Mico ngayon ay si Angeline. Kanina taas ng taas ang kilay niya sa tuwing titignan si Angeline. Pero, siyempre hindi siya nagpapahalata.

"Sige sa taas na muna ako ha?" paalam ni Divina.

Nagtaka naman si Ivan sa sinabi ng ina. "Ma, okay na ba kayo ni Angeline?"

"Ay oo Ivan. Nagkausap na kami. Nagkaintindihan na." sabay ngiti ng napakaluwang ni Divina at tumalikod.

"Nagkaintindihan tita?" sa isip ni Mico. "Sana naman sa paghahanda lang ng birthday ni Ivan ang pinagusapan niyo at wala ng iba pa. Hmmm..." Nawala sa iniisip si Mico nang magsalita si Angeline.

"Siguro magpapaalam na ako, Ivan at Mico." nakangiting pahiwatig ni Angeline para sa pag-alis.

"Ano? Aalis ka na?" gulat ni Ivan. "Hindi ka pa yata nakakapag-miryenda man lang?"

"Pinipigilan mo pa yang babaeng yan Ivan. Naku kung alam mo lang." si Mico.

"Hindi na. Inalok na rin ako ni tita kanina pero tumanggi ako kasi bigla kong naisip na kailangan ko ng umalis."

"Sigurado ka Angeline?" si Ivan.

"Oo. Sige Ivan. Ganun din sayo Mico." At nilagpasan na ni Angeline ang dalawa.

Sumunod si Ivan para maihatid si Angeline kahit hanggang gate man lang.

"Akala kung sinong malambing magsalita." pagkatapos ay inulit ni Mico ang sinabi ni Angeline na may pagkaarte.  "Sige Ivan. Ganun din sayo Mico. Hmpt."
-----

Umuulan nang magising si Ivan kinabukasan. Napa-tingin siya kaagad sa wall clock at napatayo siyang bigla nang makitang halos tinanghali siya ng gising sa pangkaraniwan niyang gising sa pagpasok. "Napasarap yata ako ng tulog?" Dali-dali siyang naghubad ng suot kahit panloob maka-tuntong lang sa banyo kaagad. Mabilis siyang naligo, nagbihis at bumaba para mag-almusal.

Naabutan niyang paakyat sa hagdan ang ina.

"Oh, tinanghali ka yata?"

"Oo Ma. Naiwan kong bukas ang bintana. Hindi ko pala alam na uulan. Ayon napasarap ang tulog ko gawa ng hangin hehehe."

"Kakatukin sana kita eh. Sige mag-almusal ka na at baka ma-late ka pa."

"Opo Ma."

Nasa hapagkainan sila ng batiin ni Divina ang anak. "Happy Birthday anak."

"Salamat Ma."

"Anong handa?" natatawang tanong ni Divina sa anak.

"Kahit ano Ma."

"Sige." pero sa loob-loob ni Divina, "kahit ano? Sige mamaya magugulat ka sa sorpresa namin."

Nang matapos, hindi na nagawang pumunta ni Ivan muna sa bahay ni Mico nang umagang iyon bago pumasok. Lumabas siya sa bahay na umaambon-ambon pa. "Pangalawang beses na itong hindi ako nagpaalam kay Mico." nasabi niya sa sarili habang patakbong tinatahak ang daan para makakuha ng tricycle.
-----

"Wah... anong oras na?" nagulat din si Mico nang magising sa ganoong oras. Agad siyang bumangon at sumilip sa bintana. "Nakaalis na siguro si Ivan." saka rin niya napansing umuulan. "Teka, maglilinis na ako ng katawan, ngayon ang birthday ni Ivan my love."
 -----

"Tita kamusta po?" tanong ni Mico nang makita si Divina sa loob ng kusina habang isa-isang nilalabas ang mga bagay na naka-plastic.

"Ok naman ang lahat Mico. Ay, maya-maya pala dadating ang mga magaayos sa labas. Madali lang siguro iyon kaya huwag ka nang mag-abalang tumulong doon. Dito na lang tayo sa pagluluto."

"Opo Tita. Nasabihan ko na rin po kagabi si Saneng. Susunod na lang po yun dito."

"Ok." pagkatapos ay isinalaysay ni Divina ang mga lulutuin. "Siyempre, ikaw na ang guamwa ng spaghetti ni Ivan. Alam mo na ang dapat na lutong espesyal ah?"

Natawa si Mico sa huling isinalaysay ni Divina. "Oo naman po. Ang paboritong spaghetti ng may kaarawan dapat espesyal."

Nagkatawan silang dalawa.

"Sige magsimula na siguro tayo." si Divina. "Ay, teka nga pala. Nakalimutan kong ayusin ang gagamitin ni Ivan mamaya."

"Ang alin po Tita."

"Yung susuotin niya. Siyempre, hindi niya alam kaya dapat prepared din ang susuotin niya." sabay tawa. "Nakabili na ako. Paplantsahin na lang siguro."

"Ay, tita. Pwede bang ako na lang ang gumawa noon?"

Saglit na nag-isip si Divina. "Kaya mo?"

"Oo naman po. Basta para kay Ivan."

"Sige. Halika at kukunin ko sa kwarto ko."

"Yessss!" tili ni Mico.
-----

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Ivan kay Angeline. Bahagyang sumasakit ang ulo ni Ivan.

Hila-hila kasi ni Angeline si Ivan ng mag-end ang klase ng hapon iyon. "Basta sumama ka muna sa akin."

Nilingon ni Ivan sina Billy at Mark. "Kayo? Hindi ba kayo sasama?" tanong niya sa dalawa.

"Hindi na Ivan kasi may pupuntahan ko si Susane." sagot ni Billy.

Umiling naman si Mark. Ibig sabihin wala itong balak sumunod sa kanila.

Muling itinuon ni Ivan ang pansin kay Angeline. "Angeline, masakit ang ulo kaya sabihin muna kung saan tayo pupunta? Gusto ko ng umuwi."

"Samahan mo muna ako Ivan. Mabilis lang naman ang gagawin natin."

"Ha?" Anong gagawin natin?"

Natawa si Angeline. "Huwag kang mag-alala hindi kita ipapa-ambuse noh. May bibilhin lang tayo."

"Bakit pa ako ang kasama mo?"

"Basta."

"Angeline."

Biglang umamo ang mukha ni Angeline. "Please Ivan. Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang, sige na."

Bumuntong hininga na lang si Ivan. "Fine."

"Yehey. O ayan. Halika na. Go."

Sinimulan na nilang maglakad.

"Basta bilisan lang natin ah." huling nasabi ni Ivan.

Sa pagkakataong iyon, iniisip ni Ivan si Mico. Ngayon niya ibibigay ang promise niya kay Mico. Nagmamadali sana siyang maka-uwi pero may umentra.

"Mahaba pa naman siguro ang oras. Saturday bukas, bahala na nga. Basta kailangan, magkita kami ni Mico mamaya."  Pinilit na lang niyang ngumiti para sa kasalukuyang nangyayari.
-----

8 comments:

ram said...

wahh bitin. next chapter na pls.

Miles21 said...

waaah like it and love it!!!!

miles..more hehehehe

yeahitsjm said...

anu ba! lagi nalang akong 3rd mag comment! di ko pa masyadong mapanuod ang Baker King kase binasa ko to! haha :))

sabi ko na e! once na na update ang 1 chapter nito sa BOL meron na dito e! haha

HAPPY BIRTHDAY BABY IVAN! :))

Tara na at mag date! :))

jeh savvy said...

Happy Birthday! IVAN.. sana invited ako sa birthday nya..

ChAn_ErAnDiO said...

haixst BDAY NA PLA NI PAPA IVAN....papa IVAN happy birthday sau.....sna maging masaya bday mo kasama si mico....

Darkboy13 said...

napapan sin ko panay sakit nang ulo ni ivan ahmm alam yuna si goro ang iniisip ko sana mali ako eniwey HAPPY BIRTHDAY BABY
IVAN! :))

chack said...

waah.. kkabitin ung story.. hehehe.. next chapter please.. suwerte ni Mico... haizt...

android said...

dont like this chapter ..
all about angeline .. :(((
btw ... HAPPY BIRTHDAY IVAN !!

.. next chapter :))))