Followers

CHAT BOX

Tuesday, April 26, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 35


"Ayus na ang lahat Mico." natutuwang pahayag ni Divina nang ma-check na niya ang lahat. "Sa tingin ko." sabay tawa.


Sinabayan rin ni Mico si Tita Divina sa pagtawa. "Oo nga po. Ready na nga po siguro tayo. Hihintayin na lang natin ang pagdating ng mga bisita tapos ang birthday celebrant."

"Oo kaya magpahinga ka na at mag-ayos na rin ng sarili mo."

"Sige po." sangayon ni Mico. "Hayss."  lihim na buntong hininga niya. Pagkatapos ay ang maluwang na ngiti. "Handa na ang lahat. Excited na akong dumating si Ivan. Sigurado maso-sorpresa 'yun." binuntutan niya ito ng hagikgik. "Pero ang nakaka-inis lang doon, malamang kasama na ni Ivan ngayon ang bruhang Angeline na iyon. Hmpt."
-----

"Angeline, kanina pa tayo dito. Sino ba ang hinihintay mo?" tanong ni Ivan nang mainip sa pagkakaupo nila sa isang bench sa loob ng isang mall, one ride away sa pinapasukan nilang university. 

Nilingon siya ni Angeline at ngumiti lang ito. Hindi pa kasi niya napapansing sadyang nagpapalipas lang sila ng oras ni Angeline sa loob ng mall na iyon gaya ng bilin Divina. 

Iminungkahi kasi ni Divina kay Angeline na gumawa ang babae ng paraan para hindi kaagad umuwi si Ivan para hindi nito maabutan ang paghahanda. At ito nga ang naisip ni Angeline.

"Sabihin mo na kasi, may bibilhin ka ba? Sasamahan kita. Siguraduhin mo lang na hindi..."hindi naituloy ni Ivan ang sasabihin dahil nag-alangan siyang banggitin ang mga salitang gamit pambabae.

Natawa si Angeline. "Hindi naman noh. Basta wait ka lang."

"Gaano pa katagal?"

"Kaunti na lang."

Napataas ang kilay ni Ivan. "May dadating ba?" bigla niyang naisip si Mico. "Imposible." pabulong niyang anas.

"Ha? May sinasabi ka?"

"Wala."

"Ok. Mmm siguro pwede na tayong umuwi?" tanong ni Angeline kay Ivan.

"Ha? Ako pa ang tinanong mo talaga ah?" natawa si Ivan.

"Sige na nga uwi na tayo." sabay tawa ni Angeline.

"Ganun na ba yun?" pagtataka ni Ivan.

Ngumiti lang si Angeline. "Ivan, thank you ha. Kasi, sinamahan mo 'ko kahit hindi mo alam ang dahilan. Na-appreciate ko talaga. Kaya, sana wag kang magalit ha?"

"Ay ewan ko sayo. Oh ano, pwede na tayong umuwi?"

"Sure."

"Hay sa wakas."

Muling tumawa si Angeline. Habang parang gustong ma-badtrip ni Ivan. "Buti na lang birthday ko ngayon, kaya ayaw kong ma-badtrip..."  bigla siyang may naisip. "Hindi kaya?"
-----

Malayo pa lang, nakita na ni Ivan ang mga bangko, lamesa sa harapan ng bahay nila pero wala siyang makita ni isang tao sa paligid. Naglalakad siya papalapit doon na nakasimangot. Hindi niya inaasahan na may handaang magaganap dahil wala namang sinabi ang ina. Parang wala siyang gana ngayon pang bahagyang sumasakit ang ulo niya gawa ng naambunan siya kanina.

Iba ang gusto niyang mangyari. I-celebrate ang birthday niya na sila lang sana ng ina at ni Mico. May balak pa naman siyang gawin ngayon. Pero alam niya na hindi na niya mauurungan ang nakikita na niyang mangyayari. 

"Walang tao, kunyari. Tapos biglang maglalabasan. Alam na." nasabi ni Ivan. "Pagkatapos, sisigaw ng "Happy birthday." natawa siya kahit papaano sa naisip sa kabila ng nararamdamang sakit ng ulo.

Nadaanan na niya ang mga nakalatag sa labas na mga bangko at lamesa, pagkatapos ay binuksan niya ang saradong gate. Inaasahan niyang pagbukas niya ng pinto ay bubulagain siya ng mga babati sa kanya. Naisip niyang isa si Mico doon. Binuksan niya ang pinto ng bahay.

Katahimikan ang napagbuksan niya. "Nge, wala ah. Nagkamali ako. Hmmm siguro nasa kusina lahat ang mga yun." Dumiretso siya ng lakad patungong kusina. Naisip nyang sabayan niya ang pagbulaga sa mga inaasahan niyang mga tao sa kusina. 

Bumilang pa siya sa kanyang isip. "1, 2, 3 BULAGA!" saka siya natahimik. "Walang tao?" Mali ang inaasahan niya. Napa-ngiwi siya sa ginawa. "Para akong sira. Nambubulaga ako sa wala. Baka nasa taas?" Pero mas pinili niyang i-check ang labas bago umakyat.

Sa muling pag-hila niya ng pinto...

"Happy birthday!" sigaw ng lahat nang dumating si Ivan. Pagkatapos ay tawanan.

Nagulat talaga si Ivan sa malakas na pagbati ng lahat sa kanya. Ang iniisp pa naman niya ay nasa taas ang lahat. Saglit pa nga siyang natulala.

"Happy birthday, anak ko." bati ni Divina na nasa unahan ng karamihan. 

"Salamat Ma."

"Happy birthday." si Mico na katabi ni Divina.

Ngumiti ng mas maluwang ski Ivan. "Salamat, Mico. Nagulat ako dun ah. Sino ba ang nag-isip nun?"

"Tingin mo?" sabay tawa.

I-tinuon na ni Ivan ang atensyon sa karamihan na patuloy na bumabati sa kanya. Naroon sina Billy, Susane, Mark at ibang mga kaklase at mga kaibigan sa loob ng village.

"Maraming salamat sa inyong lahat." balik pasasalamat ni Ivan sa mga pagbati. Bigla siyang napatingin kay Billy at Susane. "Teka, ang bilis ninyong mag-palit ah? Nagbaon siguro kayo ng bihisan?"
Agad na sumagot si Billy. "Hindi noh? Joke." sabay tawa.

"Kaya pala, hinila-hila pa ako ni Angeline sa mall ah para makapag-palipas oras. Ganun pala."

Natawa ang lahat ng mga nakarinig.

"Ivan." tawag pansin ni Mico. "Magpalit ka na."

"Magpalit?"

"Oo. Ganyan na ba ang suot mo, naka school uniform?"

"Meron ba?"

Hindi mapatid ang ngiti ni Mico. "Sa kwarto mo."
-----

Habang naghuhubad si Ivan ng uniform, pinapanood niya si Mico sa ginagwa.

"Ito ang susuotin mo." kinukuha ni Mico ang susuotin ni Ivan sa aparador nito. "Ako ang nagprepare nito." buong pagmamalaki niya sabay tawa. Saka humarap si Mico. Iaabot na ni Mico ang hawak nang mapansing nakatitig sa kanya si Ivan. Wala na itong suot na polo at sando. Tanging mga pambaba na lang ang suot nito. Lihim siyang napalunok sa nakita niya. Naaapektuhan siya sa ganun hitsura ni Ivan. "Bakit ganyan ka makatingin." tanong ni Mico.

"Wala lang." malumanay na sagot ni Ivan. Saka niya inabot ang hawak ni Mico. "Ito ba ang susuotin ko?"

"Oo. Pero si Tita ang bumili nyan." Napansin ni Mico ang ngiti sa labi ni Ivan. Saka siya napa-tingin sa baba ni Ivan nang aktong bubuksan nito ang zipper para mahubad ang suot na pambaba. Agad siyang tumalikod.

"Bakit ka tumalikod? Naasiwa ka ba?" tanong ni Ivan.

"H-ha? Siguro. Oo. Hindi naman. Yata. Ganun na nga siguro." dinugtungan niya ito ng tawa.

"Sige na nga sa loob na ako magpapalit." ang tinutukoy ni Ivan ang banyo.

"Sige." ang nakatalikod pa ring si Mico.
-----

"Gwapo na ba ako?" tanong ni Ivan nang makalabas sa banyo. Suot na nito ang inihanda niyang damit nito at halatang nag-asikaso talaga ng buhok at mukha.

Napa-ngiti si Mico. "Oo naman. Dati pa."

"Yan ang gusto ko."

Hindi na sumagot pa si Mico. Baka lalo lang siyang malunod sa sobrang saya para kay Ivan at mga nangyayari sa kanila.

"Sandali." awat ni Ivan nang lalabas na sana si Mico. "Pabango pa." sabay tawa. Pero nang maispreyan niya ang sarili. Bigla siyang napa-unas ng reklamo. "Ahhh... hindi ko yata gusto ang amoy ngayon ng pabango ko. Sakit sa ulo."

"Ha? Bakit?"

"Kasi kanina pa sumasakit ang ulo. Alam ko, nabigla ako sa pagligo ko kanina tapos, naambunan pa ako. Nagmamadali kasi ako kanina eh."

"Ah kaya pala hindi ka na nagpaalam sa akin. Ako nga rin eh nagulat rin nang magising akong late na."

"Halika na nga baba na tayo."

"Sige."
-----

Pagkababang pagkababa nila ni Ivan, nabungaran nila si Angeline sa labas na alam niyang kararating lang. Nahuli kasi ito dahil sa ginawang pagpapalipas oras kasama si Ivan. Napataas ang kilay ni Mico nang makitang maganda ang suot nitong hapit sa katawan. Sabayan ng mapupulang labi, tulad ng makita niya ito noong isang araw. "Hmpt."

"Hi Mico." bati ni Angeline. Pero hindi na nito hinintay ang sagot ni Mico. Itinuon na agad nito ang atensyon kay IVan. "HAppy birthday IVan. Lalo kang gumwapo sa suot mo."

"Salamat."

"Siyempre ako ang ka-date mo ngayong gabi ah?"

Natawa si Ivan. 

"Bruha, ambisyosa."  si Mico. Lalong nanggalaiti ang kalooban ni Mico nang makitang ipinuloupot na ng babae ang mga braso nito kay Ivan.

Saka dumating si Divina. "Ayan, ok na pala si Ivan. Sige na Ivan labasin mo muna ang mga bisita mo."

"Sige po Ma."

Lumabas na nga si Ivan habang nakapulupot si Angeline. Naiwan si Mico na nakatayo sa unang baitang ng hagdan.
-----




4 comments:

EmO_RoSe94 said...

nakaka badtrip ka angeline ha....my bf ka na...an landi mong babae..ka...sus...kun pwd lng sabunutan gagawin ko na...haixst....

SuperJm said...

haha! for the first time 2nd na ko!

echuserang kuba talaga to si angeline! :))

sana ako nalang ung nasa harap ni Baby Ivan nung nag bibihis sya! :))

Happy Birthday ulet Baby Ivan! tara at gumawa na tayo ng Baby natin! haha

I LOVE YO IVAN!! :))

arbi said...

naku baka yung surpresa ni ivan kay mico d na mangyari dahil sa handaan. tsk


ram

arbi said...
This comment has been removed by the author.