Followers

CHAT BOX

Wednesday, April 13, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 32


Tanghali na nang magising si Mico. Ayaw pa sana niya nang biglang may maalala. Napahawak pa siya sa mukha ng magsalita. "Teka, panaginip lang ba ang lahat?" Nanlalaki ang mga mata niya sa katanungan. "Hindi!" tili niya. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at tumakbo pababa. "Hindi ako nanaginip." saka nag-iwan ng ngiti sa mga labi.


Masaya siyang nakababa nang makita si Saneng, "Si Ivan po ba narito kagabi?" paninigurado niya.

Napakunot noo si Saneng sa tanong ni Mico.

Bigla naman kinabahan si Mico. "Hindi ba siya pumunta kagab dito? Wala ba siya?" Pero nanatiling nakakunot noo lang si Saneng na tila nagtataka. "Ano?" giit niya. "Sabihin mo na." napalitana ng ngiti niya ng inis. "Nananaginip lang ba ako?"

"Siryoso ka ba Mico?" panimula ni Saneng. Bigla itong natawa. "Ano ka ba? Dalawang beses kaya pumunta dito si Ivan kagabi. Una, may patago-tago ka pa mahuhuli ka rin pala. Pagkatapos bumalik yun ah? Nananaginip ka diyan? Itong batang ito oh."

"Talaga?"

Muling kumunot ang noo ni Saneng. "Oo nga. Ako pa nga ang naghatid sa kanya kagabi nung pangalawa niyang balik. Teka, ano ba ang nangyayari sa inyo? Una, nagtataguan kayo tapos makikita ko si Ivan ang saya-saya."

Natuwa sa galak si Mico. "Ah eh, naglalaro po kasi kami ni Ivan. Wala po iyon."

"Hmmm. Talaga lang ha? Sige dyan ka na nga."

"Sige po."
-----

"Oh Mico." naibulalas ni Divina nang makita niya si Mico. "Dito ka maglunch ha?"

"Sige po." tipid niyang pagsangayon. Ayaw niyang magsalita ng magsalita dahil feeling niya sasambulat ang sobrang kasiyahan na itinatago niya kanina pa.

"Kasi, dito maglla-lunch sina Ivan."

Biglang napatingin si Mico kay Divina ng marinig ang sinabi nito. "Sina Ivan po?"

"Oo, kasama niya sina Angeline at Billy. Mahaba kasi ang vacant nila ngayon kaya nagsabi si Ivan na uuwi siya. Isasama na rin daw niya sina Angeline."

"Ah ganun po ba?" Wala namang naramdamang kakaiba o pagseselos si Mico. Medyo nagtaka lang siya na uuwi pala si Ivan sa tanghalian na karaniwang hindi nito ginagawa. "Siguro gusto niya lang akong makita." natuwa ang kanyang puso't isipan.

"Tingin ko, kaya biglang naisip ni Ivan na dito maglunch para madala niya si Angeline." natutuwang pahayag ni Divina.

"P-po?" nabigla si Mico.

"Nasabi ko na sayo di ba? Na gusto ko si Angeline para kay Ivan. Nasabi ko na rin yun kay Ivan na Ok sa akin si Angeline."

Hindi makapagsalita si Mico. "S-sinabi niyo po kay Ivan? A-anong sabi niya?"

"Hindi siya kumibo. Pero alam ko doon din ang tungo noon."
-----

Dumating sina Ivan at mga kasama nito. Tulad ng dati, nakakapit na naman si Angeline kay Ivan. 

"Ang bruha kapit toko oh." sa isip ni Mico.

Nang mapatapat ang mga bagong dating sa living room, narinig ni Mico na nagpaalam si Ivan sa mga kasama. Tinawag siya ni Ivan. Sumenyas pa siya kung siya nga. Tumayo siya sa pagkakaupo sa single sofa at sumunod kay Ivan na paakyat sa hagdan.

"Bakit mo ako tinawag?" si Mico.

Hindi sumagot si Ivan hanggang sa makarating sila sa kwarto nito. "Nakita ko ang mukha mo kanina." Nakangiti ito.

Tinaasan ni Mico ng kilay si Ivan. "Mukha ko?"

"Oo. Parang nagseselos ka?"

"Bakit naman ako magseselos?"

"Ok. Wala ka naman talagang dapat na ipagselos."

"Talagang wala naman akong dapat na ipagselos hmmm. Dahil wala naman talaga akong dapat na ipagselos."

Natawa si Ivan. "Pero kanina ang mukha? Tignan mo yang sagot mo ngayon, naiinis ka. Kasi-"

"Hndi ako nagseselos at hindi ak magseselos." sagot agad ni Mico.

"Ay galit?"

"hindi kaya.." biglang nagbaba ng tono si Mico. 

Natawa si Ivan. "Good. Sige baba na tayo."

"Ok po." may halong lambing ang tono ni Mico.
-----

"Ang sarap naman po nitong adobo ninyo Tita Divina." si Angeline.

"Salamat." 

Napa-tingin si Mico kay Ivan. Ewan ba niya at bigla na lang siyang napasulyap. Nahuli niyang nakatingin pala ito sa kanya. Binawi nya ang tingin.

"Mico. Parang wala kang kibo diyan?" si Billy na katabi niya.

"H-ha? Hindi naman. Masyado lang siguro akong nasarapan sa kinakain ko ang atensyon ko nandito lang." nsabay tawa ng bahagya. Sumulyap siya kay Ivan. Nakita niyang tatawa-tawa ito. "Problema ng taong ito?"

"Oo nga eh, iba talaga si Tita Divina magluto." si Billy.

"Nanay ko yan." pagmamalaki ni Ivan.

Natawa si Divina. "Anak naman kita. Nako, sana ang mapapangasawa ni Ivan ko ay magaling din magluto?"

Muntikan ng mabilaukan si Angeline. Nahalata iyon ni Billy.

"Hinay-hinay lang Angeline." ngingiti-ngiting si Billy. "Patay si Angeline, hindi marunong magluto."

"Hindi noh, marunong ako."

"Assuming itong babaeng ito. Feeling niya siya ang tinutukoy ni tita Divina. Hmpt."

Natawa si Divina.

Naningkit ang mga mata ni Mico nang saglit na sumandal si Angeline kay Ivan.
-----

"Hindi daw nagseselos ah? Pero kanina, ang mata iko't ng ikot." natatawang bulong ni Ivan kay Mico.

Naghuhugas sila ng pinggan. Si Mico ang nagsasabon habang si Ivan ang nagbabanlaw. 

"Akala mo lang yun."

"Akala ka pa diyan ah. Tignan natin. Baka habulin mo ako ng itak." sabay tawa ng malakas.

"Anong pinaguusapan niyo diyan. Mukhang nagkakatuwaan kayo ah." si Angeline kakapasok lang.

Bahagyang nagulat ang dalawang naghuhugas. "Kanina ka pa ba diyan?" si Mico.

"Hindi. Kakarating ko lang."

"Ah..." naka-hinga ng maluwag si Mico. Akala niya narinig niya ang pinaguusapan nila ni Ivan.

"Ano bang kailangan mo?" si Ivan. Nakangiti ito kay Angeline.

"Iinom sana ako ng tubig. Bigla kas akong nauhaw eh."

"Ah sige ikukuha kita." si Ivan. Magpupunas na sana ng kamay si Ivan nang pigilan siya ni Angeline.

"Ako na kaya. Madali lang naman ang gagawin ko eh."

"Sige." ibinalik ni Ivan ang sarili sa pagbabanlaw ng mga gamit na sinasabon ni Mico.

Naka-inom na si Angeline at tumakbo na ang mga sandali pero nanatili itong kasama nila sa kusina. Parang gusto ni Mico na mainis. Ayaw yata silang iwan ni Ivan. "Kontrabida-effect ka diyan ah hmm."

"Yan tapos na tayo. Sige na 'Van, ako na ang bahala magpunas ng mga yan." mungkahi ni Mico kay Ivan.

"Tutulungan kita."

"HUwag na ako na." pagkatapos ay sumenyas patungkol kay Angeline na naghihintay sa kanila.

Kasalukuyang nakaupo si Angeline sa harap ng lamesa na medyo patagilid sa kanila kaya malamang na hindi nito pansin ang senyasan nila Mico at Ivan.

"Sige. Doon na kami ni Angeline."

Tumango lang si Mico.

Niyaya na ni Ivan si Angeline sa living room kung naroon sina Divina at Billy na nanonood ng noon time show. Nang tumayo na si Angeline, kitang kita ni Mico ang pagkapit ni Ivan sa bewang ni Angeline. Napatingin siya kay Ivan at nakita niyang nakangisi ito.

"Aba, talagang hahabulin kita ng itak mamaya." bulong ni Mico.
-----

"Ma, balik na po kami." paalam ni Ivan sa ina.

"Sige po tita Divina." si Angeline.

"MAraming salamat po Tita." si Billy. "Ay Mico, see you next time."

"Sige Billy. Ingat kayo." Pagkatapos ay tumingin si Mico kay Ivan. "Tignan mo 'to? Wala yatang balak na magpaalam sa akin."

"Paalam Mico."

"Sige Ingat kayo Ivan. magpapaalam din pala."

Malayo-layo na ang tatlo ng magsalita si Divina.

"Nakikita ko na si Ivan ko may kasamang babae. Malapit na siyang magpakilala sa aking ng mamahalin niyang babae sa buhay niya."

"Aray ko po. Tita naman. Ako kaya ang ipapakilala sayo ni Ivan my love."
-----

"Nananadya ka kanina noh?"

"Nananadya ka dyan?" maang-maangan ni Ivan.

"Kunyari ka pa. Sinasadya mo akong pagselosin noh?"

"Bakit naman? Akala ko ba hindi ka nagseselos?" nagsisimula nang matawa si Ivan.

"Hindi talaga."

"O bakit ka parang apektado ka diyan, wala naman akong ginagawa."

"Mmm wala naisip ko lang naman."

"Kung ano ano kasi ang pumapasok diyan sa utak mo."

"Ok. Hindi na."

Biglang natawa si Ivan.

"B-bakit ka tumatawa? Sabi na, nananadya ka kanina. Niloloko mo naman ako eh."

"Hindi ah."

"Eh bakit ka biglang tumatawa dyan?"

"Nakakatawa ka kasi."

"Ewan."

"Ang dali mo naman yatang mapikon ngayon."

"Hindi kaya."

Inakbayan niya si Mico. "Ang lakas magselos ng katabi ko. Hindi ko naman ipagpapalit 'to."

Hindi maputol-putol ang ngiting nasa labi ni Mico nang marinig niya iyon kay Ivan. "Siya may noon. Mahal ako ni Ivan."
------

14 comments:

RussJumz said...

Bitin bitin! kontrabidang angeline tlga yan @_@

Enso said...

waaaaaaaaaaaaaaaah!!!
ansaya!! super love it.. haha

kakkilig nitong part na toh.. kahit na gumagawa si IVAN para pagselosin si MICO.. hahhaa.. kulet much.. hahaha.. at SUPER KILIG TO THE MAXIMUM LEVELECIOUS!! bwahahaha

kakakilig!! hahaha

at ang the sweetest line na narinig ko ke IVAN..

"... Ang lakas magselos ng katabi ko. Hindi ko naman ipagpapalit 'to..."

waaaaaaaaaah.. syeeeeeeeeet

hahahaha.. LOVE IT!!! hahaha

at ang iskor ko ay.. 10!

Anonymous said...

haisttttttt..nakakainluv ang story na toh..sana tom may next ulit...more power to u erwanreid..


"carlorenz22"

sweetlovergay said...

i Love iT...

fayeng said...

wow humahaba ng humahaba ang buhok ni Mico.....kaganda.... :))

Anonymous said...

sana may ivan din aq....waaaah

ram said...

hehehe next na uli. sana birthday na ni ivan.

christian_eruel_erandio said...

josh..kakakulig nman....
ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.....
nu ba yan masyadong nakakakulig nman
eh....sna nandyan na chapter33....
haixst ka bitin nman eh....
kakainis c angeline pasira ng moment

vdg20 said...

sana bumalik si rico pra. may way nmn para poagselosin ni mico c ivan..,. hahaha

SuperJm said...

kakakilig! kaka inlove ka ivan! :DD ang cute nung ginawa nya kay mico na pag selos ung humawak sya sa bewang ni angeline! :DD

sayo na ko IVAN! haha

android said...

cutest part ! ... funniest chapter !!
love it ! ... hahaha
bilis mag update ngayon ahh !
kakakilig naman yung mga nangyayari sa dalawa ... inggit tuloy ako :))
hahaha ...
sana ma-update din kaagad yung next chapter !:))

Anonymous said...

grabe.... super nakakakilig! tita Divina talaga... sinasaidyang pagselosin si Mico... hihihihi. Love ko talaga role ni papa Ivan. Next Chap pls

aR said...

ang saya! ayiee..ayun sinundan na kita dito:)

tanong? ikaw ba yung nasa picture? :D

Anonymous said...

yup bitin ako asan n ung c-33 nya bilis kuya heheh dna ako mkag antay badtrip c angeline nmn n un sana masagasaan hehehe. nkkinlove.