Followers

CHAT BOX

Saturday, April 2, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 27


"Kamusta kayo kahapon?" tanong ni Billy kay Ivan at Angeline nang makaharap niya ang dalawa sa loob ng room kinabukasan.

Napatingin pa ng may kaunting pagkagulat si Ivan kay Billy dahil nababakas sa nagtanong ang kasiyahan nito. "M-mukhang maganda ang araw mo ngayon?" kapagdaka'y tanong ni Ivan.

"Pansin ko nga rin." sangayon ni Angeline.

"Wala naman." sabay tawa. "Tama, masaya talaga ako ngayon kasi-" hindi naituloy ni Billy ang sasabihin ng mapansing pumasok rin sa kwartong ring iyon si Mark. "Si Markky ko, pumasok na."

"Ah kaya pala." si Angeline. "Masaya ka kasi pumasok na si Mark."

Napa-tingin si Billy ng diretso kay Angeline. "Ganoon na nga siguro..." nasabi na lang niya.

Natawa naman si Ivan. Binati na lang niya si Mark nang maka-tabi. "Kamusta pare? Dalawang araw ka ring nawala ah?"

Ngumiti ng maluwang si Mark.

Si Angeline ang sumunod na nagsalita kay Mark. "Alam mo ba Mark, ang iniisip namin ay magkasama kayo ni Susane."

"Hindi noh." mabilis na sagot ni Billy.

Napatingin si ang tatlo. Si Mark ang unang nagsalita. "Bakit? Hindi rin ba pumasok si Susane?Oo nga nasaan, bakit wala pa siya?" sunod-sunod na tanong ni Mark.

"So ibig sabihin ba noon na hindi kayo nag-usap ha?" tanong ni Angeline kay Mark. Nang tumango si Mark kay Billy naman siya tumuon ng pansin. "Ano nangyari sa bestfriend mo Billy?"

"H-ha?" bahagyang nagulat si Billy. Kahit hindi siya tumitingin sa tatlo alam niyang hinihintay ng mga ito ang sagot niya. "W-wala gusto lang niyang umabsent."

"Imposible." matigas na di pagsangayon ni Mark. "Hindi naabsent si Susane ng walang dahilan."

Lihim na napasinghap ng malalim si Billy. "Aba, malay ko kung ano ang dahilan niya. Teka, Ivan mamaya pala sasama ako sa inyo sa paggawa ng project natin." pag-iiba niya ng usapan.
-----

"Ibig sabihin, mamaya nandito nanaman ang babaeng yon." biglang pumasok sa isipan ni Mico si angeline. "Kaya pala kahapon kasama ni Ivan ang babaeng iyon kasi gagawa sila ng project. Buti nalang at hindi naituloy dahil napasarap sa kwentuhan sina tita Divina at Angeline. Hmpt, kainis naman." inihagis niya ang throw pillow sa kabilang sofa. "Ilang araw kaya sila gagawa ng project? Ayokong isang linggo. Hindi na nga kami nakakapagusap ni Ivan tapos, pati hapon, kukunin pa rin sa akin." ibinagsak niya ang katawan sa kahabaan ng sofa. "Si tita Divina... tuwang-tuwa na kausap si Angeline kahapon. E di, maiitsapwera ang ako nyan." napahawak siya sa ulo niya. "Ayok mangyari iyon." Gusto niyang sumigaw sa naisip.

Tumahimik siya saglit. Binalikan ang iba pang nangyari kahapon. "Pero atlist, hinila ako ni Ivan kahapon sa isang sulok." kinilig si Mico habang nakatitig sa kisame. Naghanap ang mga kamay niya ng pillow nang walang  makapam, ginamit niya ang mga paa niya nang magakalang nasa bandang paanan niya ang mga iyon. Pero wala siyang nakuha. "Ay, buwisit! Pinagtatapon ko pala sa kabila. Badtrip naman oh. Kinikilig na ako eh, naunsyame pa. Hmpt." Tumayo siya at kinuha ang isang throw pillow at bumalik sa pagkakahiga sa mahabang sofa.

"Kinikilig ako." nasabi niya nang muling makahiga. "Wala naman kiss pero, nag-sorry siya sa akin. Kasi nga..." para siyang may kinakausap. "...isinama niya si Angeline. Hindi rin naman dw niya ineexpect na kahapon na pala ang start ng pagawa ng project nila. So," natawa siya. "Si Ivan humihingi ng dispensa. Wow naman Mico, mahal ka na nga ni Ivan my love. Weeee." pumikit siya at dinama ng sobra ang kilig na nararamdaman. "Mas maganda na siguro iyong sa bahay nila Ivan na lang sila gumawa ng project, para mabantayan ko. Kesa naman sa bahay pa ng babaeng iyon noh." at malakas niyang binigkas ang mga katagang, "Huwag na uy! Hmpt."
-----

"Tita anong niluluto mo?" tanong ni Mico nang matagpuan niya si Divina sa kusina.

"Mico." natutuwang lumingon si Divina. "Miryenda uli para sa dalawang bisita ni Ivan. Alam mo na..."

"Yes tita. Pero, hindi ko po alam na magiging dalawa sila." takang tanong ni Mico. Hindi talaga niya alam na may isasama pa si Ivan.

"Ganoon ba? Kasi, paalala sa akin ni Ivan tatlo daw sila sa grupo nila. Malamang daw na kasam na niya yung isa pa ngayon, mamaya."

"Ah ganoon po ba? Mada-dagdagan pa pala ng isang babae. Hmpt." 


"Oh tikman mo uli ito kung ok na?"

"Ano po ba yan tita?"

"Biko." sagot agad ni Divina.

"Kaya pala po, napansin kong madiin ang paghahalo ninyo." napangiti siya sa huli. "Sige po titikman ko." tnungo niya ang nakasalang na kawali kung saan doon niluluto ang "biko" ni tita Divina. "Amoy palang po mukhang masarap na."

|"Talaga? Sige na tikman mo na. Gusto ko nang matikman mo. Pag nasarapan ka e di pasado."

Natawa si Mico. "Tita naman, para namang ang galing kong magluto." pagkatapos ay tumikim ng kaunti gamit ang kutara.

Natawa rin si Divina. "May tiwala kasi ako sa panlasa mo. Totoo."

"Mmm masarap nga po. Parang..." mabilis din natumbok ni Mico ang gustong sabihin. "May halong gatas?"

Nangiti si Divina. "Imbes na gata kasi, condesnced milk kasi ang ginamit ko." sabay tawa. "Wala kasi akong time pumuntang market para bumili ng gata."

"Mas malinamnam nga po eh."

"O siya sige, hahanguin ko na."

Ngumiti si Mico saka muling nagsalita. "Tita, sa living room na po ako. Doon ko po sila hihintayin."

"Sige na. Salamat nga pala."

Pagkatapos noon ay umalis na siya para tunguhin ang living room. Nang makarating, ini-on agad niya ang t.v. para manuod. Sa oras na iyon isang panghapong teleserye ang naabutan niya.

"P-panong nangyaring... ako ang mahal mo di ba?" niyugyog ng babae ang balikat ng kaharap na lalaki. "Sabihin mo, ako ang mahal mo di ba?" napahagulgol ang babae.

"Siya ang mahal ko." tuwirang sagot ng lalaki.

Nanlalambot at parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ng babae ng marinig mula sa nobyo ang pahayag nito.  Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ng kaharap na nobyo at wala sa sariling napa talikod. "H-hindi ko maintindihan... Para akong tanga. Naniwala ako sa mga nakikita ko." Muli siyang humarap sa nobyo. "Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?"


Napabuntong hininga ang lalaki. "Last month. Im sorry."Sumunod ang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki.

Nanlalaki ang mata ni Mico sa napanuod. Nagpatalastas kaya pansamantalang nawala sa ere ang palabas. "Kawawa naman ang babae." naibulalas niya. "Hindi niya alam, niloloko na pala siya ng kanyang bf. Mmm mukhan gmahal na mahal pa naman niya yung lalaki. Haysss." Biglang pumasok sa isipan niya si Ivan. "Ako kaya mahal din ba ako ni Ivan?"


"Mico."

Narinig ni Mico ang tawag mula sa likod. Nabosesan niya kung sino ang nagmamayari noon. Si Ivan. Agad niyang nilingon si Ivan ng may ngiti. Ngunit napawi ang kaagad ang kanyang ngiti ng makitang naka-angkla ang  braso ni Angeline sa braso ni Ivan.

"Hi Mico." bati ni Angeline sa kanya.

Pinilit niyang ngumiti kahit naninibugho ang puso niya sa nakikita. "Musta?" Agad niyang tinignan ang kasunod ng dalawa masino kung sino ang bagong kasama ni Ivan. Saka lang niya napansin ang isang lalaking may dala-dalang materials na nasigurado niyang mga gagamitin para sa project ng mga dumating.

"Mico, si Mama?" tanong ni Ivan.

Dahil doon ibinalik ni Mico ang atensyon kay Ivan. "Nasa kusina, nagpeprepare."

"Siya nga pala..." nilingon ni Ivan ang kasama na nasa likuran nila ni Angeline. "Si Billy, classmate ko rin. Kasama ko sa grupo." pakilala niya kay Billy.

"Hi." bati ni Billy.

"Ang akala ko babae. Yun pala lalaki din na..." napangiti siya sa naisip. "Musta."

"Sandali." agaw atensyon ni Ivan sa lahat. "Angeline, Billy upo muna kayo. Pupuntahan ko lang si Mama."

"Sige." si Angeline.

"Mico, ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?"

Ngumit si Mico kay Ivan tanda ng pagsangayon.

"Ate ang ganda mo naman. Tama nga ang sinabi nitong si Angeline." maarteng pahayag ni Billy kay Mico nang makaupo.

Natawa si Mico.

"Pasensiya na Mico ha?" Si Angeline. "Naikwento kasi kita kay Billy habang nasa daan kasi kami eh."

"Ok lang." sagot ni Mico.

"Mabait ako." biglang singit ni Billy. "Ewan ko lang sa katabi ko."

Natawa si Mico sa sinabi ni Billy.

"Ano ka ba Billy." saway ni Angeline sa katabi.

"Biro lang." natatawang si Billy. "Mico, pwedeng magtanong?"

"Sige. Kung kaya ko bang sagutin." muli siyang natawa. Na-feel niyang ok sa kanya si Billy.

"May kasama ba kayong babae dito? I mean, dalaga, kaibigan na babae maliban sa mama ni Ivan."

Nagtaka si Mico. Nakita rin niyang nagtaka rin si Angeline sa tanong ni Billy. "Bakit kaya naghahanap ito ng babae dito? E ang naiisip ko lalaki rin ang hinahanap nito. Bakit mo natanong?"

"Mmm kasi-"

"Mico, Angeline at Billy, doon tayo." niyaya ni Ivan ang tatlo sa dining area.

Nabitin naman si Mico sa sasabihin ni Billy. Ewan ba niya kung bakit na-curious siya sa gustong sabihin nito. Nakakapagtaka para sa kanya ang katanungan nito. "Bakit naman kasi bigla na lang sumulpot itong si Ivan." Pero natitiyak niyang magiging Ok sa kanya ang mga sandaling iyon.
-----

8 comments:

Anonymous said...

wow una ako.... salamat! salamat talawa author. sabik talaga ako sa mga "next chapters" nitong story mo. at dalawa kaagad. sorry kung napressure ka namin. hehehe.

like ko ang mga nangyayari kina ivan at mico. YES talga.

Jasper Paul

aR said...

Haha sinundan na kita dito..nawiwili talaga ako sa kwento, ayun dito ko na binasa:)

Anonymous said...

super bitin..hhaha nxt chapter pls

Anonymous said...

Wow.. Hahah.. Ang cute ng story! Nagseselos si mico..

Anonymous said...

wow, bumawi agad....ganda parin tlga kwento nila ivan at mico superkilig. thanks bro..... jack21

Enso said...

waaaaaaah!!

galing galing!! super saya.. haha

ang kulit ni mico.. hahaha..

kaso medyo bitin nung sa bandang huli.. hahah.. kasi umeksena pa si IVAN eeh.. hahaha.. kaya yun putol.. pero antabayanan na lang natin sa susunod na chapter.. hahaha..

at ang iskor ko ay.. 10!

Anonymous said...

wew,,,NIcE :)

Anonymous said...

ye!!!!!!!! this, made my whole 2 mos!:D:D:D:D:D