Followers

CHAT BOX

Wednesday, April 27, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 36


Parang ayaw nang makihalubilo ni Mico sa mga bisita ni Ivan sa labas. Nakaupo na lang siya sa sofa kaharap ang nakapatay na tv. Sa madaling salita, nakatunganga. May pagkain siyang sinandok at kaharap niya na nakalagay sa center table pero hindi naman niya ginagalaw.


"Hindi ko pa nga nakikitang kumakain si Ivan ng niluto kong spaghetti." bulong niya. "Lagi na lang kasing naka-buntot ang babaing yun kay Ivan." Panay ang buntong hininga ni Mico. 

Naisip ni Mico na i-check ang mga pagkaing naka-imbak sa kusina kaya tumayo siya para pumunta doon. Dala-dala niya ang isng basong juice. "Yun na lang ang pagkakaabalahan ko. Baka sabihin kasi ni Tita hindi ako nag-eenjoy pag nakita akong nakatunganga dito."

"Pwede bang magtanong?"

Nagulat si Mico nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. Hindi sinasadyang natapunan niya ng juice bandang baba ng tiyan ng lalaki. Saka lang niya napagtantong lalaki nang makitang nakapantalon ito. Sa hiya, dali-dali niyang kinuha ang tissue sa gilid ng kanyang plato at payukong pinunasan ang basa. "Sorry, sorry hin-" hindi niya natuloy ang sabihin nang maisip ang ginagawa. "Ay!" tili niya. "Sorry sorry sorry nabigla kasi ako." Saka lang niya naisip na ang muntikan na niyang punasan ang bandang maselang parte ng katawan nito.

Hindi nakapagsalita kaagad si Mark. Napataas pa ang dalawa niyang kamay nang makitang matatapunan siya ng juice. "Ok lang." pinilit niyang ngumiti.

Saka lang namukhaan ni Mico ang kausap. "Ah, ikaw pala. Mark ang pangalan mo right? Sorry talaga ha?"

"Yupp. Oo wala na sa akin yun. May gusto lang sana akong itanong?"

"Sige ano ba yun?"

"Kung may nakita kang babae na pumunta dito at maaring kasama niya si Billy."

Saglit siyang nag-isip. "ano nga bang iisipin niya eh halos nakayuko na lang ang ginawa niya. Wala eh."
Nakita ni Mico ang paglamlam ng mga mata ni Mark.  "Teka, may nasabi ba akong mali?"

"Hindi Ok lang. Akala ko kasi makikita ko dito si Susane."

"Ah si Susane pala ang hinahanap mo. Hindi ko talaga siya nakitang pumasok dito." Nakilala na niya si susane kanina nang ipakilala ito ni Billy sa kanya. Nagandahan pa nga siya sa babae.

"Umuwi na siguro silang dalawa." malungkot na litanya ni Mark.

"Huwag ka na mang malungkot ng ganyan. Happy happy tayo ngayon." paalala ni Mico.

"Yupp tama ka. Teka bakit ka nga pala nag-iisa dito. Doon tayo sa labas."

"Hindi muna. I-che-check ko pa yung mga food sa kusina."

"Ah ganun ba? O sige, samahan na lang kita tapos sabay tayong lumabas."

"S-sige." Ewan ba ni Mico at hindi niya nagawang tumanggi pa kahit ang buong isip niya kanina ay tanggihan ito.
-----

"Nakita ko sila kanina." bulong ni Ivan. Pumasok kasi siya sa loob ng bahay kanina nang makawala siya kay Angeline na laging nakapulupot sa kanya. Naiwan ang babaeng may kausap kaya nakawala siya rito.

Pero sa pagpasok ni Ivan. Nakita niyang nakatalikod si Mark habang nakayuko naman si Mico. Iba ang inisip niya sa nakita niyang ayos ng dalawa. Kaya bigla siyang napa-atras at hindi na sana tutuloy. Pero maya-maya ay nagbawi rin siya na baka mali lang ang iniisip niya. Kaya lang ng sa muli niyang pagbalik nakita niya ang dalawang papasok na sa loob ng kusina. Kaya mas lalong nag-init ang ulo ni Ivan. Hindi niya gusto na magkasama ang dalawa.

Hindi na nga siya tumuloy. Para sa kanya sapat na ang nakita niya para galitin ang sarili. Bumalik siya sa pwesto kung saan naroon si Angeline. Walang imik na kunyaring nakikinig sa usapan ng grupo. Pero ang totoo, ang mga mata ay naka-bantay sa pintuan kung saan maaring lumabas sina Mico at Mark.
-----

Nagkakatawan sina Mico at Mark nang lumabas ng bahay para maki-isa sa mga nagkakasiyahan sa labas. 

"Salamat ha?" si Mico.

"Saan?" 

"Sa pagtulong."

"Ah wala yun. Hehe ako nga dapat ang magpasalamat kasi, nawala ang lungkot kahit papaano nang maisip kong wala na rito si Susane."

Tumawa na lang ng bahagya si Mico biglang sagot. "Dun tayo sa table na iyon." itinuro ni Mico ang table na walang umu-ukopa.

"Sige."

Samantala, nagtatangis ang mga bagang ni Ivan habang titig na titig sa dalawang masayang nilalang na sina Mico at Mark na bagong labas lang ng bahay.

"Oy pare, siryoso ka dyan ah?" pansin sa kanya ng isa sa grupo.

"Baka nagseselos si birthday boy dahil tayo ang kinakausapni angeline?" biro pa ng isa.

Biglang tumingin si Ivan sa mga nagsalita. Akala naman ng naguumpukan ay galit si Ivan sa mga pinagsasabi nila. 

"Hindi." malumanay na sagot ni Ivan. Saka muling nagsalita ng malakas. "Bakit naman ako magseselos? Eh, baka ilang araw lang kami na nyan." sabay tawa.

Nang marinig iyon ni angeline ay todo naman ang pulupot kay Ivan. "Ay naku naman Ivan, pinakikilig mo ko."

Nagkaroon ng tuksuhan sa grupo.
-----

Hindi naging lingid sa pandinig ni Mico ang mga sinabi ni Ivan. Nasa kasalukuyang pagkukwento si Mark ng nakakatawa ng mga sandaling iyon, unang pagkakataong hindi siya natawa sa banat nitong biro.

"Bakit corny ba?" tanong ni Mark.

"H-ha? Hindi. Nakuha lang ni Ivan ang atensyon ko ng magsalita siya." diretsong sagot ni Mico.

"Ah... Oo nga pala. Medyo narinig ko nga rin eh. Ikaw, anong masasabi mo?"

"Masasabi ko?"

"Sa kanilang dalawa? Tingin mo bagay ba sila?" 

Hindi kaagad sumagot si Mico. "mmm hindi ko alam." pero ang totoo parang gusto niyang itaob ang lamesa nang marinig ang mga salitang "bagay ba sila". Pero nagpigil siya dahil nakakahiya kay Mark na kausap niya ng maayos at malay ba nito at ganun din sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Natawa na lang si Mark. 

Nagpatuloy si Mark sa pagkukwento. Pero ang atensyon na ni Mico ay kay Ivan na. Kaya ng makitang lumayo si angeline sa grupo nila at mapansing papunta ito sa loob ng bahay ay agad siyang nagpaalam kay Mark.

"Pasok lang muna ako sa loob ah. Saglit lang."

"O-ok sige." sinundan na lang niya ng tingin si Mico. "Masarap din pa lang kausap minsan ang mga katulad niya." ngiti.
-----

"Anong gagawin mo dito sa loob?" tanong ni Mico kay angeline.

Napalingon si angeline kay Mico. "teka, sana mali ako. May ibig sabihin ka ba sa tanong mo?"

"Anong ibig kong sabihin? Nagtatanong lang ako."

Saglit na tumigil si Angeline. "Magc-cr ako."

"Ok."

Tatalikod na sana si Angeline. "Alam mo iba ang nararamdaman ko ngayon sayo eh, may mali ba Mico?"

Sumimsim muna ng juice si Mico bago magsalita. "Meron ba?"

"Tigan mo yang ganyang sagot mo. Ano bang problema mo?"

"Wala akong problema. Baka ikaw ang may problema."

"Ha?" kanina pa nagugulat si Angeline pero mas grabe ang pagkagulat niya ngayon sa mga sinabi ni Mico. "Ok ka lang Mico?"

"Sarili mo ang tanungin mo, angeline. Bakit kailangan mong makipag-flirt kay Ivan gayon may ibang lalaki ka?"

Nanlaki ang mga mata ni Angeline. "Ok ka lang Mico?" nagmamaang-maangan si angeline.

"Balak mo pa yatang magsinungaling. Nakita kita, nung isang araw may kausap kang isang lalaki at dinig na dinig ko kung paano laitin si Ivan ng talikuran tapos ngayon akala mo kung sino kang maka-dikit sa kanya."

"Ah kaya pala." nagsimula nang magkaroon ng pagtataray ang tono ng pananalita ni Angeline. "Wala kang pakialam. Palibhasa, obvious na obvious na selos na selos ka sa amin ni Ivan."

Biglang natigilan si Mico. Nakaramdam siya ng hiya. "Ganun na ba ako ka-transparent sa emosyon ko?"

"Tama ako di ba?" natatawang si angeline. "Bakit nanahimik ka?"

"Sasabihin ko kay Ivan ang likaw ng bituka mo."

"Subukan mo. Ipagsisigawan ko naman ang feelings mo kay Ivan.Pangalawa, gusto mo bang masira ang gabi ng mahal mo?" sabay tawa.

Sa tindi ng galit na nararamdaman ni Mico  nagawa niyang buhusan ng juice sa mukha si Angeline. Todo ang sigaw ni Angeline na tamang-tama ang pagpasok ni Ivan.

Agad tumakbo si Mico kay Ivan. "Iva-" 

Pero bigo si Mico na makuha ang atensyon ni Ivan dahil si Angeline ang hinarap nito.

"Ok ka lang ba, Angeline?"

Nagkakanda-iyak si angeline ng humingi ng awa kay Ivan. "Yan kasi si Mico inaaway ako. Binuhusan niya ako. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako inaaway. Sinundan na lang niya ako dito tapos saka ko na lang nalaman na selos na selos na pala siya dahil tayo ang magkasama." 

Nagtangis ang mga bagang ni Ivan. "Halika muna sa taas magpunas ka. May dala ka bang pamalit?"

Tumango si angeline.

Naiwan na lang si Mico na hindi makapagsalita. Hindi niya inaasahang mas bibigyan pa niya ng atensyon ang babaeng yun. Katulad ni Ivan, nagsimulang mag-tangis ang mga bagang niya kasabay ang napipintong pagluha.
-----

12 comments:

Anonymous said...

love it! sarap sakalin ni angeline!!

Anonymous said...

Ipa-sniper na natin ang h**ay*p*k na gaga! Nainis ako...

Anonymous said...

kawawa naman si Mico...hay nako ang sakit nun! Uwi kanalang Mico sa bahay umiyak baka maeskandalo kapa ikaw kawawa kasi Ivan will not be in your side this time...hais...sad ako! grabeh!

Anonymous said...

sobrang nakakabitin. pero super ganda. sana meron na kaagad na sunod. yung mas mahaba. hehe. thanks

Anonymous said...

galing mo idol kainis paano un usapan nila ivan at mico....waaaah next chapter pls...

EmO_RoSe94 said...

galing magarte ni angeline ah....ng magartista..sus...kun pwd lng sobra pa ang gawin ni mico...sus..tutulungan ko pa sya....e2 nman c ivan....mali ang akala mo sa kanila ni mark...kainis ka..di mo muna tiningnan mo muna kya...

SuperJm said...

kagabe ko pa to nabasa nagyon lang ako nag comment phone lang kasi gamet ko kagabe nitamad ako magbykas ng comp e! haha yan tuloy pang 7 lang ako!

pisti *bisaya? bisaya? haha* naman to si angeline! haha.. feeling ko.. feeling ko lang aa! magkaka problem tong si Baby ivan tas si Mico! kasi diba nakita ni Baby Ivan si Mico na nakaluhod sa harap ni Marc! che! TH si baby Ivan! :))

next chapte plsss! haha *parang waiter lang kung maka pls?? haha*

LOVE YOU BABY IVAN! :))

android said...

okay .. in this chapter ..
i really loved mico's attitude ...
parang "nothing but a second rate trying hard, COPY CAT" ang scene !!
hahahaha ... love it !!

and i really hate angeline !!
bruha !! hahaha ^_^

ram said...

kawawa naman si mico. ako na lng mico mahalin mo. d kita piiyakin. hehehee

ram said...

kaasar naman si ivan

Anonymous said...

nakakainis talaga yang angeline na yan! sy di IVAN di man lang nagdahan dahan sa paratang; di man lang nagtanong. wawa naman si MICO. ano kaya ang mangyayari sa susunod na kabanatan. inaabangan ko pa naman ang pangako ni IVAN kay MICO na ibibigay niya mismo sa birthday niya. 'no kaya yun? matutuloy pa ba???

-japaulito21-

yeahitsjm said...

tagal ng next! haha

-- superjm irr!