Followers

CHAT BOX

Saturday, April 2, 2011

IVAN (My love, My Enemy) Chapter 26



"Mico." tawag ni Divina.

Napatigil si Mico sa paglalakad. Gusto pa naman niyang umiwas sa mga bagong dating pero hindi na makakapagtago dahil tinawag siya ni Divina. "P-po?"

"Hindi pa ba dumadating si Ivan?"

Hindi pa kasi napapansin ni Divina si Ivan na nasa pintuan.

Hindi naman alam ni Mico kung sasagot ng oo o hindi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa kanyang dibdib. 

"Ma." tawag ni Ivan. 

Napayuko si Mico. Hindi niya magawang humarap kay Ivan.

"Nandiyaan ka na pala... at may kasama ka?" napangiti si Divina.

"Ah opo. Classmate ko si Angeline, Ma." magiliw na pakilala ni Ivan sa ina.

Lumapit si Angeline kay Divina. "Nice to meet you po." nakipagbeso siya sa ina ni Ivan.

Gumanti naman si Divina. "Nakakatauwa naman. Hindi ko inaasahan na magdadala ang anak ko ng babae dito sa bahay."

"Ma?" saway ni Ivan.

"Bakit?" tanong ng ina. "Ah iha, angeline right? Huwag mong mapagkamali ha? Natutuwa lang akong may isinamang babae si Ivan dito. For the first time." sabay tawa ng mahinhin. "Tamang-tama may niluto kami ni Mico na miryenda. Mapapagsaluhan natin."

"Walang ano po, mmm" hindi alam ni Angeline paano tatawagin si Divina.

"Tita na lang." naintindihan ni Divina ang ibig sabihin ni Angeline. "Sana sa susunod mommy na." muling tumawa ng mahinhin si Divina.

Natawa rin si Angeline. "Walang ano po iyon tita. Maraming salamat po sa pagtanggap."

"Mico." tawag ni Ivan. Napansin kasi ni Ivan na walang kibong nakayukong patagilid na nakatayo si Mico sa harapan nila.

Ayaw nga sanang tumingin ni Mico sa mga bagong dating. Ewan ba niya  kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng hindi pagkapalagay. Parang gusto niyang wala muna sa eksena. Ngumiti siya nang tumingin kay Ivan.

"Dito na ako." nakangiting paalala ni Ivan.

Tumango lang si Mico. Napipi kasi siya.

Bahagyang napakunot ang noo ni Ivan. Hindi siya kumbinsido sa ganoong sagot lang ni Mico.

"Halika na kayo sa hapag-kainan. Doon na tayo magkwentuhan." yaya ni Divina sa lahat.

Kahit kaunti naka-hinga ng maluwag si Mico. May naisip siya bigla. "Tita, wait lang po. May kukunin lang ako sa bahay. Babalik po ako kaagad." Hindi na hinintay ni Mico ang pagsangayon ni Tita Divina. Pagkatapos ay pilit siyang ngumiti sa babae at kay Ivan. Nilagpasan niya ang tatlo.
-----

"Bakit naman bigla akong hindi mapalagay kanina? Bigla akong nakaramdam ng hiya. Nakakainis." reklamo ni Mico sa sarili habang pasalampak na umupo sa sofa sa loob ng sarili niyang bahay. "Angeline ang pangalan niya ha?" bigla siyang napakamot sa ulo. 

"Bakit nagdala si Ivan ng classmate niya? At bakit babae? Hindi ko gusto ang sinabi kanina ni Tita Divina. Sana daw sa susunod mommy na? Hala, paano na kami ni Ivan ko? Waaaaaaaa..."
-----

"Parang ang tagal naman ni Mico?" tanong ni Divina kay Ivan habang naglalapag ng malalaking mangkok sa lamesa.

"Pupuntahan ko po." pagkatapos ay tumingin si Ivan kay Angeline na nakatalikod at tinitignan ang mga naka-display sa divider. Natutuwa ito sa mga collections ng mommy niya.

Hindi na nagpaalam pa si Ivan kay Angeline. Wala naman sigurong problema. Naisip niya.
-----

"Mico?" tawag ni Ivan.
Napatayo si Mico sa sofa ng marinig niya ang boses ni Ivan.

 Agad niyang inayos ang sarili at ngumiti. "Mmm bakit?"

"Anong bakit?" balik na tanong ni Ivan. "Ang tagal mo naman?"

"Ha? May ginawa lang kasi ako." alibi ni Mico.

"Halika na." hinawakan na ni Ivan ang kamay ni Mico.

"Teka, sandali sandali. May gagawin lang ako saglit na lang, tapos susunod na ako."

Napa-tingin nang diretso si Ivan. Nagtataka siya sa inaasal ni Mico. "may problema?"

"W-wala." maagap na sagot ni Mico.

"Wala naman pala eh. Halika na mamaya na yun." muling hinila ni Ivan si Mico.

"Saglit saglit saglit.... lang talaga. Promise. Susunod ako."

Napasinghap si Ivan ng malalim. "Bahala ka." siryoso itong tumalikod at iniwan si Mico. Pero bago siya tuluyang makalagpas sa pintuan ay nagpahabol pa ito ng paalala. "Bilisan mo."

Nakahinga ng malwang si Mico. Akala niya nagalit niya si Ivan. Ayaw na niyang mag-away pa sila uli ni Ivan. Pinilit na lang niya ang sariling sumunod kapag-daka.
------
"Oh nasaan si Mico?" nakaupo na si Divina sa harapan ng lamesa. "Naghihintay kami ni Angeline dito." tumingin si divina kay Angeline ng may pag-aalala dahil baka mabagot ang bisita na kasalukuyan gnakaupo na rin.

"Ok lang po ako tita." si Angeline.

"Pasunod na yun. Halika na simulan natin." yaya ni Ivan.

Isa-isa na silang nagsandukan ng ginatan sa isang malaking bowl sa gitna ng lamesa.

"Sana magustuhan mo Angeline. Luto namin yan ni Mico." masayang pahayag ni Divina kay angeline.

"Oo naman po sigurado akong magugustuhan ko ito. Pero sa totoo lang po..." sinigurado muna ni Angeline kung itutuloy niya ang gustong sabihin. 

"Sige ano yun?" si Divina.

"Akala ko kasi kanina babae si Mico." sabay ngiti. "Sorry po. Kasi, una ko siyang makita, nakatalikod siya. Napagkamalan ko tuloy. Ang ganda ng kutis, talaga namang mas makinis pa sa akin. Naisip ko nga, talagang short-haired lang talaga kanina pero nang tawaging Mico nagulat ako. At... nung, magsalita-"

Natawa si Divina ng malakas. Pinipigil ni Ivan ang tawa pero naibulalas din niya.
-----

Papasok na sana si Mico sa dining area nang marinig niya ang bisitang nagsasalita. Napatigil siya ng malamang siya ang tinutukoy nito. Bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na tumuloy ng marinig ang tawanan. Muli niyang tinungo ang pinto papalabas.
-----
"Pero mabait na bata yung si Mico. Wala akong masabi. Kahit ganoon yun, humahanga ako doon." pakilala ni Divina kay Mico.

"Tama." sagot ni Ivan.

"Tama ka diyan?" bara ni Divina kay Ivan na natatawa. "Dati kung mag-away kayo para kayong aso't pusa."

"Dati na yun Ma."

"Teka si Mico? Akala ko ba susunod."

Biglang napatigil sa pagsubo si Ivan. "Sabi niya susunod na siya." Bigla siyang napa-tayo "Saglit lang Ma, Angeline."

Tama nga ang hinala ni Ivan, naroon si Mico at papalabas na ito ng pinto. "Mico." tawag niya. "Malamang narinig niya ang usapan kanina kaya... Mico" muli niyang tawag.
-----
Parang naninigas si Mico sa pagkakatayo habang papalapit si Ivan. Nilingon niya ito at napansin niyang salubong ang kilay nito.

"Halika ka na." hinila ni Ivan si Mico.

"Sandali."

"Sandali na naman. Gaano ba katagal ang sandali mo?" mahinahong tanong ni Ivan.

Hindi makapagsalita si Mico.

"Halika ka na. Alam ko na siguro ang dahilan." muling hinila ni Ivan si Mico. Sinigurado na niya ang pagsunod ni Mico.

"H-ha? Paanong alam mo na ang dahilan?"

Pero hindi na siya pinansin ni Ivan at hindi na niya napigilan ito.
-----

"Pasensiya na tita." humingi ng paumanhin si Mico nang makaupo sa tabi ni Divina.

"Wala iyon. Sige na kain na."

Nagsandok na si Mico ng para sa kanya. 

Muling nagsalita si Divina. "Alam mo ba Mico ikaw ang ibinibida ko dito kay Angeline."

"Kaya pala po narinig ko kanina." pagtatampo ng isipan niya. Pero hindi niya iyon kayang isatinig sa halip, "ganoon po ba? Salamat po." pagkatapos ay ngumiti kay Angeline.

"Oo. Hindi mo kasi narinig kung paanong botong-boto sayo si Mama." pangalawa ni Ivan. Sinadya iyon ni Ivan dahil sigurado niyang naabutan sila ni Mico kaninang nagtatawanan.

"Oo nga Mico. Nice to meet you." si Angeline.

Muling ngumiti si Mico kay Angeline. "Same to you." pagkatapos ay tumingin kay Ivan ng saglit at iniwas din ang tingin. "Botong-boto, kaya pala kung makatawa ka kanina parang wala ng bukas Hmpt. Nagustuhan mo ba, Angeline, tama ba?" pinilit ni Mico maging kaswal sa bisita ni Ivan.

"Sobra, nag-eenjoy pa nga ako. Salamat pala."

"Wala yun. Si tita naman ang talagang nagluto niyan."

Hindi alam ni Mico na kanina pa pala siya lihim na pinagmamasdan ni Ivan. Pinakikiramdaman kung ano ang ginagawang reaksyon ni Mico.

"Tignan mo 'tong taong 'to. Marunong naman palang humarap sa ibang tao, may paalis-alis pang nalalaman kanina." si Ivan. Nangiti na lang siya.
-----

7 comments:

Anonymous said...

hehehe.... ito lang kasi ang inaabangan ko halos minu-minuto pag wala akong work. hay erwan kung alam mo lang ang pananabik ko sa napakagandang kuwento mong ito. sana palaging may bagong chapter kaming nababasa. ganda ganda talaga ng story sarap magdaydream. parang love ko na rin si IVAN. hehehe.

Jasper Paul

reysan said...

thanx ang ganda talaga ng story ako araw araw inaabangan ko kung may bagong chapter ito..
sorry pla sa mr.author sa mga nasabi ko before nainip lang cguro ako
sorry uli heheheh

android said...

hehehe ... sa wakas !! ..
welcome back author ! ... :))
i really missed mico and ivan :) ...
just take your time na lang sa pag update ... yun na lang po :) ... have some rerst for yourself even for a while :) advice lang :)

Anonymous said...

the long wait is over,,,,,,,,,,,tagal namin inabangan to bro,iba talaga, lakas ng arrive ng kwento nila ivan at mico. welcomeback bro,,jack21

Enso said...

waaaaaaaaaaaaaaah!!!

WELCOME BACK KUYA ANSEN KO!!

hahahha.. super tagal na namin tong inintay!! pero worth it naman... salamat at bumalik ka na rin.. hehehe..

SUPER GANDA.. nanduun pa rin ag KILIG TO THE MAX FACTOR.. hahaha..

saya saya ng kwento.. kepp it up

at ang iksor ko ay.. 10!

ram said...

hay super ganda talaga nitong kwento mo. magaan sa dibdib.

Anonymous said...

omaifuckinggad!!!!!!!!!!!!!! meron na ule!!!!!!!!!! hahahahahaha superganda as usual.:D