Followers

CHAT BOX

Thursday, January 13, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 17

"Wala na akong ginawa kundi kumain ng kumain ah. Nakakalimutan ko na ang pagda-diet. Pinatataba mo naman ako eh."

"Ngayon mo lang nahalata?" natatawang si Ivan.

"Ah kaya pala. Tapos, pinasalubungan mo pa ako nitong buko pie eh favorite ko rin ito eh. HIndi ko talaga ito hihindian."

"Buti naman. Binili ko talaga yan para sayo tapos malalaman ko hindi mo kakainin, baka..."

"Ano?"

"Wala." sabay tawa.

"Paano yan kapag nag-paopera na ako, baka kailangan ko na ring magpa-lypo." biro ni Mico sabay tawa.

"Ano? Bakit mo pa gagawin yun?" nagsiryoso si Ivan.

"Naniwala naman to. Pero paano kung gawin ko nga yun?" siryosong tanong ni Mico.

Napa-ngiwi si Ivan. "I-ikaw? Katawan mo yan. Bahala ka."

"Talaga papayag ka hindi ka magagalit?"pagkatapos ay iniliyad niya ang dibdib. "Magpapalagay ako ng ng malaking-malaking..." sabay tawa.

Naasiwa naman si Ivan sa ginwang pagde-describe ni Mico. "Ang panget." reklamo niya.

"Bakit...?"

"Ang sagwa." sagot ni Ivan.

Natawa si Mico. "Ok."

"Pero bakit ka pa magbabago? Para saan?"

"Para mainlove ka sa akin, Joke." sabay taas ng kamay at nag-sign ng peace.

"Ah... para magustuhan ka ng mga lalaki? Tama, yung Rico."

"Grabe ka naman. Wala naman akong gusto dun. Iba ang gusto ko.." parinig niya kay Ivan.

"Gagawin mo lang yun para magutuhan ka ng lalaki. Hindi maganda pakinggan."

"Bakit may reklamo ka?" pagttaray ni Mico. Sa totoo lang nagbibiro lang naman siyang magpapaopera siya. Pero sinakyan niya nalang si Ivan.

"Wala. Sabi ko nga katawan mo yan. Pero sa akin mas OK ka ng ganyan ka."

Napataas ang kilay ni Mico. "Talaga?"

"Maka-tanong ka diyan ng "talaga"... parang may ibig kang sabihin ah?"

Natawa si Mico. "Ano naman ang ibig sabihin ko?"

"Kainin mo na nga yan. Ubusin mo para tumaba ka." giit ni Ivan.

"OwK... po!" lihim na napa-isip si Mico. "Nakakaramdam kaya si Ivan sa akin? Masyado ba akong transparent sa mga pakikitungo ko sa kanya na higit pa sa kaibigan ang gusto ko? Hindi naman siguro dahil kung sakali lalayuan niya ako. Pero malay mo nahuhulog na rin siya sa akin."


"Hoy. Anong iniisip mo diyan." saway ni Ivan sa kanya dahil napansin nitong natutulala siya. "HUwag kang mag-alala walang akong gusto sayo." sabay tawa ni Ivan.

"Epal ka no. Nabasa niya ata ang nasa isipan ko. Grabe naman tong lalaking to ang lakas makiramdam. Hindi ganyan ang iniisip ko noh. Hmpt."

"Niloloko ka lang."

"Maiba nga tayo, kamusta naman ang lakad mo kanina? Ang bilis mo naman?"

"Nakita ko kasi ang classmate ko, malapit sa unahan. Ayun pinasabay ko na ang sa akin kaya madali akong naka-uwi." nangingiti ito habang sumusubo.

"Kaya pala.." Tinignan niya si Ivan habang ngumunguya.

"Bakit?" takang tanong ni Ivan.

"Wala. Mmm naisip ko lang na malapit ka ng maging busy."

"Oo nga eh. Pero ikaw ba talaga buo na ang desisyon mong huwag munang pumasok this year?"

Bumuntong-hininga muna siya. "Oo."
-----

"Pasok ka." anyaya ni Mico kay Rico.

"Sige."

Nang makarating na sila sa loob ng bahay nila Mico ay agad humingi ng pasensiya si Mico sa nangyari sa huli nilang pagkikita.

"Wala iyon. Tama lang naman iyon na umuwi ka na." sagot ni Rico.

"Sigurado ka. Dapat sana kasi sinabay ka na namin. Alam ko hindi ka pa agad nakauwi dahil hindi pa tumila ang ulan."

"Wala yun. Huwag munang isipin yun. Tapos na naman iyon."

"Hayss..." sabay tawa ni Mico.

Nakitawa na rin si Rico. "Pasensya na ha? Lagi na akong nakaka-istorbo sayo."

"Wala iyon ano ka ba?"

"Uuwi rin naman ako agad kasi pagabi na."

"Ay, nagpapaalam ka kaagad?"

Muling natawa si Rico. "Hindi naman."

Tulad ng dati pareho nilang napapagkasunduan ang bawat napapag-usapan. May sense of humor kasi si Rico na nagugustuhan ni Mico sa kanya. Kaya naman laging sakto kay Mico ang bawat lumalabas mula sa bibig nito.

Pero gaya ng dati kailangan na ring magpaalam ni Rico. Tumayo na siya para tunguhin ang labas nang malingunan niya si Ivan sa may pinto. Nakita na naman niya itong salubong ang kilay. "Ivan ikaw pala. Magandang gabi." bati ni Rico.

Naka-ngiti naman si Mico kay Ivan. Napansin niya na tumango si Ivan kay Rico.

"Sige Mico aalis na ako."

"Hahatid na kita." si Mico kay Rico.

"Hindi na. May paguuspan pa yata kayo ni Ivan. Isasara ko na lang ang gate."

"Sige na nga kung hindi ka na mapipilit."

"Paalam uli." huling paalam ni Rico at lumabas na.

"Paalam. Ingat ka." paalam ni Mico. "Oh Ivan, bakit?" nakangiti niyang tanong kay Ivan.

"Ngiting-ngiti ka diyan?" nakasimangot na tanong ni Ivan. "Paalam. Ingat ka. Sige. Sweet nyo naman."

"Wow selos?" biro ni Mico.

Natigilan si Ivan. Napa-tingin siya kay Mico. "Ako magseselos? Bakit naman?"

"Binibiro ka lang po. Masyado ka naman."

"Sa bahay ka na raw kumain sabi ni Mama." nakasimangot si Ivan.

"Sige susunod na ako."

"Hihintayin na lang kita."

Napatingin si Mico kay Ivan. Para kasi siyang nakakaramdam ng kakaiba kay Ivan. "Halika na. Punta na tayo sa inyo." yaya niya.

"Akala ko ba may gagawin ka?" medyo napataas ang boses ni Ivan.

"Parang gusto kong matakot. Nagbago na kasi ang isip ko. Halika na." hinila ni Mico si Ivan sa kamay nito.

Pumiglas si Ivan. "Sige na. Mauna ka susunod ako."

"Arte ha. Para ka namang napaso sa pagkakahawak ko sa kamay mo?"

"Lumakad ka na. Ang dami mo namang sinasabi."

Natahimik si Mico. Medyo napahiya siya sa sinabi ni Ivan. Naglakad na nga siya papunta sa kabila ng walang lingon-lingon.
-----

Kumakain silang tatlo pero walang imikan. Nakakaramdam naman si Divina sa dalawa.

"Kanina lang ang iingay niyo ngayon naman parang hindi kayo makabasag pinggan. May problema ba?" tanong ni Divina sa dalawa nang mapansing walang ang mga ito.

"Wala naman ma." maagap na sagot ni Ivan.

Hindi na nangusisa pa si Divina kahit hindi naniniwala sa sagot ni Ivan.

Natapos na silang kumain. Nagpresinta na si Ivan na siya nalang ang bahala sa mga kalat. Sumangayon naman si Divina para makaakyat na rin. Iniwan na ni Divina ang dalawa na nakaupo pa rin sa harapan ng lamesa.

Tumayo si Ivan para ligpitin ang plato.

"Tutulong ako." si Mico.

Hindi kumibo si Ivan. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Nang mailagay nang lahat ang lahat ng hugasin sa lababo, inunahan na ni Mico si Ivan para sa paghuhugs ng mga ito.

"Tumabi ka diyan, ako na." saway ni Ivan kay Mico nang makitang hinahawakan na nito ang sponge.

"Ako na lang. Gusto kong maghugas."

"Sinabing ako na diyan."

"Pagbigyan mo na ako." pakiusap ni Mico.

"Pag sinabi kong ako, ako na." matigas na pahayag ni Ivan.

"Ano ba kasing problema mo?" naiirita na rin si Mico sa ipinapakitang mood ni Ivan. "Para kang laging galit? Nakakainis ka na."

"Ah naiinis ka na? E di maghanap ka ng kausap mo." naibulalas ni Ivan.

"Tignan mo 'to. Parang ako pa ang may ginagawang hindi maganda ah. Ano nga ba kasi ang problema mo?"

"Ano naman ang magiging problema ko?"

"Ewan ko sayo? Bakit ako ang tinatanong mo. Hindi ka naman ganyan dati ah?" nilayasan na niya si Ivan.

"Saan ka naman pupunta?"

"Kung ayaw mo akong patulungin, uuwi na lang ako. Baka sakaling may makausa pa akong matino. Hindi tulad mo na napakalabo."

"Ayan, palibhasa kontento ka na diyan sa Rico mo."

Nagulat si Mico sa sinabini Ivan. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon niya ito sa harapan ng lababo. "So yun ba ang kinakagalit mo? Si Rico. Ay malamang nga. Ganyan din kasi ang hilatsa ng hitsura mo sa tuwing magkasama kami ni Rico."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin." pigil ang sigaw ni Ivan.

"Ah may iba pa ba?" pasarkastiko niyang turan. "Ok. Bahala ka na. Wala na naman akong ganang malaman pa." pagkatapos ay tinalikuran niya itong muli.

Naiwan na naman si Ivan na sinisisi ang sarili. Tulad ng dati, hinahanapan na naman niya ng sagot ang katanungan sa sarili. "Bakit ba kasi parang madalas na akong naiinis kay Mico? Kay Mico ng aba ako naiinis?" napabuntong hininga na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. "Pupuntahan ko na lang uli sa kanila mamaya. As usual, ako na naman ang mali. Nakakainis." muntikan na niyang maipalo ang basong hawak sa nguso ng gripo. Buti na lamang nakapagpigil siya. "Waaaaaaa..." isinigaw na lang niya ang inis sa sarili at sa nangyayari.
-----

"Mico, sorry na."

"Gusto ko munang malaman kung bakit ka nagkakaganyan?"

"Hayaan mo na yun. Basta hindi na mauulit. Pangako."

"Ayoko nga."

"Ano gusto mong gawin ko?"

"Wala. Ang gusto ko lang malaman ko kung bakit ka nagkakaganyan?"

Natahimik si Ivan. "Humihingi na nga ako sayo ng sorry."

"Oo nga. Pero kailangan malaman ko muna kung bakit ka nagsusungit?"

"Sige kung ayaw mo, uuwi na lang ako." panakot ni Ivan.

"Sige. Mabuti pa nga sa tingin ko." matatag na turan ni Mico.

"Wala ka ba talangang balak na tanggapin ang sorry ko?" nayayamot na si IVan.

"Parang ganoon na nga siguro."

"Sige hindi na ako uuwi hanggat hindi mo ako pinapatawad."

"E di wag kang umuwi. Paano naman kasi papatawarin kung hindi ko alam kung ano ang nangyayari sayo?"

Napa-buntong hininga na lang si Ivan. Alam niyang buo ang salita ni Mico na hindi siya papatawarin hanggat hindi niya sinasabi ang dahilan. Paano nga naman niya sasabihin ang dahilan, kung pati siya ay hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag ang lahat. Pangalawa, may naiisip siya ngunit pilit niya iyon inaalis sa kanyang isip.

Tumalikod si Ivan.

"O san ka naman pupunta?" tanong ni Mico. "Akala ko ba dito ka lang hanggang hindi ko tinatanggap ang sorry mo?"

"Kukuha lang ako ng sarili kong unan sa bahay. Magpapalit lang din ako ng pantulog. Babalik ako." malungkot na salita ni Ivan.

Bahagyang natawa si Mico sa kung papaano sinabi iyon ni Ivan. Sa kabila din niyon ang nararamdamang lungkot para sa kaibigan. Pero hindi niya sisirain ang desisyon niya. Aalamin niya ang dahilanni Ivan. Gayon may naiisip na siyang dahilan. Ang ikinatatakot lang niya ay maging mali ang kanyang inaasahan. Baka umaasa lang siya sa maling akala. Napa-buntong hininga na lang siyang pinagmamasdan si Ivan na papaalis.
"Pwede ba talaga iyong mangyari?"
-----

Bumalik si Ivan gaya ng sinabi nito kay Mico. Nakapantulog na nga ito. May dalang unan at kumot. "Nagpaalam na rin ako kay Mama."

Hindi pinansin ni Mico an gsinabi ni Ivan.

"Sabi ko nagpaalam na ako kay Mama." Hinagis ni Ivan ang mga dala sa mahabang sofa.

Napatingin si Mico nang ibagsak ni Ivan ang sarili sa sofa. "Diyaan ka matutulog?"

"Oo. Bakit?"

"Wala natanong ko lang. Teka nga, maka-bakit ka diyan parang ikaw ang galit sa akin ah. Tandaan mo kaya ka narito dahil gusto mong patunayan sa akin na humihingi ka ng sorry sa ginawa."

Napa-ngiti si Ivan. "Ibig sabihin ba noon bukas papatawarin mo na rin ako."

"Nek-nek mo. Sa pagkakatanda ko, ikaw lang naman ang may gusto nito, na dito ka matulog. Tandaan mo, hindi makakabawas yan. Ok?"

"Ok." maagap na sagot ni Ivan.

"Natatawa ka pa niyan ah. Hmpt." inis ni Mico.
-----

Kanina pa pinagmamasdan ni Ivan si Mico. Ewan ba niya pero, natutuwa siyang nakikita ang sariling pinagmamasdan ito habang nakahiga. Minsan mangingiti siya kapag may naalalang mga sandaling masaya sa kanila. Kaya nang tumayo si Mico ay agad siyang nagtanong kung saan ito pupunta.

"Aakyat na. Bakit akala mo ba na sasamahan kita dito?"

"Oo nga eh. Ganoon nga ang akala ko." sabay tawa nito.

"He he he So Funny."

"Sama ako sa kwarto mo?"

Nandilat ang mga mata ni Mico. "Si Ivan sasama sa kwarto ko? Oh my gosh... baka himatayin ako sa sobrang kilig. Calm down Mico. Calm down." tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Ivan. "Hindi pwede." pero ang totoo hindi iyon ang gusto niya.

"Sige dito na lang ako."

Lihim na napagalitan ni Mico ang sarili. "Kasi naman eh. Sige na Ivan pilitin mo ako. Diyaan ka lang ha? Huwag kang susunod." tumalikod na si Mico pero nakikiramdam siya kung susunod si Ivan. Napansin niyang gumalaw si Ivan. "Ayan na pipilitin na niya ako doon na rin siya matulog."


"Huwag kang mag-aalala hindi kita  susundan. Dito na lang ako para may bantay kayo." at muling humiga si Ivan.

Umakyat na lang si Mico na laglag ang dalawang balikat. "Bad trip naman oh." mahina niyang reklamo.
-----

"Dito na rin ako matulog. Ma-expirience man lang." natatawang si Ivan. Humabol din kasi siya kay Mico.

Siyempre lihim namang nagagalak ang puso ni Mico. "Hindi pwede noh." Dali-dali siyang pumasok sa pinto. Isasara sana niya ang pinto ng biglang hinarang ni Ivan ang katawan. :)

6 comments:

ram said...

d ko pa nababasa comment kaagad hahaha

ram said...

hala exciting na naman ang susunod. mgahahalikan na ba sila? hahaha. magkikilitian hanggang sa maghalikan na. next chapter na...

fayeng said...

ayyyyyyyyyyy kakakilig naman ang kwento.... super dooper darna xa.... ahahahaha!

Darkboy13 said...

Kinikilig na na man ako ayy.

android said...

done reading ...

excited for the next chapter :)

ganda ng chapter ... may pambitin sa dulo :)

Anonymous said...

wow.. kakaloka tong scene na to.. haha.. halatang may pagseselos ... i stand corrected what I mean is LIHIM na PAGSESELOS.. hahaha..

halata naman kay Ivan na nagseselos siya kay Rico eh... sa mga pahayag niya.. hahaha.. kaya wag ka muna bibigay mico.. paselosin mo muna yan.. at kapag di na makapagpigil.. ay masabi niya na sa iyo na mahal ka niya.. hahaha..

super ganda talaga ng gawa mo.. hehe... AY LAB ET... haha

at ang iskor ko ay 9!

-Enso