Followers

CHAT BOX

Sunday, January 2, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 11

"Babalik na po ako." paalam ni Mico kay tita Divina.

"Sige Mico. Bukas uli."

"Tita naman eh."

"Basta. Para lagi kang pumupunta dito. Atlist may alibi tayo di ba?" sabay tawa ni Divina.

Natawa rin si Mico. "Oo  nga po noh." sang-ayon niya. Tatalikod na sana si Mico.

"Sandali Mico." si Ivan.

Nagulat siya nang tawagin siya ni Ivan. "B-bakit?"

"Mmm wala naman." sabay ngiti ni Ivan. Sa totoo lang nahiya si Ivan na magtanong.

"Ano kaya iyon? Sige na alis na ako. Teka, infairness ah, ikaw ang tumawag sa akin. May bago." natawa si Mico. "Tatandaan ko ang araw na ito."

"Teka." pigil uli ni Ivan.

Nagsalita si Divina. "Pangalawa na iyan Ivan?"

Napakamot sa ulo si Ivan. "Tatanong ko lang kung galit ba kanina si tito Dino."

Na-get ni Mico ang ibig sabihin ni Ivan. Alam niyang ang tinutukoy nito ay noong nagmamadaling umalis ito. Nagtaka tuloy siya kung anong nangyari sa pag-uusap nila o ano ang napag-usapan nila. "Hindi naman. Bakit? Anong meron?" takang tanong niya.

"Ah wala naman. Sige. Ingat ka sa pag-uwi."

"Ganoon? Pero gamay ko na rin ang daan pauwi tulad sa paghakbang mo sa hagdan niyo." sabay tawa si Mico.

Nangiti na lang si Ivan nang maalala ang ibig sabihin ni Mico sa mga sinabi nito.

Umalis na si Mico saka nagsalita si Divina sa anak. "Bakit mo ba tinatanong kung galit ang ama niya? Hindi ba nagustuhan ang luto ko?"

"Ay hindi po dahil doon." sagot agad ni Ivan.

"Eh ano ang dahilan?"

"Kasi kanina po nakausap ko uli si tito Dino. Sinabi kong hindi ko po magagawang kaibiganin si Mico para sa gusto niya."

"Oh ano ang sagot niya?" nagulat si Divina sa ipinahayag ng anak.

"Hindi nga po sumagot. Hindi ko nga rin nakita ang reaksyon dahil hindi na ako maka-tingin sa kanya sa hiya."

"Nagsabi ka naman siguro ng dahilan kung bakit ayaw mong gawin?"

"Opo." at ikinuwento na ni Ivan ang buong nangyari.

"Ang inaalala ko lang anak baka lalong hindi na magkaintindihan ang ang mag-ama."
-----

Kulang na lang na umusok ang ilong ni Dino sa galit. Nakukuyom niya ang kamay sa galit.  Hindi niya gusto ang nakikitang imahe sa deskstop ng laptop ni Mico. Kulang na lang na madurog ang mga ngipin niya kakatangis ng mga bagang niya. Bumibilis ang kanyang paghingal. Buti na lang at hindi niya hawak ang laptop kundi kanina pa niya naihagis.

Walang kamalay-malay si Mico nang pumasok sa loob ng bahay. Lumapit pa sa kanya ang kanyang alaga. Yuyuko sana siya para buhatin si Vani nang marinig niya ang tawag ng ama. Sa tono ng pagtawag ng ama ay kinabahan siya.

"Bakit po?" lumapit pa siya sa ama na nagtataka. Nang makalapit siya saka niya lang napansin ang kanyang laptop sa center table. Kinabahan siya. Tumingin siya sa ama.

Isang lumalagapak na sampal ang inabot niya sa pagharap niya sa ama. Muntikan na siyang mabuwal. Bahagya pa niyang naapakan si Vani. Napatahol ito at tumakbo para magtago. Muli siyang nag-angat ng mukha ngunit puno na ng luha ang kanyang mukha. Hindi pa niya masyadong maidilat ng maayos ang isang matang nadali ng pagsampal sa kanya ng ama. Namamanhid ang kanyang pisngi. Nangangapal. Sapo-sapo niya iyon. "Bakit po?" kanda-iyak niyang tanong.

"Anong ibig sabihin nito?" galit na tinuro ni Dino ang imahe na nasa monitor ng laptop ni Mico.

Narinig ni Laila ang sigaw na iyon ni Dino kaya napatakbo siya mula sa kusina. "Ano ba yan?" Napa-tingin siya sa anak na humahagulgol habang hawak ang kaliwang pisngi. "Anong ginawa mo sa anak mo?" halos manggalaiti si Laila sa pagtatanong.

"Tanongin mo ang anak mo kung bakit ganyan yang laptop niyang iyan."

"A-ano bang meron sa laptop na iyan at masyado naman yatang pinag-iinitan. At bakit kailangan mong saktan pa ang anak mo?"

"Bakit hindi mo tignan?" hamon ni Dino sa asawa.

Tinignan nga ni Laila ang laptop. Napa-tingin siya kay Mico na patuloy na umiiyak dahil sa sakit.

"Nakita mo na? Kaya pala ganoon na lang kung ipagtanggol dahil may relasyon sila ng lalaking iyon. Kaya pala gustong gusto niyan pumunta dito dahil sa lalaki."

"H-hindi po totoo iyon?" paliwanag ni Mico.

"Anong ibig sabihin niyan? Bakit may mukha diyan ni Ivan?"

Hindi makasagot si Mico.

"Sandali nga Dino. Porke lang may picture na dito ni Ivan, sila na?"

"Ano pa ba sa tingin mo?" Muling tumingin si dino kay Mico. "Ano itatanggi mo pa?"

"Hindi naman po talaga eh."

"Aba't" lumapit si Dino kay Mico para muli itong hatawin ng palad.

Ngunit agad naman ang saklolo ni Laila. "Sige, sige saktan mo ang anak mo. Ako na ang makakalaban mo." nagbabantang si Laila.

Talagang natigilan si Dino sa tinuran ng asawa gayong nakikita pa niya na nanlilisik ang mata nito. "At kinakampihan mo pa yang anak mo?"

"Dahil hindi na tama yang ginagawa mo." napa-iyak na rin si Laila. "Anak mo 'to dapat iniintindi mo. Bakit hind mo muna tanongin bago mo saktan."

"Makapagsalita ka diyan... Bakit kailan ko ba yan sinaktan?"

"Hindi mo nga sinasaktan pero ang ginagawa mo naman, sobra na Dino. Sobra na. Halos buong buhay na ni Mico na pahirapan mo siya. Akala mo ba, hindi masakit na hindi mo siya mo siya kausapin. Ikaw nga ayaw mo nang hindi ka iniintindi si Mico ilang taon na siya? Natatandaan mo pa ba kung kelan mo huling nayakap ang anak mo?"

"Hindi ba mabuti ang gusto ko para sa kanya? Anong masama sa hinihiling ko sa kanya?"

Nagsisigawan na sila sa loob ng bahay.

"Hindi ka humihiling sa anak mo Dino. Inoobliga mo siya."

"Tama ba na makipagrelasyon siya sa kapwa niya lalaki?"

"Hindi naman po totoo iyon eh." muling giit ni Mico.

Dumilim ang paningin ni Dino sa sagot ni Mico kaya balak hatakan ito at sapakin.

"Sige, sige." harang ni Laila. "Subukan mo."

"Punyeta." napamura na si Dino. Sa sobrang galit hinampas niya ng braso ang mga laman ng center table kasama ang laptop ni Mico. "eh anong ibig sabihin nito. Anong klaseng inspirasyon ba ang matatawag mo diyan?" galit na galit na si Dino dahil sa akala nitong pagtatago ni Mico pangalawa ang pag-kampi ng asawa dito.

Dahil sa ginawa ng ama lalong napaiyak si Mico. "Sinabi ko na sa inyo na hindi totoo. Wa-la kaming realsyon." pinakadiinan ni Mico ang huling salaysay at tumakbo paakyat sa kwarto.

"Punyeta ka talagang hayop ka." susundan ni Dino si Mico. "Pagnahablot kita makikita mo."

Hinila ni Laila ang asawa kahit nanghihina dahil sa pag-iyak. "Makikita mo rin kung paano ako magalit."

"Yan! Yan, kinakampihan mo lagi ang anak mo. Kinukunsinte mo." hinarap ni Dino ang asawa.

"Dahil sumusobra ka na."

"Kaya lumaking ganyan ang ugali ng anak mo eh, dahil sa iyo? Imbes na sa akin siya magmamana, hinila mo."

"Kasalanan ko ba kung hindi yang gusto mo ang ang sinusundan ng anak mo?" pinakadiinan niya ang salitang anak. "Bakit ano bang masama sa trabaho ko? Ibig sabihin ba na pati ako kinahihiya mo?"

Nagpanting ang tenga ni Dino. "Ang ibig kong sabihin, imbes na building ang dino-drawing ng anak mo, dahil sayo-"

"Dahil sa akin? Desisyon ng anak mo ang pagpili niya sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Hindi ko kasalanan kung bumabaliko ang pagguhit ng anak mo."

"Kung hindi mo hinila-hila, sinama-sama ang anak mo diyan sa negosyo mo hindi yan maiimpluwensiyahan na magdodrawing ng kung ano-anong damit na yan."

"Alalahanin mo Dino bago tayo magsama, tinakasan mo ang magulang mo dahil ang gusto nila mag-doktor ka pero dahil ayaw mo, naglayas ka. Tingin mo, kanino ngayon nagmana ang anak mo? Katulad mo may sariling desisyon din ang anak mo. Yan dapat ang naiintindihan mo."
-----

Naka-silip si Ivan sa bintana. Tinatanaw niya mula roon ang bahay ni Mico. Alam niyang may nagtatalo sa loob ng bahay ni Mico. Kinakabahan siya dahil maaring siya ang dahilan kung bakit may gulo doon. Maya-maya ay nakita niyang lumabas si tito Dino na nagmamadali at binuksan nito ang gate. Pagkatapos, sumakay ito sa kanyang kotse, pinaandar at umalis. Hinayaan nitong bukas na bukas ang gate.

Sinundan niya ng tingin ang sasakyan hindi pa nawawala sa kanyang paningin nang maagaw ang kanyang atensyon sa bagong lumabas sa bahay ni Mico. Si Tita Laila niya, kahit may kadiliman na nakita nahalata pa rin iyang basang-basa ng luha ang mukha nito. Sumisigok-sigok pa nga ito habang sinasara ang gate. Nang tuluyan nang makapasok muli sa loob ng bahay si tita Laila ay minabuti nyang bumaba.

Inaasahan niyang makikita niya sa baba ang ina. Nanunuyo ang lalamunan niya sa nasaksihan. Kaya, dumiretso siya sa kusina para kumuha ng maiinom.

Kinakabahan siya para sa sarili niya. Dahil ang sarili niya ang sinisi kung bakit nagkagulo sa kabila. Dahil sa hindi niya pagtanggap sa pinapagawa sa kanya ni tito Dino.

"Siguro, lalong nagalit si Tito kay Mico. Mali yata ang ginawa ko. Lalo yatang nagulo ang buhay ni Mico?" napapakumpas ang kamay niya sa hangin tanda ng pagka-dismaya sa mga nangyayari. Humarap siya sa lababo para banlawan ang basong ginamit. Nang matapos ang iligpit ang baso, nagulat siya ng malingunan ang ina. "Ma?"

Walang reaksyon si Divina pero kinakikitaan ito ng pag-aalala. "Ivan, siguro nagalit ang Papa ni Mico dahil laging punta ng punta dito si Mico?"

Napanganga si Ivan. Naisip niyang pati pati pala ang ina niya ay nag-aalala para na sa sarili tulad niya at siyempre para din kay Mico. "Hindi naman po siguro Ma. Ang iniisip ko nga po dahil sa akin."

"Hindi. Kasi di ba, pumunta pa rito si Mico kanina. Ibig sabihin walang problema sa sinabi mo. Pagkauwi na pagkauwi ni Mico-" gustong maiyak ni Divina sa pag-aalala.

"Ma. Hindi po ganoon." alo niya sa ina.

Tuluyan na ngang umiyak si Divina.

Hindi naman alam ni Ivan kung ano ang sasabihin. Ang tanging alam na lang niyang gawin ay ang alalayan ito at pahinahunin.
-----

Kinabukasan, namimigat ang mga mata ni Mico. Nakalimutan na nga niyang nanakit pala ang kanyang kaliwang pisngi. Umaray siya nang hindi sinasandyang mapahawak siya sa pisngi dahil nakaramdam siya ng pangangapal. Saka nya lang nasabing "Oo nga pala may nangyari kagabi."

Nagulat pa siya sa katok likuran ng kanyang pinto. Kinabahan siya baka ag ama niya.

"Mico. Gising ka na ba?"

Biglang nawala ang takot niya nang marinig ang boses ng ina. "Ma. O-opo."

"Sandali, gusto kitang makausap."

Agad-agad siyang tumayo. Dahil kagigising pa lang ay nadulas pa siya pababa sa kama. Lumagapak siya sa sahig. Gumawa iyon ng ingay.

"Mico, ano yan. Anong nangyari?"

Umaaray si Mico. "Wait lang Ma."

Naghintay si Laila nang saglit. Maya-maya ay bumukas na ang pinto. "Anak ba-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita ang mukha ni Mico. "Bakit naging ganyan yan?"

Napansin din ni Mico na maumugto ang mga mata ng ina. "Ahhh- masaki Ma." aray niya nang bahagyang hinipo ni Laila ang nangingitim na pasa sa mukha ni Mico.

"Doon tayo sa baba papahiran natin ng gamot." yaya ni Laila.

"Ayoko Ma." tanggi ni Mico. Pumiglas pa nga siya sa pagkakahawak ng ina. "Baka makita ako ni Dad."

"Hindi. Wala na ang Dad mo."

Natigilan si Mico. "Paano pong-"

"Umalis siya kagabi, hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko dahil totoo. Kaya huwag ka na mag-alala. Bumaba ka na. Sige na." naiiyak si Laila.

"Sige po." pagsunod ni Mico. Nakita niya ang inang dinadamdam ang mga nangyari. Kailan pa nga ba niya huling nagtalo ang kanyang magulang? Bata pa siya noon, pero alam niyang hindi matinding away iyon. Ngayon lang niya nakita ang ina na namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak.

Sa salas sila tumigil at doon umupo. Naggagaralgal na tono ngpananalita ang lumabas sa boses ni Laila. "Saneng kunin mo nga ang medicine kit natin diyan." Muling tinignan ni Laila ang mukha ni Mico. "Wala talaga siyang awa sayo." nagtuloy-tuloy ang luhang lumabas sa mga mata ni Laila. "Hindi na kuntento sa ginagawang pagtikis sayo bilang anak. Tapos, sasaktan ka pa ng ganito. Hindi na ito mauulit Mico, hindi na."

Naramdaman ni Mico ang pagmamahal sa kanya ng ina. Hindi na rin niyang napigilan ang mapaiyak. Nahiya siyang nakikita ng ina ang pagluha niya kaya yumuko siya. "I'm sorry Ma."

"No Mico, hindi ka dapat mag-sorry. Wala kang ginagawang masama."

Dumating si Saneng dala-dala ang medicine kit. Sisigok-sigok ni Micong nakaharap ang kasambahay. Nagulat  si Saneng ng makita ang pisngi ni Mico. "Hala, ano nangyare?"

Hindi kumibo ang ang dalawa. "Saneng, kumuha ka muna ng basang tela. Yung malinis ha? Dadampian ko muna ang pisngi ni Mico bago pahiran ng ointment."

"Sige po Ate."

Napa-buntong hininga si Laila. Hindi dahil sa pakikiusyoso ng kasambahay kahit alam naman nito ang nangyari kundi dahil sa sinapit ni Mico.

"Mico. Kaya pala kita ginising dahil babalik na ako sa Manila."

"Ma?"

"Kailangan ko na sigurong bumalik. Ayoko rin namang magkaroon kami ng mahabang gap ng Papa mo eh. Pero sisiguraduhin kong hindi na muling mangyayari iyan sa iyo." matigas nitong pahayag.

Napa-yuko na lang si Mico. "K-kayo po ang bahala."

"Sumunod ka na lang pag malapit na ang pasukan. Siguro naman, malamig na ang Papa mo sa oras na iyon."

Tumango siya.

"Iiwan ko na rito si Saneng. Para may makasama ka."

"Sige po."

"Magpapadala na lang ako at si Saneng na ang bahalang mamili ng kailangan niyo rito. Anak, patawrin mo si Mama ha?"

Napatingin siya sa ina. "Wala naman po kayong ihingi ng tawad Ma eh." nayakap niya ang ina.

"Basta, para sa akin mabuti kang anak, kahit ano ka pa. Kaya kakampi mo ko. Kaya huwag mong bibiguin si Mama ha?"

"Opo Ma."

Pag-iyak ng dalawang nilalang ang nasaksihan sa loob ng bahay na iyon.
-----

1 comment:

arbi said...

Kawawa naman si Mico. sana masaya naman sa sunod na chapter.