Followers

CHAT BOX

Sunday, June 5, 2011

TRUE LOVE WAITS (Someday, I Will Understand) 13


"Inay... 'Tay..." tawag ni Jesse sa mga magulang habang kumakatok sa saradong pinto. Sa likuran ni Jesse naka-tayo ang pipikit-pikit na si Jessica sa sobrang antok habang maluwag ang pagkakangiti naman ni Jonas na gising na gising pa. Saglit pa ay bumukas na ang pinto.


"Sino ba-" magtatanong sana ang ina ni Jesse nang makilala kung sino ang nasa harapan nito. "Jesse, anak?" Gulat at masayang paninigurado sa anak.

"Opo Inay." Saka niyakap ni Jesse ang ina. "Na-miss kita, Nay." Matagal ang kanilang pagkakayap.

"Sandali nga, Jesse. May kasama ka pala. Aba'y nakakahiya, papasukin mo muna." Napansin ni Anita ang dalawa sa likuran ni Jesse.

Bunitiw si Jesse sa ina. "Oo nga po, inay." Saka siya lumingon kay Jonas at Jessica. "Pasensiya na ha? Na-miss ko lang talaga ang inay."

"Ok lang yun." sagot ni Jonas. "Ako nauunawaan ko." Napaka-laki ng ngiti ni Jonas.

"Halika na kayo pumasok muna tayo sa loob bago tayo magkakilanlan." yaya ni Anita. Saka tinawag ang asawa. "Berto, nandito si Jisuy.. ang anak mo. Tumayo ka dyan dahil may bisita tayo."

"Uulitin ko pagpasensiyahan niyo na ang bahay namin." si Jesse. "Pasok na muna tayo at para makapag-pahinga na."

Naunang pumasok si Anita para sunduin ang asawa. Kasunod ang nahihiyang si Jesse, habang nasalikuran nito sina Jessica na halatang naghahanap na ng mahihigaan at si Jonas na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Pina-upo ni Jesse ang mga bisita sa isang mahabang sofa na gawa sa kawayan. Agad ang naisip ni Jonas sa inupuan nila ay sariling gawa ng pamilya ni Jesse.

Dumiretso si Jesse sa kusina para kumuha ng mga baso. Nang bumalik ay tinungo agad ang bag na dala-dala kanina. Kinuha nito ang dalawang plastic bottle ng iced tea. "Pasensiya na ha... hindi malamig." iniabot niya sa dalawa ang bote.

"Ok lang." si Jessica na agad niyang binuksan ang bote. Habang naka-ngiti lang si Jonas.

Iniabot din ni Jesse ang isang pack ng potato chips. "Ito rin, pagtyagaan niyo muna. Aayusin ko lang ang matutulugan natin. Huwag kayong mahiya ah. Ako ang dapat mahiya." binuntutan ng tawa ni Jesse ang kanyang sinabi.

"Sige lang Jesse. Ok lang kami."

"Salamat." sagot ni Jesse kay Jonas saka tinuon ang pansin kay Jessica. "Ok ka lang dyan?"

Ngumiti si Jessica pero mababanaag ang pagod sa mukha. Natawa si Jesse. "Higang-higa na ah. Saglit lang."

Saka tumalikod si Jesse. Tinanaw na lang ni Jonas si Jesse na pumasok sa isang kwarto. Nang makapasok doon si Jesse ang siya namang labas sa kabilang kwarto ng magulang ni Jesse. Ilang hakbang lang ang layo ng kwarto na iyon nila Jesse sa inuupuan nila Jonas sa sala.

"Magandang gabi po. Ako po si Jonas, kaibigan ni Jesse." bati ni Jonas sa magulang ni Jesse. Napatayo pa nga siya nang magsalita. Kasunod si Jessica na nagulat pa sa biglaang pagbati ni Jonas.

Naka-ngiti ang ina ni Jesse habang ang taas ng tingin naman ng ama ni Jesse sa kanila. Naisip ni Jonas na malabo siguro ang mga mata ng ama ni Jesse kaya ganun ito maka-tingin.

"Magandang gabi rin." sagot ng ina ni Jesse.

"Kayo ba ang kasama ng anak ko?" tanong ni Berto, ang ama ni Jesse.

"Opo." sagot agad ni Jonas.

Muli pa ay tumingin ng naka-taas ang noo ang ama ni Jesse kay Jonas. "Pagpasensyahan niyo na ang naabutan ninyo. Bumawi na lang kayo bukas." saka tumingin sa katabi ni Jonas.

Napansin ni Jessica ang pagtingin sa kanya ng ama ni Jesse. "Ako naman po si Jessica. Kaibigan at ka-trabaho ni Jesse sa Maynila."

Tumango-tango lang si Berto.

"Napapansin kong nangangalumata ka na, Jessica." sabi ni Anita. "Halatang-halata na ang pagod nio sa byahe."

"Nasaan ba kasi si Jesse?" tanong ni Berto sa asawa. "Aba'y hindi pa ako nababati nung bata."

Natawa si Anita sa parang pagtatampo ng asawa. "Ikaw naman, ikaw pa." saka tinawag si Jesse.

"Opo Inay. Saglit na lang po." sigaw ni Jesse.

"Sandali ah. Tutulungan ko na si Jesse." si Anita. "Sandali, nagsikain na ba kayo?"

"O-opo." muntikan nang ma-utal si Jonas.

"Sige." at tumalikod na si Anita.
-----

"Dito matutulog si Jessica sa papag ko." sabi ni Jesse sa dalawa nang makapasok na sila sa kwarto niya. "Jonas, ikaw naman ay dito sa mahabang sopa. Ano ayos lang ba sa inyo. Malaki ang papag, pwede dalawa ang matulog dyan kaya lang, hindi pwedeng tabihan si Jessica. Magagalit si Itay. Kaya Okay lang ba sayo JOnas na dito ka sa sopa?"

"Oo naman Jesse." sagot ni Jonas.

Sumingit na si Jessica sa usapan. "Bahala na kayong mag-usap at ako'y matutulog na." Humiga na si Jessica sa papag na may saping makapal.

"Oh Jonas, magpahinga ka na rin." yaya ni Jesse kay Jonas.

"Teka, ikaw?"

"Doon ako sa labas matutulog."


"Sa sofa sa labas. Yung inupuan namin kanina?"

"Oo. Bakit?" nangingiting tanong ni Jesse.

"Dito ka na lang."

"Nge... Saan naman ako?"

"Dito ka na lang sa bangko tapos pwede naman yatang maglatag dito sa lapag. Ako dito."

"H-ha?"

"Oo. Okay lang sa akin yun."

"Hindi na Jonas. Dyan ka na sa bangko at sa labas na ako matutulog. Mas komportable ka dyan."

"Sige, iwan mo kaming dalawa dito ni Jessica." natatawa si Jonas.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Jesse.

"Wala." saka tumawa ng mahina. "Dito ka na lang, sige na."

Saglit na tinitigan ni Jesse si Jonas saka bumuntong hininga. "Sige pero dyan ka na sa bangko ha? Ako na lang ang maglalatag dito sa lapag."

"Good."
-----

Naglatag si Jesse sa tabi ng mahabang upuan na gawa sa kawayan kung saan naman si Jonas nakahiga.

"Bukas, maaga pa tayo." si Jesse nang makahiga. Napa-tingin siya kay Jonas. "Oh bakit ka naka-titig?"

Natawa si Jonas nang mahina. "Wala naman."

"Tulog ka na. Gaya ng sabi ko, maaga pa tayo bukas."

"Bakit saan tayo pupunta?" tanong n Jonas.

Tatalikod sana si Jesse kay Jonas nang marinig ang tanong nito. "Ano? Siyempre, pupuntahan natin yung beach resort."

"Ah." sabay tawa uli si Jonas ng mahina. "Ok lang naman kahit hindi na tayo magising nang maaga. Ang mahalaga makapag-bonding ka sa pamilya mo. Huwag mo kaming alalahanin."

"Pumunta tayo dito para mag-outing. Sayang naman yung plano mo."

"Sige na nga. Basta kung ano ang mangyari bukas, yun na yun."

"Ok. Tulog ka na. Alam ko pagod na pagod ka na sa pagda-drive."

"Wala yun. Salamat. Pero..."

"Mmm?" ungol ni Jesse, tanong sa gustong sabihin ni Jonas.

"Napapansin ko panay na ang concern mo sa akin." binuntutan ito ni Jonas nang mahinang tawa uli.

"Matulog ka na nga. Kung ano-ano ang iniisip mo." Pagkatapos ay inginuso si Jessica. Pinahiwatig niya na baka marinig nito ang mga pinag-uusapan nila at kung ano ang isipin sa kanila.

Bago pa man makatalikod si Jesse kay Jonas sa pagkakahiga, naimuwestra na agad ni Jonas sa pamamagitan ng kanyang bibig ang salitang, "I Love You".

Agad kumunot ang noo ni Jesse saka umirap at tumalikod kay Jonas. Nang makatalikod hindi niya maiwasang mapa-ngiti kahit hindi niya sinasadya. Pero madali niya itong winaglit sa kanyang isipan.
-----

Maagang nagising si Jonas. Lumabas siya nang kwarto habang natutulog pa ang dalawa. Sa labas, sa bakuran nila Jesse ay naabutan niya ang katay ng manok na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sa tingin niya ay dalawang manok iyon.

"Jonas, gising ka na pala?" si Anita.

Agad napalingon si Jonas sa ina ni Jesse. "Magandang umaga po." nakangiti niyang bati.

"Ganun din sayo. Ano, maayos ka bang nakapag-pahinga?"

"Opo. Teka, kayo po ba ang nagkatay nito?"

"Hindi, si Berto. Nag-punta lang sa likod bahay nanguha ng mga gulay. Ako lang ang mag-lilinis niyan."

"Ah ganun po ba? Pero ibig po ninyong sabihin, sa laki nitong bakuran ninyo, may taniman pa kayo sa likod bahay?"

Natawa si Anita. "Oo Jonas. Pero, natural na dito na may malaking lupa."

"Ah... Pwede po ba akong tumulong?"

"Ay huwag." saway agad ni Anita. "Magagalit ang asawa ko. Kahit si Jesse, ang kaibigan mo."

"Bakit naman po?"

"Kasi bisita namin kayo. Nakakahiya, kami ang dapat na gumawa niya. Kung nababagot ka, pwede ka naman lumibot dito. Kahit sa labas. Mababait ang mga tao dito." naka-ngiting sabi ni Anita.

"Sige po. Mmm punta na lang po sa likod. Gusto kong makita ang taniman."

"Sige. Abalahin mo ang sarili mo. Mag-ingat ka ha?"

"Opo." tumalikod na si Jonas para tunguhin ang likod bahay.

Agad niyang napansin ang kulungan ng babay sa di kalayuan. Agad niya iyong pinuntahan. Hindi siya nakakaramdam ng pandidiri o ano man na maaring reaksyon kapag ang mga katulad ni Jonas ay nakakita ng mga ganoong bagay. Siya, mas excited pa siyang malaman kung ano ang mga pinagkaka-abalahan ni Jesse nung panahon na nandoon pa siya sa lugar na iyon.

"Wala naman palang baboy dito. Kaya pala tahimik." Nasabi niya nang malapitan ang kulungan ng baboy. "Malinis." Saka siya napa-lingon sa lugar kung saan nagkakagulo ang mga manok sa isang may kahabaang kulungan. Agad niyang nilapitan iyon.

Amoy niya ang singaw ng dumi ng mga manok pero balewala sa kanya iyon. Naka-ngiti pa siya nang bilanagin ang laman ng kulungang iyon. "Labing isa plus pitong sisiw sa kabilang kulungan."

"Parang ngayon ka lang nakakita ng mga manok." si Berto sa likuran ni Jonas.

Agad napalingon si Jonas. "Ay kayo po pala." saka napansin ang dala-dala nitong isang basket namay lamang gulay. "Tulungan ko na po kayo." aktong kukunin sana niya ang basket.

"Hindi na. Kaya ko na 'to."

Saka naalala ni Jonas ang sinabi ni Aling Anita kanina. "Sige po." magalang niyang sang-ayon.

"Sina Jesse, gising na ba?" tanong ni Mang Berto habang patalikod kay Jonas.

"Iniwan ko pong natutulog pa." habol na sagot ni Jonas sa papaalis na si Mang Berto. "Hindi naman mahirap paki-samahan ang magulang ni Jesse." napa-ngiti siya sa naisip.
-----

"Wow, agahan pa lang ito?" manghang pahayag ni Jessica nang makadulog sa hapag-kainan. Nakita kasi niya ang halos tatlong putaheng nakahanda sa lamesa maliban sa mga panghimagas tulad ng prutas. "Nakakagutom naman..."

Natawa si Jesse. "Para sa inyo yan ni Jonas. Kaya kumain kayo ng mabuti ha?"

"E sila Itay at Inay?" tanong ni Jonas.

Napa-ngiti si Jesse sa tanong ni Jonas. "Itay at Inay ah... nasa likod sila, pero papunta na iyon. May inaayos lang. Siya upo na tayo habang naghihintay."

"Sige." sagot ni Jonas.

Hindi pa man nakaka-upo ang lahat nang nagdatingan na ang magulang ni Jesse.

"Oh Jesse, bakit hindi mo pa sila pinagsimulang kumain?" tanong ng ina habang papalapit.

"Gusto po nila Inay na kasabay kayo."

"O siya, kain na." sagot ni Anita.
-----

"Ok na ba ang lahat?" tanong ni Jesse sa dalawa. Papunta na kasi sila pupuntahan nilang beach.

"Ready na." excited na sagot ni Jessica.

"Mag-ingat kayo." si aling Anita.

"Opo Inay." sagot ni Jonas.

"Sige na, para masulit ninyo ang natitira niyo pang oras dito."

"Sige po." paalam ni Jonas sa ina ni Jesse. Kumaway pa nga siya bago tumakod.

Hindi na pinakinggan ni Jesse ang pag-uusap ni Jonas at ng ina. Hindi dahil sa nagseselos siya kundi napapa-ngiti siya kapag binabanggit ni Jonas ang katawagang Inay at Itay patungkol sa kanyang magulang. "Feeling kapamilya eh." biro sa isip ni Jesse saka ngumit ng napaka-luwang.

"Jesse." tawag ni Jonas na nasa likuran ni Jesse. Nauuna naman si Jessica. "Ang bait ng magulang mo."

"Siyempre naman." mayabang na sagot ni Jesse.

"Kaya namana mo sa magulang mo ang kabaitan mo Jesse."

"Syem-" biglang natigilan si Jesse. "H-hindi naman."

Magkasabay na silang dalawa sa paglakad. "Totoo naman."

"Salamat. Pero natutuwa ako sayo. Nakikita ko ng palagay ka sa mga magulang ko."

Biglang napa-yuko si Jonas. "Siyempre naman." saka muling tumingin si Jonas kay Jesse. "Masaya akong makilala ka, Jesse."

Napa-tigil sa paglalakad si Jesse na ikinatigil din ni Jonas.

"May iba ka bang ibig sabihin sa sinabi mo?"

"Jesse, meron man o wala, alam mo na naman ang feelings ko sayo eh." sagot ni Jonas.

Saglit na tumitig si Jesse kay Jonas.

"Kayong dalawa. Ang bagal niyong maglakad." sigaw ni Jessica na nauuna na medyo may kalayuan na. Tama lang na hindi na marinig ang napag-uusapan ng dalawang naiiwan. "Bilis bilis bilis. Excited na ako sobra."

Natawa si Jonas sa sinisigaw ni Jessica. Saka mulling naglakad si Jesse para sumunod kay Jessica.

"Sandali naman Jesse. Iniiwan mo naman ako eh."

Nagmamadali si Jesse sa paglalakad dahil ayaw niyang makita ni Jonas ang haba ng linya ng pagkakangiti niya sa kanyang labi. "Kung pag-ibig din ito sa kanya... hahayaan ko bang magpatuloy?" Napa-iling na lang siya habang naka-ngiti.

"Jesse. Ang bigat nang dala ko, hintay naman."
-----

7 comments:

yeahitsjm said...

Una! :)) basa muna ako :))

Anonymous said...

pangalawa lng ako huhuhu... pero ok lng naupdate nman n :) wayne

arbi said...

galing mo talaga magpakilig ash. inspired ka kay kuya

Anonymous said...

nice one bro,, thanks po sa update
jack21

aR said...

ay nako pag yan si jonas biglang natauhan or may lumandi jan...ewan ko na lang sayo jesseXD

wastedpup said...

Wohoo. May update na. At habang binabasa ko ang chapter, naka ngiti lang ako na parang walang bukas. Naks naman. Hanggang sa susunid na update ash.

ram said...

galing galing. sana palagi ka inspired. hahaha