Followers

CHAT BOX

Saturday, January 8, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 14

"Paki-kuha mo nga yung ibang pinamili ko sa labas."

Nagulat si Ivan nang magsalita ang kanyang ina sa kanyang likuran. Hindi nya namalayang naroon na pala ang ina sa kanyang likuran.

"Ma naman. Ginugulat niyo ako eh."

Ang totoo kasi simula pa lang nang umalis si Mico hindi na mawala sa kanya ito. Siyempre ang sasabihin niya dahil sa sabik na siyang matikman ang niluluto nitong spaghetti gaya nga ng napagkasunduan nila. Pero ang totoo,  kanina pa niya naiisip si Mico dahil sa mga kakatwang pangyayari sa kanila kahapon at ngayon.

"Oh bakit nangingiti ka diyan?" nagtataka si Divina sa anak. "Ano ba kasi ang iniisip mo bakit hindi mo namalayang nasa likod mo na pala ako ha?"

"Grabe naman po kayo Ma. Wala po ah. Nanonood lang kao ng t.v."

" Sige na kunin mo na yung mga pinamili ko sa labas para makapagluto na ako't makakain ka na."

"Tingin ko Ma, huwag na lang."

"Anong huwag na? Anong gagawin mo doon sa pinamili ko, papabulukin mo na lang sa labas? Nandoon ba ang ref?"

"Ay hindi Ma. Ang ibig kong sabihin huwag ka na kayang magluto. Kasi- kasi nagluluto si Mico ng spaghetti."

"Ano? Si Mico nagluluto ng spaghetti?"

"Opo."

"Ano ba naman iyan Ivan. Binasa mo na nga si Mico kanina tapos ngayon pinagluluto mo pa."

"Ma, mali naman kasi kayo sa iniisip niyo. Magkaibigan na kami ni Mico."

"Sigurado ka?"

"Tanungin mo pa siya mamaya."

"O sige na ipasok mo na ang mga pinamili ko."

"Sure." masaya niyang pagsunod.
-----

"Sigurado ka masarap ito?" takam na takam na si Ivan habang binubuksan ang takip ng malaking lalagyan ng spaghetting niluto ni Mico.

"Tikman mo na lang." nangingiting si Mico. "Si tita pala?"

"Dumating na siya. Nasa kwarto niya, sandali tatawagin ko."

"Sandali." pigil ni Mico.

"Bakit?"

"Yung ano- yung flower vase nahalata na ba niya. O sinabi mo na?"

"Hindi pa. Wala pa naman siyang alam."

Napakagat labi na lang si Mico. Ang akala niya hindi na siya matatakot. Heto siya at kabado na naman.

"Ano tatawagin ko na?" si Ivan.

"Ikaw ang bahala." nayukong si Mico at umupo sa upuan.

Natawa si Ivan. "Huwag kang mag-alala akong bahala."

Ngumit si Mico kay Ivan.

Maya-maya lang ay kasama na ni Ivan si Tita Divina.

"Mico." masayang bati ni Divina kay Mico. Na-miss niya ito ng sobra. Nayakap niya si Mico nang mahigpit. "Kamusta ka na? Bakit parang ang lungkot-lungkot ng mga mata mo?"

Hindi alam ni Divina na kinakabahan lang si Mico. Napatingin muna si Mico kay Ivan. "Okey lang po ako tita." pinilit niyang ngumiti.

"Sigurado ka ha?" napatingin si Divina sa lamesa kung nasaan ang spaghetti. "At pinagluto mo pa talaga si Ivan ko ha?" natatawa nitong sabi.

"Opo." nangiti na rin si Mico ng maluwag.

"Magkaibigan na ba talaga kayo ni Ivan? Hindi ka na ba niya inaaway?"

"Inaaway? Siya nga itong nang aaway diyan." entra ni Ivan may buhat buhat na pitsel na may lamang malamig na tubig. "Ano ba gusto ninyong juice?" sinundan niya ng tanong.

"Ok lang kahit ano." sagot ni Mico. "Opo tita. Ok na kami ni Ivan."

"Eh di mabuti. Wala ng aso't pusa dito." sabay tawang si Divina.

Nahiya naman bigla si Mico at si Ivan na kasalukuyang inaabot ang lalagyanan ng orange juice. "Orange juice na lang?"

"Sabi nga ng ka i bi gan mo okey lang daw ka hit ano." natatawang si Divina habang binabaybay ang ilang salita.

Muli nanamang napayuko si Mico.

Nagpatuloy si Divina sa pagsasalita. "O siya kain na tayo. Im sure masarap ito dahil para kay Ivan ito."

"Para sa atin Ma." medyo naiinis na si Ivan sa ina dahil sa mga banat nito.

"Ah ganoon ba?" si Divina.

Samantalang si Mico kanina pa nakakaramdam ng pagkaasiwa. Hindi na nga niya namalayang nawala ang kaba niya at napalitan ito ng hindi pagkapalgay dahil sa mga banat ni Tita Divina niya. Tinatamaan siya.
-----

"Oh maiwan ko na kayo dito ha?" paalam ni Tita Divina. Tapos na siyang kumain.

"Sige po tita." si Mico.

"Akyat na muna ako sa taas. Ivan ikaw na ang bahala kay Mico."

"Yes Ma." sagot ni Ivan. Nang wala na ang ina, "Paano mo niluluto ang spaghetti mo?"

"Bakit?"

"Sa totoo lang mas masarap pa ito kaysa sa luto ni Mama. Kasi si Mama laging minamadali ang pagluluto niya ng spaghetti."

"Marinig ka ni Tita Divina."

"Totoo naman eh." natawa si Ivan.

"Marami lang kasing ginagawa si Tita kaya ganoon."

"Pero masarap talaga ang gawa mo. Pati yung unang luto mo, masarap din yun."

"Ay oo ang luto ko noong una." biglang naging sarkastiko ang tono ni Mico. "Na kulang nalang laitin mo. Hmpt." kunyari nainis siya.

"Bakit?" natatawang si Ivan. "Nagsabi naman akong masarap ah?"

"Kay Mama. Si mama ang naapreciate mo... hindi ako."

"Ganoon? Sinabi naman ng mama mo na ikaw ang nagluto di ba?"

"Pagkatapos hindi mo na kinain." humarap ng tuwid si Mico kay Ivan. "Alam na alam ko yun. Nalaman mo lang na ako ang nagluto iba na ang kinain mo."

"Weee... ang hilig mo magtampo no." nagpacute si Ivan.

"Parang kanina hindi ka nagtampo diyan ha?"

"Kelan?" maang na tanong ni Ivan.

"Kanina. Kaya nabasag yun flower vase." naisigaw ni Mico ang dalawang huling salita.

Nagkatinginan ang dalawa. Nakita ni Mico ang panlalaki ng mga mata ni Ivan habang nakatitig sa likuran niya na para may nakikita itong kung ano.

Agad siyang kinabahan. Ang naiisip niya baka naroon si tita Divina niya at narinig nito ang isinigaw niya. Kaya lumingon siya ng may kasamang kaba.

Biglang tumawa ng ubod ng lakas si Ivan.

Walang nakita si Mico. Muli siyang tumingin kay Ivan pero salubong na ang mga kilay. "Niloloko mo naman ako eh."

"Takot na takot ka talaga Mico." hindi pa rin mapipgil ang tawa ni Ivan.

"Ewan ko sayo."

"Sorry na."

Hindi na kumibo si Mico. Ayaw na niyang magsalita baka mahalata lang ni Ivan na kinikilig siya ng sobra sobra.

"Siya nga pala Mico, thank you dito ha. Masarap talaga ito."

Tumango na lang siya. Hindi nga niya sigurado kung nakita ni Ivan ang pagtango niya dahil sa pagyuko na kulang nalang isubsob niya ang mukha sa lamesa huwag lang mahalatang pigil ang ngiti niya. Ramdam niyang namumula ang mga pisngi niya.
-----

Pagkatapos nilang kumain maya-maya lang ay nagpaalam muna si Mico. Nakalimutan niya kasi si Vani. Hindi pa niya ito napaghahandaan ng pagkain kaya minabuti na muna niyang magbalik sa kabila.

Tama nga siya. Sa gate pa lang nakaabang na si Vani. Nang makita siyang paparating nagtatahol ito. Nakaramdam ng awa si Mico para sa kanyang pinakamamahal na alaga. Kinarga niya ito papasok sa loob ng bahay.

Nakasalubong ni Mico si Saneng galing sa kusina. "Kumain ka na?" tanong niya sa kasambahay.

"Oo Mico. Ikaw? Hindi na kasi ako nagluto gaya ng sabi mo."

"Oo. Kumain na ako sa kabila. Si Vani kasi hindi pa pala kumakain. Wawa naman si Vani ko."

"May iuutos ka ba?"

"Wala naman. Ako na ang bahala kay Vani."

"Sige punta na ako sa kwarto ko. Ay siya nga pala, may pumunta ditong lalaki kanina. Ang gwapo naman niya Mico."

"Nagsalubong ang kilay ni Mico. "Sino daw?"

"Rico ang pangalan daw niya. Babalik na lang daw siya. Hindi kasi kita matawag sa kabila eh."

"Ngayon lang?"

"Kani-kanina pa. Noong lumabas pagkatapos mo magluto."

"Ah ganoon ba? Sige salamat."

"Ok."

Umalis na si Saneng. Naiwan naman si Mico na napapaisip. "Ano ba yan minsan na ngalang dumalaw si Rico hindi pa kami nagkita. Sayang naman. Sana nakatikim din siya ng spaghetti ko." biglang may pumasok na ibang ideya sa kanyang isip. Si Ivan daw ay nagagalit sa kanya dahil ipinapakain daw niya sa iba ang lutong dapat lang ay para kay Ivan. Natawa siya sa naiisip na iyon.

"Namiss ko na rin si Rico. Next time na lang nga."
-----


Hapon na ng bumalik si Mico sa bahay nila Ivan. Nagulat pa si Mico nang makasalubong niya si Tita Divina sa pintuan.

"T-tita." Lagi nalang siyang kinakabahan. Nagi-guilty siya dahil may itinatagoi siyang kasalanan sa kanyang tita Divina. Nakokonsensiya siya.

"Nagugulat ka yata Mico." natatawa si Divina sa reaksyon ni Mico.

Kinakabahan si Mico. "Tita, may aaminin po ako sa inyo. Gusto ko po kasing mag-sorry dahil-" hindi niya naituloy ang gustong sabihin.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry Mico. Okey lang sa akin ang nangyari kanina. At saka, luma na naman na iyon. Ako nga ang dapat na magpasalamat dahil pinalitan mo pa ng bago. Hinayaan mo na sana si Ivan. nag bait mo talaga sa anak ko." Nayakap siya ni Divina.

"Pero Tita-" gusto niyang magpaliwanag dahil naguguluhan siya. Naiba yata ang kwento.

"Wala kang kasalanan Mico. Okey lang iyon. Sinabi na sa akin ni Ivan na nagbibiruan kayo kanina at hindi sinasadyang nasagi niya ang flower vase..."

"NIYA" ang salitang niya ang ikinabigla ni Mico.

"... tapos ikaw pa ang bumili gayong hindi naman ikaw ang may kasalanan talaga. Nako, pasaway talaga yang Ivan na yan kaya pagpasensiyahan mo na lang Mico." patuloy ni Divina. "Pero natutuwa talaga ako sa inyo dahil okey na kayo." pagkatapos noon nilagpasan na ni Divina si Mico dahil may kukunin ito sa kotse.

"Y-yun po ba ang sabi niya?" halos pabulong niyang naibulalas habang natutulala sa narinig. Buti na lang nasa likod na niya si Tita Divina kaya hindi nito pansin siya.

"Oo. Nagso-sorry kanina. At sabi mo nga daw wag nang ipaalam sa aking ikaw ang bumili ng bagong vase. Pero sinabi na rin sa akin ni Ivan. Kaya nga sabi ko sa kanya kung gaano ka talaga kabait, sinusuplado-suplado ka pa niya noong una."

"Ano po ang sabi niya?"

"Ayon. Basta raw okey na kayong dalawa." natawa si Divina. "Sabi ko na nga ba noon pa na saan pa at magkakaayos din kayo. E di tama naman ako. Sige na,pumasok ka na Mico. May gagawin lang ako dito sa kotse."

"A-ah sige po. Salamat po Tita." huminga muna siya ng malalim. Saka pasimpleng kinilig. "Ginawa ni Ivan iyon para sa akin? Hindi ko inaasahan talaga."


Dumiretso siya sa kwarto ni Ivan. Gusto niyang magpasalamat dito. Nang nasa pintuan na siya para kumatok nakaramdam naman siya ng hiya na gawin iyon. Tatalikod na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Kaya napaharap siya ng may halong pagkagulat.

"Bakit?" takang tanong ni Ivan kung bakit siya naroon.

Hindi na napigilan ni Mico ang sarili. Naluluha pa siyang nayakap si Ivan.
-----

"Bakit ba?" muling tanong ni Ivan.

"Gusto kong magpasalamat kasi."

"Bakit naman? At kailangan mo pang yakapin ako?"

Para bang natauhan si Mico at biglang iniwan si Ivan mula sa pagkakayap. "Pasensiya." Halos hindi siya makatingin kay Ivan. Pero sa huli niyang sulyap dito nakita naman niyang hindi ito galit. May ngiti pa nga sa labi. "Iba kasi ang sinabi mo kay Tita eh. Ang sabi mo ikaw ang nakabasag ng flower vase tapos ako ang bumili ng pamalit. Alam naman nating hindi totoo."

"Hindi naman kasi mababasag ang vase kung hindi kita kinulit."

"Hindi naman ganoon yun eh. Eh hindi naman ako ang nagbayad ng binili natin ah."

"Ikaw may sabing bumili tayo di ba?"

"Oo pero ikaw ang nagbayad. Yun ang mas mahalaga doon."

"Pero dahil may favor. Ipinagluto mo ako ng spaghetti. Na masarap." bigla itong tumawa.

Natawa na rin siya. "Ganoon. Pero dapat ako ang humihingi ng sorry kay tita. Parang imbes na sa isa lang ako nagi-guilty dalawa na dahil, dahil inako mo yung kasalanan."

"Hindi naman." nilagpasan ni Ivan si Mico. Baba na ito ng hagdan.

"Alam ko na. Para hindi ako maguilty isang favor pa."

Natigilan si Ivan at tumingin kay Mico. "Okey ka lang? Pinahihirapan mo pa ang sarili mo."

"Hindi naman. Oh sige kahit hindi na ngayon. Pag-isipan mo muna kung ano. Basta may aasahan akong favor mo. Ok ba yun?"

Napakunot ang noo ni Ivan saka itinutloy ang paglalakad. "Ewan ko sayo Mico. Bahala ka nga."

"Yes." sigaw ni Mico.

"Nge. Natuwa pa."
-----

"Alam ko na Mico. Pahiramin mo na lang ako ng dvds mo. Yun ang favor ko." tumataas pa ang kilay ni Ivan nang sabihin niya ito kay Mico.

"Ang bilis ah?" reklamo ni Mico. Nasa harap kasi sila ng t.v. nang biglang maisipan ni Ivan na hingiin na ang favor.

"Bakit? Nagrereklamo ka?"

"HIndi naman po. Nagulat lang ako kasi akala na baka abutin pa bukas o kaya sa susunod o baka naman sa isang linggo pa. Pwede ring kalimutan mo na." sabay tawa.

"O siya wag na lang. Ok lang naman na makonsensiya karin minsan." siryosong sabi ni Ivan.

"Ay hindi na susundin ko na ano ba yun. Ikaw naman hindi na mabiro." lambing niya kay Ivan.

Sabay tawa naman din ni Ivan. "Niloloko lang naman din kita." dumila pa ito kay Mico.

"Ah ganoon ah." hinampas ni Mico si Ivan ng unan.

"Oops. Baka mabasag na naman ang vase. Bahala ka diyan."

Agad namang tumigil si Mico sa takot ding maulit muli ang nangyari kanina lang. "Ano nga iyon, Dvds?"

"Yupp. Nood tayo."

"Mga luma na yung naanduon eh."

"Okey lang."

"Sabi mo ah. Ano bang klaseng pelikula?"

Nagisip si Ivan. "Sama na lang ako sa inyo para mamili. Ok lang ba iyon?"

Natuwa si Mico sa sinabi ni Ivan. "Oo naman."
-----

6 comments:

arbi said...

Ganda hahaha. lalong mas nagiging exciting ang mga susunod na chapter. thanks anthony. sana mapost kaagd ang sunod na chapter. :-)

erwanreid said...

Maraming salamat sa pag-aabang!

Pero ang totoo pinilit ko lang na tapusin ang 14 dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

Pero sa inyo talaga iyan mga readers ko. Mga KAIBIGAN ko.

Maraming salamat muli. :)

Robin_bi13 said...

Gar be gan datalaga nang kow to mo nice one.

boytoy said...

I'm one of your avid readers..

really great story..hehehe

Anonymous said...

wow.. ganda talaga.. super duper love it.. hahaha.. kakakkilig to tha meaximum levelysus.. haha.. taray talaga gumawa ni kuya Ansen .. hehe..

nakakakilig ang mga bawat kataga na binibigay ni Ivan.. kay mico.. lalo na dun sa pinagtanggol ni Ivan si Mico.. sa Vase na nabasag.. hehe.. kakaklig talaga.... i super duper love him n talaga.. hahaha

at bongga na itong COMMENT BOX aah.. mala-BOL na siya.. hahaha..

TARAY!

at ang iskor ko ay 9!

-Enso

Anonymous said...

nakakatuwa talaga ang storya na ito...sana magkaroon na kagad ng kasunod...excited na ako...salamat talaga at may gantong akda...kinikilig talaga ako!!!