Followers

CHAT BOX

Monday, August 15, 2011

TRUE LOVE WAITS (A Time For Us) Chapter 28


"Hindi mo talaga ako titigilan?" si Ramon na lumabas na ng bahay. "Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tauhan ko."


"Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko, Ramon. Hayop ka." Saka inilabas ni Arman ang baril sa kanyang tagiliran. Itinutok ito kay Ramon.

Biglang sumulpot si Justin. "Tito Arman, huwag po." at humarang sa ama. "Huminahon po kayo, mapapag-usapan naman po natin ito eh. Nakakahiya na po sa mga kapit-bahay."

"Umalis ka dyan sa harapan ng hayop mong ama Justin kung ayaw mong madamay. Kahapon, binaril niyan ang anak kong si Arl."

Nagulat si Justin sa sinabi ni Arman. "A-ano?"

"Oo Justin, bakit hindi mo alam?" tumawa ng nakaka-insulto si Arman. "Ang dami kasing bahong tinatago yang ama mo."

Kahit nakaharang si Justin sa ama, dumistansiya siya para harapin ang ama. "Dad? Anong sinasabi niya?" tiim na nangungusap ang mga mata ni Justin sa ama.

Napatiim bagang si Ramon. Pinilit niyang maging mahinahon sa harap ng anakl. "Hindi ang anak niya ang dapat na tatamaan. Ang kaso, humarang siya."

"So totoo nga... nabaril mo si Arl? Dad, bakit?"

Hindi na makapagpaliwanag si Ramon sa anak.

"Bakit hindi mo ikwento ang lihim mo Ramon sa anak para naman hindi siya nagguguluhan. Ang akala pa naman niya, isa kang ulirang ama." sabay tawa. "O baka naman gusto mo pang ako na lang ang magkwento kung sino ang balak mong barilin?"

Nagpanting ang tenga ni Ramon. "Gago."

Natawa si Arman. "Ayaw mong malaman mo na ang dapat mong babarilin ay ang pinakamamahal niyang kapatid?"

Pinagpawisan si Ramon ng malapot, napa-tingin siya sa anak.

"D-dad?" salubong ang kilay ni Justin sa ama. Umaasa siyang tatanggi ang ama sa paratang ni Arman. Pero hindi kumibo ama patunay na nagsasabi ng totoo ang Arman. Nangilid ang luha sa mga mata ni Justin. "Bakit mo kailangang barilin si Jonas?"

Imbes na sumagot sa anak, kay Arman ito tumuon ng pansin. "Gago! Lumayas ka na rito kung ayaw ikaw ang ipapatay ko."

"See, Justin? Siya na mismo ang nagsabi. Gawain talaga niya ang pumatay."

"Aba't..." muntikan nang mapamura si Ramon. Susugurin niya si Arman. Wala siyang paki kungmay hawak itong baril. Pero hinarangan siya ng anak.

"Dad?" awat ni Justin. "Tito Arman..." tuon niya ng pansin. "Please ako na po ang humihingi ng paumanhin. Nakikiusap po ako. Ayoko ng gulo. Pag-usapan na lang natin po ng maayos."

"Ramooon...."

Nagulat ang lahat ng biglang may sumigaw sa tono ng galit na galit. Si Juanita ang dumating. May dala itong malaking bato at pasugod kay Ramon.

"Hayop ka..."  halos mapatid ang litid sa leeg ni Juanita sa pagsigaw. "pati anak mo gusto mong patayin."

Hindi lang si Ramon ang nagulat sa sinabi ni Juanita, ganun din sina Justin na nagtataka sa kung anong ibig sabihin ng ale na bagong dating. Agad siyang humarang sa ama.

"Juanita?" takang tawag ni Arman.

Hindi pinansin ni Juanita si Arman. Ibinato niya ang hawak ng malaking bato kay Ramon. Agad namang hinatak ni Justin ang ama papalayo para maka-iwas sa ibinato ng ale. Gulat na gulat ang mag-ama sa ginawa ni Juanita.

Umiiyak si Juanita nang maibato niya iyon. "Hayop ka Ramon. Wala kang sing sama. Anak mo gusto mong patayin? Ano bang kinalaman nila sa galit mo sa akin? Eh ano kung mabuhay sila? Bakit mo pa kailangang ipapatay?"

"Juanita..." tawag ni Arman.

"Wala akong anak sayo. Kahit kailan, wala akong naging anak sayo." nakadistansyang sagot n Ramon. Pero kanina pa man ay gusto na niyang gumanti inaalala lang niya ang anak na nakaharang.

"Dad? Wala akong maintindihan?" si Justin na gulong-gulo na sa mga nangyayari.

"Alam kong ikaw ang nagpadukot kay Jessica." si Juanita. "At hindi ka pa nakuntento, pati si Arl gusto mo ring patayin." Ang bilis ng pangyayari nang biglang lumapit si Juanita kay Arman at kinuha nito ang baril na hawak ng huli. Saka sumigaw ng todo. "Ako na lang papatay sayo!..."

Agad tinakbo ni Justin ang babae para iiwas ang baril na alam niyang sa ilang saglit lang ay ipapaputok ng babae. Nakikita kasi niya sa mga mata nito ang sobrang galit sa kanyang ama. Nakipag-agawan siya sa babae.

Sumaklolo si Arman. Lumapit siya kay Juanita para sabihing huminahon. Nakikiusap na huwag kakalabitin ang gatilyo ng baril. "Justin, ingatan mo." pakiusap niya kay Justin habang patuloy na hinihila ang baril sa kamay ni Juanita.

Nagkaroon ng pagkakataon si Ramong na pumasok sa loob ng bahay.
------

"Pare, paki-abot naman ng baso." pakiusap ni Arl kay Jonas nang bahagyang mabilaukan sa katatawa sa kwentuhan nila ng kaibigan.

"Sige." inabot ni Jonas ang baso sa katabing table habang naka-upo sa may ulunan ni Arl. Kinailangan pa niyang i-stretch ang katawan para maabot iyon. Hindi niya inaasahan na maa-out of balance siya kaya hindi niya nahawakan ng maayos ang baso kundi natabig ito at bumagsak sa lapag. Ang lakas ng kaba ang biglang bumalot sa dibdib ni Jonas.

Napa-tingin si Jonas kay Arl. Napansin niyang nakatulala ito. "Pare, bakit?" Napansin niyang pinagpapawisan ito.

"Jonas, pakiusap. Sundan mo sila Daddy. Bigla akong kinabahan. Parang may masamang mangyayari sa kanila."

"H-ha?" Naisip ni Jonas na hindi lang pala siya ang kinabahan ng tulad ng ganoon pati pala si Arl. "P-paano ka dito?"

"Huwag mo ako ng intindihin pare. Pakiusap, sundan mo na sila Mama. Pakiusap." Naluluhang pakiusap ni Arl kay Jonas.

"S-sige."
-----

Sa wakas ay bumitiw na rin si Juanita sa baril at nasa kamay na ito ngayon ni Justin. Hingal na hingal si Juanita habang nakapatong ang mg kamay ni Arman sa balikat niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Arman kay Juanita.

"Bakit niyo pa kailangang barilin pa ang Dad ko?" biglang tanong ni Justin habang kumukuha ng distansiya sa dalawang kaharap.

"Wala ka kasing alam." sigaw ni Juanita.

"Pa-" magtatanong sana si Justin nang mapalingon siya sa amang kalalabas lang gate.

"Kayo ang papatayin koooo..." sigaw ni Ramon habang hawak-hawak ang baril na nakatutok kay Juanita.

"Sige." sigaw ni Juanita. "Patayin mo na rin ako gaya ng ginawa mo kay Jessica na tunay mong anak. Wala kang kaluluwa. Kahit puso, napagkaitan ka. Nakakaawa ka."

"Hindi ko pinatay anak mo Juanita. Hindi ko alam kung nasaan siya." ganting sigaw ni Ramong habang nakatutok ang baril kay Juanita. "Oo, pinadukot ko ang anak mo. Pero hindi ko na alam kung nasaan ngayon? Dahil mismong tauhan ko ang nawawala. May puso ako, dahil ginagwa ko iyon para maprotektahan ang kaisa-isa kong anak."

Imbes na matuwa si Justin sa sinabi ng ama patungkol sa kanya ay sama pa ng loob ang dumapo sa puso niya.  "Dad? Totoo ngang pumapatay kayo ng tao?"

Tumingin si Ramon sa anak. "Im sorry anak. Sisirain nila tayo." Nasa tono ni Ramon ang parang nawawalan ng katinuan. "Ikaw. Kunyari, may anak ako sa kanila pero hindi totoo yun. Ikaw lang anak ko. Justin maniwala ka." sagot ng ama.

"Sagutin niyo po ang tanong ko Dad? Pumapatay po ba kayo?" nagsimula nang manlabo ang mga mata ni Justin sa namumuong luha. "Bakit Dad? Bakit niyo pa kailangang gawin yun?" Hindi na nga rin niya napigilan ang emosyon.

"Anak..." pang-aalo ng ama. Pero nakita niya ang matalim na pagiwas ng mga mata ni Justin sa kanya. Alam niyang galit sa kanya ang anak. Binalingan ni Ramon sina Juanita at Arman. "Kasi, kung hindi dahil sa inyo..." muli niyang itinutok ang baril sa dalawa.

Natakot si Arman hindi para sa kanya kundi para kay Juanita na malamang na makakasalo ng bala kung sakaling pumutok ang baril na hawak ni Ramon. Iniiwas agad niya si Juanita.
-----

"Pare, bilis barilin mo na ang lalaki gaya ng utos ni Bossing." Sa si kalayuan may nagtatagong dalawang lalaki para sundin ang utos ng boss nilang si Ramon na sila ang bumaril sa dalawang taong nanggugulo ngayon sa bakuran ng mga Jimenez.

"Sandali pare, hindi ko matyempuhan ang lalaki nakaharang yung babae eh. Di ba sabi ni Bossing yung lalaki ang barilin natin."

"Bilisan mo na kasi."

"Ito na." Nang tyempong kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril ay sakto naman ang pagdaan ng kotse. "Bwisit!"
-----

Napansin ni Jonas ang dalawang lalaking nagtatago sa di kalayuan kaya sinadya niyang bilisan ang takbo ng kotse para maiharang ito sa alam niyang puntirya ng mga ito. Saka niya napansin si Tito Ramon na itinututok ang baril kay Juanita at Ramon.

"Tito Ramon, huwag." agad niyang awat kay Ramon nang makababa ng sasakyan. Humarang siya kay Arman at Juanita.

"Jonas?" nagulat si Justin nang makita ang kapatid.

Hindi pinansin ni Jonas ang kapatid kundi sa ama nito. "Tito Ramon, kailangan niyo pa pala talagang utusan ang mga tauhan ninyo." Inginuso ni Jonas ang direkyon kung saan nagtatago ang mga dalawang tauhan nito.

"Lintek." si Ramon nang malamang nabulyaso pala ang mga tauhan niya. Saka may narinig na putok.

Buti na lang at pansin ni Jonas ang dalawang nagtatago kaya bago pa man mapa-putok ang baril nito ay agad na niyang naitulak sina Arman at Juanita para makaiwas.

Agad ang saklolo ni Justin sa kapatid nang marinig ang pagputok. "Jonas..." sigaw niya sa kapatid at agad lumapit.

"Justin, anak-" sigaw naman ni Ramon. "Huwag kang lalapit..."

At isa pang putok ang narinig ng lahat.
-----

"Tang-ina mo pare, takbo. Anak ni Bossing ang tinamaan mo."

"H-ha?" gulat ng isa.

"Bilis."

"Bigla kasing humarang eh."

"Gago, tumakbo ka na." sigaw ng isa nang mauna nang makatakbo.
-----

"Justin..." iyak at takbo ang ama sa kinaroroonan ni Justin. "Tabi." sigaw niya kay Jonas na tatangkain buhatin ang katawan nito. "Sabi ko tumabi ka."

"Dalhin na natin siya sa ospital, Tito Ramon."

"Ako ang magdadala sa kanya sa ospital." sigaw ni Ramon kay Jonas.

Sumingit si Arman na nag-aalala rin sa sinapit ni Justin. "Isakay mo na siya Jonas sa kotse dali."

"Huwag niyong papakialaman ang anak ko." sigaw ni Ramon sa dalawa.

"Hahayaan mo bang mamatay na lang dito si Kuya?" labis na rin ang galit ni Jonas para sa kanyang tito Ramon. "Wala ka bang isip? Hangga't hindi ka gumagalaw diyan, lalong mauubusan ng dugo si kuya."

"Huwag mo nang intindihin si Ramon Jonas kunin mo na si Justin." utos ni Arman.

"Wag kang makialam. Hindi ko kayo mapapatawad." si Ramon kay Arman.

"Ilag saglit lang Ramon maaring bawian na ng buhay ang anak mo kung hindi agad yan maaasikaso. Gusto mo bang mamatay ang anak mo?" bulyaw ni Arman.

Sapilitang hinila ni Jonas ang katawan ni Justin sa mga bisig ng ama nito. At agad niya itong dinala sa kotse ni Arman.

"Jonas, ikaw ang mag-drive habang binibigyan ko ng paunang lunas si Justin."

"Sige po, Tito Arman."

"Juanita?" sigaw ni Arman. "Sumakay ka na."

Kanina pa tulala si Juanita kaya parang wala na siyang alam sa mga sumunod na pangyayari. Agad siyang napatakbo sa kinaroroonan ng kotse nang marinig si Arman.

Naiwan si Ramon na patuloy na nagmumukmok na para bang nasa bisig pa rin niya ang anak na duguan sa tinamong tama ng bala.
-----

"Si Sir James, ngayon lang na-late ng dating."

Ito ang naririnig ni Jesse nang dumaan sa kanya ang dalawang empleyeda sa opisina ng boss nila. Napa-kunot ang noo niya.

"Alam mo, ngayon lang niya pinaghintay ang mga dapat niyang i-meet." pagpapatuloy ng isa.

"Oo nga eh. May meeting pa naman siya sa mga bagong bigating tao para sa investment ng kumpanya ni Sir. Grabe lalo siyang yumayaman." biglang napalitan ng kilig ang sinasabi ng isa pang babae.

"Gaga, eh mukhang hindi pa nga sisipot si Sir eh. Lalong yayaman. Eh mga mukha noong mga yun, mukhang hindi marunong maghintay. Yung tipong hindi alam ang salitang wait."

Napataas na lang ng balikat ang kausap. "Basta, gwapo na si Sir, mayaman pa. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Justin James Jimenez."

"Kaya nga 3J supermaket ang pangalan nito eh. Sa pangalan niya."

Ito ang kabuuan sa narinig ni Jesse sa dalawang babaeng nagtsismisan.

"Grabe naman yung dalawa, ang lakas siguro ng tama nung dalawang yun sa kay Sir. Na-late lang, parang guguho na ang mundo kung pag-usapan." pabulong niyang nasabi.

"Ang lakas naman talaga kasi ng dating ni Sir. Pogi na mayaman pa." sagot ng kasama niya sa paggawa.

Nagulat pa si Jesse sa pagsagot ng kasama niya. Narinig pala ang ibinulong niya. Napangisi na lang siya.

"Hmmm... ang lakas makarinig, bulong na nga. Pero... kaya pala 3J supermarket kasi dahil sa pangalang Justin James Jimenez. Ah... kasi tatlong J ang simula ng pangalan ni Sir James."
-----


Nakasalampak sa pagkakaupo si Jonas sa labas ng operating room. Ngayon lang niya nabalikan ang mga pangyayari. Hindi niya mapaniwalaan sa bilis ng pangyayari na bigla nalang bumulagta ang kanyang kuya Justin  nang tamaan ito ng bala na dapat hindi para rito.

Halos paliparin niya kanina ang kotse habang tinatahak ang daan patungong hospital. Sobra ang pag-aalala niya sa kuya niya.

"Kuya..." iyak niya. "handa ka talagang protektahan ako. Kung hindi ka lumapit sa akin hindi sana ikaw ang mababaril..."
-----


Mabilis na kumalat ang balita sa buong 3J supermarket ang nangyari sa kanilang boss na si Justin.

"Oo, si Sir James kaya pala hindi raw dumating sa meeting dahil nabaril pala." sagot sa kanya ng ka-trabaho nang matanong niya kung totoo ang balita.

Biglang pumasok sa isipan ni Jesse ang mukha ng boss. "Wala naman sanang mangyari pang ibang masama. Ang bata pa ni Sir."

"Sabi mo pa."

"Ano ba daw ang dahilan kung bakit nabaril si Sir? Na-hold up ba?"

"Hmmm hindi ko alam eh. Pero may narinig akong sa labas lang daw ng bahay nila Sir nangyari."

"Oh?" hindi makapaniwalang si Jesse. "Sa labas lang.E di ibig sabihin may nag-aabang?"

Nagtaas ng balikat ang kausap ni Jesse. "Siguro."

"Hmmm sige siryoso na muna tayo sa ginagawa natin." sinabi na lang ni Jesse.
-----

"Hindi ako papayag. Papatayin ko kayo isa-isa." banta ni Ramon habang sakay ng kanyang kotse papunta kung saan maari niyang makita ang hinahanap niya.
-----

"Jonas, ihahatid ko muna si Juanita. Kailangan na niyang magpahinga kasi. Ihahatid ko lang siya sa bahay namin."

"Tama, tito Arman. Mahirap nang umuwi si Aling Juanita sa bahay nila. Maaring puntahan siya doon ng mga tauhan ni Tito Ramon."

"Oo Jons.Yun din ang naisip ko. Saka, tatawag na ako sa pulis pagdating ko sa bahay. Kailangan na ni Ramon matigil sa kasamaan niya."

"Sige lang po Tito Arman. Hindi po ako tututol."

"Salamat Jonas. Kasama sa dalangin namin ang matagumapay na operasyon sa kuya mo."

"Salamat po."

"Siya nga pala Jonas, maayos na si Arl kaya pumayag siyang maiwan muna uling mag-isa."

"Mabuti naman po kung ganoon. Sige po tito Arman magiingat po kayo. Dito muna ako."

Tinapik na lang ni Arman ang balikat ni Jonas saka tumalikod para tunguhin ang parking area.
-----

"Hindi ako papayag na hindi ko masisiguradong hindi na kayo humihinga. Hindi pa tayo tapos. Ako mismo ang papatay sa inyo. Sinira niyo ang pamilya ko. Sinira ninyo...."


www.facebook.com/BGOLDtm


8 comments:

ram said...

grabe naman ito ash. sobrang bayolente. hehehe. bakit ba parang gusto rin ni jesse si justin james.

wastedpup said...

Ang galing mo talaga ash. Di ako humihinga habang nagbabasa. Keep up the good work and salamat ulet sa mabilisang update. :))

mark_roxas45 said...

oi mr author baka naman kailangan ng blood transfusion ni justin, baka magka blood type sila ni jesse, possible na sila ang tunay na magkapatid hehehehhe

wala lang makacomment lang

Anonymous said...

grabe....kumakaba dibdib ko habang nagbabasa,puno ng action at rebelasyon, ako na babaril kay ramon hehehe, nice bro...jack

Anonymous said...

nice blow by blow account... very descriptive...

i wonder what the outcome will be like. sana si jonas and arl, and justin and jesse magkatuluyan hahaha

Anonymous said...

this is one great story...

ibang level ng intensity ha.. hehe

God bless.. -- Roan ^^,

ram said...

wag naman jonas-arl at justine-jesse, mas gust ko ang jonas-jessie

R. J. said...

waaah baliw na si ramon! haha :D

pero parang naisantabi na yung story ni jesse at jonas :( hehe

ingat sir! :)