Followers

CHAT BOX

Saturday, May 28, 2011

TRUE LOVE WAITS (Someday, I Will Understand) 7



"Ikaw?" nanlaki rin ang mata ni Jesse sa gulat nang ang malingunan ay si Jonas. Akala niya na ang nagsalita sa kanya ay si Marco kaya siya napa-lingon. "Sir upo ka." sabi niya nang makapag-salita.

" Teka, naka-sir ka na naman eh." natatawa na si Jonas sa reakyon ni Jesse.

"Ay mali. Oo nga pala." nang maisip ang nasabi. "Sige J-jonas, tama di ba? Upo ka." anyaya niya na muntikan pa niyang makalimutan ang pangalan nito.

"Sige upo na ako dito ha?"

"Welcome."

"Bakit naandito ka?" tanong ni Jonas nang maka-upo.

"H-ha?" parang nagulat pa si Jesse sa tanong. "Mmm ano eh-" parang hindi niya masabi ang dahilan kung bakit siya naroon.

"Anong ano eh? Hindi mo maituloy ang sasabihin mo? bawal bang malaman?" sunod-sunod na tanong ni Jonas sa kanya.

"Hindi naman. Kasi may hinihintay ako."

"Ganun ba? So... kailangan ko bang umalis dito sa pwesto ko?"

"Hindi. Okey lang, paalis na rin kasi ako. Hindi na yata dadating yung hinihintay ko."

"Ah ganoon ba? Bakit may ka-date ka ba?"

"Ka-date?" nabigla si Jesse sa tanong ni Jonas. "Hindi. Dapat magkikita kami ng kaibigan ko dito tapos kakain. Sana..."

"Ah, kaya pala." napa-tango si Jonas. "Talaga bang hindi na siya dadating?"

"Mukhang hindi na kaya balak ko na dapat umalis." nag sinasabi ito ni Jesse ay napa-tingin ito sa labas.

Napa-tahimik si Jonas. Para siyang nakakaramdam ng lungkot para kay Jesse.

Maya-maya ay muling tumingin si Jesse kay Jonas.

"Ikaw bakit ka narito?" tanong ni Jesse.

"A-ako?" napatigil ito. At tumingin sa labas. "May sinisilayan." biglang tumawa sa ginawang pag-sisinungaling.

Parang naguluhan si Jesse sa sinabi ni Jonas sa ginawi nitong pagtawa.

"Sino ang sinisilayan mo?" naka-kunot ang noo ni Jesse nang magtanong pero nakangiti.

"Ayun oh." inginuso ni Jonas ang babaeng patawid sa labas.

"Si Jessica?" gulat ni Jesse nang makilala kung sino ang tinutukoy nito.

"Jessica ba ang pangalan niya?"

"Oo. Bakit hindi mo ba kilala?"

"Ganoon na nga." ngumiti ito. "Bakit mo siya kilala?"

Hindi agad sumagot si Jesse mataman itong tumingin sa kausap.

"Ka-trabaho ko siya."

Biglang napa-tingin si Jonas sa suot na uniporme ni Jesse. Magkapareho sila ng babae. Bakit ba hindi niya iyon napansin kanina.

"Ay, oo nga. Bakit hindi ko napansin iyon?" natampal ni Jonas ang noo at tumawa ng marahan.

"Ah... Jonas, mukhang hindi na dadating yung kasama ko, kaya aalis na lang ako." paalam sana ni Jesse.

"Bakit naman."

Hindi kumibo si Jesse.

"Sabayan mo nalang akong kumain kaya?" sabi ni Jonas na para bang nalungkot na mawawalan ng kausap.

Napa-mulagat ng tingin si Jesse kay Jonas nang marinig nito ang paanyaya. Hindi  niya inaasahang yayayain ng kausap.

"Teka, di ba tinulungan mo ako?" si Jesse nang maka-bawi sa pag-iisip.

"Mmm Yup. Bakit?" tanong ni Jonas.

"Sige ililibre na lang kita. Bawi ko sayo." naka-ngiti nang sinabi ito ni Jesse.

"Oh talaga?" natuwa ang kausap.

Nang masabi iyon ni Jonas ang pumasok sa isipan ni Jesse ay si Marco. Parang ganoon din ang reaksyon nito nang malamang ililibre niya ito.

"Di bale na nga lang uuwian ko na lang siya. Bakit kasi wala siya." sa isip ni Jesse nang manghinayang na wala si Marco.

"Oh, bakit ka biglang natahimik?" tanong ni Jonas.

"H-ha? Ganoon ba? Kasi, naisip ko si Marco." pag-amin ni Jesse.

"Marco pala pangalan ng dapat na ka-date mo."

Iba ang pagkakaintindi ni Jesse. "Hndi. Mali ka sa iniisip mo. Kaibigan ko lang iyon." depensa niya.

"Bakit? Wala naman akong iniisip na iba?" nagtataka ito sa tinuran niya.

Bigla siyang napa-isip. Bakit nga ba siya naging defensive, wala rin naman sa tono nito ang may ibig sabihin.

"Pasensiya na sa pagiging defensive ko." paumanhin ni Jesse.

Natawa si Jonas pero hindi nakaka-insulto. "Wala iyon. Ano? kain na tayo?" tanong nito.

"Sige." naka-ngiti na muli si Jesse.

Si Jonas ang tumawag ng waiter.

Hindi naman nag-aalala si Jesse na mapa-subo. Alam naman niyang mura lang ang presyo ng bawat putahe sa restaurant na iyon.

"Marunong naman siguro itong maki-ramdam?" ang tinutukoy ni Jesse ay ang pag-order nang marami.

"Order ka lang. Huwag kang mahiya."

Lihim na nagulat si Jesse sa sinabing ito ni Jonas. Bakit parang siya pa ang inalok. Siya nga itong manlilibre.

"Damihan mo ang kain ha? Minsan lang ito." muling salita ni Jonas habang tumitingin sa menu.

Muntikan nang manlaki ang mata ni Jesse.

"At parang mali ako sa naisip ko ah? Malakas yata itong kumain?" lihim na tanong ni Jesse sa sarili.

"Ano naka-pili ka na ba?" si Jonas uli nang masabi na nito ang mga inorder sa waiter.

Narinig ni Jesse ang mga inorder nito. Hindi lang isa kundi tatlo yatang putahe ang inorder nito o higit pa kung hindi siya nagkakamali.

"Saglit." at tumingin si Jesse para maka-pili nang oorderin.

"Bakit yun lang?" tanong ni Jonas kay Jesse nang masabi na nito ang order sa waiter. "Minsan mo na nga lang akong makasama."

Nagbibiro si JOnas. Yun ang pumasok sa isip ni Jesse sa mga sinabi nito sa huli. Nakita ni Jesse na muling kinuha ni Jonas ang menu. Umorder pa ito ng ibang putahe.

Gulat na gulat na si Jesse sa mga narinig na inorder nito. Ang dami at mukhang kahit lalaki sila na malalakas kumain ay imposible na yatang maubos nila ang inorder ni Jonas.

"Kaya ba nating ubusin yun?" tanong ni Jesse pag alis nang waiter na ngingiti-ngiti sa dami ng inorder.

"Nagugutom na talaga ako. Huwag kang mag-alala hati tayo sa bayad." tumawa ito.

Wala sa huling sinabi nito ang nasa isip ni Jesse kundi kung gaano kadami ang inorder nila.

"Teka. Nice meeting you pala." si JOnas.

Napa-maang siya. Oo nga pala sa hinaba -haba ng sandali ngayon lang pala sila nagbatian ng pormal.

"Ganoon din sayo." ganti ni Jesse.

Habang hinihintay ang pagdating ng mga pagkain nag-usap sila.

"Kelan mo pa nakilala si Jessica at bakit inaabangan mo siya eh hindi mo naman kilala?" tanong ni Jesse.

Hindi agad nakasagot si Jonas. Ayaw  ni Jonas na mahalatang nagsisinungaling.

"Nakita ko lang siya minsan. Dito rin, tapos nagandahan ako sa kanya. Ayun... kaya try ko na baka makita ko uli siya dito."

Napa-tango si Jesse nang maintindihan kung bakit. Tingin naman niya kay Jonas ay mabait ito. Lalo pa at naranasan na niya ang kabaitan nito.

"Mmm mukhang bagay naman sila." sa isip ni Jesse.

"Hoy, natutulala ka diyan? Padating na ang pagkain."

"Sorry." paumanhin agad niya.

"Bakit?"

"W-wala naman. Kain na tayo." yaya niya para maiba ang usapan. "Kung ano-ano kasi angmga iniisip ko."

"Yup. Namnamin ang sarap ah." naka-ngiti na naman ito habang nagsasalita.

Kitang-kita ni Jesse ang magagandang ngipin nito. Lalo pa at mapupula ang mga labi nito. Halatang-halata dahil sa maputi nitong kulay.

"Bakit mo ako tinititigan ha?" si Jonas habang abala sa paghahain sa sarili.

"Ang balat, este ang sarap ng balat." hindi alam ni Jesse kung paano mag-aalibi.

"Balat ng ano?" nagtataka ang kausap.

Pasimpleng naghanap siya ng pagkaing may balat.

"Yan. Tama! Yang fried fish. Masyadong toasted eh. Paborito ko pa naman." pero hindi pa si Jesse naka-hinga ng maluwag. "Ano ba yun? Hindi nga ako mahilig sa sunog. Di bale na, hindi naman masyadong toasted eh." 

"Ito ba?" tinuro ni Jonas ang fried fish. "Paborito mo pala ang ganito ha?"

Nagulat si Jesse nang ilapat ni Jonas ang hawak niyang tinidor at kutsara sa fried fish para sandukin at dalhin sa kanyang plato. "Yan. Sige para sayo yan hindi ako makikihati." ngumiti na naman ito.

Pasimpleng naitikom ni Jesse ang kanyang mga labi ng mariin. Parang gusto niyang malusaw sa kinauupuan.
"Yan ang napapala ng kung ano-ano ang iniisip. Ay mali, ayoko na palang mag-isip ng kung ano-ano." sinaway rin niya ang sarili. "Salamat." gumanti siya ng ngiti.

Hindi na siya umimik ng pagkatapos noon. Buti nalang at nakisimpatya ang sandali at hindi rin siya kinikibo ni Jonas. Panay ang ngiti lang nito sa kanya kapag nalalasahan ng mabuti ang kinakain.

"Sarap" si JOnas.
-----

"Nabusog talaga ako. Kahit mura lang ang pagkain dito, hindi nawawala ang quality." napatingin si Jonas sa paligid. "Kaya siguro maraming kumakain dito. Tignan mo."

Napatingin na rin si Jesse sa paligid na tinutukoy nito. "Oo nga." pagsang-ayon niya.

"Sandali lang ha?" paalam sandali ni Jonas.

Tumango lang siya sa pag-aakalang magpupunta lamang sa c.r. Pero nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya itong padukot ang kamay sa bulsa at patungo kung saan maaring magbayad. Biglang napa-unat si Jesse sa pagkakasandal sa upuan.

Hinintay niyang magbalik si Jonas.

"Anong ginawa mo doon?" tanong niya nang maka-balik si Jonas.

"Nagbayad."

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Wala lang."

"Paanong wala lang."

Hindi kaagad ito nagsalita. "Naisip ko lang kasi. Kung babawasan mo yang pera mo, baka hindi mo na mailibre yung si- si ano..." hindi maalala ni Jonas ang pangalan ng dapat na kasama ngayon ni Jesse. "Yung kaibigan mo na lang." sabay tawa ito.


Napa-kunot ang noo niya. "E di, ako na naman." ang tinutukoy ni Jesse ang pagiging nalibre.

Natawa ito. "Huwag mo isipin ang ganoon."

"Nakakahiya. Ang dami nating kinain tapos sinolo mo lang ang pagbabayad."

"Huwag mo nga isipin ang ganoon."

"Paano yan? Kailan na naman ako babawi?"

"Ang ibig sabihin lang noon, magkikita pa tayo."

Nanlaki ang mata ni Jesse sa narinig kay Jonas. "Magkikita pa kami? Bakit nga naman hindi. Mukha naman talagang mabait. Baka mamaya sinusundan talaga ako nito. Tigilan mo nga yang iniisip mo nanaman. Bakit ka naman niyan susundan, mayaman ka ba? Feeling."

"Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano." napansin kasi na naman ni Jonas. "Tapos sasabihin mo wala lang."

"Sorry Jonas. Nakaka-hiya lang talaga."

"Uulit na naman ako?" bahagya pang umikot ang mata ni Jonas. Halatang nagbibiro.

Natawa siya doon.

"Diretso ka na ba ng uwi niyan?" kapagdaka ay tanong ni Jonas.

"Oo."

"Hahatid na rin kita."

"Sobra ka na niyan ha?"

"Ganun din naman. Madadaanan ko ang sa lugar niyo."

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto nito.

"Ok ka na ba?" tanong ni Jesse.

Tumango ito. "Alis na tayo?"

"Kung Ok ka na?"

"Oo naman. Sige, tara na."

Na unang lumabas si Jonas at sumunod si Jesse. At dahil nauna si Jonas, pinagbuksan pa niya si Jesse ng pinto.

"Salamat." nang mapatapat siya kay Jonas.

Dali-dali namang umikot si Jonas para makapunta sa driver seat. Maya-maya pa ay narinig na kapwa ang ugong ng sasakyan na panimula para sa pagtakbo nito.

"Hindi ko napansin noong una, yung una tayong nagkita na doon ka pala sa supermarket na iyon nagtatrabaho." pahayag ni Jonas nang umaandar na ang kotse.

"Ganoon ba? Mmm bakit parang alam na alam mo yung supermarket na iyon?"

"Ha? Wala naman. Lagi ko lang nadadaanan."

"Di ba sabi mo si Jessica ang pinunta mo roon. Gusto mong masilayan?"

"Oo. Kaya isa yun kung bakit alam ko yung pinagtatrabahuan mo."

Hindi sumagot si Jesse. Tumango lang siya. Pero maya-maya may naisip si Jesse na maitatanong.

"Matanong ko lang. Ikaw? Ano ang trabaho mo?"

"A-ko? Ano- janitor." halos mamilipit ang dila ni Jonas kung ano ang isasagot. Paano wala naman siiyang trabaho sa ngayon at gusto niyang may maisagot na trabaho.

"Janitor?" gulat si Jesse sa narinig. "Imposible ka. De-kotse, janitor?"

Tumawa ito. "Biro lang." pagtatapat ni Jonas. "Ano. Employee ako ng isang kumpanya dito."

Tinangap na ni Jesse ang sagot dahil hindi na nakakagulat ang ibinigay na trabaho nito.

Muli silang natahimik. Walang imikan hanggang mapa-tapat na ang sasakyan sa iskinita nila Jesse.

"Baka gusto mong mag-kape muna sa bahay o kung ano man ang gustong gawin." malugod na paanyaya ni Jesse.

Tumingin-tingin muna si Jonas sa paligid. Dahil doon napatingin din si Jesse sa kung ano man ang tinitignan nito.

"Bakit?" tanong ni Jesse.

"Ang dilim kasi dito sa inyo. Nakakatakot." paliwanag ni Jonas.

"Ah. Na-get ko. Sa totoo lang bago lang rin ako dito kaya di ko masyadong gamay ang mga tao rito."

"Siguro next time na lang at salamat na lang rin."

"Pasensiya na. Paano yan hindi ko alam kung paano ako makakabawi."

"Wala yun. May next time pa naman."

"May next time talaga?"

"Bakit ayaw mo na ba akong makita?" natawa ito.

"Hindi naman. Nag-aalala lang ako sa next time." sabay tawa rin ni Jesse.

Na-gets ni Jonas ang ibig sabihin ni Jesse.

"Wag kang mag-alala kung sakali man na mag-kita uli tayo. Sisiguraduhin kong ako na ang ililibre mo. Ok?"

Tumawa lang si Jesse at naki-sabay si Jonas.

"Sa totoo lang kahit hindi naman talaga tayo magkakilala before, na-appreciate kita agad. Pwede bang pormal na tayong maging magkaibigan?"

"Siyempre naman." sang-ayon ni Jesse.

At inilahad ni Jonas ang kanyang kamay kay Jesse. Nagkamay sila bilang tanda ng simula ng kanilang pagkakaibigan.

"Freinds?"

"Friends." sagot ni Jesse.

Pagkatapos noon ay nag-paalam na si Jesse kay Jonas at bumaba ng sasakyan.

5 comments:

Anonymous said...

sweet! hehe. cool. nice story, again. =D --athann19

aR said...

Saya..buti nasundan na to:)

Mars said...

nabasako na to...

pero parang d lng natapos ehhehe...

hehehhe...

-mars

Anonymous said...

kakabitin nman... ang iksi huhuhu.. sana nxt tym habaan nman.. nxt chapter n pls... sana araw araw ang update pls... :)

android said...

sweet ... simpleng bromance XDD