Followers

CHAT BOX

Monday, May 23, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 48


Pinagmamasdan ni Mico ang ginagawang branch ng boutique nilang mag-ina doon sa Batangas. Napapa-ngiti siya habang pinagmamasdan ang pintor na nagpipintura ng wall ng boutique. "Kaunti na lang at matatapos na rin." masaya niyang bulong sa sarili.


"Mico, nakahanda na ang miryenda. Halika ka na."

Natigil ang pagmamasid ni Mico nang labasin siya ni Emman. "Oo, susunod na ako. Natutuwa lang kasi akong makitang ganito pala kabilis ang paggawa. Akala ko, aabutin pa ng ilang buwan."

"Oo nga mabilis ang paggawa pero sinisigurado kong maayos."

"Nakikita ko naman eh. Sige, pasok na tayo." Sumunod na si Mico kay Emman. "Teka, ikaw ba, Ok ka lang dito?"

"Oo naman, Mico." huminga ng may kasiyahan si Emman. "Salamat nga pala at tinanggap mo ako dito ah."

"Wala iyon. Mapaghihindian ko ba naman si Rico."

Nanlaki ang mga mata ni Emman. Nagulat ito sa narinig kay Mico.

Hindi iyon napansin ni Mico. Nagpatuloy lang ito sa pag-sasalita. Nakapasok na sila sa pinaka-opisina ng boutique. Iyon kasi ang pinasadya ni Micong unang gawin. "Siya nga pala, gusto kong samahan mo ako sa bahay. One way ride lang naman iyon dito."

"S-sure."

"Balak ko nga sanang doon ka na rin mag-stay muna para hindi ka nahihirapan sa biyahe. Ang layo kasi ng lugar mo."

"Nakakahiya naman Mico. Sobra na ang naitutulong mo. Salamat na lang siguro."

"Ano ka ba? Tutal wala pa namang tumutuloy doon, ikaw muna ang tumao. Para na rin makapag-ipon ka ng maayos."

"Sigurado ka ba talaga?"

"Hindi." biro ni Mico sabay tawa. "Ewan ko sayo Emman."

"Hmmm malaking tulong talaga iyon sa muli kong pagsisimula. Sige, tatanggapin ko. Salamat."

"Kaya sasama ka sa akin mamaya para malaman mo ang lugar na iyon. Magugustuhan mo doon, sigurado ako."

"Sige."

Pagkatapos noon ay natigilan si Mico. "Makikita kaya kita mamaya?"
-----

Hapon na ng puntahan nila Mico at Emman ang bahay na sinasabi ng una para matuluyan ng huli. Dahil wala namang dalang sariling sasakyan si Mico, nagcommute lang silang dalawa.

"Oo nga Mico, malapit nga sa boutique." Nang nakatapat na sila sa bahay ni Mico.

"Sabi ko sayo eh. So ito na nga ang bahay ko." pagkatapos ay nilingon niya ang bahay ni Ivan. "Naandyan kaya siya?" Bigla siyang kinabahan at dali-daling hinila si Emman sa loob ng mapansing gumalaw ang gate nila Ivan.

"Bakit?" takang tanong ni Emman.

"Wala." Sumilip si Mico sa siwang ng gate nila. Doon nakita niyang palabas ng gate si tita Divina niya. "Wala namang pinagbago kay tita Divina." Ang ipinagtaka niya nang makita niyang may buhat-buhat itong bata. "Sanggol pa nga yata eh."  naisip pa niya. "Tingin ko mga magdadalawang taon." nasabi niya. Bigla naman niyang natuptop ang bibig. Parang gustong sumabog ng utak niya sa naisip.

"May sinasabi ka Mico? Bakit ka ba nakasilip diyan?"

"W-wala." pagsisinungaling ni Mico. "Halika ka na, pasok na tayo sa loob para makita mo ang magiging kwarto mo."

Nakataas lang ang isang kilay ni Emman sa pagtataka. Parang ayaw niyang maniwala kay Mico. Pero naisip niyang sino nga ba siya para mag-usisa pa. Sumunod na lang siya kay Mico.
-----

Kanina pa balisa si Mico at pabalik-balik sa paglalakad. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang tanong kung kaninong anak iyong dalang bata ni Tita Divina niya. "Hindi kaya, anak iyonni Ivan?" bulong niya.

"H-ha?" si Emman.

"Wala."

"Akala ko nabibingi lang ako eh. Nagugutom ka na ba? Hindi ka yata mapakali ngayon?"

"Huwag mo akong intindihin, may iniisip lang ako."

"Ok."

"Pero kanino naman? Kay Angeline." bigla siyang nagpapadyak sa sahig nang maisip iyon. "Hindi pwede hindi pwede." angil niya.

"Mico?" gulat ni Emman.

"Hindi talaga pwede." naiiyak na salita ni Mico sa harapan ni Emman.

"Anong hindi pwede?"

"Basta. Ayokong sabihin."

"Alin ba yung pagtira ko dito? Ok lang naman sa akin kung hindi talaga pwede eh."

Natahimik si Mico. " Sira, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Basta iba."

"Ewan ko sayo. Tutal ayaw mo naman sabihin, bahala ka diyan. Bibili na lang ako ng makakain natin sa hapunan. Nagugutom ka na yata eh."

"Sige, gutom lang nga yata ito."
-----

Palabas na si Emman sa gate ng habulin ni Mico ito.

"Emman, pag may nakakita sayo at magtanong tungkol sa akin, huwag ka munang sasagot ah. Dumiretso ka muna dito sa akin. Lalo na kapag ang nagtatanong sayo ay mga tao dyan sa tapat  natin. OK?"

"Ok na OK." Naguguluhan talaga si Emman kay Mico.

Si Mico pa ang nagsara ng gate para kay Emman. Gusto niya rin kasing maka-silip kung may tao ba sa labas. Pero napa-ngiwi lang siya sa kanyang dissapointment.
-----

"Mico, may tao sa labas."

Napalingon agad si Mico sa gulat. "Sino daw?" kabado niyang tanong.

"Babae eh, galing dyan sa tapat natin."

"Si Tita Divina?"

"Hindi namna kasi sinabi ang pangalan eh. Nagtatanong lang kung bakit ako narito. Sino ba daw ang nagpatuloy sa akin dito."

"Eh anong sinabi mo?"

"Sabi ko saglit lang po. Gaya ng sabi mo."

Saglit na nag-isip si Mico para gawing dahilan ni Emman. "Siguro sabihin mong, ikaw muna ang ginawang tao dito ni Mama. Wala kang kasama ha. Huwag mong sasabihing kasama mo ako. Sabihin mo ikaw lang mag-isa. Ok."

"Ok. Pero, naiintriga na ako ha?" tumalikod na si Emman.
-----

"Anong sabi?" tanong agad ni Mico nang bumalik na si Emman sa loob ng bahay.

"Wala naman. Napa-ahhh lang yung matanda nang sabihin ko ang dahilan kung bakit ako nandito."

"Ok. Sige na kainin na natin ang binili mong pagkain. Nainit ko na siya."

"Sige."
-----

Maagang nagising si Mico kinabukasan. Minabuti muna niyang maligo at magayos ng sarili. Saka bumaba. Naabutan niyang naka-upo si Emman sa sofa.

"Good morning." bati ni Mico.

Hindi kasi napansin kaagad ni Emman si Mico kaya naunahan nito ang pagbati niya. "Good morning din Mico. Hinihintay nga kitang bumaba eh. Lalabas na sana ako para bumili uli ng maaalmusal natin kaya lang baka gustohin mong sa boutique mo na lang tayo mag-almusal."

"Sige Ok lang, dito na lang tayo magbreak-fast. Pasensiya na ha, ikaw pa ang laging tumatakbo sa labas."

"Wala yun ano ka ba."

"Sige ihahatid kita palabas."

"Sige."

Hinatid na nga ni Mico si Emman sa gate. Pagkatapos ay inilock niya iyon. Hihintayin nalang niyang kumatok si Emman pag dating.
-----

"Ma, maganda ang araw ngayon. Ilalabas ko lang si Baby Nathan."

"Sige, Ivan. Paarawan mo."

"Lalabas na tayo Baby Nathan." masayang sabi niya sa karga-karga niyang magdadalawang-taon ng bata.

Gaya nga ng pagkakasilip ni Ivan sa paligid, nagustuhan niya ang sikat ng araw para paarawan ang bata. Habang nakatapat sa sikat ng araw, nilalaro-laro ni Ivan ang ilong ng bata na minsan ay ikina-ngingiti nito.

Sa tuwa niya sa bata, nagpa-ikot-ikot siya na para bang isinasayaw niya ang bata habang karga-karga. Bigla siyang napatingin sa bintana ng bahay ni Mico. "Teka, bakit nakabukas na yun? Huwag mong sabihing may tao na doon?" tanong niya sa sarili. "Eh kahapon lang nang matanaw ko ang bintana ni Mico nakasarado yun eh."

Kunot-noong tinungo niya ang gate ni Mico. Saka kumatok.
-----

"Ang bilis naman yata ni Emman. Ah baka siguro bumalik lang, may nakalimutan siguro." tinungo niya ang gate para pagbuksan ito. "Saglit lang Emman." Saka niya binuksan ang gate. "I-ivan?" Nakatitig lang si Ivan sa kanya nang pagbuksan niya ito. "Akala ko si Emman?"

"Kailan ka pa dumating?"

"K-ka-" hindi niya natapos ang pagsagot ng mapatingin siya sa dala-dalang bata ni Ivan. "A-ang cute ng baby mo."

Napa-kunot ang noo ni Ivan. "Kagabi ka lang ba dumating?" titig na titig pa rin si Ivan kay Mico.

"O-oo." nauutal si Mico sa tuwing sasagot kay Ivan.

"Masaya akong muli kitang makita, Mico."

"A-ah ok." Muli siyang napa-tingin sa batang dala ni Ivan. "A-anak mo?"

Muling kumunot ang noo ni Ivan.

Nagpatuloy si Mico. "Long time no see... hindi ko na nabalitaan na may baby ka na pala." sakit na sakit ang puso ni Mico sa akala. "Saglit lang ah. Papasok muna ako sa loob." Sinabi niya iyon para maitago ang kanyang emosyon.

"Hindi mo ako papapasukin man lang?" tanong ni Ivan.

"H-ha? May kasama kasi ako dito eh..." ang nai-alibi ni Mico.

"Boyfriend mo?" naka-ngiting tanong ni Ivan.

Nang makita ni Micong naka-ngiti pa si Ivan sa tanong nito, ay mas lalo siyang nasaktan. "Boyfreind? Hindi ko nga magawang ipagpalit ka kasi ikaw ang mahal ko."

"Hindi ka na sumagot. Sige, ibabalik ko lang itong baby kay Mama tapos babalik ako. Huwag kang aalis. Marami tayong dapat pag-usapan."

"M-marami tayong pag-uusapan?" nasabi ng mahina. Nakatalikod na si Ivan.
-----

"Emman, dumiretso ka na lang sa boutique." Kausap ni Mico si Emman sa cellphone. Sakay na si Mico sa isang jeep papuntang boutique. "Doon na lang tayo magkita. Please kung may magtanong sayo, huwag mong sasabihin kung nasaan ako. Kung pwede na rin sabihin mong boyfreind kita." agad niyang pinatay ang kanyang cellphone.

Naiiyak si Mico habang lulan ng jeep. Hindi kasi niya inaasahang may anak na si Ivan at harap-harapan pa talaga niyang nakita. "Sabagay sa loob ng dalawang taon, madali na talaga akong makalimutan ni Ivan." huminga muna siya ng malalim. "Hihintayin ko lang si Emman sa botique tapos, uuwina agad ako sa Manila. Saka na lang ako babalik dito."
-----

"Ang akala ko, magi-stay ka ng isang linggo sa Batangas?" tanong ni Laila sa anak nang makita niyang nakalatag ang katawan ng anak sa mahabang sofa. Napansin din niya ang kamay nito sa noo. "Mukhang masama ang pakiramdam mo?"

"Yes Ma. Pwero nakainom na po ako ng gamot."

"Oh kamusta naman ang pagbisita mo-"

Pinutol agad ni Mico ang sasabihin ng ina. "Ok lang Ma."

"Mmm mukhang kailangan mo muna sigurong magpahinga. Ok lang ba diyan?"

"Opo Ma."

"Sige maiwan na kita."

Nang makaalis na ang ina saka siya lihim na lumuha. "I hate you, Ivan."
------

"Tumawag sa akin ang Dad mo." si Laila makaraan ang isang linggo. "So, alam mo na?"

"Opo Ma. Ito nga po, ibinabalot ko na lang ang tanghalian ni Dad. Paalis na rin ako."

"Sige. Umaasa akong magiging maganda ang bonding ninyong dalawa."

Natawa si Mico. "Bonding ka diyan Ma? Maghahatid lang ako ng tanghalian ni Dad. Gaya ng utos niya. HIndi po kami magpi-piknic."

Natawa rin ang ina. "At least getting better and better ang relationship nyong mag-ama. Right?"

"Of course Ma." Tinapos na ni Mico ang pagbalot sa inihandang tanghalian ng ama. "Ayan tapos na. Ready na ako papunta kay Dad."

"Sige na. Mag-ingat ka."

"Salamat Ma." at ginawaran niya ng halik sa pisngi ang ina.
-----

Kumatok siya pinto ng inookupang opisina ng kanyang ama.

"Tuloy."

Narinig ni Mico ang pahintulot na maka-pasok siya sa loob ng kwartong iyon.

"Dad, dala ko na ang tanghalian." Nakita niyang msinalubong siya ng ama ng ngiti.

"Halika dito. Umupo ka."

"Sige po." umupo si Mico sa isang swivel chair na katabi ng inuupuan ng ama.

"Kumain ka na ba?"

"Balak ko po sanang kumain na lang pag-uwi Dad. Busog pa naman po kasi ako eh."

"Hindi. Nagbago ang isip ko. Ibalot mo uli itong dala mo tapos kakain tayo sa labas. Ok ba yun?"

"Oo naman po. Kaya lang Dad iniluto ko 'to para sayo..." pakunwari niyang pagtatampo.

Natawa si Dino. "Sinong may sabing hindi ko ito kakainin?"

Napangiti ng maluwang si Mico. "Ok. Let's go na?"

Biglang may pumasok na isang lalaki sa loob ng kwarto na ikina-antala ng sagot ng kanyang ama.

"Sir Abena, pa-abala muna. Pinapa-check kasi ito ni boss, nagmamadali. Paki-sign daw kung Ok na ba daw ito?" Inilapag ng lalaki ang ilang piraso ng papel at ilan rito ay malalaking sukat ng papel.

"Ah, Mico hintayin mo na lang siguro ako sa labas. Iche-check ko lang ito."

"Sige po Dad."

Tinungo niya ang pinto para lumabas. Nang maisara ang pinto pagkalabas, ay napasinghap pa si Mico ng hangin sa sobrang saya ng kanyang nararamdaman. Excited siya sa paglabas ng ama para makakain na sila sa labas. First time kasing mangyayaring makakasabay niya ang kanyang ama na sila lang dalawa.

Sa labas ng kwarto ng Dad niya may isang bench. Doon siya naghintay. Patingin-tingin siya sa mga taong naglalakad paroo't parito halatang abala sa mga ginagawa. Meron ding namang naglalakad na nagchi-chismisan lang. Naisip niyang tulad ng ama ay break din ng mga iyon. Minsan naman, nakukuha ang kanyang atensyon sa mga taong naglalabasan sa pinto ng ibang kwarto.

Napa-yuko siya at napa-tingin sa gawing kanan, saka siya napatayo nang makita ang taong nakatayo sa kanto ng pasilyo na di kalayuan sa kanya. Nakapamulsa pa ito habang nakasandal sa pader at nakatingin sa kanya. "I-ivan? Anong ginagawa mo diyan?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang gumalaw ito papalapit sa kanya. Ibinalik niya ang pagtingin sa mukha nito at napansin niyang siryoso ang mukha nito.

Hinawakan ni Ivan si Mico sa braso at hinila papunta lugar kung saan niya nakita si Ivan. "Bakit mo ako nilayasan noong isang linggo?" halata ni Mico na galit si Ivan. "Pangalawang beses mo nang ginagawa sa'kin 'yun Mico. Sabi ko, saglit lang, dahil mag-uusap tayo. Pero pagbalik ko, nawala ka na naman ng parang bula. At nangdamay ka pa ng nagkukunwari mong boyfriend."

Bahagyang nahintakutan si Mico sa pahayag ni Ivan. "Bitawan mo nga ako. Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Nagtatrabaho."

"Nag... Kelan pa?"

"Ang alam ko Mico ako ang nagtatanong sayo?"

"Wala ka ng pakialam doon." matigas na sabi ni Mico.

Natahimik si Ivan. Tinatantiya ni Ivan ang sinabi ni Mico. "Paanong wala na akong pakialam sayo?"

"Dahil may anak ka na." tuwirang pahayag ni Mico na ikinatawa ni Ivan.

"Sabi na nga ba."

"Oh anong nakakatuwa doon?"

"Basta, nakakatuwa ka." muling natawa si Ivan.

"Tigilan mo nga yang nakakainsulto mong tawa. Bitawan mo rin ako, pwede ba."

"Ayoko nga. Baka takbuhan mo na naman ako eh."

"Makita ka ni Dad."

"So?"

"Magagalit yun sayo. At ayokong magalit sa kin ang Dad ko ngayon OK na kaming dalawa."

"Mabuti. Masaya akong malaman kong Ok na kayo ni Dad mo."

"Bitawan mo na ako."

"Ayoko."

Lumingon si Mico sa gawi kung saan naroon ang pinto ng kwarto ng kanyang ama. At tamang-tama ang pag-tingin niya dahil iniluwa noon ang kanyang ama. "Bitawan mo na ako, dyan na si Dad." Binitawan na rin siya ni Ivan. "Takot ka rin pala eh." inirapan niya si Ivan at tumalikod paharap sa ama. Tatawagin sana niya ang ama nang maunahan siya ni Ivan.

"Sir, narito po Mico."

Napa-tingin si Mico kay Ivan. "Aba, mukhang close ang dalawa?"

"Ikaw pala Ivan. Nagkita na pala kayo ni Mico." naka-ngiting salubong ni Dino sa dalawa. "Magla-lunch kami ni Mico sa labas, sumama ka na kaya?"

Kumalembang ang tenga ni Mico sa narinig.

"Hindi na po muna Sir, kakatapos ko lang pong maglunch. Pabalik na nga po ako sa work room nang makita ko si Mico."

"Ah ganoon ba? Sige next time na lang. Pero hindi ka pa nakakabawi sa akin ha? Hindi ko pa nakakalimutan nang hindi ka pumunta sa party ko." sabay tawa.

"Pasensya na Sir." saka tumingin si Ivan kay Mico nang naka-ngiti.

"So ibig sabihin ang mokong na ito ang nakita ko sa dilim nung party si Dad. Hmpt!"
 -----

13 comments:

Anonymous said...

una ako! wow grabe kakilig... post napo next chapter please... thanks so much!


-SHANEJOSH-

Anonymous said...

kakakilig..kanino kya anak un...cguro nag ampon si tita divina....waaah
next chapter pls...

yeahitsjm said...

yown! Th ka mico! haha lol

maya na ung comment ko talaga! :))

ram said...

wah ganda hahaha next part na ash please. post na agad ng kasunod. hehehe demanding

Anonymous said...

nabitin ako dun ah,hehehe, nice one bro,,,,,,,, jack21

mico said...

WEEEEEEEEH... chuper ganda... hehehehhe

Anonymous said...

awesome.

rushly16 said...

wala nah akung masabi sa story nato kasi subrang ganda talaga story heheheh all out nah sa kilig at sweetness everybody happy nah ang problema nalang si micko at ivan kung paano sila magssamang ulit at hindi nah yata tutul jan si agorang divina hahahaha salamat sa pag post ng part nato

Anonymous said...

waahh!! ... here comes the third to the last! ... :((

pero ang ganda nitong chapter na to!! ... love it!!

hahah ... lili lili lili like it! haha :)))


--android

Anonymous said...

woohh..

super saya nitong chapter na to..

but still wondering kung kaninong anak un.. hahahaha

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

soooooooooooooooooobraaaaaaaaaaaaannnnnnggggggg gandah ni Mico

Anonymous said...

err! super late comment! :))

so si Emman pala kausap sa phone ni Mico the last time! :)

si Baby Nathan un ung plano ni mommy Divina! nung Graduation ni Baby Ivan! kasi diba may plan si Ivan na sa manila na mag wowork! im pretty sure with my statement! :)) #chos!

feeling ko next story is the continuation of Rico and Emman's story! feeling ko lang aa kase diba next story Rico title! :))

SI VANI! NASAN SI VANI!IM SO WORRIED ABOUT HER! VANI NASAN KA?? lol

last 2 chaps! :((

--yeahitsjm cant comment! :))

Anonymous said...

very nice, exciting...... next pls....