Followers

CHAT BOX

Friday, May 20, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 46


"Woooooooooooooo!...."
Sigawan ang lahat lalo na ang grupo nila Ivan nang opisyal nang inanunsyo ang kanilang pagtatapos. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Mark si Billy.


"Ikaw Ivan, hindi mo rin ba ako yayakapin? Aba, pagkakataon ko na ito noh." maarteng si Billy kay Ivan. "Ano?" tumutiling tanong ni Billy. "Baka bukas hindi na tayo magkita, hala." sabay tawa.

Niyakap ni Ivan si Billy. Naiyak si Billy hindi dahil sa yakap ni Ivan. Naramdaman na kasi niya ang malapit na nilang paghihiwalay. 

"Bakit ka naiiiyak dyan?" tanong ni Angeline. "Parang pangarap na natupad ang yakap ni Ivan at ni Mark eh noh?"

"Hindi ah, naisip ko lang kasi na maghihwalay na tayo." paliwanag ni Mico. "Mami-miss ko kay guys."

Dahil doon, muling nagyakapan ang grupo.

"Tama si Billy. Maghihiwa-hiwalay na tayo." sabi ni Mark. "Di ba Ivan?"

Natawa si Ivan. "Ganoon na nga ang mangyayari. Pero sanay na ako diyan." Dinugtungan ni Ivan ng biro ang sinabi niya. Ayaw niya kasing madagdagan pa ang salitang pangungulila. Pilit niyang nilalaban ang pangungulila sa mahabang panahon. Dahil para sa kanya ang mangulila kay Mico ng halos sampung buwan ay sobra-sobra na. At alam niya, madadagdagan pa iyon ng ilang buwan hanggang isang taon bago pa sila muling magkita.

"Saan ang handaan?" si Mark.

"Ako with my boyfreind." maagap na sagot ni Angeline.

"May boyfreind ka na?" manghang tanong ni Billy.

"Oo si Ivan." maarteng sagot ni Angeline. "Joke. Si Mark talaga ang boyfriend ko Billy."

"Ano?" nanlalaking mata ni Billy ang kasabay na nagtatanong.

"Joke." sabay tawa ni Angeline. "Joke lang Billy. Siguro yun na ang huli kong pang-aasar sayo dito sa loob ng campus. Mami-miss ko kayo guys. magdi-dinner kami ng parent ko after nito. Kayo saan kayo?"

"Ako din with my Mom." si Ivan.

"San?" tanong agad ni Angeline. "Baka pareho ang napili nating restaurant?" Sinagot ni Ivan ang lugar kung saan sila magseselebrate ng Mama Divina niya. Bahagyang nalungkot si Angeline nang malamang hindi sila pareho nang restaurant. North and south ang direksiyon nila. "Sayang. Pero ikaw Billy?"

"A-ako? Dapat ko bang sabihin? Inimbitahan kasi ako ng magulang ni Susane..." napatingin si Billy kay Mark. "So, didiretso ako doon tapos uuwi ako ng bahay para sa pa-party sa akin ng mga kuya ko." Nakita ni Billy ang lungkot sa mukha ni Mark. "S-siguro Mark, kung gusto mong sumama kala Susane, isasama kita. Para na rin siguro magkita kayo."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Mark. "Talaga? Sige ba." Muli niyang niyakap si Billy.

"Ay guys, tinatawag na ako ng parents ko." si Angeline.

"Sige. Ingat ka." si Ivan.

Nang maka-alis si Angeline, saka lang bumitiw si Mark kay Billy. "Ano? Aalis na ba tayo?"

Imbes na sagutin ni Billy si Mark kay Ivan siya nagtanong. "Ikaw Ivan?"

"Hinihintay ko lang na magpaalam din kayo." sabay tawa ni Ivan. Pagkatapos ay itinuro niya na naghihintay ang ina sa di kalayuan. "Naghihintay na sa akin si Mama."

"So, alis-alis na tayo." masayang si Mark.

"Excited ah." si Billy kay Mark.

"Oh sige. Keep in touch na lang sa inyo." si Ivan.

"Ge bro." si Mark.

"Paalam Ivan." naluluhang paalam ni Billy.

Natawa si Ivan. "Ano ka ba? Kasama mo naman ang Markky mo eh. Huwag ka ngang malungkot diyan. Ay siya nga pala, hihintayin ko ang love story niyo ha? Kung anong mangyayari." sabay tawa.

"Ano?" nagulat si Billy sa lakas ng biro ni Ivan. "Paano mo nasasabi yun?"

"Ivan naman. Walang ganyanan. Sasamahan lang ako ni Billy sa bahay ni Susane." si Mark.

"Ha?" Kunyaring walang alam na si Ivan. "Sige diyan na kayo. Baka, naiinip na si Mama."
-----
Sa loob ng isang restaurant...

"Congratulation uli Ivan anak." matamis ang pagkakangiti ni Divina sa anak.

"Salamat Ma."

Hinihintay nila ang pagdating ng kanilang inorder.
"Ivan..." panimula ni Divina. "Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako ng ganito..." Napatango si Ivan. "Ngayon kasing tapos ka na... maari ko bang malaman kung ano ang plano mo?"

Lumabi si Ivan. Halatang nag-iisip. "Balak ko po sanang sa Manila ako maghanap ng trabaho Ma."

"Sabi na nga ba." mahinang sagot ni Divina. "Sige lang anak. Gawin mo ang gusto mo. S-susoportahan kita." nag-alangan pa si Divina sa sinabing pagsuporta sa anak dahil alam niyang may plano ito kaya sa Manila gustong maghanap ng trabaho. Nalungkot siya.

Napansin ni Ivan ang lungkot sa mukha ng ina. "Ma... hindi pa naman mangyayari 'yun matagal pa naman 'yun."

Ngumiti si Divina. "Huwag kang mag-alala, may na plano na rin ako. May mga gusto akong gawin kapag naisipan mo nang umalis ng bahay."

"Umalis ng bahay?" napa-kunot noo si Ivan. "Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin Ma, na aalis na ako sa bahay. Kung sakali, magtatrabaho lang ako. Tayo pa rin naman ang magkasama."

"Alam ko naman yun. Kaya lang ang magtrabaho sa ganoong kalayong lugar... iisipin ko pa lang..." naiiyak si Divina sa posibleng mawalay sa anak.

"Ma.." pag-aalo ni Ivan. "Pwede ka na mang sumama eh."

Suminghap ng hangin si Divina. "Sabi ko nga syo Ivan, may plano rin ako. Kaya huwag kang mag-alala sa kin."

Napa-kunot noo si Ivan sa planong sinasabi ng ina. Hindi na siya nagtanong dahil dumating na ang kanilang inorder.

"Magsaya tayo ngayon, anak. Congratulations uli. May diploma ka na." sabay tawa ni Divina. "Pwede ka ng mag-asawa, ay-" biglang naputol ni Divina ang biro. "Pasensiya na anak. 'Yun lang kasi ang naisip kong biro sa mga kabataang may hawak ng diploma."

"Ok lang Ma. Wala sa akin yun." Pero nag-iisip ang utak ni Ivan. "Anong ibig sabihin ni Mama? Gusto ba niya akong paringgan? Sinasadya ba niya ang sinabi niya... o..."
-----

"Kamusta ang first day?" tanong ni Laila sa anak ng makita ang anak sa loob ng kayang opisina. Tinignan niya ang suot nitong uniform. Napa-ngiti siya. "Na-miss kitang magsuot ng school uniform."

"Ma..." nahiya si Mico sa pagtitig ng ina. "Nako-conscious tuloy ako. Para akong lalaki dito eh." sabay tawa.

"Bakit lalaki ka naman ah? Bagay nga sayo eh." sabay tawa.

"Talaga naman si Mama."

"Bakit? Totoo naman ah."

"Naisip ko ngang magpatahi ng bago, 'yung fitted sa katawan ko kasi medyo loose ang tabas eh."

"Pinasadya ko talaga yan. Saka matagal mo na yang nakita ah, bago mo pa gamitin ngayon. Bakit hindi mo na pinabawasan?"

"Hmmm." ngumiti si Mico. "Nagtry lang ako Ma." sabay tawa.

"O kita mo na,, gusto mo rin. Teka, pwede ko bang malaman kong bakit mo rin ginusto?"

Muling ngumiti si Mico. "Wala lang po. Mmm para hindi naman obvious na maganda ang anak niyo."

Natawa si Laila sa biro ng anak. "Sabi ko nga maganda ang unico hijo ko."

Tumingin si Mico sa relo. "Ma, mag-aalas onse na. Hindi ka pa ba magtatanghalian?"

"Hindi pa anak kasi hinihintay ko pa yung bagong design na ipapasa sa akin. Siguro after 1 hour pwede na. Ok lang."

"Oo naman po Ma."

"Paki-check mo na rin pala 'yung mga bagong design, tutal na rito ka na rin lang."

"Ok po." ngumiti si Mico. Saka niya naisip na bumabalik na siya sa dating normal na buhay. Noong hindi pa sila nagkikita ni Ivan. "Halos isang taon na ang nakakalipas. Kamusta na kaya si Ivan."
-----

Lumipas pa ang ilang buwan.

"Mico, sa susunod na linggo magkakaroon ng pa-party ang Dad mo." si Laila nang makapasok sa kwarto ni Mico. Nakita niyang nasa ibabaw ito ng kanyang kama habang nakaharap sa laptop nito.

Napalingon si Mico sa ina nang ibinalita nito ang tungkol sa party ng Dad niya. "Bakit po Ma?" Muling humarap si Mico sa kanyang laptop. 

Umupo si Laila sa tabi ng anak. "Gusto niyang i-celebrate ang pagka-promote niya."

Gusto ring maggalak ni Mico pero pinili niyang ngumiti na lang maluwang. "Talaga po? Eh ano pong bagong position ang nakuha niya?"

"Di ba, project manager siya ng grupo niya ng firm nila? Ngayon, nadagdagan ang pangalan niya." sabay tawa. Dinaan ni Laila ang impormasyon sa biro. "Naging head project manager na siya. Meaning hindi lang sa grupo niya siya leader pati na sa buong teams, lahat-lahat na."

"Wow." nangilid ang luha ni Mico sa kasiyahan para sa tinatamo ng ama sa pagtatrabaho nito. "Ang galing naman ni Dad."

"Parang ikaw Mico. Wala ka pa ngang diploma eh inilagay ka na agad ng business natin bilang senior designer. At tatandaan mo, hindi ako ang naglagay sa'yo sa posisyong iyon. Iminungkahi sa akin ng mga kasamahan mo na kailangan mo ng promotion kasi mga designs mo ang naging mas in sa market."

"Ganoon po ba iyon." maang-maangan ni Mico sabay tawa.

"So si Dad mo, gusto niyang magpasalamat sa mga bosses niya. So, magkakaroon ng handaan dito. Sabi niya sakin invited ang lahat sa loob ng firm nila."
-----

"Pati po ako sasama sa..." gulat ang binatang sinabihan ni Dino na sasama ito sa celebration ng pagkapromote niya.
Dinaanan kasi ni Dino ang binata sa desk nito. Alam niyang katatapos lang ng grupo nitong mag-usap-usap sa ginagawang plano. Isang project na malaki. "Tama ang narinig mo."

"Pero, sir, bago lang po ako dito." Saka inisip ng binata kung ilang linggo na ba siya sa construction firm na iyon. "Sir, wala pa akong isang buwan."

"Tinatawag mo akong sir, di ba? Kailangan ko pa bang magpaliwanag?"

"O-ok po." napa-buntong hininga ang binata.

Pagkatapos ay pumunta sa harapan ang si Dino para opisyal na mag-anunsyo ng invitation niya. Palakpakan ang lahat ng matapos i-announce ni Dino ang invitation sa party nito. Lumipat ito sa kabilang room para doon naman personal na mag-imbita at mapasalamat sa pagkaka-promote niya.

Kakamot-kamot naman ang binatang unang pinagsabihan ni Dino.

"Parang nakakahiya naman. Kabago-bago ko pa lang may pupuntahan kaagad akong party sa bahay pa ng boss ko talaga. E di..." natigilan ang binata. "...parang wala pa sa plano ko. Hayss, ano kaya ang gagawin ko?"
-----

"Sa susunod na araw na ang pagdating ng mga bosses ko dito at ng buong construction firm." unang pahayag ni Dino sa harapan ng hapag-kainan. Kumakain sila ng hapunan. "Kaya ngayon pa lang pinaaalahanan ko na kayo... ayokong may masabi ang mga bosses ko."

Tahimik lang si Mico sa pakikinig. Kahit sa ina niya nakaharap ang Dad niya, feeling niya siya lang talaga ang pinaaalalahanan nito. "Ok po." sagot ni Mico.

"Pangalawa..."

Nagulat si Mico nang sa gilid ng kanyang mata nakita niyang sa kanya naka-tingin ang kanyang ama. 

"Mico." tawag ni Dino sa anak.

"Po?" agad siyang tumingin.

"Gusto kong i-welcome mo ang mga bisita. So dapat, maging presentable ka sa ayos  mo lalo na sa kilos mo. Malalaking tao ang bibisita sa atin."

"O-opo." for the first time, tumalbog ang puso ni Mico sa kasiyahan. Wala na siyang natatandaang pinaaalalahan siya ng ganoon ng ama. Feeling niya belong na siya sa paningin ng ama. "Sige po. Sisiguraduhin ko po na magiging maayos ang lahat."
-----

"Handa na ba ang lahat Mirna, Saneng..." tanong ni Laila sa dalawang kasam-bahay. Pinatawag kasi niya ang dalawa sa kwarto nya. Hindi pa siya makalabas dahil kasalukuyan pa siyang nagaayos ng sarili.

"Opo Maam." sagot ni Mirna. "Kani-kanina pa dumating ang sa catering. Nakapag-ayos na po sila."

Sinundan naman ni Saneng. "Maayos na rin po ang decoration sa labas at sa salas po. Handa na po ang lahat. Hinihintay na lang po ang mga bisita."

"Good. Si Mico napansin niyo na bang lumabas ng kwarto niya?"

"Opo." si Saneng. "Nandun na po siya sa labas, mukhang naghihintay ng bisita."

Napa-ngiti si Laila. "Sige na. Bababa na rin ako." 

"Sige po Maam" sagot ng dalawa.
-----

Isa-isa ng nagdadatingan ang mga bisita ni Dino. Talagang sinisikap ni Mico na gawin ng mabuti ang iniatang sa kanya ng kanyang ama. Dalangin niyang magtuloy-tuloy ang maayos na pakikitungo sa kanya ng kanyang ama.

"Welcome po." sabi ni Mico nang may pumasok na isang may edad na babae. Sa tingin niya ay isa sa mga boss ng dad niya dahil halata niyang mamahalin ang suot nito at ang gamit nitong mga alahas.

"Salamat." ang babae. "Kaano-ano ka ni Mr. Abena?"

Ngumiti ng maluwang si Mico. "Anak po."

"Ah!" gulat ng babae. "Ay, hindi man lang niya kinukwento na may anak pala siyang cute na katulad mo."

Sa sinabing iyong may edad na babae, nalungkot si Mico. Naisip niyang talagang walang amor sa kanya ang ama. "Ganoon po  ba?" pinilit niyang ngumiti sa kabila ng lungkot.

"Sige papasok na ako."

Bahagyang yumuko si Mico bilang pagsangayon at paggalang na rin.

Madami pa ang dumating. Marami pa si Micong nakausap, mga naiintriga sa kanya, kung sino nga ba siya sa pamilya ng Abena.
-----

Isang lalaki ang nasa di kalayuan ang nakamasid lang kay Mico.

"Ito pala ang bahay nila dito sa Manila. Hindi ko inaasahang ganito kayaman sila." napangiti siya. "Ang taas na ng pader halos dalawang tao na taas pero dito palang sa kinatatayuan ko, kita ko pa rin ang kalahati ng bahay. Sabagay, architect ang ama, nasa magandang katayuan sa trabaho, natural lang na kayang magpatayo ng ganyang kalaking tahanan." Saka niya muling tinitigan ang lalaking nasa gate. Ang sumasalubong sa mga bisita.

"Hindi pa siguro tamang panahon. Hindi na ako tutuloy." Saka tumalikod ang lalaki. "Ang mahalaga, nakita ko na siya. At nakikita ko naman na maayos naman siya. Babalik ako, ang sigurado ko."
-----

"Teka." parang namalikmata si Mico nang parang may nakita siyang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Medyo madilim kasi kaya hindi niya masigurado kung tao nga iyong nakita niya. Bilang kumabog ng mabilis ang kanyang puso. "Bakit?" tanong niya sa sarili. "Hindi naman siguro ako natatakot? Hindi naman siguro multo ang nakita ko? Guni-guni ko lang yun."

Nawala ang iniisip niyang iyon nang may pumasok  na mga bagong bisita. Iyon ang pinagtuunan niya ng pansin.
------

9 comments:

russ said...

sino ba yun hehehe...si ivan?

Anonymous said...

Si IVAN sure ako dun siya yun... hehehe


post na po next chapter please


-shanejosh-

yeahitsjm said...

Taray! nagsalita na si baby ivan! i so missed his voice! *voice?? haha loljk!*

ikaw na billy niyakap ni Marrky & Baby Ivan! :))

freeling ko plan ni Mommy is papayag sya sa relasyon ni baby ivan and mico! :))

yown! magkikita na sila baby Ivan!~ :))

Ivan wag ka umales! pumunta ka sa party! para kang ano e! :))

affected talaga ko! :))

last a chaps! :(((

ASH!.. BOOK TWO!

rushly16 said...

baka ung toong tatay ni micko kasi sa takbo sa story parang baliwala lang si micko sa tatay nya.....oh di kaya si ivan un hinanap nya lang para siguradohin kung nasa maayos nah kinalalagyan si micko hehehehe

yeahitsjm said...

hindi ko naintindihan comment ni rushly16! loljk! :)) peace! :))

aR said...

Si ivan yan feel na feel ko XD
so sweet!

ryanfirmanes said...

wow.. at long last.. fast paced chapter.. :))

mico said...

ang ganda... hehe nalalapit na ang tapusan... galing naman kahit 1 year na hindi pa rin sumuko si ivan sa pagmamahalan nila ni mico..

android said...

mysterious guy!! ...
haha ... go ivan! .. tumuloy ka na lang! ... kung si ivan ka nga .hehehe