Followers

CHAT BOX

Saturday, May 28, 2011

TRUE LOVE WAITS (Someday, I Will Understand) 6



"Bumuhos na ang malakas na ulan at hindi pa rin nakakasakay si Jesse. Wala rin siyang masilungan.

“Ang pagkakataon nga naman.” Naiinis siya sa naging panahon. “Bakit ngayon pa?”

Lumingon-lingon siya ngunit wala talaga siyang masilungan. Nagpatuloy nalang siyang maglakad. Napansin na rin niyang wala nang dumadaang sasakyan. Payakap niyang dinala ang bag niya. Di bale nang mabasa siya huwag lang ang laman ng bag niya. Mga importanteng bagay ang naka-lagay doon tulad ng I.D. at ibang mga papel na dapat ingatan.

Malayo-layo na ang nalalakd niya ngunit wala pa rin talgang masakyan at kahit masilungan man lang. Susuko na sana siya ng makita niya ang ilaw na papalapit sa kanya.

Tumigil ang isang sasakyan sa kanyang harapan. Nakita niyang bumukas ang bintana nito at isang istrangherong lalaki ang nakita niya.

“Sakay ka na.” yaya sa kanya ng istrangherong lalaki.

“Huwag na sir, okey lang ho ako.”

“Sige na huwag ka ng mahiya.” Muling anyaya ng lalaki.

“Sir, okey lang talga ako, nakakahiya po talaga kasi.”

“Basang-basa ka na. Maya-maya lang babaha na dito.”

Napa-tingin siya sa paligid. Napansin nga niya ang mabilis na agos ng tubig. Natakot siya.

Binuksan na ng lalaki ang pinto ng passenger seat. Nakita ni Jesse na malinis, maganda at higit sa lahat tuyo ang upuan. Nakakahiya talaga kung tatanggapin niya ang paanyaya.

Kahit hindi nagsasalita si Jesse, naintindihan ng lalaki ang ibig niyang sabihin. Kinuha nito ang isang magazine at inilatag sa upuan.

“Sige na sakay ka na.”

Napilitan na siyang sumakay. Dahil sa takot ding maabutan ng baha. Ingat na ingat siyang huwag sumagi ang katawan at makabasa ng kung ano man. Hindi niya maisandal ang katawan sa sandalan ng upuan.

“Salamat Sir.” Sabi niya ng maka-upo.

“Wala yun, nangangailangan ka ng tulong eh.” Ngumiti ito sa kanya. “San ka ba?”

"Kahit sa kanto nalang Sir. Bsta may masakyan lang po ako.”

Hindi agad sumagot ang lalaki. “Ihahatid na kita sa inyo.” Tumingin ito sa kanya. “Baka hindi ka na pasakayin dahil basing-basa ka na.”

“Ay Sir, huwag na malapit na naman ako pag nakalabas na tayo dito.”

Natawa ito. “Ikaw na ang may sabi, malapit na ang sa inyo. Hayaan mo nang ihatid kita.”

Hindi na siya umimik. Maya-maya ay muli itong nagsalita.

“Sabihin mo sa akin ang daan kapag nakalabas na tayo dito ha?”

“S-sige Sir.” Muntikan pa siyang mawalan ng boses.

Nang makalabas na sila, itinuro na ni Jesse ang daan patungko sa tinutuluyan niya.

Nang ma-gets iyon ng lalaki, nasabi nito sa sariling malapit lang talaga ang bahay nito at tama lang ang daan sa pag-uwi naman nito.

“Dito na lang po ako Sir.” nang mapatapat na ang sasakyan sa harap ng iskinita nila.

“Dito na ba ang sa inyo?” tanong ng lalaki. At pinahinto na nito ang sasakyan.

“Oho.” Sagot niya.

“Teka, paalala ko lang na mukhang magkasing-edad lang tayo, huwag mo na akong pinopo.” natatawa ito.

Nang tumawa ito saka niya lang napansin ang hitsura nito. Agad niyang na-saulo ang features ng mukha nito. Gumanti siya ng ngiti.

“Salamat po ha? Este salamat Sir.” Nagkamali niyang sabi.

Muling natawa ang lalaki.

“Jonas pala.” Pakilala nito at inilahad ang kamay.

Naalangan pa nga siyang abutin ang kamay ng nagpakilalang Jonas dahil alam niyang malamig ang kanyang kamay.

“Jesse.” Sabay ngiti. Nakipagkamay na rin siya. “Sige, maraming salamat Sir.”

Bubuksan na sana niya ang pinto. “Sir, baka gusto mong tumuloy muna sa amin. Bilang ganti naman.” Nakngiti siya.

“Huwag na. Kailangan ko na rin kasing umuwi.” Tanggi ni Jonas. “ Next time nalang kapag naulit.” natawa ito sa mga huling sinabi. Para bang inaasahang mangyayari uli iyon at magkikita silang muli.

Natawa rin siya. “Huwag naman Sir sana.”

“Nagpakilala na ako sayo. Huwag mo na akong tawaging Sir.”

“Sige, J-jonas. Salamat uli.”

“Walang anuman.”

Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng kotse at dali-daling tumakbo dahil malakas pa rin ang ulan. Hindi na niya nagawang lumingon pa.

Dali-dali siyang naghubad ng saplot sa katawan ng maka-pasok sa bahay. Alam naman niyang walang tao sa loob ng bahay kaya wala siyang pakialam kahit hindi pa siya nakakapasok ng banyo para magbanlaw. Ayaw niyang magkasakit kahit pa Linggo bukas. 
-----

Natutuwa si Jonas dahil isang nangangailangang tao ang natulungan niya. Ika nga count your blessings unto God. Nangingiti siya habang binabagtas ang kanyang pag-uwi.

“Nakakatuwa naman ang lalaking iyon, sa sobrang hiya, eh tinatawag akong sir? Pero sabagay hindi naman niya ako kilala kaya pagbibigay galang.” Natatawa siya sa iniisip. “Pero kahit na, nasobrahan naman kasi. Pino-po  pa ako kahit alam naman niyang magkasing-edad lang kami.”muli siyang natawa.

Mukha na ba akong matanda? Hindi naman. Pero natuwa akong yayain muna sa bahay nila para magkape ah.” doon naglaro ang isip ni Jonas. “Sa totoo lang sayang, kasi baka pakainin na rin ako nun.” Muli naman siyang natawa. “Aba, hindi pa ako kumakain. E di sana, naka-libre na ‘ko. Hindi… joke lang. Hindi naman ako ganung tao.” Para siyang sira na kausapin ang sarili sa pamamagitan ng kanyang isip.

Pagkatapos noon ay pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho. Ibinigay na niya ang buong atensyon dahil mas lalong lumakas ang pagbagsak ng ulan.

Ang nasa isip niya ngayon ay masarap matulog dahil malamig. Hindi na niya kailangan na gumamit ng air-conditioner. Mas masarap ang hangin at lamig na natural. Nakikinita na niyang bubuksan niya ang bintana sa kanyang kwarto at hahayaan na umanggi. Natatawa siya sa kanyang naisip.
----

Nagising si Jesse kina-umagahan nang maulinigang dumating na si Marco. Tumayo siya kahit masakit ang katawan. Wala naman siyang sakit pero parang namimigat ang kanayang katawan. Siguro gawa ng paninibago sa unang linggong pagtatrabaho.

“Magandang umaga Marco.” Bati ni Jesse nang maka-labas siya sa kwarto at nakita niyang nasa lamesa ito at may inilalatag na pagkain.

“Gising kana pala? Bakit nagising ba kita?” si Marco.

“Hindi naman. Talagang nagising na ako. Ano ba yang, dala mo?”

“Ah, ito?” ipinakita ni Marco ang supot. “Bumili ako diyan sa kanto ng sopas, pandesal at itong chicken-kari. Nabanguhan kasi ako, kaya naisipan kong umordrer. Tamang-tama hindi na kita gigisingin.”

“Sandali, titignan ko kung may kanin pa.”

Pumunta si Jesse sa kusina, para kumuha ng kanin. Habang sumasandok siya, narinig niyang may kausap si Marco. Wala siyang naririnig na boses ng ibang tao kaya naisip niyang sa cellphone nito ito may kausap.

Bumalik siya nang nakatalikod si Marco sa kanya. Nang mapansing nasa likuranan na siya ni Marco ay biglang lumipat ito ng lugar.

Doon ay nagtaka si Jesse dahil sa ikinilos ni Marco ay parang may itinatago ito. Hinayaan na niya. Hindi na niya pina-gulo ang isip niya sa mga katanungan sa kanyang isip. Ipinag-patuloy nalang niya ang paghahain. Saka na lang siya magtatanong o kaya baka sabihin din naman sa kanya ni Marco.

“Saka bakit naman kailangan kong magtaka sa kanya? Eh, buhay naman iya iyon. Wala naman siguro akong pakialam.”

Maya-maya pa ay bumalik na si Marco.

“Ang tagal ko ba?” tanong ni Marco nang makabalik. Napansin kasi nitong naghihintay na si Jesse sa lamesa habang nakaupo sa bangko.

“Hindi naman.” Naka-ngiti si Jesse.

“Kain na tayo.” Yaya nito.

Kumain sila habang nagkukuwentuhan.

“Kamusta ang isang Linggo mo sa trabaho?” tanong ni Marco.

Napaangat ng mukaha si Jesse at tumingin kay Marco.

“Ok naman, kayang-kaya. Kaya lang parang nanibago ako.” Natatawang sabi ni Jesse ini-angat pa niya ang kanyang balikat para ipakita kung saan ang nananakit sa kanya.

Natawa muna si Marco. Dahil pa nga doon, hindi sinasadyang mabilaukan ito.

“Ganyan talaga sa unang araw, o linggo.” Nang maka-inom. “Ako rin dati nung nag-umpisa akong mag-“ hindi na naituloy ni Marco ang sasabihin dahil umubo ito ng marahan.

Ang napansin ni Jesse, hindi naituloy ni Marco ang sasabihin dahil ayaw na nitong ituloy ang gustong sabihin sana. Ang ginawa nito ay kunwari ay naubo para hindi na maipagpatuloy ang dapat sanang sasabihin. Hindi na niya inungkat iyon.

“Oo nga eh, ganito pala ang pakiramdam ng bago palang sa trabaho.” Sa halip na sagot niya.

“Oh, nakita mo ba dun si ano, si..”

“Si  Jessica?” pagpapatuloy ni Jesse.

“Oo, siya nga.”

“Ayun, cashier. Pero hindi ko siya ka-linya kaya hindi madalas mag-usap. Nagkaka-tanguan lang.”

“Dapat lagi mo yung nilalapitan, para maka-dali ka na.”

“Ano?” natawa at nagulat siya sa paraan nito ng pagsasalita.

Tumawa si Marco. “Dapat.”

“Ang bata ko pa. Saka nagtrabaho ako dito para kay Papa at Mama.”

Tumigil ito sa pagtawa nang marinig ang sinabi ni Jesse.

“Oo, tama ka dun. Dapat nga ganun ang gawin mo.” Pag-sangayon nito.

“Pero maiba ako Marco. Sa susunod na Linggo susweldo na ako. Anong gagawin ko?”

“Ikaw? Kung paano mo gagamitin. Kakasabi mo lang na para sa magulang mo.”

“Oo, pero gusto ko," natigilan mo na siya. "i-treat kita.” Naka-ngiti ito.

“Talaga?” lumaki ang mata nito.

“Oo naman. Bakit? Babayaran pa nga kita eh sa mga nagastos mo sa akin.”

“ay, huwag mo munang isipin yung bayad-bayad. Hindi naman ako naniningil. Pero natuwa ako sa treat.” Tumawa ito ng malakas.

“Sige sa susunod na Linggo ha?”

“Sure na sure ako diyan. Libre eh.”

Nagkatawanan sila.

Patuloy parin silang nag-usap habang kumakain sa ibang topic na nga lang.
Pagkatapos noon ay nagpatunaw ang dalawa at natulog na si Marco. Naiwan si Jesse na nanonood ng t.v. sa maliit nilang sala.
----

“Nagugutom na ako, pero hindi ko alam kung saan ako kakain.” Sabi ni Jonas sa sarili habang nagmamaneho at naghahanap ng makakainan. “Natatamad akong magluto ngayon.”

Nagpaikot-ikot siya sa isang lugar sa halos dalawang area para lang makakita ng magugustuhang pagkain. Minsan bumababa siya ng kanyang sasakyan para pasukin ang isang restaurant pero lumalabas siyang bagsak ang balikat dahil hindi niya type ang klase ng lutuin. Hindi naman dahil sa mahal ng pagkain sadya lang talaga na naghahanap ang kanyang sikmura ng iba.

Bahagya pang nagulat si Jonas nang mapansing binabagtas ang kalsadang patungo sa ayaw niyang puntahan.
----

Kalalabas lang ni Jesse sa trabaho at dumiretso agad siya sa restaurant na kaharap ng pinagtatrabahuan niya. Doon ang usapan nila ni Marco na magkikita. Ngayong araw kasi ang nai-takdang panlilibre ni Jesse sa kaibigan.

Nang makapasok siya, hinanap agad niya si Marco dahil alam niyang mauuna na ito doon. 

Napagkasunduan nilang hindi papasok si Marco para mapagbigyan ang gusto ni Jesse na mangyari.

Pero sakanyang paghahanap, walang Marco siyang nakikita.

“Dapat naandito na siya.” Tanong niya sa sarili. “Sabi niya bago mag 7 dadating na siya. Bakit wala pa?” nagtataka siya.

Minabuti niyang umupo muna sa isang table na sa harapan kung saan makikita niya ang labas. 

Pinagmasdan niya ang unti-unting pagsasara ng 3Jsupermarket. Marami pa roong mga empleyado. Ang mga katulad niyang bagger ay mga nauuna ng lumabas.

Halos mga kalahating oras na siyang naghihintay sa loob ng restaurant na iyon. Pero wala paring Marco ang nagpaparamdam. Muli siyang nagpalinga-linga pero wala talaga.

“Bigla yatang dumami ang tao.” Tanong niya sa sarili nang mapansing halos wala nang bakanteng upuan.

Muling lumapit ang waiter. “Sir, oorder na po ba kayo?”

“Maya-maya na lang kasi may hinihintay pa ako.”

Napakamot sa ulo ang waiter dahil sa totoo lang pangatlo na niyang balik iyon.
----

May nakita na si Jonas na restaurant. Alam niyang hindi mamahalin ang inihahanda roon pero parang nagustuhan niyang doon nalang tumuloy. Nag-park siya sa may bandang gilid ng parking lot para wala masyadong maka-pansin sa kanyang kotse. Mahirap nang makarnap.

Nang makababa diretso agad siya sa loob ng restaurant. Ayaw na rin niyang maghanap ng iba. 

Bahala na kung ano ang pagkain meron sa loob.
Naghanap siya ng maaring mapag-pwestuhan ngunit parang wala siyang maupuan. Ayaw niya rin doon sa may bandang harapan kung tanaw ang labas at kalsada. Pero yun lang ang maari niyang maupuan.

Wala na siyang magawa kundi doon nalang pumwesto. Hinila na niya ang kanyang sarili sa pwestong iyon. 

“Excuse me Sir. Pwede b-?” hindi naituloy ni Jonas ang sasabihin ng humarap ang lalaking umuukupa ng kabilang side ng table. Nanlaki ang mata niya ng makilala kung sino ang lalaking yun. Nakita ng dalawa niyang mata na hindi lang pala siya ang nagulat nang magtagpo ang kanilang mga mata.

2 comments:

android said...

first ba ko?!

hehehe ... nice bumalik na si jonas! hehe

nakakapag duda naman yang trabaho ni marco ...

anyways ... wala pa namang nagaadmit ng pagtingin para sa isa't isa ...

so next chapter na po !! :))) XDD

Anonymous said...

hehehehe sa wakas npost n din ung kasunod... nxt chapter pls... araw araw ko 2 ncheck kung my update n... kakaexcite kc eh... inspiring... nxt pls...