Parang ayaw nang makihalubilo ni Mico sa mga bisita ni Ivan sa labas. Nakaupo na lang siya sa sofa kaharap ang nakapatay na tv. Sa madaling salita, nakatunganga. May pagkain siyang sinandok at kaharap niya na nakalagay sa center table pero hindi naman niya ginagalaw.
CHAT BOX
Wednesday, April 27, 2011
Tuesday, April 26, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 35
Posted by
(ash) erwanreid
"Ayus na ang lahat Mico." natutuwang pahayag ni Divina nang ma-check na niya ang lahat. "Sa tingin ko." sabay tawa.
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 34
Posted by
(ash) erwanreid
Hindi mapakali si Mico sa kapabalik-balik sa paglalakad sa harapan ng kanyang tv. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Ivan ang nalaman niya tungkol kay Angeline kanina. Alam kasi ni Mico na malapit nang dumating galing sa university si Ivan. Maya't maya siyang tumitingin sa orasan mag-aalas-singko na ng hapon kaya sigurado siyang nasa daan na si Ivan pauwi.
Monday, April 25, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 33
Posted by
(ash) erwanreid
"Aalis na ako Ma." paalam ni Ivan pagkababang-pagkababa sa hagdan. Nakita kasi agad niya ang ina sa sala.
Wednesday, April 13, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 32
Posted by
(ash) erwanreid
Tanghali na nang magising si Mico. Ayaw pa sana niya nang biglang may maalala. Napahawak pa siya sa mukha ng magsalita. "Teka, panaginip lang ba ang lahat?" Nanlalaki ang mga mata niya sa katanungan. "Hindi!" tili niya. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at tumakbo pababa. "Hindi ako nanaginip." saka nag-iwan ng ngiti sa mga labi.
Tuesday, April 12, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 31
Posted by
(ash) erwanreid
Narinig ni Mico ang malumanay na tawag ni Ivan sa likod ng pintuan ng kanyang kwarto kasabay ng katok.
"Mico. Gusto kong mag-usap tayo."
Thursday, April 7, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 30
Posted by
(ash) erwanreid
Kakatok sana si Mico sa pintuan habang hawak ang tray, laman ang pinadalang miryenda ni Tita Divina nang makarinig siya ng tawanan sa loob ng kwarto ni Ivan. Mga naghaharutan. Sandali siyang nakinig. Hindi niya nagustuhan ang mga naririnig. "Anong ginagawa nila sa loob?" takang tanong ng kanyang isipan na may halong pagseselos. Biglang may kung anong nagtulak sa kanya para ibaba sa sahig ang hawak na tray at hawakan ang seradura at pabalya itong buksan na naglikha ng kalabog. Tumataas ang dugo niya.
Wednesday, April 6, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) chapter 29
Posted by
(ash) erwanreid
Tuesday, April 5, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 28
Posted by
(ash) erwanreid
Nasa harapan ng bakuran ng bahay si Mico habang nakikipaglaro kay Vani nang maalala ang sinabi sa kanya ni Billy.
"Sabi sa akin ni Billy kahapon..." Biglang kinilig si Mico sa naalala.
Kahapon, curious na curious si Mico sa tanong ni Billy. Na kung bakit ito nagtatanong kung may iba pang babae sa loob ng bahay ni Ivan. Kahit masayang pinagsasaluhan ang inihanda ni Tita Divina na miryenda, siyempre bida na naman siya sa bibig ni tita Divina, patuloy pa rin ang pag-ikot ng katanungan iyon sa kanyang isip. Kaya naman nang pagkatayong-pagkatayo ng lahat sa harapan ng hapag-kainan ay pasimple at pabiro uli niyang inusisa si Billy sa tanong nito.
Nagbalik siya sa kasalukuyan ng maramdamang may banayad na kinagat ni Vani ang daliri niya sa paa. "Vani." pasigaw niyang tawag kay Vani. Sinasaway niya ang alaga dahil nawala siya sa inisip.
Sabay ngiti.
Sabay tawa.
Napa-tigil sa pagtakbo-takbo ang si Vani at pahilig ang ulong tumingin kay Mico. Para bang nagtatanong ang alaga ni Mico kung bakit bigla-bigla ay tumawa na lang ito.
Nadugtungan pa ang tawa ni Mico nang makita niya ang reaksyon sa kanya ng kanyang alaga. "Vani, my dear..." paglalambing niya. Nilapitan niya ang alaga. "Nagtataka ka siguro kung bakit bigla na lang akong tumawa noh."
Tumahol ang aso tila sagot sa tanong Mico.
"Kasi naalala ko ang sinabi sa akin ni Billy kahapon. Gusto mo ikwento ko sayo, ha?"
Muling tumahol ang aso.
"Sige, iku- kwento ko sayo." huminga muna ng malalim si Mico na para bang napaka-esklusibong eksplosibo ang kanyang ilalahad sa alaga. "Kasi kahapon, nagtanong ba naman si Billy na, ay hindi mo nga pala kilala si Billy. Si Billy 'yung classmate ni Ivan. Hindi si Angeline ah. Kilala mo na yun. Ok, sabi kasi niya sa akin na, ay, nagtanong pala hehe kung meron ba daw na ibang babae sa bahay ni Ivan." Sinabi niya ito sa alaga habang nakatingin sa gate nila Ivan.
"Hindi na ako nakasagot kasi wrong timing si Ivan my love eh. Bigla ba namang pumapasok sa eksena." sabay tawa.
Muling tumahol ang aso ng ilang beses.
Napa-tigil si Mico sa pagtawa. "Sandali naman Vani, atat ka naman sa buong istorya eh." hinimas niya ang alaga. "Ok ito na. Pero naka-usap ko uli. Ako na ang nagtanong kung bakit ba siya nagtatanong kung bakit siya naghahanap ng ibang babae? Alam mo ba ang sagot niya? Hindi siyempre. Sabi niya, simula daw nang magpasukan uli, nag-iba na daw si Ivan. Siyempre na-curious ako kung ano ang sinasabing pag-iiba ni papa IVan my love ko noh. Kasi daw, dati, laging serious mode daw si Ivan pero bigla na lang naging masayahin. At alam mo ba ang iniisip ni Billy kung bakit naging ganoon si Ivan? Tingin daw kasi ni Billy, inlove daw si Papa Ivan. Babae ang nagpa-iba ng takbo ng mundo ni Ivan." sabay tawa.
Nagpatuloy si Mico sa ikinu-kwento. "Siyempre, ang maganda dun Vani, ang babaeng pinaghihinalaan ni Billy ay ako. Oh di ba? Talaga namang nakakatuwang malaman ang ganun? Ibig sabihin hindi lang kami ni tita Divina ang nakakita sa pag-iiba ni Ivan, pati sa classmate niya."
Hindi masukat ni Mico ang nararamdamang katuwaan ng kanyang damdamin. Ang alam kasi ni Mico ang ipinapakitang pagbabago ni Ivan ay nang dahil sa kanya.
"Alam ko mahal na rin ako ni Ivan. Ayaw niya lang sabihin. Malamang, natatakot lang siya."
Pinipilit ni Mico na ganun nga si Ivan sa kanya tulad ng nararamdaman niya para sa kaibigan. Umaasa siyang magagawa niyang siya na mismo ang magtanong kay Ivan ng sa kung ano ang nararamdaman nila para sa isa't isa.
"Tama naman siguro ako sa mga ipinapakita sa akin ni Ivan?" sa pagkakataong ito ay naging siryoso siya. Kinapa niya ang kanyang puso sa mabilis nitong pagtibok. Muli niyang inalala ang sandalng nagsama sila sa isang higaan at sa puntong hinahalikan siya si Ivan. Kasunod ang mga sandaling naging caring si Ivan sa kanya. Ang mga tampuhan nila at kung paanong ilang beses na humingi ng tawad sa kanya si Ivan.
"Mahal ako ni Ivan." naisatinig niya.
Biglang nagtatahol si Vani. Nakuha nito ang atensyon niya at tumingin sa kung ano ang kinakahulan nito. Sa di kalayuan ay napansin niyang naglalakad papalapit sina Ivan, Angeline at Billy. Parating na ang mga ito.
"As usual, project na naman." sa isip ni Mico. "Pero ok lang, tatlo naman sila." sabay ngiti.
-----
"Alam mo Ivan, gusto ko si angeline." sabay bungisngis si Divina sa anak nang magkita ang dalawa sa kusina. Kasalukuyang naglilinis ng kalat sa lamesa.
Bumaba si Ivan sa kusina para kumuha ng snacks para sa mga gumagawa ng project sa kwarto niya. Halos mag-aalas- siyete na ng gabi kaya minabuti niyang bumaba at kumuha ng makakain. At naabutan nga niya ang ina at ang saloobin nito para kay angeline. Pero hindi siya sumagot sa sinabi nito.
"ano Ivan? Ok ba sa iyo si Angeline ha? Alam mo eh sa akin kung siya ang ipapakilala mo sa aking babae eh ok talaga sa akin. Mabait namang bata si angeline. Ano?"
Dahil sa sunod-sunod na sinabi ng ina ay napilitan siyang sumagot. Pero hindi naman siya galit. "Ang bilis mo naman ma?" awat niya sa ina.
"Anong mabilis?" mahinahong tanong ni Divina sa anak. "Ga-graduate ka na 'nak, wala ka pa ring pinapakilalang girl. Aba, matanda na ako." sabay tawa.
"Ma?" napakunot ng noo si Ivan. "Biro? O, tinutulak niyo na ako."
"Ito naman, nasabi ko lang. Sige, iakyat mo na yan sa kanila."
"Sige po." pero sa loob-loob ni Ivan na tama nga ang ina. Ga-graduate na siya pero wala pa rin siyang naipapakilalang babae na girlfreind niya. "Grabe naman si Mama para namang mamatay na." napa-iling na lang siya habang binabagtas ang patungo sa kwarto niya.
-----
"Wala naman siguro silang gagawing kakaiba dun." ang tinutukoy ni Mico ay sina Ivan sa kwarto nito kasama ang mga kaklase. Padapang nakaharap si Mico sa laptop niya sa kanyang kama habang muling sinusuri ang mga imahe ni Ivan. "Ang tagal na sa akin ito pero hindi ko pa rin matapos tapos."
Biglang pumasok sa kanyang isipan si Angeline. "Ay teka nga." muli niyang sinuri ang mga kuha ni Ivan na may kasama. "Tama nga ako. Si Angeline nga ito." Nakita niya ang isang kuha na nakapulupot ang babae sa katawa ng kanyang Ivan. "Ang pangit ng kuha, ano ba yan. Nakaka wlang gana."
Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagsuri sa mga imahe. "Matutulog na lang ako ng maaga."
-----
"Bakit wala si Mico kanina?" tanong ni Angeline nang makalabas sila ng gate ng bahay ni Ivan.
"Ang gandang bahay ni Mico noh?" si Billy. "Ang swerte naman ni Mico ang yaman niya."
Natatawang nilingon ni Ivan si Billy nang matapos maisara ang gate. "Magkakaroon ka rin niyan balang araw."
Inalis ni Billy ang tingin sa bahay ni Mico at kay Ivan humarap. "Hindi yan ang pinapangarap ko." mataray niyang sagot kay Ivan.
"Lalaki ang pinapangarap niyan." si Angeline.
"Manahimik ka nga bruha ka." mataray na saway ni Billy.
"Sige, pero isa na lang..." sabay tawa. "si mark ang pinapangarap niyan."
"Aba naman talaga."
Natawa na lang si Ivan. "Halika na kayo. Ihahatid ko na kayo sa kanto para makasakay ng tricycle palabas."
"Tama papa Ivan. Halika ka na. Mauna na tayo at iwan natin ang bruha sa kadiliman." hinila ni Billy si Ivan palayo kay Angeline.
"Hoy!" sigaw ni angeline sabay habol. "Bitawan mo nga si Ivan." inalis niya ang pagkakahawak ni Billy sa kamay ni Ivan. "Ako dapat ang ka-holding hands niya."
Nagtatawa lang si Billy habang naglalakad papalayo.
-----
"Parang may tao sa labas?" naulinigan ni Mico ang mga boses na nagmumula sa labas. Kaya tumayo siya para alamin kung kanino galing iyon. Nang dumungaw sa bintana nakita niyang papalayo sina Ivan at mga kaklase nito. "Pauwi na ang dalawa." Naisip niyang hintayin si Ivan sa pagbalik nito. Pero hindi niya ipapahalatang inaabangan niya ito. Lihim siyang nakasilip, nakaabang sa kanyang bintana matanaw lang si Ivan sa pagbabalik nito.
Hindi naman nagtagal ay natanaw na niya si Ivan na pabalik na ito. Ilang saglit pa ay biglang kumabog ang kanyang dibdib ng makitang sa gate nila patungo si Ivan.
Saturday, April 2, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 27
Posted by
(ash) erwanreid
Napatingin pa ng may kaunting pagkagulat si Ivan kay Billy dahil nababakas sa nagtanong ang kasiyahan nito. "M-mukhang maganda ang araw mo ngayon?" kapagdaka'y tanong ni Ivan.
"Pansin ko nga rin." sangayon ni Angeline.
"Wala naman." sabay tawa. "Tama, masaya talaga ako ngayon kasi-" hindi naituloy ni Billy ang sasabihin ng mapansing pumasok rin sa kwartong ring iyon si Mark. "Si Markky ko, pumasok na."
"Ah kaya pala." si Angeline. "Masaya ka kasi pumasok na si Mark."
Napa-tingin si Billy ng diretso kay Angeline. "Ganoon na nga siguro..." nasabi na lang niya.
Natawa naman si Ivan. Binati na lang niya si Mark nang maka-tabi. "Kamusta pare? Dalawang araw ka ring nawala ah?"
Ngumiti ng maluwang si Mark.
Si Angeline ang sumunod na nagsalita kay Mark. "Alam mo ba Mark, ang iniisip namin ay magkasama kayo ni Susane."
"Hindi noh." mabilis na sagot ni Billy.
Napatingin si ang tatlo. Si Mark ang unang nagsalita. "Bakit? Hindi rin ba pumasok si Susane?Oo nga nasaan, bakit wala pa siya?" sunod-sunod na tanong ni Mark.
"So ibig sabihin ba noon na hindi kayo nag-usap ha?" tanong ni Angeline kay Mark. Nang tumango si Mark kay Billy naman siya tumuon ng pansin. "Ano nangyari sa bestfriend mo Billy?"
"H-ha?" bahagyang nagulat si Billy. Kahit hindi siya tumitingin sa tatlo alam niyang hinihintay ng mga ito ang sagot niya. "W-wala gusto lang niyang umabsent."
"Imposible." matigas na di pagsangayon ni Mark. "Hindi naabsent si Susane ng walang dahilan."
Lihim na napasinghap ng malalim si Billy. "Aba, malay ko kung ano ang dahilan niya. Teka, Ivan mamaya pala sasama ako sa inyo sa paggawa ng project natin." pag-iiba niya ng usapan.
-----
"Ibig sabihin, mamaya nandito nanaman ang babaeng yon." biglang pumasok sa isipan ni Mico si angeline. "Kaya pala kahapon kasama ni Ivan ang babaeng iyon kasi gagawa sila ng project. Buti nalang at hindi naituloy dahil napasarap sa kwentuhan sina tita Divina at Angeline. Hmpt, kainis naman." inihagis niya ang throw pillow sa kabilang sofa. "Ilang araw kaya sila gagawa ng project? Ayokong isang linggo. Hindi na nga kami nakakapagusap ni Ivan tapos, pati hapon, kukunin pa rin sa akin." ibinagsak niya ang katawan sa kahabaan ng sofa. "Si tita Divina... tuwang-tuwa na kausap si Angeline kahapon. E di, maiitsapwera ang ako nyan." napahawak siya sa ulo niya. "Ayok mangyari iyon." Gusto niyang sumigaw sa naisip.
Tumahimik siya saglit. Binalikan ang iba pang nangyari kahapon. "Pero atlist, hinila ako ni Ivan kahapon sa isang sulok." kinilig si Mico habang nakatitig sa kisame. Naghanap ang mga kamay niya ng pillow nang walang makapam, ginamit niya ang mga paa niya nang magakalang nasa bandang paanan niya ang mga iyon. Pero wala siyang nakuha. "Ay, buwisit! Pinagtatapon ko pala sa kabila. Badtrip naman oh. Kinikilig na ako eh, naunsyame pa. Hmpt." Tumayo siya at kinuha ang isang throw pillow at bumalik sa pagkakahiga sa mahabang sofa.
"Kinikilig ako." nasabi niya nang muling makahiga. "Wala naman kiss pero, nag-sorry siya sa akin. Kasi nga..." para siyang may kinakausap. "...isinama niya si Angeline. Hindi rin naman dw niya ineexpect na kahapon na pala ang start ng pagawa ng project nila. So," natawa siya. "Si Ivan humihingi ng dispensa. Wow naman Mico, mahal ka na nga ni Ivan my love. Weeee." pumikit siya at dinama ng sobra ang kilig na nararamdaman. "Mas maganda na siguro iyong sa bahay nila Ivan na lang sila gumawa ng project, para mabantayan ko. Kesa naman sa bahay pa ng babaeng iyon noh." at malakas niyang binigkas ang mga katagang, "Huwag na uy! Hmpt."
-----
"Tita anong niluluto mo?" tanong ni Mico nang matagpuan niya si Divina sa kusina.
"Mico." natutuwang lumingon si Divina. "Miryenda uli para sa dalawang bisita ni Ivan. Alam mo na..."
"Yes tita. Pero, hindi ko po alam na magiging dalawa sila." takang tanong ni Mico. Hindi talaga niya alam na may isasama pa si Ivan.
"Ganoon ba? Kasi, paalala sa akin ni Ivan tatlo daw sila sa grupo nila. Malamang daw na kasam na niya yung isa pa ngayon, mamaya."
"Ah ganoon po ba? Mada-dagdagan pa pala ng isang babae. Hmpt."
"Oh tikman mo uli ito kung ok na?"
"Ano po ba yan tita?"
"Biko." sagot agad ni Divina.
"Kaya pala po, napansin kong madiin ang paghahalo ninyo." napangiti siya sa huli. "Sige po titikman ko." tnungo niya ang nakasalang na kawali kung saan doon niluluto ang "biko" ni tita Divina. "Amoy palang po mukhang masarap na."
|"Talaga? Sige na tikman mo na. Gusto ko nang matikman mo. Pag nasarapan ka e di pasado."
Natawa si Mico. "Tita naman, para namang ang galing kong magluto." pagkatapos ay tumikim ng kaunti gamit ang kutara.
Natawa rin si Divina. "May tiwala kasi ako sa panlasa mo. Totoo."
"Mmm masarap nga po. Parang..." mabilis din natumbok ni Mico ang gustong sabihin. "May halong gatas?"
Nangiti si Divina. "Imbes na gata kasi, condesnced milk kasi ang ginamit ko." sabay tawa. "Wala kasi akong time pumuntang market para bumili ng gata."
"Mas malinamnam nga po eh."
"O siya sige, hahanguin ko na."
Ngumiti si Mico saka muling nagsalita. "Tita, sa living room na po ako. Doon ko po sila hihintayin."
"Sige na. Salamat nga pala."
Pagkatapos noon ay umalis na siya para tunguhin ang living room. Nang makarating, ini-on agad niya ang t.v. para manuod. Sa oras na iyon isang panghapong teleserye ang naabutan niya.
"P-panong nangyaring... ako ang mahal mo di ba?" niyugyog ng babae ang balikat ng kaharap na lalaki. "Sabihin mo, ako ang mahal mo di ba?" napahagulgol ang babae.
"Siya ang mahal ko." tuwirang sagot ng lalaki.
Nanlalambot at parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ng babae ng marinig mula sa nobyo ang pahayag nito. Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ng kaharap na nobyo at wala sa sariling napa talikod. "H-hindi ko maintindihan... Para akong tanga. Naniwala ako sa mga nakikita ko." Muli siyang humarap sa nobyo. "Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?"
Napabuntong hininga ang lalaki. "Last month. Im sorry."Sumunod ang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki.
Nanlalaki ang mata ni Mico sa napanuod. Nagpatalastas kaya pansamantalang nawala sa ere ang palabas. "Kawawa naman ang babae." naibulalas niya. "Hindi niya alam, niloloko na pala siya ng kanyang bf. Mmm mukhan gmahal na mahal pa naman niya yung lalaki. Haysss." Biglang pumasok sa isipan niya si Ivan. "Ako kaya mahal din ba ako ni Ivan?"
"Mico."
Narinig ni Mico ang tawag mula sa likod. Nabosesan niya kung sino ang nagmamayari noon. Si Ivan. Agad niyang nilingon si Ivan ng may ngiti. Ngunit napawi ang kaagad ang kanyang ngiti ng makitang naka-angkla ang braso ni Angeline sa braso ni Ivan.
"Hi Mico." bati ni Angeline sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti kahit naninibugho ang puso niya sa nakikita. "Musta?" Agad niyang tinignan ang kasunod ng dalawa masino kung sino ang bagong kasama ni Ivan. Saka lang niya napansin ang isang lalaking may dala-dalang materials na nasigurado niyang mga gagamitin para sa project ng mga dumating.
"Mico, si Mama?" tanong ni Ivan.
Dahil doon ibinalik ni Mico ang atensyon kay Ivan. "Nasa kusina, nagpeprepare."
"Siya nga pala..." nilingon ni Ivan ang kasama na nasa likuran nila ni Angeline. "Si Billy, classmate ko rin. Kasama ko sa grupo." pakilala niya kay Billy.
"Hi." bati ni Billy.
"Ang akala ko babae. Yun pala lalaki din na..." napangiti siya sa naisip. "Musta."
"Sandali." agaw atensyon ni Ivan sa lahat. "Angeline, Billy upo muna kayo. Pupuntahan ko lang si Mama."
"Sige." si Angeline.
"Mico, ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?"
Ngumit si Mico kay Ivan tanda ng pagsangayon.
"Ate ang ganda mo naman. Tama nga ang sinabi nitong si Angeline." maarteng pahayag ni Billy kay Mico nang makaupo.
Natawa si Mico.
"Pasensiya na Mico ha?" Si Angeline. "Naikwento kasi kita kay Billy habang nasa daan kasi kami eh."
"Ok lang." sagot ni Mico.
"Mabait ako." biglang singit ni Billy. "Ewan ko lang sa katabi ko."
Natawa si Mico sa sinabi ni Billy.
"Ano ka ba Billy." saway ni Angeline sa katabi.
"Biro lang." natatawang si Billy. "Mico, pwedeng magtanong?"
"Sige. Kung kaya ko bang sagutin." muli siyang natawa. Na-feel niyang ok sa kanya si Billy.
"May kasama ba kayong babae dito? I mean, dalaga, kaibigan na babae maliban sa mama ni Ivan."
Nagtaka si Mico. Nakita rin niyang nagtaka rin si Angeline sa tanong ni Billy. "Bakit kaya naghahanap ito ng babae dito? E ang naiisip ko lalaki rin ang hinahanap nito. Bakit mo natanong?"
"Mmm kasi-"
"Mico, Angeline at Billy, doon tayo." niyaya ni Ivan ang tatlo sa dining area.
Nabitin naman si Mico sa sasabihin ni Billy. Ewan ba niya kung bakit na-curious siya sa gustong sabihin nito. Nakakapagtaka para sa kanya ang katanungan nito. "Bakit naman kasi bigla na lang sumulpot itong si Ivan." Pero natitiyak niyang magiging Ok sa kanya ang mga sandaling iyon.
-----
IVAN (My love, My Enemy) Chapter 26
Posted by
(ash) erwanreid
"Mico." tawag ni Divina.
Napatigil si Mico sa paglalakad. Gusto pa naman niyang umiwas sa mga bagong dating pero hindi na makakapagtago dahil tinawag siya ni Divina. "P-po?"
"Hindi pa ba dumadating si Ivan?"
Hindi pa kasi napapansin ni Divina si Ivan na nasa pintuan.
Hindi naman alam ni Mico kung sasagot ng oo o hindi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa kanyang dibdib.
"Ma." tawag ni Ivan.
Napayuko si Mico. Hindi niya magawang humarap kay Ivan.
"Nandiyaan ka na pala... at may kasama ka?" napangiti si Divina.
"Ah opo. Classmate ko si Angeline, Ma." magiliw na pakilala ni Ivan sa ina.
Lumapit si Angeline kay Divina. "Nice to meet you po." nakipagbeso siya sa ina ni Ivan.
Gumanti naman si Divina. "Nakakatauwa naman. Hindi ko inaasahan na magdadala ang anak ko ng babae dito sa bahay."
"Ma?" saway ni Ivan.
"Bakit?" tanong ng ina. "Ah iha, angeline right? Huwag mong mapagkamali ha? Natutuwa lang akong may isinamang babae si Ivan dito. For the first time." sabay tawa ng mahinhin. "Tamang-tama may niluto kami ni Mico na miryenda. Mapapagsaluhan natin."
"Walang ano po, mmm" hindi alam ni Angeline paano tatawagin si Divina.
"Tita na lang." naintindihan ni Divina ang ibig sabihin ni Angeline. "Sana sa susunod mommy na." muling tumawa ng mahinhin si Divina.
Natawa rin si Angeline. "Walang ano po iyon tita. Maraming salamat po sa pagtanggap."
"Mico." tawag ni Ivan. Napansin kasi ni Ivan na walang kibong nakayukong patagilid na nakatayo si Mico sa harapan nila.
Ayaw nga sanang tumingin ni Mico sa mga bagong dating. Ewan ba niya kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng hindi pagkapalagay. Parang gusto niyang wala muna sa eksena. Ngumiti siya nang tumingin kay Ivan.
"Dito na ako." nakangiting paalala ni Ivan.
Tumango lang si Mico. Napipi kasi siya.
Bahagyang napakunot ang noo ni Ivan. Hindi siya kumbinsido sa ganoong sagot lang ni Mico.
"Halika na kayo sa hapag-kainan. Doon na tayo magkwentuhan." yaya ni Divina sa lahat.
Kahit kaunti naka-hinga ng maluwag si Mico. May naisip siya bigla. "Tita, wait lang po. May kukunin lang ako sa bahay. Babalik po ako kaagad." Hindi na hinintay ni Mico ang pagsangayon ni Tita Divina. Pagkatapos ay pilit siyang ngumiti sa babae at kay Ivan. Nilagpasan niya ang tatlo.
-----
"Bakit naman bigla akong hindi mapalagay kanina? Bigla akong nakaramdam ng hiya. Nakakainis." reklamo ni Mico sa sarili habang pasalampak na umupo sa sofa sa loob ng sarili niyang bahay. "Angeline ang pangalan niya ha?" bigla siyang napakamot sa ulo.
"Bakit nagdala si Ivan ng classmate niya? At bakit babae? Hindi ko gusto ang sinabi kanina ni Tita Divina. Sana daw sa susunod mommy na? Hala, paano na kami ni Ivan ko? Waaaaaaaa..."
-----
"Parang ang tagal naman ni Mico?" tanong ni Divina kay Ivan habang naglalapag ng malalaking mangkok sa lamesa.
"Pupuntahan ko po." pagkatapos ay tumingin si Ivan kay Angeline na nakatalikod at tinitignan ang mga naka-display sa divider. Natutuwa ito sa mga collections ng mommy niya.
Hindi na nagpaalam pa si Ivan kay Angeline. Wala naman sigurong problema. Naisip niya.
-----
"Mico?" tawag ni Ivan.
Napatayo si Mico sa sofa ng marinig niya ang boses ni Ivan.
Agad niyang inayos ang sarili at ngumiti. "Mmm bakit?"
"Anong bakit?" balik na tanong ni Ivan. "Ang tagal mo naman?"
"Ha? May ginawa lang kasi ako." alibi ni Mico.
"Halika na." hinawakan na ni Ivan ang kamay ni Mico.
"Teka, sandali sandali. May gagawin lang ako saglit na lang, tapos susunod na ako."
Napa-tingin nang diretso si Ivan. Nagtataka siya sa inaasal ni Mico. "may problema?"
"W-wala." maagap na sagot ni Mico.
"Wala naman pala eh. Halika na mamaya na yun." muling hinila ni Ivan si Mico.
"Saglit saglit saglit.... lang talaga. Promise. Susunod ako."
Napasinghap si Ivan ng malalim. "Bahala ka." siryoso itong tumalikod at iniwan si Mico. Pero bago siya tuluyang makalagpas sa pintuan ay nagpahabol pa ito ng paalala. "Bilisan mo."
Nakahinga ng malwang si Mico. Akala niya nagalit niya si Ivan. Ayaw na niyang mag-away pa sila uli ni Ivan. Pinilit na lang niya ang sariling sumunod kapag-daka.
------
"Oh nasaan si Mico?" nakaupo na si Divina sa harapan ng lamesa. "Naghihintay kami ni Angeline dito." tumingin si divina kay Angeline ng may pag-aalala dahil baka mabagot ang bisita na kasalukuyan gnakaupo na rin.
"Ok lang po ako tita." si Angeline.
"Pasunod na yun. Halika na simulan natin." yaya ni Ivan.
Isa-isa na silang nagsandukan ng ginatan sa isang malaking bowl sa gitna ng lamesa.
"Sana magustuhan mo Angeline. Luto namin yan ni Mico." masayang pahayag ni Divina kay angeline.
"Oo naman po sigurado akong magugustuhan ko ito. Pero sa totoo lang po..." sinigurado muna ni Angeline kung itutuloy niya ang gustong sabihin.
"Sige ano yun?" si Divina.
"Akala ko kasi kanina babae si Mico." sabay ngiti. "Sorry po. Kasi, una ko siyang makita, nakatalikod siya. Napagkamalan ko tuloy. Ang ganda ng kutis, talaga namang mas makinis pa sa akin. Naisip ko nga, talagang short-haired lang talaga kanina pero nang tawaging Mico nagulat ako. At... nung, magsalita-"
Natawa si Divina ng malakas. Pinipigil ni Ivan ang tawa pero naibulalas din niya.
-----
Papasok na sana si Mico sa dining area nang marinig niya ang bisitang nagsasalita. Napatigil siya ng malamang siya ang tinutukoy nito. Bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na tumuloy ng marinig ang tawanan. Muli niyang tinungo ang pinto papalabas.
-----
"Pero mabait na bata yung si Mico. Wala akong masabi. Kahit ganoon yun, humahanga ako doon." pakilala ni Divina kay Mico.
"Tama." sagot ni Ivan.
"Tama ka diyan?" bara ni Divina kay Ivan na natatawa. "Dati kung mag-away kayo para kayong aso't pusa."
"Dati na yun Ma."
"Teka si Mico? Akala ko ba susunod."
Biglang napatigil sa pagsubo si Ivan. "Sabi niya susunod na siya." Bigla siyang napa-tayo "Saglit lang Ma, Angeline."
Tama nga ang hinala ni Ivan, naroon si Mico at papalabas na ito ng pinto. "Mico." tawag niya. "Malamang narinig niya ang usapan kanina kaya... Mico" muli niyang tawag.
-----
Parang naninigas si Mico sa pagkakatayo habang papalapit si Ivan. Nilingon niya ito at napansin niyang salubong ang kilay nito.
"Halika ka na." hinila ni Ivan si Mico.
"Sandali."
"Sandali na naman. Gaano ba katagal ang sandali mo?" mahinahong tanong ni Ivan.
Hindi makapagsalita si Mico.
"Halika ka na. Alam ko na siguro ang dahilan." muling hinila ni Ivan si Mico. Sinigurado na niya ang pagsunod ni Mico.
"H-ha? Paanong alam mo na ang dahilan?"
Pero hindi na siya pinansin ni Ivan at hindi na niya napigilan ito.
-----
"Pasensiya na tita." humingi ng paumanhin si Mico nang makaupo sa tabi ni Divina.
"Wala iyon. Sige na kain na."
Nagsandok na si Mico ng para sa kanya.
Muling nagsalita si Divina. "Alam mo ba Mico ikaw ang ibinibida ko dito kay Angeline."
"Kaya pala po narinig ko kanina." pagtatampo ng isipan niya. Pero hindi niya iyon kayang isatinig sa halip, "ganoon po ba? Salamat po." pagkatapos ay ngumiti kay Angeline.
"Oo. Hindi mo kasi narinig kung paanong botong-boto sayo si Mama." pangalawa ni Ivan. Sinadya iyon ni Ivan dahil sigurado niyang naabutan sila ni Mico kaninang nagtatawanan.
"Oo nga Mico. Nice to meet you." si Angeline.
Muling ngumiti si Mico kay Angeline. "Same to you." pagkatapos ay tumingin kay Ivan ng saglit at iniwas din ang tingin. "Botong-boto, kaya pala kung makatawa ka kanina parang wala ng bukas Hmpt. Nagustuhan mo ba, Angeline, tama ba?" pinilit ni Mico maging kaswal sa bisita ni Ivan.
"Sobra, nag-eenjoy pa nga ako. Salamat pala."
"Wala yun. Si tita naman ang talagang nagluto niyan."
Hindi alam ni Mico na kanina pa pala siya lihim na pinagmamasdan ni Ivan. Pinakikiramdaman kung ano ang ginagawang reaksyon ni Mico.
"Tignan mo 'tong taong 'to. Marunong naman palang humarap sa ibang tao, may paalis-alis pang nalalaman kanina." si Ivan. Nangiti na lang siya.
-----
Friday, April 1, 2011
IVAN (My love, My Enemy) Chapter 25
Posted by
(ash) erwanreid
"Sandali." sigaw ni Mico. Patayo na siya sa kama ng muli nyan gmarinig ang malalakas na katok sa pinto. "Ayan na nga. Sandali naman." reklamo niya. "Kung maka-katok, akala mo, wala ng bukas..." binuksan niya ang pinto. "Ba-?"
"Good morning." pasigaw na bati ni Ivan.
Nagulat si Mico. Ang buong akala niya ay si Saneng ang kumakatok. "B-bakit napadaan ka dito?" tanong niya pagkatapos mapansin na naka-suot ito ng uniporme.
"Magpapaalam lang ako."
Napa-ngiti si Mico. "Ah ganoon ba?"
"Gusto ko lang kasing sabihin sayong, kailangan mamaya sa bahay kita maabutan. Ok ba iyon."
Natawa si Mico ng mahina. "Asus ayun lang pala eh. Oo naman noh."
"So... aalis na ako. Mmm papasok na ako."
"Aba dapat lang. Baka ma-late ka pa. Sige na." ngumit ng ubod ng tamis si Mico.
"Bye."
"Bye. Ingat ka. I love you." hindi niya maisatinig ang tatlong huling kataga.
Ngumiti ng napaka-luwang ni Ivan bago tumalikod.
Isasara na sana ni Mico ang pinto nang mapansin niyang biglang humarap muli ito. "Bakit?"
"Mmm wala bang..."
"Wala bang, ano?" takang tanong ni Mico.
Saka inginuso ni Ivan ang labi niya.
Halos tumirik naman ang mga mata ni Mico sa sobrang kilig. "Ay ano ba yan? Sandali, hindi pa ako nagtu-toothbrush eh."
"Hindi na." sabay hila kay Mico at hinalikan niya ito sa pisngi.
Hindi na nakapag-react si Mico. Napa-hinga na lang siya ng malalim. Dinama ng todo ang halik sa pisngi ni Ivan.
"Ay baho nga." sabay tawa ni Ivan.
"Ano?" nanlaki ang mga mata ni Mico. Kasunod ang pag-taas ng kilay. "Ewan."
"Biro lang. Sige alis na ako. Basta mamaya ha?" dire-diretso na itong umalis.
Nawala na ang pagsisimangot ni Mico. Muli na siyang ngumiti ng maluwang. "Umagang kay ganda naman oh. Kiss na sa pisngi, almusal, suliiiiiiiiiiiiiit na." tumitili ang kanyang utak. "Mahal nga ako ni Ivan. Gosh, pag-ibig na, pag-ibig na."
Isinara niya ang pinto at doon sumandal habang patuloy na dinadama ang halik ni Ivan. Unti-unti niyang ibinabagsak sa sahig ang kanyang katawan. Kasabay ang pagtirik ng mata. "Mamaya, gusto ko na siyang tanungin. Gusto ko ng malaman ang pag-ibig niya sa akin." sabay hagikgik. "Promise."
-----
"Kahapon ka pa ganyan Billy?" tanong ni Ivan nang maka-labas ang prof nila. Bahagya pa niyang dinungaw ito dahil napapagitnaan nila si Angeline.
Si Angeline ang sumagot. "Kanina ko pa nga yan kinakalabit kung bakit walang ka-ene-energy, ayaw naman sumagot."
"Sabihin mo lang sa amin baka maka-tulong kami." tuwirang paalala ni Ivan kahit hindi niya alam ang talagang nangyayari kay Billy.
"Oo nga Billy." sang-ayon ni Angeline.
Saka nag-salita si Billy. "Wala naman." hindi niya maiwasang malangkapan ng lungkot ang sinabi niya.
"Basta, kung ano man iyon. Sisikapin naming maka-tulong." si Ivan.
Napa-buntong hininga na lang si Angeline. At hindi naka-takas sa kanya pati na rin kay Ivan ang may ibig sabihin na buntong-hininga na ginawa ni Billy.
-----
"Tita Divina, ask ko lang po." tanong ni Mico habang nasa bakuran sila nila Tita Divina niya.
"Sige ano yun?"
"Kasi po, kung isi-secret natin yung birthday ni Ivan, kailangan po di ba na bago pa ang birthday kailangan na nating maipaalam sa mga kaibigan niya ang party?"
"Oo naman."
"Naisip ko lang po kung magiging madali kaya yun?"
Napa-tingin si Divina kay Mico. "Parang may point ka?" mamaya ay biglang tawa. "Hala, ikaw ang taya dyan ha?"
Kunyaring nagulat si Mico pero alam na niya na ganoon nga ang mangyayari. "Ay ganoon?" sabay tawa. "Sige na nga po."
"Salamat Mico."
"Wala po iyon tita."
"Teka nga. Maitanong ko lang ha. Kamusta na pala kayo ng Papa mo? Si Mama mo, kamusta na sila?"
"Si Mama lang po ang tumawag, okey naman daw po sila. Pareho daw po silang busy, pero Ok naman daw po." ngumit si Mico.
Tumango-tango si Divina at ngumiti. "Sana maka-attend sila sa birthday party ni Ivan."
"Ta-try ko po."
-----
"Siguro dahil hindi pa napasok si Susane kaya nagkakaganyan si Billy." nasabi ni Ivan kay Angeline nang makaupo sa pinaka-taas na baitang ng hagdan. Nagyaya kasi si Angeline na mag-tambay sila roon habang naghihintay ng susunod na magtuturo sa kanila.
"Hindi ang sa tingin ko." sagot ni Angeline at tumabi sya kay Ivan.
Napa-kunot noo si Ivan. "Alam mo na ang dahilan?"
Natawa muna si Angeline. "Si Mark kaya. Hindi pa rin pumapasok yun."
Umingos si Ivan. Ayaw maniwala sa sinabi ni Angeline. "Pero, bakit kaya hindi rin pumasok yun? Pangalawang araw na nila ngayon."
"Baka nagtanan na?" mabilis na sagot ni Angeline.
Agad napatingin si Ivan.
Saka naman ang tawa ni Angeline. "Gulat na gulat ka ah? Malay mo, ganun nga. Aba, ang saya naman nila." kinilig pa siya. "Tayo kaya Ivan?" pagkatapos ay humilig sa balikat ni Ivan.
Natawa lang si Ivan.
"Ikaw lagi ka nalang nakatawa." hinampas ni Angeline ang balikat ni Ivan. "...kapag ganyan ang ssabihin ko? Hmpt!"
"Nakakatawa naman talaga eh."
"Siya nga pala kanina, bago ka dumating napag-usapan na namin ni Billy na ngayon na natin sisimulan ang project natin."
"Ok. Ano?" biglang napatayo si Ivan. "Ngayon na? Mamaya?"
"O o, bakit?"
"Gusto kong umuwi ng maaga mamaya." naisip niya si Mico. "Pwedeng bukas na lang?"
"Ano ba naman yan Ivan? Bakit, ano bang problema? May lakad ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Angeline. "Excited na nga akong makarating sa bahay niyo eh."
"Sa bahay?"
"Oo, ano ba naman yan Ivan, parang hindi mo alam?"
"Alam ko pero, tutal sa bahay naman. Ok." sumang-ayon na lang siya.
Pagkatapos ay nagdiwang na si Angeline sa katuwaan.
------
Palabas na sila Ivan, Angeline at Billy unibersidad na pinapasukan nang maya-maya ay magsalita ang huli.
"Pwede bang out muna ako?"
"Ha?" si Angeline.
Napatingin lang na nagtataka si Ivan.
"Bakit?" tanong ni Angeline.
"May kailangan lang akong puntahan." ang dahilan ni Billy.
"Ganoon ba?" si Ivan ang sumagot. "Ikaw ang bahala."
"Salamat." sagot agad ni Billy sabay ngiti ng tipid.
"Pero..." maghahabol pa sana si Angeline nang sawayin ni Ivan.
"Hayaan mo na."
"Sige mag-iiba na ako ng daan paglabas natin." maagang paalam ni Billy.
"Sige ingat na lang." si Ivan.
"Mag-ingat ka." si Angeline.
-----
"Malapit nang dumating si Ivan ko."
Excited na si Mico sa pagdating ni Ivan galing school. Kanina pa siya naghihintay mula nang makita niya sa orasan ang eksaktong labasan ni Ivan sa paaralan nito. Halos magkakalahating oras na rin siyang naghihintay at nasisigurado niyang parating na si Ivan.
Pero lumagpas ang kalahating oras ay hindi pa rin dumadating si Ivan. "Nahirapan sigurong mamili ng ipapasalubong." natawa siya sa nasabi. "Ang kapal ko na naman ha?"
"Mico." tawag ni Divina.
"Tita, bakit po?"
"Halika muna rito. Tikman mo nga muna ito kung ok na ang tamis?" Nagluto kasi si Divina ng ginatan.
Tinikman ni Mico ang sabaw. "Kaunti pa po siguro tita." asukal ang tinutukoy ni Mico.
"Sige." Muling nagbuhos si Divina ng ilang kutsarang asukal. "Ok na siguro yan?"
"Titikman ko po uli." tinikman nga ni Mico. "Ok na po tita."
"Ayan. Sige, isang kulo pa at sakto sa pagdating ni Ivan." masayang si Divina.
Napa-ngiti rin siya.
Muling nagtungo si Mico sa sala para doon niya sasalubungin ang pagdating ni Ivan. Muli siyang napatingin sa orasan. Malapit na mag-quarter to 5. "Ay wala pa rin. Baka na-traffic." napa-ngiti siya.
Maya-maya pa hindi na siya naka-tiis at tinungo na niya ang pintuan para silipin kung naroon na si Ivan. Sa pagsilip niya, laking tuwa niya ng makitang naroon na si Ivan. Pero agad din siyang nagbawi ng makitang may kasama itong babae. At hindi lang iyon, magkahawak pa sila ng kamay. "Ouch." Biglang napatalikod si Mico at naglakad para iwanan ang pintuan.
-----
"Ano ka ba Ivan? Ano naman ang masama kung magkahawak tayo ng kamay?"
"Nandito na tayo sa bahay Angeline."
"Alam ko."
"Kanina pa kasi ang higpit ng kapit mo. Pati paghawak mo sa kamay ko parang balak mong durugin eh." natatawang pahayag ni Ivan.
"Sus, gusto mo rin naman."
Natawa lang si Ivan. "Pasok na tayo." saka binuksan ni Ivana ang pinto. Sa pagbukas niya nakita niyang nagmamadali si Mico papalayo sa kanila.
"Sino siya?" tanong ni Angeline.
Subscribe to:
Posts (Atom)