ANG HULING KABANATA
Agad isinugod si Jonas sa hospital ng mga kasambahay nila. Hindi pa nadating si Justin ng mga oras na iyon. Saka lang nalaman ni Justin ang pangyayari nang tumawag ang isa sa mga kasambahay nila. Agad ang pagsugod ni Justin sa sinabing hospital.
"Justin san ka ba nagpunta?" umiiyak na tanong ni Aling Koring nang malingunan na nasa likod na pala niya si Justin. Nasa hospital sila.
"Inayos ko lang kailangan namin ni Jonas para sa pag-alis namin bukas. Ano ang nangyari?"
Sinabi ni Aling Koring ang mga nangyari maliban sa napag-usapan nila tungkol kay Jesse. Alam na kasi niyang tutol ang nakakatandang kapatid sa lalaking minamahal ni Jonas.
"Nasaan na siya ngayon?"
"Dinala si Jonas doon." nanginginig ang daliri nang itinuro ni Aling Koring ang kwarto kung saan ipinasok si Jonas.
"Salamat." abot-abot ang hinga ni Justin. "Ako na po ang bahala. Maari na kayong umuwi."
Napa-kunot noo si Aling Koring kasunod ang malungkot na mukha. "J-justin, pwede bang dumito muna ako. Nag-aalala ako ng sobra kay Jonas. Gusto kong narito lang ako. Hindi ko kaya na naghihintay lang ng balita sa bahay. Maari ba?"
Saglit na natigilan si Justin. "S-sige. Maghanap na lang kayo ng maari ninyong maupuan." Saka luminga-linga si Justin. "Doon. Doon kayo maghintay. Babalikan ko kayo roon."
"Salamat Justin." Naiiyak na si Aling Koring. Saka yumakap sa binata.
"Sige n a ho. Pupuntahan ko muna si Jonas. Baka kailangan ako doon."
"Sige. Hindi ako titigil sa pagtawag sa Panginoon."
Tumango na lang si Justin saka nagmamadaling tinungo ang kwartong tinuro ni Aling Koring. Sa emergency room dinala si Jonas.
-----
"O dali, tawagan mo na yang si Arl."
"Anong oras na ba Tamie, baka maka-abala tayo?" tanong ni Jesse.
"Naku, sa mga oras na ito, walang ginagawa yun."
Napa-kunot noo si Jesse. "Sigurado ka? Parang magkapit bahay lang kayo ah. Sobrang close." biro ni Jesse.
"Siguro lang. Saka tanghali, oras ng pahinga. Ano ka ba?"
"O malay mo nagpapahinga?"
"Kukutusan ko tong si Jesse eh. Tawagan mo na, ang dami mo pang alibi. Eh kung busy e di busy basta try mo muna."
Natawa si Jesse. "Oo na."
"Good. Bilis."
"Sandali. Natataranta ako." maka-ilang pindot ang ginawa ni Jesse sa keypad saka idinikit sa tenga ang cellphone.
"Ano nagri-ring na?"
"Sandali. Wala pa. Shhhh... Kinakabahan ako sayo eh."
Natawa si Tamie. Tinakpan niya ang bibig ng kamay.
-----
"Mr. Jimenez iniimbitahan ko kayo sa opisina. Tungkol ito sa pasyente."
"Sige Dok. Susunod ako." Napa-punas ng pawis sa noo si Justin. "Ay sandali dok. Kamusta ang kapatid ko?" habol niya doktor na papaalis.
"Sumunod ka sa opisina." Itinuro ng doktor ang tinutukoy nitong opisina.
"Ok."
Hindi pa tuluyang sumunod si Justin sa doktor. Pinuntahan muna niya si Aling Koring na kasalukuyang nakapikit. Alam niyang hindi ito tumitigil sa pagdadasal para kay Jonas. Naawa siya sa matanda kaya nilapitan muna niya ito.
"Aling Koring." tawag ni Justin sa matanda.
Lumuluhang tumingin si Aling Koring kay Jonas. "Bakit? Kamusta si Jonas."
"Wala pa po akong balita. Naroon pa rin siya sa kwarto." pagkatapos ay dumukot si Justin ng pera sa pitaka niya. "Kayo na po muna ang bahala sa sarili nyo. Ito ang pera para sa pagkain niyo o kung sakaling may kailangan kayo."
Napa-ngiti ng tipid si Aling Koring. "Siguro, hindi ako kakain hanggang hindi dinidinig ng Panginoon ang hiling ko para sa kapatid mo."
"Basta hawakan nyo ito. Hindi natin ang mga mangyayari mamaya kaya dapat handa tayo."
Naisip din ni Aling Koring ang ibig sabihin ni Justin kaya hndi na siya tumanggi na hawakan ang ilang lilibuhing pera na inabot ni Justin sa kanya. "Salamat."
"Huwag niyong pabayaan ang sarili niyo." huling paalala ni Justin.
-----
"M-magandang tanghali. Gusto kong maka-usap si Arl Sto. Domingo, kung hindi siya busy."
"Ito nga. Ako si Arl. Sino 'to?"
"A-ah ako si Jesse, natatandaan mo? Y-yung ano, ano ni Jonas..."
"Ah. Oo natatandaan ko. Napatawag ka? Anong maitutulong ko?"
Napa-tingin si Jesse kay Tamie. Napansin niyang titig na titig ito sa kanya. Alam niyang nag-aabang ito sa bawat sasabihin niya. "K-kasi mmm tatanong ko lang sana kung may alam ka kung saan nakatira yung kapatid ni Jonas."
"Ah... alam ko."
"Talaga?"
"Oo. Yun lang ba ang kailangan mo?"
"Mmm oo. Wala kasi akong kilala na maari kong tanungin kung saan nakatira si Jonas at ang kuya niya. Gusto ko kasing makamusta si Jonas. Baka kasi hindi pa siya nakakaalis."
"Nakakaalis?" saglit na natigilan si Arl. "Ah ibig sabihin kinuha na siya ng kuya niya?"
"Oo. Nung biyernes pa."
"Ah ok. Sige. Sabihin mo sa akin ang location mo ngayon at sasamahan kita sa kanila."
"Ha?" nabigla si Jesse sa sinabi ni Arl sa kabilang linya ng telepono. "Huwag na kaya. Nakakahiya po."
"Wala yun. Sige, sasamahan kita. Gusto ko rin naman na makausap si Jonas. Bago man lang umalis kung hindi pa nga nakakaalis."
"Sige. sige."
Pagkatapos ay ibinigay na nga ni Jesse ang address kung saan siya nakatira.
-----
Kumatok si Justin sa pinto kung saan naroon sa loob ang doktor na kakausapin niya at magbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang kapatid.
Nang pumasok siya, napansin niyang may tatlong tao na nakaupo sa malapit sa desk ng doktor na alam niyang may kailangan din sa doktor. Alam niyang kailangan niyang maghintay hanggang sa matapos ang mga nauna sa kaniya.
-----
"Ang bilis mo naman? Taga saan ka ba?" maarteng tanong ni Tamie.
"Nagkataon lang na nasa malapit ako kaya madali ko kayong napuntahan." sagot ni Arl saka tumuon kay Jesse. "Ano? Tayo na."
Tumango lang si Jesse sa hiya. Napansin niya ang magarang kotse ni Arl. Mas maganda at alam niyang mas mamahalin kaysa sa kotse ni Jonas na nakaparada sa loob ng bakuran nila. Napabuntong hininga siya. "Bakit ba lagi na lang mayayaman ang nakakasalamuha ko. Sabagay, sino sino ba ang mga kakilala ni Jonas? Syempre mayayaman din."
"Sakay na kayo." anyaya ni Arl. Napansin niya ang naka-kiming si Jesse. "Huwag kayong mahiya."
Ngumiti si Jesse kay Arl. "Salamat." Mas nauna pang sumakay si Tamie at napili nito ang unahan katabi ng driver seat. Natatawa si Jesse ng lihim dahil hindi nakakaramdam ng hiya ang kaibigan niya. "Parang kakilala lang." Naisip niya. Sumakay na rin siya.
Huling sumakay si Arl nang masiguradong nakasakay na ang lahat. "Tayo na sa pupuntahan natin." naka-ngiting sabi niya. Para bang excited sa pupuntahan. "Ah Jesse. Sa pupuntahan natin, iwasan mong gawin ang mga nasa isip mo. I mean gusto kong ikonsulta mo muna sa akin ang balak mong gawin. Ipapaalala ko naman sayo. Ako ang magsasabi kung kailan mo pwedeng maka-usap si Jonas o kung kailan hindi na pwede."
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jesse.
"Kasi, posibleng magkaroon ng gulo kaya hindi tayo pwedeng basta-basta na lang susugod. Na gets mo?"
Napatango ng mabilis si Jesse. "Naiintindihan ko."
Pagkatapos noon ay pinaandar na ni Arl ang sasakyan.
-----
Habang naghihintay si Justin na makausap ang doktor ni Jonas, hindi niya maiwasan ang mag-alala at isipin si Jonas kung ano na ang nangyayari dito. Hindi kasi siya pinapasok sa loob ng emergency room nang makarating siya doon. Pinayuhan na lang siyang hintayin na mailipat ang kanyang kapatid sa pribadong silid.
-----
Nagtataka si Jesse nang mapatapat at tumigil ang sasakyan ni Arl sa harapan ng hospital. "Ah Arl, bakit dito dumiretso?" tanong ni Jesse.
"May titignan lang ako sa loob. Dito kasi dati nagtatrabaho ang Dad ko. Doktor siya. Saglit lang, hintayin nyo ako dyan." Pagkatapos ay bumaba na si Arl ng sasakyan.
"Jesse." agaw pansin ni Tamie nang makaalis na si Arl. Napansin kasi niyang nakatulala lang si Jesse.
"Oh?"
"Natutulala ka kasi eh." sagot ni Tamie.
"Kasi naalala ko lang si Jonas nung sinugod natin siya dyan." sabay buntong hininga ni Jesse.
"Malay mo, nasa loob pala nyan si Jonas."
Napa-kunot noo si Jesse. "Posible ba yun?"
"Oo naman. Di ba nga, madalas na umatake ang cancer ni Jonas. Eh, syempre yung kuya niya malamang susugod agad si Jonas sa hospital."
Napa-ngiwi si Jesse.
Nagpatuloy si Tamie. "E di hindi na natin kailangan na pumunta sa bahay nila. Dito na lang natin siya kakausapin."
"Ito naman si Tamie kung mag-isip parang totoong totoo."
"Baka sakali lang."
Naghintay pa silang kaunti nang makita si Arl na paparating.
"Ayan na si Arl." si Jesse.
"Ok na Arl?" tanong ni Tamie nang makabalik na si Arl. "Aalis na tayo?"
"Hindi na." sagot ni Arl. Saka tumuon kay Jesse. "Jesse, nasa loob si Jonas."
Nanlaki ang mga mata ni Jesse. "T-talaga?" Napa-tingin si Jesse kay Tamie dahil sa naging tama ang hinala nito.
"See?" si Tamie.
"A-anong gagawin natin?" tanong ni Jesse.
"Ganito..." panimula ni Arl. "Sigurado nasa loob din ang kuya ni Jonas. Malamang magagalit iyon kapag nakita ka Jesse. Kaya nanakawin lang natin ang mga sandali Jesse. Hindi natin ipapaalam sa kapatid niyang dadalaw tayo at kakausapin mo si Jonas."
"O-ok." habang sunod-sunod ang tango ni Jesse. "Pero paano kapag nakita ako ni Justin?"
"Gagawan namin ng paraan ni Tamie. Di ba Tamie?"
"Ah oo naman. Kaming bahala sayo Jesse."
Napa-ngiti ng maluwang si Jesse. "Maraming salamat Tamie at lalo na rin sayo Arl."
"Walang problema doon. Tayo na." si Arl.
Agad silang pumasok sa hospital na iyon.
-----
Agad silang pumunta sa information para malaman kung saan naroon ang kwarto ni Jonas. Ngunit nalaman nilang hindi pa nakakalabas ng emergency room si Jonas.
"Kailan ilalabas ang pasyente?" tanong ni Arl.
"Hindi ko po alam Sir." sabi ng nurse na nasa information. "Kung gusto niyo po hintayin nyo na lang sa labas ng E.R. ang pasyente."
Napa-tingin si Arl kay Jesse saka muling tumingin sa nurse. "Hihintayin na lang siguro namin yung info dito kung nakalipat na ang pasyente."
"Kayo pong bahala Sir." sagot ng nurse.
Minabuti muna na maupo ang tatlo.
-----
"Sa wakas." sa utak ni Justin. Siya na ang kakausapin ng doktor.
"Justin Jimenez?" tanong ng doktor.
"Yes Doc."
"Hindi na kasi biro ang kalagayan ng pasyente, kailangan na talaga siyang ma-operahan."
"D-dapat nga po aalis kami ngayon para sa amerika siya mag under go ng surgery."
"Ibig sabihin may plano na kayo? E di kung ganoon dapat na nating madaliin ang pagaasikaso sa mga kakailanganin ninyo?"
"Kahit mamaya dok, pwede kaming lumipad agad para sa operasyon."
-----
Napa-tayo si Arl nang makitang kumaway sa kanya ang nurse na pinagtanungan nila kanina. Sinabihan kasi niya itong personalin siya sa pagbibigay inpormasyon.
Naiwan naman si Jesse at Tamie sa isang bench na nakatapat sa information sa di kalayuan. Pero ang mababanaag sa mga mukha ng mga ito ang pag-antabay balita.
Agad naman ang pagkaway ni Arl sa dalawa nang maka-usap na nito ang nurse. Agad din ang pagtayo nila para sumunod sa kinatatayuan ni Arl.
"Ano daw?" tanong ni Jesse nang maka-lapit.
"Nailipat na si Jonas sa bagong room. Nasa room 278 sa third floor." sagot ni Arl.
"Pupunta na ba tayo?" tanong agad ni Jesse. Mababasa sa pananalita niya ang kaba at excitement.
"Oo." sagot ni Arl.
Napakapit si Jesse kay Tamie tanda ng pagkakaroon niya ng pag-asa. Malawak na ngiti ang nasilayan ni Tamie sa labi ni Jesse.
Naglalakad ang tatlo habang nagbibigay ng paalala ni Arl.
"Jesse, ikaw lang ang kakausap kay Jonas. Hindi na kami papasok doon. Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Jonas na nasa labas lang kami."
"Paano pala si Justin?" tanong ni Jesse.
"Kaming bahala ni Tamie."
"Oo Jesse. Gagawan namin ng paraan para hindi kayo makapang-abot ni Justin habang kinakausap mo si Jonas." si Tamie.
Narating nila ang third floor kasabay ng mga paalala ni Arl.
"Jesse, sandali." awat ni Arl sa nangungunang si Jesse. "Kakausapin ko muna ang nagbabantay kay Jonas."
"Ha?" naibulalas ni Jesse. Inisip niyang si Justin ang tinutukoy ni Arl. Kinabahan siya.
"Dito lang kayo." sabi ni Arl.
Naghintay si Jesse at Tamie sa isang gilid habang pinagmamasdan ng una si Arl na kausap ang isang matandang babae. Napansin niyang tinitigan siya ng matandang babaing kausap ni Arl. Maya-maya pa ay kumaway na si Arl para lumapit silang dalawa.
"Ikaw ba si Jesse na sinasabi ni Jonas?" tanong ni Aling Koring.
"O-opo." sang-ayon ni Jesse. Napansin niyang bumuntong hininga ang matanda.
"Siguro, ikaw ang pinadala ng Dyos sa dalangin ko para kay Jonas." naiiyak na sabi ng matanda. "Hinahanap ka niya. Mahal na mahal ka ni Jonas. Sinabi niyang ikaw ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa. Pag-asang mabuhay. Kaya kausapin mo siya." napayuko ang matanda nang punasan ang luha. "Sige na. Dapat ako o si Justin ang kuya niya ang unang papasok dyan. Hindi pwedeng marami ang papasok. Kailangan isa-isa lang. Pero wala pa si Justin, kaya sige na, mauna ka na. Kailangan ka niya Jesse."
Naluha si Jesse sa mga sinabi ng matanda. Hindi talaga maiitanggi ang pagmamahal sa kanya ni Jonas. Kaya naman may kung anong kumukurot sa puso na hindi naman niya maintindihan kung nagi-guilt lang siya sa mga pangyayari. Ang siguradong alam niya, gusto niyang makita si Jonas at ipaalalang lagi siyang nasa tabi ni Jonas.
"Sige po. Maraming salamat po." hinawakan ni Jesse ang kamay ng matanda at pinisil. Tanda ng kanyang pasasalamat sa pag-intindi sa relasyon nila ni Jonas. Pagkatapos ay tumingin siya kay Arl. Nakita niyang tinanguan siya nito na nagpapahiwatig na pumasok na siya. Sumunod niyang tinignan si Tamie, na naka-ngiti sa kanya.
Pagkatapos noon ay tumalikod na siya para harapin ang pinto sa pagpasok. Bumuntong hininga siya bago hawakan ang seradura.
-----
"Tamie, alam mo na ang gagawin mo." paalala ni Arl.
"Oo. Ito na bababa na ako." sagot ni Tamie
Tumango lang si Arl saka tumalikod si Tamie para bumaba.
-----
Nanginginig ang mga tuhod ni Jesse sa bawat hakabang na ginagawa niya papalapit kay Jonas. Pagkabukas pa lang ng pinto ay nakita na niya itong nakahiga habang may ilang mga aparatus na naka-kabit sa katawan nito. Hindi naiwasang manikip ang dibdib niya. Parang sa bawat hakbang niya ay unti-unti siyang bumabagal sa paglakad. Nanlalabo ang mga mata niya gawa ng mga namumuong luha.
Sa wakas ay nasa harap na rin siya ni Jonas.
"J-jo-" natuptop ni Jesse ang bibig niya nang mapansin ang hitsura ni Jonas. Sa nakikita niya. Sobrang laki ng inihulog ng katawan ni Jonas. Habang nakapikit ito, kapansin-pansin ang pangingitim ng eyebags nito. Hapis ang mga pisngi na parang nawalan ng sigla. Ang mga labing bahagyang nakabuka na nanunuyot tulad ng sa dehydrated. "J-jonas..." halos hindi niya mabanggit ang pangalan. "Bakit ganyan na ang nangyari sayo?" nanginginig niyang pahayag.
Hinawakan ni Jesse ang braso ni Jonas at nadama niyang mainit ito at hindi pangkaraniwan. Saka niya napansin na gumalaw ang kamay nito.
"Jonas?" tawag niya. Alam niyang nagising ito. "Jonas." muli niyang tawag. Unti-unting dumidilat ang mga mata ni Jonas habang pautal-utal na sinasambit ang kanyang pangalan. "Jonas, narito ako. Ako 'to."
"J-jesse." Si Jonas na pilit idinidilat ang mga mata. Nasisilaw siya sa liwanag na nakikita niya. Pangalawa, nahihilo siya na para siyang lumulutang at pakiramdam niya na umiikot ang paligid niya sa tuwing pinipilit niyang dumilat. Sa wakas lubusan na rin niyang naidilat ang kanyang mga mata.
"Jonas. Ako 'to si Jesse." lumuluhang pakilala ni Jesse.
"J-jesse, ikaw ba yan?" titig na titig si Jonas sa kaharap.
"Oo Jonas. Hindi ka nananaginip. Ako 'to."
Ngumiti si Jonas. "Kahit sa panaginip lang, dalangin ko na makapiling kita."
"Hindi Jonas, totoo 'to. Narito ako sa tabi mo."
"Alam ko." gumanti ng kapit si Jonas kay Jesse. Sa pagkakataong iyon dalawang kamay ni Jonas ang nakahawak sa mga kamay ni Jesse. Sabik na sabik siyang makapiling ang kanyang minamahal. May tumulong luha galing sa mata niya. "A-akala ko, hindi na kita makikita. Akala ko, tuluyan mo na akong iniwanan."
"H-hindi ka galit sa akin?" tanong ni Jesse imbes na sagutin ang mga akala ni Jonas.
"Kapag iisipin ko ang nangyari, hindi ko maiwasang sumama ang loob ko." Dumiretso ng tingin si Jonas. Nakatingin na siya sa kisame. "Ang mawalay sayo ang ayaw kong mangyari. Alam mo naman yun eh." Hinigpitan ni Jonas ang kapit kay Jesse.
"I'm sorry."
"Hindi." ngumiti si Jonas saka muling tumingin kay Jesse. "Tama lang ang ginawa mo. Naiintindihan ko na ang lahat. Kasi mahal mo ako kaya mo yun ginawa. Sa totoo lang, alam ko naman talaga yun noon pa, pero alam mo naman na-" natawa ng mahina si Jonas. "ang gusto ko kasi, lagi kita kasama. Ayaw kong hindi kita nakikita. Pero ang pagkakamali ko pala, napapabayaan ko ang sarili ko habang nahihirapan naman ka naman sa akin. Dapat noon pa ako nag-decide na sumama kay kuya."
Napakapit ng mahigpit si Jesse kay Jonas. Saka siya napatingala, pigil ang mga luhang nagpasalamat sa Diyos na hindi sa kanya galit si Jonas.
-----
"Sige Dok." Sagot ni Justin sa katapusan pag-uusap nila ng kausap niyang doktor.
"So, maari na kayong umalis ng pasyente ano mang oras."
"Maraming salamat po Dok."
"Sige."
Agad tumayo si Justin sa pagkakaupo. Tinungo ang pinto upang makalabas sa opisinang iyon. Nagmamadali siyang makalabas dahil gusto na niyang makita ang kanyang kapatid. Alam niya na sa mga oras na ito ay nailipat na si Jonas ng kwarto mula sa E.R.
Kumakabog pa ang dibdib ni Justin nang buksan ang pinto at mabilis na inilabas ang katawan nang may maka-banga siya. Isang matigas at nakakakasakit na mura ang napakawalan ni Justin lalo pa't natapunan siya ng kung anong inuming dala-dala ng naka-bungo.
Agad siyang tumingin ng matalim sa nakabungo niya. "Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" isa pang mura ang pinakawalan niya sa kanyang bibig. Saka niya napansin na naka-ngiti pa ang naka-bungo at sa para sa kanya ay nakaka-insulto.
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Bigla-bigla ka kasing lumalabas eh." sabi ni Tamie. "Ako nga pala si Tamie. Nice to meet you."
Napa-tiim bagang si Justin. Lalong nag-init ang ulo niya. "Nice to meet you? Nagmamadali ako." Tumalikod si Justin. Binalewala niya ang lalaki na sa tingin niya bading ito dahil sa tono ng pananalita nito.
"Sandali pogi."
"Ano pang kailangan ng bading na'to? Ano?" sigaw niya.
"Ang pogi mo kasi, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" kumikindat pa si Tamie nang magtanong sabay hagikgik.
"Fuck you!" sabay talikod saka nagmamadaling tinungo ang emergency room.
Tawa ng tawa si Tamie habang tinatanaw ang papalayong si Justin. "Nagawa ko na ang sa akin, ikaw naman boss."
------
"Gusto ko nang magpahinga, Jesse." sinabi ito ni Jonas nang naka-ngiti. Pilit niyang itinatago ang muling sakit na nararamdaman.
"H-ha?" gulat ni Jesse sa narinig. "A-anong ibig mong sabihin?" Kinabahan siya. "Jonas?"
"Huwag kang mag-alala, lahat ay nasa ayos naman."
"Jonas. Ano bang sinasabi mo? Anong nasa ayos naman? Ayoko nang sinasabi mo. Parang iiwan mo na ako. Huwag kang susuko."
"Hindi naman ako sumusuko, gusto ko lang magpahinga." muling sumundot ang matinding sakit kaya siya napa-pikit pero pinipilit niya itong itago kay Jesse.
"Jonas." muli na naman umagos ang masaganang luha kay Jesse. "Hindi. Kakasabi mo lang di ba na sasama ka na sa kuya mo."
Imbes na sagutin ni Jonas, inangat niya ang kanyang kamay at dumapi sa pisngi ni Jesse. "Pakiusap, huwag mong ipakita sa akin na umiiyak ka. Pilitin mong ngumiti Jesse. Pakiusap."
"Hindi ko kaya."
"Pakiusap kayanin mo. Ayokong umalis na ang iiwan mo sa aking alaala ang malungkot mong mukha."
"Jonas." nasa tono ni Jesse ang pagmamakaawa. Ayaw niyang naririnig ang mga ganung salita. Hindi niya maiwasang masaktan sa ibig sabihin nitong kagustuhang magpahinga. Gusto niyang sabihin kay Jonas na tutol siya sa gusto nitong mangyari. Pero sa twing susubukan niyang magsalita, tanging pangalan lang nito ang nasasabi niya.
"Jesse. Mahal na mahal kita."
"Alam ko yun. Kahit hindi mo na sabihin, ramdam na ramdam ko yun. Jonas please, huwag akong iiwan. Sasama ka sa kuya mo para makapag paopera sa ibang bansa. Di ba? Yun ang ibig mong sabihin?"
Ngumiti si Jonas ng napakaluwang saka pumikit nang madama ang muling sundot ng sakit sa kanyang ulo. "J-jesse."
------
Nagulat si Justin nang ang maabutan sa harap ng emergency room ay si Arl. Luminga-linga siya para hanapin si Aling Koring. Kunot-noo siyang tumuon kay Arl nang hindi niya makita ang hinahanap. "Anong ginagawa mo rito?" asik niya kay Arl
"Oh, Justin, kamusta ka na?" maliwanag pa sa sikat ng araw ang bukas ng mukha ni Arl nang batiin ang kapatid niya sa ama.
"Bakit ka narito?" tanong uli ni Justin sa halip na sagutin ang pangangamusta nito.
"Matagal tayong hindi nagkita ah."
Mas lalong napa tiim bagang si Justin. "Ok, kung ayaw mong sagutin..." huminga ng malalim si Justin. "Mawalang galang na, kailangan ko nang umalis, may hinahanap ako."
"Oh, ngayon na nga lang tayo nagkita, hindi mo pa bibigyan pansin ang pangangamusta ko? Nakakalungkot naman ang muli nating pagkikita."
Napa-singhap ng hangin si Justin. "May ideya ka naman siguro kung bakit ako nag mamadali. Malamang na may pasyente ako dito kaya kailangan kong umalis."
"Ah, ganun ba? May pasyente ka pala. Hmmm sino naman? Ayy teka, kasi hindi naman lahat dito may pasyente, meron naman na iba ang kailangan. Tama? Katulad ko, dahil dati na ritong nagtrabaho ang Dad ko-"
Isa pang singhap ng hangin ang ginawa ni Justin para lang maibsan ang galit nang nararamdaman. "Bakit ngayon pa kayo nagsabay-sabay. Humihingi uli ako ng paumanhin, kailangan ko na talagang umalis." Ngayon, kahit ano pa ang isipin ni Arl sa kanya wala na siyang pakialam dahil para sa kanya mas mahalaga na malaman niya ang kalagayan ng kapatid niya kaysa makipagkamustahan.
Tumalikod si Justin para tunguhin ang information para malaman kung saan na room dinala si Jonas. Mga ilang hakbang nang marinig niyan muli ang boses ni Arl.
"Room ba ni Jonas ang hinahanap mo?"
Agad napa-lingon si Justin. "Oo."
Natawa si Arl. "Alam ko."
"Saan?" mabilis at nasa tonong may pagsusumamong malaman ang tanong ni Justin.
"Ang alam ko maayos naman siya. Kaya huwag ka nang magmadali. Madali ka nyan dadalhin sa hukay."
"Ano ba kasi ang gusto mo?" mahinahon pero may diin ang salita ni Justin.
"Mmm sa ngayon siguro wala pa, pero yung iba merong kailangan sa kapatid mo."
Naningkit ang mga mata ni Justin. Nahiwagaan siya sa sinabi ni Arl. "A-anong ibig mong sabihin?"
Natawa na naman si Arl. "Baka pwede mo naman abalahin ang dalawang nag-iibigan?" sabay tawa ng nakakaloko.
Nanlaki ang mga mata ni Justin sa nawari. Kasabay ng pagtatangis ng kanyang mga bagang ang pagtaas ng kanyang dugo dahilan ng sobrang galit. Tumalikod siya kay Arl. Wala na siyang balak makipag usap pa sa lalo na at naintindihan na niyang niloloko lang siya nito.
"Room 278 sa third floor." sigaw ni Arl sa tumatakbong si Justin.
Napatigil si Justin nang marinig ang sinigaw ni Arl. Tila may kung anong nagsabi sa kanyang utak na sundin niya iyon. Nagbalik siya ng takbo at tinungo ang elevator ng hospital.
------
"J-jesse." Kapansin-pansin ang panginginig ng boses ni Jonas. "Nilalamig ako."
Agad nagbigay atensyon si Jesse sa sinabi ni Jonas. "H-ha?" Saka kinapa ni Jesse ang noo nito. "Sobrang init mo. Hindi ka naman ganito dati.
"N-nilalamig ako, Jesse."
"Tatawag ako ng doktor, sandali."
Hinigpitan ni Jonas ang kapit kay Jesse. "Huwag na."
"P-pero..." Napansin ni Jesse na pumikit si Jonas. Kapansin-pansin ang panginginig ng katawan nito. Nabahala si Jesse. Gusto niyang tumawag ng doktor o nurse.
"Jesse, pakiusap... Yakapin mo ako. Nilalamig ako Jesse."
Hindi na nagdalawang isip pa si Jesse, sinunod niya ang gustong mangyari ni Jonas. Nang yakapin niya si Jonas, damang-dama ng katawan niya ang panginginig ng mga kalamnan nito. Ramdama niya ang hindi pangkaraniwang init ng katawan nito na dahilan para mas lalo siyang mag-alala. "Jonas?"
"Jesse. Huwag mo akong iiwan. Huwag mo akong iiwan."
"Oo Jonas, dito lang ako. Pero kailangan ko nang tumawag ng doktor."
"Hindi ko na kaya." saka ang muling sundot ng sakit. At sa pagkakataong iyon ay hindi na niya naitago ang sakit. "Jesse..."
"Jonas? Tatawag na ako ng doktor." Tinangka ni Jesse na umalis sa pagkakayakap ngunit mahigpit ang kapit sa kanya ni Jonas. "Jonas, bitawan mo na ako. Pakiusap."
"Ayokong umalis ka. Baka hindi na kita makita." iyak ni Jonas.
"Jonas..." nagmamakaawang si Jesse. "Please."
-----
Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Justin nang hindi niya naabutan ang nagsarado nang elevator. Hindi na siya nagdalawang isip na gamitin ang hagdan para makarating siya sa thirdfloor. Ang galit niya ang nagpapabilis sa kanyang pagkilos. Hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Jesse na tila umiinsulto sa kanya. "Makikita mo. Makikita mo."
-----
"Halikan mo ako Jesse." nagsimula nang umubo si Jonas epekto ng hirap sa paghinga. "Sa huling pagkakataon, gusto kong magpapahinga ako na kasama kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama. Pakiusap, ipadama mo sa akin na mahal na mahal mo ako. Yun ang gusto kong baunin, Jesse."
"Jonas... ano bang pinagsasabi mo?" Mas lalong nagkukumabog ang dibdib ni Jesse sa sobrang takot sa posibleng mangyari ano mang sandali gaya ng ipinapahayag ni Jonas. "Ayoko. Ayoko Jonas. Hindi mo ako iiwan." Hindi na niya inintindi kung mabasa man niya ang mukha ni Jonas ng masaganang luha niya. "Ayoko. Hindi ako papayag na iwan mo ako Jonas. Hindi mo ako iiwan. Sige na Jonas, tatawag na ako ng doktor."
"Jesse." malumanay na may pakikiusap si Jonas.
Napa-titig si Jesse sa mukha ni Jonas. Pinunasan niya ang luha ng nakahiga. "Sinabi mo kanina, na sasama ka na sa kuya mo,di ba?"
"Jesse." ulit ni Jonas.
"Jonas naman eh." napa-tingala si Jesse. Ayaw niya ang titig na iyon ni Jonas. Lalo pa't ang tono nitong nakakapagpalambot ng kanya. "Jonas." Wala na siyang nagawa kundi sundin ang hiling. Ang maaring huling ni Jonas.
Lumapat ang labi ni Jesse sa labi ni Jonas. Magaan ngunit mainit. May pagmamahal. Totoo, walang nang alinlangan, para sa minamahal. Kung iyon man ang huli, ayaw na rin niyang matapos.
-----
"Anong nangyari bossing?" tanong ni Tamie nang makasalubong niya si Arl.
"Ayun, siguradong galit na galit." sabay tawa ng malakas.
"Napansin mo ba yung damit ni Justin?" napahagikgik si Tamie. "Kung nakita nyo lang reaksyon kanina ni Arl, yung kung paano mandilat ang mga mata niya nang mabasa ko ang suot niya." hindi na napigilan ni Tamie ang tawa.
"Good. Malamang, sa ilang saglit pa, magkakagulo na."
"Malamang na malamang bossing. Pero hindi ko rin maiwasang maawa kay Jesse."
Napa-titig si Arl kay Tamie saka bumuntong hininga.
-----
Alam ni Jesse na naibigay niya ang hiniling ni Jonas. Isang bagay na nagpagaan ng loob niya. Ngunit nang hindi na niya maramdaman ang paggalaw ng labi ni Jonas, saka siya muling kinabahan. Inangat niya ang kanyang mukha palayo sa mukha ni Jonas habang ang mga mata ay titig na titig. Nakapikit si Jonas. Hindi kumikibo. Ngunit ang mga labi ay may ngiti.
"Jonas?" tawag niyang may pag-aalala kasabay ng magaan na pagyugyog.
Nakapikit nang nagsalita si Jonas. Kapansin pansin ang paghinga nito ng malalim. "S-salamat." Kasunod noon ang muling pag-atake ng mas matinding sakit sa ulo ni Jonas. Ang matinding hindi pa niya nararanasan simula pa noong una. "Jesse..." sigaw niya.
Nataranta si Jesse sa di alam kung ano ang gagawin."Jonas, jonas. S-sandali tatawag ako ng doktor." Pero hindi niya magawang iwan si Jonas. "Dok, nurse." sigaw niya. "Sandali."
"Dito ka lang." sabi ni Jonas habang iniimpit ang sakit na nararamdaman.
"Dok, nurse." sigaw at iyak ni Jesse. "Diyos ko." nasabi ni Jesse habang nakikita ang kalagayan ni Jonas. "Dok, ang pasyente."
Saka bumukas ang pinto.
"Dok!." lumingon si Jesse. Halos hindi niya masino sa unang tingin kung sino ang pumasok dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata dahilan para manlabo ang paningin niya.
"Anong ginagawa mo rito?" parang ang lahat ng galit ni Justin ay nasa tanong na iyon.
Saka lang niya na sino ang bagong dating. "Si Jonas." sagot niya. Hindi niya pinansin ang tanong ni Justin. Muli niyang hinarap ang pasyente. "Jonas..." Nagulat na lang siya nang hindi inaasahan nang hatakin ang kwelyo niya ni Justin. Hindi na niya namalayan kung saan nagmula ang isang pagtama ng isang mabigat kung ano sa kanyang mukha. Wala siyang lakas sa puntong iyon kaya napatilapon siya palayo sa kinahihigaan ni Jonas. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa gilid ng pintuan.
"Sinabi ko na sayong layuan mo ang kapatid ko." Sabi ni Justin matapos niyang sapakin papalayo si Jesse. Muli niyang nilapitan ang natumabang si Jesse. Muli niyang hinatak si Jesse sa kwelyo nito sa binigyan ng isa pang kamao sa bandang labi at panga dahilan para magdugo ang labi ni Jesse.
Muling bumlandra si Jesse sa gilid ng pinto. Kung una ay hindi niya ininda ang sakit ngayon, ramdam na ramdam niya ang sakit sa kanyang panga at ang sakit ng kanyang likod at pang-upo nang tumama siya sa pader malapit sa pinto. "S-si Jonas." iyak niya. Mas inalala pa niya pasyente kaysa sa sakit ng kanyang katawan.
"Lumabas ka rito kung ayaw mong mapatay kita. Lumabas ka na." nanlilisik ang mga mata ni Justin nang sabihin niya iyon kay Jesse at ang kamao nitong tila maso na nagpipigil sa susunod nitong pag-atake. "Papatayin kita."
"Si Jonas. Pakiusap, tumawag ka na ng doktor." Ang mga mata niyang nakikiusap na sinasabing si Jonas unti-unti nang namamatay, pakiusap tumawag ka na ng doktor. Iniwan ng nagmamakaawang mga mata ni Jesse si Justin at tumingin kay Jonas na patuloy pa ring iniinda ang sakit. "Si Jonas."
Parang walang narinig si Justin kay Jesse. Muli niya itong hinatak pataas saka ang isa pang kamao na kanina pa naghihintay ng matatamaan. Sapol si Jesse sa mukha.
Dumating ang doktor at mga nurse. Hindi pinansin ng mga ito ang dalawang lalaki sa gilid ng pinto. Dumiretso sila sa pasyente.
Agad napatayo si Jesse nang nagdatingan ang sasaklolo kay Jonas. Nananakit ang katawan at ang mukha pero pinipilit ang sariling puntahan si Jonas. Hindi niya iniintindi si Justin.
"Saan ka pupunta?" pigil ni Justin. "Hindi ka talaga aalis?"
Nilingon ni Jesse si Justin. "Pakiusap, dito lang ako."
"Pinalalabas na kita." sigaw ni Justin. Wala siyang pakialam sa ibang tao sa loob ng kwartong iyon. "Hindi pa ba sapat ang mga suntok ko sayo, ha? Gusto mo talagang mapatay kita?"
"Pakiusap. Justin, pakiusap. Sa huling pagkakataon, pabayaan mo muna ako rito."sisigok sigok si Jesse. Lumuhod pa siya mapagbigyan lang ni Justin. "Pakiusap."
Ngunit wala talagang balak na pakinggan ni Justin ang hinihiling nito. Lumabas siya ng kwartong iyon.
Akala ni Jesse ay Ok na ang lahat. Agad siyang tumayo at bahagyang lumapit sa pasyente. Naka pwesto siya sa alam niyang niya maaabala ang doktor at mga nurse na nag-aasikaso sa pasyente. Awang-awa siya kay Jonas na hindi mapakali sa sakit na nararamdaman. "Jonas..." Nagulat siya sa kalabog ng pinto. Napalingon siya.
"Yan, yang lalaking yan. Ilabas nyo yan rito, dahil makakapatay talaga ako kapag hindi yan nawala sa paningin ko." sabi ni Justin sa kasama nitong tatlong guard.
"Justin... pakiusap." hingi agad ni Jesse. "Hindi naman ako gagawa ng masama. Justin." Pero nahawakan na siya ng dalawang guard.
"Sir, lumabas na lang po tayo ng maayos para walang gulo." sabi ng isang guard na hindi humahawak sa kanya.
"Jonas. Jonas!." sigaw ni Jesse habang pumipiglas.
"Sir, huwag na po kayong magpumilit." sabi ng isang guard na nakahawak sa kanya. Nahihirapan ito sa pagpupumiglas niya.
"Siguraduhin nyong hindi na yan makakapasok dito." paalala ni Justin sa mga guard.
"Jonas, jonas." patuloy na sigaw ni Jesse. Wala talaga siyang lakas para makawala sa dalawang guard na humahawak sa kanya.
Pakaladkad kung ilabas si Jesse sa hospital na iyon. Kahit pinagtitinginan ng mga tao, hindi iyon pansin ni Jesse dahil ang isipan niya ang kagustuhang makabalik. "Si Jonas." Basang-basa ng luha ang kanyang mukha habang nakaluhod sa labas ng hospital sa harap kung saan nakatayo ang mga guard na nagbabantay sa kanya.
"Sir, pinagtitinginan ka na ng mga tao." sabi ng isang guard.
Hindi pinansin ni Jesse ang sinabi ng guard. "Pakiusap, gusto kong makita si Jonas. Kailangan niya ako."
"Pero sir, hindi daw po kayo pwedeng pumasok. Saka gumawa na po kayo ng gulo."
"Ako ang kailangan ni Jonas. Gusto niya akong makita." iyak pa rin ni Jesse.
"Kahit na makapasok kayo, hindi nyo rin makikita yun. Bawal na ho ang bisita ngayon."
"Papasukin mo ako..."
Saka dumating si Tamie.
"Jesse."
Napatingin si Jesse kay Tamie na nakaupo sa kanyang harapan. "Si Jonas, Tamie. Si Jonas. Iiwan na niya ako. Gusto ko siyang makita. Pakiusapan mo sila na papasukin ako, sige na Tamie. Pilitin mo sila."
"Bakit ganyan ang nangyari sa mukha mo?" imbes na sagutin ni Tamie ang hiling ni Jesse pinansin na lang nito ang ilang pasa sa mukha ni Jesse.
"Huwag mo yang intindihin. Sige na Tamie, tulungan mo ako."
"A-h..." walang masagot si Tamie kay Jesse. Alam naman kasi niyang wala siyang magagawa. Sa totoo lang, wala sana siyang balak na samahan si Jesse sa gitna ng paningin ng mga tao. Nakakahiya para sa kanya ngunit gaya ng inutos ng kanyang amo, sinunod na lang niyang pahinahunin si Jesse. "Maraming nagbabantay Jesse." sa wakas nagkaroon din siya ng lakas ng loob magsalita kay Jesse. "Hindi ka makakapasok. Gumawa ka na kasi ng eskandalo."
"Hindi ako ang nagsimula. Si Justin."
"Kahit na. Pasyente kasi niya si Jonas. Kaya karapatan niyang paalasin ka."
"Pero ako ang kailangan ni Jonas."
"Jesse!" sigaw ni Tamie. "Doktor ang kailangan ni Jonas. Hindi ikaw!"
Natulala si Jesse sa pagsigaw ni Tamie. Ngayon lang niyang narinig na sumigaw ito at ngayon lang rin niya nakitang namilog ang mga mata nito sa galit, inis o hindi niya alam kung bakit. Natulala siya saka yumuko.
"...sa ngayon Jesse." dugtong ni Tamie nang mapansin ang biglang pananahimik ni Jesse. "Sana maintindihan mo ang sitwasyon."
"P-pero, sabi niya sa akin gusto na raw niyang magpahinga." saka siya tumingin sa mata ni Tamie. "Iiwan na niya ako. Tamie, yun ang sabi niya sa akin."
"Hindi mangyayari yun Jesse. Gagawa ng paraan ang kapatid niya. Sigurado ako. Hindi papayag si Justin na ganun ganun lang na mawawala sa kanya ang pinakakamamahal niyang kapatid."
Sisinok-sinok si Jesse nang muling yumuko. Pagkatapos noon, hindi na kumibo pa si Jesse.
Ilang oras din ang tinagal ng pagkakaupo ni Tamie at Jesse sa gitna ng daan malapit sa main door ng hospital. Ilang beses na rin niyaya ni Tamie si Jesse na tumayo para umuwi pero walang kibo si Jesse. Nagyaya rin siyang kahit lumipat lang sila ng pwesto pero ayaw talaga ni Jesse. Panay ang buntong hininga na lang ni Tamie. Wala siyang magawa kundi samahan si Jesse gaya ng utos ng kanya ni Arl. Pangalawa, nakokonsyensya rin naman siya sa ginawa. Pangatlo, kaibigan na rin naman niya si Jesse. Yun nga lang, lihim niya itong tinatraydor.
Isang oras pa ang nakalipas nang mapansin nila ang papaalis na sasakyan ni Justin. Napatayo si Jesse nang mapansin sa di naman kalayuan ay huminto ito patapat sa kanila. Sumunod niyang napansin ang pagbukas ng bintana ng kotse nito. Doon niya nakita ang mukha ni Justin na alam niyang kakagaling lang sa pag-iyak.
Namamagang mata? Sa ilang oras? Bakit anong nangyari? Si Jonas? Galit pa rin si Justin dahil sa mga mata nitong nanlilisik. At alam kong para sa akin ang mga tingin na iyon. Hindi lang galit, may makikitang poot. Ano bang nangyari? Kinakabahan ako.
Muling nagsara ang bintana ng kotse ni Justin saka matulin itong umandar papalayo sa hospital na iyon.
Agad ang paglingon ni Jesse kay Tamie. "Tamie si Jonas."
"A-anong gagawin natin?"
"Subukan natin kung maari na tayong makapasok. Wala na si Justin."
Napabuntong hininga si Tamie, inilaylay ang balikat. "Sige." sagot niyang napipilitan. Sinundan niya si Jesse na patungo sa kinatatayuan ng mga gwardya.
"Maari na ba akong pumasok?" tanong agad ni Jesse sa mga guard.
"Hindi po Sir dahil wala na po dito ang hinahanap ninyo. Wala na po sa loob ang pasyente. Inilabas na kanina pa."
Napakunot noo si Jesse. "A-anong-"
"Sir, inilabas na po rito ang pasyente." ulit ng guard.
"Saan dinala." si Tamie na ang nagtanong.
"Hindi po namin alam."
"Pero pwede ba kaming magtanong sa information kung saan inilipat ang pasyente?"
"Hindi po. Ipinagbilin."
-----
"Iwan mo na ako Tamie."
"H-ha?" nagulat si Tamie nang sabihin iyon sa kanya ni Jesse. "Bakit?"
"Maraming salamat sa mga natulong mo. Saka ako babawi pero sa ngayon gusto ko munang mapag-isa."
"Hindi. Sasamahan kita. Hanggang sa maka-uwi ka sa inyo."
"Ok lang ako Tamie. Kaya ko naman umuwi. Gusto ko lang makapag-isip." muling tumulo ang mga luha sa mga mata ni Jesse. "Ok lang ako."
Tumitig muna ng saglit si Tamie kay Jesse. Tinantiya niya kung nagsasabi ng totoo si Jesse- na kaya nito. Saka bumutong hininga senyales ng pagsuko. "Sige. Ingatan mo ang sarili mo ha?"
Ngumiti lang ng tipid si Jesse.
-----
Naglalakad si Jesse. Nang nag-iisa. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang paa. Malayo-layo na rin ang nalalakad niya pero wala siyang nararamdamang pagod o bigat sa kanyang mga binti. Tanging ang alam lang niyang dinadala niya ay ang pangalan ni Jonas. Paulit-ulit na sinigaw ng kanyang isipan. Si Jonas.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Jonas. Ang hirap isipin. Lagi kong naalala kung paano siya nahihirapan- hindi na niya kaya. Tuluyan na ba talaga siyang nagpahinga? Hindi. Hindi ako iiwan ni Jonas. Hindi niya ako hahayaang malungkot ng sobra-sobra tulad nito. Sobrang masakit sa akin.
Saka siya napa-tingala sa langit. Sa pagkakataong iyon, tila nakikita niya ang alam niyang dapat hinihingian niya ng tulong simula't simula pa lang. Panginoon.
Patuloy pa rin siyang naglalakad. Hindi siya napapagod. Pilit niyang inilalagay sa kanyang isipan na hindi pa kinuha ng nasa taas si Jonas. Ayoko pong maniwala.
Hindi niya namamalayang may sumusunod pala sa kanyang kotse.
-----
Kanina pa kung sundan ni Arl si Jesse. Sa totoo lang hindi naman siya umalis kanina sa hospital. Naroon lang siya sa isang tabi kung saan hindi mapapansin. Nang mapansin niyang iniwan na ni Tamie si Jesse saka niya sinamantalang sundan ito. Alam niyang kailangan ni Jesse ng kasama. Kahit pa sabihing gusto nitong mapag-isa tulad ng sinabi sa kanya ni Tamie gamit ang cellphone.
Hindi lang siya nagpapahalata. Gusto lang niyang masiguradong hindi mapapahamak si Jesse. Oo, ginamit niya ang magkasintahan para pasakitan ang gusto niyang paghigantihan.
-----
"Jesse." tawag ni Arl. Huminto ang sasakyan sa harap ni Jesse na sa puntong iyon ay nakaupo na sa isang bench. Antok na antok. Halatang dinaramdam na ang pagod at ang sakti ng katawan. Napansin kasi niyang tinangka nitong muling tumayo ngunit dahil sa panginginig ng mga binti, muling nabuwal pabalik sa pagkakaupo.
Agad ang tingin ni Jesse sa kung sino ang tumawag. "A-arl? Anong ginagawa mo rito?"
"Sumakay ka na." Yaya ni Arl.
Mabilis na tumanggi si Jesse. "Hindi na. Maraming salamat na lang. Gusto kong mapag-isa."
"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Arl. "Kung alam mo lang ang katotohanan sigurado namang magagalit ka sa akin." Lihim siyang napa-tsk.
"H-ha? Hindi ah. Bakit naman ako magagalit sayo. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil binigyan mo akon ng pagkakataong makausap si Jonas kahit sa-" hindi niya nabanggit ang huling sandali. "Hindi ako naniniwalang iniwan na ako ni Jonas." muling naglagos ang mga luha sa mga mata ni Jesse.
"Dapat ka na nga sumakay Jesse. Kailangan mo ng magpahinga." Bumaba na si Arl sa kotse.
"Huwag ka ng mag-abala." tanggi ni Jesse habang tinatanaw ang papalapit na si Arl. "Salamat na lang."
"Sumakay ka na." hinawakan ni Arl ang braso ni Jesse. Hindi naman nahirapan si Arl sa pangungumbinsi kay Jesse.
-----
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ni Jesse kay Arl nang huminto ang sasakyan sa harap ng mataas na gate na hindi niya alam kung kanino.
"Dito ang bahay ko. Alam kong wala kang kasama sa bahay mo kaya naisip kong dito ka na lang dalhin. Baka kasi kung ano ang maisipan mo kaya, kailangan mo ng kasama."
Na-gets ni Jesse ang ibig sabihin ni Arl. "Yun nga ang naiisip ko kanina. Kung mawawala lang rin naman si Jonas, dapat lang na sumunod na ako."
"Hindi mo kailangan yan Jesse. May dapat ka pang malaman bago mo isipin ang ganyan." Pero imbes na sagutin ni Arl ang sinabi nito, iniba niya ang usapan. "Kailangan mo na talagang magpahinga."
Hindi na rin umimik si Jesse.
"Bukas kapag nakabawi ka na ng lakas, may pupuntahan tayo." sabi ni Arl habang muling pinatakbo ang sasakyan ng maluwang nang nakabukas ang gate para makapasok ang sasakyan.
"H-ha?"
"Makikibalita tayo sa bahay ni Justin kung ano talaga ang nangyari kay Jonas. Tapos saka mo isipin ang galit at poot. Dahil ang nararamdaman mo ngayon galit ay wala pa yan sa dapat mong maramdaman Jesse. Malalaman mo bukas."
"Ok."
-----
Kinabukasan, nakaparada na ang sasakyan ni Arl sa harap ng bahay ni Justin. "Jesse kaya kita dinala dito para makumpirma mo kung ano ang kalagayan ni Jonas. Ang para sa akin lang naman, para alam mo kung paano ka muling babangon sa panibago mong buhay."
"H-ha?" naguguluhan siya. Panibagong buhay? Bakit? "Hindi kita maintindihan."
"Tingin sila na lang ang dapat magsabi sayo." sabi ni Arl.
Si Jesse lang ang bumaba ng sasakyan. Hindi daw kasi pwedeng bumaba si Arl dahil kilala siya ng guard na totoo naman. Kumatok si Jesse sa gate. Agad naman ang paglabas ng kasambahay.
"A-h ako pala s-si J-" muntikan na niyang masabi ang pangalan niya. Sinabi nga pala sa kanya ni Arl na ibahin niya ang pangalan niya. "Ako si Tamie. Kaibigan ako ni Justin. Gusto ko kasing makibalita kung nasaan siya ngayon. Galing pa kasi ako sa probinsiya eh."
Napa-titig ang kasambahay kay Jesse. Napansin nito ang namumugtong mga mata ni Jesse. "Ah ganoon ba? Wala kasi dito si Sir eh."
Saka lang napansin ni Jesse na malungkot ang kasambahay. Parang may kung anong kabang dumapo sa dibdib niya. "N-nasaan siya."
"Umalis po siya. Nagbilin lang na mawawala siya ng matagal."
"Matagal?" naisip ni Jesse na posibleng lumipad ito kasama si Jonas para sa pagpapaopera ng huli.
"Kasi po." biglang naiyak ang babae.
Nagtaka si Jesse. "Bakit?"
"Si Sir Jonas po kasi-"
"Ha?" tila sumabog ang lahat kay Jesse. Nakaramdam siya ng pagkahilo.
"Nakakaawa po si Sir Jonas." hagulgol ng babaeng kasambahay.
Ayaw na ni Jesse marinig ang gustong tumbukin ng babaeng iyon. Alam niya ang susunod.
"Si Sir Jonas po kasi-"
Tuluyan nang nawalan ng panimbang si Jesse.
"Wala na po si Sir. Patay na po si Sir Jonas."

11 comments:
:(
sequel po ba yung banner sa dulo?
wala akong masabi. haist. inaasahan ko kasing gagaling si Jonas e. pero sobrang intense na yung mga nangyari. kaawa si Jesse sobra. haaaaaaaaaay.
ang lungkot ko ngayong gabi.
sir. :(
hayys, sad ng chapter na ito, buong iyak kong binasa , bad ka author, pina iyak mo ako,super like ko story mo...............
T_T
napakalungkot ng pakiramdam ko ngayon ..
grabe .. i don't want to believe that Jonas died ..
the fact kills me .. T_T
magpakatatag ka kuya Jesse ..
may awa ang Diyos .. T_T
at ikaw naman Arl at Tamie .. pagdudusahan niyo ring dalawa ang kawalang hiyaan niyo .. mga P.I kayo .
T_T
too bad.. ang sakit sa dibdib..
pinaiyak mo na naman ako mr. author..
worth the wait..
fresno
Alam mo ba kung gaano kasakit ang chapter na ito? Nanikip lang naman ang dibdib ko at nanlalambot habang binabasa ko ito. Sobra ang sakit parang ako lang si Jesse. At kung ako man si Jesse di ko kakayanin ito.
Mr. Erwanreid, pumupuro ka na. Tatlong chapter na sunud-sunud mo akong pinapasakit ang dibdib. Ang pang-apat baka buminggo na at atakehin na ako.Walang OA 'to.
I hope naman sana there's a rainbow after that tsunami. Arl, Tamie at Justin maghintay lang may paglalagyan din kayo.
2 Thumbs-Up!
ouch! :`(
sad ending...
----
ano kaya ang kailangang malaman ni Jesse? ( may kinalaman kaya ito sa totoong pagkatao nya? )
kung patay na si Jonas... si justin na kaya ang mag hihilum ng nasawi nitong puso? o di kaya si Arl?...
-----
Tw0 Thumbz Up! Napakagaling!
though this chapter talks about pain and hardship, it's still nice..
hay, sana Justin-Jesse-Arl ang mangyari.. hehe love triangle..
God bless.. -- Roan ^^,
Very sad, very, very sad. Haist... sana... sana their hardships and pains will come to end.
ouch...sakit nman ng ending ng book na to...paanu na to...kawawa nman si jesse...sana makarma sina tamie at arl...sana mawala agad lungkot ni jesse, kaso d madali..mahal na mahal nya si jonas...
super tagal na nitong walang update ang tagal nung kasunod mr author. post ka na po.hehe.tc
waah !! grabeng iyak ko sa book nato .. hm,, author, uala npo bng kasunod nito ?? :(
Post a Comment