THANK YOU
R.J., Anonymous, Ramy from Qatar, Gerald and Roan.
and also to my SILENT READERS!
♥ ^^
*****
Sa sobrang kasiyahan at pagmamadali hindi niya napigilan ang sarili na mapalakad-takbo, makarating lang ng mabilis sa kanyang kotse. Bago makarating sa kanyang kotse, hindi niya napansin ang basang parte ng pathway kung saan maaring madulas ang mga naglalakad. Dahil sa maling pagtapak, hindi niya inaasahang ma out balance at naging sanhi para mabitawan niya ang hawak-hawak na paper bag kung saan naroon ang binili niyang dalawang bagay.
Todo ang naging kabog ng dibdib sa pagkakadulas na muntikan na niyang ikadapa sa kalsada. Nang bumagsak ang paper bag, sumunod na gumulong ang bilog na bagay sa ilalim ng kotse.
"Ang singsing!..." Walang pakialam si Jonas sa iba pang bagay na nasa loob ng paper bag na iyon. Ang mahalaga makita niya sa ilalim ng kotse ang singsing na gumulong. "Naku, ang dilim pa naman." Gustong mapa-mura ni Jonas sa nangyari. Hindi pa rin nawawala ang kabog ng kanyang dibdib.
-----
Kanina pa tapos magprepare ng hapunan si Jesse. Nakaharap siya sa t.v. nang marinig niya ang ugong ng kotse ni Jonas sa labas. Sinilip niya ito sa bintana saka lumabas nang masigurado. Agad niyang binuksan ang gate para makapasok ang kotse.
Hinintay ni Jesse na lumabas si Jonas sa kotse. Inihahanda niya ang sarili na maipakitang masaya siya sa pagbabalik nito.
"Oh..." pansin ni Jonas kay Jesse. "Mukhang magaling na ah?"
"Hmmm..." Nanatiling nakatayo si Jesse. Nakatingin lang kay Jonas.
"Pasok na tayo." yaya ni Jonas.
"Sige." Masayang sagot ni Jesse.
Napa-tigil si Jonas. "Talagang good vibes ka ngayon ah?"
Natawa si Jesse. "Wala na siguro akong sakit. Samantalang ikaw, parang seryoso ang dating. Pagod ka na siguro?"
Kumunot noo si Jonas pero nang naka-ngiti. "Ako mapapagod? Imposible."
"Tara na nga sa loob." umangkla ang braso ni Jesse sa braso ni Jonas. Saka napansin ang dala ni Jonas. "Ano pala yan? Huwag mong sabihing bumili ka ng hapunan. Nagluto kaya ako..."
Hinila ni Jonas si Jesse papasok sa bahay. "May pagkain bang nilalagay sa kahon ng cellphone?" sabay tawa si Jonas. "Napaka-ignorante mo naman."
"Ano yun nanglalait?" napa-simangot si Jesse.
"Hindi." tawa pa rin ni Jonas. "Doon na nga muna tayo sa loob. Ayusin mo rin yang mukha mo. Panatilihin mo yung maaliwalas mong mukha tulad kanina. Parang nagbibiro lang."
Habang tinutungo ang sala, "Nagluto ako ng hapunan. Hulaan mo kung ano ang niluto ko."
"Piniritong itlog at hotdog. Sinangag na kanin."
Ang lakas ng tawa ni Jesse sa sagot ni Jonas. "Loko. Ano yun agahan?"
"Hindi ba? Oops, biro lang uli. Kasi yun lang naman ang laman ng ref. Tama ba?"
"Mali." Nang makita ni Jesse ang mukha ni Jonas na kumunot, saka siya nagpaliwanag. "Lumabas ako kanina, bumili ako ng pang-nilagang baka. Siyempre dinamihan ko ang saging na saba. Di ba un ang gusto mo ung maglasa ang saging sa sabaw? Kasama ang patatas at mais?"
Pinipigilan ni Jonas ang mga ngiti. Pero hindi niya kinaya kaya napabunghalit siya ng tawa sa katuwaan. "Pwede na talaga kitang asawa. Tamang-tama."
"Tamang-tama?"
"Pakain naman muna. Pagod na ang asawa eh. Dapat asikaso muna. Teka, ibig sabihin magaling ka na talaga?"
"Oo magaling na ako. Pero, ano nga ang sabi mo? Dapat kitang asikasuhin kasi pagod ka na? Parang ang ibig mong sabihin ikaw ang lalaki dito ah?" sabay tawa ni Jesse.
"Oo ako nagtatrabaho ngayon eh. Ikaw dito ka lang sa bahay natulog."
"Ah ganoon na. Nagluto kaya ako ng hapunan mo?"
"Kaya nga ikaw ang babae kasi ikaw ang naiwan. Bawi ka na lang bukas."
"Ay hindi na talaga ako aabsent." Hinila ni Jesse si Jonas sa dining area. "Tamang-tama lang dating mo, hindi ko na iinitin ang sabaw. Upo na lalaki."
"Opo mahal kong babae."
"Ang panget Jonas. Huwag mo nang ulitin."
Natawa si Jonas. "Nagsisimula ka na namang maasar."
"Haha." pang-aasar ni Jesse. Inasikaso niya si Jonas. Masaya nilang pinagsaluhan ang niluto niya.
-----
"Ay Sir James!" gulat ng sekretarya niya nang malingunan siya.
"Bakit?" takang tanong ni Justin.
"Akala ko po ay hindi na kayo babalik. Niligpit ko po kasi yung kalat sa lamesa ninyo..."
"Ah yun lang ba?"
"Isasara ko na sana itong office. Sige po Sir."
"Walang problema." Saka dumiretso si Justin sa loob ng office.
Sinundan naman ng tingin ng sekretarya ang boss. "Si Sir nakakapagtaka na talaga. Ang daming bago. Naku, ngayon nanggugulat naman."
Kung saan-saan kasi nagpunta si Justin nang umalis ng opisina. Napa-hawak siya sa baba nang maalala ang nangyari sa kanya nang palabas na siya ng restaurant kanina nang tanghali. Hindi niya maiwasan ang mapa-ngiti. "Maganda siya..."
Nang matapos na kasi siyang magtanghalian sa restaurant na iyon, palabas na siya ay may nakabungguan siyang babae. Sa tingin niya ay sinasadya ng babae na bungguin siya pero hindi niya sigurado. Sa pagkakabunggo kasi sa kanya , parang imposible sa kanya na tumama ang harapan ng babae sa kanyang balikat habang ang kamay nito ay simpleng napa-dapo sa kanyang pagkalalaki.
Hindi naman siya ganoong nagulat dahil alam niyang magkakadikit talaga sila sa pagsasalubong nila. Hindi lang niya inaasahang magiging ganoon ang tagpo na kailangan pang dumikit ang maselang bahagi ng katawan nila.
Napa-lingon siya matapos ang pangyayari, pero ang babae ay tuloy-tuloy lang sa napili nitong pwesto sa loob ng restaurant. Wala itong kasama. Saka tuluyang umalis si Justin. Muli siyang sumakay sa kanyang kotse at nagpa-ikot ikot sa buong kamaynilaan.
"Sir, mauuna na po ako." paalam ng sekretarya niya.
Nawala si Justin sa pag-alala sa nangyari kanina. "S-sige, ako na ang bahala rito." Napa-buntong hininga siya nang mawala sa paningin ang sekretarya.
Ilang saglit pa siyang nagpakatulala saka nilisan ang opisinang iyon.
-----
"Ano 'to?" tanong ni Jesse nang abutin niya ang binigay sa kanyang paper bag ni Jonas. Nasa sala na sila nang mangyari iyon.
"Jesse naman, sa labas pa lang alam mo dapat ang laman nyan." sagot ni Jonas.
"Malay mo, binibiro mo lang ako." sabay tawa. "O sige kung ito nga, bakit mo ako bibigyan ng cellphone?" Alam naman ni Jesse kung saan niya gagamitin iyon. Ang gusto niyang malaman kung bakit naisipan ni Jonas na bilhan siya ng ganoong gamit.
"Para kapag namimis kita, makakausap kita."
"Ayy... gusto mong kiligin ako?" biro ni Jesse pero ang totoo ay kinikilig talaga siya. Sinisimulan na niyang buksan ang kahon.
"Ok lang kahit hindi basta kailangan gamitin mo yan." saka pinaka-diinan ang kasunod. "Sa akin lang ah." sabay tawa.
Natawa rin si Jesse. "Malamang, sino naman ang kakausapin ko?"
"Binibiro lang kita." sabay bawi ni Jonas pero agad din itong sumeryoso. "Pero meron pa akong gustong ibigay sa iyo."
Kunot noong napatingin si Jesse kay Jonas. "Siryoso?"
"Oo." malawak ang pagkakangiti ni Jonas.
"Birthday ko ba? Ang dami mo yatang binibili ngayon ah? Ako nga wala pang nabibigay sa'yo."
Natawa lang si Jonas. "Sandali."
Sinundan lang ng tingin ni Jesse si Jonas paakyat sa kanilang kwarto. Minuto ang binilang nang magbalik si Jonas. Humihingal ito nang hawakan ang kamay niya para makatayo siya mula sa sofa. "Oh, problema?"
"Problema? May problema ba kapag ganitong naka-ngiti? Ha?"
"Ano naman ang gagawin natin?"
"Sumunod ka na lang." yaya ni Jonas.
Nagpatangay na lang si Jesse kay Jonas. Punong-puno ng kasiyahan ang kanyang puso.
-----
"Dito sa rooftop?" tanong ni Jesse nang makita niya ang nakalatag na makapal na blanket at may mga nagkalat na unan. Tipong higaan ang dating. Naisip niya na kaya pala humahangos si Jonas ay dahil mabilis itong naglatag ng sapin at basta na lang pinaghahagis ang mga unan. Natawa siya. "Sana sinabi mong ganito pala ang gusto mong trip. Natulungan sana kitang mag-ayos. Tignan mo yung unan oh..." itinuro ni Jesse ang isang unan na tumagilid sa mga paso.
Ang lakas ng tawa ni Jonas. "Hayaan mo na." Kinuha ni Jonas ang unang napunta sa mga paso. "Sige ikaw na ang mag-ayos. Hindi kasi ako marunong eh."
Sumunod naman si Jesse. Inaayos niya ang pagkakalatag ng sapin saka mga unan. "Imposible kang hindi ma-" Natulala si Jesse nang makita ang singsing sa ilalim ng unan ng iangat niya ito. Napa-tingin siya kay Jonas na naka-ngiti lang sa kanya. Hindi niya maiwasan ang mapa-ngiti. "Ano 'to?"
"Candy yata." biro ni Jonas. Saka siya tumabi kay Jesse.
"Alam ko singsing 'to pero para saan naman?"
"Hmmm hindi ko rin alam. Basta ang gusto ko kailangan natin yan. Sa katunayan ito ang isa oh." Dinukot ni Jonas ang kapares sa kanyang bulsa.
Napa-labi si Jesse. Pinipigilan niya ang naguumapaw na kaligayan na ibinibigay sa kanya ni Jonas. Gusto niyang maluha. "Tapos?..." nasabi na lang niya.
"Tapos? Kunin mo 'to." Binigay ni Jonas ang singsing hawak. Saka kinuha ang singsing sa ilalim ng unan. Inabot niya ang kamay ni Jesse saka itinutok ang butas ng singsing sa daliri nito. "Itong singsing na ito ang tanda ng pagmamahalan natin. Mahal na mahal kita Jesse. Ibibigay ko lahat sayo kung ano man ang mayroon sa akin, mapaligaya lang kita. Ikaw na ang una at huli kong mamahalin, Jesse."
Napayuko si Jesse. Nahiya siyang makita ni Jonas ang maluha-luha niyang mga mata.
Pero inangat ni Jonas ang mukha ni Jesse saka ipinakita ang kamay nito. Ipinahihiwatig na wala pa siyang singsing tulad ni Jesse.
Napa-ngiti si Jesse. "Oo nga pala." Kinuha niya ang kamay ni Jonas. Saka gianya ang ginawa ni Jonas. Hinatid niya ang singsing sa daliri ni Jonas. "Jonas, ito naman ay tanda ng pagmamahal ko sayo. Lahat gagawin ko mapaligaya lang kita dahil mahal kita. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa mga kabutihan mo pero sinisigurado ko sa bawat araw na magdadaan, lagi akong kasama mo. Susuportahan kita, aalagaan kita, mamahalin kita..." Tuluyan na siyang lumuha. "Kahit anong iutos mo, gagawin ko. Ok lang. Kasi mahal kita higit pa sa pagmamahal mo sa akin." Muli siyang napayuko.
"Shhh... Kahit hindi muna sabihin. Kaya ko nga ito ginagawa sayo eh. Dahil sobra kong nararamdaman ang pagmamahal mo sa akin." Muling inangat ni Jonas ang mukha ni Jesse. Tinitigan niya ang mga mata nito. "Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Mamamatay akong ikaw ang kasama ko. Pangako." Hinalikan niya si Jesse ng ubod ng tamis at nagmumula sa kanyang puso.
Dahil sa tunay na pagmamahal, hindi pinigilan ni Jesse ang ginawa sa kanya ni Jonas bagkus gumanti siya ng halik maipadama lang kung ano ang nasa puso niya para kay Jonas. Hindi niya iniisip ang susunod na mangyayari. Wala siyang balak tumanggi. Inaasahan niyang matututunan niya ang bagay na hindi pa niya nararanasan. Susundin niya si Jonas sa kung ano man ang gustuhin nito sa mga puntong iyon. Magpaparaya siya dahil mahal niya ang kaniig.
-----
"Ayan na sila. Bilisan ninyo, maging presentable kayo." Pinapila ng matandang katiwala ang mga iba pang kasambay sa may gate ng bahay. "Lorna, ayusin mo ang pagmumukha mo. Nakasimangot ka."
Nakapasok na ang kotse. Hinihintay na lang ng mga kasambahay ang pagbaba ng kanilang amo. Maya-maya pa ay bumaba na nga ang kanilang mga amo.
"Magandang gabi po Sir Arl at Ma'am Juanita. Maligayang pagbabalik po." sabay-sabay na bati ng mga kasambahay. Halatang pinag-praktisan.
"Magandang gabi." ganting bati ni Arl na bagong dating galing ibang bansa kasama ang ina na si Juanita.
"Magandang gabi rin sa inyo." Si Juanita.
"Sige na, kayo na ang bahala sa mga bagahe. Maayos ba ang kwarto ni Mommy?" si Arl sa mga kasambahay.
"O-opo sir Arl. Nakahanda na po pati ang kwarto ninyo." sagot ng isang kasambahay.
"Good. Paki-samahan si Mommy sa kwarto niya." utos ni Arl. Saka kinausap ang ina. "Magpahinga na kayo para makabawi kayo ng lakas."
"Sige anak. Mauuna na akong magpahinga. Sumunod ka na rin."
"Opo Mom." sagot ni Arl.
"Ay Sir Arl, may naghihintay po pa lang babae sa sala. Sheena daw po ang pangalan." sabi ng matandang katiwala.
Napa-kunot ang noo ni Arl. "Sige ako na ang bahala." Tinuon niya ang atensyon sa mga nagbababa ng mga bagahe. "Paki-ayos na lang yan." Saka pumasok sa loob.
-----
"Ang bilis mo naman akong sundan?" si Arl kay Sheena na naabutang nanonood ng t.v.
Napa-lingon ang babae pero nang makita si Arl ay muli itong tumuon sa t.v. "Malamang. Namimis kita eh."
Umupo si Arl sa katapat na sofa. "Anong sadya mo?" kunot noong tanong ni Arl.
Napa-ismid si Sheena saka tumayo at lumapit kay Arl. Umupo siya sa kandungan ng binata saka inilapit ang mukha sa mukha nito. Iniwas naman ni Arl ang kanyang mukha. Balak siyang halikan ni Sheena.
"Bakit ba?" Kasabay ng tanong ay ang paghimas ng kamay nito sa tyan ni Arl pababa sa ilalim ng puson. "Gusto ko kasing..."
Tinapik ni Arl ang kamay nito. "Ayoko ngayon, pagod ako. Gusto ko na magpahinga."
"Dito ako matutulog, katabi mo."
"May guest room."
Nabwisit si Sheena saka umalis sa kandungan ni Arl. Bumalik ito sa dating pwesto. "Nakakainis ka." reklamo niya.
Tumayo lang si Arl paalis sa sala. Nagsalita si Arl habang naglalakad. "Magpapahinga na ako. Siya nga pala yung pinagagawa ko sayo, gawin mo yun."
"Nasimulan ko na." bahagyang sigaw ni Sheena dahil medyo nakakalayo na si Arl.
Lumingon si Arl kay Sheena. "Mabuti. Siguro bukas ka na lang magkwento. Matutulog na ako. Asikasuhin mo na lang ang sarili mo."
"Hmpt. Bwisit." muling sigaw ng babae.
-----
Kapwa nakahubad sina Jonas at Jesse matapos ang pagtatalik. Payakap ang pagkakahiga ni Jesse kay Jonas habang ang huli ay nakatingin sa madilim na kalangitan na ang tanging makikita lang ay mga kumukutitap ng mga bituin.
"Jesse, mahal na mahal kita."
"Mas mahal kita Jonas."
"Ito ang una nating nagtalik. Sa totoo lang wala akong ideya kung paano pero..." natawa si Jonas. "Nairaos din."
Bahagyang tinampal ni Jesse si Jonas. "Huwag mo nang banggitin." Nahihiya kasi siya.
"Jesse, nakikita mo ba yun?" itinuro ni Jonas ang tinutukoy sa kalangitan. "Anong tawag dyan?"
Napa-tingin si Jesse sa itinuturo ni Jonas. "Asan dyan? Yan? Crescent Moon."
"Tama." sangayon ni Jonas. "Minsan lang yan di ba?"
"Oo, isang beses sa bawat buwan. Yata?"
Natawa si Jonas sa huling salita ni Jesse. "Talagang may yata pa ah?"
Muling natampal ni Jesse si Jonas. "Bakit ba kasi?"
"Lagi nating alalahanin ang pinagsaluhan natin ngayon kapag ganyan ang buwan, Jesse."
"Ah..." napa-ngiti ng malawak si Jesse saka pinakatitigan ang buwan.
"Lagi nating hintayin ang pagbabalik ng crescent moon. Yan din ang simbulo ng ating pagmamahalan. Kasi, yan ang naging saksi kasama ng mga bituin kung paano tayo naging isa." Napa-higpit ng yakap sa kanya si Jesse. "Ang swerte ng buwan no, nakasilip." biro ni Jonas sabay tawa.
"Loko ka. Pati yung mga walang malay pinapansin mo." tawa rin ni Jesse.
Tumagilid si Jonas kay Jesse. "Pero ang lahat ng sinabi ko ay totoo Jesse." seryoso niyang sabi.
"Huwag kang mag-alala. Seryoso kong tinatandaan yan puso ko."
Muling naglapat ang mga labi ng nag-iibigan. Parang nagkakasiyahan naman ang mga bituin habang kumukutitap ito sa kalangitan. Habang patuloy na nagiging saksi ang buwan bago matapos ang gabi.
-----
LIKE our fan page on facebook.
www.facebook.com/BGOLDtm
and FOLLOW twitter account.
www.twitter.com/BGOLDtm
11 comments:
bitin ako sa una pero sulit ngaun... kakilig... enjoy ako... salamat author...ang ganda...GOD bless.
oo nga hehe..kilig itong chapter na to. ngayon pa lang talaga ako kinilig sa kahit anong kwentong nabasa ko haha! yun nga lang, ayun na kaya yung last crescent moon?
mukhang may masamang balak nga lang si Arl kay Justin. pero wag naman sana matuloy. wala namang kasalanan si Justin e. saka sa totoo lang, siya yung pinakanakakaawang tao dito sa kwentong tao. sana maging masaya din siya. :)
nice chapter sir. keep it up :)
woohh.. super sweetness at kiligness..hehe
nice one..
God bless.. -- Roan ^^,
ayiiieee.........knikilig aq......thumbs up author => sna ung ibang st0ry mai updte din tnx :p.......
sweet naman nina jonas at jesse... naku ano ang balak ni arl????wahhhh sino kaya ang nabangga ni justin...galing mo talaga author...
ramy from qatar
heto na ang hinahanap kong part ng kwento, yung may kilig factor, 2 beses kong binasa ang chapter na ito, hehehehe,ganda kc eh, nice one bro!keep it up! jack21
naku kawawa naman si jesse pag dumating ang last cresent moon. sana naman wala na lng mamatay si jonas. marami naman siyang pera bakit d sya magpagamot.
WOW! SO NKAKAKILIG AMAN. HMM, MUKHANG MAGKAKARUN PA ATA NG RIVALRY ANG MAGKAPATED OVE R JESSE. HE HE HE
wooooh!
kilig to the max .. grabe .. mahal ko na talaga kayo kuya Jonas at Jesse .. PURE LOVE .
at may maitim na plano pa ngayon si Arl kay kuya Justin using the SLUT , Sheena ..
di kasalanan ng anak ang kasalanan ng kanyang ama ..
anyway --
kuya Jonas .. pleasssssssssse, pagamot ka na po, hangga't di pa malala sakit mo .. HUHUH ..
sana hindi mamatay si kuya Jonas .. T_T
Thanks kuya Ash ~
Update na po pls TT
Super sweet at kilig ang chapter na ito. Anu kaya ginawa nina jonas at jesse? Hahaha. Di kasi ni elaborate. Pampainit kumbaga. Pero super galing po ng pagkaka sulat at pagkakasunod sunod ng chapter...
Post a Comment