Followers

CHAT BOX

Thursday, November 10, 2011

TRUE LOVE WAITS (Last Crescent Moon) Chapter 3



Maraming salamat po:

R.J - hindi mo talaga alam kung ano ang feeling ng may nagmamahal? ^^ Ty
Jay - ikaw na! ^^ ang lalim mo talaga mag comment. Kumakabog ang dibdib ko habang nagbabasa. LOL Ty
Roan- Nabasa ko uli comment mo. ^^ Ty

at ganun din po sa iba ^^ my SILENT READERS <3 ty



Kinabukasan.

"Dito mo ako sinagot." sabi ni Jonas nang tabihan siya ni Jesse sa pagkakaupo sa buhanginan kung saan sila dati nag-outing.

"Kailan?" maang-maangan ni Jesse. Saka tumingin sa dagat.

"Eh kung kilitiin kita dyan hanggang sa maalala mo?"

"Ay, hindi na." sabay tawa si Jesse. "Natatandaan ko nga iyon eh. Gabi 'yun si ba?"

"Hindi, umaga yun."

"Ay!" pinisil ni Jesse ang magkabilang pisngi. "Ikaw ang hindi nakakatanda."

Tinanggal ni Jonas ang kamay ni Jesse sa pisngi niya. "Natatandaan ko lahat. Pati yung sabi ko, bumalik ka, nagulat na lang ako umaga na pala." hindi naman galit si Jonas pero sineryoso niya ang pagsasalita.

Natahimik naman si Jesse. May naalala siya.

Bigla namang nag-alala si Jonas. Akala niya ay hindi natuwa sa kanya si Jesse. "Jesse..."

"Ha?" balik kasalukuyan ni Jesse mula sa nakaraan.

"Anong ha? Hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kaya ka natahimik. Sorry na. Gusto ko lang naman magpalambing eh."

Napangiti si Jesse. "Hindi ah. May naisip lang ako."

Napa-kunot noo si Jonas. "B-bakit? Anong naala-"

Pinutol agad ni Jesse ang gustong itanong ni Jonas. Muling pinisil pisil ni Jesse ang pisngi ng kaharap saka sinabing, "Mahal kita."

Hinawakan ni Jonas ang dalawang kamay ni Jesse paalis sa kanyang pisngi. "Gaano mo ako kamahal?"

"Sobra. Sasamahan kita kahit saan."

"Kahit magalit sayo ang mga magulang mo?"

Ngumiti ng mapait si Jesse. "Oo. Kahit masakit. Yan ang pinag-iisipan ko kagabi. Sinubukan kong ikumpara ang pag-ibig ko sayo sa pagmamahal ko sa magulang ko. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay,  Jonas."

Nagningning ang mga mata ni Jonas. "Huwag kang mag-alala. Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko." Niyakap niya si Jesse. Pinaramdam niya ang pagmamahal niya dito. "Magsasama tayo hanggang sa huli. Pangako."
-----

Hapon na ng makauwi sila sa bahay ng magulang ni Jesse. Balak na nilang ipagtapat sa magulang ni Jesse ang kanilang relasyon. Kinakabahan si Jesse pero sa kabilang banda matatag siya dahil alam niyang kasama niya si Jonas. Na kahit anong mangyari, sila at sila ni Jonas ang magsasama.

Naabutan nina Jesse at Jonas si Aling Anita na nasa kusina.

"Nay si Itay po?" tanong ni Jesse.

"Ay, nariyan na pala kayo. Nasa likod ang tatay mo. Sinisilip ang mga manok niya. Bigla nag-ingay ang mga manok parang may kung anong nambulabog. Kamusta ang lakad niyo?"

"Ok naman po Inay." sagot ni Jesse.

Saka sumingit si Jonas. "Ah, Aling Anita, may balak po sana kaming sabihin sa inyo ni Mang Berto..."

Ngumiti si Aling Anita. "Oh, ano naman yun?"

"S-siguro po Inay, dapat narito din si Itay." si Jesse na itinatago ang pag-aalala. Napa-kapit siya kay Jonas.

Hindi naging lingid kay Aling Anita ang iba sa tono ng pananalita ng anak at ginawa nitong biglaang pagkapit kay Jonas na ipinagtataka niya. Alam niyang may kung anong mahalagang sasabihin ang dalawa. Hindi niya lang matanto. "Sige, tatawagin ko muna ang tatay mo." Saka tumalikod ang ginang.
-----

Kasabay ng ina ang ama nang makabalik. Bahagyang nauuna ang ama ni Jesse at nang makita sila ay agad nagtanong.

"Ano bang gusto niyong sabihin?" tanong ni Mang Berto.

Nagkatinginan muna sina Jonas at Jesse sa isa't isa. Bigla silang nakaramdam ng kaba. Pero mas pinilit ni Jonas na magkaroon ng tatag. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Jesse.

"K-kasi po." Muling tumingin si Jonas kay Jesse. "Kami po kasi ng anak nyo ay..." Kitang-kita ni Jonas ang pagsalubong ng mga kilay ng ama ni Jesse. Habang panay naman ang hinga ng malalim ni Aling Anita sa likuran. "...kami po ay.. kami po ng anak ninyo."

Kitang-kita ni Jesse ang pagtiim-bagang ng ama.

Hindi tanga si Mang Berto para hindi niya maunawan ang kilos ng anak at ni Jonas. Pagkakita palang niya sa dalawa ay naghinala na agad siya lalo na ng makitang magkahawak ang mga kamay nito. Kanina pa niya pinipigilan ang nararamdaman. Ang gusto niya marinig muna sa kaharap ang talagang pakay ng mga ito. Pero ngayong narinig niya, hindi niya kayang marinig ang narinig na. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa paninikip.

"Berto?" tawag ni Aling Anita sa likuran lang ni Mang Berto at agad napahawak sa asawa nang biglang bumagsak ito.

Nagulat sina Jonas lalo na si Jesse nang mabilis na bumagsak ang ama niya. Agad siyang sumaklolo. "Jonas, si Itay." Sumunod agad si Jonas.

Kitang-kita sa hitsura ni Mang Berto na hindi niya nagustuhan ang narinig kanina.

"M-mang Berto.." tawag ni Jonas ng makalapit. Inalalayan niyang makatayo ang matanda.

"Itay." si Jesse.

Kahit nakatayo na si Mang Berto, hawak pa rin niya ang dibdib. "Hindi ko maintindihan Jesse." simula ni Mang Berto. "Hindi ko gusto ang narinig ko." Nagsimula nang lumuha si Mang Berto. Talagang dinadamdam niya ang balita sa kanya. Hindi niya matanggap na ang anak niya ay umiibig sa kapwa lalaki. "Bakit hindi namin alam, Jesse?" saka biglang tumaas ang tono. "Yan ba ang natutunan mo sa Maynila?"

Napakapit si Jesse kay Jonas. Bahagyang umatras ang dalawa palayo sa magulang.

"Mahal ko po ang anak niyo. Handa po akong buhayin siya."

"Tarantado!" sigaw ni Mang Berto na ikina-atras lalo ni Jesse. Ngayon lang ni Jesse narinig ang ama na magalit ng ganoon. "Anong akala mo sa anak ko babae?"

"Alam ko po lalaki ang anak niyo. Pero, kami po'y nagmamahalang dalawa."

"Lumayas ka rito. Wala akong kilalang bakla sa pamamahay ko." muling sigaw ni Mang Berto na biglang ikinahirap ng kanyang paghinga.

"Berto, asawa ko." saklolo ni Aling Anita na nasa likuran lang. Umiiyak na rin.

"Tay." si Jesse na lalapit sana.

"Huwag kang lalapit." awat kay Jesse ng ama.

"Tay..." iyak ni Jesse.

"Bakit Jesse? Anong nagawa namin ng magulang mo?"

"Tay, mahal ko po si Jonas."

Parang nagdilim ang paningin ni Mang Berto sa narinig. Masakit pala na sa anak niya magmula na umiibig nga ito sa kapwa lalaki. Kahit naninikip ang dibdib, kumilos ang matanda at nagmamadaling umalis.

"Berto." tawag ni Anita.

"Ma..." Gusto ni Jesse na magkaroon sa kanya ng simpatya ang ina.

Pero nang tumingin kay Jesseang ina ay bigla itong nagbawi at sinundan ang asawa sa likod bahay. Hindi pa nga ito nakakasunod ng makasalubong na ang asawa dala ang itak.

"Berto?" tawag pansin ni Aling Anita sa asawa.

"Papatayin ko sila kung hindi sila aalis dito."

"Berto, anak mo si Jesse."

"Wala akong anak na bakla." Nang makaharap ang dalawa. 'Magsilayas kayo rito. Ayoko ng makikita pa ang mga pagmumukha ninyo." habang idinuduro ang itak kay Jonas.

"Opo, aalis kami. Isasama ko ang anak ninyo. Pero maipapangako ko po sa inyo na aalagaan ko po ang inyong anak. Hindi ko po siya pababayaan. Mahal ko po siya at mahal po niya ako."

"Tarantado ka pala eh. Hindi babae ang anak ko gago." Susugurin sana ni Mang Berto si Jonas. Buti na lang ay humarang si Aling Anita. "Lumayas ka rito kung ayaw tagpasin kita ng itak na hawak ko."

"Itay, parang awa niyo na. Tanggapin niyo kami. Mahal ko po si Jonas." Si Jesse.

Muling dinamdam na naman ni Mang Berto ang sakit sa dibdib. Pero sa ngayon, mas lalong napasama. Dahil tuluyan na itong nabuwal sa lapag.

"Tay..."

"Berto."

"Mang Berto."

Pero kahit nahihirapan sa paghinga si Mang Berto sa lapag ay nagawa pa nitong magsalita. "M-ag silayas kayo rito. Hindi ko.. kayo kailangan."

"Berto." Iyak ni Aling Anita. Saka tumingin sa dalawa. "Umalis na kayo rito. Ayaw kong mamatay ang asawa ko. Hanggat narito kayo, sasama at sasama ang loob niya. Umalis na kayo." sigaw ng ina.

"Inay... pati kayo galit sa akin?"

Pero hindi pinansin ni Aling Anita ang anak.

"Halika na Jesse. Palipasin muna natin ito."

Sumunod na lang si Jesse kay Jonas. Inakay ni Jonas si Jesse palabas ng bahay. Nang nasa labas na sila ng pinto biglang sumigaw si Aling Anita. Napabalik ang dalawa sa loob ng bahay.

"Dalhin natin sa ospital ng ama mo Jesse." iyak ni Aling Anita.

Dali-daling binuhat ni Jonas si Mang Berto na tumitirik ang mata. Hindi naman nagtagal at naisakay na sa kotse si Mang Berto kasunod sina Jesse at ang ina nito.
-----

"Kamusta daw po si Itay?" tanong agad ni Jesse ng may pag-aalala nang makita ang ina.

Huminga muna ng malalim si Aling Anita bago nagsalita. "Ok na siya. Pero, Jesse..." lumuha si Aling Anita. "Huwag ka munang magpakita sa ama mo."

Napayuko si Jesse. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng ina. "P-pero Nay, bago kami umalis ni Jonas, sabihin niyo muna po sa akin na hindi kayo galit sa akin. A-at kay Jonas po." Naramdaman ni Jesse ang pagkapit ni Jonas sa kanyang balikat.

Tumingin si Aling Anita kay Jonas. "Yan ang gusto mo anak. Wala akong magagawa pero... ayokong may mangyari sa ama mo ng dahil sayo. Kaya pakiusap, huwag muna kayo magpapakita. Masamang-masama ang loob niya."
-----

Sa loob ng kotse, pauwi sa Maynila,

"J-jesse..." napansin kasi ni Jonas na malayo ang tingin ni Jesse sa labas ng bintana. Panay ang buntong hininga at kanina pa tahimik.

Tumingin si Jesse kay Jonas ng naka-ngiti. "Mmm..." ungol niya bilang pagtugon.

"W-wala naman. Nag-aalala lang ako sayo."

Tumawa ng malumanay si Jesse pero alam niyang halata ni Jonas na pilit lang iyon. "Ano ka ba? Ok lang ako." sabay buntong hininga. "Hindi ako nagsisisi. Pero... hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya at malungkot sa nangyari kay Itay. Pero," tonong naninigurado. "umaasa akong darating ang araw na magkakaayos din kami. Kayo ni Itay."

"Salamat Jesse."

Napakunot noo si Jesse nang tumitig kay Jonas. "P-para saan?" Kahit hindi nakatingin sa kanya si Jonas napansin niya ang matamis nitong ngiti.

"Kasi, kahit ganoon ang nangyari, sa akin ka pa rin sumama." saglit na tumingin si Jonas kay Jesse. "Ikaw ang kasiyahan ko Jesse. Kaya nagpapasalamat ako dahil ako ang pinili mo."

"Ako rin Jonas. Ikaw ang kaligayan ko."

"Pero Jesse, dapat  ba akong sisihin dahil, ang ibig kong sabihin, kung hindi tayo pumunta sa inyo, hindi sana mangyayari yun kay Itay."

Bumuntong hininga muna si Jesse. Naalala kasi nya ang ama sa puntong sinusugod nila ito sa hospital. "Hindi. Ganoon din naman Jonas. Darating at darating din tayo dito. Mas maganda na nga siguro na mas maaga kasi malakas pa si Itay. Paano kaya kung kelan mahina na si Itay? Baka hindi pa ako mapatawad noon pati ni Inay. Narinig mo naman ang sabi kanina ni Inay di ba?"

"Oo."

"Hindi ako nagsisisi at hindi kita sinisisi Jonas. Nagpapasalamat pa nga ako dahil naroon ka at handa mo akong ipaglaban."

Napa-ngiti ng malawak si Jonas sa sinabi ni Jesse. "Ah Jesse, siguraduhin mong mapapadala mo agad ng buo ang sasahurin mo para sa Itay mo. Magdadagdag ako. Paalala mo lang sa akin."

"Naku, wag mong problemahin yun. At, wag mong isipin yun lalo na kapag nagtatrabaho ka. Mag-focus ka sa trabaho mo. Ako na ang bahala doon."

"Basta, gusto ko magdagdag."

"Ikaw ang bahala pero, baka araw-arawin mo ang O.T. nyan?"

Natawa si Jonas. "Ayaw mo nun, mabilis ang promotion? Baka imbes na encoder lang ako sa isang kilalang bangko makita mo na lang na ako na pala ang may-ari."

"Loko ka. Grabe naman yun." sabay tawa. "Kugn kaya mo ba eh, susuportahan kita. Pero, tulad ng dati, masaya na ako sa kung anong meron tayo. Sa kung anong napagkakasya natin ngayon. Kaya pakiusap Jonas alagaan mo rin personal ang sarili mo. Baka magkasakit ka nyan. Sabi ko sayo huwag mong alalahanin ang pagpapadala ko kay Itay."

"S-sige."
-----

"Jesse, anak. Bakit mo hinayaang maging ganyan ka? Hindi mo na kami inisip ng iyong ina. Hinayaan kita na sundin ang gusto mo. Dahil ang sabi mo ay para naman sa amin. Pero, bakit sa pagbabalik mo iba ka na? Wala akong natatandaang umalis ang anak ko na bakla. Kaya wala akong inaasahang anak na babalik na bakla... bakla... bakla..."


"Jesse, jesse gising. Jesse gising." yugyog ni Jonas kay Jesse. Naalimpungatan siyang umuungol si Jesse. "Jesse, binabangungot ka." pag-aalala niya.

Nagising si Jesse. Pero hindi pa rin nawawala sa kanyang utak ng paulit-ulit ang huling katagang binitiwan ng kanyang ama sa kanyang panaginip. "Napanaginipan ko si Itay, Jonas."

Hinimas ni Jonas ang likuran ni Jesse. "Sandali kukuha lang ako ng tubig." Nasa side ni Jesse ang table kung saan naroon ang isang pitsel ng tubig at baso."

Habang kumukuha si Jonas ng tubig ay nagsalita si Jesse. "Jonas, galit sa kin si Itay."

"Panaginip lang yun Jesse. Hindi totoo ang panaginip. Sabi nila kabaligtaran daw ang ibig sabihin ng panaginip." Binigay ni Jonas ang isang baso ng tubig kay Jesse.

Sumimsim muna si Jesse bago nagsalita. "Sana nga Jonas. Teka, anong oras na ba?" Sabay pa silang napatingin sa wall clock. "Hindi na ako matutulog Jonas. Bababa na ako."

"May isang oras pa. Ise-set ko na lang ang alarm clock." yaya ni Jonas para matulog pa.

"Hindi na. Baka bumalik lang yung panaginip ko. Ikaw na lang ang matulog. Gigisingin na lang kita. Ihahanda ko na rin ang mga gagamitin mo."

"O sige, pero kiss mo muna ako."

Madiin ang ibinigay na halik ni Jesse sa labi ni Jonas.
-----

"Grabe ang laki ng pinagbago ni Sir James. Ilang linggo nawala. Tapos ayan, ang bumawi sa trabaho." tsismis ng isang empleyada.

"Oo nga eh. Hindi na tulad ng dati na kapag binabati mo, tumatango. Tapos minsan ngumingiti. Grabe ang pogi" tili naman ng isang babae.

"Ay naku! Wala ng ganyan kay Sir."

"Oo, serious na siya ngayon. Pero pogi pa rin. Walang kupas."

"Oo naman noh. Pero ang ipinagtataka ko lang, bossing tapos naroon sa supermarket nagbabantay sa mga empleyado?"

"Oo nga eh. Parang gusto yata pati na rin siya bodyguard na rin." sabay tawa.

"Hindi lang yun, may nagtsismis na minsan na rin siyang nag-pack ng mga items pagkatapos bilangin sa counter. Grabe."

"Oo nga. Ewan ko ba. Parang kailangan na nating magseryoso sa pagtatrabaho. Parang laging nandyan ang mga mata ni Sir James nagmamasid. Naalala mo yung napaalis kahapon lang. Napansin lang na nakatulala, tinanggal na agad."

Biglang kinabahan ang isang babae. "Oo nga, dali balik na tayo sa trabaho baka may mata si Sir James dito."
-----

www.facebook.com/bgoldtm
(official fanpage on facebook)

3 comments:

RJ said...

sa tanong mo sir, hindi pa hehe.

tama rin sa tingin ko yung ginawang pagtatapat nila Jesse. at least nga marami pang panahon yung mga magulang niya para pag isipan yung relasyon nila.

basta, ang ganda ng relasyon nitong dalawa.kaya bawal ang hadlang :D


ingat sir :)

Anonymous said...

kawawa nman dad ni Jesse.. :(

sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-comment.. hehehe.. don't worry lagi naman akong nagbabasa ng mga kwento mo..

really nice..

God bless.. -- Roan ^^,

robert_mendoza94@yahoo.com said...

masakit na mahirap! masakit dahil d matanggap ng tatay ni jesse ung relasyon nila, masarap kc solid ung pagmamahalan ng dalawa at both handang ipaglaban un. . . so nice aman. tnx po.