Followers

CHAT BOX

Friday, November 18, 2011

TRUE LOVE WAITS (Last Crescent Moon) Chapter 5



Thanks R.J. and Blue

***

Naka-inom na ng gamot si Jesse pero parang hindi iyon tumalab. Pinilit niyang ipagpatuloy ang trabaho kahit iba na talaga ang kanyang nararamdamang sakit.

"Jesse, nag-aalala ako sayo." sabi ng katrabaho ng maibot sa kanya ang kahon.

"Ok lang ako." malumanay na sagot ni Jesse. "Baka bukas hindi mo na ako makita kapag hindi ko ito tinapos." biro pa niya.

"Bahala ka na nga."

Ipinagpatuloy nila ang trabaho. Saka lumitaw si Justin ang kanilang boss.

"Huwag hayaang bumagsak." si Justin at napatingin kay Jesse. "Parang lalambot-lambot ka?"

Walang balak si Jesse na sumagot pero mukhang gusto pa yatang mag-tanong ng kanilang boss dahil lumapit pa ito sa kanya.

"Ay Boss..." singit ng katrabaho ni Jesse. "Kanina pa pong umaga sumasakit ang ulo niyan. Ayaw lang magsabi dahil natatakot matanggal."

"Shhh..." saway agad  ni Jesse. "Sir, hindi po totoo yun. Ok lang po ako." Pero hindi niya magawang tumingin ng diretso dahil bahagyang umiikot ang paningin niya. Naghintay siya ng sagot pero katahimikan ang namutawi sa kanilang boss.

"Ipagpatuloy nyo na yan." saka sinabi ni Justin. Pagkatapos ay tumalikod na ito.

Nang maka-alis na ang boss, "Ikaw talaga. Pinapahiya mo pa ako." si Jesse. Hindi naman galit si Jesse sa ka-trabaho sa ginawa nito pero nainis talaga siya.

"Hindi naman. Gusto ko lang malaman niya na may dinaramdam ka."

Dahil sa sagot na iyon, parang nahimasmasan si Jesse mula sa inis ay kailangan pala niyang ma-appreciate ang ginawa ito. "Hayss, pasensiya na ah. Nagulat kasi ako kanina. Hindi inisip na ibubuko mo ako. Salamat na lang. Pero tignan mo hindi ako pinansin."

"Eh ano, basta alam niya. Para kapag hindi ka naka-pasok bukas, alam na niya na dahil may sakit ka."

"Ganoon ba iyon." natawa si Jesse.

"Oo."
-----

"Hindi ko dapat isiping may sakit ako. Hindi ko ipapakita kay Jesse na nalulungkot ako. Hihintayin ko siya sa bahay tapos sosorpresahin ko siya. Bibili ako ng pagsasaluhan namin. Magdidiwang kami. Papasayahin ko siya. Gagawin ko lahat mapaligaya ko lang siya." Ito ang sunod-sunod na binitiwan ni Jonas habang lulan ng sasakyan patungo sa restaurant sa harap ng 3J supermarket na pag-aari ng kuya Justin niya.

Noong huling punta kasi nila Justin at Jesse doon napag-kwentuhan nila ang sarap ng lutuin kaya sinabi nilang kapag gusto nilang kumain sa labas doon na lang sila pupunta. Ngayon, ang naisip ni Jonas ay umorder para ihanda sa pagdating ni Jesse.

"Dapat lang na maging masaya kami ni Jesse."

Maya-maya pa ay narating na niya ang parking lot ng restaurant na iyon. Hapon na sa oras na iyon. Pagkababa niya ng saskyan, hindi niya intensyong tumingin sa kabilang kalye kung saan nakatayo ang 3J supermarket ng kuya niya nang mapansin niya ang patawid.

"K-kuya?" Biglang nataranta si Jonas. Balak sana niyang bumalik sa loob pero huli na para niya gawin iyon. Nakita niyang kinawayan siya ng kanyang kuya. Nakita na pala siya nito. Napa-buntong hininga na lang siya at hinintay itong maka-lapit.

"Jonas!" Humihingal pa si Justin nang makaharap ang kapatid. "Saan ka ba nagpupunta? Bakit bigla ka na lang nawala?"

"K-kuya..." hindi alam ni Jonas kung paano magpapaliwanag o mag-aalibi sa kanyang kuya.

"Anong gagawin mo rito? Kakain ka ba dyan? O makikipagkita ka talaga sa akin? Bakit dito mo pinarada ang kotse mo? Malawak ang parking lot sa kabila. O hindi talaga ako ang sadya mo? Jonas..."

"Kuya, pasok na muna tayo sa loob." yaya na lang ni Jonas sa kuya niya sa loob ng restaurant. Tingin niya ito na rin ang tamang panahon para magtapat siya sa kanyang kuya. Inisip na lang niyang talagang pinagtagpo silang dalawa ngayon para makapag-usap.
-----

Nauna si Jonas na pumasok habang kasunod ang kanyang kuya Justin. Si Jonas na rin ang pumili ng lamesa para sa kanila. Ang napili niya ay yung malayo sa karamihan. Gusto na rin niyang magkausap na sila ng kanyang kuya. Gusto niyang malaman na nito kung anong mayroon siya at matanggap nito kung ano ang gusto niya.

Sabay pa silang umupo. Saglit pa ang bumilang nang ang katahimikan ang nanguna. Si Justin na lang ang bumasag sa doon.

"Ang iniisip ko, kaya mo ako uli iniwan dahil nagalit ka sa akin sa ipinakita ko sayong ugali noong kasalukuyang nagdadalamdahati ako kay Dad." malungkot na sabi ni Justin sa kapatid.

Sasagot na sana si Jonas nang dumating ang waiter. Nagsabi si Jonas na kape lang ang sa kanya. Walang hiniling si Justin.

"Hindi naman kuya. Pero," sagot niya pagkatalikod ng waiter. "...humihingi ako ng tawad nang iwan kita dahil may gusto rin akong gawin kaya, minabuti ko na ang umalis. Pinagbilin na lang kita kay Aling Koring."

"Gaya nga ng pagkakasabi sa akin ng yaya mo."

"K-kuya..." Gusto nang magsimula ni Jonas na magtapat sa kanyang kuya. Pero parang may gusto rin sabihin ang kanyang kuya sa kanya. Nakikita niya iyon sa mga mata nito.

"Hindi ka pa ba uuwi?" nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Justin.

"Kuya..."

"Jonas, nag-iisa na lang ako. Hindi ibig sabihin na kaya kong kumain ng sagana araw-araw ay masaya na ako. Bakit hindi ka pa sa bahay mag-stay?" napayuko si Justin. "Nangungulila ako..."

"Kuya, may sarili na akong buhay." Kahit naawa siya sa kanyang kuya Justin mas pinili pa rin niyang huwag magpakita ng kahit anong damdamin. Pinipilit niyang maging matatag.

"Bakit? May asawa ka na ba?" Pinakatitigan ni Justin ang kapatid. Para bang makikita niya ang kasiguraduhan ng tanong niya sa mukha ni Jonas. "Malaki, malawak ang bahay natin Jonas. Bakit hindi mo na lang siya doon isama. Itira, para magkakasama tayo. Mas magulo mas masaya."

Napangiti si Jonas sa sinabi ng kanyang kuya. Isa iyon sa maari niyang panghawakan para maipakilala sa kanyang kuya si Jesse. Nagkaroon siya ng lakas ng loob para sabihin ang kinakasama. "Oo kuya, may kasama na ako sa buhay. Nagsasama na kami."

Dumating na ang inorder na kape ni Jonas.

"Bakit hindi mo ipakilala sa'kin? Gaya nga ng sabi ko pwede kayong tumira doon. Walang problema."

"Pero kuya..." parang gustong umatras ni Jonas. Napahigop muna siya ng kape. Hindi kasi niya masabing kapwa lalaki ang kinakasama niya.

"Ano? Anong problema? May anak na ba kayo o ano... sabihin mo. Ok lang sa akin basta mahal niyo ang isa't isa, Kahit ano pa yan. Jonas."

"Nagpapasalamat ako kuya sa gusto mong mangyari pero..." napa-buntong hininga si Jonas.

Hinawakan ni Justin ang isang kamay ng kapatid. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin ng mga taong nakapansin sa ginawa niya. "Jonas, ang gusto ko lang, huwag ka ng lumayo. Tayo na lang ang magkasama. Lahat ng kamag-anak natin ay malayo na at may sari-sariling buhay. Tayo na lang ang magkasama. Iiwan mo pa ako? Kaya pakiusap kapatid ko. Kung ano man ang nagiging hadlang, mapag-uusapan natin yan. Kuya mo ako di ba. Kilala mo ako. Lagi kitang iniintindi dahil mahal kita. Pakiusap."

"Kuya bakla ako." tuwirang sabi ni Jonas. Pati siya ay narindi sa sinabi niya. Hindi niya sigurado kung narinig ba iyon ng kanyang kuya. "Bakla ako kuya, bakla ako." pag-uulit niya sa malumanay sa pananalita. "Lalaki ang kasama ko."

Napa-urong ang kamay ni Justin mula sa kamay ni Jonas. Nabigla siya sa narinig mula sa kapatid. Hindi iyon ang iniisip niya sa kapatid. Wala siyang alam. Naglalaro ang mga bagang niya sa narinig. "P-papaano..."

"Matatanggap mo pa ba ako?" nagsimula nang mangilid ang mga luha ni Jonas. Nakikita niya sa mukha ng kanyang kuya ang pagka-dismaya. Pero nanatiling tahimik ang kanyang kuya sa tanong niya. "Sabi na. Sabi na nga ba. Kaya nga ba ayaw ko sabihin sayo. Alam ko na hindi mo magugustuhan."

"Bakit hindi ko alam?" tanong ni Justin sa mataas pero mahinang tono.

Ramdam ni Jonas ang pigil na galit ng kanyang kuya. Kahit papaano ay natatakot din siya sa kanyang kuya. Napa-isip din siya sa tanong ng kanyang kuya. "H-hindi ko rin alam."

"Papaanong hindi mo alam."

Tipong napipilitan lang si Jonas magpaliwanag. "K-kailan lang kami nagkakilala. Pero sapat na iyon na iyon para masabi ko at sigurado akong mahal ko siya."

Nasapo ni Justin ang kanyang noo. "Jonas! A-anong nakain mo? Hindi ka naman ganyan dati?"

"Kuya ito ako. Ako 'to. Ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Masaya na ako."

Naghagilap ng hangin si Justin. Hindi niya maunawaan ang mga sinasabi ng kapatid. Kung hindi niya ginawa ang huminga ng malalim baka hindi niya mapigilan ang sariling lumabas ang galit. "Nagbibiro ka lang Jonas. Ayaw mo lang na makasama ako. Gusto mo lang gumawa ng kwento para magalit ako sayo."

"Totoo ang sinasabi ko kuya."

Kulang na lang madurog ang mga bagang ni Justin sa kaka-tiim bagang. "Hindi ka bakla Jonas."

"Hindi na magbabago ang isip ko." Tumingin si Jonas sa labas ng restaurant. Parang natatanaw niya si Jesse. "Ganun din ang puso ko. Mahal namin ang isa't isa. Masaya na ako roon."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Jonas."

Napa-tingin siya si Jonas sa kanyang kuya. "Paanong hindi ko alam kuya. Ako may hawak ng pag-iisip ko kaya alam kong mahal ko siya."

"Pera lang ang habol sa iyo nang taong iyon. Maniwala ka sa akin."

Naningkit ang mga mata ni Jonas. Nasaktan siya sa sinabi ng kanyang kuya. "Ikaw ang hindi nakakaalam sa mga sinabi mo kuya." Dumukot si Jonas sa kanyang pitaka ng sapat na halaga para sa inorder na kape. Nang mailapag iyon sa lamesa ay agad-agad tumayo para umalis. "Kuya, maraming salamat." Pinilit niyang ngumiti. Iniwan niya ang kanyang kuya na tahimik na pinaninindigan ang mga sinabi.

Talagang nasaktan ng sobra si Jonas sa huling salitang binitiwan ng kanyang kuya. Siya lang ang nakakakilala kay Jesse kaya walang karapatang husgahan ng kanyang kuya si Jesse. "Hindi ganoon si Jesse." Saka niya pinaandar ang sasakyan. Napansin niya sa side mirror ang paghabol ng kanyang kuya. Pero hindi na niya ito pinansin.
-----

Naka-uwi si Jonas na masama ang loob. Masama ang loob dahil hindi sila nagka-intindihan ng kanyang kuya Justin. Pero ang higit pa roon, hindi niya nagawa ang balak niya. Balak sana niyang bumili ng pagsasaluhan nila ni Jesse sa restaurant kanina. Nang maipark na ang kanyang kotse ay agad siyang umakyat sa kanyang kwarto para magpahinga.

Hinubad niya ang kanyang suot maliban sa panloob at saka dumapa sa kama. Doon niya tahimik na nilabas ang sama ng loob. Hanggang sa makatulugan na niya.
-----

Hindi magawang mag-concentrate ni Justin sa binabasa sa loob ng kanyang opisina. Maya't maya siyang napapa-asik sa kawalan kapag naaalala ang kaninang pag-uusap nila ni Jonas.

"Sir James, gusto niyo po ba ng kape?" tanong ng kanyang secretary.

Napatitig si Justin sa kanyang sekretarya bago sumangayon. Nasapo niya ang kanyang noo. Huli na kung pumasok sa utak niya ang sinabi ng kanyang sekretarya. Napatingin siya sa kanyang relo.

"Ano naman ang gagawin ko sa bahay? Ayoko pa umuwi, pipilitin kong abalahin ang sarili ko dito. Kailangan ko para makalimot."
-----


Hindi na talaga kinaya ni Jesse ang sarili. Minabuti na niyang manahimik sa isang sulok at doon magpahinga. Ito na rin ang sinabi ng mga katrabaho niya. Tutal wala naman daw si Sir James, kaya kunin na daw niya ang sandali na makapag-pahinga.

"Maraming salamat sa inyo ha?" si Jesse nang makaupo sa isang tabi.

"Ikaw naman kasi, sinabi na sa iyong pwede ka namang maghalf day..."

"Baka matanggal ako. Kailangan ko pa naman ng pera."

Natawa ang katrabaho ni Jesse. "Lahat tayo kailangan ng pera pero sana naman isipin din natin ang sarili natin. Mas lalo tayong mawawalan ng pagkakataong makapaghanap ng mapagkakakitaan kung hindi natin bibigyan ng pansin ang kalusugan natin."

Tinamaan si Jesse sa sinabi ng katrabaho. "Oo alam ko. Pero, ngayon lang naman nangyari sa akin 'to. Kaya akala ko kaya ko."

"Sige ikaw, sabi mo eh. Oh balik na ako sa trabaho, kaunting oras na lang makaka-uwi na rin tayo."

"Pero kapag napansin nyo si Sir James, sabihan niyo agad ako ah." pahabol ni Jesse.

"Oo. Ikaw talaga takot matanggal." sabay tawa ng katrabaho.

Napa-ngiti na rin siya.
-----

Nagulat si Jesse nang bulungan siyang pwede na silang mag-out.

"Nakatulog pala ako." sa isip ni Jesse. Pero nang pilitin niyang tumayo, naramdaman niyang hindi niya kaya. Nanlalambot siya. Masakit ang mga kalamnan niya. Nahihilo siya. Wala nga pala siyang kinain kanina.

"Alalayan kitang makatayo." sabi ng katrabaho.

"Sige, salamat ah."

"Sa locker room ka ba dederetso?"

"Oo, kukunin ko gamit ko doon bago umuwi." nahihilong sagot ni Jesse.

"Sige, sabay na tayo."

"Salamat uli."
-----

Gaya pa rin kanina, hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Jesse. Minabuti muna niyang maupo uli sa inupuan niya kaninang tanghali. Wala na ang katrabaho niya dahil may sumundo dito. Balak sana siyang ihatid sa kanila pero tumanggi na siya. Sasaglit lang siyang magpahinga bago umuwi ang sabi niya sa katrabaho niya.

Nakasandal si Jesse sa pagkakaupo habang nakapikit. Halata sa kanyang may karamdaman ng mga nakakakita.
-----

"Saan ako pupunta?" ito ang tanong ni Justin sa sarili nang buksan niya ang pinto ng kotse. "Ito na naman ako... parang walang patutunguhan."

Nang maayos nang naka-upo, sinimulan na niyang buhayin ang sasakyan. Muli siyang napa-buntong hininga nang magbalik sa kanyang isipan ang kapatid. Bahagyang tinapik niya ang manibela ng kanyang kotse sa inis. Tumingin siya sa side mirror kung may dadaang ibang sasakyan bago niya ito ilabas sa pagkakapark nang mapansin niya si Jesse na naka-upo. Alam niyang may sakit ito. Hindi lang niya ito pinansin kanina dahil wala naman itong sinasabi.

Kahit papaano ay nakaramdam din siya ng awa. Napa-buntong hininga siya saka pinakiramdaman ang paligid.
-----


www.facebook.com/BGOLDtm
follow this official fan page on facebook or

www.twitter.com/BGOLDtm
follow this official twitter account. THANK YOU!!!

5 comments:

RJ said...

:( tingin ko, oras lang ang kailangan ni justin. pero sana hindi yung huli na ang lahat. mukha kasing doomed na si jonas e.

nice one sir. :) though malungkot nga lang talaga yung kwento hehe. pero maganda naman. saka ganun naman talaga ang buhay e.

Gerald said...

Jonas will die eventually. Justin hates Jesse 'coz he believes that he's a user and only after his brothers wealth but eventually (eventually... Parrot ba? O unli lang?) fall-in love with jesse. But Jesse will try to supressed his fellings for this arrogant and judgemental hunk. So the typical and common twists and turns. Hahaha

sori po. Sana mali ako. Anyways, regards.

gener said...

i think magkakaroon din ng ugnayan sila james at jessie

Anonymous said...

me super like it and loved it as well.. hehehe

great..!!

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

super galing talaga... naku kapag nalaman ni justin ang lahat na si jesse ang kasintahann ni jonas....naku laking gulo... at baka mag kagusto rin si justin kay jesse bago nya malaman...love triangle ang mangyayari...

ramy from qatar